Pages

Wednesday, March 29, 2017

A Beautiful Artifice (Part 3)

By: Joshua Anthony

Halos isa’t kalahating oras pa ang nagdaan bago namin natapos na baybayin ang daan papunta sa beach resort nina Brett. Sa buong biyahe ay hindi nawala ng topak ko dahil na rin sa kagaguhan ni Sebastian.
Habang nagla-lunch ay panay din ang paghingi ko ng dispensa kay Zeke dahil sa inasta ni Seb sa kanyang pagmamagandang-loob. Hindi na rin siya masyadong nagpaapekto roon.
Pagkababa ay kanya-kanya kaming bitbit ng mga gamit papasok sa isa sa mga rental houses nila doon. Ayon kay Brett ay iyon daw ang pinakamalaking bahay paupahan doon at iyon din ang kanilang tinutuluyan sa tuwing magbabakasyon sila doon ng kanyang pamilya.
Maganda ang resort nila. Maaliwalas ang paligid. Malinaw at asul na asul ang tubig dagat kahit na sa malayo mo pa lang titigan. Puti rin at pino ang mga buhangin.
Ang aming tutuluyan naman ay isang bahay na gawa sa kawayan ay de-kalidad na mga kahoy na materyales. May pagka-antique, ngunit hindi naman ‘yung tipong nakakatakot. Maayos at maaliwalas dahil parang pang-probinsya talaga ang istilo. May isang kwarto sa ibaba at dalawang kwarto naman sa itaas, at bawat kwarto ay may sari-sariling banyo.
Ako ang pinauna ni Brett sa isa sa mga kwarto sa itaas para makapagpahinga na raw muna ako dahil sa hilo ko sa biyahe.
Pagkapasok ng kwarto ay nakabukas na rin ang aircon at maayos nang nakahanda ang mga higaan. May dalawang kama doon; isa malapit sa pinto at ang isa naman ay sa tabi ng bintana. Sa pader, sa may bandang paanan ng mga kama, ay may malaking damitan.
Hindi ko na muna inayos ang aking mga gamit at inilapag ko na lang muna sa isang tabi ang aking bag. Nahiga ako sa kama at hindi namalayang nakatulog na pala ako.

“Chard? Chard…” naririnig kong pagtawag sa akin nang mamalimpungatan.
“Oh?” mahina kong tugon kahit na nakapikit pa rin ang mga mata.
“Dinner’s ready.” si Zeke pala. “Feeling better now?” tanong niya.
Nag-unat ako at naghikab. “Much better.” sagot ko sa kanya. “Where’s everybody else?” tanong ko matapos tignan ang oras sa aking cellphone. Lampas alas-sais na pala.
“They’re all downstairs. Katatapos-tapos lang din kasi namin mag-prepare ng dinner eh. We grilled some fish!” sagot niya. “I think you should go to the other room. Andun din kasi si Seb at hindi pa rin bumababa kahit na inaya na ni Cha.”
Umupo ako mula sa pagkakahiga.
“Bahala siya sa buhay niya, gago siya.” sagot ko na lang kay Zeke na natatawa dahil sa sinabi ko. “C.R. lang ako tapos baba na rin, tol.”
Bago pumasok ng banyo ay lumabas na rin si Zeke ng kwarto para bumaba. Sinabi niya na lang din na doon na lang siya matutulog.
Nagsuot lang din ako ng aking salamin sa mata at dinaanan ko na rin sa kabilang kwarto si Seb. Hindi ko rin naman matiis ‘yung tukmol na ‘yon.
Kumatok ako ng ilang beses sa pintuan ng kwartong iyon. Maya-maya ay binuksan niya rin kaagad ang pinto.
“Kakain na raw.” sabi ko sa kanya nang hindi siya tinitignan sa mga mata. “Ikaw bahala kung ayaw mo pang bumaba.”
Bigla ko na lang siyang tinalikuran at dumeretso na pababa.

Hindi pa rin kami nagpapansinan ni Seb kahit na kumakain na. Sila ni Cha ang magkatabi sa upuan pati na rin sina Maddie at Raya. Sa harap naman nila sina Jerry at Natalie na katabi naman ni Zeke tapos ay ako.
Ang mag-pinsan naman na sina Brett at Marky ay mabilis raw natapos sa pagkain at naglilibot-libot daw na muna.
Upang makabawi na rin sa abala ko sa biyahe kanina ay ako na ang nag-prisinta na mag-hugas ng mga pinagkainan.
Pinipilit din nina Maddie at Zeke na tumulong, ngunit hindi ko na sila pinayagan. Alam ko rin naman kasi gusto nilang maglibot-libot din at manood ng mga banda na nagpe-perform sa bar. Hindi naman ako mahilig sa mga ganoong mga bagay kaya’t mas ayos na rin sa akin ang maiwan din muna upang magayos-ayos at mapag-isa.
Matapos kong hugasan ang lahat ng aming mga ginamit ay tumambay na muna ako sa lanai dala-dala ang aking ukulele. Naupo ako sa mahabang couch doon at nagsimulang tumugtog.
I set out on a narrow way many years ago.
Hoping I would find true love along the broken road …
Panimula ko. Isa sa mga pinakauna kong natutunang tugtugin sa gitara at uke itong “Blessed the Broken Road” ng Rascal Flatts. Maganda kasi talaga.
But I got lost a time or two;
Wiped my brow and kept pushing through.
Couldn’t see how every sign
Pointed straight to you …
Ang mga sumunod na parte ng kanta ay ini-hum ko na lamang habang tinitignan ang dagat sa di kalayuan. Ang sarap lang sa pakiramdang ng ganoon.
Malamig ang simoy ng hangin.
Rinig man ang ingay ng mga bandang kumakanta sa malapit na bar, mas malakas pa rin ang hampas ng mga alon sa dalampasigan. Ang buhok ko na hindi ko namalayan na may kahabaan na rin pala ay nagsasayawan din at nakikisalo sa saya at aliwalas na aking nararamdaman.
Maya-maya pa’y ipinikit ko ang aking mga mata at sinimulang awitin nang mahina ang koro ng kanta:
Every long lost dream
Led me to where you are.
Others who broke my heart
They were just Northern stars;
Pointing me on my way
Into your loving arms.
This much I know is true…
That God blessed the broken road
That led me straight to you.
Hindi ko napansin na may sumasabay na rin pala sa aking pagkanta. Si Seb, na kanina pa yata nakaupo sa tabi ko. Litaw na litaw ang puti at kakisigan ng kanyang katawan dahil sa dark grey niyang sando at white board shorts.
Matapos siyang lingunin ay huminto ako sa pagkanta at niyakap na lamang ang aking ukulele habang tahimik pa rin na nakatingin sa dagat.
“When was the last time I heard you sing that?” mahinang sabi niya. Isang tanong na hindi naman talaga naghihintay ng sagot. “Samantalang dati, rinding-rindi na ako sa’yo dahil palagi mo ‘yang kinakanta.”
Ngumiti na lang ako dahil sa mga ala-alang biglang bumuhos.
Umayos ng upo si Seb at humarap sa akin. Itinaas niya ang kanyang mga paa matapos hubarin ang mga tsinelas at ipinatong sa mismong couch sa bandang tabi ko.
Nilingon ko siya at natuon ang atensiyon sa biceps na na-flex dahil sa pagpatong niya ng kanang kamay sa sandalan ng couch at saka nagpangalumbaba. Tinignan ko kung papaanong pinaglalaruan ng hangin ang kanyang kulot at malagong buhok. Maganda ang pagkakakulot ng buhok niyang iyon. Hindi buhaghag, hindi mukhang makalat. Bagay sa kanya—lalong-lalo na sa kanyang asul na mga mata.
Tinitigan niya lang ako at sumimangot na animo’y batang nagpapapansin sa magulang. Iniaangat-angat niya rin ang isang paa upang kilitiin ang aking tagiliran. Hindi naman malakas ang kiliti ko, ngunit hindi ko mapigilan magbitaw ng mahihinang tawa.
 Ito si gagong Sebastian Collins. Ito ‘yung Seb na matagal ko nang hindi nakikita. Ito ‘yung makulit na Seb na matagal ko nang kinasasabikan na muling makasama.
“Sorry na po.” mahina niyang sabi. Nagpaka-boses bata, ngunit hindi nakakairita.
Malakas kong tinapik ng aking kamay ang isa niyang binti na siya namang ikina-aray niya.
“Gago ka kasi eh.” sabi ko sabay balik ang tingin sa dagat.
“Pahiram nga niyan.” sabay hingi sa akin ng aking ukulele.
Pagkaabot ay agad niya itong nilaro-laro na parang nag-iisip kung ano ba ang magandang kanta na kaya niyang tugtugin. Nagsimula na rin siyang mag-hum ng kung anong kantang naiisipan.
“Na-miss ko ‘to.” sabi niya.
“Ako rin. Kahapon ko lang ulit nahawakan ‘yang uke eh.” mahinahon kong tugon.
“Hindi.” sagot niya. “Eto… ‘Yung ganito. Na-miss ko ‘yung ganito. Na-miss kita.” pagpapatuloy niya. “Na-miss ko utol ko.” sabay tingin sa akin.
Bigla ko siyang tinitigan. Pinagmasdan ang mapang-akit niyang itsura. Nahibang na naman akong muli sa ganda ng kanyang mga mata. Nagbitaw lamang ako ng mahinang buntong-hininga at napasandal sa aming kinauupuan. Nanghina.
Nangiti siya at napapikit ng madiin. Marahil naisip na natatawa ako sa sinabi niya. Pero hindi, gusto ko ‘yung sinabi niyang iyon. Gustong-gusto.
“Para kasing may distance na tayo eh,” seryoso niyang tanong habang nilalaro-laro pa rin ang uke na hawak. “What happened, tol?”
Patuloy muna akong tumahimik. Nakangiti ngunit tumitig sa ukulele na ngayon ay yakap-yakap niya; nag-iisip kung ano nga ba ang maaari kong sabihin upang masagot ang tanong niyang iyon.
“You…” mahina kong sambit. “You and Cha.”
Nakita kong nabigla siya at tumigil sa paglalaro ng uke. Ibinaling ang buong atensyon sa akin—isa sa mga pagkakataon na mahalaga ang kahulugan sa akin; isa sa mga sandaling lubos kong pinahahalagahan.
“H-huh?” seryosong tanong niya.
Katulad niya, ibinaling ko na rin sa kanya ang aking buong atensyon. Katulad ng madalas, katulad ng palagi.
“You and Cha happened, Seb.” mahinahon kong paglilinaw sa kanya.
Bumakas sa kanyang mukha ang pagkalito. Ang kislap sa kanyang mga mata ay binalot ng mga tanong na hindi ko alam kung anu-ano. Masakit na makita sa kanya ang pagkalito, ang pagkabalisa. Ngunit may kung ano itsura niyang iyon na hindi ko magawang hindi tignan. Parang isang bangungot na kailangan mong harapin at lampasan.
Ilang segundo rin siya sa ganoong pagkakatitig sa akin. Naghihintay ng sagot sa kanyang kalituhan.
“Magpapahinga na ako.” ang tanging naging tugon ko.

Kinabukasan ay maaga kaming nagising lahat dahil na rin sa dami ng mga gagawin namin. Ilan lamang sa mga iyon ay island hopping, snorkelling, at iba’t iba pang water adventures.
    Simula pagkagising ay nahuhuli ko si Seb na patingin-tingin sa akin. Marahil ay nais pa rin alamin kung ano ang aking ibig sabihin patungkol sa aming napag-usapan bago matulog kagabi. Dahil nga sa hindi naman kami magkasama sa kwarto ay hindi na rin kami nakapag-usap pa. Mabuti na rin ang ganoon dahil hindi ko rin naman gusto pag-usapan pa ang sinabi ko sa kanya kagabi. Hindi ko rin alam kung nahahalata niya ba o hindi, pero umiiwas-iwas lang din ako sa kanya.
Sabi ni Manong Elmer, ang katiwala nina Brett sa kanilang resort, ay may isang partikular na beach din kaming pupuntahan na punong-puno ng mga strarfish. Gustong-gusto ko kasi ng starfish. Kung hindi nga lang hassle ay bumili na ako ng ilan upang gawing alaga.
Napakaganda at napakalinaw ng tubig-dagat sa lahat ng mga isla na aming napuntahan. Inuna namin ang paglalaro ng water sports activities katulad ng banana boating, at wakeboarding.
Mabilis na tumakbo ang oras dahil na rin sa dami ng aming ginawa. Lampas alas-kwatro na ng hapon kami nagpasyang bumalik sa resort mula sa huling islang aming pinuntahan.
Malaki-laki rin ang bangka na aming ginamit sa islang hopping. ‘Yung may mga upuan na magkakapila ang ayos.
Sa aming bangka pabalik ay nilapitan ako ni Zeke at binigyan ng isang maliit na starfish na kanyang nakuha. Buhay pa raw iyon sabi ni Manong Elmer, ngunit wala namang masama kung aming hahawak-hawakan muna basta’t ibabalik din daw namin sa dagat.
“Alam mo sa Italy, may isang beach na punong-puno ng starfish.” sabi ko kay Zeke habang pinagmamasdan sa aking palad ang starfish na bigay niya. “Sabi nila na bwisit na bwisit daw ang mga tao doon dahil halos peste na raw ang tingin nila sa mga starfish na ‘yon.”
Bahagyang natawa si Zeke at pinitik ang aking noo. “Peste pala ‘yang mga gusto mo eh.”
Sinuntok ko siya sa braso dahil sa pagpitik niya sa akin. Kami lang ang nagtatawanan sa bangka dahil pagod na rin ang mga kasama namin dahil sa dami ng aming ginawa simula noong umaga pa lang.
“Nakakatawa lang isipin.” sabi ko. “May mga bagay na kinaiinisan ng ibang tao na kinahuhumalingan naman ng ilan. Katulad nga nitong starfish na peste sa lugar na iyon sa Italy at kinatutuwaan ko naman dito.”
“Yeah. Quite weird if you think about it.” pagsang-ayon niya habang inaayos ang life vest na suot.
Ipinatong ko ang starfish sa aking kaliwang pisngi. “Get your camera! Get your camera!” sabik kong utos sa kanya. “Take a rad shot. ‘Yung instagrammable ah!”
Agad naman niyang inilabas ang camera sa waterproof na bag nito at binuksan. Sinabihan niya ako na ‘wag masyadong malikot dahil inaanggulo niya ang mukha ko na may kaunting sinag ng palubog na araw.
“Tilt your head a little to your left para hindi mahulog si baby Patrick Star.” sabi niya.
Panay kaming nagkukulitan ni Zeke dahil kung anu-anong itsura rin ng aming mga kasama ang aming kinukunan ng litrato. Napapatingin-tingin din sa mga litratong aming nakukunan si Manong Elmer kaya’t natatawa rin siya. Isinama rin namin siya sa mga selfies na aming kinuha.
“Grabe rin ang kakulitan niyo, ano?” pangisi-ngising puna ni Manong Elmer. “Halos lahat ng mga kasama niyo ay bagsak na, pero panay pa rin ang kulitan niyong dalawa.”
“Hay nako, ‘tay,” tugon ko. “Wala pa po itong kulit na ito ni Zeke. May mas ikakukulit pa po ‘to.”
“Huy, hindi ah!” pagkontra ni Zeke na agad din nilingon si Manong Elmer. “‘Tay, mas makulit po talaga sa akin itong taong ‘to.”
“Wow. Ikaw ‘yun, tol. Asa ka!” sagot ko naman sa kanya. “Mabait ako.”
“Anong ako? Mas makulit ka. Lalo na kapag hinahabol mo ‘yung magtataho dun malapit sa amin tuwing mati-tyempuhan mo sa uamaga kapag sa bahay ka natutulog.” rason niya. “Alam niyo po kasi, ‘tay, adik po sa taho itong kumag na ‘to.”
Napapalakas na rin ang pagtawa ko dahil totoo nga ang sinasabi niya patungkol sa taho. Bihira na kasi akong makabili ng taho na inilalako sa umaga.
Natatawa lang si Manong Elmer sa mga pangungulit namin.
“Ingay niyo naman!” biglang sigaw ni Seb na nasa bandang likuran lang pala ni Manong Elmer. “Nagpapahinga mga tao dito oh.”
Pagtingin sa kanya ay agad akong tumahimik dahil sa pagkapahiya. Ako kasi ‘yung tumatawa nang malakas noong bigla siya sumigaw. Napatingin din ako kay Manong Elmer na parang umiwas ng tingin dahil mukhang napahiya rin.
“Oops! Galit na naman siya oh.” mahinang sabi sa akin ni Zeke habang nakataas ang mga kilay.
“Seb, sobrang lakas naman ng sigaw mo!” tugon sa kanya ni Marky na nasa tabi lang ni Zeke.
“‘Wag ka na lang sumabat diyan, hindi ikaw kinakausap ko.” sagot sa kanya ni Seb. “Chard, pwede bang dun na lang kayo sa resort magharutan pagbalik? Iingay niyo eh.” inis pa niyang dagdag.
“Mas malakas pa sa tawanan nila ‘yung boses mo, tol.” bara sa kanya ni Marky. “Pati si Manong sinasama mo diyan sa kaangasan mong wala sa lugar eh.”
“Pati ikaw madadamay kapag ‘di mo pa itahimik ‘yang bibig mo!” pagbabanta sa kanya ni Seb.
“Bro, chill. Ang init na naman ng ulo mo.” nangingiting sabi sa kanya ni Brett na agad din siyang inakbayan para pakalmahin.
“Tama na, guys.” biglang sabi ni Maddie. “Pasensiya na po Manong Elmer! Medyo pagod lang po ‘yang mga ‘yan.”
“Nako, ayos lang!” nakangiting sagot ni Manong Elmer.
Nagpasya akong hawakan na lamang muli ang starfish at lumapit sa gilid ng bangka upang ibalik ito sa dagat. Naiinis dahil sa kasungitan na naman ni Sebastian.

Pagkabalik ng resort ay napagpasyahang sa tabing dagat na lamang kami maghapunan. Nagtayo rin sina Brett at Manong Elmer doon ng bonfire.
Kasama ko sina Cha at Jerry na nag-iihaw ng aming mga kakainin. Ang iba naman ay kung hindi naliligo sa bahay, ay may inaasikaso rin na ibang kakainin sa aming hapunan.
“Bro, mukhang napapadalas ang init ng ulo ng utol mong hilaw ah.” panimula ni Jerry.
“Oo nga eh.” sagot ko. “Medyo napahiya nga si Manong Elmer dahil sa sigaw niya kanina eh.”
“I know!” tugon ni Cha. “And you, too! I saw your face when he yelled at you, guys.”
Ngumiti na lamang ako. “Hayaan mo na. Baka nagising dahil din sa tawanan namin.”
“Nagising? Eh hindi naman ‘yun tulog.” sabi ni Jerry. “Kinakalikot lang din niya ‘yung camera niya noong nagkukulitan kayo. Akala ko nga kakulitan niyo siya dahil parang kinukunan niya rin kayo ng litrato eh.”
Parang nag-init ang tenga ko sa narinig dahil hindi naman pala siya natutulog. Nainis na rin ako dahil sa paiba-iba niyang ugali nitong huling mga araw.
“Baka may monthly period lang?” pagbibiro ni Cha na ikinatawa naman ni Jerry.
“Baka menopausal na?” banat naman ni Jerry. Napatingin siya sa akin at napansin ang pag-iba ng aking mukha.
“Oops. Here he comes. Shhh…” sabi ni Cha bago sumenyas na papalapit sa amin si Seb.
“Sarap ng amoy ah.” pagbati niya. “Tara na, kainin na ‘yang mga ‘yan!”
“Wow. Wala nang sungit ah.” matalim na sabi ko sa kanya nang hindi siya tinitignan.
Hindi niya ako pinansin at lumapit kay Cha. “You hungry na rin?” tanong niya dito.
Parang naiilang naman si Cha at napapatingin-tingin sa akin. Patuloy lang ako sa pagpaypay sa mga iniihaw. Tinanguan na lamang niya si Seb at nakipaypay na rin.
“Medyo hilaw pa ‘tong gilid oh.” sabi ni Seb habang itinuturo ‘yung karne na nasa harap ko.
Agad naman akong tumayo ng maayos at iniabot sa kanya ang karton na gamit kong pampaypay. “Oh, ikaw na lang. The best ka eh!” sabi ko sa kanya.
Umiiwas naman sina Jerry at Cha na tingnan kami ni Seb. Medyo awkward siguro para sa kanila.
“De, tol. Sinabi ko lang naman.” sagot sa akin ni Seb. “Wala naman akong ibang ibig sabihin.” dagdag pa niya.
“Okay lang, Seb. Ikaw na lang.” tugon ko. “Para wala ka na rin sisihin kung sakaling may ireklamo ka pa.”
“Gago, tol, ‘wag ka mag-umpisa.” tumayo na rin siya ng maayos paharap sa akin. Si Cha naman ay patuloy lang sa pagpapaypay at nakikiramdam.
“Okay.” sabi ko sa kanya. “Ikaw naman lagi nasusunod eh.” tumalikod ako sa kanila pabalik na sana ng bahay.
“Tol! ‘Di ka ba kakain?” sigaw ni Jerry.
“Okay lang, wala na kong gana.” sagot ko.
“Anong na naman bang problema mo, Chard?” tanong ni Seb.
Humarap ako sa kanya at nagpailing-iling sa gigil. Nakita ko rin na pinagtitinginan na kami nina Brett at Manong Elmer. Ibinalik ko kay Seb ang aking paningin at tinitigan lamang siya.
“Ano, sumagot ka! Hindi ‘yung para kang abnormal diyan.” dagdag niya.
“Ikaw ‘yung abnormal, Seb.” biglang sagot ko sa kanya. “Ikaw ‘tong bigla-biglang sinusumpong diyan. Tapos bigla kang aarte diyan na parang wala kang ginawang kagaguhan kanina. Ikaw nagsabi sa’kin na bonding natin ‘to, pero ikaw ‘tong nagpapalaki ng mga bagay-bagay. Nakakagago ka eh.”
“Yo, guys. Tama na ‘yan!” sigaw ni Brett.
Pumagitna sa amin si Jerry na inaakay si Seb at sinasabihan na doon na muna sila sa kabila. Nilapitan naman ako ni Cha at pinapakalma. Bigla naman akong inakbayan ni Zeke at hinihila ako palayo.
“Hindi, Zeke, teka lang.” pagpigil ko sa kanya at saka pilit na kumawala upang puntahan si Seb. “Ano, Seb! Sige nga, sabihin mo! Anong gusto mong mangyari? Kahapon ka pa eh.”
Hindi pa rin siya kumikibo at inaalis-alis lang ang pagkakahawak sa kanya ni Jerry habang tinitignan ako ng masama. Tumakbo na rin papalapit sa amin ang iba naming kasama mula sa bahay.
“Ano na naman ba ‘yan?” narinig kong sigaw ni Marky.
“Stop it already, you guys!” sigaw rin ni Raya.
“Gusto mo ba na umalis na lang ako? Balik na ba akong Manila para hindi ka na sumpong-sumpungin ha? Inis ka ba sa’kin? Ako ba ang problema mo, Seb? Pabigat na ba ako sa’yo?” dagdag ko.
Nagsasalita na rin ang iba at pinapatigil na ako, ngunit hindi ko sila pinapakinggan. Mas nananaig sa akin ang inis kay Seb na nararamdaman. Hindi ko kasi maintindihan kung anong problema ni Seb sa akin. Gulong-gulo ako sa mga ikinikilos niya simula pa kahapon.
“Para kang gago eh! Tapos hindi ngayon ka nagsasalita!”
Nang tuluyang makawala kay Zeke ay tuluyan ko nang nilapitan si Seb at itinulak-tulak. Ang sama pa rin ng titig niya sa akin at pinilit na kumawala rin kay Jerry at bigla na lamang akong sinapak na siyang ikinasigaw ng mga kasama namin.
“Oh my gosh, Chard!” sigaw ni Natalie. “Jerry! Dali!”
“Tol, gago ka!” sigaw ng isa na hindi ko malaman kung sino sa kanila.
Sa lakas ay padapa akong natumba sa buhanginan. Hindi ako sanay sa suntukan dahil hindi ko rin naman talaga gusto ang mga gulo-gulo na ‘yan kaya’t halos ikabingi ko ang pagsapak sa akin ni Seb. Madiin ang pagkakapikit ng mga mata ko ngunit naririnig ko sina Marky at Zeke na nagtatanong kung ayos lang ba ako. Inaakay din nila ako paupo.
“Gago ka, Seb!” sigaw ni Zeke. “Ayos ka lang, Chard?” tanong niya.
Bagamat nakadilat ang isang mata ay nakatakip ang aking isang kamay nasuntok na parte ng aking mukha. Hindi ko rin napigilan na mapa-iyak hindi lang dahil sa sakit ng suntok niya. Masakit isiping nagawa ‘yon sa akin ng isang taong kahit kailan ay hindi ko inakalang sasaktan ako.
Nang bahagyang makatayo ay tulong naman sina Maddie at Cha na pinapagpag ang mga buhangin sa aking mukha at katawan. Naririnig ko naman ang pag-iyak nina Raya at Natalie. Pinapapikit din nila ako upang hindi raw mapasukan ng buhangin ang aking mga mata.
Marahil ay natauhan si Seb sa kanyang ginawa kaya’t lumapit din siya sa akin kahit na pinipigilan nina Jerry at tinanong kung ayos lang din ako. Hindi ko sila sinasagot sa mga tanong nila at patuloy pa rin sa pagluha.
“Ch-chard! Chard, sorry!” paghingi niya ng tawad. Nanginginig din ang kanyang boses dahil sa pag-aalala. “Sorry, sorry!”
Agad naman siyang itinulak ni Zeke at dumagan sa kanya. “Gago ka! Kapag may nangyaring masama kay Chard, mapapatay kitang gago ka!” banta niya.
Itinulak naman siya palayo ni Seb at saka tumayo. “Gago! Ano ka ba, boyfriend? Bakla ka ba? May gusto ka ba kay Chard?” malakas niyang sabi kay Zeke na agad naman siyang sinunggaban ulit kinuwelyuhan.
Agad naman akong nagsisigaw sa kanila upang tumigil. Sina Jerry at iba pa ay umaawat na rin sa kanila. Sumisigaw din sina Raya at iba na tumigil na sila. Maya-maya pa’y lumayo na rin si Zeke at lumapit sa akin.
“Tara na, Chard, dun sa bahay.” sabi niya habang pinapagpagan ako ng buhangin.
Hindi ko na rin nilingon pa si Seb at nagpilit na maglakad na rin pabalik ng bahay kasama sina Zeke at Maddie.
Pagbalik ng bahay ay agad akong naligo at nagbihis. Iniayos ko na rin ang mga gamit dahil nagpasya na akong umuwi ng gabing iyon. Hindi ko na rin kasi mahihintay pa ang umaga upang umuwi.
Mabuti na lamang at pumayag si Zeke na mauna na nga kaming umuwi. Papabalikin na lang daw niya sa kanilang driver ang van bukas ng umaga upang sunduin silang lahat na maiiwan. Nagpasya rin si Maddie na sumama na sa amin pabalik ng Manila.
Pagkababa ay dumeretso lamang ako hanggang labas pasakay ng van. Kinakausap ako ni Seb at humihingi ng tawad, ngunit hindi ko siya sinasagot o nililingon. Hanggang sa labas ay pinipigilan niya akong sumakay ng sasakyan at sabay-sabay na lang daw kami bukas umuwi.
Nang makababa na sina Zeke at Maddie ay sumakay na rin kami sa van. Kahit na anong pagpipigil ni Seb ay hindi ko pa rin siya pinapansin. Nakita ko na lamang siya mula sa side mirror ng sasakyan na nakahawak ang dalawang kamay sa batok at nakatingin sa amin papalayo.
Tititigan ko pa rin ang kanyang repleksyon sa side mirror at nang tuluynan na kaming makalayo ay bigla na lamang akong napayuko at hindi napigilan ang sarili na umiyak ulit. Hindi naman malaman ni Zeke ang gagawin kaya’t sinasabihan niya lang si Maddie na asikasuhin ako. Si Maddie na sa likod namin nakaupo ay nag-aalala rin at hinahaplos-haplos ang aking likod.
“Chard, tahan na. Magiging okay din ‘to.” pagpapatahan sa akin ni Zeke.
“Yeah… Palamig lang kayo ng ulo and then talk about this, Chard.” dagdag naman ni Maddie.
“W-wala na, guys.” pahikbi-hikbi kong sagot sa kanilang dalawa habang nakayuko pa rin at hinahawak-hawakan ko ang aking noo gamit ang kamay.
“Tumahimik ka, Chard. Everything will be fine.” seryosong sabi ni Zeke na patingin-tingin sa akin dahil mas itinutuon ang paningin sa daan.
“The person who used to protect me from all these is now the one who’s destroying me.” mas lumalakas ang aking pag-iyak. “Kasalanan ko yata talaga eh.”
“Hey. Don’t say that! Hindi lang kayo nagkakaintindihan.” biglang tugon ni Maddie. “You, guys, just need to talk about this and I know Seb, he’ll always do his best to understand everything.” dagdag pa niya.
Hindi na ako sumagot pa at nagpatuloy na lang sa pag-iyak.

Halos buong biyahe ay natulog lamang ako. Tinatanong-tanong ko rin si Zeke kung nais niyang ako na muna ang mag-drive at nang maka-idlip na muna siya, ngunit nginingitian niya lang ako at sinasabihan na magpahinga na lang. Sa tuwing maaalimpungatan ako ay naririnig ko silang dalawa ni Maddie na nagku-kwentuhan at nagtatawanan.
    Una akong nakababa ng sasakyan sa kanila dahil ang condo nila Seb ang pinakamalapit pauwi. Sina Zeke at Maddie naman ay magkalapit lamang ang bahay sa Greenhills.
Pagdating sa condo ay dumeretso kaagad ako sa kwarto at naupo sa aking higaan. Iniiwasan ko ang tumingin sa mga bagay-bagay na nasa paligid dahil ayaw kong madagdagan pa ang aking kalungkutan. Nahiga ako at pinilit na alisin sa isip ang nangyari sa amin sa resort.
Gusto ko sanang umalis dahil ayaw ko pa ring harapin si Seb bukas sa kanyang pag-uwi. Naisip kong umuwi sana kina Mama sa Cavite, ngunit inisip ko rin na mag-aalala sila sa akin. Lalo na kung makita nila ang pasa sa aking mukha. Hindi ko rin naman gusto na magkwento sa kanila kung ano ang nangyari at ayaw ko rin na pasamain ang tingin nila kay Seb.
Halos isang oras na rin ang nakakalipas at hindi ko pa rin magawang makatulog. Pagod man ang aking katawan at nais nang magpahinga, aktibo naman ang aking isip at maraming naiisip na mga bagay-bagay patungkol sa amin ng matalik kong kaibigan. Bigla kong naalalang kunin ang aking cellphone dahil panay ang tunog niyon sa loob ng aking bag habang nasa biyahe pa lamang kami.
You have 48 unread messages.
    You have 17 missed calls.
Agad kong tinignan ang aking call log. Lahat ay galing kay Seb. Inisa-isa ko naman ang mga bagong messages na natanggap. Pinakamaraming mensahe ang galing din kay Sebastian. Ang ilan naman ay galing kina Natalie at iba pa naming kasamahan na inaalam kung ayos lang ba ang aking kalagayan. Hindi ko na sila sinagot pa sa kanilang mga text messages. Alam ko naman na malamang ay sinabihan na rin sila ni Zeke patungkol sa maayos naming pag-uwi.
May isang mensahe naman na galing kay Mama: When will you come? Uwi ka naman, anak.
Bigla ko na lamang na-miss ang aking mga magulang kaya dali-dali kong tinawagan ang numerong iyon ni Mama. Halos ala-una na ng madaling araw at siguradong mahimbing na rin ang tulog nila Mama, ngunit nais kong marinig ang boses ng aking ina. Nais kong kahit sa papamagitan lang niyon ay mabawasan ang aking mga dinadala sa aking dibdib.
Matapos ang siguro’y anim na pag-ring ng phone ay sumagot din kaagad si Mama.
“Hello, anak? Anong nangyari? Napatawag ka? Wala pang umaga ah.” sunod-sunod na bungad ni Mama.
Sa boses pa lamang na iyon ng aking ina ay hindi ko na mapigilan ang pagtulo ng aking mga luha. Para akong isang paslit na nangungulila sa kanyang yakap.
“Anak? Ano ang problema?” mahinahon niyang dagdag. “Nag-away ba kayo ni Seb?” May paglalambing at pag-aalala sa boses niyang iyon.
May kung anong koneksyon talaga ang mga ina sa kanilang mga anak at agad nilang nararamdaman kung may problemang dinadala ang kanilang mga pinakamamahal na supling. Mabuti na lamang at may ganoon dahil sa mga pagkakataong katulad nito, na hindi ko kayang magsalita at sabihin ang aking dala-dala, ay malakas naman ang pakiramdam ni Mama at iniintindi ako.
Kaya naman ako halos hindi makapagsalita dahil alam ko na bigla na lamang akong hahagulgol. Patuloy man sa pagluha ang aking mata, pilit ko pa rin na huminga ng maayos at hindi mahikbi.
“Kung ano man ‘yan, anak, andito lang si Mama ha? Andito lang kami ni Papa mo.” tugon pa niya.
Mahina ngunit klaro at banayad ang kanyang mga salita.
“Uwi ka na muna dito, anak. Uwi ka ngayong araw, Chardy. Ipagluluto kita ng mga paborito mong pagkain. ‘Yung maasim na Sinigang, gusto mo ba niyon? Magluluto rin ako ng turon na may langka, anak.”
Tanging mahinang tunog ng pagsang-ayon na lamang ang mga nagigiing sagot ko kasabay ng madalas na pag-singhot dahil sa sipon. Para rin akong nabunutan ng tinik kahit papaano dahil ramdam ko ang pagkalingang iyon ni Mama kahit na malayo kami sa isa’t-isa.
“O siya, sige. Magpahinga ka na muna ha? Tapos uwi ka na dito, anak. Hihintayin ka namin ng Papa mo ha?” sabi niya. “Sige, ibaba mo na at nang makapagpahinga ka na. Mahal kita, Chardy. Mahal na mahal ka namin ng Papa mo, anak!”
Matapos noon ay tumagilid na lamang ako sa paghiga paharap sa pader at pinilit na makapagpahinga.
Bandang alas-kwatro na nang ako ay magising. Agad akong nagtungo sa banyo at nag-hot shower. Pagkalabas ay nagbihis na ako kaagad. Isang puting v-neck shirt at light-denim shorts ang napili kong suotin dahil magaan at kumportable sa pakiramdam. Isinabit ko rin ang aking shades sa aking damit dahil balak ko iyong suotin upang matakpan kahit papaano ang pasa sa aking mukha. Ang aking lack flipflops na lang din ang naisipan kong suotin dahil wala na akong ganang magsuot pa ng sapatos.
Kinuha ko naman ang isa kong knapsack at ipinasok doon ang aking isang notebook, laptop, mga chargers, at hard drives. Ipinasok ko na lang din doon ang isang pares ng aking mga sapatos. May mga magagamit naman ako doon sa aming bahay pag-uwi kaya’t hindi ko na kinakailangang magdala pa ng mga damit.
Inilagay ko sa aking bulsa ang aking wallet at cellphone, kinuha ang aking susi sa condo, at binitbit ang bag at ukulele na nasa kanyang case.
Paglabas ng kwarto ay sakto naman na pagpasok ni Seb ng condo at agad na tumingin sa akin pababa sa’king mga bitbit.
“Chard…” mahina niyang sabi. “Aalis ka?”
Hindi ko siya sinagot at nagpatuloy lamang papuntang pinto. Nang makalampas ako sa kanya ay agad niya akong hinatak sa aking kaliwang braso paharap sa kanya. Nagkatitigan kami ng sandali, ngunit bigla siyang napatitig sa pasa sa aking mukha. Para naman akong nanliit at napayuko na lang.
Hinawakan niya ang aking baba at iniangat. Napatingin akong muli sa kanya at kitang-kita ko ang pamumuo ng luha sa kanyang mga mata. Taas-baba rin ang kanyang dibdib dahil sa malalalim na paghinga. Gusto ko na namang maiyak, ngunit pinigilan ko ang aking sarili.
“Sorry, Chard.” naiiyak niyang sabi.
Agad siyang nagtangka na akapin ako ngunit umusog ako ng kaunti upang hindi iyon matuloy. Napahinto naman siya at malungkot na nakatingin pa rin sa akin habang patuloy ang pagpigil sa mga luha niya na pumatak.
“Uuwi ako.” walang emosyon kong sabi sa kanya.
Idiniin niya naman ang paghawak sa aking braso. “Hintayin mo ako, sasama ako sa’yo.” sabi niya.
Agad kong hinila ang aking braso at tumalikod sa kanya. “Hindi, Seb. Hindi ka sasama sa akin.”
“Pero, Chard…” pagpipilit niya.
Nilingon ko siya sandali at tinitigan. Matapos ang ilang segundo ay nagtungo na ako palabas upang iwan siya, ngunit bigla na naman siyang nagsalita.
“Sige. Dun ka na lang sa Zeke na ‘yun magpasama. Tutal kayo naman ang laging magkasama eh. Sige, kayo na lang. Umalis ka at iwan mo ako rito.” sabi niya.
Hindi ko na siya pinansin dahil ayaw ko na ng mahaba pang usapan. Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad paalis.

Naging maayos naman ang aking biyahe. Mabuti na lamang at naabutan ko ang first trip ng bus kaya halos isa’t kalahating oras lang ang haba ng aking biyahe.
Magkatext kami ni Mama sa aking biyahe at sinundo rin nila ako mula sa babaan ng bus. Agad akong niyakap ni Mama at si Papa naman ay nilalaro-laro akong suntukin at saka ginulo ang aking buhok. Napansin din nila ang aking pasa sa mukha ngunit hindi na sila nagsalita pa patungkol doon.
“Gutom ka na siguro. Tara na at nang makakain na tayo!” wika ni Mama.
Nakatingin lamang ako sa mga tanawin na aming nadadaanan habang nasa sasakyan papuntang bahay. Naaaninag ko naman na panay ang tingin sa akin ni Papa mula sa rearview mirror niya at si Mama naman ay palingon-lingon din sa akin. Marahil ay naiilang at nag-aalangan na tanungin kung ano ang aking nararamdaman.
Agad kong binasag ang katahimikan at nagsalita.
“Ayos lang lang po ako. There’s nothing to worry about.” sabi ko sa kanila.
Nagkatinginan naman sandali sina Mama at Papa. Mula sa rearview mirror ay tumingin-tingin muli sa akin si Papa at nangiti.
“Ayos lang naman daw pala siya, hon, eh.” wika ni Papa kay Mama.
Natawa naman ng bahagya si Mama dahil sa sobrang nakakailang nga ang sitwasyon. Bigla niya akong nilingon mula sa kanyang kinauupuan at nginitian. “O sige, sabi mo eh. Masaya kami at narito ka ulit, anak.”
Agad ko namang inilapit ang aking sarili kay Mama at madiin na hinalikan siya sa pisngi. Marahan namang piningot-pingot ni Papa ang aking tainga at nangingiti. Mahal na mahal ko ang aking mga magulang. Walang kahit na anong bagay na makapapalit sa kanila sa aking buhay.
Pagdating sa bahay ay agad kaming nagpunta sa dining area. Tinulungan ko si Mama na ihanda ang hapag-kainan habang si Papa naman ay may kukunin lang daw saglit sa kanilang kwarto. Gaya ng pinangako ay nagluto nga si Mama ng ilan sa mga paborito kong pagkain. Sinigang na hipon, paksiw na pata, adobong talong, at pinakbet. Nagluto rin siya ng turon na may langka. Sa sobrang dami ay halos mabusong na ako sa pagkakatitig lamang sa mga ‘yon.
Maya-maya pa ay naupo na kami ni Mama at tinawag si Papa na bumaba na at nang makakain na kami. Sa pagbaba ni Papa ay may bitibit siyang mga gamot na kanyang iinumin pagkatapos daw namin kumain. Tinititigan ko ang mga iyon at pansin ko rin na napapatingin sa akin si Mama. Si Papa naman ay hindi ako tinitignan ng diretso sa mata.
“Ang dami niyan, Pa, ah.” sabi ko sa kanya.
Napangiti naman siya at tumingin kay Mama pagkatapos maupo. “Oo nga, anak, eh. Napapalaban si Papa sa mga gamot ngayon.”
“Parang sobra rin ang pagkakapayat mo, Pa. Nung summer naman hindi, ka ganyan.” puna ko.
“Kaya nga at kumain na para tumaba!” biro naman ni Papa sa akin.
Nilingon ko naman si Mama, “Ma, ano pong nangyayari?” mahinahon kong tanong.
Siguro ay ilang segundo rin bago ako tinignan ni Mama at nangiti. Si Papa naman ay nakatitig lang din sa mga pagkain.
“Napapadalas kasi ang pagkirot at paninikip ng dibdib ni Papa, anak.” panimula ni Mama. “Inaagapan lang daw na baka atakihin sa puso.”
Agad naman akong nakaramdam ng lungkot. Magsasalita na dapat ako ngunit biglang nagsalita si Papa.
“Pero ayos naman, anak! Malakas pa ako sa kalabaw! Eto nga lang at may marami-raming gamot.” nangingiti niyang pagsisiguro sa akin.
May katandaan na rin kasi ang aking mga magulang. Itinuturing nila akong miracle baby dahil sobrang tagal daw nilang hinintay na magkaroon ng anak. Nasa lahi raw kasi nila Papa ang hypertension at mga ata-atake sa puso. Iyon din ang ikinakatakot ko, dahil alam ko na traydor ang sakit na iyon.
“Lumalaban naman si Papa, anak.” mahing sabi naman ni Mama sa akin.
Ibinaling ko ang aking tingin sa aking plato. Panay din ang pagkurap ng aking mga mata upang pigilin ang pagluha, ngunit bigla na lamang umagos ang mga ito. Nakangiti ako habang nakayuko, marahil ay nais kong alisin ang kanilang pag-aalala dahil na rin sa aking pagluha.
Bigla rin kasing bumuhos sa isipan ko ang mga bagay na mas pinagtuunan ko ng pansin kaysa sa aking mga magulang. Naintindihan ko rin kasi kung papaanong napaka-makasarili ko pala. Maaaring hindi ako maiintindihan ng ibang tao, ngunit alam ko na naging makasarili ako.
Makasarili dahil mas pinili kong manirahan kasama si Seb at intindihin ang mga bagay na mapagde-desisyunan naming dalawa. Naging makasarili rin ako na isiping palaging ang tungkol lang sa amin ni Se bang iniintindi ko. Katulad ngayon na uuwi lamang ako dahil may dala-dala akong hinanakit na kagagawan ko rin naman kung tutuusin.
Noong mga sandaling iyon naintindihan ko na habang ako ay abalang-abala kakahanap ng kalinga dahil sa sakit na nararamdaman, hindi ko nakita na may pangangailangan din ang mga tao sa aking paligid at kailangan nila ang aking tulong lalo na ang aking mga magulang.
Dahil sa pag-aalala ay biglang hinawakan ni Mama ang aking kamay. Si Papa ay patuloy pa rin na umiiwas na tingnan ako. Hindi marahil alam kung ano ang dapat gawin sa mga sandaling iyon. Nginingitan ko lamang sila at humihikbi-hikbi.
“Sorry, Ma, Pa.” muli kong pag-uumpisa.
“Sorry naman saan, anak?” biglang tanong ni Mama na pinipisil-pisil pa rin ang aking kamay.
“For being so entitled po.” marahan kong sagot. “Minsan po kasi, as your child, iniisip ko na dahil nag-iisang anak niyo ako, normal lamang na mag-demand ako. Papabili ng ganito, hindi muna uuwi dito sa bahay kasi pagod at tinatamad bumiyahe, o kaya naman ay hindi magpaparamdam kahit sa text or call.”
Umiiyak na rin si Mama at hinahaplos na ang aking likod. Tumigil naman muna si Papa sa pagsasandok ng pagkain sa aming plato at pinipigilan din ang pagluha.
“Umuwi ako, Ma, Pa, kasi mayroon kaming hindi pagkakaunawaan ni Seb. Umuwi ako kasi nahihirapan po ako. Umuwi ako kasi gusto kong humingi ng lakas sa inyo.” iniangat ko na ang aking ulo at tinignan ang aking mga magulang. “Hindi ko man lang naisip kahit na minsan na kailangan niyo rin ako—na kailangan kong umuwi dahil ito ang tahanan natin, dahil pamilya tayo.”
“Wala namang problema iyon sa amin, anak.” mahinang sagot ni Mama.
“Hindi po, Ma. Ngayon ko lang po naiintindihan at humihingi po ako ng tawad. Masyado po akong nag-focus sa sarili ko lamang. Sinasabi ko na dahil nag-iisa akong anak, dapat lahat ng gusto ko ay mapunan ninyo. Maging mga pagkukulang ko ay dapat maintindihan ninyo. Pero hindi ko naisip na dahil sa nag-iisa nga lang po akong anak ay kailangan niyo ako.”
Tumayo si Mama at niyakap ako. Si Papa naman ay pinisil-pisil ang aking balikat.
“Ganoon talaga ‘yon, anak. Kaya kami tinawag na magulang ay dahil doon.” sabi ni Papa.
Agad kong nilamutak ang aking mukha upang alisin ang mga luha at nagpakawala ng isang malalim na hinga. “Thank you!”
Bigla na lang akong natawa. “Ano ba ‘yan, ang drama natin! Haha.”
“Ikaw kasi, anak, eh. Kain na nga tayo!” wika ni Mama na bumalik na sa kanyang upuan.

Dahil sa kondisyon ng kalusugan ni Papa ay nagdesisyon ako sa aking sarili na piliting umuwi kapag weekends at sa tuwing walang pasok. Sinabihan din kasi siya ng kanyang doktor na huwag munang tumanggap ng mga trabaho at magpahinga na lamang muna sa bahay.
Mabuti na lamang at may mga ipon pa rin sila na siyang ginagamit namin pambayad sa mga bayarin maging aking pambaon. Malaking tulong din ang aking pagiging iskolar dahil kahit papaano ay hindi na sila mag-iisip pa kung saan kukuha ng pambayad sa aking matrikula. Hindi rin naman kasi ganoon kalaki ang sinasahod ni Mama bilang isang guro.

Natapos ang buong araw na pumasyal-pasyal lang kaming pamilya. Binisita ang ilan naming mga kamag-anak sa karatig-bayan. Nanood ng sine, kumain sa labas, at mula naman sa mga naipon kong pera ay binilhan ko ng bagong gamit sina Mama at Papa. Mahilig kasi si Papa sa mga polo shirts kaya’t iyon ang ibinili ko sa kanya at isang sinturon na rin. Si Mama naman ay binilhan ko ng isang pares ng sapatos na maaari niyang magamit sa kanyang pagpasok sa trabaho.
Halos alas-onse na ng gabi nang kami ay makauwi. Dahil sa pagod ay sabay-sabay din kaming pumanhik sa itaas papunta sa kanya-kanyang mga kwarto. Niyakap ko na muna sila bago tuluyang pumasok sa aking silid.
Pagkatapos maligo ay nahiga na rin ako sa aking kama. Na-miss ko ang aking kwarto. Nakadikit pa rin sa dingding ang mga lumang posters ng mga paborito kong banda. Maayos pa rin na nakatupi ang aking mga damit na matagal ko na rin na hindi nasusuot. Amoy bagong laba rin ang mga iyon pati na rin ang aking kobre-kama, punda, at kumot. Siguradong nilabhan iyon ni Mama upang hindi mangamoy aparador.
Hindi naman naging mahirap sa akin ang makatulog dahil sobrang napagod nga ako sa maghapon.

Siguro ay madaling araw na iyon nang ako ay maalimpungatan dahil may kung anong mabigat na nakadagan sa akin. May liwanag na rin kasing maaaninag mula sa bintana ng aking kwarto at pansin kong hindi ito nakasara ng maayos. Patagilid kasi akong nakatulog, paharap doon. Alam kong si Seb iyon na nakahiga sa tabi ko’t nakaakap sa akin.
Ramdam ko ang init ng kanyang hininga sa aking batok at naririnig ko rin ang mahinang tunog ng kanyang paghinga.
Bahagya akong kumilos at iniaalis ang kanyang matipunong braso mula sa pagkakayakap sa akin, ngunit mas lalo lamang niya iyong hinigpitan at mas inilapit pa ako sa kanya. Mula sa aking likod ay ramdam ko ang paggalaw ng kanyang dibdib at tiyan dahil sa paghinga. Ramdam ko rin na gising na siya dahil sa gising niyang alaga na nadadaplis-daplis sa akin.
“Ayaw…” mahina niyang sabi na parang bata. “I won’t let go.”
Parang naiiyak naman ako noong mga oras na ‘yon lalo pa’t muli kong narinig ang kanyang boses. Umubo ako ng marahan upang klaruhin ang aking boses dahil may gusto akong sabihin.
“Seb, hindi maayos ang lagay ni Papa.” nararamdaman ko na mas bumibilis ang kanyang paghinga. Marahil ay kinabahan sa aking balita.
“What do you mean? Anong meron kay Papa?” tanong niya.
Hindi ko na napigilan na maiyak na naman. “May kumplikasyon daw siya sa puso eh.” mahinahon kong dagdag.
Inilusot niya ang kanyang kaliwang kamay at braso sa pagitan ng higaan at aking tagiliran upang maakap niya ako ng buo. Damang-dama ko ang higpit ng kanyang matitikas na mga braso.
“Shhh…” pagpapatahan niya. “He’s gonna be fine, okay?”
“Seb, hindi pa ako handa mawalan ng tatay o nanay.” sagot ko.
“Ano ka ba, Chard? Don’t say that. This, too, will pass, yeah?” sabi niya. “Do you understand?” tanong pa niya.
“Yeah.” tanging naging sagot ko.
Bumangon siya at nahiga sa harap ko. Pilit na inaaninag sa liwanag mula sa aking bintana ang aking pasa sa mukha. Hinahaplos-haplos niya ‘yon at bakas sa kanyang mukha ang pagsisisi.
Ako naman ay nakatitig lang ulit sa kanyang mukha, lalo na sa mapang-akit niyang mga mata na kulay dagat.
Lahat ng galit ko sa kanya dahil sa mga naging asal niya noong mga nagdaang araw ay parang bula na bigla na lamang naglaho. Oo, gusto ko pa rin marinig ang kanyang mga rason patungkol sa mga iyon at gusto ko rin siyang sakalin dahil susmaryosep naman, ang sakit kaya ng sapak niya sa akin.
Hindi ko sinasadyang matawa dahil sa naisip ko na sakalin siya. Bigla naman napunta sa aking mga mata rin ang kanyang paningin at nagtataka sa aking biglang pagtawa.
“Why?” tanong niya habang bahagyang nakakunot ang noo.
Umiling-iling lang ako. “Ang sakit ng suntok mo sa’kin.” mahina kong sabi.
Bigla namang napasimangot ang kanyang mukha at agad na naman akong niyakap. “Sorry, sorry, sorry, sorry, sorry, sorry!” sunod-sunod niyang sabi. Ibinaon niya ang kanyang mukha sa aking leeg at mas hinigpitan ang kanyang pagkakayakap.
Nakaramdam naman ako ng kaunting init sa katawan dahil doon. Nakakakiliti rin kasi sa pakiramdam ang init ng kanyang hininga sa aking leeg.
“Sorry sorry ka diyan.” biro ko. “Ang sakit kaya noon.”
“Hindi ko na ‘yun uulitin, Chard. Sapakin mo rin ako mamaya o kahit ngayon na. Kahit ilang sapak pa, Chard.” sabi niya.
“Madaya ka!” sabi ko. “Alam mong hindi ko ‘yun kaya.”
Bahagya niyang inialis ang kanyang mukha sa aking leeg, maging ang kanyang yakap, upang bumalik sa pagkakahiga. Patagilid ang higa niya at ginawang unan ang aking dibdib habang nakatingin pa rin sa akin na parang maamong tuta.
“Akala ko ba ikaw ang po-protekta sa akin? Alam mo namang hindi ako magaling sa mga suntukan na ‘yan.” seryoso kong sabi sa kanya. “Tapos ikaw pa pala unang makakagawa nun sa akin.”
“Ang gago ko lang talaga, ano? Hanggang ngayon, hindi ko mapatawad sarili ko dahil doon. Hindi ako magrarason ng kahit na ano upang i-justify ‘yung violent action ko na ‘yun, Chard. Pero I ask for your forgiveness. Give me another chance, please?”
Hinawakan ko ang kanyang mukha at pinisil-pisil ang mga pisngi. Hinaplos-haplos ko rin ang kanyang mga kilay at nangingiti.
“Kalimutan na natin ‘yun. Tulungan mo na lang ako na alisin ‘tong pasa na ‘to sa mukha ko. Nakakasira sa cutie pie kong face eh.” sabi ko sa kanya na ikinatawa naman niya ng mahina.
“Patingin nga ng cutie pie face na ‘yan…” inilapit niya ang kanyang mukha sa akin. “Cutie pie pa rin naman eh.”
“Gago.” sabi ko habang natatawa at nilalapirot pa rin ang kanyang mukha.
“I also talked to Zeke na rin.” sabi pa niya. “‘Yung mokong nagpalibre lang ng kape sa Starbucks tapos ay okay na raw kami.”
Natawa ako dahil ganun naman talaga si Zeke. Mabilis kausap.
“Hindi na rin ako talaga nagtataka kung bakit naging mas close kayo. Mabait na tao talaga ‘yung loko-loko na ‘yun eh.” dagdag niya. “Siya nga nagpilit din sa akin na pumunta agad dito.”
“Nagselos ka?” mahina kong tanong at iniwas ang aking paningin sa kanya. Nahihiya kasi ako sa tanong kong iyon.
Muli niya akong niyakap at inilapit ang bibig sa aking kaliwang tainga.
“Oo, sobra.” mahina niyang bulong. “Nakakahiya nga eh. Pero totoo…”
“Gago ka, ikaw naman original bespren ko diba?”
Bigla siyang kumawala ulit sa pagkakayakap at tinignan ako sa mata. Nakasimangot siya na parang nagaasal-bata na nagpatawa naman sa akin.
“Hmmm… Promise?” tanong niya habang naka-pout pa.
Tumango lamang ako at pinisil ang kanyang ilong. “Pangit mo!” sabi ko at nagtawanan kaming dalawa. “Anong oras ka dumating?” tanong ko.
“Kanina pa ako nasa bahay namin. Siguro mga afterlunch pa, kaso walang tao dito kanina eh.” sabi niya.
“Oo, namasyal kasi kami nina Mama at Papa eh.” tugon ko.
“Sayang, ‘di ako nakasama.” pagsisisi niya. “Nangisda kayo ni Papa?”
“Hindi nga eh. Sarado kasi. Puntahan ulit natin, tapos let’s go fishing?” paanyaya ko.
“Sige, sige!” sagot naman niya at nahiga ulit sa aking dibdib. “Diyan ako dumaan oh.” sabi niya sabay turo sa aking bintana. “Ganoon pa rin, hindi pa rin maayos ang ikutan ng lock kaya madali kong naiangat.”
“Buti kaya mo pang umakyat ng puno?” pang-aasar ko.
Agad naman siyang bumangon at naupo sa kama sa harapan ko. Hinila ang manggas ng suot na t-shirt at nag-flex ng braso.
“Nakikita mo ‘yan?” nangingiti niyang sabi. “Walang hindi kaya ‘yan!” pagyayabang niya.
“Oo, kahit mukha halos basagin niyan eh.” pang-aasar ko.
Bigla naman niya akong dinaganan at kiniliti ang aking tagiliran. “May pang-guilt trip ka na naman sa’kin ah.”
Siguro ay napalakas ang aking tawa at biglang kumatok si Mama sa pinto ng aking kwarto. “Chardy, anong nangyayari sa’yo diyan?”
Bigla naman tumawa ng malakas si Seb dahil sa pagtawag sa akin ni Mama ng Chardy. “Chardy-chardy ka nga pala, no? Hahahahaha!”
“Ulol ka. Ikaw nga eh…” bigla akong lumingon sa kinaroroonan ng pinto at sumigaw, “Wala po, Ma. Andito kasi si Sebby Boy at nangungulit!” at bigla akong tumawa ng malakas.
Tumawa rin ng malakas si Seb. “Sebby Boy, ang wala! Hahahahaha!”
Agad na pumasok si Mama at nakita kaming nagtatawanan ni Seb.
“Sebby Boy? Sa bintana ka na naman dumaan, ano?” natatawang tanong ni Mama.
Kahit na natatawa pa ay bumangon si Seb at lumapit kay Mama upang yakapin ito. “Opo eh. Sobrang na-miss ko po kayo, Mama!” Isinasayaw-sayaw pa niya si Mama habang yakap-yakap ito.
“Nako, ang mga batang ito. Kay aga-aga eh umpisa na agad sa mga kakulitan.” sabi ni Mama habang natatawa dahil sa pagsasayaw sa kanya ni Seb.
“Parang little sister ko lang kayo, Ma, ah.” wika ni Seb.
“Ay, nagyabang na naman si Sebby Boy dahil sa tangkad niya.” tugon naman ni Papa na nakasilip pala sa amin.
“Pa!” biglang sigaw ni Seb at lumapit kay Papa.
Lumapit naman sa akin si Mama at naupo sa aking kama. Nakahiga pa rin ako at lumapit din upang umunan sa kanyang hita. “Okay na kami, Ma.” mahina kong sabi sa kanya.
“Aba, dapat lang!” sabi ni Mama habang nakangiti at hinahaplos-haplos ang aking buhok. “Tara na, breakfast na tayo!”

Puros kasiyahan lang ang aming ginawa noong mga araw na ‘yun.
Kantahan sa videoke, laro ng board games, pasyal-pasyal, pagba-barbeque sa aming bakuran, pagbe-bake ng cake, kain sa labas, at kung anu-ano pa.
Minsan pa ay sabay din kaming kumain kasama sina Tita Liza at Tito Lance sa pamamagitan ng Skype. May kahirapan nga lang dahil may kaunting delay ang usapan, ngunit masaya naman. Mabuti nga at sembreak dahil maaaring sa bahay na lamang trabahuin ni Mama ang kanyang mga lesson plans at magreport na lamang sa pamamagitan ng e-mail.
Gabi-gabi naman ay sa kwarto ko o kwarto ni Seb sa kanilang bahay kami natutulog. Kung minsan ay nagkakantahan kami kasama ang pagtugtog ng aking ukulele upang makatulog. Kadalasan naman ay walang-sawa kaming nagku-kwentuhan tungkol sa mga karanasan namin noong kami ay mga bata-bata pa. Maging noong kami ay sabay na nagpatuli ay aming napag-usapan. Tanging mga masasaya at nakatatawang mga ala-ala na napakasarap balik-balikan.
“Ang daming memories ng lugar na ‘to, ano?” tanong ni Seb.
“Yeah. Sobrang dami!” sagot ko naman.
“Ilang taon na lang din at ga-graduate na tayo. Excited ka na ba?” tanong niya ulit.
“Oo naman.” maikli kong sagot.
“Makakasama ko na rin sila Mommy at Daddy sa London after grad!” magalak niyang sambit. “Hindi na rin kami magsasama-sama lang tuwing December or summer.”
Bigla siyang napahinto at tumingin sa akin ng seryoso. Hindi ko naman siya matignan ng maayos at direkta dahil naiilang ako.
“Matutupad na rin ang pangarap mo, Seb.” mahina kong sambit.
“Chard, sama ka sa akin?” paanyaya niya habang kumikinang ang mga mata kahit na sa dilim.
Tumawa na lamang ako ng mahina. “Alam mo naman na pangarap kong magturo sa isang pampublikong paaralan dito sa Pinas, diba?” tugon ko. “Isa pa, hindi ko naman kaya na iwan na lang dito sina Mama. Alam mo ‘yan.”
Napabuntong-hininga na lang si Seb at bumalik sa pagkakatihaya. “Baka ilang buwan lang din at bumalik din ako dito sa Pilipinas.” sabi niya.
“Huh? Bakit? Buo na kayo ng pamilya mo pagdating mo sa London! I’m sure it’s gonna so much fun, tol.” sabi ko naman.
“Para kasing…” mahina niyang sagot. “…para kasing ayaw din kitang iwan dito.”
Napatitig ako lalo sa kanya dahil sa sinabi niyang ‘yon. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o malulungkot dahil doon.
“A-ano ka ba?” bigla kong tugon. “Sira ka ba? Pangarap mo ‘yun diba? Pangarap natin ‘yun pareho. Ikaw, sa London at ako naman, dito sa Pinas.”
“Paano ka? Paano kayo nila Mama at Papa?” tanong niya.
“Anong paano kami? Edi eto, ganito! Para ka na namang baliw diyan eh. Mga tanong mo!” natatawa kong sagot sa kanya.
“Parang pakiramdam ko kasi, iiwanan ko kayo dito. Ikaw…” seryoso niyang rason.
“Gago.” mahina kong sabi. “Hindi dapat ganyan ang iniisip mo. Dapat ang isipin mo, ‘yung pangarap mo na malapit mo nang maabot. Magiging maayos naman kami dito eh. Oo, malungkot. Pero ganun talaga, tol. Konting sakripisyo para sa pangarap.”
Bigla naman siyang natawa dahil sa sinabi ko. “Ayos, tol, ah! Parang pang-MMK ah! Lupet ng mga payo mo, parang si Papa Jack!”
Muli, tinopak ako dahil sa sinabi niyang ‘yon at tinalikukran na lamang siya. “Para ka talagang gago minsan.”
Itinanday niya ang kanyang binti sa akin at niyakap ako mula sa aking likuran habang nakahiga. “Eto naman… Hindi na mabiro! Tampo-tampo agad! Hahaha!”
Iginigiya-giya ko na lamang ang aking balikat upang alisin niya ang kanyang yakap, ngunit mas hinihigpitan pa niya ito.
“‘Wag mo akong kakausapin hanggang bukas ah.” sabi ko.
“Okay lang. Hanggang bukas lang naman eh.” pang-aasar pa niya.
“Sige lang. ‘Wag ka lang tumigil diyan, gago ka.” pagbabanta ko.
“Joke lang! Joke lang!” bigla niyang bawi. “Chard naman, hindi ka na nasanay!”
Idiniin-diin niya ang kanyang mukha sa aking batok at kinikiliti-kiliti ako upang humarap ako sa kanya, ngunit hindi ko siya pinapansin.
“Huy! ‘Wag mo naman ako tulugan!” paglalambing niya. “Huy, Chardy!”
“Gago!” tanging sagot ko.
“Joke lang kasi. Para ka naman ano eh.” sabi niya.
“Parang ano? Gago ka, basag trip ka rin eh.”
“Joke nga lang!” sagot niya na natatawa-tawa pa rin. “Babalik na tayong Manila bukas oh. ‘Wag ka nang ganyan.”
“Mabuti para hindi na rin muna kita kibu-kibuin pagbalik.” pang-aasar ko naman.
“Hala! Nooooo…” pagaasal-bata niya ulit. “Ayaw ko ng ganoon!”
Patuloy pa rin siya sa pangingiliti at hindi ko na siya sinasagot.
Siguro ay napagod na rin siya sa pangungulit at nanahimik na rin ng ilang sandali. Gusto kong tignan kung natutulog na ba siya kaya’t dahan-dahan ko siyang nilingon at nakita siyang nakapikit. Pabalik na sana ako sa pagtalikod sa kanya nang bigla niya akong hinila at niyakap paharap sa kanya.
“Huli ka! Kala mo ah.” natatawa niya sabi. “May patampo-tampo ka pang nalalaman diyan, haharap ka rin pala!”
“Gago! Bitaw nga!” naiinis kong sambit kunwari, ngnunit ay nangingiti naman.
Iginulong niya kaming dalawa upang siya ang pumaibabaw sa akin.
“Ayaw! Ganito lang tayo hanggang bukas!” sabi niya. “Makulit ka kasi eh. Kapag sinabi kong harap, humarap ka agad dapat. Eh matigas ulo mo, kaya ganito lang tayo magdamag!” natatawa pa niyang dagdag.
“Sisigaw ako, lagot ka kina Mama.” pagbabanta ko.
“Ulol! Edi sumagaw ka.” sagot naman niya.
“Gago ka talaga!” bigla kong kinagat ang leeg balikat niya, ngunit hindi pa rin siya bumibitaw.
“Kahit magdugo pa ‘yan, ayaw!” sabi niya.
Maya-maya ay napagod na rin ako kakagalaw upang makaalpas, kaya’t nanahimik na lang din ako. Tahimik din si Seb kahit na mahigpit pa rin ang pagkakayakap sa akin. Muli niyang idiniin ang mukha sa aking leeg at inilapit ang bibig sa aking tainga.
“Dito ka lang sa akin.” mahina niyang sambit. “Tabi lang tayo lagi. Magkasama.”

Nang mag-umpisa na muli ang klase ay mas naging maayos naman ang pakikitungo namin ni Seb sa isa’t-isa. Kahit na patuloy pa rin sila ni Cha ay hindi naman nabawasan ang pagiging malambing sa akin ni Seb. Mas madalas na rin kaming sabay papasok ng school at pauwi ng condo at kung minsan ay kasabay pa namin si Cha.
Maging kami ni Cha ay mas naging malapit. Madalas na rin siya sa condo tumambay at doon natutulog paminsan-minsan. Doon siya natutulog sa kwarto nina Tita Liza sa tuwing naroroon siya.
Nakakatuwa rin dahil kahit na papaano ay mas nagiging malapit na rin siya kina Zeke at Marky. Masarap lang din sa pakiramdam ang makita na magkakasundo ang lahat ng aking mga kaibigan.
Nalaman ko rin na nililigawan na rin ni Zeke si Maddie. Sabi ko na nga ba at may lihim na pagtingin itong kolokoy na ito kay Maddie. Natatawa pa nga ako noong gabi na kinausap ako ni Zeke upang magpaalam kung maaari niya raw bang ligawan si Maddie. Akala siguro niya ay maiinis ako dahil magkakaibigan kaming tatlo.
Maganda at maayos na sana ang sitwasyon, ngunit ilang linggo bago ang Christmas vacation ay bigla na lamang naging matabang ang pakikitungo na naman sa akin ni Sebastian.
Bigla na lamang ay hindi niya ako kinikibo. Kinakausap ko siya sa tuwing magkasama kami sa condo ngunit parang wala siyang naririnig. Madalas na rin siyang naglalasing at halos madaling-araw na kung umuwi. Lagi ko rin siyang tinetext at tinatawagan sa tuwing nag-uumpisa na akong dalawin ng pag-aalala dahil nga sa pag-uwi niya sa hindi kaaya-ayang oras.
Bukod pa roon, ay doon na rin siya natutulog sa kwarto nila Tita Liza. Hindi ko talaga malaman kung may nagawa ba akong mali na ikinagalit niya o talagang stressed out lang siya sa kanyang pag-aaral.
Isang gabi ay hindi ko na maatim ang ganoong pakikitungo niya sa akin kaya’t naisip ko na kumprontahin na siya. Talagang hindi ako natulog nang gabing iyon upang maabutan niya akong gising. May panginginig din ang aking katawan dahil sa inis sa kanyang inaasal na naman.
Pagkapasok niya ay naabutan niya akong nakaupo sa couch at hinihintay siya. Hindi naman siya amoy alak kaya’t naisip ko rin na maganda ang pagkakataon na ‘yun upang makapag-usap kami.  Tinignan niya lang ako saglit at dumeretso na sa kwarto ng kanyang mga magulang. Agad akong tumayo upang sundan siya papasok sa kwartong iyon.
Nang akmang isasara na niya ang pinto ng kwarto ay agad akong pumasok. Napahinto naman siya at tumingin sandali sa akin bago muling tumalikod at padapang nahiga sa kama.
“Ano bang problema, Seb? Mag-usap naman tayo oh.” malakas kong sabi sa kanya.
Hindi siya kumibo at patuloy lang sa pagkakadapa.
“Para ka na namang gago eh. Ano ba? Seb!” sigaw ko.
Nilapitan ko siya at naupo sa tabi niya sa kama. Kinakalabit-kalabit ko rin siya at bahagyang iniyuyugyog upang humarap sa akin.
“Sebastian! Ano ba ‘to? May ginawa ba akong mali? May kasalanan ba ‘ko?” pagtataka kong tanong sa kanya. “Sabihin mo naman. Hindi ‘yung ganito na para ka na namang gago na bigla na lang akong hindi pinapansin.”
Mas lumapit ako sa kanya. Hinawaka ko ang kanyang mukha at pilit na inihaharap sa akin. Hinihila ko rin ang kanyang mga kamay upang bumangon.
“Sebastian! Hoy!” patuloy kong pagsigaw. “Just tell me! Anong problema?”
Bigla siyang bumangon at itinulak ako palayo sa higaan.
“Ikaw! Ikaw ang problema!” sigaw niya sa akin.
Hindi ko pa rin maintindihan ang kanyang sinabi kaya’t nilapitan ko pa rin siya.
“Anong ako? Ano bang ginawa ko?” tanong ko sa kanya.
Tumayo siya at hinila-hila ako palabas ng pinto ng kwarto. Pilit ko namang pinipigilan siya at kumakawala sa kanyang paghawak sa aking mga braso.
“Umalis ka! Labas!” gigil niyang sabi habang patuloy pa rin akong hinihila palabas. “Hindi ka welcome dito, alam mo ba ‘yun? Hindi ka dapat nandito.”
“Anong ibig mong sabihin, Seb?” naiiyak na ako dahil sa ginagawa niyang iyon. Nanliliit na rin ang aking sarili dahil ano nga ba ang magagawa ko? Nakikitira lang naman ako sa condo na ‘yun.
“Lumabas ka sabi eh. Labas dun! Labas!” sigaw pa niya habang hinahatak pa rin ako.
“Bakit ba, tol?” tanging tugon ko.
“Gusto mo talagang malaman kung bakit?” seryoso niyang tanong sa akin. “Ayaw na kita kasama. Hindi ko na gusto na nandito ka palagi. Kaya umalis ka na!”
Pinilit kong kumawala sa paghahatak niya at bigla siyang niyakap. Napahinto naman siya at nakalaglag lamang ang mga kamay sa kayang mga tagiliran.
Sa pagyakap kong iyon ay hindi ko na napigilan ang aking sarili na umiyak ng malakas. Parang isang bagyo na pilit na pinupuntirya ang isang komunidad—ganoon katindi ang bugso niyon. Inis, galit, lungkot, at sakit. Lahat ng iyon ay parang isang kidlat na biglang kinain ang aking emosyon.
“T-tang ina!” tanging sambit ko sa kanya habang patuloy ang malakas na paghikbi at mas hinihigpitan ang yakap sa kanya.
Nararamdaman ko ang pagbilis ng kanyang paghinga, ngunit mas nakatuon ang aking atensyon sa kung ano ang aking nararmdaman at pilit na ipinagsasawalang-bahala ang kung ano mang epekto niyon sa kanya.
“Tang ina, Sebastian!” patuloy pa rin ako sa pag-iyak. “Hindi ko alam kung anong nagawa ko para maranasan ‘to sa’yo. Putang ina!”
Nararamdaman kong iniangat niya ang kanyang mga kamay at marahan akong itinutulak palayo. Nagulat naman ako dahil pakiramdam ko ay talagang ayaw na ayaw niya sa akin. Kumawala ako mula sa pagkakayakap habang nakayuko’t umiiyak pa rin.
Ilang sandali pa ay pinunasan ko ang aking mga luha gamit ang manggas ng aking suot na damit. Huminga ng malalim at tumingin sa kanya. Naiilang naman siyang nakatayo pa rin sa aking harapan at parang hindi alam kung ano ang gagawin.
“Lahat ng ginagawa ko ay para sa’yo, Seb. Gago ka.” mahina kong sabi sa kanya. “Mahal na mahal kita! You have no idea.”
Dali-dali akong lumabas ng kwarto at iniwan siyang nakatayo roon kasama ang gulat niyang asul na mga mata. Mabilis akong pumasok ng aming kwarto at binuksan ang aking damitan. Hinila ko mula sa ilalim ng aking higaan ang isang malaking maleta at binuksan iyon palatag sa aking kama. Kinuha ko lahat ng aking damit at ipinasok doon maging ang aking mga sapatos.
Kinuha ko rin ang aking laptop at ilan pang mga gamit at ipinasok sa aking knapsack. Alam kong naririnig ni Seb mula sa kabilang kwarto ang aking pag-iimpake dahil padabog ko iyong ginagawa.
Isinara ko ang maleta at aking knapsack na halos pumutok dahil sa dami ng laman. Hinatak ko rin ang aking ukulele na nasa case nito at yakag-yakag na dinala ang lahat ng iyon papalabas ng kwarto. Ang susi na aking dala-dala ay maingay kong inilapag sa babasagin na dining table namin doon at saka nagpatuloy na lumabas ng unit.
Pagkalabas ko ng aming condominium building ay naupo ako sa kalsada sa tapat niyon. Tinitignan ako ng security guard na naroon, marahil ay nagtataka kung bakit ako umiiyak at may dala-dalang mga gamit sa ganoong oras ng madaling araw. Inilabas ko ang aking cellphone at agad na tinawagan si Zeke.
Matapos ang ilang pag-ring ay sumagot din siya ngunit inunahan ko na siya sa pagsasalita.
“Zeke!” hiyaw ko at pagkatapos ay umiyak ng pagkalakas-lakas.
“Chard? What happened? Why are you crying?” pag-aalala niya.
“I need a place to spend the rest of the night, Zeke.” sabi ko sa kanya. “Sebastian kicked me out.” sumbong ko pa.
“What the fuck? What do you mean kicked you out?” malakas niyang tanong. “What the fuck is wrong with that guy? At this ungodly fucking hour?”
“Can you please pick me up? Andito ako sa labas ng building namin. I have all my stuff.” tugon ko.
“Okay, okay. I’m running downstairs! Be there in five.” mabilis niyang sabi at saka ibinaba ang telepono.
Halos ilang minuto na rin akong naghihintay kay Zek nang biglang lumabas din ng building si Seb at tumakbo papalapit sa akin. Mula sa pagkakaupo ay napatingala ako sa kanyang paglapit. Nakita ko ang pag-aalala sa kanyang mga mata at bahagyang pagkakakunot ng noo.
Hinawakan niya ang aking maleta at umakmang hihilain, ngunit hinila ko ito pabalik. Napalingon naman siya sa akin at nagkatinginan kami ulit.
“Halika na, Chard. Balik na tayo.” mahinahon niyang sabi.
“Fuck you!” tangi kong sagot.
Lumapit siya sa akin at hinatak ako papatayo, ngunit hindi ko siya hinayaan. Mas inilapit ko ang aking mga gamit sa aking tabi at yumuko.
“Sorry, Chard. I wasn’t thinking straight! I fucked up, big time!” pagpapaliwanag niya habang umiiyak na naman ako’t nakatungo pa rin. “Tara na, please!”
“Fuck you! Get away!” sabi ko habang napapalakas ang paghikbi.
Maya-maya ay pumarada na sa tapat namin ang sasakyan ni Zeke. Agad siyang bumaba at lumuhod sa harap ko upang tingnan kung ayos lang ba ako.
“Fuck. Of course, you’re here!” malakas na sabi ni Seb sa kanya.
“Just fuck off!” gigil na sagot sa kanya ni Zeke.
“You fuck off—” hindi pa tapos sa kanyang sasabihin si Seb nang bigla siyang sinapak ng sobrang lakas ni Zeke. Sa lakas niyon ay nagpatirapa siya sa kalsada at halos hindi makatayo.
“Zeke!” sigaw ko sa kanila matapos mapatayo.
“I warned you before, you fuck!” sigaw niya sa nakadapa pa rin na si Seb.
Isinabit niya na lamang agad sa kanyang balikat ang aking knapsack habang hinihila ang aking maleta at uke. Nang maipasok niya iyon sa compartment ng kanyang sasakyan ay binalikan niya ako.
Nang makabangon ay hinabol-habol pa ako ni Seb pasakay sa sasakyan ni Zeke, ngunit mabilis akong nakasakay. Kinakatok-katok niya ang bintana at nagmamakaawa na bumaba ako roon. Mula sa loob ng sasakyan ay nakatingin ako duguang mukha ni Seb at nagdadalawang-isip kung lalabas ba o hindi.
“Don’t you dare!” biglang sabi sa akin ni Zeke.
Napalingon naman ako sa kanya. Hindi niya ako tinitignan at agad lamang na pinaandar ang sasakyan.

No comments:

Post a Comment

Read More Like This