Pages

Thursday, March 9, 2017

Ang Boss at ang Driver (Part 11)

By: Asyong Bayawak

Gumuhit ang ngiti sa mukha ni Gabe nang maramdaman ang lamig ng baso sa pisngi. Ito ang gumising sa kanya, na nasundan pa ng halik sa noo.

‘Wake up, sleepy head.’

Nagbukas ang isang mata. Antok na antok pa siya dahil mag-u-umaga na naman nang matulog silang dalawa. ‘Good morning, mahal,’ bati ni Gabe. Humikab, nag-unat, naupo sa kama, sumandal sa headboard.

Isang linggo sila sa Bohol at kahapon lamang bumalik ng Los Banos. Nagulat si Gabe dahil pagdating nila sa apartment ay puro bagong furniture at appliances na ang nandoon, at may nakakabit na ring split air conditioner. Naunawaan ni Daniel na ayaw ni Gabe lumipat ng tirahan kaya’t binilhan nalang siya ng mga bagong gamit dahil makikitira rin daw siya dito. Maliit lamang ang studio apartment, pero sadyang ayaw nang mapahiwalay ni Daniel.

‘Breakfast is bed?’ Hawak ni Daniel ang tray na nakapatong sa kama. May omelet, toasted bread, butter, cheese, mga prutas, brewed coffee para kay Daniel, at freshly-squeezed orange juice naman para kay Gabe.

‘Ang bango ah,’ saad ni Gabe. ‘Luto mo?’

Tumawa lang ang lalaki. ‘Sorry, inorder ko lang yan—actually, inorder ni Ericka at ipinadala dito.’

Unang kinuha ni Gabe ang isang piraso ng cherry. ‘Mmmm… Hindi talaga ako magsasawa dito.’ Uminom siya ng orange juice. ‘Bakit ang aga mong gumising?’

‘May conference call kanina eh. Sa labas lang ako nakipag-usap, para hindi ka magising. At napansin mo ba? Pina-sound-proof ko ‘tong studio. Kita mo, walang nagreklamo mga kapitbahay kagabi,’ panunukso ni Daniel.

Napangisi naman si Gabe. Tandang-tanda niya ang mga hiyaw at halinghing. Simula nang “magkabalikan” ay parating wild ang pagtatalik nila tuwing gabi. Parating sagad na sagad—sinusulit ang bawat sandaling hindi sila nagkasama. Parating performance level. Kapag umaga naman, mas-sweet ang kanilang pagtatalik.

‘Halika nga,’ paanyaya ni Gabe. Lumapit si Daniel at naglapat ang kanilang mga labi. Mabagal ang halikan. Ninanamnam ang bawat sandali. Nang maghiwalay ay pareho silang nakangiti. ‘Balik trabaho ka na rin pala ngayon,’ saad niya.

‘Hmmm… emergency lang kanina kaya sumama na ‘ko sa meeting. Pero sabi ko naman sa ‘yo, babe, babawasan ko na ang pagta-trabaho.’

‘Sigurado ka ba na okay lang kay papa na… matagal kang mawawala?’

‘Oo naman, basta para sa ‘yo. Siya nga ang nagpupumilit na magbakasyon na ‘ko. Lagi pa ‘kong napagsasabihan sa pagiging overworked, kaya mo daw ako iniwan.’

‘Nagalit ba siya?’ tanong ni Gabe.

‘Sa akin, oo. Alam mo naman, paborito ka ‘non. Ikaw nga yata ang tunay na anak eh.’

Napatawa silang dalawa.

‘Kapag pwede na ‘ko mag leave, dalawin natin sya.’

‘Sige, sige. Gusto ngang pumunta dito, kaso sabi ko, sosolohin muna kita.’ Hinalikan siya ni Daniel sa pisngi.

Ganito sila palagi ngayon. Honeymoon stage, talo pa noong nag-Hong Kong sila. Ngayon, palaging nakadikit si Daniel. Kulang nalang sumama pati sa banyo. (Minsan, oo, kapag maliligo.) At gaya kay Gabe, marami ring mga bagay ang nagbago sa lalaki. Isa dito ay ang pagbibigay pagkakataon sa ama na magkalapit sila. Nang umalis si Gabe ay kay Papa Ben nalang nakakapagkwento si Daniel. Hindi nalang puro business ang mga nagiging usapan, na talaga namang ikinatuwa ni Gabe.

Isa pa, kita niyang pinipilit na ni Daniel na huwag na masyado magpakatutok sa pagtatrabaho para magkaroon sila ng mas maraming oras sa isa’t isa, bagama’t kita rin niyang nami-miss nito ang pagka-busy sa opisina. Minsan naka-titig sa cell phone o sa laptop na para bang naghihintay na may mangailangan ng tulong. Sinabi ni Gabe na okay lang naman magtrabaho, pero mapilit si Daniel na para sa kanila ang mga araw na ito.

‘Kelangan mo ba talaga pumasok ngayon?’ tanong ni Daniel sa kalagitnaan ng kanilang almusal.

‘Oo… wala nga kasi si kuya. Alam mo naman ang nangyari, kaya hindi natin alam kung kailan yun babalik. Understaffed pa naman kami ngayon. Daming customers.’

‘Hindi nila kayang sila nalang muna kahit ngayon lang?’ Hinimas-himas ni Daniel ang bukol sa harapan ng kasintahan.

Malapad ang ngiti sa kanyang mukha. ‘Bakit, ano namang gagawin natin, aber?’

Nilalaro ni Daniel ang garter ng boxer shorts ni Gabe. ‘Wala naman… baka lang mas gusto mong… dito nalang sa bahay…’

Malakas ng tibok ng puso ni Gabe. Mukhang alam na niya ang mga susunod na eksena. ‘Tapos…?’ Napapikit si Gabe at saka naglabas ng buntong hininga. Minamasahe naman ng nobyo ang kanyang mabuhok na mga binti.

‘Ikaw?’ tanong ni Daniel, mapang-akit ang boses. ‘Ano bang gusto mong mangyari?’

‘Gusto…’ Napalunok si Gabe. ‘Gusto ko sanang pumasok sa coffee shop—ahahahaha! Teka, teka, matatapon yung pagkain!’

Patuloy si Daniel sa pagkiliti sa kanyang tagiliran. ‘Ah, papasok pala ha? Eh kung ganito nalang tayo maghapon?’

Tawa nang tawa si Gabe pero hindi makagalaw dahil matatabig ang tray. ‘Hindi na!’

Tumigil si Daniel, nakangiti. ‘Hindi ka na papasok?’

Humihingal pa si Gabe nang ibaba sa sahig ang tray ng pagkain. Ibinuka niya ang mga braso at automatic ng sumaklang si Daniel sa kanyang ibabaw, hanggang magkayapos silang dalawa. ‘Sorry, love, kailangan talaga eh, pero may oras pa naman, pwede pa kita pagbigyan.’

‘Pagbigyan na…?’

‘Ganito.’ Naglapit ang kanilang mga labi, nag-espadahan ang mga dila, nagpalitan ng laway.

Mabilis na nag-alab ang mga pangyayari. Parehong agad na natanggal ang kanilang mga pantaas, panay ang lamas ni Gabe sa iba’t ibang parte ng katawan ng nobyo. Bagong paligo ito at ubod ng bango. Dumako ang kanyang mga labi sa malulusog na suso ni Daniel. Noong muli silang nagkita, humpak ang mga pisngi ni Daniel at may itim sa paligid ng mga mata, subalit nanatiling kaakit-akit ang katawan. Ngayon ay balik na ito sa dating sigla at lalo pa atang gumagwapo sa bawat araw na nagdaraan.

Sarap na sarap si Gabe sa paghigop sa kaliwang utong ng nobyo. Higop, kagat,  supsop; nilalaro ng dila ang matigas at naghuhumindig na laman. Panay naman ang lapirot niya sa kanang utong nito. Hinihingal si Daniel, nakabuka ang bibig, nakatirik ang mga mata. Sagad hanggang langit ang nadarama.

Napaangat si Daniel nang sapuhin ni Gabe ang kanyang puwitan, itinaas ito, hanggang sa tumama ang kanyang harapan sa mukha ni Gabe. Hinalik-halikan ni Gabe ang titi niyang nababalot pa ng maikling shorts. Hindi na nakatagal si Daniel kaya’t ibinaba ang shorts at brief, upang palayain ang nagpupumiglas na sandata, sa siya namang agad na sinunggaban ng kasintahan. Napakapit siya sa headboard dahil sa ginagawang pag-chupa ng nakababatang nobyo. Kinain ang titi ng buong buo; dinuduraan; sinupsop; dinilaan; hinimod. Kita niyang puno na rin ng laway ang ibabang bahagi ng mukha ni Gabe. Naramdaman niya ang pagpasok ng isang basang daliri sa tumbong; nasundan pa ng isa, na siya namang dahilan ng pagkislot ng kanyang ari.

‘Babe… umppphhh… shit… teka—umpppphhh! Baka labasan ako, Gabe!’

Tila naubos ang hangin ni Daniel nang bigla nalang syang isalampak pahiga sa kama. Parang asong ulol si Gabe na naglalaway. Wala na itong saplot sa katawan at namumula ang ulo ng naghuhumindig na pagkalalaki, at lumuluha pa ng clear na likido. Sa laki ng titi ni Gabe, para siyang birhen kahit araw-araw pa siyang gahasain. Binasa ni Gabe ng lubricant ang ari habang titig na titig sa mga mata ng nobyo. Muli siyang sinakmal ng halik. Humigpit ang yakap ni Daniel sa leeg ng kasintahan lalo pa nang maramdaman na ang unti-unting pagpasok ng kargada nito sa kanyang kaselanan.

‘Anlaki, Gabe… tangina—ahhh! Amphhhh…’

‘Sandali nalang, mahal, matatapos din ang sakit…’

‘Ummmppphhh… Haaa…’ Tirik na naman ang mga mata ni Daniel sa pagkasagad ng kantot.

Ngumiti si Gabe nang tuluyan nang makapasok sa lungga ng nobyo. ‘O ayan, masarap na ba?’

‘Ang sarap, baby… Anakan mo na ‘ko, please? Buntisin mo ako, Gabe, parang awa mo na…’

Sinagot siya ni Gabe ng halik na abot hanggang kaluluwa ang dila. Nang di na makatiis ay nagkusa nang gumalaw si Daniel upang ipako ang sarili sa bakal-sa-tigas na ari ng kasintahan.

‘Hindi ka makapaghintay, puta ka,’ bulong ni Gabe. Lumuhod si Gabe at ipinatong ang mga binti ni Daniel sa kaliwang balikat at saka binalot ito ng mga braso.

‘Tangina, ang sikip mo, Dan! Nakakalibog kang puta ka!’

‘Ummhhhh, babe… Ahhh….’

‘Umph! Umph! Umph!’

Todo ang ginawang pagbayo ni Gabe sa lalaki. Pilit na inilalabas-masok ang higanteng kargada sa masikip na butas. Walang awang pinaluluwag ang lagusan; dinadala si Daniel sa langit.

‘Awww… fuck meee… Ang laki, Gabe… tangina, ang lakiiii…’

Pawisan silang dalawa. Parehong hingal sa libog at pagnanasa. Parang mansanas sa pula ang mga pisngi ni Daniel. Namamaga ang mga labing nilapastangan. Naninigas ang mga litid sa leeg at braso habang nilalamukos ng mga kamay ang bedsheet. Nakakademonyo ang itsura nito.

Kantot kabayo ang ginawang pagbayo ni Gabe sa nobyo. Marahas; walang awa; di gaya ng malambing na pagsisiping tuwing umaga. Humihiyaw si Daniel, di niya alam kung dahil sa sakit o sarap. Nakapikit ito.

‘Tingnan mo ako, puta ka,’ utos ni Gabe. Kita niya ang hirap sa mga mata ni Daniel. Lalo siyang ginanahan sa pag-araro. ‘Ang sarap mo, Dan…’

Wala sabi-sabi’y bumulwak ang tamod mula sa titi ni Daniel. Ilang beses itong dumura ng semilya sa hangin. Ni hindi manlang kailangang batihin para labasan. Ganito na ka-puta ang kanyang nobyo.

Habang kumakantot ay kumuha ng tamod si Gabe sa tiyan ni Daniel at isinubo ito. Matamis. Kaunting sandali pa’y naglabas na rin siya ng semilya sa kweba ng kasintahan, kasabay ng isang malakas na hiyaw.

Katahimikan.

Matapos ang ilang minuto, nakahiga na si Gabe, at nakapatong naman sa kanyang hubad na katawan ang halos mawalan ng ulirat na si Daniel. Mabagal ang paghimas ng niya sa likod at puwitan ng kasintahan.

‘I love you, Dan.’

‘I love you, Gabe…’ 

----------------

Trenta minutos nalang ay magbubukas na ang restaurant. May mga tao nang nakapila sa labas, pero wala pa rin sina Jace at Gabe. Kinakabahan na si Rusty. Mukha namang relaxed lang ang iba nilang kasamahan… pero kahit na. Papaano na kung hindi dumating yung dalawa? Si Marie pa naman palaging busy sa kitchen. Kapag kasi nagkakagulo na ang mga waiter, iyong dalawa lang ang nakakapagpakalma sa lahat.

Nag-aayos siya ng mga upuan nang makitang dumaan si Gabe sa tagiliran. Sa likod ito papasok.

May kaunting kiliti sa tiyan ni Rusty. Sasabihin ba niya na alam niyang nagkabalikan na sila ng kasintahan? Alam na kaya si Gabe kung anong nangyari sa kanila si Jace? Protective pa naman ang lalaki. Baka makatikim siya ng suntok kapag nalaman nitong nahirapan si Jace nang dahil sa kanya.

Kagabi bago matulog, nirehearse na niya kung papaano hihingi ng tawad. Aaminin niya ang pagkakamali, at mangangakong hindi na ito mauulit. Kita naman nila na nagbago na rin siya sa pagiging kupad sa trabaho, diba? Siguro naman maniniwala sila kapag sasabihin niyang hindi na siya mang-i-indian sa susunod na lakad. Tapos, aalamin niya kung kailan magdadala ulit ng mga libro para makasama na siya at nang makapag-donate na rin. Kay Gabe naman, itatanong lang niya kung kumusta ang love life. At kung aamin na si Gabe, dapat cool lang siya. Totoo naman, hindi naman siya nagseselos—hindi lang talaga niya akalain na magkakabalikan pa sila. May konting inis siguro, pero hanggang doon nalang.

Ang hindi akalain ni Rusty, walang bunga ang mga paghahandang kanyang ginawa. Hindi nagpakita sa trabaho si Jace. Nang tanungin ang ibang mga kasamahan, ang sabi lang ay hindi nila alam kung nasaan ito. Wala naman siyang pagkakataong makausap si Gabe dahil sa dami ng customers. Nag-good morning ito sa kanya kanina kaya mukhang walang problema, kaso… sa likod ng isipan ni Rusty ay parang alam niyang iniiwasan siya si Gabe. Pagdating ng alas-otso ng gabi, natanto nalang niya na umuwi na pala si Gabe. Ni hindi manlang nagpaalam ang kumag. Si Marie pa ang nagsabi sa kanya nang hinanap niya ito.

Naramdaman niya ang pagod nang makarating ng bahay. Nakaupo siya sa sofa at nakatitig sa saradong TV. Wala siyang ganang kumain. Gusto niyang dumeretso at matulog … sa kama ni Jace. Halos isang linggo din siyang palihim na pumupunta sa apartment para kumain at matulog. Na-miss kasi niyang tumira sa maliit na lugar. Nasa bakasyon naman sina Jace at Gabe kaya’t hindi siya nag-alalang makita. Kaso, bumalik na kagabi si Gabe. Nasa gate pa lamang siya ng compound ay kita na ang mga bukas na ilaw sa apartment ng lalaki. Gusto niya sanang pumuslit sa apartment ni Jace, kaso baka bamalik na rin ito at mahuli siya. Ano namang pagpapaliwanag ang gagawin niya kapag nagkataon?

Nahiga si Rusty sa sofa at ipinikit ang mga mata. Pabali-balikwas. Hindi matahimik ang isipan. Bumabalik na naman ang black hole sa dibdib. Inabot niya ang jacket na nakapatong sa coffee table at ipinatong ito sa mukha, nilanghap ang pabangong hindi alam ang pangalan. Saka pa lumuwag ang kanyang damdamin. Sa susunod nalang niya ibabalik ang jacket ni Jace.

Lumipas ang mga linggo pero hindi pa rin bumabalik si Jace. Walang nagsasabi sa kanya kung nasaan ito. Kung may nakakaalam man (a.k.a. Gabe), tikom ang bibig nito. Ilang beses na niya itong kinulit, pero wala pa rin. Hindi rin naman talaga niya makausap dahil palaging nasa isang sulok ng coffee shop si Daniel at doon nagtatrabaho. Nagkausap na sila ni Daniel at okay naman ang lahat, kahit awkward pa rin.

Hindi na mapakali si Rusty. Siya ba ang dahilan nang hindi pagbabalik ni Jace? Ganoon ba kalaki ang kasalanan niya? O baka naman may ibang dahilan? Alam niyang hindi lahat ng bagay ay tungkol sa kanya, pero nakaka-guilty pa rin. Hindi na nga niya alam ang gagawin.

Civil lang si Gabe, halatang nagtampo pa rin, subalit hindi na maiinitin ang ulo nito gaya nang dati. At dati, may-effort ang mga kasamahan na makipagkwentuhan sa kanya, niyayaya pa siyang lumabas, siya nga lang ang umiiwas dahil “busy” siya. Ngayon, parang sila naman lahat ang kaydaming ginagawa at hindi manlang siya mabati kung kumusta na siya. Ngayon, wala manlang nag-gu-good morning. Si Marie, minsan, oo, kung hindi lumilipad ang utak nito.

Wala siyang ibang magawa kundi bumuntong hininga.

Tiningnan niya ang cell phone. May mga nag-like sa Tinder, may mga nagyayaya ng inuman sa OK Cupid, may nagyayaya ng sex sa Planet Romeo, pero walang mensahe sa kahit sinong kaibigan. Nag-try siyang mag-reconnect sa iba, pero tila wala na silang panahon o pasensya sa kanya. Alak nalang ang kasama niya madalas, na sa mga nagdaang araw ay tila ayaw na rin makisama. Ngayon ay trabahao nalang ang nagbibigay sa kanya ng lakas, at yung mga masasayang customers na nakikipagusap. Pero pag-uwi ng bahay, kadalasan ay nakatitig lang siya sa pader, hindi alam ang gagawin. Walang ganang lumabas, o manood ng TV series, o magbasa manlang ng komiks. Kapag nangingilid ang luha, pinapahid niya ito agad.

Bumili siya ng gym equiment na inilagay sa isang bakanteng kwarto. Ayaw na niyang bumalik sa gym ni Manuel. Wala naman siyang napapala doon kundi sex. Kaya ngayon, mukhang tatapusin niya ang taon bilang isang ermitanyo.

Lumipas ang mga araw.

Wala pa ring pagbabago.

Parang wala na talaga siyang pag-asa.

Isang Sabado ng gabi, naiwang naglilinis ng restaurant sina Rusty at Gabe.

‘O, bakit nandito ka pa?’ tanong ni Rusty. ‘Wala kayong lakad ni Daniel?’

Patuloy si Gabe sa pagpupunas ng mesa, hindi siya tinitingnan.

‘Wala, pahinga muna ngayon,’ sagot nito.

‘Ah, ganon ba? Ah… so, Gabe, kumusta naman na magkasama na kayo ulit ngayon?’

‘Okay naman.’

‘Tipid mo naman sumagot.’

‘Wala naman kasing exciting na ikukwento. Ganito lang naman kami. Trabaho ako, siya naman dito na rin nag-o-office. Binayaran na nga niya yung pwesto kay Marie para reserved na sa kanya ‘yon araw-araw.’

‘Napansin mo ba,’ sabi ni Rusty matapos ang ilang sandali, ‘may fan club na rin si Daniel?’ Tumawa siya nang mahina. ‘Matatawa si Jace kapag nalaman niya. Nagkita na ba sila?’

Hindi nagsalita si Gabe at bagkus ay lumipat ng mesang pupunasan.

Napailing nalang si Rusty. Taboo pa rin na pag-usapan ang bestfriend nito. Hindi siya naiinis, pero nalulungkot lang. Akala niya dati siya ang bestfriend ni Gabe. Noong naghiwalay sila ni Daniel, diba siya ang pinaglabasan nito ng sama ng loob? Pero ngayon… Okay, granted, hindi siya naging mabuting kaibigan—tao—hindi siya naging mabuting tao ng mahabang panahon… pero bakit parang wala pa ring nagpapatawad sa kanya? Ibinibigay naman niya ang lahat para ipakitang nagbago na siya, diba? Wala naman siyang sinasaktang ibang tao… bakit parang may ketong siya kung iwasan?

Nag-e-emo na naman si Rusty nang biglang tumunog ang cell phone ni Gabe. Nag-duet sina Ariana Grande at John Legend ng Beauty and the Beast.

‘Kuya!’ bulalas ni Gabe nang ilapit na ang phone sa mukha. ‘Kumusta?’

Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Rusty. Hindi niya alam ang dahilan kung bakit, pero parang bigla nalang may nakaalam ng sikreto niya.

‘…o…Okay naman, kaso kuya, alam mo ba…’ Lumabas ng restaurant si Gabe.

Muntik na itong sundan ni Rusty kung hindi lang niya napigilan ang sarili.

Babalik na kaya si Jace?

Papasok sana siya ng kusina nang may matisod sa sahig. Isang libro. A Monster Calls.

‘Hmmm…’ Hindi mahilig magbasa si Rusty, pero natatandaan niya noong high school siya, mahilig siyang magbasa ng horor stories. Manipis lang naman ang libro. Kung babasahin niya ito ngayong gabi, matatapos niya ito agad. Kung boring, eh di itigil. Kung sakaling may maghahanap eh ibabalik nalang niya.

Paglingon ni Rusty ay kita niyang nakasandal sa poste ng ilaw si Gabe, may kausap pa rin sa telepono. Seryoso at tumatango, na tila nakikinig sa payo ng guidance counselor.

Kumusta na kaya si Jace?

----------------

Sa pangalawang pagkakataon, natapos ang honeymoon stage para kay Gabe.

Noong una, dahil sa pambabalewala sa kanya ni Daniel. Umalis siya para hanapin ang sarili. Nagkabalikan naman sila at naging maayos ang lahat. Ngayon nga lang, hindi na pwedeng maglayas. Kailangan niyang harapin ang panibagong hamong ito bago pa man lumala.

Sa Maynila nagtrabaho si Daniel kanina dahil nagtalo sila kahapon.

Huminga ng malalim si Gabe. Binuksan ang pinto.

Nakaupo sa kama si Daniel. Nagla-laptop. Hindi makatingin sa kanya.

Sa mesa, nakapatong ang mga libro, kaserola, mga baso, at plasic ng potato chips. Sa sahig ay may mga bakas ng sapatos. Sa lababo ay may mga nakatambak na hugasin. Umaapaw ang basurahan. Naamoy niya ang banyo.

Mahigpit ang kapit ni Gabe sa doorknob. ‘Bumalik ka na pala.’

‘Hi… babe…’

‘Anong oras ka pa nandito?’ tanong ni Gabe.

‘Alas kwatro—’

‘Alas kwatro? Mag-a-anim na oras ka nang nandito hindi mo manlang nakuhang maglinis ng bahay?’ Tumaas na ang kanyang boses. Pigil na pigil si Gabe sa sarili.

‘Eh kasi may trabaho pa ‘ko—’

‘Teka, ako ba hindi nagtatrabaho? Ni maghugas ng pinggan, hindi mo manlang magawa! Papaano nalang kapag nag-aaral na ‘ko? Ako pa rin ang mag-aayos ng kalat mo? Katulong mo ba ‘ko, Daniel?’

Napangiwi si Daniel. ‘Kasi naman, babe, ayaw mong kumuha ng katulong—’

‘Ang liit-liit nitong kwarto, kailangan pa natin ng katulong?’

‘Eh bakit kasi ayaw mo pang lumipat ng bahay?’

Itinalpak pasara ni Gabe ang pintuan.

Napaigtad naman sa gulat si Daniel. Tumayo ito, pero napaurong sa pader nang humakbang na ang mas malaking lalaki.

‘Maglilinis ka ba ng apartment ko o maghahanap ka ng ibang matutulugan ngayong gabi?’

Tulo ang pawis ni Daniel. ‘Babe, seryoso ka ba?’

‘Huwag mo akong ma-babe-babe. Sagutin mo ang tanong ko.’

‘Eh hindi kasi ako marunong—’

Sinalakay ni Gabe ang mga hugasin sa lababo. Dali-dali niyang hinugasan ang mga nakatambak. Nag-iinit ang buo niyang katawan dahil sa inis. Walang magawa ang naka full-blast na aircon sa init na nadarama. Mag-a-asawa pa yata siya ng inutil. ‘Mag-empake ka na,’ utos ni Gabe.

‘Teka, teka, maglilinis na!’

Kahit naka-corporate attire pa ito ay dali-daling kumuha ng trash bag at ipinaglalagay ang mga basura dito. Kinuha ang basurahan at dinala sa labas ng apartment. Pinunasan ni Daniel ang mesa ng basang basahan at dinala sa lababo ang iba pang mga hugasin. Hinayaan siya ni Gabe.

Pinatay ni Gabe ang air conditioner, binuksan ang pinto’t mga bintana. Wala ring pagkain. Pinigilan niya ang sarili na magdabog habang nagluluto. Hindi niya kinakausap ang aligagang nobyo.

Habang kumakain ng spam at kanin ay busy naman sa paglalampaso ng sahig si Daniel. Kahit amoy Zonrox ay hinayaan na ito ni Gabe.

Kailangang maputol ang sungay ni Daniel bago pa man ito tuluyang humaba.

‘Maglinis ka ng banyo,’ utos ni Daniel. Agad namang sumunod ang lalaki.

‘Palitan mo ang bed sheet at ang mga punda ng unan.’

‘Bakit may mga kalat sa ilalim ng kama? Tanggalin mo yan. Yung ilalim ng mesa, walisin mo.’

Nakatayo si Gabe sa isang sulok habang minamanduhan ang nobyo. Pawis na pawis ito at mangiyak-ngiyak pa habang sinusunod ang kanyang mga utos, lalo pa kapag nabubulyawan niya ito. Mali kasi ang ginagawang paraan ng paglilinis. Wala ring tigil si Gabe sa kinapa-pangaral dito habang nagtatrabaho. Ilang linggo na niyang tinitiis ang kawalang kusa ni Daniel at panahon na para matuto ito ng leksyon.

Noong mga nakaraan araw eh sumasagot at ngangangatwiran pa. Akala siguro titiklop na naman siya. Sa panahon ngayon, dapat equal footing na (sabi nga ng bestfriend niya). At kung inakala ni Daniel na si Gabe pa rin ang maglilinis ng bahay dahil nagtrabaho siya sa Maynila, pwes…

Ala-una na ng madaling araw nang matapos si Daniel. Madungis ito at pawisan.

Pero napakalinis ng apartment.

‘O ano, tingnan mo, eh di napakalinis ng bahay! Kaya mo naman pala gawin, kelangan mo pang pinapagalitan.’

Nakatayo lang si Daniel at hindi makapagsalita.

Ibinuka ni Gabe ang mga braso. ‘Halika na nga.’ Niyakap niya ang madramang boyfriend. Umiiyak ito na akala mo’y namatayan ng kamag-anak. ‘Shhh… okay na. Shhhh… Tama na yan. Sa susunod magtutulungan na tayo dito sa bahay, okay?’

Kumapit lang ng mahigpit sa kanya si Daniel.

Hinila niya ito sa banyo para sabay na silang maligo.

----------------

Kinaumagahan, maagang umalis ng bahay si Gabe.

Iniwan niyang natutulog pa si Daniel. Magkayakap silang natulog, pero walang sex na naganap. Tama lang, dahil hindi lahat ng problema ay nasusulusyunan ng pagtatalik. Sobrang pagod malamang si Daniel, dahil bukod sa pagtatrabaho maghapon ay magdamag pang naglinis ng bahay. Napangiti si Gabe. Tama talaga na matuto nang mag-ayos ng sariling bahay ang nobyo. Hindi habangbuhay ay aasa sila sa katulong. Papaano nalang kapag nagkaanak sila? Dapat kahit mga bata marunong gumawa sa bahay. At alangan namang siya lang ang magtuturo sa mga bagets. Syempre dapat silang dalawa.

Pumunta siya sa may kanto ng Robinsons at sumakay ng jeep papuntang IRRI. Doon niya kakatagpuin ang kaibigang matagal na niyang nami-miss.

Umulan kaninang umaga at basa pa ang daan. Presko ang hangin; malamig at pumapagaspas sa kanyang tagiliran. Napaka-ganda ng daan papunta sa research facility. Malalago ang mga puno sa tabi ng daan, parang setting ng Koreanovela.

Pagkarating ng cafeteria, hinanap niya ang kaibigan. At kung hindi pa siya tinawag, hindi niya ito makikilala.

‘Gabe!’ sabi ng lalaking kumakaway.

‘Kuya!’ Gumuhit ang malaking ngiti sa mukha ni Gabe bago lapitan ang kaibigan at yakapin ito nang mahigpit. Umupo silang magkaharap.

‘Sorry ha, kumain na ako, nagutom ako eh,’ sabi ni Jace.

Hindi makapaniwala si Gabe sa nakikita. Si Jace ba talaga ito? Umiling-iling si Gabe. ‘Bakit hindi mo naman sinabing magpapalit ka ng katauhan?’

Tumawa ng malakas si Jace. ‘Sira.’

‘Hindi nga. Ang laki ng iginanda ng katawan mo! At yung buhok mo, very trendy, parang ibang tao ka na ah!’

‘Umibig, nasaktan, nagpa-make-over.’

Tawanan silang dalawa.

Alam niyang nag-training si Jace sa Pangasinan bukod sa pagpipinta, pero hindi naman niya akalain na lalaki kaagad at magiging defined ang mga muscles nito. Perpekto ang pagka-hapit ng simpleng puting t-shirt. Bagay rin sa hugis ng mukha ang bagong salamin na asul ang frame.

‘Kumusta ka na, Gabe?’

‘Anong ako? Ikaw ang pag-usapan natin! Kita mo naman!’ Inilatag ni Gabe ang mga kamay na akala mo’y nagpe-presenta ng pagkain sa mga bisita. ‘Kwento ka, kuya, ano bang nangyari sa ‘yo don? Kapag nag-va-Viber tayo palagi nalang kami ni Dan ang pinag-uusapan. Kwento ka naman!’

‘Okay, fine, huwag ka masyado excited.’

Tumawa si Gabe. Hindi pa rin nagbabago ang kaibigan. Monotone pa rin magsalita. Kala mo walang problema sa buhay.

‘Well,’ umpisa ni Jace. ‘Diba nga nagdamdam ako dun sa ginawa ng ex mo, kaya nakiusap ako kay Odet at kay Marie na mag-s-stay muna ako sa resort ni Odet. Pumayag naman agad, pero syempre inamin ko kung bakit. Dun sa resort, tatlong araw ata akong patulog-tulog lang, babangon para kumain o magbanyo, hanggang sa hilahin ako ni Odet palabas ng kwarto.’

‘Parang napanood ko na yan sa Sex and the City the Movie ah.’

‘Exactly.’ Nakangiti si Jace. ‘Anyway, ayun, nag start na ako magpinta. Doon ako nagpipinta sa bakuran, eh nakita ko yung sa katabing resort, may bootcamp training pala sila. At dahil wala akong energy kapag umaga, naisipan ko na sumali para naman magka-sigla ako. Eh yung instructor, napapayatan sa akin, gagawin daw niya akong project. Ang daming pinapakain! Yung hindi masasarap. Puro white meat tapos walang kanin. Bawalng ang cheese. Bawal ang chocolates! Hirap talaga, Gabe. So, bootcamp sa umaga; swimming sa tanghali (kaya ang itim-itim ko); weights sa gabi. In between, doon ako nagpipinta. Linggo lang ang pahinga. Sobra talaga. Akala ko nga nung una ikamamatay ko eh. Nag-survive naman. Hahaha…’

‘Wow, nakaka-proud naman. Kita mo oh, boom panes!’

‘Pak ganern. LOL.’

‘Kapag nakita ka ni Rusty nyan…’

Nag eye-roll si Jace. ‘Please.’

‘Hahaha… Ewan ko ba don, lagi tinatanong kung kailan ka babalik.’

‘Guilty kasi.’

‘Galit ka pa?’

‘Hindi na. Noong una, oo, pero, bakit ko pa naman iintindihin ‘yon? Ako ang talo kung magtatanim ako ng sama ng loob. Forgiven, but not forgotten. At naka move-on na ako.’

‘May boylet ka na?’ tanong ni Gabe.

‘Boyfriend?’

‘Oo.’

‘Wala. Fuck buddy lang.’

Naeskandalo si Gabe. ‘Oy! Totoo ba yan?’

‘Sobra ka naman maka-react. Hindi naman ako birhen.’

‘Eee! Wag mo na ikwento, ayoko ma-imagine!’

‘Kala mo siguro pa-sweet lang ako no? Hindi kaya. In reality—’

‘Huwag na, okay na ‘ko don. Huwag ka na magkwento. Nasisira ang imahen mo sa akin.’

‘Hahaha… yung prim and proper?’

‘Yung librarian ba.’ Napangiti si Gabe. ‘Pero ngayon, hunky librarian na.’

‘Yan naman ang gusto ko sa ‘yo, bestie, very supportive ka.’ Nakatungo si Jace.

‘Oo naman,’ saad ni Gabe, nakangiti, pagkatapos ay sumeryoso ang mukha. ‘So…’ Umiling si Gabe. ‘Anong problema, kuya? Bakit ka bumalik?’

Dahan-dahang uminom ng tubig si Jace at saka tumingin sa labas. Inilahad niya ang mga nangyari nitong mga nakaraang araw.

----------------

Tagaktak ang pawis ni Rusty kahit na malamig ang panahon. Ilang kahon ang binuhat niya mula sa labasan hanggang sa stock room. Wala daw kasing makakatulong yung driver dahil nagkasakit ang delivery boy. Nagprisinta na siya dahil maraming ginagawa yung iba sa kusina. Hindi naman niya akalain na ambibigat pala at medyo maalikabok ang mga kahon. Matapos punasan ang mga ito, buhatin, itabi, at i-record, madungis na siya. May damit naman siyang malinis na nakasampay sa closet sa opisina, para sa mga pagkakataong kagaya nito. Maghihilamos din muna siya dahil ang lagkit sa pakiramdam. Pero ngayon, kelangan muna niyang magyosi. Pumunta siya sa likod ng restaurant, sumandal sa pader, at saka nagsindi ng sigarilyo.

Nakatingin sa langit habang dinarama ang pagpasok ng menthol sa baga.

‘Hi,’ bati ni Gabe.

Nilingon niya ito.

Bigla siyang napako sa kinatatayuan nang makita kung sinong magkasama.

‘Good morning,’ bati ni Jace.

Pumasok ang dalawa sa kusina, hindi na hinintay ang sagot niya. Dinig ni Rusty ang hiyawan ng mga kasamahan sa loob, wine-welcome pabalik ang lalaki. Parang tuod siyang nakatitig sa pintuan; nakalimutan ang sigarilyong nakapasak na bibig; malakas ang tibok ng puso. Hindi niya alam, pero tila ba binalot ng kaba ang buo niyang pagkatao.

Maghapong hindi makasingit sa usapan si Rusty. Kung hindi kinakausap ang mga customers, kinukuyog naman si Jace ng ibang mga staff. Kitang-kita ang pagka-miss ng mga ito sa kanya. Parang biglang nabuhay ang restaurant, na ngayong araw ay nagpapatugtog na rin ng mga kantang pam-Pasko.

Matagal nang nakatambak sa kanyang dibdib ang hindi masabi-sabing sorry sa lalaki. Panahon na para mailabas ito. Ang problema nga lang, hindi niya mahuli ang tingin si Jace. At sa tuwing magtatangka siyang lumapit dito, biglang haharang si Gabe na akala mo’y guard dog.

Lumipas ang tanghalian, merienda, hapunan, dumating at umalis ang mga tao, wala pa rin. Wala pa ring pagkakatong makausap ang lalaki. Isang sorry lang naman, dasal ni Rusty. Isang sorry lang at mapapanatag na ang kanyang kalooban.

Naiinis siya sa sarili dahil akala mo naman kaylaki ng kasalanan. Para bang nakapatay siya ng tao sa sobrang guilty. Oo, guilty siya, pero sana naman mabigyan siya ng pagkakataong humingi ng tawad. Naalala tuloy niya yung gabing magpapakamatay siya. Hihingi rin siya ng tawad kay Gabe, tapos sa kung anong kadahilanan ay napadpad siya sa apartment ni Jace… pero… nakapasok kaya si Jace sa apartment? Nakatago pa sa kanya ang susing naiwan ng lalaki. Eh kung iabot niya kaya? Kaso magtatanong ‘yon kung bakit—

Huli ka.

Nakatayo si Jace sa labas ng restaurant at nagte-text. Pagkakataon na niya ito. Pahakbang pa lamang siya nang biglang may humarang sa kanyang daraanan.

‘Gabe, ano ba?’ Napalakas ang salita niya sa gulat. Napatingin ang ilang customers na kumakain.

‘Kung ano mang binabalak mo, huwag mo nang gawin.’ Mahina at seryoso ang boses ni Gabe.

‘Anong gagawin?’ Naiinis na siya. ‘Kakausapin ko lang naman yung tao, bakit ka ba nakikialam?’

‘Ano bang sasabihin mo? Nagka-problema ba kayo?’

‘Anong problema? Wala. Kukumustahin ko lang naman si Jace dahil antagal ko nang hindi nakita, masama ba yon?’

‘…’

‘O ano?’ paangil na tanong ni Rusty. ‘Tumabi ka nga diyan.’

Umalis sa kanyang harapan si Gabe.

Wala na rin si Jace sa kinatatayuan nito.

Hinanap ng kanyang mga mata ang lalaki, subalit hindi na niya makita.

Sinilip niya ang opisina at ang kusina—wala.

Pumunta sila sa likuran ng restaurant.

Wala.

‘Fuck!!!’

---ITUTULOY---

No comments:

Post a Comment

Read More Like This