Pages

Wednesday, March 29, 2017

Sigaw ng Pugad Lawin (Part 22)

By: Bobbylove

Love is… accepting differences!

I never had the chance to write a concrete list of qualities I expected in a partner… I grew up believing in fairytales.., the reason (maybe) kung bakit I always carry the idea na kapag ang dalawang tao ay nagmahalan, they meant to complement each other like a piece of puzzle…

Akala ko… sobrang dali lang nung destiny… yung parang story ni Cinderella… when the grand duke slid the slipper on Cinderella’s foot and fit perfectly? “BWALA” her life had changed! May instant papa na! mag bubuhay prinsesa pa!

 Pero hindi… hindi ganoon kadali… para yung si Prince Eric na nagpakasal sa isang taong isda! O si Belle na inibig ang isang halimaw! Hindi lang nila minahal yung tao… pero minahal nila yung kaakibat nitong flaws at personal differences…

Successful relationships doesn’t require a couple that suits together… It needed a couple willing to embrace each other’s differences.

Marami akong kilalang couple who ignored their differences in hopes that they could eventually learn to think and believe the same way… pero hindi naging effective eh… nagmahal – nag-away – Naghiwalay! lang din ang drama nila…

OO! yung mga personal differences ng mga taong nagmamahalan? Sapat na rason na iyon para magpaalam sa isa’t-isa at mag move on. Pero kung talagang tunay na pagmamahal iyon? Pareho niyong pangangatawanan ang pananatili sa piling ng isa’t-isa at sabay na kikilalanin ang inyong mga kaibahan at mahalin ito sa halip na maghanap ng xerox copy niyo. Tandaan mo! We need not to think alike to love alike!

For me, love is not about finding yourself in someone else. It’s about being able to accept what you are and what you are not! And who he is and who he is not! And bending to grow together. Mahirap… pero lahat ng magagandang bagay ay pinaghihirapan…

(Sorry sa grammar… Im not an expert… naintindihan naman ang idea diba? lol)

*************************
Madalas ay sabay kaming umuuwi ng best friend ko since may motor siya at pareho naman ang daan namin pauwi, (gaya nga ng sabi ko, mukha kaming mag jowa! Hindi kami naghihiwalay nun!). Pero noong araw na dumating si kumag ay na iba ang usual na gawain namin tuwing uwian, pinakilala ko lang sila sa isa’t-isa saka nag paalam kay Anthony na hindi na ako sasabay. Siyempre bisita ko si kumag I should show him the General’s version of Pinoy hospitality (Char!).

If you would ask kung paano yung first meeting ni Kumag at Anthony? Well, okay lang… hindi naman naging super fan yung best friend ko unlike nung mga kasama ko sa office na mukha’ng noon lang nakakita ng gwapo (It may sound funny and exaggerated pero totoo po… kumag was like an instant celebrity sa mga orgmates ko…). Kinamayan lang nila ang isa’t-isa hindi man lang nag-usap at yun na yun! Noong time na yun hindi ko pa nasasabi kay Anthony na nililigawan na ako ni Kumag. Alam na niyang bakla ako pero hindi niya alam na nagpapaligaw na ako… bago siya umalis ay binigyan lang ako ng best friend ko ng isang makahulugang tingin yung parang sinasabi na… “Mag-uusap pa tayo sa susunod ha! May kailangan ka atang aminin sa akin! Hayop ka!” malamang dahil yun sa nakita niyang pagyakap sa akin ni kumag at kung paano kami tukso-tuksuhin ng mga tao sa loob ng office pati na yung mga nakasama namin sa Manila.

******

“So… chard what brought you here?” casual ko’ng tanong. Honestly hindi ko lang talaga alam kung paano siya aayain sa bahay. Isa pa, nasa teretoryo ko kami… maraming nakakakilala sa akin at malamang lahat yun mag tatanong kung sino siya at kung ano kami…

“My heart!” nakangiti niyang sagot.

“Sira ulo ka! Umuwi ka na! Uuwi na ako!”

“Boss? Sunday pa ang balik ko sa Manila! Hindi ako makakauwi… saka.., gusto kita makasama boss…” nanlaki ang mga mata niya habang ang mga labi ay mukhang natataranta sa kung ano ang isasagot. Ang cute!

“Oh? Nasaan mga gamit mo?”

“Nasa ______ hotel… nag check-in na ako bago pa pumunta dito…”

“O! Ayun naman pala! Malapit lang yun… sumakay ka ng tricycle makakarating ka na doon. 8 pesos lang yung pamasahe ha! Baka singilin ka ng malaki…” saka ako nag lakad palayo. Naiwan lang siya’ng nakatayo malapit sa gate ng school ko.

Sinadya ko’ng bagalan ang paglalakad; wala naman kasi talaga ako’ng balak na iwanan siya doon. Ang goal ko naman talaga noon ay ang sumunod siya sa akin. Siyempre nasa lugar ko siya at responsibilidad ko siya; ang sarap lang kasi niya’ng biruin noon at ang sarap magpasuyo sa kanya.

Ilang dipa nalang ang layo ko mula sa kanto kung saan ako naghihintay ng masasakyan pero wala pa ring kumag na sumusunod. Ang totoo’y na te-tempt na akong lingunin siya pero pinipigilan ko dahil ayaw ko’ng matalo sa sarili ko’ng ginawang drama. Mas binagalan ko pa noon ang paglalakad at nag kunwari nalang akong nag tetext.

Maya-maya’y nakarinig nalang ako ng malakas na sigawan na noong humupa’y napalitan ng galit na boses ng isang mama. Paglingon ko’y nakita ko si kumag nasa kalsada at sinisermunan ng galit na tricycle driver. Naka tayo lang siya at wari ko’y humihingi ng tawad sa driver.

Patakbo akong lumapit sa kanya… noong marating ko siya’y siya namang alis ng nagaalburuto’ng Mama. Inakay ko siya sa gilid ng kalsada saka tinanong kung ano’ng nangyari.

“Muntik niya ako’ng mabundol Boss… tapos siya pa yung galit!” seryoso yung mukha niya na parang batang nagsusumbong.

“Baka naman kasi tatanga-tanga ka sa pagtawid!” aaminin ko, kinabahan at nag alala din ako noong ma realize ng katiting ko’ng utak ang nangyari. Kung nag kataon na may nangyaring masama sa kanya hindi ko mapapatawad ang sarili ko. Gayun pa man, gusto ko’ng maging kaswal sa kanya… ayaw ko’ng ipahalata ang nararamdaman ko.

“Eh… malayo ka na eh…” hirit niya habang nagkakamot ng ulo na hindi man lang nagbabago ang expression ng mukha.

Hindi ko na noon napigilan na matawa sa mukha ni kumag, nakakaaliw kasi yung painosente niyang itsura. Halata rin yung kaba niya na pinagmukha siyang fragile na malayo’ng malayo sa lalaking nakilala ko sa manila.

“Sige pagtawanan mo pa ako... muntik na nga akong mamatay!” tunog nangungunsensya ang boses.

“Patay agad?!” mas lalo ko pa siyang pinagtawanan. “Kadiri kaya yung diyan ka namatay!”

He gave me a quizzical look.

“Siyempre! Imagine bukas laman ka ng mga balita sa mga tabloid at local news! Headline… Lalake’ng taga maynila patay! Matapos mabangga ng tricycle! See? Mamamatay ka na nga lang tricycle pa yung nakapatay sayo!” paliwanag ko.

“Hindi naman ganoon eh! Hindi tricycle!” nagsimula na rin siyang humakbang sunod sa akin.

“Lalake’ng taga maynila patay! Matapos mabangga ng tricycle dahil sa pagsunod sa taong mahal niya!” dugtong niya na ina-action pa ang sinasabi gamit ang mga kamay.

“Tangek! Minamahal niya’ng bakla!” hirit ko.

“Ano naman ngayon!?”

“Mapapanood yun ng lahat! Nasisi na ako! Pinandirihan ka pa nila!”

“Edi sila yung tanga! Suntukin ko sila eh!” pamacho’ng hirit ni Richard.

“Oh? Tapang mo eh ano? ‘di mo nga sila mapagsasabihan eh…” weird.., pero noon naisip ko si Jude. Ganoon din magsalita si loko eh! Pero sigurado ako’ng gagawin niya yun at hindi puro salita lang.

Natahimik siya saglit. Tiningnan niya ang mukha ko. Saka nagsalita ulit “Mumultuhin ko nalang sila!” sabi niya na siyang nagpatawa ulit sa akin.

Tumigil kami sa kanto kung saan ako sumasakay. “Doon ka sa tawid sumakay chard!” sabi ko sabay turo kung saan siya magaabang ng tricycle. Mukhang confuse ang itsura niya noon kaya sinabi ko nalang na, “Gusto mo ba’ng ako nalang pumara ng tricycle para sa iyo?”

Tahimik siya. Tiningnan lang niya ako diretso sa aking mga mata, mukhang sinusubukan na naman akong daanin sa charm niya.

“Boss?”

“Uhm?”

“Boss… Uuwi naman ako mamaya eh… pero pwede ba’ng samahan mo muna ako ngayon?”

“Saan?”

“Kahit saan! Gusto lang kita makasama boss…”

“Gabi na eh! Hinihintay na ako sa bahay…” pakipot pa rin ako kahit na ang totoo’y na text ko na ang Mama ko na magdadala ako ng bisita sa bahay at malamang naghihintay na rin ang mga iyon at nakapaghanda na ng hapunan.

“Dinner!” malakas niyang naibulalas. “Dinner lang tayo.., saglit lang!”

“Sa bahay ako kakain eh… naghihintay nga mga magulang ko…”

“Saglit lang boss…” tunog nagmamakaawa.

Noon ay pumasok sa isip ko na ipa experience kay kumag yung mga bagay na pakiramdam ko’y hindi niya pa nagagawa o nasusubukan. Yung tulad ng madalas na mangyari sa mga teleserye, sa tuwing sinusubukan ng isa na umapak sa mundo ng isa? Basta lahat ng naiisip mo’ng corny ngayon, yun yun!

“Okay. Dinner tayo pero ako ang taya!”

“Sure!” excited niya’ng sagot.

“Kaya mo pa’ng maglakad? Medyo malayo yung kakainan natin…” sabi ko’ng hinahamon ang capacity niya. Balak ko siyang dalhin sa plaza kung saan merong mahabang hanay ng mga tindahan ng street foods. Hindi naman ako laging pumupunta doon dahil malayo at may mga nagbebenta naman ng street foods sa labas ng school namin. The thing is, palagay ko’y sa pupuntahan namin ay makikita niya ang totoong GENSAN; doon kasi nagtitipon ang mga ‘Generals’ from different walks of life.., and it would be a good avenue for me to let him see na magkaiba ang mundo namin. Magandang test din iyon kung kaya ba niya’ng sumabay sa mundo ko.
   
“Okay ako basta kasama ka!” masaya niyang sagot.

**************

Noong marating namin ang plaza ay agad ko’ng itinuro sa kanya kung saan kami kakain. Halos hatakin ko na siya noon palapit sa mga tindahan ng street foods habang sinasabi sa kanyang “Alam ko first time mo itong matitikman! Kaya gusto ko tikman mo’ng lahat!”

Agad akong lumapit sa food cart ng paborito ko’ng fried shomai. Nakasunod lang pa rin si kumag na sobrang laki ng ngiti. Sa isip ko, malamang pinagiisipan na niya kung kakainin ba niya lahat ng nakikita niya tulad ng tinuran ko… nandidiri siya pero ayaw ipahalata… magtatagumpay ako!!!

Tumusok ako ng isa mula sa basong lalagyan gamit ang stick saka inilapit sa bibig niya. Nakangiti lang pa rin siya at dahil sa mga ngiting iyon ay hindi ko na mabasa kung ano ba ang tumatakbo sa isip niya. “Nga-nga na! Minsan ka lang makatikim ng ganito kaya subukan mo na! Hindi naman nakamamatay eh…” masaya ko’ng hirit.

Binuka niya ang kanyang bibig saka mabilis na sinubo ang shomai sa stick na hawak ko. “Masarap nu? First time mo ito diba?” hirit ko uli. Pero sa halip na sumagot ay mabilis niyang inagaw ang hawak ko’ng baso saka nilantakan ang laman nung shomai. “Ikaw taya diba? Gusto ko ng kwek-kwek!” sabi niyang halos hindi maintindihan dahil sa sinabay niya iyon sa kanyang pagnguya.

“Kwek-kwek?”

“Ikaw ata yung first time makakain ng ganito eh! Yung kulay orange na bilog-bilog!” pagyayabang niya.

“Alam ko!” bulyaw ko. “Kumakain ka nun?”

“Oo naman! May ganito din malapit sa school namin lagi nga kami dun eh!” pagyayabang niya ulit. “Feeling mo naman kayo lang ang may ganito?! May kwek-kwek din kami hoy… pati squid ball, kikkiam at fish ball na pareho lang ang lasa!” tumawa siya.

Natahimik ako. Hindi ko kasi inaasahan na kumakain siya nun.

“Boss! Kwek-kwek ko?” simula niya ulit.

“Edi bumili ka!” naasar ko’ng sagot (pahiya ako eh!). Naiimagine ko kasi yung tulad ng sa mga teleserye o pelikula yung pasusubukan ng mga mahihirap na bida yung mga pagkaing kalye sa mayaman niyang leading man; tapos medyo pipilitin pa ng bida yung lalake dahil sa first time niyang matikman yun at medyo nagdadalwang isip pa sa kalinisan ng pagkain. Pero palpak eh! Masiba ang leading man ko! Kahit ano kinakain!

“Ikaw ang taya eh! Diba sabi mo?!” ngumunguso-nguso niyang sagot. Ang cute niya kaya binilhan ko na. (Loser ako!)

Sampung piso ang tatlong piraso ng kwek-kwek, singkwenta ang pera ko kaya bumili na ako ng limang tag tatatlo; sa nakita ko’ng gana niya’ng kumain ng street food nung lantakan niya ang fried shomai ko ay alam ko’ng kaya’ng kaya niya’ng ubusin yun.

Agad ko’ng inabot sa kanya ang limang baso saka nag simulang maglakad papasok sa plaza. Nagsimula ko’ng tanawin ang lugar na iniilawan lamang ng mga lamp post upang maghanap ng maaari naming upuan. Pero sa dami ng taong naroroon ay occupied na lahat ng bench, hindi naman kami maaring maupo sa damuhan dahil mahigpit na ipinagbabawal yun noon. Habang abala ang mga mata ko sa kakatanaw ay narinig ko’ng tinawag niya muli ang pangalan ko. Nung lingunin ko siya’y hawak niya sa isang kamay ang mga basong may lamang kwek-kwek, habang hinaharang siya ng mga batang badjao. Madalas doon ang mga batang yun para manghingi ng pera o kaya’y pagkain… at nung gabing yun ay hindi nakaligtas si kumag sa kanila.

Nakakatawa ang itsura niya na halatang noon lang naka encounter ng mga namamalimos na astig, yung tipong manghihingi pero mas matapang pa sayo na para ba’ng naniningil lang ng pautang. Halatang kinabahan si kumag lalo nung simula ng hablutin ng isang bata ang suot niyang polo kaya paulit-ulit niya ako’ng tinawag, pero dahil sa labis na pagkatawa ay hindi ko na nagawa pa’ng lapitan at tulungan siya. Tinuturo ng mga bata ang hawak niyang kwek-kwek, at mas nakakatawa kung paano niya ipinagdamot iyon sa mga paslit. “Hindi! Wag to!” rinig ko’ng hiyaw niya sa gitna ng mga pagtawag niya sa pangalan ko.

Ilang saglit pa’y dumukot siya ng pera sa bulsa sabay abot sa mga bata “Bili kayo doon…” medyo robotic yung pagkakasabi niya na para ba’ng confuse kung ano ang gagamiting accent para magtunog bisaya ang sinasabi niya.

“Grabe!!! Ang babata ng mga sindikato niyo dito boss!” sabi niya’ng animo’y wala lang nangyari.

“Paano kasi! Bihis na bihis ka eh maglalakad lang naman tayo dito…”

“Hindi ko naman alam na paglalakarin mo ako dito boss….” Nag giggle siya sabay abot sa akin ng isang baso.

“Ayaw ko….” nginitian ko siya. Hindi naman kasi ako gutom, saka masaya na ako’ng makita siyang masayang kumakain.

“Hmmm… Ito! Isa lang!” sabay subo ng isang pirasong kwek-kwek sa akin.

“Masarap diba? Saka sabi mo hindi naman nakamamatay eh!”

“Nakamamatay rin… pero matagal pa… pahihirapan ka muna niya…” pananakot ko.

“Ganoon?” pinagmasdan niyang mabuti ang pagkaing hawak. “Ayos lang! Mas okay namang mamatay dahil dito kaysa mabundol ng tricycle diba?”

Tawanan…

“Oo! Dahil hindi ka naman mababalita kapag namatay ka dahil diyan!” natatawa ko’ng sabi.

“Para sabay tayo!” sinubuan niya ako uli.

“Loko!”

Wala na kaming maupuan kaya inaya ko nalang siyang maglakad-lakad sa labas ng plaza.

“Takam na takam ka ah! Paborito mo talaga yan?” simula ko uli.

Natawa siya. “Hindi naman!” humagikgik siya uli. “Gutom lang talaga ako Boss… sa manila pa ata ang huli ko’ng kain eh!”

“Ahhh… kaya pala ang damot mo sa mga bata kanina!” sabay tawa.

“Madamot ka diyan! Binigyan ko naman ng pera ah!”

“Dapat pagkain nalang binigay mo. Hindi mo naman sigurado kung ibibili ng pagkain yun. Paano ko’ng gamitin nila yun sa masama?”

“Eh… basta! Hindi pwede ito’ng kwek-kwek na ito! Bigay mo ‘to boss eh…. Saka…. Ngayon mo lang kaya ako nilibre…” pagdadahilan niya.

************

Lagpas 7pm na noong i-check ko ang oras sa phone ko, may ilang text na rin ang mama ko na nagsasabing naghihintay daw sila at anong oras daw kami darating. “Chard! Uwi na ako nag text na mama ko eh…” paalam ko. Gusto ko pa rin siyang dalhin sa bahay pero hindi ko makuha ang tamang salita para ayain siya. Nauunahan ako ng hiya sa tuwing tinutulak ako ng utak ko’ng ayain na siya.

Medyo napatigil siya saglit saka luminga-linga… “Boss! Gusto ko nun!” sabay turo sa tinda ng babae sa bangketa. “Gusto ko nung suman!”

“Hindi suman yun! Pastil!”

“Basta gusto ko nun!”

“Ikaw ha! Pinapatagal mo lang ako dito eh!”

“Parang ganoon na nga boss!” ngumisi si kumag. “Pero gutom pa talaga ako boss eh…”

“Hindi nga suman yun! Kanin yun na may hinimay na ulam!”

“Oo nga! Gusto ko nun!”

“Edi bumili ka!”

“Ikaw taya diba?”

“Wala na akong pera! Saka ikaw naman ang gutom eh!”

Lumapit siya sa babae’ng tindera. Humugot ng pera sa bulsa pero bago bumili ay bumaling muna ng tingin sa akin saka sumenyas, “Boss?! Paano ko sasabihing bibili ako?”

Ilang minuto rin siguro’ng tumigil ang mundo ko… it was amazing how that guy could make me laugh in everything he does. Alam ko wala naman siyang intensiyong magpatawa, in fact seryoso siya sa tanong niya. Pero.., I don’t know, maybe it’s the way he deliver it? O yung katangahan talaga sa tanong niya… pero napangiti niya ako… actually.., napatawa niya ako…

Sa ilang oras na magkasama kami noong gabing yun, wala akong maisip na sandali’ng hindi ako masaya… napapatawa niya ako sa tingin niya… sa salita niya… sa lahat ng ginagawa niya… kahit sa sarili niyang tawa… ang saya na makitang may soft at fun side rin siya na hindi naman niya laging nailalabas. No doubt… Im liking that guy! At super confirm na, na MAHAL ko na talaga siya….

“Chard! Nakakaintindi yan! Englishin mo pa eh!”

Wala sa itsura niya yung pagiging pol-pol! Actually nung nasa manila kami, everybody admired him. Magaling mag salita si kumag na parang isang pastor, magaganda ang mga idea niya, at sobrang talino niya. Kaya ganoon nalang ang pagkaaliw ko sa kanya noon… gusto ko yung mga moments na ganoon eh… gusto ko yung other side niya… the fun side!

Ako na ang nakipag-usap sa tindera at ako na rin ang nagbayad ng pastil na gusto niya. Walang Arte niyang nginatngat ang pastil na parang kumakain lang ng suman, halatang halata na labis ang gutom na nararamdaman ni kumag.  Medyo kumakalat na rin ang kanin sa mukha niya at tila hirap rin siya sa paglantak dahil sa nakatayo lang kami.

Hinablot ko ang kinakain niyang pastil saka inayos ang pagkakabalot. “Sa bahay ka nalang kumain Chard!”

Saglit siyang napaigtad, hindi makapaniwala sa tinuran ko.

“Tara na! Sabi ko sa bahay ka nalang kumain at nagugutom na rin ako!” pag-uulit ko.

“Nandoon ang mga magulang mo diba?” blanko ang expression niya lalo na ang kanyang mga mata na madalas ay punong-puno ng emosyon.

“Oo! Naghihintay na sila kaya bilisan na natin!”

“Boss… ano eh…” nagkamot siya ng ulo. “Hindi kasi boss eh…”

“Ayaw mo?!”

“Hindi… hindi ganoon! Ano eh….”

“Ahhh… okay text ko nalang sina Mama na ayaw mo silang makilala…”

“Ipapakilala mo ako?!”

“Oo…” nginitian ko siya. “Pero… ayaw mo eh!”

“Wala naman akong sinabing ayaw ko Boss… ano kasi eh…” noon ko nabatid na kinakabahan siya.

“Ano?!”

“Hindi ako ready eh… Hindi ako nakapaghanda… paano kung ma disappoint ko sila?”

“So, ayaw mo nga?”

“Hindi! Gusto ko… pero dapat pinaghahandaan yun eh! Bago ako pumunta dito bilin ni Mommy i-impress ko yung parents mo… mai-impress ba sila sa akin ngayon Boss?”

“Teka? Anong impress impress?! Kakain ka lang naman sa bahay ah!”

“Boss! Nanliligaw ako… at alam ko kailangan ko rin ligawan yung pamilya mo… handa naman ako doon eh… pero hindi ngayon!” bakas na ang pagaalala sa mukha niya.

“Eh.., naduduwag ka pala eh… wala ka pala eh! Hanggang salita ka lang!” panunudyo ko sa kanya.

“Hindi ako magsisinungaling Boss… naduduwag ako sa lahat ng bagay na involve ka!” nangungusap ang mga mata niya ramdam ko ang sinsiridad niya… noon ay sobrang pinagsisisihan ko ang mga nauna ko’ng sinabi. Hindi ko mapigilang kilabutan at kiligin sa mga sinasabi niya, lahat ng salitang yun ay tumagos sa puso ko. “Boss… kung harapin ko ang mga magulang mo ngayon? Tapos nag kalat ako? Paano nila ako magugustuhan? Paano kung…, ayaw na nila sa akin para sayo? Hindi ba nakakaduwag yun Boss?!”

“Chard? Nag o-over think ka eh!” pinilit ko’ng tumawa para ma lighten yung nangyayari. Saka ang weird kasi noon, sa daan kami ng uusap at lahat ng napapadaan sa amin ay nililingon kami… iniisip siguro na baka may nag sho-shoot na teleserye. “Kakain ka lang! kakain lang tayo hindi ka naman manliligaw eh…” medyo hininaan ko yung salitang ‘manliligaw’.

“Pero boss…”

“Chard… please…”

“Boss…”

“Diba gutom ka? Alam mo bang nagluto yung Mama ko ng hapunan para sa atin? Ano kaya yung mararamdamn nila kung hindi dumating yung inaasahan nilang bisita?”

“Inaasahan nila ako?”

“Kanina pa nga nagtatanong kung nasaan na tayo eh…”

“Pero boss…”

“Wag ka na nga’ng mag-alala magugustuhan ka nila…” gusto ko pa sanang sabihi’ng magugustuhan siya ng pamilya ko tulad nalang kung paano ko siya nagustuhan… na hindi niya kailanga’ng mag paimpress para makuha ang boto ng pamilya ko tulad nalang ng pagkuha niya sa puso ko.

“Eh ikaw? Gusto mo na ba ako ulit?” ngumiti ang damuho; ngiting nag papacute.

Ngiti lang ang naging tugon ko. Hindi ko na naman kasi kailanga’ng sagutin ang tanong niya dahil noon pa man ay gusto ko na siya at hindi naman nagbago yun kahit kailan. Kahit nung sabihin ko’ng ayaw ko na at pinilit ko’ng kalimutan siya? Inuuto ko lang ang sarili ko nung mga panahong iyon eh…. Dahil ang totoo ay hindi nagmaliw ang pagibig ko, sa katunayan nga ay mas lalo lang iyong naging mas matibay at yumabong.

************

Kitang-kita ang kaba ni kumag sa tricycle na sinasakyan namin. Kahit kasi namamaluktot siya sa loob dahil sa medyo mababa ang atip ng sasakyan para sa height niya’y hindi niya pa rin mapigilang yug-yugin ang kanyang mga paa, palatandaan ng pagiging uneasy niya. Maya’t maya rin ang pagtanong niya kung malapit na kami. At dahil nga sa pareho kaming nasa harapan ng tricycle ay ramdam ko ang lakas ng pagkabog ng dibdib niya’ng nakadikit sa payat ko’ng braso.

“Relax ka lang Chard! Pagkatapos nating kumain pwede na kitang ihatid sa hotel mo kung hindi ka na komporatable.”

“Feeling mo boss magugustuhan nila ako?” namumutla na si kumag na marahil ay dahil sa magkahalong kaba at gutom na nararamdaman.

“Hindi na mahalaga kung magustuhan ka nila.” nagsasabi po ako ng totoo nun. Hindi naman na ako concern sa sasabihin ng mga magulong ko eh.., alam ko mahalaga yun! Pero mahal ko na si kumag eh at kahit pinaninindigan ko ang pagiging pakipot noon ay paninindigan ko rin ang pagmamahal ko. Kilala ko ang mga magulang ko, malaki ang tiwala nila sa akin kaya kahit hindi man sila maging boto kay kumag ay patuloy nila akong susuportahan.

“Mahalaga Boss!”

“Huwag mo na lang kasi isipin Chard. Hayaan mo nalang na makikilala ng mga magulang ko yung Richard na nagustuhan ko…”

“Gusto mo pa rin ako?!”

Ngiti lang ang tugon ko.

“Sabi mo.., Richard na nagustuhan mo eh… so gusto mo ako?…. Gusto mo pa rin ako…?”

“Hindi naman ganoon eh… gusto ko naman lahat ng nakilala ko sa manila ah… Gusto ko si Jude... Si Owen… sina Jayson… lahat…”

Natahimik siya sa aking winika. Tinuon ang tingin sa kanyang kanan, pero pauli’t ulit pa rin ang pagtatanong kung malapit na ba kami.

**************

Pinagbuksan kami ng gate ni Den-den (kasama namin sa bahay). Sinalubong din kami ng mga alaga naming aso na pinakaba rin si kumag dahil sa malulutong nila’ng kahol. Naalala ko pa kung gaano siya ka cute na nagtago sa likod ko habang sinasabing “Boss… ayaw nila sa akin…” panay iwas rin niya sa tuwing inaamoy-amoy siya ng mga ito. Naging panatag lamang siya noong kumalma ang mga aso at noong ipabuhat ko sa kanya ang paborito ko’ng aso na si Tamara isang Yorkie.

Nakailang tanong si kumag kung ano ang itsura niya bago pa man kami pumasok sa bahay. Hatak siya ng hatak sa suot na polo at ayos ng ayos ng lahat ng suot! Totoo’ng maalinsangan ang panahon noon at ramdam ko rin naman yun, pero halatang iba ang pagpapawis noon ni kumag… mukhang nakita ko na ang kahinaan ng aking Superman. Hindi man siya takot na magpabuhat at lumipad-lipad sa ere ay takot naman pala siyang makilala ang aking mga magulang.

“Chard… maliit yung bahay naman kumpara sa bahay niyo ha! Walang aircon! Hindi marami ang pagkain! Pero huwag ka’ng mag-alala welcome ka dito!”

“Paano yung mga magulang mo?!” bulong niya.

“Huwag ka nga’ng mag-isip… wala pa namang history na may pinalayas sila dito sa bahay…”

Ngumiti siya.

“Baka ikaw yung una!!!” dugtong ko.

Nakita ko’ng nasira uli ang mukha niya pero bago pa man siya makapagsalita ay tinawag ko na ang mga magulang ko. “Ma, Pa! Nandito na po kami…”

Kumpara sa mansion nila kumag ay maliit yung bahay namin. May limang kwarto yun, may tradisyunal na sala’ng pinoy! Alam niyo yung sala na sinaksakan ng lahat ng electrical na gamit, mga picture frame, mga figurine etc.? Ganoon! May bilog na hapag na napapalibutan ng limang upuan sa dining room at kumpleto rin naman ng gamit sa kitchen. Sa labas ay ang laundry area at isang dirty kitchen na may “Dapugan” isang area kung saan maari kang magluto gamit ang kahoy o uling. Doon, ay may luma ring poso (water pump) na hindi na masyadong nagagamit. Tradisyunal lang na bungalow ang desenyo ng bahay may terrace na napapalibutan ng mga baluster na ginawang upuan at jalousie lamang ang mga bintana.

Maya-maya’y lumabas na ang mga magulang ko. Kung gaano ka care free si kumag sa plaza ay ganoon na lamang ka guarded ang kilos niya noon. Gaposte sa tuwid ang kanyang katawan na halos hindi na humuhinga. Maputla at hindi maipinta ang mukha sa sobrang kaba. Nakalimutan na nga rin niyang ngumiti at bumati eh… gayun man, nakakaaliw na mukha’ng seryoso nga siya sa akin at talagang gagawin niya ang lahat upang magustuhan ng pamilya ko.

Bumalik lang siya sa kanyang ulirat noong magmano ako sa aking mga magulang at simula ko siyang ipakilala. Agad naman niyang kinamayan ang mga ito pero hindi pa rin ngumingiti.

Doon pa lang ay marami ng tanong ang papa ko, taga saan siya… ilang taon na… saan siya nag aaral, paano kami nagkakilala at kung anu-ano pa na sinagot naman ni kumag ng maayos at ENGLISH pa!

“Ma. Ano po’ng ulam? Gutom na ako eh…. At gutom na rin yang kasama ko….” natatawa ko’ng sabi habang pinagmamasdan si kumag.

“No… Im fine!” pagdedeny ni kumag. “po.” Dugtong niya nung marealize na kailangan niyang maging magalang.

“Fine fine ka diyan! Fine your face…. Diba nga kanina ka pa nagugutom? Pinipilit mo nga akong mag dinner doon eh, sabi namang nagluto yung mama ko!”

Natawa yung mga magulang ko na agad din namang pumasok upang ihanda ang lamesa. Noong maiwan kami’y pinandilatan ako ni kumag habang pabulong na sinabi’ng “Boss naman… nakakahiya… ma turn off pa mamaya yung mga magulang mo eh! Okay na sana eh! Bumida na ako….”

“Relax Chard… walang pa contest dito! Yung itsura mo naman kanina parang isang milyung piso ang nakataya dito!”

“Mas mahalaga to kaysa sa isang milyun Boss… ikaw ang pinag-uusapan dito!”

Siyempre kinilig ako… noon ko lang narinig at naramdaman kung gaano ako kahalaga sa kanya. Biruin niyo? Mas mahalaga daw ako sa isang milyun?!

“Chill Chard! Galit ka agad eh…”

“Hindi ako galit! Kinakabahan na kasi boss tapos parang hindi ka pa….”

“Shhh… Wag ka’ng kabahan… kita mo ayos naman sila Mama sayo eh…. Just be yourself…”

Tiningnan lang niya ako. Bakas pa rin ang kaba’ng nararamdaman niya.

“Isa pa Chard…. Wag ka’ng English ng English…. Hindi ka naman maiintindihan ng papa ko…. kung marunong ka’ng mag Nihongo mas maiimpress siya… kaso hindi diba? So Tagalog nalang ha…?” hinawakan ko ang kamay niya saka inakay siya papasok sa bahay.

(Hindi kasi nakapagtapos ng pag-aaral ang papa ko, pero masipag siya kaya naging successful. Anak siya sa pangalawang asawa ng lola ko’ng hapon (panganay siya’ng anak sa asawang pinoy). Naging mahirap ang buhay nila noon sa visayas kaya ‘di naglaon ay napilitang bumalik ang lola ko sa Japan kasama yung mga anak sa naunang asawa pati na rin yung papa ko. Bumalik na lamang sila sa visayas uli noong magkasakit ang lolo ko at namatay. Nakakaintindi naman siya ng English pero hindi siya ganoon katatas; talagang Ilonggo, Nihongo at tagalog lang ang ginagamit niyang salita.)

Matapos mag dasal ay agad na naming sinimulan ang pagkain. Marahil ay natauhan si kumag sa mga binigay ko’ng payo, dahil kung nung una’y parang tuod na nahihiya yung damuhong yun ay bigla na lamang siyang nagpakitang gilas sa mga magulang ko noong kami’y nasa hapag. Panay ang bati niya sa pagkakaluto ng ulam kahit na hindi naman yun ganoon ka espesyal; noong makita niya ang ulam na adobo at sisig ay sinabi niyang mukhang masarap, noong tikman niya iyon sinabi niya ring masarap kahit na nakita na naming lahat na halos maiyak siya sa anghang ng sisig. Kulang na nga lang din ay pagsilbihan niya kaming lahat dahil sa bawat kilos namin ay mag pepresenta siya’ng tutulong. Mag pepresenta’ng maglalagay ng tubig, magaabot ng kanin at ulam kahit na maliit lang naman ang mesa at kahit saan ka nakapwesto ay tiyak na maabot mo lang ang lahat ng kailangan mo.

Alam ko noong mga panahong iyon ay pansin na ng mga magulang ko na may kakaiba kay kumag... na hindi na lamang basta pagkakaibigan ang mayroon sa aming dalawa. Nagdadala naman ako ng mga kaibigan sa bahay pero sa effort ni kumag noon ay siguradong lahat ay magtataka rin… ang obvious niya eh…

“Richard. Bakit ka nga pala nandito sa Gensan?” si papa.

Pareho kaming natahimik, hindi ko alam kung nakatingin sa akin noon si kumag dahil iniwasan ko talagang tumingin sa direksyon niya. Malakas ang pakiramdam ng papa ko, alam niya kung kailan ako nagsisinungaling… kaya marahil naging sobra ako’ng transparent… sobra ring obvious pag nagsisinungaling ako… mabilis rin akong mahuli dahil agad din naman akong aamin.

“Ahhhmmm Pa…. Ewan ko nga diyan nagulat nalang din ako kanina na dumating yan. Naging sobrang close talaga yan sa grupo namin… kahit kina ate angel at kuya ian close na close yan….” Paliwanag ko na hindi naman talaga nasagot ang tanong ng aking tatay.

“Halata nga’ng close kayo ah…” sabat ni mama.

“Ahhh… Opo! Mabait po yung anak niyo ma’am, saka…” nakita ko’ng lumulon siya ng laway. Mahal… mahal ko po…”

Actually… hindi ko inaasahan na sasabihin niya iyon. Alam ko namang tanggap ako ng mga magulang ko… in fact lagi nga ako’ng tinutukso noong mga iyon kung kailan ako mag dadala ng boyfriend sa bahay… minsan rin kapag nasa mall, yung mama ko naghahanap ng prospect na pwede’ng tukso-tukso sa akin…. kahit nga mga sekyu eh…. Pero.., noong narinig nila iyon? Mukhang hindi lang ako ang nagulat. Nakita ko’ng napatigil sa pagkain ang papa ko at palinga-linga ng tingin sa amin ni kumag.

“Pa! Ayaw’g tuo ana… amigo man me mao gurong nakasulti siya ana…” kinakabahan ko’ng paliwanag. Sinadya ko’ng mag bisaya para hindi maintindihan ni kumag.
(Pa! Wag ka’ng maniwala diyan… magkaibigan kami kaya niya siguro nasabi yan…)

“Nganong nag bisaya man ka? Di ka gusto ipasabot sa iyaha nuh?”
(Bakit ka nag bibisaya? Ayaw mo’ng maintindihan niya ano?)

“’di man. Buang man gud na siya uy!”   
(Di naman. Baliw kasi yan pa!)

“Ikaw man tingali ang buang. Wala may malain sa iyang gisulti.”
(Baka ikaw yung Baliw. Wala namang masama sa sinabi niya.)

“Pa uy. Ayaw na sige’g pangutana dira uy. Mukaon ra man na siya unya mubalik na’g phela…”
(Pa uy. Wag ka na lang kasi mag tanong. Kakain lang yan tapos babalik na sa hotel…)

“Ayaw buot buot dira dots… amua man ning ila-ilahon… kaon ra ka dira’g imuha ayaw’g sali-Sali. Sala na nimo nagdala Ka’g Lake…”
(Wag ka’ng nakikialam diyan dots… kikilalanin namin siya… kumain ka nalang diyan at wag ka’ng nakikisali. Kasalanan mo at nagdala ka ng lalake dito.)

Tawanan ang pamilya ko sa tinuran ni papa. Pero mas lalo ata silang natawa noong makitang nakikitawa rin si Richard kahit na hindi naman niya naintindihan ang pinag-usapan namin.

Hindi na naman pa tinanong ni papa yung mga salitang binitawan ni Chard. Alam niya marahil na hindi na ako komportable na itanong niya iyon. Nagtatanong pa rin siya pero yung tungkol nalang sa background ni kumag… safe…

*******************

Tuloy ang kwentuhan sa sala namin. Noon ibinahagi ni kumag sa papa ko yung mga sports na alam niya… basketball, golf, darts, at baseball noong high school pa siya. Sa nakikita ko noon, mukhang effective ang pagpapcute ni kumag… nahuli niya ata ang kiliti ng tatay ko… mas close kasi talaga ako sa nanay ko, maliban sa naiwan ako sa kanya at wala namang kinagisnang tatay ay mas marami kaming common hobby ng mama ko. hindi kasi ako mahilig sa sports… hindi ko kaya… ilang beses akong tinuruan ng tatay ko, lawn tennis, isinasama ako pag nag gogolf siya, basketball pero wala talaga eh… hindi ako para doon… kaya alam ko sobrang na excite siya kay kumag; madalang nalang kasing umuuwi ang kuya ko kaya blessing talaga na dumating si kumag. Narinig ko pa nga noon na pinangakuan ng papa ko si kumag na dadalhin sa saranggani kung saan siya madalas na mag laro ng golf dati.

‘Di nag laon ang pag-uusap nila ay nauwi sa pagaaya ng tatay ko ng inuman. Alam ko hindi uurong si kumag dahil sa goal niyang sumipsip sa pamilya ko. Pero bago pa man magpabili ng inumin si papa ay pinigilan ko na. Pinaliwanag ko na hindi siya umiinom na mabilis naman niyang pinabulaanan; na hindi siya maaaring uminom pero sinagot lang ako ng “Konte lang daw ang iinumin nila”; sinabi ko’ng uuwi siya sa hotel niya, pero matigas pa rin si Papa at sinabing sa bahay nalang patutulugin si kumag. Noong mga sandaling alam ko’ng talo na ako’y ginamit ko na ang power ni Mama. Sinumbong ko kay mama ang planong paginom ng dalawa na matagumpay niyang napigilan.

“Next time nalang Richard!” natatawang hirit ng papa ko kay kumag.

“Takot ka naman pala kay mama eh!” pagsingit ko.

“Anong takot? Respeto lang yan. Siyempre mahal ko yang mama mo!”

Napangiti lang kami’ng mga nakarinig.

“Kaya ikaw Richard. Respetuha at mahalin mo ang magiging asawa mo.” deklara ni papa.

“Opo sir. Sabi nga po ng Mommy ko I should treat him like a boss daw…” sabay tingin sa akin ni kumag. At oo hindi ako nagkakamali “HIM” ang sinabi niya… buti na nga lang at mahina sa ingelsan ang papa ko.

“Tama yan…” sagot naman ng matanda na akala mo nama’y naiintindihan ang bawat salita. (Peace!)

“Kahit nga nanliligaw pa lang po… sabi ni mommy kailangan ko po i-submit yung sarili ko sa kanya eh… respeto daw at patunayan na malinis ang intensiyon ko…”

“May nililigawan ka ba Richard?”

“Opo sir meron po. Mahal ko po.” Seryoso niyang sagot habang tinitingnan ako.

Sa inasta niya bago kami pumunta at noong makarating kami sa bahay ay hindi ko inaasahan na magiging ganoon ka lakas ang loob niyang maging cheezy sa harap ng tatay ko. Kulang na nga lang ay ibulalas niya sa papa ko’ng ako yung nililigawan niya saka hingin ang kamay ko sa kanila eh… sobrang proud ako nun kay kumag at mas lalong tumindi ang tiwala ko sa kanya… tiwalang seryoso nga siya at hindi’ng hindi niya ako sasaktan…

Noong usisain na ng papa ko kung sino ang nililigawan niya’y saka na ako nag but-in. ipinaalam ko kay papa na ihahatid ko na si Richard sa hotel niya. Hindi ko alam kung bakit parang ako yung kinabahan noon… alam ko kasi mag sasabi ng totoo si Richard! Masaya naman ako doon… kaso.., ewan… hindi ko talaga alam… baka na-aawkward lang ako na aamin siya sa harap ko...
   
“Sabi ko nga diba, dito na siya matutulog! Gabi na. Baka kung anong mangyari sa inyo sa daan.”

Tahimik

Nagkatinginan pa kami noon ni kumag… parang pareho kaming may gusto’ng sabihin; hindi ko mabasa yung ipinahihiwatig niya.., pero ako gusto ko magpasalamat noon… sa pagpapakatotoo niya’t pagpaparamdam sa akin na nararapat ako’ng seryosohin… sumenyas ako sa kanya kung ayos lang ba sakanya’ng sa amin na magpalipas ng gabi… at natuwa ako noong masilayan ang masaya niyang pagtango na tanda ng kanyang pagsangayon. Nakakatuwa na sa kabila ng nakita niya’ng pagkakaiba ng estado namin sa buhay ay gugustuhin pa rin niyang manatili sa amin at patuloy na kilalanin ang pamilya ko.

****************

Dahil sa walang dalang pamalit si kumag ay naisip ko’ng ihiram na lamang siya ng damit kay kuya Xylem. Hindi kasi mamaring damit ko ang isuot niya dahil kung hindi man magiging sobrang hapit nun sa kanya ay baka hindi na niya magawang isuot ito dahil sa labis na kaliitan.

Isinama ko siya sa kwarto ni kuya saka pinunterya ang cabinet doon, subalit noong makahanap ng kakasya ay ayaw namang gamitin ni kumag dahil ibig niyang makapagpaalam muna bago niya isuot. Tinawagan ko si kuya Xy para ipaalam nga yung mga damit, pero noong malaman niya kung kanino ko ipapagamit ay hiniling niyang makausap ito.

Iniwan ko si kumag sa kwarto ni kuya Xy, pinuntahan ko muna yung ipapagamit naming kwarto sa kanya upang palitan yung kobre kama at mga punda ng unan. Hindi ko na inalam pa yung pag-uusapan ng dalawa dahil alam ko namang understanding si Kuya Xy.

***************

Yung kwarto ko probably ang pinaka creative na bahagi ng bahay namin. Maliit lang yun pero kasya’ng kasya ang lahat ng gamit ko dahil sa sinadya ko’ng palagyan ng maliit na second floor (parang attic) para maging tulugan. Maliit lang ang espasyo nun, ni hindi ako makatayo doon ng diretso dahil sa baba ng kisame nun, gawa lang din sa kahoy at tanging kahoy na hagdan (ladder) lang din ang naguugnay nito sa ibabang bahagi. Tama lang na magkasya doon ang isang maliit na study table (mukhang tea table na gamit sa mga tea ceremony), isang cabinet na lalagyan ng mga gamit ko sa school at isang makapal na foam bilang tulagan. Ang ibabang parte ng kwarto ko naman ang nagsisilbing crafting or working space ko. Maayos na naka-arrange doon ang mga gamit ko sa pananahi tulag ng makina at mga materials sa paggawa ng costume. Ang dami ding mga cabinet at mga estante na nagsisilbing lagayan ng mga storage boxes ng mga costumes at props ko.

Nakapagdasal na ako at naghahanda ng matulog noong bulabugin ng mga katok ang aking pananahimik. Dineadma ko yun nung una kaya nasundan pa ng ilang katok pa uli at pag pihit sa door knob.

“Sino yan?” sigaw ko.

“Boss… ihgdjtpwydhnrnmx4udtnmidnhnbcty” tanging ‘boss’ lang ang naintindihan ko sapagkat sa wari ko’y bumubulong ang tao sa labas ng pinto.

“Chard bakit?”

“IGIDUnhoyhidreutjud5oujm”

Bumaba ako saka binuksan ang pinto at tumambad sa akin si kumag na bitbit ang kanyang unan at kumot.

 “Boss dito nalang ako boss… hindi ako makatulog eh…” walang ano-ano’y pumasok siya sa kwarto ko.

“Hindi pwede! Hindi tayo kasya sa kama ko…”

“Boss… kahit nakaupo nalang ako boss… sige na…” hirit niya habang inililibot ang mga mata sa paligid.

“Wow! May department store ka pala dito eh!!!” bulalas niya, habang ginuguri-guri ang mga daliri sa mga kahon at isa-isang binabasa ang mga label nito. Matapos nun ibinaling niya ang mga tingin sa mga larawang nakapaskil sa dingding, mga poster size pictures yun na galing sa mga cosplay shoots ko.

“Ikaw to?!” patungkol niya sa unang crossplay picture ko. (Yun yung sinabi ko’ng challenge sa akin dati. I cosplayed Usagi o si sailormoon bago siya mag transform.) <I’ll be changing my pic to that pic po… nasa lumang desktop pa ata namin yun…> I never posted that pic sa fb dati kasi mas prefer ko yung sailormoon talaga na ginawa ko rin naman after shooting that character.

“Hindi ka naniniwala?”

“Hindi…” “I mean… naniniwala… na stalk ko na FB mo eh…. Marami ka’ng picture na ganito, pero grabe boss… ang ganda mo dito! Para ka’ng…”

“Babae? Para akong babae?” pagtutuloy ko.

Tumango siya.

“Chard! Balik ka na doon sa kwarto, pagod ka, kaya magpahinga ka na.”

“Hindi nga ako makatulog dun boss….”

“Bakit? Maiinit ba?”

“Hindi naman… presko nga eh… binuksan kasi ng mama mo yung mga bintana…”

“Oh? Anong problema?”

“Gusto ko tabi tayo.”

“Hoy! Richard Oquendo! Hindi pwede! Nakita mo namang maliit yung kwarto ko diba? Saan ka matutulog dito?”

“Sa tabi mo nga!”

“Haaay nako! Wag ka’ng makulit! Bumalik ka na doon at inaantok na rin ako! Bahala ka sa buhay mo!” umakyat ako sa taas kung saan ako natutulog.

Inihiga ko ang buo ko’ng katawan sa malambot ko’ng kotson pero hindi ko magawang ipahinga ang utak ko sapagkat alam ko’ng hindi pa lumalabas si kumag.

“Boss…”

“Boss… gising ka pa?”

“Shhh… may mga natutulog na chard sigaw ka ng sigaw…”

“Boss…” hirit niya uli, pero pabulong na.

Sumilip ako sa baba at nakita ko siyang nakasalampak sa sahig. Nakasandal ang likod sa isang cabinet habang ang mga mata’y nagpapakalasing pa rin sa mga larawan ko.

“Ano na naman?”

Narinig ko ang pigil niyang pagtawa. “Pakiramdam mo.., gusto na ako ng mga magulang mo?”

“Hindi ko alam… bakit hindi mo tinanong sa kanila kanina?! Edi sana makakatulog ka na ngayon!”

Tumawa siya ulit. “Maldita ka nga! Tama ang papa mo!”

“Shhhh…”

Humagikgik siya.

“Ayos yung mama at papa mo boss nu? Mukhang mahal na mahal nila ang isa’t isa…” pasigaw niyang sabi.

“Oo matibay na yung dalawang yun Chard! Sa dami ba naman ng pinagdaanan nila? Minsan na ring sinubok yun ng personal differences eh… naghiwalay! Pero bumalik pa rin sa isa’t-isa…”

“Pansin ko nga boss na magkaiba’ng mag kaiba sila. Paano kaya nila nagagawang intindihin ang isa’t isa?”

“True love Chard! Hindi nila hinahayaan yung mga personal issues nila na makaapekto sa relasyon nila… pero hindi rin madali ha! Ang haba nung naging adjustments Chard, at pati kami ng kuya ko nsama sa adjustments na iyon!”

“Boss?”

“uhm?”

“Yung kuya mo?”

“Oh? Anong tungkol kay kuya?”

“Ayaw niya sa akin?” medyo nalungkot yung boses niya.

“Paano mo nasabi eh hindi pa naman kayo nagkakakilala?”

“Wala… sige boss tulog ka na!”

Tahimik…

Sinilip ko siya uli pero halos hindi pa rin nagbabago ang itsura ng pagkakaupo niya. kaya noo’y pinaalalahanan ko ulit siya’ng bumalik na sa kabilang kwarto at matulog. Pero sa halip na sagutin ako’y nag bukas siya ng isang paksa’ng kinabahala ko.

“Boss… sorry kung nasaktan kita dati ha… sorry kung pakiramdam mo sasaktan lang kita… pero maniwala ka boss hindi na yun mauulit.” Malungkot niyang simula.

“Ano na naman ba ang problema mo Chard? Wala na yun… tapos na yun…”

“Hindi boss eh… sinaktan kita eh… alam ko natatakot ka na sa akin, nahihirapan ng magtiwala…. Ang gago ko boss eh… ang tanga ko!”

“Chard… tapos na yun! saka san na naman ba galing yan?”

“Wala… sorry…” malungkot pa rin ang boses niya… at nababahala ako dun! Hindi ko kasi alam kung ano ang pinangagalingan ng mga hugot ni kumag.

“Boss? Sobrang close ba talaga kayo ng kuya mo?”

“Oo naman! Sobra! Minsan kuya ko siya, madalas best friend pero lagi yung parang tatay sa akin eh!” simula ko… noon ay kinuwento ko sa kanya kung gaano kahalaga sa akin ang kuya ko.

Sobrang mahal na mahal ko ang kuya ko. Siya kasi yung dahilan ng lahat ng ‘ako’ ngayon. Sinuportahan niya ako sa pagiging bakla, sa eskwela, at sa lahat ng gawin ko. Bago ako mag karoon ng photographer at P.A. sa mga cosplay events na ‘RON’ ay may ‘XYLEM’ muna ako… siya nga rin ata ang nag open sa akin ng anime eh…. Nung nasa japan pa siya lagi’ng may mga manga series na kalakip ang mga padala ng papa ko… galing yun kay kuya Xy, yun lang kasi ang kaya niya’ng mabili gamit ang sarili’ng ipon noon, Kaya kahit hindi naman ako nakakabasa ng mga Japanese character ay sobrang trinesure ko yun! Kapag natatakot ako’y sa kanya ako laging tumatakbo… mas nagsasabi pa nga ako ng mga hinanakit sa kanya kaysa mga magulang ko eh… sa palagay ko’y siya rin yung dahilan ng pagiging mahina ng loob ko… lagi kasing may gagawa ng mga hindi ko kaya, may sasalo ng kasalanan ko at magtatanggol sa akin pag kailangan ko. Lagi niya ring kinoconsider ang mga gusto ko… kahit sa pagpili ng girlfriend… at yun din yung gusto ko’ng gawin.

“Ganoon ba boss? Paano kung sabihin niya’ng ayaw niya sa akin para sayo? Lalayuan mo ako?”

“Mahalaga sa akin ang sasabihin ng kuya ko…”

“Lalayuan mo nga ako?”

Natahimik ako. Hindi ko kasi alam ang isasagot. Mahal ko ang kuya ko at nag usap kami na dapat ay gusto niya ang magiging boyfriend ko… pero sap ag-uusap naming iyon, hindi lahat ng bagay ay na consider namin; pumayag ako sa kasunduan na hindi man lang kinaklaro ang mga kondisyon tulad na lamang ng paano kung mahal ko yung taong ayaw niya para sa akin.

“Boss…”

Tahimik.

“Boss… boss naman…”

“Chard? Ang aga pa para isipin mo yan. Nanliligaw ka diba? Hindi mo nga ako sinukuan eh pati na yung mga magulang ko; titiklop ka ba sa kuya ko?”

“Siyempre hindi boss… pero hindi naman yun ang kinakatakot ko eh… natatakot ako sa magiging decision mo. paano kung hindi ako yung piliin mo?”

“Baliw ka na!”

“Oo boss. Baliw na ako!”

“Chard! Tulog ka na! Wag mo na masyado isipin yun! Saka hindi pa naman kayo nagkakakilala eh wag mo siya pangunahan!”

“Pero sabi niya eh…”

“Huh?”

“Sasaktan lang daw kita tulad ng ginawa ko dati! Ayaw niya daw sa akin boss!” mas lumabas pa ang pag-aalala sa boses niya.

Noon sumagi sa isip ko ang mga pinag-usapan namin ni kuya noong aminin ko’ng bakla ako… a week before the national finals maybe. Kinuwento ko sa kanya ang lahat ng nangyari sa amin ni kumag… sinabi ko kung paano ako nasaktan at binigo ng unang lalake na inibig ko.

“Alam ko naman na pinuprotektahan ka lamang niya boss… pero mahirap na pinuprotektahan ka niya laban sa akin...”

“Chard…”

“Boss… naniniwala ka ba’ng mahal kita boss?”

“Chard…”

“Naniniwala ka ba’ng hindi kita kayang saktan?”

“Oo naman!” mabilis ko’ng tugon. “Eh… ikaw? Naniniwala ka ba’ng nakalimutan ko na ang mga nangyari dati?”

“Hindi ko alam… yung sakit yung pinaka mahirap malimutan boss eh…”

“Mabilis lang yun… pag napapalitan ng mga masasaya’ng memories…” tulad na lamang ng ginagawa niya noon. Hindi ko maaring ipagsawalang bahala lahat ng effort niya ng dahil lang sa nasaktan niya ako… mas matimbang pa rin ang pag-ibig kaysa sa sakit!

Natigilan siya. Sinilip ko siya at noon ko nakitang nakatingin rin pala siya sa akin. Nginitian ko siya saka sinenyasan na umakyat.

Halos pagapang siya’ng lumapit sa higaan ko. Tulad nung unang pasok niya sa kwarto ko’y lumigid din ang mga tingin niya sa maliit na espasyo. Mula sa sahig hanggang sa puti’ng kisame, hanggang sa mapako na naman ang mga mata sa cork board sa harap ng study table ko.

“Boss… naka display picture natin ah…” parang batang manghang-mangha si kumag noong makita ang larawang kuha ng kapatid niya, yung larawang inipit niya sa planner ko.

Nginitian ko lamang siya. sa totoo lang, dinikit ko lamang yun doon nung makabalik ako sa gensan after ng national competition. kahit na hindi ganoon ka ayos ang itsura ko doon sa picture na yun, mahalaga yun sa akin dahil tanda yun na tanggap ako ng pamilya niya.

“Boss… salamat boss…”

Binigyan ko lamang siya ng nagtatakang tingin.

“Akala ko boss… wala lang ako sayo eh! Kaya nga sobrang nag eeffort ako eh…”

“So hindi ka na mag eeffort ngayon?”

“Ngayon pa ba ako titigil? Halos mamatay na nga ako sa kaba sa mga magulang mo kanina…” ngumuso si kumag, nagpapacute. “Masaya lang ako, atleast alam ko na magbubunga ito ng maganda… alam ko na may space ako sa puso mo…”

“Hala! Ano ka!? Pwerke nilagay ko diyan ang picture na yan may space ka na agad sa puso ko?!” mabilis ako’ng humiga patalikod sa kanya at nagkumot, ayaw ko’ng makita niya’ng kinikilig ako.

“Pakipot!!!” panunukso niya.

Noong hindi ko na siya kinibo ay agad siyang bumaba. Akala ko nga noon ay babalik na siya sa kabilang kwarto upang matulog pero hindi pala.., kinuha lang niya ang unan at kumot na naiwan niya sa ibaba saka bumalik sa akin at nahiga sa tabi ko.

Pilit pa niya ako noong pinapaurong upang magkasya sa masikip na higaan, at noong ayaw ko’ng bigayn siya ng pwesto ay bigla na lamang niya ako’ng kiniliti.

“Richard!!!!”

“Boss… dito na nga lang ako matutulog!!!”

“Hindi nga tayo kasya!”

“Kasya naman ah! Oh!” sabi niya’ng kahit medyo namimilipit na sa sobrang sikip.

“Haaayy… imposible ka Richard! Bahala ka!”

“Gusto ko dito eh…”

“Bahala ka! Basta huwag ka malikot! Saka…. Tumalikod ka!”

Natahimik siya saglit pero ang mga tingin niya’y tila may ibang sinasabi.

“Oh? Ano na naman?!” pagmamaldita ko ulit.

“Wala… ikaw ha… natatakot ka lang na maulit yung…” panunukso niya.

“Yung ano?!”

“Gusto mo sabihin ko?”

“Sige sabihin mo! Ano?!”

“Sige sasabihin ko! Basta.., gagawin natin!” nag grin si kumag.

Tinulak ko palayo ang mukha niya. Kinakabahan ako pero tuwa’ng tuwa siya. “Sira ulo ka’ng kagwang ka! Bastos ka!”

“Anong bastos doon?! Ikaw ha, ano yung iniisip mo boss?”

“Sira! Lumabas ka na nga lang!”

“Gusto ko nga dito!”

“Kung ganoon, manahimik ka!” naaasar ko’ng hirit bago tumalikod sa kanya.

May isang minuto din siguro kaming natahimik. Hindi ko pa rin magawang maidlip dahil sa na ko-conscious ako sa presence niya. Maya-maya’y narinig ko siyang magsalita…

“Boss… harap ka naman sa akin oh!”

Nag tulog-tulugan lamang ako.

“Alam ko hindi ka pa tulog. Sorry na, binibiro ka lang naman eh.”

Pinagpatuloy ko lang ang pagpapanggap.

“Sorry rin sa ginawa ko dati… pero maniwala ka, gusto’ng gusto ko iyon!”

Hindi ko na matandaan kung paano ako nakatulog noon o kung sino ba sa amin ni kumag ang naunang maidlip. Noon lang kasi ako nakatulog na puno’ng puno ng kaba… sobra… hindi naman yun yung unang beses na magtabi kami pero iba pala kung alam mo ng may nararamdaman sa iyo ang katabi mo lalo kung alam mo ring mahal mo na.

**************

Kinaumagahan ay nagising ako’ng wala na si kumag sa aking tabi. Agad akong bumaba upang i-check kung nasaan na siya pero tanging si mama lang aking nakita. Naghahanda upang pumunta sa trabaho.

“Ma? Si Richard po?”

“Nag jogging kasama ng papa mo.” tugon niya habang inaayos ang kanyang baon na pagkain.

“Nak! Ano yung sinabi ni Richard na muntik na daw siyang mabangga kahapon?”

“Ay opo ma… hindi marunong tumawid eh…”

“Ikaw ha! Responsibilidad natin yang manliligaw mo. Kung ano ang mangyari diyan kargo natin!”

“Ma?” nabigla ako sa sinabi niya.

“Ano? Kung hindi pa sinabi ni Richard hindi mo sasabihin na may manliligaw ka na?”

“Sinabi niya po?”

“Oo kanina. Ang sipag nga nak eh…” nakangiti niyang sabi. “Tinulungan ako’ng magluto, siya na rin yung nag walis, pati si papa mo sinamahan mag jogging, nilabas na rin pati mga aso natin!”

“Okay lang sa inyo ma?”

“Oo naman. Gusto ko si Richard. Mahal mo ba?”

Pero bago pa ako makasagot ay bigla namang pumasok si kumag at papa.

“Boss! Good morning!” nakangiti niya’ng bati. Nakasuot na siya ng puting sando na pinahiram ni papa at shorts na pang basketball.

“Good morning… saan kayo galing?”

“Nag jogging boss. Saka pinatakbo ko na yung mga aso niyo, sabi ng papa mo ikaw daw yung gumagawa nun eh!”

“Hindi ka na takot sa kanila?”

“Takot nung una, pero mukhang gusto na naman nila ako boss…” declara niya.

Pangiti-ngiti lang ang mga magulang ko.

“Anong gagawin mo ngayon boss?”

“Mag lalaba, pagkatapos… ihahatid na kita sa hotel mo!”

“Ay hindi boss. Sabi ng papa mo, okay lang daw na dito ako mag stay…”

“Okay… pero pupunta pa rin tayo sa hotel mo.”

Ngumuso siya.

“Kukunin natin yung mga gamit mo! Mukha kang pastil sa suot mo chard eh!”

Tawanan.

**************

Paalis na noon si mama nung tanungin niya ako uli. “Mahal mo ba?”

“Ma! Pagbinisaya… makadungog gani to’ng kagwang…”
(Ma! Mag bisaya ka… baka marinig ka ni kumag…)

Natawa ang mama ko. “Okay, love nimo?”

Tumango ako’ng nahihiya.

“Unya? Nganong wa pa man nimo sugta?”
(Tapos? Bakit di mo pa sinasagot?)

“Ma uy! Lakaw na uy! Ma late ka!”
(Ma uy! Umalis ka na! Baka ma late ka pa!)

**************

Sa kwarto habang… hininahanda ko ang mga damit na aking lalabhan ay biglang pumasok si kumag.

“Boss ikaw ha! Love mo ako nu?”  Hirit niyang, hindi naitatago ang saya.

“Hala! Ang feeling!”

“Pero narinig ko kayo ng mama mo!”

“Mali lang pagkakaintindi mo! Bisaya kaya di mo naiintindihan!” pag dedeny ko pa rin.

“Hindi naman bisaya ang ‘love eh’! Sabi ng mama mo ‘love mo?’ tapos kita’ng-kita ko tumango ka!”

Lalabas na ako ng kwarto pero hinarangan niya ang pinto.

“Ayos lang naman boss eh… hindi naman pwerke, nalaman ko’ng mahal mo ako ay… titigil na ako sa panliligaw… paghihirapan ko pa rin naman ang Oo mo…” kinurot niya ang pisnge ko.

To be continued…

Note:

Hindi po siguro ako makakapagreply sa sabado at Sunday since I’ll be having my cos-shoot on those days…

Thank you po sa lahat ng nagbabasa… sobrang selfish ng rason ko noong una ko’ng isulat ito, pero ngayon mas namomotivate ako to write dahil sa sabi niyo (nila) na naiinspire kayo sa story ko… ayiieee….
Salamat po talaga... at don’t be shy to leave your comments on the comment box bellow…. I’ll be glad to know your sentiments at kung may mga tanong man kayo, dun ko po sasagutin (as long as kaya ko’ng sagutin. : )  )

To someone who mentioned the dumpling kiss? Sir… matagal na po yun! at hindi po yun ang rason kung bakit na late yung last chap… hahaha apir!

Medyo magulo to’ng part na ito (I know)…. Kaya sorry po  (mas gusto niyo ba’ng bilisan ang phasing ng susunod na part? Feeling ko kasi masyadong mabagal eh….) hehe

PS… miss kita Dan, JB, Edward, sir manuel at sir Lloyd, prince zee, sir allan II, carl/s, gorgeous, BFY….

No comments:

Post a Comment

Read More Like This