Pages

Saturday, April 8, 2017

Ang Pinsan kong Inosente (Part 7)

By: Ryan

Old Songs - Barry Manilow

Chorus

And maybe the old songs
Will bring back the old times
Maybe the old lines
Will sound new

Maybe he'll lay his
Head on my shoulder
Maybe old feelings
Will come through
Maybe we'll start to cry
And wonder why
We ever walked away
Maybe the old songs
Will bring back the old times
And make him want to stay

Everytime I hear this song, naaalala ko lahat ng nangyari sa amin ni Jake. The memories that we've shared, laughter and tears. Tanging old songs nalang talaga ang kayang magbalik ng masasayang alaala na yon, chances na sinayang ko at ang sakit na idinulot ko sa kanya. Maging sa aking sarili.

Nagsimula kami sa pagiging masaya sa isa't isa pero humantong kami sa ganitong sitwasyon.

“We always have a choice. It's just that some people make the wrong one.”

-Anonymous

****

Madaling araw na kaming lumisan mula sa spa na pinuntahan namin.

Kahit papaano ay gumaan na ang loob ko sa paghingi ng tawad kay Jake. Hindi man siya nagsalita, pero ramdam ko sa yakap at luha niya na pinapatawad niya na ako.
May pictures pa nga kami together nila Don, Enzo, Jake at ako (wala si Paul sa picture dahil nag cr siya nun) matapos akong magsorry kay Jake. Mukha kaming masayang-masaya sa picture dahil pare-pareho kaming naka wacky face maging si Jake. Pero hanggang doon lang pala ang saya niya dahil hangang makarating ako ng bahay ay hindi na ako kinausap ni Jake. Tahimik lang siya hanggang maghiwa-hiwalay na kami.

Naiintindihan ko. Pinatawad niya na ako pero ramdam ko kailangan niya ng time para sa sarili para pag-isipan ang lahat. Mga bata pa lang kami, alam kong hindi marunong magtanim ng sama ng loob si Jake. Ako din pala ang mismong nagturo sa kanya nito.

Alam kong sobrang sakit n'on para sa kanya, kaya hindi ko siya masisisi dahil kasalanan ko ang lahat. Kung sana naging matatag lang ako, kung sana hindi ako naduwag na harapin ang lahat.

Pumasok sa isip ko ang offer sa akin papuntang Qatar. Hindi ko pa din maisip kung ano ang itutugon ko. Pakiramdam ko kasi ay kailangan ko munang ayusin ang sa amin ni Jake bago ko tuluyang i-grab ang opportunity. Ayokong umalis na lang bigla ng hindi kami nagkakaayos. Ayokong gawin ulit sa kanya.

Sa susunod na linggo ay araw ng kasal ng tita Lynette. Anak siya ng pinakabunsong kapatid ng lola namin ni Jake. Gusto niya na kumanta ako at si Jessica (kapatid ni Jake) sa araw ng kasal niya. Pero bukod doon ay kinuha niya din ako bilang isang abay. Close kasi kami noong kabataan namin dahil hindi naman nagkakalayo ang agwat ng edad namin. Mas matanda lang siya sa akin ng apat na taon.

Kasama din sa entourage sila Paul, Don at Jake.

Dumating na ang araw ng kasal ni Tita Lynette. Kumpleto ang buong angkan namin. Nakita ko din sila Paul at Don na pormang-porma sa suot nilang barong tagalog. Kasama nila ang mga girlfriends nila. Kinawayan ko lang sila at ngumiti.

Kasama ko namang dumating si Jessica. Nag practice pa kasi kami ng kakantahin namin mamaya. Kinakabahan ako dahil first time kong kakanta sa isang kasal. Pero hindi ko makitaan ng kaba si Jessica. Sanay na kasi ito. Member siya ng isang choir dati at naipadala na din sila sa Hongkong noon para sa isang International Competition.

Kalaunan ay nakita kong dumating si Jake. Nakakapit sa kanya 'yong babaeng nakita kong kasama niya sa mall. Kapit na kapit ito sa kanya na parang gandang-ganda sa sarili.

Napaka fresh ng itsura ni Jake. Hindi ko magawang alisin ang tingin ko sa kanya. Ang mga mata niyang chinito ay lalong naniningkit dahil sa kakangiti niya sa tuwing bumabati siya sa mga kamag-anakan. Siya na yata ang pinakagwapo para sa akin sa mga taong naroroon.

Nang naglakad na siya papunta sa kinaroroonan ko ay nagtama ang paningin namin. Binawi niya kaagad at naging blangko ang expression. Hindi niya ako kayang gawaran ng ngiting tulad ng ipinapakita niya sa iba.

Nalungkot ako at napayuko. Naiintindihan ko siya kung hindi niya pa ako lubusang mapatawad.

Agad kong ibinaling ang attention kay Jessica. Nakaupo kami noon sa pinakaunang mahabang upuan na malapit sa altar ng simbahan.

"Kinakabahan ako Kang." sabi ko kay Jessica. Palayaw niya 'yon. Before Jake, nauna ko siyang maging ka-close dahil pareho kaming mahilig kumanta. Naalala ko pa noon kung paano namin ipagtabuyan si Jake dahil sa panggugulo nito sa pagvi-videoke namin sa bahay.

Kinakabahan naman talaga ako dahil nga first time kong gagawin iyon. Pero nadagdagan kasi ang kaba ko noong nakita ko si Jake.

"Relax ka lang kuya. Di mo ako gayahin." pagyayabang niya.

"Beterano ka na kasi. Lahat yata ng amateur contest sinalihan mo na."

"Well, anong magagawa ko, biniyayaan ako ng gantong boses." may sa mayabang kasi itong Jessica na ito parang 'yong kuya niya rin,

Inismiran ko lang siya.

"Maiba lang, magkagalit ba kayo ni kuya Jake?" tanong niya.

Nasanay na akong tanungin ng ganoon. Alam kong napansin na ng marami sa angkan namin na parang malayo na kami ni Jake sa isa't isa. Ang nakasanayan kasi nila ay 'yong Jake na sunud-sunuran sa kuya Ryan niya. Para na nga kaming kambal na hindi maghiwalay noon. Dahil wala silang alam sa nangyari sa amin, hindi nila maiwasang magtanong minsan.

"Hindi ko alam. Pero siya, baka galit sa akin." Painosente kong sagot.

"Asar naman talaga kasi yang si kuya. Kami nga magkasundo kami pero mas madalas na magbugbugan." Sinabayan niya ng tawa.

Close naman talaga silang dalawang magkapatid. Sweet nga sila eh. Pero mas madalas 'yong bangayan nila at bugbugan. May pagka boyish din kasi itong si Jessica at nagta-taekwondo noong elementary days niya. Kaya, kayang-kaya niyang makipagbugbugan sa kuya niya.

"Pero alam mo kuya, galit na galit si Mama diyan kay kuya.... Laging wala sa bahay, tapos uuwing lasing. Minsan naman pag nasa bahay siya, kung sinu-sinong babae ang pinapatulog sa kama niya. One time, hinanap ko sa bag niya 'yong hiniram niyang sunglasses ko. Nakakita ako ng marijuana, sobrang dami." parang gulat na gulat siya na nag-eexplain. "Kaya sinumbong ko siya kay Mama.. Tapos galit na galit si Mama at sinermunan siya."

Hindi na ako nagulat sa sinabi ni Jessica, dahil nabanggit na noon ni Tita sa akin ang mga bagay na 'yan. Isa din iyon sa dahilan kung bakit gusto kong magkaayos kami ni Jake. Dahil alam kong sa akin lang siya makikinig. Pero hindi pa yata tamang panahon.

"At eto pa." Pagpapatuloy ni Jessica. "Alam mo bang may death threat yan?"

Nagulat ako at labis na nabahala. Bakit siya magkakaroon ng death threat? Ibang usapan na to. Buhay na ni Jake ang nakasalalay.

"Bakit??" gulat kong tanong sa kanya.

"Ginawa niya kasing negosyo ang marijuana. Nagbebenta siya sa mga kakilala niya at kahit sa mga hindi kakilala. Pero wala siyang nai-remit na pera doon sa nagsusupply sa kanya, dahil siya mismo ang gumagamit ng ibinibenta niya. Siya ang halos nakaubos." may halong pag-alala na sambit ni Jessica.

Sobra silang nag-aalala sa kapakanan ng kuya niya. Kaya noong nalaman din daw ni Tito, ama ni Jake ay sobrang nagalit daw ito at binigyan si Jake ng pera para bayaran ang dapat bayaran sa supplier ni Jake. Balak sanang ipa-rehab ni Tito si Jake pero nangako si Jake na hindi na uulit at nagtiwala sila sa sinabi ni Jake. Tuwang-tuwa nga daw sila Tita dahil dumating na ako para magabayan ulit si Jake. Ang kaso, iba na ang sitwasyon namin ngayon. Nakakalungkot at nakakabahala, hindi na tulad ng dati. :(

Sa mga nalaman ko na 'yon ay naghalo ang labis na lungkot at pagkabahala. Bakit humantong si Jake sa ganito. Sobra-sobra na ito, hindi ko alam kung kasalanan ko pa din pero labis talaga akong nababahala sa kapakanan niya. Paano kung natuluyang patayin si Jake. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari hindi na sana ako umalis. Ayokong mawala si Jake sa ganoong paraan. Hindi baleng huwag niya na akong pansinin habambuhay, huwag lang siya mawala ng ganoon.

Natulala ako sa mga narinig ko at hindi ko na nakuha ang iba pang sinasabi ni Jessica. Si Jake ang laman ng isip ko. Ang kapakanan niya at ang offer ko sa Qatar. Nagdadalawang isip na akong i-grab ang offer na iyon. Manghihinayang naman ako kung itu-turn down ko ang offer dahil mas malaki ang sahod na makukuha ko kung sakali. Kailangan ko iyon at kailangan ng pamilya namin. Pero baka magtuloy-tuloy si Jake sa kalokohang ginawa niya. Gulong-gulo ako.

"Kuya... hindi ka naman nakikinig eh." pagrereklamo ni Jessica.

Andami niya na palang naikwento pero hindi ko na naintindihan 'yong iba.

"Mamaya na nga lang, magsisimula na daw ang ceremony." dugtong niya.

Tumango lang ako at lumingon sa kinaroroonan ni Jake. Nakatingin din pala siya sa akin pero agad na umiwas.

Maya-maya ay sinabihan na kaming pumuwesto na sa bukana ng simbahan dahil mag-uumpisa na ang ceremony. Dumating na kasi ang bride.

At dahil kami lang ni Jake ang matangkad, pareho kaming nasa likuran ng pila, pero nasa unahan ko siya. Kapartner ko noon si Rose na kamag-anak din namin. Ang partner naman ni Jake ay si Jessica.

Tinitingnan ko lang ang familiar na likod ni Jake, na noon ay binibilang ko pa kung ilan ang nunal niya sa bahaging 'yon. Anim ang nunal niya sa likod at hindi ko nakakalimutan 'yon. Hindi naman siya lumilingon sa likod ko kaya pinagsawa ko ang mga mata ko na masilayan siya.

Labis ang lungkot na naramdaman ko. Parang gusto kong dumikit sa kanya at yakapin sa likuran at hinding hindi na pakakawalan. Yakap na dati kong ginagawa sa kanya sa tuwing natutulog kami. Yakap na pumupuno sa pagkatao ko. Gustong-gusto kong guluhin ang nakaayos niyang buhok na dati ay napipikon siya na parang bata sa tuwing ginagawa ko iyon. Gustong-gusto ko ding pitikin ang tenga niya na pinagdidiskitahan ko dati sa tuwing ginugulat niya ako. Sobra akong nangungulila sa kanya.

Ilang dangkal lang ang pagitan namin pero parang napakalayo niya na hindi ko kayang abutin. Madami akong gustong gawin sa kanya ng mga oras na 'yon. At alam kong hindi ko na ulit magagawa sa kanya at nakadagdag 'yon sa matinding kalungkutang lumulukob sa pagkatao ko ng mga oras na'yon. Nasa harapan ko na siya pero hindi ko magawa ang mga gusto kong gawin.

Gusto ko siyang kausapin pero ramdam ko ang bigat ng pakikitungo niya. At wala akong lakas ng loob na gawin iyon. Masiyado akong duwag pag dating kay Jake. Sa sobrang kaduwagan ay ako mismo ang naging dahilan ng pagkalugmok at nagkait ng kaligayahan sa kanya.

Duwag kasi ako. Duwag... :'(

Kung maibabalik ko lang sana ang dating kami. Kung maibabalik ko lang sana.....='(

Nagsimula na ang ceremony at kanya-kanya na kaming naglakad sa aisle. Sinalubong kami ng mga ngiti ng mga taong naroroon at flashes ng camera.

Nang makapwesto na kami ay nagpalakpakan ang mga tao. Nagsimula na ding pumailanlang ang napakalamig na boses ni Jessica sa kantang "I Will Be Here" na sinabayan din ng piano. Si Tita nagrequest nun, dahil paborito daw kantahin sa kanya ng mapapangasawa niya yon. Ako dapat ang kakanta n'on pero tumanggi ako. May something kasi sa kanta na magpapaalala sa pangakong hindi ko tinupad. Ang pangako namin ni Jake na walang iwanan.

Tumingin ako sa groom na namumutla sa kaba at nangingilid ang luha. Hindi halos pumipikit nang makita niya ang napakagandang bride na kasalukuyang nagba-bridal walk. Tumingin ako sa gawi ni Tita Lynette. Mabagal ang paglalakad niya habang nakakapit siya kay Lolo Anton, ang tatay niya. Damang-dama niya ang paglalakad na parang sinasabi niyang "This is the happiest moment of my life".

Mabuti pa si Tita, nagawa niyang magmahal na walang ipinagbabawal. Magagawa niya nang ialay ng buo ang kanyang pagmamahal at pagkatao sa isang tao na naghihintay sa kanya sa altar. Mabuti pa sila, hindi nila mararanasan ang kutyain at husgahan ng mga tao dahil sa pagmamahalan nila.

Inilibot ko ang tingin ko sa paligid at madami ang naluluha sa galak habang nakatingin sa naglalakad na bride. Parang nahahawa ako sa pagluha nila.

Ibinalik ko ang tingin kay Tita pero sa pagkakataong ito, naluluha na ako habang nakangiti.

Si Jake kasi ang nakikita ko sa isip ko.

Si Jake na sobra ang tuwa sa tuwing nakikita ako at sinusugod ako ng yakap. Si Jake na nakasimangot sa tuwing nagtatampo sa akin. Si Jake na walang humpay sa pagkukwento. Si Jake na masaya sa lahat ng bagay basta kasama niya ako.

Si Jake......... Ang pinsan kong inosente.

Mas naluha pa ako sa huling Jake na nakita ko. Umiiyak siya habang inaamin niyang mahal niya ako.

"Pinilit kong huwag masaktan pero anong magagawa ko, mahal kita eh at talo ako."

Parang echo 'yon na paulit-ulit sa pandinig ko.

Nilingon ako ni Don na noon ay nasa tabi ko. Napansin niya yatang hindi na akma ang pagluha ko.

"Kuya, OA na." Pang-aasar niya sa akin. Sabay ng takip sa balikat ko.

Ngumiti nalang ako at pinunasan ng panyo ang mga luha ko.

Lumingon ako sa gawi ni Jake na tahimik na pinapanood si Tita. Napansin niya yatang nakatingin ako sa kanya. Lumingon siya sa akin at saka namang pag-iwas ko ng tingin sa kanya.

Nakapag exchanged na ng vows at nag OO na ang groom at bride sa harap ng pari.

Saka ako tinawag upang maghandog ng kanta. Sobra ang kaba ko noon. Iniwasan kong tingnan si Jake baka lalo akong kabahan.

Nirequest ni Tita Lynette na kantahin ko ang "Ikaw Ang Aking Pangarap" ni Martin Nievera. Prinaktis ko iyon ng tatlong araw.

Nagsimula ng tumugtog ang pianista. Sakto lang ang key ng kanta, hindi masiyado mataas at hindi masyadong mababa. Nirequest ko kasi iyon, para masabayan ko ng maayos ang kanta. Mediyo soulful ang dating nung tunog.

Pumikit ako para mabawasan ang kaba at upang damhin ang bawat liriko. Saka nagsimulang kumanta.

Mula ng makilala ka
Buhay ko'y biglang nag-iba
Kay saya ng bawat sandali
Kailanma'y hindi ipagpapalit

Kitang-kita ko ang inosenteng si Jake sa isip ko. Naglalaro ang masasayang nakaraan.

Ikaw ang aking hiniling
Sa habang buhay ay makapiling
Ngunit mahal ikaw ay nasaan
Aking minimithi ay ikaw lamang

Iminulat ko na ang mga mata ko, nabawasan na kasi ang nararamdaman kong kaba dahil nadala na din ako ng kanta. Bagama't may kirot akong nararamdaman ay nakuha ko pa ding ipagpatuloy ng maayos ang kanta.

Ikaw ang aking pangarap
Ikaw ang sagot sa 'king dasal
Puso ko ay inaalay
'Pagkat minamahal kitang tunay

Ikaw ang aking pag-ibig
Ang nagbibigay kulay sa 'king daigdig
Wala nang nanaisin pa
Kung magpakailanman ay kasama ka

Ramdam kong nakatingin sa akin si Jake. Nasisilayan ko kasi siya sa gilid ng aking mga mata. Pero iniwasan ko pa din siyang tingnan baka kasi maiyak ako dahil damang-dama ko talaga ang kanta. Hindi man ang buong kwento namin ang itinutukoy ng kanta pero may mga bahaging nagpapaalala ng mga nakaraan samin.

Ngunit mahal ikaw ay nasaan
Aking minimithi ay ikaw lamang
Ikaw lamang...

Muli akong pumikit para mag-concentrate, tumataas na kasi ang mga pyesa.

Ikaw ang aking pangarap
Ikaw ang sagot sa 'king dasal
Puso ko ay inaalay
'Pagkat minamahal kitang tunay

Ikaw ang aking pag-ibig
Ang nagbibigay kulay sa 'king daigdig
Wala nang nanaisin pa
Kung magpakailanman ay kasama ka
Ikaw ang pangarap...

Nakanta ko ng maayos ang mediyo mataas na bahagi na iyon. Dahil siguro sa damang-dama ko ang pagkanta ay hindi ako nahirapan.

Ikaw ang aking pangarap...

Habang kinakanta ang huling linya na iyon. Hindi ko na mapigilang tumingin kay Jake. Titig na titig siya sa akin. Iba ang nababasa ko sa mga mata niya. Saya, lungkot at pananabik. Hindi ko masiyadong mawari kung alin sa mga iyon ang ibig sabihin ng mga mata niya.

Natapos ko ang kanta at nagpalakpakan ang mga tao. Nag-iwan din ako ng mensahe para sa dalawang ikinasal.

Natapos na ang seremonyas. Nagpicture taking muna kami. Kakaunti lang ang bilang ng pamilya ng groom. Mas marami 'yong sa amin dahil mistula isang barangay. Binansagan nga kaming pamilyang di magiba, dahil sa sobrang dami namin.

Kinulit ako ni Don na mag selfie gamit ang phone kong dala. Pumayag naman ako. Panay kuha niya ng picture naming dalawa habang hawak hawak niya ang phone. Kalaunan nakita niya si Jake at tinawag para sumali sa picture namin. Noong una tumatanggi si Jake pero napapayag siya ni Don. Doon sana siya pupwesto sa tabi ni Don, kaso pinalipat siya nito sa tabi ko. Nag-aalangan pa nga siya na lumapit dahil ako ang makakatabi niya. Pero wala na din siyang nagawa. Kapag titingnan mo sa larawan akala mo wala kaming samaan ng loob, akala mo masaya kami. (Nasa FB acct ko pa din 'yong picture na 'yon)

Masaya ding naidaos ang program sa reception. Ginanap iyon sa isang hotel. Pinakanta pa ulit kaming dalawa ni Jessica ng tig-iisang kanta.

Gabi na nang matapos ang program. Mediyo nabitin kami sa aming iniinom na beer kaya napagkasunduan ng magpipinsan na magbar.

"Hindi na siguro ako sasama sa inyo." sabi ko kay Don.

"Ano??" pinanlakihan niya ako ng mata. "Kuya naman, minsan lang to oh." pagmamaktol niya.

"Kapag sumama kasi ako hindi sasama iyang si Jake." paliwanag ko sa kanya.

"Ako bahala doon sa kupal na 'yon."

Sumang-ayon nalang ako at sinabing mauuna nalang ako tulad nang dati para sumama si Jake.

Tinawagan ko si Enzo para may makasama ako sa bar habang naghihintay sa kanila. Pumayag naman siya at nagkita na lang kami sa bar na sinasabi nila Don.

Nakapag reserve na kami ng mahabang table para sa aming magpipinsan. Dalawa lang kami ni Enzo, dahil hinihintay pa namin ang iba. Kaya kwentuhan muna kami. Hindi na muna kami umorder ng maiinom dahil baka pag dumating ang mga 'yon ay lasing na kami. Kaya nagkwentuhan muna kami.

Iba't ibang bagay ang pinagkwentuhan namin. Natutuwa ako dahil may siniseryoso na siyang girlfriend ngayon. Binibida niya palagi sa akin. Masaya ako para sa kanya. Hindi niya na din naman ako kinukulit sa nararamdamn niya para sa akin dahil alam niya naman na mag bestfriend lang talaga kami.

"Bok, ang ganda niya diba?" tuwang-tuwa siya habang pinapakita ang picture ni Tina, ang girlfriend niya.

"Oo nga bok, maganda siya. Kelan mo ipapakilala sa akin?" maganda naman talaga si Tina. Simple lang siya at mukhang mabait.

"Sa susunod na araw bok." may excitement ang tono niya.

Schoolmate niya daw si Tina solid fan niya ito. MVP kasi lagi itong si Enzo sa school.

"Maiba tayo.... Kamusta na kayo ni Jake?"

"Hindi ko pa din alam bok, nag-sorry na ako sa kanya diba? Pero hindi niya parin ako kinakausap." malungkot kong sabi.

"Baka kailangan niya lang ng panahon." Sabi niya. "Balak mo bang sabihin sa kanya na mahal mo din siya?" Dugtong niya.

Mariin akong umiling.

"Hindi! Hindi na bok. Para saan pa. Hindi naman kami pwede at alam mo yan. Hihintayin ko na lang sigurong mapatawad niya ako at maging okay kami."

Alam ko sa sarili ko na hindi ko kayang sabihin sa kanya 'yon. Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya. Nanaig pa din kasi ang utak ko nang mga panahon na 'yon. Oo, alam ko nakakainis, pero hindi ko talaga kayang harapin ang nararamdaman ko. Hindi kayang sabihin ng bibig ko ang bugso ng damdamin ko. Dahil alam kong mali. Maling-mali.

Dumating na sila at kumaway sa amin. Kasama ang mga girlfriends nila at ang iba pa naming teenager na pinsan.

Kitang-kita ko ang reaction ni Jake na tulad noong nakita niya ako sa spa na pinuntahan namin last time. Pero sa pagkakataong ito hindi siya umatras, tuloy-tuloy lang siya na tumungo sa kinaroroonan namin. Nakakapit pa din sa kanya 'yong babaeng kasama niya sa mall noong nakaraan. Baka kako ito na ang bagong girlfriend ni Jake.

Umorder na kami at nagsimula ng uminom habang pumapailanlang ang malakas na tunog na dance music sa magkakabilaang speaker sa lugar na 'yon.

Puro kwentuhan lang ang ginawa namin. Nagkukwento din si Jake at nakikipag asaran sa mga pinsan namin. Pero umiiwas pa din siya sa akin.

Mediyo may tama na ata kami. Nag-aya silang sumayaw sa dance floor. Tumanggi ako dahil wala naman akong hilig sa sayawan. Naiwan kami nina Jake at 'yong babaeng kasama niya.

Maya-maya ay bumulong ang babae kay Jake. Tila nagpapaalam na mag CR muna. Naiwan na lang kaming dalawa ni Jake.

Tahimik lang naming pinapanuod ang mga pinsan naming nag e-enjoy sa pagsayaw.

Gusto ko na siyang kausapin. Hindi din ako masyado nakaramdam ng hiya dahil sa alak na nainom ko. Pagkakataon ko na ito. Humugot muna ako ng lakas ng loob saka marahan na tumikhim.

"G-galit ka pa ba?" hindi ako tumitingin sa kanya.

Hindi siya kumibo.

Tanging ingay lang ng bar ang naririnig ko. Mga ilang segundo ay nagsalita ulit ako.

"A-ang gwapo mo kanina." naiilang man pero 'yon ang way ko para ibahin ang flow ng magiging usapan.

Hindi pa din siya kumikibo. Nilingon ko siya, para siyang nangingiti na nagpipigil.

Nakaramdam ako ng pagiging kumportable kaya ginulo ko ang buhok niya na tulad ng dati kong ginagawa. At pinihit ang ulo paharap sa akin. Umiiwas siya ng tingin pero nangingiti talaga siya.

"Patingin nga ng mukha ng bunso kong pogi." bini-baby ko na siya. Nakangiti ako.

Tinabig niya ng mahina ang kamay ko.

"Kuya naman ee..." pagmamaktol niya pero nangingiti pa din.

Naaliw ako sa reaction niya kaya napatawa ako. Gumaan ang pakiramdam ko dahil tuluyan na siyang ngumiti. Effective parin pala ang strategy ko sa pagsusuyo sa kanya sa tuwing nagtatampo siya. Sobrang laki ng ngiti ko at sobra ang saya ng naramdaman ko nang makita muli ang mga ngiti na 'yon.

"Ano! Hindi na ka bata? Binata ka na? May bulbol ka na at nag-aano ka na?" inunahan ko na siya sa paulit-ulit niyang reklamo sa tuwing nangyayari ang ganong eksena sa amin.

Ngiting-ngiti talaga ako. Cute niya kasi.

"Hindi." sagot niya.

"Eh ano?" nakangiti pa din ako.

"M-mahal kasi kita." Mediyo ilang ang pagkakasabi niya nayon habang nakatingin sa mga sumasayaw. Alam ko namumula na siya sa alak pero ramdam ko na nahihiya din siya sa sinabi niya.

Alam ko naman na mahal niya ako. Pero nagulat talaga ako sa pagkakasabi niya na 'yon. Natameme na naman akong nakatingin sa kanya. Hindi ko kasi inaasahan na yun ang sasabihin niya sa pangungulit ko.

Nag-isip ako kung ano ang gagawin ko. Ayoko talagang sabihin na mahal ko din siya. Mahirap na.

Lumingon siya sa akin ng seryoso. At siya namang pagkabawi ko sa pagkakatameme ko.

"O-Oo naman, alam ko 'yon. Mahal din naman kita at alam mo yan." iba ang tono ng pagkakasabi ko na 'yon. Sinadya kong isipin niya na mahal ko siya bilang kapatid.

Ngumiti lang siya pero parang pilit. Malungkot ang mata niya kahit na nakangiti siya.

Tinusok ko siya sa tagiliran at napaiktad siya. Kiniliti ko na siya ng tuluyan para mabago ang mood niya. Ayokong makita ang lungkot na yun.

"Okay na tayo ha?" sabi ko sa kanya.

Hindi siya sumagot. Kiniliti ko ulit siya at tawang-tawa na siya na parang naduduwal. Nagmakaawa na tigilan ko na. Pero hindi ko ginawa 'yon sa halip tinodo ko pa ang pagkikiliti sa kanya. Hanggang sa..

"O-oo na! Oo na!" sabi niya na hirap na hirap huminga. "Dinadaan mo na naman ako sa ganyan mo." pagmamaktol niya.

Inakbayan ko siya at umakbay din siya sa akin. Pareho na kaming nakangiti. Sobrang saya ko,

Madali pa din siyang suyuin. Akala ko mahihirapan ako. Parang wala paring pinagbago, ganoon lang kami kadaling makipag-ayos sa isa't isa.

May mga bagay akong gustong pag-usapan namin. Tulad ng bisyo niya at kung anu-ano pa. Pero hindi muna siguro sa ngayon. Mahalaga okay na kami. Hindi man fully okay pero good point na rin ito para muling makapasok sa buhay ni Jake.

Saka naman ang dating nung babae na kasama ni Jake. Joyce daw pala ang pangalan. Masaya naman akong nagpakilala sa kanya at hindi ako masiyado nagselos ng malaman kong girlfriend siya ni Jake. Kahit na nakikita ko silang nag kiss sa harap ko. Ewan ko kung bakit hindi ganoon katindi ang selos na naramdaman ko marahil siguro na alam ko, na ako ang mahal ni Jake. Masaya na ako doon.

Dumating ang araw na kailangan ko ng magdesisyon kung aalis ako o hindi. Pumunta ako sa agency na sinasabi nung employer na kukuha sa akin papuntang Qatar. At buo ang loob na nagpasya.

Tinawagan ko si Jake para ayaing manuod ng movie sa bahay na tulad ng dati naming ginagawa. Balak ko na din kasing sabihin  sa kanya ang tungkol sa Qatar.

Nag-uusap kami pero may konting ilangan pa din. Ramdam ko na nagtatantsahan kami. Hindi kasi madaling ibalik 'yong dating kami. Pero okay na iyon para sa akin. Mahalaga makausap ko siya ng maayos.

Malapit nang matapos ang movie kaya nagsimula na akong magsalita. Nakaupo lang kami sa sofa noon. Ako sa mahabang sofa siya naman sa pang-isahan.

"Kamusta ka na?" panimula ko. Pero nakatutok lang ang mga mata namin sa palabas.

"Okay naman kuya." tipid niyang sagot.

"Miss na miss kita." napalunok ako sa sinabi ko. Nakatutok pa din ako sa pinanunuod.

Dalawang segundo bago siya lumingon sa akin. Kaya tumingin na din ako sa kanya.

Nakita ko sa mga mata niya ang pananabik. Masayang-masaya siya sa narinig, kahit hindi siya nakangiti. Nangungusap ang mga chinitong mata niya. Maraming emotion ang nakita ko sa mga mata na 'yon.

Binalik niya ang attention sa pinapanuod. Ganoon din ako. Magkalapit man kami pero parang ang layo pa din namin sa isa't isa.

Hanggang natapos na ang palabas at magpapaalam na sana siya.

"Teka lang Jake. May sasabihin pa ako sayo."

"Ano 'yon kuya." mahinang tanong niya habang nakatingin sa akin.

Nakayuko lang ako noon. Nag-iisip kung paano sisimulan.

"Okay lang ba sa'yo?" Tanong ko.

"Na?" tipid niyang sagot.

"A-aalis ulit ako. Pupunta na ako ng Qatar sa susunod na linggo." Nag-alangan ako. Nakatingin na ako sa kanya.

Hindi kaagad siya nag-salita, nakatitig lang siya sa mga mata ko parang titig na nagtatanong at nagmamakaawa 'Bakit? Iiwan mo na naman ba ako?'. Hindi ko kayang matagalan ang titig na 'yon. Ganoon kasi ang titig ng nawalan na ng pag-asa, masyadong nakakaawa at punong-puno ng katanungan. Kahit hindi man banggitin ng bibig niya ay sapat na 'yon para maiparating sa akin ang mensahe ng puso niya. Ibinaba niya ng bahagya ang paningin. Nabanaag ko ang lungkot doon. 'Yong matinding kalungkutan.

Saka biglang ngumiti na parang masakit at tumingin sa akin.

"Okay lang kuya... Huwag mo akong alalahanin. Tsaka nagpaalam ka naman eh. At naiintindihan ko. Ayos lang sa akin 'yon." Nakangiti siya pero hindi 'yon umabot sa mga mata niya.

Parang iba ang sinasabi ng mga 'yon 'Okay lang kuya. Wala na akong magagawa.'

"P-pero... P-paano ka?" nauutal kong tanong sa kanya.

"Kuya naman, sanay naman na ako. Diba nga umalis ka na din dati... Ang kaibahan ngayon, madali kong matatanggap dahil nagpaalam ka." pinipilit niya pading ngumiti. "Huwag mo nang alalahanin si bunso. Ayos lang ako."

"Gusto ko lang talagang magpaalam. Nagi-guilty kasi ako dahil hindi ako nagpaalam sa'yo dati.... Sorry ulit Jake."

Tahimik lang siya. Nagpipigil ng emosyon, kita ko kasi sa mga mata niya 'yon.

Ngumiti ulit siya ng pilit.

"Ok lang 'yon. Paano kuya, uuwi na ako ha." paalam niya. Parang nagmamadali na siyang umuwi.

Dama ko ang bigat ng pakiramdam niya. Na tipong kung magtatagal pa siya sa harap ko ay hindi niya na mapipigilang pakawalan ito. Gusto ko siyang yakapin para gumaan 'yong bigat na 'yon.

Tumango lang ako. Tumalikod na siya at tumungo sa pinto. Sinundan ko lang siya ng tingin. Hanggang sa nakalabas na siya ng pinto. Hindi ito ang unang beses na nakita kong umalis siya, pero ito yata ang pinakamabigat na pakiramdam na nadama ko dahil sa pagkakatalikod niyang iyon.

Parang may kulang. May gusto akong sabihin sa kanya para gumaan ang bigat na nararamdaman niya. Ayokong umalis ng bansa na ganoong mukha ni Jake ang babaunin ko sa aking alaala. Ubod ng kalungkutan at sakit ang nakita ko sa mata niya at hindi ko kayang matagalan na tingnan o kahit man lang isipin.

Hindi ko na kayang pigilan. Parang sasabog na ang dibdib ko.

"JAKE!" sigaw ko.

Hindi niya ako narinig. Mabilis kong tinakbo ang pinto at binuksan. Nakita ko siyang papalabas na ng gate.

Mabilis akong tumakbo at nakalapit sa kanya. Napalingon siya ng bahagya at nagulat dahil mahigpit akong yumakap mula sa likuran niya.

Nakayakap lang ako sa kanya. Hindi siya nagsasalita marahil dinarama ang pagkakayakap ko sa kanya. Sabik na sabik akong gawin ito sa kanya. 'Yong kahit ganitong yakap lang masayang masaya na ako.

Nangingilid na ang mga luha ko at ang mukha ko ay nakapatong lang sa balikat niya. Hindi siya pumapalag. Naramdaman kong bumibilis ang tibok ng puso niya. Sa pagkakataong iyon pakiramdam ko ay iisa lang ang aming katawan. Nag-uunahan ang tibok ng mga puso namin. Damang-dama ko yun.

Mga ilang segundo din kami sa ganoong position. Saka ako nagsalita.

"Mahal din kita." Tuluyan nang dumaloy ang mga luha ko at pumapatak 'yon sa balikat niya.

"Mahal na mahal din kita Jake." mahina lang ang mga salita kong iyon pero buong-buo kahit na nagsimula nang mangatal ang boses ko.

Naramdaman kong nanginig ang katawan niya, para bang may lumabas sa kanyang pagkatao at sumambulat ng buo ang bigat na nararamdaman niya. Kasabay nun ang pagdaloy din ng luha niya, naramdaman ko kasing pumatak yon sa mga bisig ko na noon ay nakayakap sa kanya ng mahigpit.

Naramdaman kong gusto niyang humarap sa akin kaya kumalas ako sa pagkakayakap ko sa kanya.

Tuluyan na siyang nakaharap at tumingin sa mga mata ko. Pinilit niyang ngumiti.

Hindi ako makatingin sa kanya ng derecho kaya ibinaling ko sa ibang bagay ang tingin ko.

"Mahal din kita kuya." ngumiti lang siya at tuluyan ng pinunasan ang mga luha.

"Hindi Jake. Mahal kita!" hindi ko pa din maderecho 'yong sasabihin ko. Alam ko kasing iba ang pagkakaintindi niya sa sinabi ko. Ang alam niya mahal ko siya dahil pinsan ko siya.

Tumingin na ako sa kanya.

"Oo nga kuya diba? Mahal din kita." naguguluhan parin 'yong tono niya.

Nainis ako sa sarili ko, nahihiya akong sabihin ng derecho.

Naglakas loob na ako. Pinunasan ko muna 'yong luha ko at bumuntong hininga.

"Mahal kita, hindi dahil pinsan kita...." pinutol ko muna. Kulang pa ang lakas na loob na naipon ko.

Lumiwanag ang mukha niya pero may pagtataka. Parang may hinihintay pa siya sa sasabihin ko.

"Mahal na mahal kita Jake kahit nasasaktan ako.... Matagal ko nang naramdaman sa'yo to....... Pinipigilan ko pero mas nahihirapan ako... Alam ko ...."

Biglang naputol ang mga sasabihin ko dahil mabilis siyang yumakap sa akin. Sobrang higpit 'yon. Damang-dama ko ang saya at pananabik.

"Teka lang Jake. Hindi pa ako tapos.." pinipigilan kong matawa dahil sa tuwa na naramdaman ko sa ginawa niya.

Tinutulak ko siya ng bahagya dahil hindi pa ako tapos sa sasabihin ko. Pero ayaw niyang kumawala, bagkus hinigpitan pa yong pagkakayakap niya.

"Teka lang kuya.." naramdaman ko 'yong tuwa sa boses niya.

Hindi ko na tuloy mapigilan tuluyang ngumiti at tumawa ng mahina dahil ang cute ng pagkakasabi niya na parang nahihiya na natutuwa na ewan.

Ramdam na ramdam ko 'yong sobrang saya niya kahit hindi ko nakikita mukha niya dahil sa pagkakayakap niya. Ganoon din ako, halos walang mapagsidlan ang tuwa na nararamdaman ko ng mga oras na iyon. Hindi na namin kailangan magsalita para lang sabihin na mahal na mahal namin ang isa't isa. Ang mga yakap na yon ang nagpapahiwatig ng tunay naming nararamdaman. Ang tibok ng mga puso namin ang nagpapahiwatig kung gaano kami kasaya.

Gumanti na lang din ako ng mahigpit na yakap sa kanya.

------------------------THE END---------------------------

Joke lang! Marami pa kayong aabangan. More or less mga 3 chapters pa. Hanggang sa muli =)

Maraming salamat sa pagsubaybay ng kwento namin ni Jake..

Pasigaw lang ako sa mga magigiliw na mambabasa sa story ko:

Maxx, Kurug, Ezon Lopez, Vren Basura, Zee, Ram Kano, Tristan Torres, knehll roxas, Enma, Alejandro Jay-em, Romeo Stais, Mark Garcia, Karl Lorente, johnjosef, Edmon Berboso, Christopher Laurora, chad29, No Name, Jeron Caleb Santi, Rylee, Sebastian, LolaNiKing, Darel Liam Sernan, Marlon Miguel Alves. Brent Legazpi, Zuir, Jasper David, Raja, Chino, Pax, Rudy

Whoah andami nila. Sorry sa mga hindi na mention. Some other chapters nalang po =)

Masayang masaya ako sa tuwing nababasa ko ang comments niyo. HIndi ko aakalaing magiging ganto ito. Basta maraming salamat. Tama na muna ang drama, namumuro na kasi ako dun haha.

Guys, kung okay lang sa inyo gusto ko sana malaman kung anong part ng chapter na ito ang gustong-gusto niyo. Paki include na lang po sa comment. Nagpapraktis kasi ako para sa iba pang stories na ginagawa ko.

God Bless you all!

Hanggang sa muli.

Itutuloy............

No comments:

Post a Comment

Read More Like This