Pages

Sunday, March 26, 2017

Ang Kaibigan Kong Sarhento (Part 7) FINALE

By: Whiteshadow

Gumawa ako ng paraan na makausap si Sarhento. Pinuntahan ko sya sa kanilang kampo sa San Miguel dala ang pick-up na aming sasakyang toyota. Nagpaalam ako sa aking ina na may bibilhin lang ako sa bayan. Nasa loob ng kampo ang kanilang barracks kaya tinawag pa sya ng isang MP (military police) para magkita kami sa labas. Malayo pa tanaw ko na syang nakangiti habang papalapit sa akin. Lumabas sya ng gate na nakadamit sibilyan. T-shirt na puti at pantalong maong ang kanyang suot. Napakagwapo ni kuya  Carlos kahit kaylan di talaga ako nagsasawang humanga sa kanya. Nagkamayan kami kahit gusto ko sana syang mayakap at hagkan. Pumasok sya sa loob ng pick-up nagkamustahan kami. Sinabi kong magsnack lang  kami kaya naghanap ako ng makakainang restaurant.
“Miss you kuya halos isang buwan din tayong di nagkita. Nagkasalisi nga pala tayo… nagpa-Maynila ako ikaw naman pumunta sa amin. Salamat pala sa mga prutas na pasalubong mo.” Medyo matamlay kong pakikipag-usap sa kanya. Sa huli may nakita din kaming maliit na restaurant. Pumasok kami at umorder ng pagkain.
“Nabanggit ba sa’yo ng kuya mo tungkol dun sa plano natin na hindi na matutuloy… ang negosyo natin?”panimula nya.
“Nabanggit sa akin ni kuya Andoy… nagalit nga sya eh… akala nililihim ko ang plano natin sa Quezon. Ang totoo nun magpapaalam din naman talaga ako sa kanila.”
“Wala akong balak sabihin tungkol sa plano natin pero nangulit ang kuya mo… nagtanong sya kung ano raw ang gagawin mo doon sa Quezon… sinabi kong balak nating magnegosyo… duda ko lang ha… parang alam nya na may relasyon tayo. Mukhang galit nga eh… nagkalma na lang sya nang sabihin kong hindi na matutuloy dahil may problema kami ng asawa ko.” Paliwanag ni Sarhento.
“Naka-usap ko nga pala si Boboy noong magkita kami sa Maynila… Alam na ni ate Rizza tungkol sa atin kuya.. nabasa pala nya ang sulat ko… dapat kasi sinunog mo na lang iyon.”
“Hindi ko nga inaasahan na pupunta sya ng Taguig sa bahay namin… wala ako doon… nakalimutan kung alisin sa bulsa ng pantalon ko yung sulat mo. Naglaba sya nakita nya ang sulat mo doon sa bulsa...”
“Ano nangyari? Inaway ka ba ni ate Rizza?”
“Galit na galit sya… bakla raw ako… itinatago ko lang daw ang totoo kong pagkatao sa pagpapanggap na maangas pati sa pagpapalaki ng aking katawan… niloloko ko raw sya… tinatanong nya kong matagal na raw ba ang relasyon natin. Nagbanta pa sya na kapag hindi natin tigilan ang mga ginagawa natin mapipilitan daw syang magreklamo sa superior ko sigurado mawawala ako sa serbisyo bukod pa sa eskandalong mangyayari.”
“Bawal ba kuya ang homosexual relationship sa AFP?”
“Merong code of ethics ang AFP kasama ang homosexuality na ipinagbabawal… katumbas noon dismissal sa serbisyo.”

(Article 5 “Military Professionalism” Section 4.3 (Unethical Acts) of the AFP Code of Ethics, which states:“Military personnel shall likewise be recommended for discharge/separation for reason of unsuitability due to all acts or omissions which deviate from established and accepted ethical and moral standards of behavior and performance as set forth in the AFP Code of Ethics. The following are examples: Fornication, Adultery, Concubinage, Homosexuality, Lesbianism, and Pedophilia.)
“Sorry kuya nang dahil sa akin nae-eskandalo ka tuloy”. Uminom ako ng tubig. “Huwag mong intindihin yon… akong bahala sa asawa ko… makukuha ko yon sa lambing… “ wika nya. Ipinagtapat ko na rin kay Sarhento ang na may nalalaman na rin si Boboy tungkol sa aming dalawa.
“Alam na rin ni Boboy ang totoo kuya… inamin ko sa harap nya na ako ang bakla at hindi ikaw… akala ni Boboy bakla ka rin.” Paliwanag ko sa kanya. Wala siyang kibo.
“Kakausapin natin ang asawa ko sasabihin natin ang totoo kung paano tayo nagkalapit. Pati ‘yong ginawa mong pagtulong sa akin na gumaling ako sa aking ED. Doon mare-realize nya na may utang na loob ako sa’yo. Sasabihin ko rin na kapatid lang ang pagtanggap ko sayo. Hanggang sa natukso tayo sa isa’t isa at na-inlove ka naman sa akin…”
“Kung in-love ako sa’yo ano naman ang damdamin mo para sa akin kuya…? kung sakaling tanungin ka ni ate Rizza.” Hindi sya makapagsalita.
Naisip ko kung hindi nya sana ako hinabol sa terminal at pinabayaan na lang ako hindi aabot ito sa ganito. Pero wala na kaming magagawa kundi ayusin ang gusot na ito. Hanggang sa nagsalita si kuya Carlos na parang naiisip nya ang iniisip ko.
“Tama ka doon na layuan mo ako… kasalanan ko rin ito… Dapat pinabayaan na lang kitang umalis… Rob walang ibang paraan kundi maghiwalay na muna tayo.”
“Ibig sabihin nito kuya tapos na tayo?” Naninikip na ang dibdib ko sa sama ng loob. Walang kibo si Sarhento doon sa sinabi ko… yumuko lang sya. Ganunpaman nauunawaan ko ang sitwasyon nya.
Tama…  dapat lang na maghiwalay na kaming dalawa. Mahirap angkinin ang isang bagay na hindi naman ikaw ang nagmamay-ari. Ayokong maging squater, maging sampid, parausan, spare tire… tama na itong mga kalukuhan ko. Tama si Pastor at si kuya Andoy. Buo na pasya ko ngayon. Last na naming pagkikita ito ni kuya Carlos! Sigaw ng isip ko… Ayoko na…
Inihatid ko na si Sarhento sa kanilang barracks di sinasadyang napindot ko ang play ng cassette na sa halip ang am/fm radio nakalimutan ko kasing tanggalin ang laman nito biglang tumugtog ang “Unchained Melody” parang nananadya ang panahon. Habang isinasara ko ang tabing saka naman parang magsisimula pa lang ang palabas.
Oh, my love, my darling
I've hungered for your touch
A long, lonely time
Time goes by so slowly
And time can do so much
Are you still mine?
I need your love
I need your love
God speed your love to me
Lonely rivers flow
To the sea, to the sea
To the open arms of the sea
Lonely rivers sigh
"Wait for me, wait for me"
I'll be coming home, wait for me

Oh, my love, my darling
I've hungered, for your touch
A long, lonely time
Time goes by so slowly
And time can do so much
Are you still mine?
I need your love
I need your love
God speed your love to me

Hanggang sa nanlabo na ang mga mata ko dahil hilam na ng luha ang aking mga mata. Kailangang ko munang huminto para walang maaksidente.

“Bakit ka humento Rob?” nakita nya na mayluha ako sa aking mga mata.

“Umiiyak ka? Kaya ka pala huminto…” nagtaka pa?

Gusto ni Sarhento di kami hihinto iwasan na lang ang mga kalabaw. May libreng lugar naman ang kalsada para kami makalusot sa trapik. Sa isip ko nagmamadali na syang makabalik ng kanyang barracks. Ayaw na nya akong makasama pa ng matagal. Naghihintay akong yayain akong mamasyal pa kahit kunting sandali lang. Pakiramdam ko parang ayaw na niya sa akin. Malas ako.. masisira ang career nya… magkakahiwalay sila ng asawa nya dahil ba sa akin? Kung bakit pa kasi hinabul-habol pa ako sa terminal. Sa inis ko sinigawan ko sya!
“Hindi mo ba nakikita tumatawid ang mga kalabaw! Gusto mo sagasaan ko sila ha! para mamatay na silang lahat! huhuhuh!” bulyaw ko sa kanya kasunod noon humagulgul na ako hindi dahil sa mga kalabaw na humarang sa aming daan kundi dahil sa kalungkutan ko na magkakalayo na kami. Hindi ko kaya… hindi ko matanggap.

“Hey! sweetie… cool ka lang… shoooo… ‘wag kang umiyak… ‘wag kang umiyak…” niyakap nya ako sa ulo takang-taka dahil sa aking pag-iyak habang himas-himas nya na tulad ng isang batang natamaan ng bato ang aking ulo. Napakapit ako sa kanyang bisig dala ang takot sa puso ko na iiwanan na nya ako. Tumahimik ako sa pag-iyak pero sa totoo lang gusto kong sumabog sa sama ng loob.

Oh, my love, my darling
I've hungered, for your touch
A long, lonely time
Time goes by so slowly
And time can do so much
Are you still mine?
I need your love
I need your love
God speed your love to me

Pagdating namin sa kampo bago sya bumaba hinalikan nya ako sa pisngi. “Sige… tuloy na ako… ingat ka lagi… bye.” Yon lang ang huling narinig ko sa kanya. Wala akong narinig kung mahal ba nya ako.

Dala nang sama ng loob pinaharurot ko ang aking sasakyan mabilis ang patakbo ko. Nang biglang may dumating na isang truck ng softdrink sa bandang kanan ko. Iniwasan ko iyon hanggang sa tuluyan na akong sumalpok sa isang malaking puno ng kahoy.

Skreeeeetch Boooom!

------------Z Z Z Z Z Z Z Z Z Z Z Z Z Z Z Z Z Z Z ------------

Nagkamalay ako sa hospital na ng MCU sa Caloocan City. May benda ang dalawa kong paa na parehong nakataas ng  bahagya. Ganun din sa kaliwang braso at sa ulo. May mga nakakabit pang swero para masuplayan ng nutrient at gamot ang aking katawan. Mahapdi ang aking narararamdaman sa tuwing gumagalaw ako lalo na sa aking mga paa. Bali at durog daw ang mga buto ko sa binti.

Nagbalik alaala sa akin ang aking panaginip. Natatakot ako… masakit ang nararamdaman ko ngayon… Ang panaginip ko… ang panaginip ko… tama lahat… ito na yon… nangyari na… ang dalawa kong paa ng may mga sugat na walang tigil sa pagdurugo. Binaba ako ni kuya Carlos sa kanyang likod ito pala ang kapalit. Mas mahapdi ang nararamdaman ko dito sa aking puso. Umiyak ako pero ang kaluluwa ko lang ang nakakarinig ng aking mga pag-iyak. Gusto kong isipin na panaginip lang ang lahat ng ito isang masama at nakakatakot na bangungot na kailangan ko nang magising. Subalit hindi na ito panaginip. Ito ang katotohanan na aking kinalalagyan na sa ngayon.

Dalawang araw na pala akong walang malay ng ako’y magising naroon ang aking mga magulang at si kuya Andoy. Naikwento na lang nila sa akin na si Sarhento daw ang nagdala sa akin sa hospital. Di pa naman kasi kalayuan ang kampo sa pinangyarihan ng aksidente. Nang mabalitaan sa kampo na may isang pick-up na bumangga sa isang malaking puno agad na nagpadala ng rescue ang mga first aid team doon kasama si kuya Carlos.

Ang malungkot na balita na injured ang dalawa kong paa. Hindi pa sigurado ng mga doctor kung makakalakad pa ba ako o hindi na. Sa kabila ng mga pangyayari nagpasalamat ang pamilya ko kay Sarhento sa maagap na pagkakaligtas sa akin at hindi ako binawian ng buhay.

Hanggang isang araw dumalaw sa akin si kuya Carlos may dalang mga prutas at bunton ng mga bulaklak na may nakasulat sa card ng “I've hungered for your touch. Get will soon buddy…” Tumulo ang luha ko nang makita sya. Nagkasarinlan kaming dalawa sa loob ng aking ward. Humatak sya ng isang upuan at umupo sa tabi ko. Namumuo ang kanyang luha sa kanyang mga mata. Masuyong hinawakan nya ang aking kamay. Kinumusta ako… pagkatapos hinaplos niya ang ulo ko. Nagpasalamat ako sa kanya. Kahit medyo hirap ako sa pagsasalita. Napilit kong naibuka ang aking bibig para makapagpasalamat sa kanya. “Hindi mo kailangan magpasalamat sa akin… tungkulin ko yon… ang hindi ko lang matanggap kung bakit kailangang mangyari ito sayo… hindi dapat sa ganitong paraan ang solusyon sa problema natin di ba?... May kasalanan din ako dito… patawarin mo ako baby ko… “ tumulo na ng tuluyan ang luha ni kuya Carlos hinaplos nya ang mukha ko… muling nakikiusap na patawarin sya. Tumango ako at pilit kong ibinigay sa kanya ang aking ngiti. Sabi ng isip ko “Ayos lang po ako.. maraming salamat kasi di mo ko iniwan kuya…” sa tagpong iyon umagos muli ang luha ko sa aking mga mata. Dahan-dahan nya akong niyakap at hinagkan sa pisngi… Bumulong sya sa akin na mahal na mahal niya ako. Nang marinig ko iyon may kakaibang sigla akong naramdaman sa puso. Nangako ako kay kuya Carlos na magpapagaling ako para sa kanya at sa aming pag-ibig. Muli niya akong niyakap at hinalikan.

Makalipas ang isang taon tuluyan na akong gumaling. Subalit hindi na ako makalakad. Isang wheelchair ang nagsilbing paa ko upang makakilos ako ng normal. Sa pagsusuri ng doctor may chance pa naman akong makalakad kailangan lang ng panibagong operasyon para masopurtahan ng bakal ang butong mahina na.

Si kuya Carlos naman at si ate Rizza nagkahiwalay dahil sa pagtataksil nito kay Sarhento sumama sya sa ibang lalaki. Hindi maalis sa kanyang paniniwala na isang descreet gay ang kanyang astig at maangas na asawa. Bago nagkahiwalay ang mag-asawa ginawan pa ng dahilan ang kanyang pagtataksil na diumano bakla daw ang kanyang asawa kaya nagsampa si ate Rizza ng reklamo sa AFP code of ethics committee sa kasong homosexuality. Bagkus nabaligtad ang mga pangyayari sapagkat nagdalangtao si ate Rizza sa ibang lalaki. Sa takot na mademanda at makulong inatras na nya ang kaso laban kay Sarhento.

Naging kontrobersyal ang kasong ito dahil sa gay discremanation na umiiral sa AFP organization na lalo pang nakilala si Sarhento Cardenas. Sabi ng isang Heneral na kanyang mentor. “Sino bang hindi magkakagusto kay Sarhento Carlos bukod sa pagiging makisig, gwapo at maginoo maging ang tunay na lalaki ay mababakla sa kanya. Isa syang sundalong tunay na magiting, matapang, makabayan at mapagmahal sa kapwa na maipagmamalaki nating lahat.”

Nagawaran din sya ng “Medal of Valor” na may pensyong 20k kada buwan entitled for life time. Dahil sa dalawang matagumpay na special mission na kanyang nalahukan.

Nakabili din uli sya ng bagong owner type jeep na pinangalanan niyang “Carob” kinuha mula sa aming mga pangalan. Brand new po ang kanyang nabili na may kombinasyong stainless at may pinturang pula. Astig at maangas ang dating ng bago niyang jeep.

Tuwing weekend hindi sya pumapalyang dalawin ako sa amin. Namamasyal kami kahit saang gusto naming pumunta gamit ang bago niyang jeep lalo na sa magagandang tanawin ng aming lugar. Ang buong pamilya ko tinanggap kung anong relasyon meron kami ni kuya Carlos. Ang mahalaga buhay ako. Maligaya at kapiling nila. Kahit minsan lang kami nagkakasama sa loob ng sanlinggo buong araw ko naman syang kapiling. Sa bawat sandaling magkasama kami nararamdaman ko ang kanyang pagmamahal. Hindi man ako nakakalakad sa ngayon maligaya ako sa piling nya.

“Baby ko kumapit kang mabuti sa likod ko ha! aakyat tayo sa banda roon sa mas mataas pa…
“Sya nga kuya? Buong Maynila matatanaw natin?”
“Opo matatanaw natin ang buong Maynila.. teka muna may tumitigas yata dyan sa likod ko ah...”
“Kuya naman binibisto mo ako sa mga mambabasa eh. Nalalaman tuloy na tinitigasan pala ako tuwing karga mo ko sa’yong likod hehehe.”
“Wag ka nang maingay naiihi na nga ako eh… ang bigat mo na kasi.“
“Tinitigasan ka na rin kuya Carlos?”
“Ayan malapit na…”
“Ha? malapit ka na… malapit ka nang labasan?”
“Gago! Malapit na tayo sa itaas ng bundok… berde talaga utak mo! hahaha!”

Sa wakas narating din namin ang ituktuok ng bundok na iyon ng Norzagaray kitang-kita namin ang napakalawak na kapatagan sa ibaba na nasasakupan ng buong Kalakhan ng Kamaynilaan.

Kung wala sa lakas ni kuya Carlos hindi ko mararating ang lugar na ito. Sabi pa niya sa akin qoute by Ralph Waldo Emerson. “If you would lift someone you must be on a higher ground.” Kaya pala dinala nya ako dito sa mataas na lugar he wants to lift me up. Totoo po… hindi nya ako pinabayaang malugmok sa kawalan ng pag-asa binangon nya ako… inalalayan at minamahal. Hindi rin nya hinayaan na lamunin sya ng mga problema doon sa ibaba ng kanyang buhay. Kinailangan niyang maiangat ang kanyang sarili nagawa niya iyon dahil malakas sya kaysa sa akin upang sa huli ako naman ang kanyang maiangat. Tama pala ang mga sundalo sa panahon ng digmaan walang iwanan. Sya si Carlos Cardenas ang kaibigan kong Sarhento.

Maraming maraming salamat po sa lahat na matyagang nagsubaybay ng aking kwento… nawa nakapag-ambag ako ng kunting insperasyon sa inyong mga buhay. Gayun din sa admin ng KM maraming maraming salamat din po sa pagkakataong nailathala ang kwentong ito tungkol sa aking kaibigang Sarhento. Maraming salamat muli sa inyong lahat.

WAKAS

No comments:

Post a Comment

Read More Like This