Pages

Saturday, April 8, 2017

How to Unlove You Erratum (Part 1)

By: Kurug

Totoot…totoot…

Tunog na nagmumula sa aking cellphone.

Istorbo naman to sa panunuod ko ng paborito kong palabras sa TV. Sino naman kaya tong texter na ito. Sinilip ko kung sino ang nag text.

Si Eric.

Ang tanging kaibigan ko dito sa lugar namin na nakakaalam ng totoong sexuality ko. Kung paano niya nalaman? Isa siyang hair stylist sa Makati at sari-sari store ang sideline niya.One year ago, nagpa-load ako sa tindahan niya. Nasa opisina ako noon nang makatanggap ako ng message from unknown sender. Ang sabi ng anonymous sender na siya daw ‘yong dati kong ka-work na may gusto sa akin.

Nagpatuloy ang conversation naming, hanggang inamin niya na siya si Eric na kapit bahay namin. Halata ko naman na noon na isang paminta si Eric dahil sa way ng pagsasalita at pananamit. Mas matanda siya ng eight o nine years sa akin. Inamin niya na sa tuwing pumupunta ako sa compound nila para makipag laro sa pamangkin niya, hindi niya maiwasang humanga sa akin. Inisa-isa niya mga features ko na gusto niya (hahaha binobola niya lang ako). Nagtangka siyang ligawan ako pero hindi ko talaga maisip/makita ang sirili ko na maging kami dahil ang tingin ko sa kanya ay kuya, dahil yun naman talaga ang nakagisnang tawag ko sa

“Yeow, punta u d2 sa tindahan my kkwen2 aq.” Sabi niya sa text.

“Bkt? Anung kwen2 yan. Nanunuod aq ng TV eh.” Istorbo naman talaga.

“Basta ma22wa ka.” Reply niya.

“Sus! Bc aq. Maganda ung palabas. Bukas nlng o kaya d2 nlng sa txt ikwen2.” Pagrereklamo ko sa text.
“Namo! Arte ampota! Pag d ka pumunta d2 aq ppunta jan senyo!” pagbabanta niya.

“Gago! D mkpag-antay? Wla bang bukas at sobrang ngmmadali sa ikkwen2?”

“Hindot ka kasi!”

“Oo na, dami mong alam! 15 minutes, tapusin q lng i2ng palabas”

“Okidoks” huling text niya

Ako nga pala si Yeow, 22 years old ako nang mangyari itong istorya ko. Certified “CHICKBOY” pwede sa chick, pwede din sa boy. Discrete bisexual ako. I stand 6"1, medium built, mahogany brown ‘yong kulay ng buhok ko dahil may lahing kastila yung papa ko. Medyo singkit din ang mga mata ko dahil may lahing chinese naman ang mama ko. Katamtaman lang ang kulay ko.

Hindi ko nakikita ang sarili kong attractive dahil madami akong insecurities sa katawan, Siguro ang killer smile ko ang masasabi kong best asset ko, pantay-pantay kasi ang tubo ng mga ngipin ko. Strikto ang papa ko noon sa pag tanggal o bunot sa mga temporary teeth ko noong kabataan. Lagi din niya pinapaalala na masahiin ito pagka gising. Kahit na hindi laki sa braces, aakalain mong nag-brace ako dahil pantay pantay nga, ‘yon nga lang medyo yellowish, lol. Sabi ng aming dentist, ganun daw talaga ang ngipin ng mga tubong visayas at Ilocos. Half of me ay Visayan at other half ay Ilocano, ngunit pinanganak at lumaki dito sa Manila.

 Pagpunta ko sa tindhan ni Eric, sinalubong ako ng napakalawak na ngiti ng kanyang mga labi. Ano naman kaya ikukwento nito at hindi pwedeng ipagpabukas. Siguraduhin niya lang na interesante ang kwento niya.

"Oh ano ‘yon, buset ka istorbo sa panunuod?" asik kong tanong sa kanya.

"Wala naman, may ikukwento ko sayo yung naka sex ko.” Sinabayan ng malakas na tawa na animoy  kinikiliti.

"Pota ka talaga!.. akala ko nakabuntis ka! May pa-urgent ugent ka pang nalalaman" sigaw ko sa kanya.

Bisexual din kasi si Eric, may naka live-in na siya at nagkaroon ng madaming girlfriends. Isa na doon ‘yong kapit-bahay at kababata kong babae. Sobrang libog daw, ayon sa mga kwento  niya.

"Iba ‘to fren. Gwapo, mabango at higit sa lahat malinis" ngiting-ngiti pa din.

"Sus! Mukha mo! Lahat ng na hooked-up mo ganyan ang sinasabi mo! Wag ako, iba nalang." Asar kong sabi sa kanya. Paano lagi naman talaga ganoon ang kwento niya.

"Basta, sa sobrang linis dinilaan ko yung tumbong. Pucha ang bango!" Pagbibida niya sa sinasabi niyang naka-sex niya. "Kaso mukhang hindi ako type, madalang na siyang mag text.” Biglang nagbago ang expression niya, dahil nalukot ang mukha niya. Mukhang dismayado siya. Kaya naman iniba ko ang mood ng usapan.

"Saang lupalop mo ba nakilala yan?" Curious kong tanong.

"Sa chat broadcast sa TV. Nakita ko ‘yong number niya doon, naghahanap siya ng makakausap. Nag text ako tapos ayon." magiliw niyang paliwanag, bumalik ulit yung kinang ng mga mata niya. (Dati kasi uso yung mag titext ka sa posted number ng TV stations para ilagay ‘yong message mo, greetings at kung ano ano pa. (Tanda ko na noh? LMAO!. Kaway-kaway sa mga batang 90s.)

"So anong balak mong gawin, mukhang dead end na yang pantasya mo?" seryosong tanong ko sa kanya.

"Ewan ko fren, siguro move on nalang natikman ko naman na siya eh" sinabayan ng alanganin na ngiti.

Bigla na lang may pumasok sa isip ko.

"Tutal! Mukhang wala ng chance yang pantasya mo. Akin na ang number nang makilatis kung talagang gwapo nga."

Sinusubukan ko lang siya noon, wala talaga akong balak na makipag meet.

Nag-isip siya saglit.

"Basta ‘wag mo sabihing kilala mo ko ah." Sabay abot ng kanyang cellphone para ibigay ang number.

"RD? anong meaning ng RD?" iyon kasi yung nakapangalan.

"Aba’y ewan ko! Basta noong tinawagan ko sya sa cellphone, RD yung dinig ko eh, kaya yan ang pinangalan ko" pagpapaliwanag niya.

May pagka ungas talaga itong si Eric, kaya kahit almost isang dekada ang age gap namin nasasakyan ko yung ugali niya. Hindi siya mahirap pakibagayan, parang sabay kaming lumaki. Kaya noong umamin siya na gusto niya ako, hindi ako nailang, bagkus parang nakakita ako ng bagong kaibigan sa katauhan niya.

"Ok ganito nalang ang sasabihin ko, kung paano ko nakuha yung number niya, ay pareho kung paano mo nakuha yung number nya, ok ba yun?" suhestiyon ko sa kanya.

"Ok na siguro yun fren." Matabang niyang tugon. Dismayado pa din siya.

Nag kwentuhan pa kami hanggang umabot ng alas onse ng gabi. Matagal-tagal na din kasi akong hindi naka dalaw sa tindahan niya. Dahil busy ako sa bagong work. Nag-aadjust pa kasi ako noon. Mahirap talaga pag back to zero ka ulit, mangangapa sa mga gagawin at tinatantsya ang bagong ka trabaho.

Nagpaalam na ako at nang makarating ng bahay ay naghanda na sa pagtulog. Kinuha ang ipod ko para marelax ganun kasi ang naka ugalian ko bago matulog ang makinig ng basag tenga’ng tugtugan. Ewan ko ba kung bakit iyon ang trip ko, kung minsan ay nakakatulugan ko na at kina umagahan drained na ang beterya.  Saka ko naisipang i-text si RD.

Parang na-excite akong itext siya dahil sa description na sinalaysay ni Eric. Parang gustong-gusto ko siya ma-meet in person. Siguro hot nga talaga si RD. Dahil sa lahat ng naikwento niya ngayon ko lang siya nakitang na dismaya ng ganoon.

“Hey! What’s up, need mo ng kausap diba?” panimula kong text.

 Inilapag ko muna ang phone ko sa gilid ng kama, umaasang magrereply si RD.

 Ilang minuto na ang nakalilipas ay hindi pa din tumututog ang cp ko, ibig sabihin lang ay walang nagte-text. Kaya naisipan ko ng matulog, maaga pa kasi ang pasok ko bukas. Kailangan mag allot ng sobrang oras dahil siguradong traffic na naman sa EDSA. Lol, kalian ba hindi naging traffic sa EDSA?

 Pagkagising kinaumagahan ay agad kong silip ang phone ko. Wala pa ding nagmemessage, nakaramdam tuloy ako ng disappointment. ‘Baka walang balak makipag-usap’ sabi ng isip ko.

Tuluyan na akong bumangon at dali-daling naligo at nag-ayos para pumasok sa opisina. Lagi kasi akong late, baka mabigyan na ako ng suspension letter, nakausap na kasi ako ng supervisor naming dahil sa mga late ko.

Maayos naman kasi akong magtrabaho laging natatapos ang daily tasks ko on time, yun nga lang lagi akong late, binabawi ko naman yun pag end ng office hours. Sinigurado kong malinis ang daily tasks ko, kaya kahit pasaway ako sa attendance walang palag yung boss ko.

Habang ginagawa ang usual na trabaho ay biglang nag vibrate ang cellphone ko, chineck ko kung sino ang nag text.

Nagulat ako at na excite ng nalaman kung sino ang nag text. Napangiti ako.

1 message received from RD

Agad ko iyong binuksan.

“Hus dis?” sabi niya sa text.

Todo ngiti ako habang dinudutdot ang keypad upang magreply.

 “Gud am! Its Yeow. Got ur No. frm chat broadcast on TV. U said u nid some1 to talk to, ryt?” agad kong isinend sa kanya.

“Huh? I posted my No. few wiks ago, how come u got it last nyt?” tanong niya

“Lol, I saved ur no few wiks ago. Don’t hav tym to txt u eh, So I saved it pra mtext kita wenever free na ako.” Pagsisinungaling ko. Di ko naman pwedeng sabihin na binigay ni Eric dahil siguradong hindi na magre-reply si RD.

“Ah, ok. NASL pala?”  reply niya.

“Yeow, 22 M, Calookan, ikaw?” balik kong tanong.

“RD 22 M, Pasig”

Iba yung binigay niyang name, since RD na yung ginamit kong name mag stick na ko dun, baka kasi malito ako pag ibang pangalan pa yung gagamitin ko, yung RD kasi yan talaga yung name na nakalagay sa cellphone ni Eric. Hindi man ‘yon ang real name niya, iyon nalang din ginamit kong name.

“Ayos! Magka age lng pala tau”. Nakangiti ako habang isinisend ‘yon.

Tuloy-tuloy lang ang pagte-text naming hanggang lunch time. Nagkakilanlan at kung anu-ano pa na pwedeng pagkwentuhan. Ang gaan ng pakiramdam ko sa kanya kahit hindi ko pa siya nakikita. Sabi niya ganoon din daw ‘yong pakiramdam niya  kapag ka-text ako. Excited ako laging basahin ang message niya. Napapangiting mag-isa kahit wala namang nakakangiti, nakikita kong pasulap sulyap yung mga ka-opina ko, siguro sa lublob nila nababaliw na ko dahil ngumingiti akong mag isa. =)

Pumunta ako sa rooftop ng building. Usual routine ko pag lunch. Nakaka relax kasi ‘yong ambiance ng skyscrapers na natatanaw ko sa labas. Napaka-relaxing ‘yong dating nito akin. Iyong din ang way ko para maalis yung stress na dala ng trabaho. Non-smoker po ako, ayaw ko ang amoy ng yosi lalo na pag dumikit sa balat. Isa pa smoking is dangerous to our health. What more sa bulsa. lol

Naisipan kong tawagan siya para marinig ang boses niya. Since naka-line naman ako ay okay lang kasi may mga allotted free minutes of call pa naman ako.

Marami sa mga ex’s ko ang nagsasabing asset ko daw ang boses ko lalo sa phone. Pang bedroom voice daw na parang laging nag-aaya ng action. (lol sila ang nagsabi nun. I actually find my recorded voice annoying. Kapag nagre-record ako ng kanta o kung ano man ang maisipan kong i-record ay nauurat ako sa tunog ng boses ko. Kaya madalas ay record-delete ang nangyayari)

“Hello” pagsagot niya sa kabilang linya.

Ang ganda ng voice niya. Brusko ang dating sa akin pero malamig ‘yong tipong ihihele ka hanggang sa makatulog ka ng mahimbing. Ansarap pakinggan ng boses niya na gugustuhin mong araw-araw na bubungad sa paggising mo at magsasabi ng “Good morning my love”. Na-excite tuloy lalo ako.

“Hi, RD.” Ginalingan ko din ang pagkakasabi noon, ‘yong tipong nagpapa-impress. Sa tingin ko naman ay swabe ang pagkakasabi ko nun.

Nagkakwentuhan kami at napansin kong nag-iiba ang enthusiasm niya habang kausap ako. Para siyang pusang hindi makaihi sa pakikipag-usap.

"Bakit parang hindi ka maihi?” malambing ngunit sinabayan ng mahinang tawa kong tanong sa kanya.

"Ang ganda kasi ng boses mo. DJ ka ba parang iba ‘yong dating kasi ng boses mo parang DJ?" Ramdam ko ang excitement niya noon dahil sa tunog ng boses niya.

"How I wish ganoon nga work ko. Isa lang akong hamak na office staff.” sabi ko na sinabayan ng malambing na tawa.

"Ah, akala ko kasi isa kang DJ, ang ganda kasi ng boses mo parang nakikinig ako sa radyo." Hindi ko man siya nakikita ay ramdam ko na nakangiti siya dahil sa dating ng boses niya.

"So kailan tayo magkikita?” Excited kong tanong sa kanya.

"Busy ako ngayon eh, may inaayos kasi ako baka hindi ko maisingit meet-up natin." Alanganing sagot niya.

"Ah ganun ba, kung gusto mo samahan kita sa lakad mo. Kahit saan pa ‘yan, game naman akong tao." Gusto ko kasi talaga siyang makita. Base kasi sa pagkaka describe ni Eric mukha talagang gwapo. Plus mo pa ‘yong boses niyang ansarap pakinggan. Hindi ako magsasawang pakinggan siyang nagsasalita.

"Hmmm.. “ tila nag-iisip. “Sige. Pwede ka ba sa Saturday? May lakad kasi ako bukas mejo personal kaya hindi kita pwedeng isama.”

"Saturday is fine! Sakto rest day ko. Alam mo na office boy Sat-Sun ang off.” Tuwang-tuwa ako.

"Ok sige text-text nalang, teka alam mo ba yung ____ Mall?" isang sikat na mall

"Nakapunta na ko mga 3 o 4 na beses. Pero ‘di ko pa kabisado. Pwede namang magtanong diba?" Pagpa-cute kong tanong.

"Sounds good, doon tayo sa magkita sa Starbucks.” Tapos in-explain niya kung paano ko matunton. Mediyo mas familiar ‘yong sinabi niyang mga Landmarks kaya sa tingin ko hindi ako mahihirapan.

"Ok sige kita-kits sa Sabado.” May halong excitement ‘yong tono ko.

Parang hindi ako mapakali dahil sa excitement na makikita ko si RD. Parang gusto ko ng hilhin ang mga oras para lang dumating ang araw ng Sabado.

Sa totoo lang, nagkaroon din  naman ako ng relasyon dati sa ibang lalake, pero fling lang ‘yon. Pampalipas lang ng libog kumbaga. Wala akong sineryoso sa mga iyon. Acually hindi ko alam kung ready na ulit akong pumasok sa relasyon. Dahil bago naganap ‘yong sa amin ni RD ay dumaan ako sa isang babae.

Siya si Loraine. Ang babaeng hanggang ngayon ay naging batayan ng character sa pagpili ng magiging partner.

Kung anong merong ugali si Loraine, gusto ko ganoon din ang magiging ugali ng magiging partner ko, mapababae man o lalake. Pero bago si Loraine nagkaroon na din ako ng walong girlfriends, pero siya ang tanging first love ko, hinahanap ko  kasi sa mga sumunod kay Lorraine yung qualities niya pa din yung hinahanap ko kaya ang pinaka matagal eh umabot lang ata ng three months. Kasi parang may kulang, magaganda naman lahat ng iyon, meron pa nga pang fhm ang katawan.

Naalala ko pa kung paano ko siya niligawan at napasagot. Englishera siya, maganda at matalino. Sobrang sarap niyan kausap. Hindi ako nagsasawang kausap siya dahil ang dami niyang alam. Madami akong natutunan sa kanya.

May crush kasi ako sa isang babae dati, si Tiffany, since magkaibigan sila ni Loraine. Nagpatulong ako kay Lorraine para ligawan si Tiffany. Hindi ko na namalayan na nahuhulog na ako kay Lorraine at siya na lang tuloy ang niligawan ko. Inabot din ako ng eleven months at eleven months lang din ang tinagal ng relasyon namin.

Mula noon siya na ang naging basehan ko sa sensibility ng magiging partner ko. Lagi kong inihahalintulad kay Loraine ang nakakarelasyon ko at kapag hindi ko sila nakitaan ng sense na tulad kay Loraine ay hinihiwalayan ko din kaagad.

Kung pwede ko lang ishare ang kwento naming ni Loraine dito ay ginawa ko na, pero hindi naman na mahalagaa ‘yon. Ang gusto ko lang talaga iparating na si Loraine talaga ang basehan ko sa lahat.

At nakita ko kay RD ang senses ni Loraine. Hindi ko man siya nakikita pero weakness ko kasi ang sensibility ng isang tao over sa mukha nito. Naniniwala kasi ako na ang face value ay nag fafade pag tanda ngunit ang intellect ay lalong lumalago habang tumatagal. Kaya ibang-iba ang dating sa akin ni RD at dahil doon nagkaroon ako ng interest sa kanya at lalong na excite na magkikita kami sa araw ng Sabado.

**********

Pagka-uwi ay dumaan muna ako kay Eric sa tindahan niya. Dahil excited akong ibalita na magkikita kami ni RD. Kaso wala siya kaya nagtext na lang ako.

“ Kups san u, dumaan aq sa tindahan mo wala ka pa din, may ikkwen2 ko”

“Tungaw d2 pa ko sa salon may miting kami, my ippadala daw sa Macau 4 training”

“Ulul wag aq iba nalang, miting mukha mo bumenta na yang alibi mo! Ang sabihin mo nasa motmot ka nanaman nambibiktima na naman ng bagets.” Pang-aasar ko sa kanya.

“Tungaw ka talaga! Hindi ba pwedeng busy lang sa work? Pak u!”

“Pak tree, alam ko karakas mo ulul. Wag ako...basta may kwento ko.”

“Ok cge cge.” Huling text niya.

Yan ang gusting-gusto ko kay Eric brusko, yun kasi ang trip ko yung kahit na beki, lalaki pa din kung makitungo. Hindi ko naman sinasabing lalaking-lalaki dating ko pero yun talaga ang preference ko. Gaya ko discrete lang din sya yung tipong hanggat maari walang makakaalam ng sikreto niya, na kahit anong pilit mong paaminin hindi aamin? 12 silang magkakapatid 11 na lalaki at 1 babae na kilos lalaki din, siguro dahil sa puro lalalaki ang kasama niya sa bahay kaya ganoon din ang kilos niya.  Masasabi kong mabait na tao si Eric dahil isa siya sa bread winner ng pamilya nila, pinili niyang mag trabaho nalang para mapag aral niya ang mga sumunod sa kanya dahil matatanda na ang mga magulang nila.

Nagpatuloy ang pag uusap namin ni RD ng sumod na mga araw sa text, ibinigay din niya ang home phone number nila para non-stop ang usapan. At dahil nga sa landline na kami nag uusap, inaabot kami ng alas dos ng madaling araw. Dahilan kung bakit ako laging late at inaantok sa trabaho. Okay lang naman iyon dahil masarap din naman kausap si RD,

Magaling din kasi ako magdala ng usapan ito ang siguradong asset ko. Hindi mo mapapansin na hindi ako nakapagtapos ng koleheyo dahil andami kong alam na trivia at magaling ako maglabas ng topics. Hindi po ako matalino natatandaan ko lang talaga ang mga bagay bagay na interesante para sakin. Gaya ng history, geography at science  pero sobrang hina ng kokote ko pag dating sa numero literal na sumasakit ulo ko pag puro numbers ang  nasa harap ko.

Isa pang kahinaan ko ay ang ingles nahihilo ko sa mga rules, pag job interview naman lakas lang ng loob ang ginagamit ko, sabi nga nila ‘smile like you mean it’. Dinadaan ko sa charm lalo na pag babae ang nag iinterview siguradong pasado ako, kapag lalaki naman asahan mong babagsak ako, ewan ko ba pag lalaki naaangasan sakin. Hahahaha.

******

Dumating ang araw ng Sabado. Sobra akong kabado. Hindi naman talaga ako nakikipagmeet ng basta-basta dahil natatakot ako na baka kakilala ko ang makaka meet ko. Mahirap na baka kakilala ko o kakilala ng kilala ko. Ayaw ko kasi yung pinag uusapan ako behind my back yung tipong pag chichismisan at ijujudge yung buong pagka tao mo dahil sa isa kang bakla.

“Naka suot ako ng brown na polo shirt, naka shorts at rubber shoes.” Yan ‘yong text ni RD.

“Ok otw na din ako. Nka suot ako ng black t-shirt pants at sneakers na off white.” Tugon ko sa text niya.

Rasta/rakista kasi ang pormahan ko dati mahilig ako sa alternative/rock bands, siguro nakuha ko yun sa family ko kasi lahat sila rakista, nag babanda din sila. Pero hindi ako marunong tumugtog ng kahit anong instrumento, giving the chance na may mag turo gusto ko matuto tumugtog ng drums ang angas kasi tignan parang lakas maka gwapo para sakin. Kung hindi black ang suot kong damit ay light dark. hahahaha

Nang makarating ako sa Mall agad akong nag text.

“Dito na ako, san ka banda?” text ko.

“Dito lang sa tabi ng Itallianis basta may hawak akong libro. Nagbabasa kasi ako para iwas boredom, ang tagal mo kasi eh.”

Guilty ako dahil sobang tagal ko naman talaga. Nakaramdam tuloy ako ng hiya pero kahit papaano ay natutuwa dahil hindi siya nagsawang hintayin ako.

“Sorry na. Sobrang traffic kasi :-(“

Dali-dali akong naglakad sa direksyong sinabi nia at nang makarating sa escalator pababa ng lower ground natanaw ko agad ang starbucks. Nakita ko na siya pero hindi ko masiyado maaninag ang mukha niya. Nagkunwari akong hindi ko siya nakita.

“Nasaan ka hindi kita makita andito ako sa gilid ng starbucks, sa baba kasi ako dumaan.” Pagsisinungaling ko.

Dahil ang totoo ay kinakabahan ako at gusto ko siyang tumingin sa direksyong sinasabi ko para hindi niya kaagad ako makita.

Nakita ko siyang palinga-linga sa direksyong sinabi ko na naging dahilan ng pagtalikod niya sa gawi ko.

Nakatalikod man siya ay hindi ko pa din maiwasan na kabahan. Malapad ang likod niya na halatang batak sa gym. Hapit na hapit sa katawan niya ang polo shirt na suot niya. Nakaramdam ako ng kakaiba, masarap iyon na mainit. Parang natuyuan ako ng laway. Kahit nakatalikod siya ay mararamdaman mong gwapo siya dahil sa hugis ng mukha niya. Isa pa naka suot siya ng reading glasses na numero unong weakness ko, ewan ko ba pag naka kita ako ng babae o lalaking naka salamin asahan mong mag sesecond look ako.

Parang gusto kong umurong dahil bigla akong na conscious sa sarili ko. Paano kung hindi niya ako magustuhan. Tumindi ang kaba ko. Ah bahala na.

Nang makalapit na ako sa kanya na noon ay nakatalikod pa din, kinalabit ko siya at sabay kaming nabigla. Bakas ang gulat sa mga mukha namin. At nahuli ko ang sarili kong napako sa kinatatayuan ko.

WTF????!!!!!

AN: guys hindi po ako writer kung may mapansin kayong incorrect grammar, maling punctuation marks o spelling pag pasensyahan niyo na po, isa po akong dyslexic malimit na nahihirapan ako sa tamang spelling o grammar, malimit din akong nalilito kung kanan o  kaliwa. Itong istorya na shinare ko ay pawang naganap at nagpa bago sa takbo ng buhay ko. Kung may limang comments akong matanggap positibo  o negatibo  man ay malugod kong tatanggapin at ipag papatuloy ang aking istorya. Muli po maraming salamat sa mga nagbasa.

Itutuloy……

No comments:

Post a Comment

Read More Like This