Pages

Sunday, March 26, 2017

Ang Boss at ang Driver (Part 13)

By: Asyong Bayawak

‘Sigurado ka?’

‘Oo naman!’

May nakakalokong kunot sa noo ni Jace habang ibinubuhol ang necktie ni Gabe. Nakatayo silang dalawa sa loob ng kwarto; tanaw mula sa bintana ang mga bisitang palakad-lakad sa resort. ‘Eh bakit parang nangangatog ka?’ tanong nito.

‘Ikaw kaya, subukan mong magpakasal!’ sagot naman ni Gabe. Para siyang maiihi na hindi mo maintindihan.

Dumating na ang araw ng kasal nina Gabe at Daniel.

December 24, 2017.

Ito ang araw na parang mamamatay si Gabe nang dahil sa kaba.

‘Bakit kasi ang daming bisita?’ ang mahina niyang sabi.

Napatawa si Jace. ‘Grabe, no? Imbitado ang international community. Lahat yata ng kamag-anak ni Daniel mula probinsya at ibang bansa dumating. Yung kasabay namin mag-check-in kagabi mga taga Hawaii at Paris. Yung mga humabol kanina, taga Brazil yata o Venezuela. Tinanong ko nga biyenan mo bakit ganon, eh ang sabi kasi excited silang lahat na makasal si Daniel dahil akala nila tatandang binata.’

Pinunasan ni Jace ng face towel ang pawis sa noo ni Gabe. Malamig ang air conditioner sa kwarto at mahangin naman sa labas. Pero si Gabe, akala mo nag-marathon sa disyerto.

Napakabilis ng mga pangyayari. Mula noong December 16, nang pumayag si Gabe na makasal ngayong Pasko, gumulong na ang makinarya ni Daniel. Na-book ang buong resort sa Zambales, na-order ang mga pagkain, nabili ang mga give-aways, naimbitahan ang mga bisita, at natapos ang isang libo’t isang preparasyon na kinakailangan para sa kasal. Nahilo si Gabe sa dami ng mga pangyayari. At ang pinaka-masaklap sa lahat, walang sex. Lumipat pa ng hotel si Daniel para iwas daw sa tukso. Ewan ba niya kung bakit pa siya pumayag—nakalimutan na nga rin niya ang dahilan kung bakit kailangan itong gawin. Hindi naman niya agad natanto kung gaano pala kahirap ang tumupad sa usapan.
‘Umupo ka kaya muna?’ paanyaya ni Jace.

Hindi na sumagot si Gabe at basta na lamang sumalampak patihaya sa kama. Naka-dipa ang mga braso. Bumuntong hininga ng pagkalalim-lalim.

Humiga si Jace sa kanyang tabi.

Dalawang lalaking naka-Amerkana, naghihintay magsimula ang kasal.

Ideya ni Gabe na ganapin sa isang white-sand beach resort ang kasal. Ang hindi lang nya inakala ay ang buhos ng mga bisitang darating. Palibhasa puro may mga pera kaya walang pakundangan sa pag-book ng flight.

‘Kinakabahan talaga ako, kuya,’ ungot ni Gabe.

‘Ano, itigil na natin ang kasal? May getaway car dyan sa labas, pwede ka nang umalis. Ako nalang ang pupunta mamaya para magpaliwanag sa mga bisita,’ sabi ni Jace, sabay tawa.

‘Sira.’

‘Bakit ka kaya kinakabahan, no? Sigurado ka naman na nagmamahalan kayo. Wala naman kayong puprublemahin sa pera. Wala namang problema sa mga pamilya. Nagsama na naman kayo… so anong kinakatakot mo?’

‘Ewan ko ba. Pano kung gusto ko na namang mapag-isa? Kung kailangan ko ng oras para sa sarili ko?’

‘Sus, ito naman. Kung si Carrie Bradshaw nga kelangan ng alone time, ikaw pa kaya. Sa tingin ko natural lang ‘yon. Lalo na siguro kung may mga anak na at maraming nangyayari sa buhay nyo. Sa tingin ko minsan kailangan mo rin talagang magkaroon ng oras para sa sarili mo para maging aligned ka ulit sa iyong center. Gets?’

‘Oo nga tama ka. Lahat naman siguro ganon…’

‘Pero huwag ka masyado maniwala sa akin, ha? Alam mo namang forever sigle ako. Hahahahaha… So, theoretical lang ang lahat.’

‘Ang choosy mo kasi,’ banat ni Gabe, ‘kaya ayan, single ka pa rin hanggang ngayon.’

‘Wow, ang harsh. Ikaw ang topic, diba? Bakit naman napunta sa akin ang usapan?’

‘Teka, nasan na nga pala yung date mo? Anong pangalan non? Jun? Karl?’

‘Ah, si Karl. Sa reception ko nalang pinapasunod, kasi sabi ko hindi ko sya maaasikaso agad.’

‘Nasaan na ba sya? Makakasunod ba talaga?’

‘Oo naman. On the way na daw.’

‘Kayo na ba?’ pag-uusisa ni Gabe.

‘We’re just enjoying each other’s company.’

‘Showbiz.’

Tawanan silang dalawa.

‘At saka, hindi pa naman sigurado kung handa na syang magka-boyfriend ulit. Kung ako tatanungin, syempre gusto ko na. Kaso, palaging busy yung tao sa trabaho, tapos kumukuha pa ng Law kapag gabi at weekend. Pano naman ako, diba?’

‘Eh si Jun ba?’

Bumuntong hininga si Jace. ‘Parang bata kasi.’

‘Twenty-two pa lang naman kasi,’ saad ni Gabe.

‘Age matters talaga kapag utak paslit ka pa.’

‘Ang hirap mo namang paligayahin!’

Katahimikan.

‘Si Steve ba, wala nang pag-asa?’ tanong ni Gabe.

‘Huwag na natin syang pag-usapan, utang na loob.’

‘O baka naman…’

‘Ano?’

‘Baka naman may hinihintay kang iba?’

‘Sino? Yung may-ari ng ampunan? Well… oo. Hahahaha. Ang gwapo sa picture diba? Makikita ko na rin sya sa wakas. Dalawang buwan nalang.’

‘Ewan ko sa ‘yo. Dun ka lagi nangangarap sa wala. Yung nasa harap mo hindi mo nakikita.’

‘Malay mo naman, biglang nandito pala ang THE ONE ko sa kasal mo.’

‘Bahala ka nga!’ Pinisil ni Gabe ang pisngi ng kaibigan. ‘Halika nga dito, nanggigigil ako sa ‘yo!’

Bumalikwas si Jace, tawa nang tawa. ‘Kapag ako nakahanap ng boyfriend ngayong araw na ‘to, “who you” sa ‘ken.’

----------------

‘Sino bang hinahanap mo, kuya?’ tanong ni Anton.

‘Ha? Wala,’ sagot ni Rusty. ‘Wala naman. Bakit ba?’

‘Kasi kanina ka pa lingon ng lingon,’ saad ng bata.

Napatahimik si Rusty. Napaka-usyusero talaga ng batang ito. ‘Baka dumating na sila, syempre gusto kong makita agad.’

Ilang beses nang tinanong ni Rusty ang sarili kung gusto ba talaga niyang umattend ng kasal ni Gabe. Wala pa yata siyang narinig na ex-boyfriend na dumalo sa kasal ng ex-boyfriend. Pero heto siya ngayon: naka-upo sa tabi ng pamilya ni Gabe at iniintay dumating ang mga kakasalin.

Halo-halo ang emosyong naglalaro sa kanyang puso.

Una ay ang pagka-mangha. May mahigit dalawang-daang puting upuan na lahat ay inookupa ng mga bisita, na mahigit nobenta porsyento ay kay Daniel, at ang dinig pa niya ay nagmula sa iba’t-ibang bansa. Napapalibutan sila ng mga pine trees, at sa di kalayuan ay matatanaw ang asul na dagat. Presko at mabango ang paligid. Malamig dahil mag-a-alas-singko na ng hapon. Naglalaro sa dilaw at malamlam na rosas ang kulay ng kalangitan. May mga nakatayong kawayan na pinagsasabitan ng mga bumbilya at bulaklak. Sa harap ay nandoon ang Ambassador ng Canada, na siyang magkakasal sa kanyang mga kaibigan.

Pangalawa, kaibigan na talaga ang turingan nila ni Daniel. Parang sinapian ito ng kung anong espiritu at naging magiliw makitungo sa kanya matapos ang blessing ng library. Hindi pala ito suplado’t masungit kapag nakagaanan mo na ng loob. Palabiro ito at palaging nakangiti; halos hindi mo makikilala base sa mga kwento ni Gabe noong una nitong nakilala si Daniel. Aakalain ba niyang mula sa pagiging magkaribal ay imbitado pa siya sa kasal nila ngayon?

Pangatlo—

‘Dumating na rin ang hayop,’ bulong ni Rusty sa sarili, matapos masilayan ang lalaking bumaba sa kotse.

‘Ano yon, kuya?’ tanong ni Anton.

‘Wala. Sabi ko, paparating na yung kuya mo dahil—’

‘Andyan na si kuya Jace!’ sigaw ni Alice, ‘Kuya!’ Kinawayan nito ang lalaki.

Nasa harap sila. Sa hanay ay ang papa ni Daniel; si Mang Ruben, ang tatay ni Gabe; ang tatlong kapatid ni Gabe; bakanteng upuan; at siya. Sa kanan naman ay mga ate ni Daniel.

‘Kuya Jace, dito ka na,’ sabi ni Mike, ‘Pinagtabi ka namin ng upuan.’

Humalik sa pisngi ng dumating na lalaki ang mga kapatid ni Gabe. Umupo ito sa kanyang tabi at binati lamang siya ng isang tipid na ngiti bago nakipag-kwentuhan sa mga bata tungkol sa Star Wars.

Iyon lang at naetsapwera na naman si Rusty.

Itinikom niya ang mga labi sa pagtitimpi. Sa lahat ng ipinagtitiis niya kay Jace, dapat mabigyan na siya ng parangal sa pagiging pasensyoso. Kung pwede niya lang ugain ang mga balikat ng lalaki at sigawan ito ng pagkalakas-lakas sa mukha.

At pagkatapos ay abusuhin ang mga labi sa halik.

Ipinikit ni Rusty ang mga mata at pinakiramdaman ang kabog ng dibdib na kala mo’y binabayo na parang tambol.

Inhale.

Exhale.

Hindi pwede.

Wala siyang gusto kay Jace.

Naguguluhan lang siya. Nagi-guilty sa ginawa, kaya ganon. Bakit naman siya magkakagusto, eh inis na inis nga siya, diba? Akala mo kung sinong makapag-suplado palibhasa gumanda na ang katawan. Palibhasa parang bronze ang balat dahil sa pagbababad sa araw. Palibhasa parang ang sarap-sarap pisilin ng mabibilog nitong pwet at yakapin ng mahigpit ang maliit nitong baywang.

Shit. Tinitigasan na naman siya.

Lalong lumakas ang kabog ng kanyang dibdib.

‘Lord,’ bulong ni Rusty sa langit. ‘Ilayo Mo po ako sa tukso.’

‘May dumi ka sa pisngi,’ sabi ng lalaking katabi.

Tila tumigil ang mundo nang maramdaman ang dampi ng hinlalaki sa kanyang kaliwang pisngi para punasan ang kung ano mang duming nandon.

‘O ayan, wala na,’ saad ni Jace.

Hindi makalingon si Rusty, nanigas na leeg. Unti-unting naglabas ng hangin mula sa bibig. Nakalimutan niya palang huminga.

‘Rusty, thank you pala sa pagtuturo ng music sa mga bata, ha? Nag-feedback sa akin, ang galing-galing mo daw. Excited na nga sila sa pagbabalik mo eh.’

Ramdam ni Rusty ang pag-init ng mukha, lalo pa nang magtama ang kanilang mga mata. Bagong gupit si Jace; brushed up ang maikli nitong buhok. Maaliwalas ang mukha at may ngiti sa mga labi. Parang gusto niyang malunod sa kumikislap nitong mga mata. Napalunok siya. Para sa kanya ba talaga ang ngiti ng lalaki?

‘Ah, ‘yun ba? Naku, wala ‘yon…na—na ano kasi, ah… enjoy ko rin naman yung pagtuturo—’

‘Kuya, ‘bat namumula ka?’ sabat ni Anton.

Gustong niyang bigwasan ng matindi-tindi ang maliit na demonyo. Dapat itong matuto na huwag sumali sa usapan ng matatanda!

‘Oo nga, no?’ pansin ni Jace. Inilapat ang palad sa kanyang noo. ‘Parang mainit ka nga. May Biogesic ako dito, baka gusto mo.’

‘Ah, hindi, wala ‘to.’ Parang gusto na niyang lagnatin ng tuluyan.

May pag-aalala sa mukha ng katabi. ‘Okay, pero kung kailangan mo ng gamot, sabihin mo lang, ha? At may clinic dito sa resort, hindi ko lang alam kung saan. Pwede mo naman itanong mamaya sa reception.’

Bago pa man makasagot si Rusty ay nagkaingay na ang mga tao. Dumating na ang mga ikakasal. Tumayo ang iba para kumuha ng pictures. Lahat ay nakatingin kina Gabe at Daniel.

Mapwera kay Rusty.

Isang tao lang ang laman ng kanyang mga mata at isipan sa mga sandaling iyon.

----------------

Unang kita pa lang ni Gabe sa mapapangasawa ay tulo na agad ang kanyang luha.

Iisipin mong isang taon silang hindi nagkita, pero ang totoo ay kahapon lamang ng tanghali sila naghiwalay. Sinugod nila ang isa’t isa pagkababa ng mga kotse. Niyakap ni Gabe si Daniel nang mahigpit sa ilalim ng arko ng mga bulaklak, sa dagundong ng hiyawan at palakpakan ng mga tao.

‘Oh, ‘bat ka umiiyak?’ tanong ni Daniel, habang pinupunasan ang kanyang mga luha.

Umiling lang si Gabe, hindi pinagtitiwalaan ang sariling sumagot dahil baka humagulgol pa siya.

Ganito pala ang pakiramdam kapag ikakasal ka sa mahal mo. Takot, kaba, pangamba, at lahat-lahat na. Pero nandiyan din ang abot-langit na ligaya sa pag-asang makakasama mo siya habang-buhay, sa hirap at ginhawa. Hindi siya poetic na tao, pero sa mga oras na iyon ay gusto niyang ipagsigawan sa mundo kung gaano niya kamahal ang lalaking nasa kanyang harapan.

Huminga siya ng malalim; kinakalma ang sarili.

‘Okay ka lang?’ tanong ni Daniel.

Tumango si Gabe. ‘Wala nang atrasan ‘to.’

‘Kapag umatras ka pa, itatali kita at sapilitang ipakakasal sa huwes.’

Wala pa ring tigil ang pagkabog ng dibdib. Pinagmasdan ang paligid, ang mukha ng mga bisitang may malaking ngiti sa mga mukha. Hindi niya kilala ang karamihan sa mga ito, pero nandito silang lahat para saksihan ang kanilang pag-iisang dibdib. Pakiramdam niya ay isa siyang artista sa dami ng kumukuha ng mga litrato at videos. Heto na nga, wala nang urungan.

Perpekto ang lahat. Napaka-ganda. Higit ng sobra-sobra sa pinangarap ni Gabe sa buong buhay niya.

Lumaking mahirap; hindi pa manlang nakapagtatapos ng kolehiyo; pero heto siya ngayon, tinatamasa ang lahat ng pagpapala ng Maykapal. Simula ngayong araw na ito, magiging isa na sila ni Daniel. Hindi legal sa Pilipinas, pero sa Canada oo. Nagkapirmahan na rin sila ng papeles sa Canadian Embassy kaya’t wala nang puprublemahin pa kundi ang selebrasyon. Pero gayunpaman, ito ang araw na itinuturing nila na tunay na magbubuklod sa kanilang dalawa. Ang araw ng kanilang kasal.

Hindi napigilan ni Gabe ang sarili. Mabilis na hinalikan si Daniel sa labi.

Sigawan ang mga tao.

Napatawa naman si Daniel. ‘Wala pa ngang seremonyas, kiss the groom ka na agad?’

Muling kinabig ni Gabe ang lalaki para sa isang malalim na halik at saka sila sabay naglakad papunta sa harapan.

----------------

Parang panaginip ang lahat.

Matapos ang kasal ay deretso sa hapunan ang mga tao. Maliban sa pag-to-toast ng mga magulang at pasasalamat nina Daniel at Gabe sa mga bisita, tila naging isang music festival ang reception. Pagkatapos ng kainan ay deretso sa pagsasayaw ang mga tao. Walang tigil ang mga bartenders sa pagbibigay ng beer at alak sa mga bisita.

Maraming tumugtog at sumayaw na nagpasaya sa lahat, pero hindi akalain ni Gabe ang paglabas sa entablado ni Meghan Trainor. Hiyawan ang lahat. Kinanta nito ang mga sikat na awitin at pagkatapos ay nagpa-picture sa bagong kasal. Akala niya’y iyon na highlight. May kasunod pa pala. Muntik na siyang himatayin nang mag-perform ang kumpletong myembro ng Westlife. Tiningnan niya si Daniel at hindi makapaniwala.

‘Regalo ko sa ‘yo yan, Mister Vitturini,’ bulong ng kanyang asawa. Kumandong sa kanya si Daniel habang sumi-sing-along sila sa mga kanta ng boyband na kinahumalingan ni Gabe noong bata pa siya.

Binati sila ng mga kaibigan at kamag-anak; walang patid ang pag-congratulate, ang pakikipag-kamay at pagyakap. Walang paglagyan ng saya si Gabe sa pagtanggap sa kanya ng pamilya ng asawa, lalo na habang proud na proud si Papa Ben na ipinapakilala siya sa lahat.

Mahaba pa ang gabi, pero kinailangan na nilang umalis.

Hindi na sila makapaghintay na makapag-isa.

Pagpasok pa lamang ng hotel suite ay nagtalsikan na ang butones ng kanilang mga damit. Parehong wala nang pasensya sa paghihintay. Parang lupang uhaw na hindi nakatikim ng tubig ng isang daang taon.

Akala mo’y isang laruan si Daniel kung ibalibag ni Gabe sa kama. Halik at kagat sa bawat parte ng katawan. Hinihimod at nilalapirot ang mga utong; pinapaluwang ng basang mga daliri ang kwebang nais sakupin. Walang marahan sa kanilang pagkilos. Lahat marahas. Lahat nakakabaliw.

Halos mawalan ng ulirat si Daniel sa sarap na nadarama. Sensitibo ang buong katawan sa lahat ng pagpapaligayang ginagawa ng kanyang asawa. Ngayong gabi ay aangkinin na siya ni Gabe bilang asawa at hindi na siya makapaghintay na mapuno ng pagkalalaki ni Gabe ang kanyang katauhan.

Tirik ang kanyang mga mata nang pasukin siya ni Gabe sa isang kadyot lang. Sagad. Sagad na sagad. Abot hanggang bituka. Warak ang butas sa taba ng kargadang bumabayo sa kanyang tumbong. Gustong sumigaw ni Daniel sa sarap at sakit, pero puno ng dila ni Gabe ang kanyang bibig, pinipigilan siyang makahinga. Nakapako sa ulunan ang kanyang mga braso sa gapos ng mga kamay ng asawa. Wala siyang magawa kundi ipulupot ang mga binti sa baywang ni Gabe habang walang awa siyang binabarurot nito. Sa lakas ng pagbayo ni Gabe ay siguradong puno na naman siya ng pasa bukas. Subalit iyon ang kanyang kailangan, ang maangkin nang tuluyan ni Gabe, ang ibigay ang lahat ng nais ng asawa.

‘Ahhhhhh!!!’ Humigpit ang kapit ni Daniel nang tuluyan nang labasan. Para siyang nakakita ng mga tala sa kadiliman.

At dahil sa pagsakal ng kaselanan ni Daniel sa kanyang sawa, ‘di na napigilan ni Gabe ang magpaputok sa loob ng kweba. ‘Di na niya mabilang kung naka-ilang pasabog siya, pero ramdam niya ang pag-apaw ng tamod at pagtulo nito sa bunganga ng butas ni Daniel.

Mahabang sandali silang naka-pulupot sa isa’t isa habang naghahabol ng hininga. Nakapasok pa rin ang titi ni Gabe kay Daniel at wala pang balak lumambot. Puno ng hingal ang kanilang paghahalikan, ang pagpapalitan ng laway, ang paglalaro ng mga dila, ang paulit-ulit na paglalahad ng “I love you.”

‘Babe?’ bulong ni Gabe.

‘Hmmm?’

‘Ilan ang gusto mong anak?’

Ngumiti si Daniel.

‘Isang dosena.’

----------------

Bawat isa ay naghahanap ng mamahalin, ng taong makaka-isang dibdib, ng makakasama sa mundong ito. Wala sa hinagap ni Gabe na ang lalaking kanyang magiging boss pala ang tunay na magmamahal at magbibigay sa kanya ng ligayang matagal nang pinapangarap. Nagsimula man siya bilang isang driver, walang nagawa ang matigas na puso ni Daniel kundi ang mahulog dahil sa kanyang taglay na kabaitan at pagka-mababang loob.

Marami siyang pinagdaanan, pero hindi siya sumuko. Lalo pa niyang pinagbuti ang ginagawa, at sa paglipas ng panahon ay pinalakas at pinatatag siya ng mga ito para maging ang lalaki na kung ano siya ngayon. Sa tulong ng asawa, mga ka-pamilya’t kaibigan, tinutupad ni Gabe ang mga pangarap.

Pero sa buhay ng tao, hindi nagtatapos ang lahat sa dulo ng isang pakikipagsapalaran. Maraming ligaya at problema pa ang darating, at ang bawat isa dito ay nagtuturo ng leksyon at bumubuo sa karakter ng tao, nagpapatatag sa relasyon ng pamilya.

At para sa buhay nina Gabe at Daniel, nagsisimula pa lamang ang lahat.

---WAKAS---

No comments:

Post a Comment

Read More Like This