Pages

Sunday, April 30, 2017

Tainted Love

By: Lord Iris

Hi KM!!! This April 28 is my birthday and it's official... I'm 17 years old na. Sana ay mailabas 'to sa mismong araw ng birthday ko. Marami na pala akong nasulat na stories nung 16 pa lang ako.

I made this story as my offer for my readers. Sana po magustuhan niyo ang birthday gift ko para sa inyo.

I love you all...

.....

"Style... Please stay with me. 'Wag mo akong iwan parang awa mo na!" Humahagulgol na sigaw ni Dylan.

Nakatingin lang ako sa malayo habang siya ay umiiyak at pinipiga niya ang kamay ko. Ayaw niya akong paalisin.

"Style, nakiki-usap ako sa'yo. Please don't leave me. Ayokong iwan mo ako! Diba mahal mo naman ako Style?" Tanong niya at namamaos na siya.

Hindi ako makasagot. Ayokong magkamali sa desisyon ko.

Sobra na akong nasaktan. Dapat ba na magpakatanga na naman ako? Ilang beses na akong nasaktan ni Dylan.

Should I believe his promises again?

"Magsalita ka naman Style!" Humahagulgol niyang sigaw.

"Why should I? Ayokong magkamali ng desisyon Dylan. Sobra mo na akong sinira. Hindi ko alam kung kaya ko pa kapag sinaktan mo ulit ako," sabi ko.

Naramdaman ko na lang ang pagtulo ng mainit na tubig sa mga mata ko.

Ayokong tignan si Dylan. Baka mamaya maawa lang ako. Baka mamaya manghina ako. Ilang beses na niya akong sinaktan.

"But I love you Style. Promise! Hindi na kita sasaktan ulit," mahina niyang sabi.

Hindi ko alam na hahabulin niya ako. Hindi ko inakala na mapapaiyak ko rin siya. Kulang pa nga 'yan kumpara sa balde-baldeng luha na binuhos ko.
"Hindi na ako magiging masaya kapag wala ka sa akin Style. You brought colors to my life. Hindi ko kaya kapag wala ka," umiiyak niyang sabi.

"Inisip mo man lang ba kung anong mararamdaman ko bago mo ako niloko? Ang selfish mo Dylan! All this time ikaw lang ang iniisip ko! Kapakanan mo ang mahalaga sa akin! Hindi mo man lang ako inisip! Hinanap ko yung mga nawawalang parte ng puso mo para lang mapasaya kita! Kulang pa ba? Kulang ba lahat ng binigay ko? Hindi ko na inisip yung sarili ko sa sobrang pagmamahal ko sa'yo. Then what? Ito lang ang mapapala ko? Lolokohin mo lang ako? Tapos magmamakaawa ka sa akin na 'wag kitang iiwan? Sobra na Dylan! I don't know if I can stay with you again. Sinira mo na 'to," sabi ko at itinuro ko ang dibdib ko.

"I know that this is not enough Style but I'm really sorry. I can't live without you," umiiyak niyang sabi.

"Kasi kapag kasama mo ako, hindi mo ako pinahahalagahan. Gusto ko lang naman maramdaman na mahalaga ako sa'yo! Kasi kapag nandiyan ako sa tabi mo, sinasayang mo ako," sabi ko at napatulo na naman ang mga luha ko.

Sobra na lahat ng sakripisyo ko para sa kanya. Nakalimutan ko na ang sarili ko dahil sa kanya.

Hindi ko alam kung ano pa ang kulang sa akin. Hindi ko alam kung ano ba ang wala ako na hinanap niya sa iba. Sobra niya akong dinurog.

"Please... Give me another chance Style," sabi niya sa basag na boses.

"Another chance? Do you know how many chances that I gave to you Dylan? Lahat ng chances na 'yun, lahat ng binigay ko, sinayang mo."

"Alam kong ginago kita. Alam kong nadurog ko na 'yung puso mo. Please let me fix you. Babawi ako sa'yo Style! Mamahalin na kita ng sobra 'wag mo lang akong iwan."

"I don't even know if I need your love. Hindi ko nga alam kung minahal mo ba talaga ako o kailangan mo lang ako," malamig 'kong sabi.

Hinalikan niya ang kamay ko. Hindi pa rin ako makatingin sa kanya. Baka mamaya magpakatanga na naman ako.

"I love you Style, I really do! Please give me a last chance. Please, parang awa mo na," sabi niya.

Ramdam ko ang mga luha niya sa kamay ko. Huminga ako ng malalim.

Kailangan 'kong maging matapang. Tumingin ako sa kanya. Hindi siya ang Dylan na kilala ko. Bakit ganito? Ngayon lang siya nagmakaawa sa akin.

Madalas ay binabasura lang ako ng taong kaharap ko pero iba ang nakikita ko ngayon.

"Gusto mo bang malaman kung ano ang mga pinaranas mo sa akin? Gusto mo bang malaman kung ano ang mga sinakripisyo ko para sa'yo? Gusto mo bang malaman kung gaano karami ang mga kutsilyo na sinaksak mo sa dibdib ko ha?"

Tumango lang siya sa akin. Ipapaalala ko sa kanya ang lahat. Kung gaano ko siya minamahal.

Hindi ko na alam kung kaya ko pa. Baka mamaya ay masaktan na naman niya ako ng sobra. Gusto ko na siyang bitawan. Gusto ko nang sumuko.

May isang hibla pa rin sa katawan ko ang nagsasabing bigyan ko pa siya ng isang chance at 'wag ko siyang iwan.

There is a one big question in my mind that I can't answer. A question that is so hard to answer.

Shall I stay?

...........

Naglalakad ako pauwi sa bahay. Galing ako sa school. Last day na ng klase namin ngayon.

Konti lang ang mga tao sa paligid. Masaya ako dahil tapos na ang paghihirap ko sa isang school year. Konti na lang at makakatapos na rin ako ng high school.

Tumingin ako sa paligid. May lalakeng nakaupo sa gilid ng kalsada. Hindi naman siya mukhang pulubi dahil maayos ang suot niya.

Maya-maya ay nakita ko na lang na tatawid siya ng kalsada. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko na may humaharurot na kotseng pula.

Agad akong tumakbo at itinulak ko ang lalake pero nahagip pa rin siya. Nadaplisan naman ako.

Kita ko na tumalsik siya at napahinto naman ang kotse. Tumalsik din ako sa gilid ng kalsada.

Agad akong bumangon at lumapit ako sa lalake. Umiiyak siya at gising pa rin siya. Mukhang napilayan siya sa binti.

"Ssshh... 'Wag kang umiyak. Tutulungan kita," sabi ko.

"Ang sakit!" Sigaw niya habang umiiyak.

Tumingin ako sa binti niya. Halatang sobrang sakit nun dahil natamaan yata ng kotse. Niyakap ko na lang siya at amoy alak siya.

"Don't worry... Magiging ok ka rin," sabi ko.

Maya-maya ay nawalan siya ng malay. Nagsisigaw ako para humingi ng tulong. Matagal bago dumating ang ambulansya.

Nag-aalala ako doon sa lalake. Baka mamaya kung anong mangyari sa kanya.

Nang isugod siya sa hospital ay hindi ako pinapasok. Nagtext na lang ako kay mama na may emergency kaya hindi ako makakauwi ng maaga.

Nagdasal na lang ako ng mataimtim. Hindi ko alam kung bakit nag-aalala ako ng sobra doon sa lalake.

"Kayo po ba 'yung kasama nung pasyente?"

Napatingin na lang ako sa doctor at tumango ako.

"Kamusta na po siya? Ok lang po ba siya doc?"

"Napilayan lang 'yung pasyente. Hindi siya makakalakad ng ilang linggo. Buti na lang at hindi direct ang pagtama nung kotse sa kanya," sabi ng doctor.

"Pwede ko po ba siyang puntahan sa loob?"

"Mamaya ng konti. Hayaan mo muna siyang magpahinga," sabi niya.

Matagal din akong naghintay. Hindi ko alam kung bakit sobrang nag-aalala ako sa kanya.

Maya-maya ay nagdecide ako na pumasok na sa loob ng room niya. Nakabalot ang kanang binti niya. Mabuti na lang at nailigtas ko siya dahil baka mamaya mas malala ang nangyari.

Kumuha na lang ako ng upuan at umupo ako sa gilid niya.

Gwapo siya... Matangos ang ilong niya at makinis ang kutis niya. Chinito rin siya. Manipis ang mga labi niya na pinkish. He looks familliar....

Parang nakita ko na siya dati at hindi ko lang alam kung saan.

Maya-maya ay napadilat na siya. Ngumiti na lang ako nang tumingin siya sa akin.

"Hi... Kamusta ang pakiramdam mo?"

Hindi siya sumagot. Mukha yatang may trauma o suplado lang?

"Muntik ka nang mamatay kung wala ako. Mabuti 'yan lang ang napala mo. Naamoy ko ang alak sa'yo kanina," sabi ko sa kanya.

Nakita ko na lang na tumulo ang mga luha niya. Nag-alala tuloy ako bigla.

"Uy ayos ka lang ba? May masakit pa ba sa'yo? Tatawag ako ng doctor," nag-aalala 'kong sabi.

Umiling-iling na lang siya at...

"Sana hindi mo na ako niligtas! Sana namatay na lang ako!" Sigaw niya at napaiyak na siya.

Natulala na lang ako bigla. Hindi ko alam kung ano ang dapat 'kong sabihin sa isang suicidal na tao.

"Hmmm... 'Wag mong sabihin 'yan!"

"Wala namang nagmamahal sa akin," sabi niya.

Napatitig ako sa kanya. His eyes are full of pain and sufferings.

"Paano mo naman nasabi?" Tanong ko.

Hindi na siya sumagot sa akin. Kitang-kita ko na nasasaktan siya. Gusto ko siyang tulungan. Naaawa ako...

Pinunasan ko na lang ang mga luha niya gamit ang mga daliri ko. Hinawakan ko ang kamay niya ng mahigpit.

"Kung kailangan mo ng tulong nandito lang ako," nakangiti 'kong sabi.

Tumingin na lang siya sa akin. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Tatayo na sana ako para umalis pero...

"Wait! Stay here! Ayoko na walang kasama," malungkot niyang sabi.

Ngumiti na lang ako. Para siyang bata na ayaw maiwang mag-isa.

"I am Style... Sana maging magkaibigan tayo," sabi ko.

Napatitig siya bigla sa akin. Parang nagulat siya.

"Oh bakit?" Tanong ko.

"Style???" Gulat niyang tanong.

Napakunot na lang ang noo ko. Hindi ko alam kung anong ibig niyang sabihin.

"It' me! Dylan! Your cousin!" Sabi niya.

Napatakip na lang ako sa bibig ko.

"Oh what the f! Dylan ikaw na 'yan?" Gulat 'kong tanong.

Tumango lang siya sa akin at ngumiti. Masaya ako at nakita ko na siyang ngumiti.

"Akala ko nasa Canada na kayo nila tita? Diba nag-migrate na kayo?" Tanong ko.

Yumuko na lang siya...

"I'm not their real son. Ampon lang ako Style. Last week lang kami bumalik dito. Tumakas ako nung nalaman ko na ampon lang ako. Hindi pala tayo magpinsan," sabi niya at malungkot ang boses niya.

Nabigla ako sa sinabi niya. Hindi ko alam na ampon lang pala siya nila tita. Nagulat din ako sa sinabi niya.

"Ano ka ba? Kahit na Dylan! Para sa akin magpinsan pa rin tayo! Ang tagal na nating hindi nagkita at miss na nga kita eh," nakangiti 'kong sabi.

Tumitig na lang siya sa akin at nginitian ko pa rin siya.

"Hindi ka pa rin nagbabago Style. Masiyahin ka pa rin," sabi niya.

"Ikaw din Dylan. Ayaw mo pa ring mag-isa," natatawa 'kong sabi.

Close na close ko si Dylan simula pa nung mga bata pa lang kami. Mag-isang anak lang kasi ako at siya lang naman ang pinsan ko.

Umalis sila noon papuntang Canada at umiyak talaga ako nun.

"Style bakit hindi mo pinagamot 'yan?"

Nginuso niya ang braso ko at tumingin naman ako doon. Napunit pala ang manggas ng uniform ko at may malaki pala akong gasgas.

"Ay hindi ko napansin," sabi ko.

"Ipagamot mo na 'yan mamaya. Salamat niligtas mo ako kanina," sabi niya.

Nalaman ko na kaya nga siya naglasing kasi akala niya hindi siya mahal nila tita kasi ampon siya.

Binayaran naman nung nakabangga sa amin ang bill dito sa hospital. Ayaw ni Dylan na ipaalam ko kila tita ang nangyari.

Nagdesisyon ako na iuwi muna siya sa bahay namin. Nagulat din si mama nung makita niya si Dylan.

Sobrang pamimilit pa ang ginawa ko kay mama para lang hindi ipaalam kila tita ang nangyari kay Dylan.

Bumili ako ng saklay para kay Dylan at pinahiga ko muna siya sa kwarto ko. Pwede kaming magtabi kasi kasya naman ang dalawang tao sa kama ko.

"Alam mo Dylan, miss na miss na kita. Masaya ako na makita ka," sabi ko.

"Ako rin naman Style," nakangiti niyang sabi.

"So anong plano mo ngayon?"

"Gusto ko sanang hanapin 'yung totoo 'kong nanay. Gusto ko lang siyang makita. May address naman ako. Gusto ko lang malaman kung bakit niya ako pina-ampon," sabi ni Dylan.

"Sige! Kaya magpagaling ka na. Sasamahan kita na hanapin siya," sabi ko sa kanya.

"Salamat Style..."

"Paano sila tita? Anong plano mo?" Tanong ko pa.

"Hindi nila ako mahal," sabi niya.

"Dylan naman! Aalagaan ka ba nila at pag-aaralin kung hindi ka nila mahal? Dapat magpasalamat ka na lang kasi tinuring ka nilang anak. Mabait naman sila tito at tita diba? Ako, kung sakaling ampon lang ako ay matutuwa pa ako kasi inalagaan ako ng maayos ni mama," seryoso 'kong sabi sa kanya.

Napatitig na lang siya sa akin. Madali kasing magtampo si Dylan. Kailangan mo siyang intindihin palagi.

"Pero kasi... Bakit itinago nila sa akin?"

"Ewan ko... Basta ang alam ko mahal na mahal ka nila. Diba nga dinala ka pa nila sa Canada? Oh edi binigyan ka nila ng magandang buhay. Ako nga gusto 'kong pumunta sa ibang bansa kaso hindi naman kami mayaman ni mama. Ikaw may mama at papa ka. Ako si mama na lang ang meron ako. Dapat magpasalamat ka na lang at mas swerte ka pa rin kesa sa akin," nakangiti 'kong sabi.

"Positive ka talagang mag-isip Style. Thank you..." Sabi niya.

"Oh 'wag ka nang magdrama. Ngiti ka na nga Dylan baka mabawasan ang kagwapuhan mo," sabi ko.

Napangiti na rin siya. Simula pa naman nung bata kami ay madali na siyang magtampo. Ako lagi ang nagpapangiti sa kanya.

Kaso simula pa ng mga bata pa kami, alam ko na may gusto na ako sa kanya. Hindi naman ako bading kumilos. Lalake naman ako.

Hindi ko alam kung bakit. Hindi naman ako nagkakagusto sa ibang lalake. Basta kay Dylan lang ako nakakaramdam ng ganito.

Nung nalaman ko na ampon siya ay hindi ko alam kung bakit pero nakaramdam ako ng konting pag-asa pero hindi! Hindi ako dapat umasa!

Magkaibigan lang kami ni Dylan. Hindi naman niya ako mamahalin. Mas straight pa sa ruler si Dylan.

"Uy mukhang malalim ang iniisip mo Style."

Nabigla tuloy ako. Napatingin na lang ako sa kanya at ngumiti ako.

"Wala naalala ko lang nung mga bata pa tayo iyakin ka," sabi ko sabay tawa.

"Hoy hindi ah! Sino kaya ang umiyak nung pupunta kami ng Canada?" Natatawa niyang tanong.

"Sus! Para namang hindi ka rin umiyak," sabi ko.

Sabay na lang kaming tumawa ni Dylan. Masayang-masaya ako na kasama ko na siya ulit.

Buti na lang at bakasyon dahil may oras ako para sa kanya.

Ako na ang nagpapaligo kay Dylan. Wala namang malisya sa akin. Ako na ang nag-aalaga sa kanya. Masayang-masaya ako dahil kasama ko na siya.

Tinuturuan ko pa siyang maglakad. Medyo iika-ika pa kasi siya maglakad kaya hindi pa pwede. Ako ang umaalalay sa kanya.

"Kaya ko na maglakad Style," sabi niya.

"Uy dahan-dahan lang! Baka mamaya kung mapaano ka," sabi ko.

"Hayaan mo muna ako. Kaya ko na."

Hinayaan ko siyang maglakad. Tumayo siya at ngumiti sa akin.

"Sabi ko sa'yo Style kaya ko na eh!" Masaya niyang sabi.

Ngumiti na lang ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit may kirot sa puso ko.

Siguro ay nalulungkot lang ako kasi hindi na niya kailangan ng tulong ko. Mas gusto ko sana na umaalalay ako sa kanya at inaalagaan ko siya. Pero syempre hindi naman 'yun pwede.

"Masaya ako na nakakalakad ka na," sabi ko.

Maya-maya ay parang nawawalan ng balanse si Dylan. Tumakbo ako kaagad papunta sa kanya.

Hinawakan ko siya at nadapa siya. Hindi ko kinaya ang bigat niya kaya napatumba ako sa sofa. Nakapatong siya sa akin.

Napatitig ako sa singkit na mga mata ni Dylan. Ramdam ko na kumabog na naman ng malakas ang dibdib ko. Hindi ko gusto ang nararamdaman ko.

Lalo akong nahuhulog sa kanya.

"Ang gwapo mo pala Style," sabi niya.

Umiwas na lang ako ng tingin. Nag-iinit ang buong mukha ko. Feeling ko ay namumula na ako.

"Yyyyiiieeee! Ang sweet naman!"

Nagulat ako at sabay kaming napatingin ni Dylan. Bigla kaming kinuhaan ng picture ni mama.

"Mama naman! Imbis na tulungan mo kami nakuha mo pang magpicture," inis 'kong sabi.

Natawa lang si mama at inalalayan na niya kami ni Dylan.

Hindi ko pa rin maalis sa isip 'yung naramdaman ko. Lalo akong nahuhulog sa kanya.

Lalong tumitindi 'yung nararamdaman ko para kay Dylan. Hindi 'to pwede! Wala naman akong alam na paraan para hindi ko siya mahalin ng ganito.

Lumipas ang mga araw at nagpumilit si Dylan na puntahan 'yung totoo niyang mama.

Hinanap naming dalawa 'yung address. Medyo malayo ang lugar pero sinusuportahan ko lang siya.

"Kinakabahan ako Style," sabi niya.

Hinawakan ko na lang ang mga pisngi niya at ngumiti ako.

"Kaya mo 'yan! Nandito lang ako Dylan. Ito na ang chance na masagot ang mga tanong mo," sabi ko.

Tumango na lang siya sa akin.

"Halika na..."

Hinawakan ko ang kamay niya at dinala ko siya papunta doon sa bahay na may itim na gate.

Ako na ang kumatok sa gate kaya nagulat si Dylan. May lumabas na babae doon sa bahay.

"Anong kailangan niyo?"

"Dito po ba nakatira si Rose?"

"Ako si Rose bakit?" Sabi niya.

"Hmmm... May mga itatanong po sana kami," nakangiti 'kong sabi.

Tinitigan kami nung babae. Napako ang tingin niya kay Dylan.

"Si-sige... Pasok kayo," kabado niyang sabi.

Pinaupo naman niya kami sa sofa nila. Maayos naman sa bahay niya.

"Why do you left me?"

Nagulat ako... Ganun kaagad ang bungad na tanong ni Dylan. Seryoso siya at maluha-luha.

"16 lang ako nung pinagbuntis kita. Pinalayas ako ng lola mo. Hindi ako pinanagutan ng papa mo. Wala akong matirahan. Parehas tayong mamamatay dahil hindi kita kayang buhayin. Nagdesisyon ako na ipaampon ka na lang," naluluhang sabi nung Rose.

"Hmm... Iwan ko muna kayo," sabi ko.

Tumayo na ako pero bigla akong hinatak ni Dylan. Napaupo na lang ako sa tabi niya.

"Stay with me," seryoso niyang sabi.

Natahimik na lang ako. Tumingin na lang ako sa kanilang dalawa. Mahigpit ang kapit sa akin ni Dylan.

"Ayos lang sa akin kung galit ka. Hindi naman kita masisisi. Alam ko na wala akong kwentang ina. Inisip ko lang naman ang kapakanan mo. Inisip ko lang kung ano 'yung mas mabuti para sa'yo. Pasensya ka na. Sana mapatawad mo ako," sabi niya at napatulo ang mga luha niya.

Naawa ako sa mama ni Dylan. Naiiyak na rin ako. Mababaw lang kasi talaga ang mga luha ko.

Siguro kung ako ang anak niya baka niyakap ko na siya.

"Yung tatay ko? Nasaan siya?" Seryosong tanong ni Dylan.

"Hindi ko alam... Nawala na siya nung nalaman niya na buntis ako. Koreano ang papa mo. Siguro nasa Korea na 'yun at may iba na ring pamilya."

Nanginginig si Dylan. Ramdam ko na humihigpit ang pagkakahawak niya sa akin.

"Kamusta ang buhay mo ngayon? Mabubuti ba 'yung mga nag-alaga sa'yo? Hindi kita hinanap kasi wala akong mukha na maihaharap sa'yo. Walang araw na hindi kita inisip," umiiyak na sabi nung babae.

Kita ko na tumulo ang mga luha ni Dylan. Bigla na lang niya akong hinatak.

Lumabas kami sa bahay at iniwan na namin ang mama niya. Nang makalayo kami ay bigla na lang humagulgol ng iyak si Dylan.

Napaluha na lang din ako. Ramdam ko ang bigat na dinadala ni Dylan.

"Style... Hindi ko alam kung ano ang iisipin ko. Gulong-gulo ako!" Humahagulgol niyang sigaw.

Niyakap ko na lang siya ng mahigpit. Gusto 'kong maibsan kahit konti ang bigat na nararamdaman niya.

"Mangako ka sa akin Style na hindi mo ako iiwan," umiiyak niyang sabi.

Hinigpitan ko na lang ang pagkakayakap ko sa kanya.

"Hindi naman ako mawawala sa'yo. Lagi lang akong nandito kapag kailangan mo ako," sabi ko.

Lalo lang humigpit ang pagkakayakap sa akin ni Dylan.

Simula nung araw na 'yun ay naging tahimik siya. Pinilit 'kong ipaintindi sa kanya ang lahat.

Mabuti na lang at nababantayan ko si Dylan. Buti na lang dahil kasama ko siya. Alam ko na mag-iinom 'yun kung wala ako.

Pinaramdam ko sa kanya na hindi siya nag-iisa. Masaya ako dahil unti-unti niyang natatanggap ang lahat.

Alam ko naman kung gaano kahirap ang pinagdadaanan niya kaya iniintindi ko siya.

"Style sa tingin mo ba dapat makipag-ayos ako sa totoo 'kong mama?" Bigla niyang tanong.

Nasa kwarto kami ngayon. Magkatabi kami sa higaan.

"Sa tingin ko oo... Hindi naman niya gusto na malayo sa'yo eh. Pero ikaw ang bahala. Kailangan mo muna siyang intindihin," sabi ko.

Tumahimik siya saglit. Siguro ay malalim ang iniisip niya.

"Alam mo feeling ko nag-aalala na sa'yo sila tito at tita. Kailangan mo na silang tawagan," sabi ko.

Huminga na lang siya ng malalim at...

"Pag-iisipan ko muna Style."

"Hindi naman kita pipilitin. Basta nandito ako para gabayan ka Dylan. Gusto ko lang siguraduhin na tama ang ginagawa mo," sabi ko.

Tumingin na lang siya sa akin at ngumiti siya.

"Salamat..." Sabi niya.

"Ito naman! Wala 'yun! Mahalaga ka sa akin eh kaya hindi kita pababayaan," sabi ko.

Yumakap na lang ako sa kanya. Naramdaman ko na nakatulog na siya.

Iba na ang pakiramdam ko. Alam ko na mahal na mahal ko siya. Sana maitago ko kung ano man ang nararamdaman ko sa kanya.

Paano kung lumayo siya sa akin kapag nalaman niya?

Hindi ko yata kaya kapag nawala na naman sa akin si Dylan. Ayos lang naman kahit magkaibigan o magpinsan lang kami basta masaya ako na kasama ko siya.

Lumipas ang mga araw at masaya ako na kasama ko siya. Tinawagan na rin naman ni Dylan sila tito at tita.

Any moment ay darating na raw sila. Masaya ako na nagiging ok na rin si Dylan. Masaya ako na nagagawa na rin niyang ngumiti at maayos na siya. Masaya ako na natulungan ko siyang hanapin ang nawawalang parte ng pagkatao niya.

"Aalis ka na mamaya Dylan. Mamimiss na naman kita," sabi ko.

"Ayos lang 'yun! Magkikita pa naman ulit tayo eh," sabi niya.

"Hmmm... May hihingiin sana akong favor sa'yo," nahihiya 'kong sabi.

"What is it? 'Wag ka nang mahiya."

"Pwede bang ano..." Putol 'kong sabi.

Nahihiya ako... Mahiyain kasi talaga ako. Nagulat ako dahil bigla na lang nagsalita si mama.

"Birthday na niyan ni Style sa makalawa. Gusto sana niya na pumunta ka," sabi ni mama.

"Mama naman!"

"Ano? Pahiya-hiya ka pa kasi," natatawang sabi ni mama.

Natawa silang dalawa. Nakakatawa ba na nahihiya ako? Eh kasi baka hindi pumayag si Dylan.

"Sige Style pupunta ako."

"Ta-talaga? Promise 'yan ha?"

"Oo naman! Ano ba gusto mong gift?" Tanong niya.

"Hmmm... Wala naman basta pumunta ka lang," nahihiya 'kong sabi.

Matagal na kasi siyang wala kapag birthday ko. Siya lang naman ang kalaro ko dati.

Nginitian na lang ako ni Dylan. Napangiti na lang din ako sa kanya.

"Saan ba ang bago niyong bahay Dylan?" Tanong ni mama.

"Sa bayan po eh."

"Ay ngayon ko pa lang kasi nakausap si mama mo," sabi ni mama.

"Malapit lang pala ang bahay mo Dylan. Bibisita ka ba dito kapag may oras ka?" Tanong ko.

"Oo naman... Baka mamiss mo kasi ako kaagad," natatawa niyang sabi.

Lalo tuloy akong nahiya. Totoo naman kasi na namimiss ko siya kaagad. Parang kulang pa rin 'yung mga araw na magkasama kami.

Pumunta muna ako sa kusina para uminom ng tubig.

"Ang cute mo talaga dati."

Bumalik kaagad ako sa sala. Nakita ko na binubuklat ni Dylan ang album ko nung bata pa ako.

"Uy 'wag mong tignan!"

Tumakbo ako para agawin ang album. Itinaas niya ang album. Hindi ko maabot kasi mas matangkad siya sa akin.

"Akin na kasi!" Sabi ko habang hirap na abutin ang album.

"Ayoko! Iuuwi ko 'to sa bahay hahahah. Marami nga tayong pictures eh," natatawa niyang sabi.

Pinilit kong abutin 'yung album. Hindi ko napansin na magkalapit pala ang mga mukha namin.

Pagtalon ko ay nagulat ako dahil bigla ko siyang nahalikan sa labi.

Napaatras na lang ako at bigla na lang nag-init ang mukha ko. Seryoso lang si Dylan na nakatingin sa akin.

Pinunasan niya ang mga labi niya na parang nandiri.

"So-sorry..." Sabi ko.

"Bakla ka ba?" Seryoso niyang tanong.

Umiling-iling lang ako. Hindi ko rin naman kasi alam kung bakla ako. Siya lang naman ang nagugustuhan ko.

Ayoko rin kasi magsabi ng hindi totoo. Ayokong magsinungaling.

"Ayoko sa bakla Style ah? Baka mamaya manyakin mo ako," seryoso niyang sabi.

"Uy hindi ah! Para namang hindi mo ako kilala," sabi ko.

"Hahahah sinasabi ko lang naman. Masyado kang defensive," sabi niya at tumawa na siya.

Kita ko sa mga mata niya na seryoso siya sa sinabi niya.

Kinabahan tuloy ako... Paano kung malaman niya na may gusto ako sa kanya? Naku! Lalong hindi pwede! Baka layuan niya ako.

"Dylan nandito na yung mama at papa mo."

Napatingin na lang kami sa pinto. Lumapit naman ako kay tito at tita. Nagmano muna ako sa kanila.

"Naku Style ang laki mo na pala!" Sabi ni tita.

"Oo nga at ang gwapo mong bata ah," sabi naman ni tito.

"Ay hindi naman po," nahihiya 'kong sabi.

"Hanggang ngayon mahiyain ka pa rin," natatawang sabi nila.

Hinawakan ni tita ang mga kamay ko. Mukhang seryoso siya.

"Salamat Style... Baka mamaya hindi na bumalik sa amin si Dylan kung wala ka. Salamat kasi ginabayan mo siya," sabi niya.

"Wala po 'yun! Alam niyo naman po na magkaibigan kami ni Dylan. Ginagawa ko lang po ang kaya ko," sabi ko.

"But still... He is not your responsibility diba? Salamat Style."

"Hindi po... Responsibilidad ko na po si Dylan kasi kaibigan ko po siya. Pinsan ko nga po siya eh," nakangiti 'kong sabi.

"Oh narinig mo 'yun Dylan? Ang swerte mo dito kay Style. You're so lucky to have that kind of friend," sabi ni tito.

"Ay papa alam ko naman po 'yun. Love na love ko naman po iyang si Style eh," sabi ni Dylan sabay tawa.

Kung totoo lang sana na love mo ako.

"Oh paano aalis na kami?"

"Ay ingat po kayo."

Sumakay na sila sa kotse. Nakatingin lang ako sa kanya at kumaway naman siya sa akin.

Ngumiti na lang ako at kumaway din ako sa kanya. Unti-unti na rin nawala si Dylan sa paningin ko.

Pumasok na ako sa bahay. Feeling ko tuloy tumahimik bigla ang bahay namin dahil wala na si Dylan. Tahimik lang naman kasi talaga ang bahay kapag kaming dalawa lang ni mama.

Naiwan pala ni Dylan ang photo album. Kinuha ko iyon at binuklat ko.

Napangiti na lang ako dahil halos lahat ng pictures nung bata pa ako ay magkasama kaming dalawa ni Dylan.

"Ano anak? Namiss mo kaagad 'yung pinsan mo?" Tanong ni mama.

Tumango na lang ako. Nalungkot tuloy ako bigla kasi wala na naman siya. Hindi naman kasi ako palakaibigan sa ibang tao.

Lumipas ang mga araw. Wala namang text o kahit tawag man lang si Dylan.

Nahihiya naman ako na tawagan siya. Sabi niya pupunta daw siya dito at bibisita kapag may oras siya pero mukhang busy yata.

Nalungkot tuloy ako bigla. Feeling ko ay taon na naman bago kami magkikita ulit kahit sa bayan lang ang bahay nila.

Nahihiya naman kasi ako na pumunta sa kanila. Mahiyain kasi talaga ako.

Umaasa ako na pupunta siya sa birthday ko. Kaming dalawa lang kasi ni mama palagi ang magkasama kapag birthday ko.

Lumipas ang mga araw. Wala siyang paramdam sa akin. Hindi naman ako dapat umaasa dahil kaibigan lang naman ako.

Pero kasi birthday ko na ngayon. Hinihintay ko siya...

"Anak happy birthday!" Sabi ni mama.

Lumingon ako at may dalang cake si mama. Ngumiti ako at hinipan ko 'yun. Nagpasalamat naman ako sa kanya.

Sana pumunta si Dylan. Baka mamaya dalawa lang ulit kami ni mama na magcelebrate. Namatay kasi yung papa ko dahil sa isang car accident.

"Mama bibisita po ako kay papa mamaya. Dadalhan ko po siya ng pagkain," sabi ko.

"Sasama na ako anak."

"Ay 'wag na po mama. Birthday ko naman po eh. Mag-uusap lang po kami ni papa," nakangiti 'kong sabi.

"Ay sige ibabalot ko ang mga pagkain para sa papa mo," sabi niya.

Naghintay ako... Hapon na pero wala pa rin si Dylan. Kumain na lang kaming dalawa ni mama.

"Mama aalis na po ako. Pupunta na po ako kay papa," sabi ko.

"Hindi mo ba hihintayin 'yung pinsan mo anak?"

"Hmmm... Tawagan niyo na lang po ako kapag pumunta si Dylan," sabi ko at pinilit 'kong ngumiti.

Nagbalot si mama ng mga pagkain. Pumunta na ako sa sementeryo. Matagal na rin kasi simula nung binisita ko si papa.

Nang mahanap ko ang puntod ni papa ay nagtirik na ako ng kandila at nilagay ko na ang bulakalak pati ang mga pagkain.

"Hi papa... Miss na miss na po kita," nakangiti 'kong sabi.

"Birthday ko po ngayon. Alam ko po na hindi niyo kinakalimutan palagi ang birthday ko nung nabubuhay ka pa."

"Papa may sasabihin po ako..." Nahihiya 'kong sabi.

Patay na si papa pero ewan ko ba! Nahihiya pa rin akong aminin na may gusto ako kay Dylan.

"Hmmm... May nagugustuhan po ako. Mahal ko na po si Dylan," mahina 'kong sabi.

Namumuo ang luha sa mga mata ko. Siguro namimiss ko lang si papa.

"Sorry papa... Lalake ang nagustuhan ko. 'Wag kang mag-alala papa nag-aaral naman po ako ng mabuti. Nagpapakabait naman po ako."

"Miss na miss ka na po namin ni mama. Malungkot pa rin po ako kasi wala ka na," sabi ko at napatulo na ang luha ko.

May kaya kasi kami sa buhay noon. May kotse pa kami dati. Nagdadrive si papa nung mabangga kami ng isa pang kotse.

Sa likod ako nakaupo. Namatay 'yung papa ko tapos nabaon kami sa utang. Buti na lang tinulungan kami ng tito at tita ko.

Ang totoo ay ayoko talagang mag-isa. Ayokong nalulungkot ako pero wala naman akong magagawa.

"Sana papa nandito ka... Sana kasama ka pa namin ni mama. Sana hindi ako nalulungkot. Sana masaya tayong tatlo nila mama."

Kahit medyo matagal na ring namatay ang papa ko, napakasakit pa rin sa akin nung nangyari.

Wala akong makapitan nun kundi si mama lang. Wala na kasi nun si Dylan. Nasa Canada na sila nila tito. Nagpadala na lang sila ng tulong sa amin ni mama.

Nung namatay si papa, doon ko talaga kailangan ng kaibigan at masasandalan. Wala si Dylan noon. Inintindi ko na lang siya.

Kahit nga tawag wala siya noon. Siya lang naman kasi ang kaibigan ko.

"Paano papa? Aalis na po ako."

Naglakad na ako palayo sa sementeryo. Walang tawag si mama, ibig sabihin ay wala rin si Dylan. Dumidilim na ang langit.

Napahinga na lang ako ng malalim. Wala rin siyang text man lang sa akin.

Bakit kaya wala siya? Nangako pa naman siya sa akin na pupunta siya. Lalo lang tuloy akong nalungkot.

Naisip ko na pumunta sa bahay nila. Tutal nasa bayan naman ako edi pupunta na lang ako sa kanila.

Pagdating ko sa bahay nila ay sumalubong kaagad sa akin si tita.

"Uy Style bumisita ka," sabi ni tita.

"Ay hinahanap ko po si Dylan. Nandiyan po ba siya?" Tanong ko.

"Kaninang umaga pa wala eh. May kasama nga siya. Hindi mo ba sinabi na pupunta ka?"

Umiling-iling na lang ako. May importante siguro siyang lakad.

"Tita aalis na po ako," sabi ko na lang.

"Wait... Is it your birthday Style?"

Tumango na lang ako. Siguro alam ni tita kasi kamag-anak naman namin siya at pumupunta siya palagi dati 'pag birthday ko.

"Oh gosh! I'm sorry I almost forgot. Happy birthday!"

Napangiti na lang ako ng pilit at nag-thank you naman ako kaagad sa kanya.

Busy daw kasi si tito kaya nawala rin sa isip ni tita na bumisita sa bahay namin. Ok lang kasi sanay naman na ako.

"Hindi ka pa ba binabati ni Dylan?"

Umiling-iling na lang ako. Parang naramdaman ni tita na nalungkot ako.

"Sige po tita aalis na lang po ako."

"Wait! Anong gusto mo? May gusto ka bang gift para makabawi ako?"

"Ay wala naman po... Sige na po tita aalis na po ako," nahihiya 'kong sabi.

"Ingat ka Style," sabi niya.

Naglakad na lang ako palabas ng bahay nila. Wala pala doon si Dylan. Mukhang wala naman yata akong mapapala ngayong araw.

Siguro ay hindi na nga siya pupunta. Sumakay na lang ako ng jeep. Pupunta na lang muna ako sa mall at maglalakad-lakad.

Pagdating ko sa mall ay naglakad na lang ako at tumingin-tingin. Bumili na lang ako ng ice cream.

Umupo muna ako sa bench habang kinakain ko ang ice cream. Nalulungkot pa rin ako.

Nang maubos ko ang ice cream ay naisip 'kong umuwi na lang dahil gabi na rin naman at wala naman akong gagawin.

Habang naglalakad ay nanlaki ang mga mata ko. Bigla 'kong nakasalubong si Dylan.

"Hi Style! Nandito ka rin pala," nakangiti niyang sabi.

"Hmmm... Hi," tipid kong sabi at pinilit 'kong ngumiti.

May kasama siyang babae. Maganda 'yung babae. Bagay silang dalawa.

"Style, this is Macy, my girlfriend. Macy, he is Style 'yung cousin ko," nakangiting sabi niya.

"Hi Style... Cute rin pala ang cousin mo Dylan," sabi niya.

Ngumiti na lang ako ng pilit at...

"Nice to meet you."

"Monthsary namin ngayon ni Dylan. It's so nice na makilala ko ang pinsan niya. Kinukwento ka sa akin ni Dylan," sabi niya.

"Ay ganun ba? Nakakatuwa naman," sabi ko na lang.

"Paano, manunuod muna kami ng sine ni Macy. Sama ka ba Style?" Nakangiting tanong ni Dylan.

Umiling-iling na lang ako. Sumisikip na 'yung dibdib ko.

"Monthsary niyo ngayon. Dapat kayo lang ang magkasama. Gumagabi na rin kasi. Paano? Uuwi na ako," sabi ko.

"Ay sige ingat ka insan," sabi ni Dylan.

Ngumiti ako ng sobrang pilit at naglakad na ako.

Binilisan ko ang lakad ko palayo sa kanila. Lumalabo na ang mga mata ko dahil sa luha ko.

Sumakay na kaagad ako ng jeep. Sabi ni Dylan pupunta siya sa birthday ko. Nangako siya sa akin! Bakit hindi niya tinupad?

Naramdaman ko na lang na tumulo na ang mga luha ko. Tumingin na lang ako sa bintana ng jeep para hindi makita ng ibang pasahero.

Umasa ako na pupunta siya. Umasa ako na magiging masaya ang birthday ko basta pumunta lang siya.

Hindi ko nga alam kung saan niya nakilala 'yung babaeng kasama niya. Ang bilis naman... Nasa bahay lang siya nung mga nakaraang linggo tapos may girlfriend na pala siya.

Sinungaling si Dylan. Siguro nga hindi na siya yung dating Dylan na kaibigan ko. Malaki na yung pinagbago niya.

Sumisikip tuloy ang dibdib ko. Umasa ako sa pangako niya.

Ang sakit... Sino ba naman kasi ako para paglaanan niya ng oras? Kaibigan nga lang pala niya ako. Kaibigan na may gusto sa kanya.

Hindi ko naman pinili na magustuhan siya. Ngayon nag-sink in na sa akin na hindi naman ako importante sa kanya.

Wala naman kasi talaga akong halaga kay Dylan.

Dapat ba intindihin ko na lang? Monthsary nila... Hindi ko nga alam na may girlfrend pala siya. Wala man lang siyang sinabi sa akin.

Siguro dapat ay hindi na ako umasa sa kanya. Feeling ko hindi naman ako importante. Kung importante ako magtitext naman siya na sorry hindi ako makakapunta kaso wala!

Nakalimutan niya na birthday ko. Nakalimutan niya 'yung pangako niya.

Dapat hindi ko na lang sinabi na pumunta siya sa birthday ko. Ako lang 'yung gumawa ng dahilan para umasa ako at masaktan.

Umuwi na lang ako sa bahay. Wala naman akong magagawa kung hindi ang tanggapin 'yung nangyari.

"Anak ok ka lang ba? Umiyak ka ba?"

Napansin yata ni mama na medyo namumula ang mga mata ko.

"Mausok po kasi sa jeep. Ayos lang naman po ako," sabi ko at pinilit 'kong ngumiti.

Ayokong makahalata si mama na may gusto ako kay Dylan. Alam ko naman na mali 'yung nararamdaman ko.

"Sigurado ka ba anak?" Nag-aalalang tanong ni mama.

Tumango na lang ako...

"Bakit daw hindi pumunta 'yung pinsan mo anak?"

"May date po kasi siya. Monthsary po nila ng girlfriend niya," sabi ko na lang.

Nginitian ko si mama. Ayokong malaman pa niya na nasasaktan ako. Baka mamaya mag-alala lang sa akin ang mama ko.

"Mama magpapahinga na po muna ako. Pagod na rin po ako eh," sabi ko.

Pumasok na ako sa kwarto ko at nagbihis. Humiga na kaagad ako sa kama ko. Napatulo na naman ang mga luha ko.

Maya-maya ay bigla na lang nag-ring ang phone ko.

Tinignan ko at tumatawag si Dylan. Hindi ko na muna sinagot. Pinatay ko na lang ang phone ko.

Siguro nakauwi na siya sa kanila tapos sinabi ng mama niya na birthday ko. Ayoko munang kausapin siya. Siguro tama na muna ang kadramahan ngayong araw.

Ito na siguro yung pinakamasakit na birthday ko. Bakit ko ba kasi sinabi sa kanya na kung pwede siyang pumunta. Umasa lang tuloy ako.

Naalala ko pa dati. Kasama ko si Dylan kapag birthday ko at kasama ko rin siya kapag birthday niya. Close na close pa kaming dalawa dati.

Nagbago na nga yata siya. Wala na 'yung dating Dylan na kaibigan ko at ako na lang 'yung nagpupush na close pa rin kami kahit ang totoo ay hindi naman.

Busy pala siya sa girlfriend niya. Ayos lang naman siguro, wala naman akong lugar sa kanya.

Nakatulog na lang ako. Siguro ay hindi ko na siya dapat isipin.

Kinabukasan ay naalimpungatan na lang ako. Merong kumukurot sa pisngi ko kaya nagising ako.

Pagdilat ko ng mga mata ko ay...

"Hi Style! Good morning."

Hindi ako makapagsalita. Paano siya napunta dito?

"Anong ginagawa mo dito Dylan?"

Lumapit lang siya sa akin at seryoso siya. Parang may sasabihin yata.

"Hindi mo sinagot 'yung tawag ko kagabi," malungkot niyang sabi.

"Lowbat ako."

"Sorry... Hindi ako nakapunta kahapon," sabi niya.

"Ayos lang... 'Di naman kita pinipilit," seryoso 'kong sabi.

"Pasensya ka na talaga. Alam 'kong nangako ako Style."

"Hayaan mo na lang," walang gana 'kong sabi.

"Galit ka ba?" Alanganin niyang tanong.

Tinanong ko rin ang sarili ko. Galit nga ba ako? Siguro hindi naman. Nagtampo lang naman ako. Masama lang naman ang loob ko.

"Hindi... Ayos lang naman 'yun. Naiintindihan ko naman. Monthsary niyo ni Macy. Syempre mas mahalaga 'yun sa'yo kasi girlfriend mo siya. Naiintindihan ko kung mas uunahin mo 'yun. Pinsan mo lang naman ako," sabi ko at ngumiti ako ng pilit.

Tinitigan niya lang ako. Kitang-kita ko ang pag-aalangan sa mga mata niya.

Bakit ba naman ako magagalit sa kanya o magtatampo? Wala naman akong karapatan diba?

"Hmmm... Sorry talaga Style," sincere niyang sabi.

Ngumiti na lang ako. Ayoko naman na ipakita sa kanya na nagtatampo ako. Baka mamaya mainis lang siya sa akin.

"Hmmm... Style, I have something for you."

Napatingin na lang ako sa kanya. May nilabas siyang maliit na gift box.

"Please accept this Style. It's my gift and a peace offering as well."

Kinuha ko na lang yung box at binuksan ko. Hindi ko inasahan na mag-eeffort pala siya sa akin. Siguro nakonsensya lang kaya ganun.

Pagbukas ko ng box ay tumambad sa akin ang isang relo. Mukhang mamahalin yung relo.

"Mahal 'to ah," sabi ko.

"Wala 'yun! Pambawi ko lang sa nasira 'kong promise," nahihiya niyang sabi.

"Thank you Dylan," nakangiti 'kong sabi sa kanya.

Hindi ko alam kung bakit pero natuwa na lang ako bigla sa kanya. Parang nawala na 'yung tampo ko. Kahit pala konti ay may halaga rin ako sa kanya.

"Sorry ulit Style hindi ko natupad 'yung promise ko."

"Hayaan mo na 'yun. Tapos na eh," sabi ko na lang.

Masaya ako nung araw na 'yun. Masaya naman talaga ako palagi kapag kasama ko si Dylan.

Importante sa akin ang niregalo niya. Ngayon lang kasi ako nakatanggap ng regalo na galing sa iba. Si mama lang kasi ang nagreregalo sa akin simula nung mawala si papa.

Masaya ako na kasama ko si Dylan. Pero simula nung araw na bumisita siya, wala na naman siyang paramdam ulit.

Malapit na rin ang pasukan pero wala na naman siyang paramdam.

Pagpasok ko sa school ay huling taon ko na rin bilang high school. Nagulat na lang ako at classmate ko si Dylan pati si Macy.

Nabalitaan ko na hindi na babalik sila Dylan sa Canada kasi dito na rin nagtatrabaho si tito.

Akala ko ay mas magiging malapit na kaming dalawa ni Dylan pero hindi naman pala.

Hindi niya ako masyadong pinapansin sa school. Puro si Macy at iba 'kong mga classmates ang kasama niya.

Siguro wala talagang makakahalata na magpinsan kami lalo pa at magkaiba ang apelyido naming dalawa.

Hindi ko alam kung bakit hindi niya ako masyadong pinapansin sa school. Hindi niya ako kinakausap.

Loner pa naman ako sa school. Tahimik lang kasi ako at hindi ako mahilig makipag-usap. Sayang kasi ang scholarship kung hindi ako mag-aaral ng mabuti.

Lagi lang akong nakatingin sa kanya. Sumasama siya palagi sa iba. Kasama niya si Macy.

Isang araw ay bigla ko na lang nakita si Macy na may kasamang ibang lalake sa isang fast food.

Nagtaka ako... Ang alam ko ay sila pa ni Dylan. Ang sweet nilang dalawa. Hindi ko muna 'yun pinansin.

Baka kasi pinsan lang ni Macy. Pero bakit ang sweet nila diba?

Isang araw nakita ko na naman si Macy at kasama na naman niya 'yung lalake. Sa bayan kasi nakatira si Dylan tapos malapit lang sa amin si Macy.

Nakita ko na hinalikan niya si Macy. Kailangan 'kong sabihin kay Dylan ang nakita ko. Sa school kasi sweet pa rin sila ni Dylan.

Kinabukasan pag pasok ko sa school ay hinintay ko muna ang uwian.

Lalabas na sana ng room si Dylan at nasa cr si Macy. Hinatak ko si Dylan papunta sa isang room na walang tao.

Halatang-halata na nagulat siya sa ginawa ko.

"What are you doing Style?" Nagtataka niyang tanong.

Sinigurado ko muna na sarado ang pinto para walang makarinig sa amin.

"I have to tell you something," seryoso kong sabi.

"Siguraduhin mo lang na importante 'yan ah? May lakad kami ni Macy," inis niyang sabi sa akin.

Lalo akong naguluhan. Kailangan 'kong linawin ang lahat. Ayoko naman na niloloko lang si Dylan.

"Exactly... Kayo pa rin ba ni Macy?"

"Oo naman! Ano ka ba Style? Ang gulo mo ah! May lakad pa kami," sabi niya.

Huminga na lang ako ng malalim at yumuko ako.

"Kasi nakita ko siya kahapon. May lalake siyang kasama tapos hinalikan siya," mahina 'kong sabi.

Sandaling natahimik kaming dalawa.

"Hindi niya 'yun gagawin," sabi niya.

Ramdam ko ang inis sa boses niya. Kinakabahan tuloy ako.

"Pero nakita ko kasi..." Hindi pa ako tapos pero inunahan niya ako.

"Sinungaling ka! Hindi niya 'yun gagawin sa akin Style! May evidence ka ba ha?" Sigaw niya.

Nanginig ako at umiling-iling na lang ako sa kanya.

"Yun naman pala eh! Please Style! Stop making stories like that!"

Aalis na sana siya pero pinigil ko siya. Dapat maniwala siya sa akin.

"Dylan nagsasabi ako ng totoo!"

"Pero wala ka namang ebidensiya! Gusto mo lang kaming sirain eh!" Siaw niya.

"Dylan ano bang sinasabi mo? Kilala mo naman ako! Hindi naman ako gagawa ng bagay na ikasisira mo."

Namumuo na ang luha sa mga mata ko. Bakit ba hindi niya ako kayang paniwalaan.

"Bakit ba hindi mo ako kayang paniwalaan? Nagsasabi naman ako ng totoo," sabi ko at napatulo na ang mga luha ko.

Nagulat ako nang bigla na lang niya akong batuhin ng notebook.

"Sinungaling ka! Sino ka ba para paniwalaan ko ha?"

Sumikip ang dibdib ko. Wala nga pala ako sa kanya. Hindi ko maintindihan. Hanggang ngayon wala lang pala ako sa kanya.

Tumulo na lang ang mga luha ko. Lalo 'kong naramdaman na wala akong kwenta pagdating sa kanya.

"Dylan... Nagsasabi ako ng totoo. Ayoko lang naman na masaktan ka," sabi ko na lang.

Basag na ang boses ko. Hindi ko na mapigilan ang pag-iyak ko.

Nagulat ako at bigla na lang niya akong kwinelyuhan. Kitang-kita ko ang galit sa mga mata niya.

"Akala mo ba hindi ko alam? Bakla ka! May gusto ka sa akin! Nakakadiri ka Style! Gusto mo lang sirain ang relasyon namin kaya ganyan ka!"

Nagulat ako sa sinabi niya. Sobrang sakit... Parang bumaon ang mga salita niya sa dibdib ko.

"Hi-hindi ko kayo gustong sirain," umiiyak kong sabi.

Tinulak na lang niya ako at tumama ako sa whiteboard.

"Wag na 'wag mo na akong lalapitan! Ayoko nang makita ka! Gumagawa ka pa ng kwento para sirain kami! Wala kang kwenta!"

Padabog siyang umalis sa room at sinara niya ng malakas ang pinto. Naiwan na lang ako na umiiyak.

Totoo nga... Wala akong kwenta sa harap niya. Kahit iniisip ko lang naman ang kapakanan niya, wala pa rin akong kwenta.

All this time... Ako ang tumulong sa kanya nung muntik niyang ikamatay kung hindi ko siya niligtas nung masasagasaan siya.

Ako lang naman 'yung taong nag-alaga sa kanya nung kailangan niya ng tulong. Ako rin 'yung tumulong sa kanya na hanapin 'yung totoo niyang mama.

Lahat pala ng efforts ko, lahat ng ginawa ko para sa kanya wala lang 'yun. Nandidiri siya sa akin dahil may gusto ako sa kanya.

Ang sakit... Bakit ganun siya sa akin?

Akala ko ok lang kami. Akala ko magiging masaya na ako kasi bumalik na 'yung pinsan ko galing sa Canada pero hindi pala. Ibang tao na siya.

Lumabas na lang ako ng room. Gusot na ang kwelyo ng uniform ko. Hindi ko na rin mapigilan ang umiyak.

Sobrang sakit nung mga narinig ko galing kay Dylan. Hindi naman ako magsisinungaling sa kanya pero hindi niya ako kayang paniwalaan.

Iniisip ko lang naman ang makakabuti sa kanya. Ayoko lang naman na masaktan siya pero nagalit pa siya sa akin at sinaktan niya ako.

Habang naglalakad ako pauwi ay hindi ko mapigilan ang umiyak.

Hindi ko inakala na basura lang pala ako pagdating kay Dylan. Hindi ko naman gustong mahalin siya.

Habang naglalakad ay mukhang sinasadya ako ng pagkakataon.

Mukha yatang hindi natuloy ang lakad nila ng girlfrend niya. Kasama na naman ni Macy 'yung lalake na hindi ko kilala.

Pinunasan ko muna ang mga luha ko at lumapit ako sa kanila.

"Macy sino 'yang kasama mo?"

Napatingin siya sa akin at halatang kinabahan siya.

"Hmmm... Pinsan ko," kabado niyang sabi.

Tumingin 'yung lalake kay Macy at parang hindi niya nagustuhan 'yung sagot ni Macy.

"Nag-kiss nga kayo kahapon eh. Humahalik na pala 'yung pinsan ngayon? Nag-date din kayo last week sa fast food diba?" Seryoso 'kong sabi.

Natahimik si Macy. Hindi rin naman nagsasalita 'yung lalake.

"Siguro umalis ka na lang," sabi nung lalake.

"Hindi naman ako manggugulo. Kakausapin ko lang si Macy," sabi ko.

"Pwede Style... 'Wag ka na lang makialam?" Seryosong sabi ni Macy.

"Hindi naman ako makikialam kung ibang classmate natin ang boyfriend mo. Kaso pinsan ko si Dylan."

"Ayoko lang naman na masaktan 'yung pinsan ko Macy. Importante sa akin si Dylan. Oo hindi kami masyadong nag-uusap sa school at hindi kami close but I always care for him," mahinahon 'kong sabi.

"Please... 'Wag mo munang sabihin kay Dylan," kabado niyang sabi.

Napatawa na lang ako ng mahina.

"Too late... Sinabi ko na kanya pero alam mo, hindi siya naniwala sa akin. Sabi niya hindi mo raw siya kayang lokohin. Nagalit pa nga siya sa akin."

Napaiwas na siya ng tingin. Nakonsensya siguro siya. Mabait din naman si Macy.

"Sana gawin mo 'yung tama. Ginawa ko na 'yung part ko. Sinabi ko sa kanya ang alam ko pero hindi siya naniwala. Please lang Macy... 'Wag mo namang lokohin 'yung pinsan ko. Hindi mo pa siya gaanong kilala. Iba siya kapag nasasaktan," seryoso 'kong sabi.

Hindi na siya nagsasalita. Alam ko naman na tama ang ginagawa ko.

"Mauna na ako ha? Sana naintindihan mo ang ibig 'kong sabihin. Good luck na lang sa inyo."

Naglakad na ako pauwi sa bahay. Dapat wala na akong pakealam kay Dylan pero hindi ko mapigilan ang sarili ko.

Nahihirapan na rin akong intindihin siya. Hindi ko alam na nandidiri pala siya dahil may gusto ako sa kanya.

Hindi siya manhid... Nalaman niya na mahal ko siya pero mapanakit naman siya. Sana maging ok siya.

Pagkauwi ko sa bahay ay sinalubong kaagad ako ni mama. Alalang-alala siya.

"Anak bakit ganyan ang uniform mo gusot-gusot?"

"Wala po mama..." Mahina 'kong sabi.

"May problema ba anak?"

Napatulo na lang ang mga luha ko. Gusto ko nang mag-open kay mama.

"Nagalit po sa akin si Dylan," umiiyak 'kong sabi.

Kwinento ko kay mama ang lahat maliban lang 'yung part na may gusto ako kay Dylan. Iniintindi naman niya. Mabait naman kasi ang mama ko.

"Anak ginawa mo na 'yung part mo. Hindi mo kasalanan na hindi naniniwala sa'yo si Dylan," sabi niya.

"Pero kasi kilala ko si Dylan. Paano kung masaktan siya mama? Diba grabe 'yun nung nalaman niya na ampon siya?"

Hinawakan ni mama ang balikat ko. Iba ang nakikita ko sa mga mata niya.

"Anak... Iba 'yung pag-aalala mo. Umamin ka na nga, may gusto ka ba sa pinsan mo?"

Nabigla ako sa tanong ni mama. Ako 'yung tipo ng tao na hindi nagsisinungaling. Ayokong magsabi ng hindi totoo.

Napatahimik na lang ako sa tanong ni mama.

"Tsk tsk... Sabi ko na nga ba Style. Matagal na akong naghihinala. Hindi talaga ako nagkamali. Iba 'yung iyak mo dati nung bata ka pa nung umalis sila. Iba 'yung pag-aasikaso mo nung hindi siya makalakad. Tinulungan mo siyang hanapin 'yung mama niya. Lungkot na lungkot ka nung wala siya sa birthday mo. Ngayon naman... Alalang-alala ka na baka masaktan siya."

Napatahimik na lang ako. Ayokong magsalita. Nahihiya ako sa sarili ko dahil nagkakagusto ako sa lalake.

"Anak 'wag kang mag-alala. Ayos lang naman sa akin. 'Wag ka lang umasa na magkakagusto 'yun sa'yo kasi sa nakikita ko, mukhang malabo. Ayoko rin na masaktan ka ni Dylan."

Napatitig na lang ako kay mama. Iniintindi niya talaga ako. Niyakap ko ng mahigpit ang mama ko. Swerte talaga ako sa mama ko.

"Salamat po mama... Pasensya na po kayo at lalake rin ang nagustuhan ko. Hindi ko naman po pinili na magkagusto sa kanya," sabi ko.

"Wala 'yun anak. Mama mo ako... Hindi mo naman pwedeng piliin ang mamahalin mo. Susuportahan kita basta tama ka at masaya ka," sabi niya.

"Anak buksan mo pa rin ang puso mo para sa iba. Ayokong umasa ka kay Dylan. Alam ko na hindi kayo parehas ng nararamdaman."

Tumango na lang ako sa kanya. Napatulo na lang ang luha ko. Mama ko lang naman ang meron ako. Siya lang ang nagmamahal sa akin ng totoo.

Swerte pa rin ako kasi may isang tao na nagmamahal sa akin. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag wala si mama sa buhay ko.

Simula nung gabi na nag-usap kami ni mama ay narealize kong hindi nga ako dapat umaasa sa mga posibleng pangako ni Dylan.

Wala akong halaga sa kanya. Hindi nga niya inisip yung mararamdaman ko sa mga sinabi niya sa akin. Sobrang sakit ng mga sinabi niya sa akin.

Nag-focus na rin ako sa mga bagay na magpapasaya sa akin. Alam ko naman na hindi ako paniniwalaan ni Dylan kahit ano pa ang sabihin ko.

Nagtataka lang ako kasi patuloy pa rin ang pagiging sweet nila ni Macy. Mukha yatang hindi pa sinasabi ni Macy ang panloloko niya.

Simula nung araw na 'yun ay lumayo na nga ng tuluyan sa akin si Dylan. Nagkaroon na ng mataas na pader sa pagitan naming dalawa.

Feeling ko tuloy ay wala kaming connection sa isa't-isa. Feeling ko ay hindi na niya ako kilala. Feeling ko ay galit talaga siya sa akin.

Ginawa ko lang naman ang tama. Hindi ko inasahan na ganito pala ang kapalit ng lahat ng kabutihan ko sa kanya. Hindi ko alam na ganito na pala siya ngayon.

Ibang-iba 'yung Dylan na kilala ko nung mga bata pa kami. Close na close pa kami dati. Ngayon ibang-iba na talaga siya. Ibang tao na siya.

Nahihirapan ako na hindi siya tignan. Nag-aalala pa rin ako na baka masaktan siya ni Macy. Hindi ko alam kung paano pa ako lalapit sa kanya at hindi ko na alam kung paano ko siya tutulungan.

Masyado na kasing napamukha sa akin na hindi niya ako kailangan.

Nakatayo ako ngayon sa tapat ng bintana sa kwarto ko. Umuulan at madilim ang langit. Nabigla na lang ako dahil huminto sa gate namin ang kotse nila tita.

Nakita ko si tita na pumasok sa bahay kaya lumabas na ako ng kwarto. Paglabas ko ay nakita ko si tita na kabadong-kabado at umiiyak.

"Style! Tulungan mo ako," naiiyak na sabi ni tita.

"Huh? Bakit po? Ano po ba ang nangyari?"

"Si Dylan... Nawawala siya. Nag-break daw sila ng sabi ng girlfrend niya tapos hanggang ngayon hindi pa siya umuuwi."

Napatahimik na lang ako. Bigla akong kinabahan sa sinabi ni tita.

"Hindi ko po alam. Titignan ko na lang po kung ano ang magagawa ko," sabi ko na lang.

Kumuha na kaagad ako ng payong. Hindi na ako nagdalawang-isip. Kahit malakas ang hangin at ulan, hahanapin ko pa rin siya.

Nilibot ko ang lahat ng lugar na alam ko. Medyo basa na rin ako kasi malakas ang ulan.

Hindi ko mahanap si Dylan. Hindi ko alam kung saan ko siya makikita.

Hindi ako huminto. Nag-aalala ako sa kanya ng sobra. Ayokong matapos ang araw na hindi ko siya nahahanap.

Napahinto na lang ako malapit sa kanto. Nakita ko si Dylan na nakaupo sa tabi ng kalsada at umiiyak siya.

Lumapit na ako at pinayungan ko siya. Napatingin siya sa akin pero yumuko na agad siya.

Basang-basa na siya at nanginginig. Nilalamig na siguro siya. Umupo na lang ako sa tabi niya at niyakap ko siya ng mahigpit.

Umiiyak lang siya at amoy na amoy ko ang alak sa kanya. Basa na rin ako dahil sa kanya. Hinawakan ko ang mga pisngi niya at...

"Let's go home Dylan," seryoso 'kong sabi.

Hindi siya makalakad ng maayos dahil sa alak. Inakay ko na lang siya. Hindi ko mahawakan 'yung payong kasi inaalalayan ko na lang siya. Pareho na kaming basa sa ulan.

Napatulo na lang ang mga luha ko. Miss na miss ko na siya. Gusto ko na maging close kami ulit. Bakit ba kasi hindi niya ako pinaniwalaan?

Nakarating na kami sa bahay. Sa bahay ko muna dinala si Dylan.

"Anak! Jusme naman! Anong nangyari?" Alalang-alala na tanong ni mama.

"Ako na po ang bahala," sabi ko na lang.

Pinasok ko kaagad si Dylan sa banyo. Sabay na kaming naligo. Hindi naman siya makakilos. Wala namang malisya na paliguan ko siya.

Binihisan ko na siya kaagad at pinahiga ko sa kama ko. Nakatingin lang ako sa kanya habang natutulog siya.

Naaawa ako sa kanya... Niloko lang siya nung babaeng mahal niya. Kawawa naman siya. Parang napalitan ng awa 'yung hinanakit ko sa kanya.

Kinapa ko ang noo niya at mainit siya. Nilagnat na siguro.

Kumuha na lang ako ng basang tela at tubig. Pinupunasan ko siya. Masaya akong alagaan siya. Alam ko na pagkatapos nito ay mawawala na naman siya sa akin.

I am giving so much effort to him pero wala yatang halaga sa kanya lahat ng ginagawa ko.

Nagising din naman siya at pinakain ko muna ng lugaw. Hindi kasi talaga siya makakilos. Wala kaming imikan. Hindi ako nagsasalita. Hindi rin naman niya ako kinakausap.

Inaalagaan ko na lang siya. Alam ko na kailangan niya ako ngayon kahit hindi niya sabihin.

Nung gabi na ay hinayaan ko na lang siyang makatulog. Sa sala na lang ako natulog. Baka kasi mamaya isipin niya na may motibo ako sa kanya kahit wala naman.

Napatulo na lang ang luha ko habang nakahiga sa sala. Hindi ko alam kung magiging maayos pa kaming dalawa.

Hindi ako makatulog nung gabing 'yun. Nabigla na lang ako dahil lumabas siya sa kwarto.

"Uy bakit ka bumangon? Mahina ka pa Dylan," nag-aalala 'kong tanong.

"Nauuhaw ako," sabi niya.

Mukhang nahihilo pa siya. Mataas kasi ang lagnat niya. Tulog na si mama. Kumuha na lang ako ng tubig at pinainom ko siya.

Inalalayan ko siya pabalik sa higaan. Nang masiguro ko na komportable na siya ay lalabas na sana ako ng kwarto pero...

"Wait Style... Dito ka muna."

Napalingon na lang ako. Kumuha ako ng upuan at umupo muna ako sa tabi niya.

"Bakit?" Malungkot 'kong tanong.

"Tama ka... Niloloko nga niya ako."

Ngumiti na lang ako sa kanya ng mapait.

"Hindi naman ako magsisinungaling sa'yo eh," seryoso 'kong sabi.

Natahimik na lang siya. Tatayo na sana ako pero pinigil niya ako.

"Bakit mo ginagawa 'to? Bakit lagi mo akong tinutulungan?" Tanong niya.

"Akala ko ba alam mo na may gusto ako sa'yo ah? Hindi ba obvious Dylan? You mean so much to me. Aalagaan kita at tutulungan hangga't kaya ko dahil mahal kita. Hindi ko naman ginusto na mahalin ka. 'Wag kang mag-alala, hindi naman ako umaasa na mahalin mo ako o maging ok tayo ulit. Gusto lang naman kitang tulungan. Gusto ko lang ibigay 'yung mga magpapasaya sa'yo," mahinahon 'kong sabi.

Natahimik na naman siya. Hindi ko na alam kung ano pa ang dapat 'kong sabihin sa kanya.

"Bakit sa sala ka natutulog?"

Huminga na lang ako ng malalim at...

"Baka kasi isipin mo na may motibo ako sa'yo. Baka kasi iba ang isipin mo kaya doon na lang ako. Sabi mo kasi nandidiri ka sa akin," malungkot 'kong sabi.

Mukhang wala na siyang sasabihin. Bumabalot na ang malamig at patay na hangin sa paligid naming dalawa.

Tumayo na lang ako at lalabas na sana ako ng pinto nang magsalita siya.

"Kahit kelan... Hindi ka nagbago Style."

Lumingon na lang ako sa kanya. Seryoso lang siya.

"Hindi na kita kilala Dylan," malamig 'kong sabi.

Lumabas na lang ako ng pinto. Sakto ang pagtulo ng mga luha ko.

Alam ko na hindi na kami babalik sa dati. Iba na kasi siya. Hindi ko na talaga siya kilala.

Nakakalungkot isipin... Ang sakit... 'Yung bestfiend mo noon, yung pinsan mo, 'yung nag-iisa mong kaibigan ay nagbago at lumayo na sa'yo.

Wala naman akong magagawa kung hindi ang tanggapin na lang. Hindi ko na alam kung ito na rin ang huling beses na dapat pa akong mag-alala sa kanya.

Sa kanya na kasi mismo nanggaling na wala akong halaga. Sa kanya na galing na hindi niya ako kailangan.

Nang gumaling si Dylan ay bumalik na ulit kami sa dati. Malamig na naman ang pakikitungo niya sa akin.

Sanay naman na akong hindi ako masyadong pinapansin ni Dylan. Tanggap ko na kalingan lang niya ako kapag nasasaktan siya.

Nag-focus na lang ako sa pag-aaral. Ang balita ko ay kung sino-sino lang ang kasamang babae ni Dylan. Papalit-palit na raw siya ng girlfriends. Sanay naman na akong makita siya na iba-iba ang mga kasama.

Isang araw habang gumagawa ako ng projects ay...

"Anak may bisita tayo."

Huminto muna ako at pumunta ako sa sala. Nandito si tita at tito. Kasama nila si Dylan.

"Kamusta po tita at tito? Bakit po kayo napadaan dito?" Nakangiti 'kong tanong.

Hindi ko na binati si Dylan. Ayaw niya kasi akong kausapin kaya lumalayo na lang din ako sa kanya.

"We will say it straight to you Style. We need your help again," sabi ni tita.

"Ano po 'yun?" Nakangiti 'kong tanong.

"Last quarter kasi medyo mababa ang grades nitong si Dylan. Itatanong lang sana namin kung pwede na isabay mo na siya sa pagrereview? Don't worry kapag tumaas ang grades ng anak ko, bibilhan kita ng bagong laptop," sabi ni tito.

Napatahimik na lang ako. May laptop naman ako kasi binilhan ako ni mama. Ayoko na sanang mapalapit pa kay Dylan.

Alam ko na masasaktan lang ako kapag magkasama na naman kami. Nakakahiya naman kung tatanggi ako kasi sila tita ang lumapit.

Hinawakan ni tita ang kamay ko at...

"We will buy a car for Dylan kapag tumaas ang grades niya. Parehas kayong makikinabang," sabi ni tita.

Tumingin ako kay Dylan at napayuko siya. Kaya pala... Kailangan niya ako para magkaroon siya ng kotse.

"I don't need a laptop tita. Kuntento na po ako sa binigay ni mama. Alam niyo naman po na hindi ako maluho. Tanong ko lang po, bakit ako po 'yung gusto niyong magturo kay Dylan? Marami naman po siyang girlfriends?" Nakangiti 'kong tanong.

Napatingin bigla sa akin si Dylan. Sigurado akong nabigla siya sa sinabi ko sa parents niya.

"Kilala ka na kasi namin Style. We know na kaya mong tulungan si Dylan nang hindi kayo nag-aaway. Besides, close naman kayo diba?" Nakangiting tanong ni tita.

Napalunok na lang ako. Ayokong sumagot sa tanong na hindi naman totoo ang isasagot ko.

"Payag na po ako tita. Forget about the laptop. Tutulungan ko po si Dylan dahil gusto kong tumulong. Hindi ko naman po kailangan ng kapalit," sabi ko.

Bigla akong niyakap ng tita ko.

"Oh thanks Style! Maasahan talaga kita," masayang sabi ni tita.

So 'yun na nga ang nangyari. Ako ang tumutulong kay Dylan sa mga projects niya. Kasama ko rin siya sa pagrereview.

Sobrang formal palagi ng pag-uusap naming dalawa. Hindi na kami nag-uusap na parang magkaibigan. Sobrang formal na niya.

Sumagi na lang sa isip ko na baka gusto talaga niyang magkaroon ng kotse kaya nandito siya.

Nakatutok ako ngayon sa laptop. Gumagawa kami ng project namin. Project proposal at hanggang chapter 3 lang naman ang kailangan.

Siya na ang bahala sa chapter 1 at gastos sa print tapos ako naman sa 2 and 3. Alam ko naman na mahihirapan siya at magrereklamo.

Natapos ko na rin naman 'yung akin kaya 'yung sa kanya naman ang ginagawa ko.

"Dylan... Ikaw na lang mag-print nung paper mo. Ako na ang gagawa ng RRL pati chapter 3," sabi ko.

"Sige... Salamat," tipid niyang sagot.

"Malapit na pala 'yung quarterly natin. Kailangan mong doblehin ang pagrereview," sabi ko.

Nakatutok lang ako sa laptop at busy ako sa pagtatype ng paper niya.

"Oo naman..."

"Pagod ka na ba? Matulog ka na muna. Tatapusin ko na lang 'to," sabi ko.

Hindi siya sumagot. Gantt chart na lang naman ang kulang kaya matatapos na ako. Lumingon ako sa kanya at nabigla ako.

Ang lapit ng mukha ko sa mukha niya. Nagulat din naman siya. Nagtaka ako dahil umiwas siya ng tingin at namula siya bigla.

"Sabi ko matulog ka na. Ako na ang bahala dito," seryoso 'kong sabi.

"Hmmm... Sige... Salamat..." Sabi niya na parang nahihiya.

Hindi pa rin siya umaalis. Nakayuko lang siya at nakikita 'kong namumula ang mga pisngi niya.

"May gusto ka bang sabihin?" Tanong ko na lang.

"Hmmm... Wala. Magpahinga ka na rin pagkatapos mo diyan," mahina niyang sabi.

Pumasok na siya sa kwarto ko. Nagtaka pa rin ako kung bakit namula siya bigla nung nagtama ang tingin namin.

Hindi naman siya ganun dati. Tinuon ko na lang sa project ang isip ko. Mga alas tres na ako natapos.

Sa sofa na lang ulit ako natulog. Ayoko nang tumabi sa kanya kasi baka mayakap ko pa siya at baka iba ang isipin niya.

Lumipas ang mga araw at tuloy-tuloy lang ang pagtuturo ko sa kanya at pagtulong sa mga projects.

Sa bahay na siya halos tumira pero formal lang ang pakikitungo niya. Ramdam ko rin na alam na ni mama 'yung dahilan kaya hindi na kami kagaya ng dati.

Feeling ko naman napilitan lang siya na magpaturo sa akin para sa kotse niya. That is the real fact.

Nagrereview naman kami ngayon sa physical science. Nakatingin lang ako sa notebooks habang tinuturuan siya.

"Lagi mong tatandaan yung mga tinuro ko sa balacing equations ha?"

Hindi siya sumagot. Nagtaka na naman ulit ako. Tumingin ako sa kanya. Hindi siya nakatingin sa notebook. Nakatitig siya sa akin.

Tumingin ako sa mga mata niya. Parang nakatulala siya. May kakaiba akong nakita sa mga mata niya. Parang may lungkot na ewan ang titig niya.

"Uy nakikinig ka ba sa akin?"

Hindi siya sumagot. Nag-snap ako ng fingers sa mukha niya at natauhan naman siya.

"Bakit nakatulala ka diyan?"

Hindi siya sumagot at umiwas lang siya ng tingin sa akin. Kita ko pa rin ang pamumula sa pisngi niya.

"Tinandaan mo ba lahat ng tinuro ko?" Tanong ko na lang.

"Hmmm... Oo naman," sabi niya.

"Dapat lang... Hindi ka magkakaroon ng kotse kapag pumalya ka. Don't worry last quarter na ito. Hindi mo na kailangan na turuan kita. Hindi mo na kailangan magtiis na samahan ako. Alam ko naman na napipilitan ka lang," malamig kong sabi sa kanya.

Tumingin ako sa kanya. Nabigla ako at nakita ko na naluluha ang mga mata niya.

"Are you ok?" Tanong ko.

Yumuko lang siya at feeling ko naluha siya kasi pinunasan niya ang mukha niya.

"Nagbago ka na rin Style," sabi niya.

"Hindi naman ako nagbago. Diba sabi mo gusto mo na layuan na kita? Ginagawa ko lang naman kung ano ang gusto mo," sabi ko.

"But I... I hardly miss the old times," mahina niyang sabi.

Napatahimik na lang ako. Hindi ko na siya maintindihan.

"Feeling ko unti-unti kang nawawala sa akin Syle," sabi niya.

Humarap siya sa akin. Nabigla ako dahil maluha-luha ang mga mata niya.

"Hindi ako mawawala sa'yo. Alam mo naman yata na mahal kita. Lagi naman akong nandito para sa'yo kahit hindi mo ako kailangan."

"Can I hug you Style?" Naluluha niyang tanong.

Tumango na lang ako. Bigla niya akong niyakap ng mahigpit. Ramdam ko ang pagpatak ng mga luha niya sa leeg ko.

Napatulo na rin ang mga luha ko. Miss na miss ko na siya. Yung dating siya.

"I really miss your hug Style," mahina niyang sabi.

Parang nadudurog na naman 'yung dibdib ko. Bakit ganito Dylan? Lalo lang akong nahuhulog sa ginagawa mo.

"Thank you for everything Style."

Huminga na lang ako ng malalim.

"You don't have to say thanks. I am doing this beacause I wanted. Gusto lang kitang tulungan. Lagi naman akong nandito para sa'yo," sabi ko.

"I know that I am not worthy for your love Style. I know that I did so much to hurt you. Salamat kasi nandiyan ka pa rin para sa akin," seryoso niyang sabi.

"Alam ko naman na alam mong hindi kita kayang tiisin diba? Gagawin ko ang lahat para lang matulungan ka at mapabuti ka," sabi ko.

"Yun nga eh... I don't know how to pay back to you," sabi niya.

Hinawakan ko na lang ang mga pisngi niya at hinarap ko sa akin.

"You don't have to pay. Kahit kelan hindi naman ako humingi ng kapalit sa'yo eh. Ginagawa ko 'to dahil gusto ko at mahal kita," seryoso 'kong sabi.

Yumuko na lang ulit siya. Minsan talaga mahirap siyang pagsabihan.

"Bakit ba kasi nagbago ka?" Mahina 'kong tanong.

"It's because I'm afraid. I wish that if I am brave enough-" Putol niyang sabi.

Pagkatapos ng araw na 'yun ay hindi na siya pumupunta sa bahay. Natapos na rin kasi ang exam. Tiwala naman ako na mataas ang makukuhang grades ni Dylan.

Hanggang ngayon palaisipan pa rin sa akin ang sinabi ni Dylan.

Sanay naman akong hindi na siya pumupunta sa bahay. Alam ko naman na tapos na ang lahat. Hindi na niya ulit ako kailangan.

Masakit isipin pero kailangan 'kong tanggapin na makakasama ko lang siya kapag kailangan niya ako.

Malapit na rin ang bakasyon. Achiever na rin si Dylan at sobrang saya ng tito at tita ko. Nagulat ako dahil nagdala sila ng bagong laptop sa bahay.

"Tita sabi ko hindi ko na po kailangan niyan," sabi ko habang tinatanggihan ang laptop.

"Accept this! Sobrang saya ko dahil natuto si Dylan sa'yo. Hindi kami nagkamali na bumalik dito sa Philippines. Magtatampo kami kapag hindi mo 'yan tinanggap," sabi niya.

"Pero po kasi..."

"Actually si Dylan mismo 'yung nagsabi na bilhan ka ng laptop," sabi niya.

Nabigla na lang ako. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa sinabi ni tita. Napilitan na lang akong tanggapin ang laptop.

Wala naman kasing sense kung tumanggi pa ako dahil hindi naman ako mananalo.

"Style may ipapakiusap pa sana kami sa'yo," sabi ni tito.

"Ano po 'yun?"

"Sasama ka ba sa year end party niyo? Doon daw sa bahay ng classmate niyo ni Dylan," sabi niya.

Nag-isip ako... Inimbitahan nga ako ng classmate ko sa bahay nila.

"Hindi po ako sasama," sabi ko.

Hinawakan ni tito at tita ang mga kamay ko.

"Style... Sure kami na mag-iinuman sila doon. Gusto sana namin na bantayan mo si Dylan. Pwede ba 'yun?"

"Alam po ba ito ni Dylan?" Tanong ko.

"Yeah... Alam niya ito. Kapag lasing na siya umuwi na kayo. Susunduin ka ni Dylan dito. 'Wag mo siyang pabayaan. Kilala mo naman 'yung pinsan mo, iba ang topak nun kapag nakainom," sabi ni tita.

"Hmm... Sige po payag ako."

Lumipas ang ilang araw. Tapos na ang klase namin. Hindi naman kami nagpapansinan ni Dylan sa school.

Ayaw niya akong kausapin sa school. Dumating na 'yung araw ng year end party namin.

Sumakay na ako sa kotse ni Dylan. Wala kaming kibuan sa loob ng kotse. Hindi naman ako nagsasalita kung hindi niya ako kakausapin.

Nang makarating kami sa bahay ng classmate namin ay medyo malayo rin pala. Nagsimula na silang mag-inuman. Tumanggi na lang ako dahil hindi naman ako umiinom.

"Style kanta ka naman..." Sabi ni Macy.

"Huh? Ayoko nakakahiya," sabi ko.

"Uy sige na! Ngayon ka nga lang pumunta sa year end party natin eh. Hindi na tayo magkikita-kita next year kasi college na tayo tapos hindi mo pa kami pagbibigyan," sabi ng isa 'kong classmate.

Hindi na ako makatanggi. Sobra nila akong pinipilit. Pumayag na rin ako kasi katuwaan lang naman.

Pumili na ako ng kanta at kinuha ko na ang mic.

Minsan oo, minsan hindi
Minsan tama, minsan mali
Umaabante, umaatras
Kilos mong namimintas
Kung tunay nga ang pag-ibig mo
Kaya mo bang isigaw
Iparating sa mundo

Tumingin ako kay Dylan. Medyo lasing na nga siya. Namumula na kasi siya.

Tumingin sa'king mata
Magtapat ng nadarama
'Di gusto ika'y mawala
Dahil handa akong ibigin ka
Kung maging tayo
Sa'yo lang ang puso ko

Umiwas lang siya ng tingin sa akin. Ang sakit... Lumalayo na nga talaga siya.

Walang ibang tatanggapin
Ikaw at ikaw pa'rin
May gulo ba sa'yong isipan
'Di tugma sa nararamdaman
Kung tunay nga ang pag ibig mo

Tumingin sa'king mata
Magtapat ng nadarama
'Di gusto ika'y mawala
Dahil handa akong ibigin ka
Kung maging tayo

Kailangan ba kitang iwasan?
Sa t'wing lalapit may paalam
Ibang anyo sa karamihan
Iba rin 'pag tayo, iba rin 'pag tayo lang

Tumingin sa'king mata
Magtapat ng nadarama
'Di gusto ika'y mawala
Dahil handa akong ibigin ka
Kung maging tayo
Kung maging tayo
Kung maging tayo
Sa'yo na ang puso ko

Natapos akong kumanta. Wala naman yatang pakealam si Dylan sa kung ano ang ibig sabihin ng kinanta ko para sa kanya.

"Ang galing mo naman Style," sabi ng classmate ko.

"Ay hindi naman," nahihiya 'kong sabi.

Nagandahan daw sila sa kinanta ko. Nahihiya tuloy ako.

Maya-maya ay lumalalim na rin ang gabi. Pansin na pansin 'kong marami nang naiinom si Dylan at lasing na lasing na siya.

Nagtext sa akin si tita at sabi niya ay iuwi ko na raw si Dylan.

Naglakas loob akong lumapit sa mga classmates ko nag-iinuman para makausap si Dylan.

"Hmm... Dylan usap muna tayo saglit," sabi ko.

Tumingin lang siya sa akin at mukhang lasing na lasing na siya.

Pumunta kami doon sa labas ng bahay. Ayoko rin kasi na may makarinig. Baka mamaya pag-usapan pa kami.

"Hmm... Dylan sabi ni tita umuwi na raw tayo," mahina 'kong sabi.

"Ayoko! Gusto ko pang uminom!" Sigaw niya.

"Dylan hinaan mo naman ang boses mo. Lasing ka na," sabi ko.

Narinig yata ng iba naming classmates ang sigaw ni Dylan kaya napatingin sila sa direksyon namin.

"Kung gusto mo umuwi, ikaw na lang! Wala akong pakealam sa'yo!" Sigaw niya.

Nasaktan ako sa sinabi niya. Ayokong maniwala na wala talaga siyang pakealam sa akin.

"Lasing ka lang kaya mo sinasabi 'yan. Pinapauwi na tayo ni tita. Sabi niya sabay daw tayong umuwi. Lasing ka na Dylan. Ayoko namang hayaan ka dito," mahinahon 'kong sabi.

Maya-maya ay lumabas din ang iba naming mga classmates.

"Pwede naman kayong matulog dito ni Dylan," sabi ni Jeric.

Siya kasi ang may-ari ng bahay. Medyo lasing na rin siya.

"No... Nangako kasi ako sa mama ni Dylan na uuwi kami ngayon. Baka magalit sa akin sila tita," sabi ko.

"Tita? Magkadugo kayo ni Dylan?" Tanong ng isa kong classmate.

"Magpinsan kami ni Dylan," sabi ko.

Halatang nagulat silang lahat maliban kay Macy kasi alam naman niya na magpinsan kami ni Dylan.

"Hahahah no! Hindi kami magpinsan ni Style! Ampon lang ako kaya hindi kami magkadugo," natatawang sabi ni Dylan.

Medyo masakit na siya magsalita. Namumuo na rin ang luha sa mga mata ko.

"Please Dylan... Lasing ka na. Umuwi na tayo. Gusto kang pauwiin nila tito at alam mo naman na nangako ako," sabi ko sa kanya.

"Pwede ba Style? Stop acting that you really care for me! Hindi kita kailangan! Sino ka ba para pakinggan ko ha? Wala akong pakealam sa'yo! Kung gusto mong umuwi, umuwi ka na mag-isa mo! Ayoko nang makita ka! Wala akong pakealam kahit may mangyari pa sa'yo sa daan!" Sigaw niya.

Napayuko na lang ako. Natahimik din ang lahat sa sinabi ni Dylan. Pinahiya niya ako sa mga kaklase namin.

Tumalikod na lang ako. Ramdam ko na tumulo ang mga luha ko. Wala talaga siyang pakealam sa akin.

Gusto 'kong ipilit na lasing lang siya pero hindi, totoo ang mga sinabi niya.

Medyo nakalayo na ako. Tuloy-tuloy lang ang pag-agos ng mga luha ko. Sumisikip ang dibdib ko sa mga sinabi ni Dylan.

Malayo ang bahay namin. Malayo rin ang sakayan kaya nilakad ko na lang.

Grabe na si Dylan. Wala talaga akong lugar sa kanya kahit kaibigan man lang. Akala ko ay magiging ok na kami. Malabo na pala ang lahat.

Natauhan na ako... Kahit kelan ay hinding-hindi na kami babalik sa dati.

Tumayo ang mga balahibo ko. Bigla na lang may tumutok ng baril sa harapan ko kaya napahinto ako.

"Ibigay mo ang cellphone mo at wallet!"

Napalunok na lang ako. Lima sila at pinalibutan nila ako. Kinuha ko na lang ang phone ko at wallet. Binigay ko na lang sa kanila.

"Pwede na po ba akong umuwi?" Kabado 'kong tanong.

Napatingin 'yung lalake sa relo ko.

"Ibigay mo 'yan!"

Napalunok na lang ako. Si Dylan ang nagbigay sa akin ng relo. Hindi ko pwedeng ibigay sa kanila.

"Pakiusap po 'wag niyo nang kunin ang relo ko. Importante po kasi ito sa akin," naluluha 'kong sabi.

Hindi sila pumayag. Kinuha nila ang relo na binigay sa akin ni Dylan. Napatulo na lang ang mga luha ko. Wala akong magawa.

"Gusto ko na pong umuwi," naluluha
'kong sabi.

Takot na takot na ako. Wala namang tutulong sa akin.

"Maglalaro pa tayo," sabi nung isang lalake.

Binugahan niya ako ng usok galing sa sigarilyo niya kaya napaubo ako.

Lumapit yung dalawa sa akin at hinawakan nila ako. Lalo akong kinakabahan sa ginagawa nila.

"Please po... Gusto ko nang umuwi," umiiyak kong sabi.

Nagulat ako at bigla na lang akong sinuntok at sinikmuraan. Nahilo ako dahil sa ginawa nila sa akin.

Dinala nila ako sa damuhan. Ramdam ko ang higpit ng mga hawak nila sa akin. Wala akong magawa kung hindi ang umiyak.

Lalo akong natakot nang hubaran nila ako at pumatong sa akin ang isang lalake.

"Kuya maawa kayo sa akin! Tulong!" Sigaw ko.

"Walang makakarinig sayo dito!"

Bigla na lang niya akong pinaso ng sigarilyo sa braso ko. Napasigaw na lang ako sa sakit.

"Tulong! Tulungan niyo ako!" Sigaw ko.

Tumatawa lang sila. Binugbog nila ako at pinagsasamantalahan nila ako.

"Dylan! Tulungan mo ako!" Humahagulgol 'kong sigaw.

Wala akong magawa. Hinampas nila sa pisngi ko ang baril kaya lalo akong natatakot.

"Dylan!" Sigaw ko.

Nawawalan na ako ng pag-asa. Wala akong magawa kung hindi ang sumigaw. Sinisigaw ko ang pangalan ni Dylan.

Ginahasa nila ako. Hindi ko alam kung bakit pero lalake rin naman ako.

Wala akong magawa kung hindi ang sumigaw. Walang tumulong sa akin habang binababoy ako. Wala akong magawa kung hindi ang umiyak na lang.

Pinagpasa-pasahan nila ako. Nawalan na lang ako ng malay.

......

Napadilat na lang ako. Tinignan ko ang paligid at nasa loob ako ng isang hospital.

"Anak gising ka na!"

Napatingin na lang ako kay mama. Umiiyak siya... Hindi ako makapagsalita. Hindi ko matanggap ang nangyari sa akin.

Tumingin ako sa katawan ko. Puro pasa ako. Puro sugat ang katawan ko.

Umiiyak lang ang mama ko. Maya-maya ay pumasok na si tito at tita sa kwarto. Halatang nag-aalala sila sa akin.

"Style... Kamusta na ang pakiramdam mo?" Umiiyak na tanong ni tita.

Hindi ako makasagot. Umurong yata ang dila ko. Naramdaman ko na lang ang mga luha ko.

"Nabalitaan namin 'yung ginawa sa'yo ni Dylan kaya umuwi ka mag-isa," sabi ni tito.

Wala akong masabi. Sobrang sakit ng katawan ko. Sobrang sakit ng dibdib ko. Kung kailan kailangan ko siya, wala siya para iligtas ako.

Umalis na sila tita sa room. Si mama lang ang kasama ko. Hindi ako makapagsalita.

Hindi ako makatulog. Maya-maya ay bumisita rin ang iba 'kong mga classmates. Nagsosorry sila sa akin kasi hindi raw nila ako hinatid.

Hindi ako makapagsalita. Wala akong maisip na sabihin.

Dumating din si Dylan. Umalis ang mga classmates ko.

"Style..." Naluluha niyang sabi.

Lumapit siya sa akin. Hahawakan niya sana ang kamay ko pero iniwas ko. Natatakot ako... Nanginginig ako...

Nakita ko na yumuko siya at tumulo ang mga luha niya.

Wala akong maramdaman na awa sa kanya. Naaawa ako sa sarili ko. Minahal ko siya ng sobra. Nakalimutan ko na ang sarili ko.

"Style... Hayaan mo sanang alagaan kita kahit ngayon lang," umiiyak niyang sabi.

Masakit ang lalamunan ko dahil sa kakasigaw ko sa pangalan niya kahit wala naman siya. Wala siya para iligtas ako.

Pinilit 'kong magsalita kahit hirap ako.

"Hi-hindi kita kailangan," malamig
'kong sabi.

Halatang nagulat siya. Lalo siyang napaiyak sa sinabi ko. Tumalikod na siya at lumabas siya ng pinto.

Inabot ko ang salamin sa lamesa. Naaawa ako sa taong kaharap ko sa salamin. Puro pasa at sugat ang mukha niya. Nakakaawa...

Maya-maya ay pumasok ulit si Dylan. May dala siyang fruits at sabaw. Nilapag niya sa lamesa ang dala niya.

"Kain ka na Style. Alam ko na gutom ka. Ako ang mag-aalaga sa'yo kahit paalisin mo pa ako," nakangiti niyang sabi.

"Hindi ako gutom. Gusto 'kong magpahinga," seryoso 'kong sabi.

Kita ko sa mga mata niya. Namumuo ang mga luha niya.

"Pe-pero... Kahapon ka pa hindi kumakain sabi ni tita," nakayuko niyang sabi.

Hindi ko na siya pinansin. Pumikit na lang ako at natulog.

Araw-araw ay nasa hospital lang si Dylan. Sa totoo lang ay ayaw ko na siyang makita. Napalitan na ng galit ang pagmamahal ko sa kanya.

Pakiramdam ko ay unti-unti nang nabubulok ang pagmamahal ko para sa kanya.

Pinatibay ko at ginawa 'kong bakal ang pader na nakaharang sa aming dalawa. Tinaasan ko ang harang na nilagay niya sa akin noon.

Nang makalabas ako ng hospital ay isinakay na ako sa wheel chair. Itutulak sana ni Dylan ang wheel chair pero tumayo ako at naglakad.

Ayokong humingi ng tulong galing sa kanya. Galit na galit ako sa lahat ng ginawa niya sa akin. Sinayang niya ang lahat ng sinakripisyo ko para sa kanya. Wala na siyang mapapala sa akin.

Hindi niyo naman siguro ako masisisi? Dinurog ang pagkatao ko. Sinira ako... Hindi nga nahanap 'yung mga bumaboy sa akin eh.

Siguro dapat ay magbago na ako. Wala na akong aasahan kay Dylan. Tanggap ko na ngayon na wala siyang pakealam sa akin kahit mamatay pa ako sa harapan niya.

Hindi na niya pwedeng bawiin ang mga salitang binitawan niya. Tumatak na sa utak ko ang lahat. Dinurog ng mga salita niya ang puso ko. Hindi na niya mababago ang pinaniniwalaan ko.

He's too selfish. Ang dami 'kong ginawa at sinakripisyo para sa kanya pero wala pa rin akong puwang sa kanya.

Sure naman ako na nakokonsensya lang siya kaya siya sumasama sa akin ngayon.

Nang makauwi kami sa bahay ay nagtataka ako dahil nandoon din ang mga gamit ni Dylan.

"Dito muna ako titira. Gusto 'kong bumawi sa'yo," sabi ni Dylan.

"Hindi ko gusto na nandito ka. Umuwi ka na lang. Aalis ka rin naman kapag feeling mo ay ok na ang lahat," sabi ko.

"No Style! Ginagawa ko 'to para sa'yo! Gusto ko lang na maging ok na tayo ulit," naluluha niyang sabi.

"You're 9 years late for that Dylan," mariin 'kong sabi.

8 years old kami nung close pa kami. Bumalik nga siya pero iba na siya.
Yumuko na lang siya. Nakatitig lang sa aming dalawa si mama.

"Kahit paalisin mo ako, dito lang ako sa tabi mo. I will never stop hangga't hindi tayo nagiging ok ulit," sabi niya sa basag na boses.

"I'm not the same Style who loved you so much before."

Iniwan ko na siya sa sala. Masyado na akong nadurog dahil sa kanya. Ibang-iba na siya ngayon. May karapatan din akong magbago kagaya niya.

Kung nagawa niya akong saktan, kaya ko ring gawin 'yun sa kanya.

Pumasok ako ng banyo. Binuksan ko ang shower. Malamig ang tubig. Tumulo na lang ang mga luha ko. Kahit anong sabon o linis ko sa katawan ko ay marumi na ako.

Limang lalake ang nagpakasarap sa akin. Nawala na ang dignidad ko. Virginity na nga lang ang meron ako bilang tao, nawala pa.

Ilang araw din ang lumipas. Lalo akong naging malamig kay Dylan. Ilang taon ko siyang hinintay. Sasaktan niya lang pala ako pagbalik niya.

Sa sala natutulog si Dylan. Ayoko kasing pumapasok siya sa kwarto ko.

Hindi ko alam kung bakit. Sinubukan 'kong silipin siya. Nakita ko na tinititigan niya ang photo album nung mga bata pa kami.

"I want to make new memories with you Style," naluluha niyang sabi.

Hindi ko alam kung bakit pero parang kumirot na lang bigla ang didbib ko. Bakit ganito? Naaawa pa rin ako sa kanya.

Kinabukasan ay naalimpungatan na lang ako dahil may naaamoy akong sinangag.

Pagdilat ng mga mata ko ay nakita ko si Dylan. May dala siyang breakfast table.

"Good morning Style! Wala si tita ngayon. Nasa trabaho siya. Pinaghanda na kita ng breakfast mo," nakangiti niyang sabi.

"Ayokong kumain... Lumabas ka sa kwarto ko," inis 'kong sabi.

Halatang nagbago ang timpla ng mukha niya. Nilapag na lang niya ang breakfast table sa study table ko.

"Please... Let me enter your heart again."

Napatitig ako bigla sa kanya. Halatang nalulungkot siya.

"Why?" Tanong ko.

Humarap siya sa akin. Kita ko ang namumuong mga luha sa mga mata niya.

"Beause I love you..."

Kita ko ang sincerity sa mga mata niya. Hindi ko alam kung bakit pero wala akong naramdaman na kilig sa sinabi niya.

"It takes time for me to realize how much I love you."

Umupo siya sa kama ko. Tinitigan niya lang ako.

"Bata pa lang tayo, mahal na rin kita. Alam 'yun nila mama. Pagbalik ko dito ay hindi naman nawala 'yung nararamdaman ko sa'yo. Pumayag ako na umalis kami papuntang Canada noon para makalimutan kita dahil akala ko ay magpinsan tayo," naluluha niyang sabi.

Nakatitig lang ako sa mga mata niya. Hindi ko alam kung maniniwala ako. Kitang-kita ko sa mga mata niya na totoo ang sinasabi niya.

"Nung nalaman ko na ampon lang ako ay nagpumilit akong umuwi. I'm a little bit glad kasi hindi tayo magpinsan. Gusto 'kong makita ang totoo 'kong mama pero gusto rin talaga kitang makita. Naglasing ako noon kasi hindi ko matanggap na ampon ako. Hindi ko rin matanggap na mahal pa rin kita," sabi niya at napatulo na ang mga luha niya.

"Totoong minahal ko si Macy para kalimutan ka. Sinasadya 'kong lumayo sa'yo para hindi na kita mahalin. Nung nalaman ko na niloloko lang ako ni Macy ay nandun ka para sa akin kahit hindi kita pinaniwalaan."

"Sinaktan kita para lumayo ka. Sinaktan kita kasi ayokong husgahan tayo ng mga tao. Alam mo ba? Nung tinuturuan mo ako ay pinilit ko talaga sila mama para makasama kita. Pinipilit ko lang na makasama ka nang hindi ka minamahal. Tuwing kasama kasi kita ay lalong tumitindi ang pagmamahal ko sa'yo kaya pinipigilan ko ang sarili ko," humahagulgol niyang sabi.

"Nung tinuruan mo ako ay may pinutol akong sabi. Nataandaan mo pa ba? 'It's because I'm afraid. I wish that if I am brave enough..." Putol niyang sabi.

Huminga siya ng malalim at...

"I will tell the whole world how much I love you. I'm so afraid that everyone will judge us..." Umiiyak niyang sabi.

"Nung nalaman ko na may nangyaring masama sa'yo, sobrang sinisisi ko ang sarili ko hanggang ngayon! I'm such a jerk! I'm so stupid! Hindi ko kasi matanggap sa sarili ko na nagkakagusto rin ako sa lalake! Natauhan ako nung may nangyaring masama sa'yo. I can't afford to loose you! Tinanggap ko na ngayon na mahal din kita. Ayoko nang mawala ka o lumayo ka pa sa akin! I will do everything para mahalin mo ulit ako. Kahit ano gagawin ko. I want to fix your heart again," sabi niya sa basag na boses.

Hindi ako makapagsalita. Hindi pa rin nagsisink in sa akin ang lahat ng mga narinig ko. Totoo ba ang lahat?

"Hindi ko naman sinasabi na mahalin mo ulit ako. Alam ko na sinira ko na ang puso mo. Hayaan mo... Hihintayin ko ang panahon na mahalin mo ulit ako. Kung kailangan na ligawan kita, gagawin ko para mahalin mo ulit ako," seryoso niyang sabi.

Simula nung araw na 'yun ay naging sobra siyang maalaga at mabait sa akin. Hindi ko maintindihan. Siguro ay desidido lang siya na mahalin ko siya ulit.

Alam nila tito at tita ang ginagawa ni Dylan. Alam din ni mama ang lahat. Ok naman sa kanila ang ginagawa ni Dylan.

Lagi niya akong dinadalhan ng breakfast in bed. Ayaw niyang humiwalay sa akin. Sobrang sweet niya sa akin.

Minsan ay nagdadala pa siya ng chocolates na hugis puso. Inaamin ko na medyo natutuwa na ako sa ginagawa niya sa akin.

Kahit naman dinurog niya ako ay hindi ko maitatanggi na hindi naman nawala ang pagmamahal ko sa kanya.

Maybe it's not too late. Siguro ay pwede pa nga siyang magbago.

Hinayaan ko lang na ituloy niya ang panliligaw niya sa akin. Nagugustuhan ko naman ang mga ginagawa niya.

Inaamin ko na natutuwa rin talaga ako sa mga ginagawa ni Dylan paa sa akin. Masaya ako sa lahat ng efforts niya. Nakakatulong siya para makalimutan ko 'yung nangyari sa akin.

Hindi nagtagal at nahulog din ang loob ko sa kanya. Hindi naman talaga nawala ang pagmamahal ko para sa kanya.

Pumayag na rin akong makipagrelasyon sa kanya. Alam naman ni mama pati nila tita ang lahat kaya pumayag sila sa aming dalawa.

"Hi Style... Happy monthsary," bati niya sa akin.

May dala siyang cake. Ngumiti na lang ako. Masaya talaga ako sa mga ginagawa niya para sa akin.

"Salamat Dylan... Hindi pa rin ako makapaniwala na mahal mo ako," sabi ko sa kanya.

Niyakap na lang niya ako. Ramdam ko naman na mahal niya ako.

Maya-maya ay hinarap niya ang mukha ko sa mukha niya. Naramdaman ko na lang na hinalikan niya ako.

Totoo nga ang sinabi nila... Kapag hinalikan ka ng taong mahal mo ay parang nasa ibang mundo ka. Siya lang 'yung nasa isip mo.

Naramdaman ko na lang na tumulo ang mainit na luha sa mga mata ko.

"Style? Why are you crying? Is there something wrong?" Nag-aalala niyang tanong.

"Wala Dylan... Masaya lang ako," nakangiti 'kong sabi.

Ngumiti rin siya at niyakap niya ako ng mahigpit. Napakasaya ko sa tuwing kasama ko siya.

"Style... I think we should do a love making," sabi niya.

Napakalas ako sa pagkakayakap niya. Napatitig na lang ako sa kanya dahil nabigla ako.

"But... I think I can't do that," mahina 'kong sabi.

"But you love me right? We should do it skin to skin," sabi niya.

Yumuko na lang ako. Alam ko na hindi ko kayang pagbigyan ang gusto niya.

"I was raped by five guys... I don't think I can do it for you," mahina 'kong sabi.

Sandali kaming binalot ng katahimikan. Hindi siya nagsasalita. Hindi ko rin naman alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya.

"Ok... I understand. You don't love me that much. You can't give what I need," seryoso niyang sabi.

Napatingin ka lang ako sa kanya. Tumalikod na siya sa akin at mukhang aalis yata siya.

"Dylan I'm sorry! I can't do it! Please understand me," kabado 'kong sabi.

Hindi siya nagsalita at umalis na siya. Iniwan na niya akong mag-isa. Hindi ko alam kung bakit pero sumikip ang dibdib ko.

Hindi ko kayang ibigay 'yung gusto niya kasi nandidiri ako sa sarili ko. Ayokong maalala 'yung nangyari sa akin.

Simula nung araw na 'yun naging malamig siya sa akin. Madalang na siyang bumisita sa bahay. Bihira na lang siyang magtext.

Feeling ko tuloy ay kasalanan ko kaya ganun siya sa akin. Everyday is torture for me. Pakiramdam ko ay kasalanan ko ang lahat.

I was raped... Nandidiri ako sa sarili ko. How should I offer my whole self to someone that I love so much? Ang sakit kasi hindi ko maibigay ang gusto niya.

Lumipas ang mga buwan at hindi na siya ganun kasweet sa akin. One day pumayag rin ako sa gusto niya para lang hindi siya lumayo.

I am in agony when we are doing it. Nasasaktan ako... Naalala ko ang nangyari noon but I'm doing it for him. Para hindi siya mawala sa akin.

Naging ok naman kami... Bumalik na rin siya sa dati nung binigay ko ang gusto niya. Ayos lang na maalala ko ang nakaraan basta makita ko na masaya siya.

Matagal na umabot ang relasyon namin. College na kami at graduating kami pareho ni Dylan. Magkaiba kami ng kinuha na course kaya hindi ko masyadong kilala ang mga kaibigan niya.

Ngayon ang gawaan ng thesis namin na requirements sa final sem. Parehas kaming busy at hindi na kami nagkakapag-usap ng maayos ni Dylan.

One day nakita ko si Dylan sa canteen kasama ang isang babae na hindi ko kilala. Lumapit agad ako sa kanila.

"Dylan..." Sabi ko.

Lumingon siya sa akin at halatang nabigla siya sa akin.

"Oh hi Style! Kumain ka na ba?" Tanong niya.

"Sino naman ang kasama mo?" Tanong ko.

"Ay siya si Diann... Kaibigan ko siya. Kagroup ko rin siya sa thesis," sabi niya.

Ngumiti naman sa akin 'yung babae. Inaamin ko na maganda nga siya at medyo nagseselos ako.

"Sabay kayong kakain? Ang sweet naman. 'Di mo siya nakukwento sa akin," I said with sarcasm.

"Hmm... Oo kasi wala 'yung iba naming kagroup ngayon eh," nakangiting sabi ni Dylan.

"Hi! Nice to meet you," sabi naman nung Diann.

Ngumiti ka lang din ako ng pilit sa kanya. Medyo naiinis ako at nagseselos.

"Sino ba siya Dylan?" Tanong ni Diann.

"Ay siya si Style. Kaibigan ko..."

Nagulat ako sa sinabi ni Dylan. Kaibigan lang ako sa kanya? Alam ko na kami pero bakit ganun ang sinabi niya?

Sumikip ang dibdib ko sa sinabi niya. Pakiramdam ko ay namumuo ang mga luha sa mga mata ko.

"Mukha yatang naaabala ko kayo. Bye... I have to go," naluluha 'kong sabi.

"Wait Style!" Sabi ni Dylan.

Binilisan ko ang lakad ko at alam 'kong sinundan ako ni Dylan. Tumutulo na ang mga luha ko.

Ang sakit! Kinahihiya niya na may relasyon kaming dalawa sa harap ng ibang tao. Proud na proud akong boyfriend ko siya pero kinahihiya niya ako. Kinahihiya niya na may relasyon kaming dalawa.

"Style please wait!"

Naramdaman ko na lang na hinatak niya ang kamay ko at hinarap niya ako sa kanya.

"Kaibigan? Kaibigan mo lang ako?" Tanong ko agad.

"Style please let me explain!"

"Na ano Dylan? Na kinahihiya mo ako sa ibang tao?" Tanong ko at napatulo ang mga luha ko.

"No... It's not like that. Ayoko lang naman na i-judge tayo parehas dito sa university. Iniisip ko lang naman ang kapakanan nating dalawa," sabi niya.

"Pero masakit... Bakit kailangan nating itago? Proud ako na mahal kita! Proud ako ka boyfriend kita! Bakit ikaw kinahihiya mo lang ako?" Umiiyak 'kong sabi.

"Style... I don't want other people to judge us. Gusto ko na makakilos tayo ng normal dito sa school. Please understand," sabi niya.

Hindi na ako nagsalita. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Hinawakan niya ako sa mga pisngi at hinarap niya ako sa kanya.

"Style... Ginawa ko 'yun para na rin sa'yo. Gusto ko ka malaya ka at hindi hinuhusgahan ng iba. I do love you. Sana maintindihan mo."

"Si Diann... Nagseselos ako sa kanya," seryoso 'kong sabi.

"Wala kang dapat ipagselos Style. Kagroup ko lang 'yun sa thesis. Wala lang kasi 'yung ibang members. I love you Style. Please let's fix this. Trust me... Hindi kita lolokohin," sabi niya.

Tumango na lang ako. I'm holding his words. I'm keeping his promise. Sana nga maging tapat siya.

Lumipas ang mga araw at wala namang paramdam si Dylan. Sabi niya ay sobang busy niya sa thesis. Busy rin naman ako kaya naiintindihan ko siya.

Natapos din ang thesis at malapit na kaming makagraduate ni Dylan ng college. Monthsary namin ngayon kaya pumunta ako sa bahay nila.

"Dylan bakit yata ikaw lang ang tao dito sa bahay niyo?" Tanong ko.

"Oh Style... Bakit nandito ka?" Tanong niya.

Halatang nabigla siya. Ngumiti na lang ako sa kanya.

"Nasaan nga pala sila tita pati 'yung mga kasambahay niyo?" Tanong ko.

"Ay pumunta sila mama sa Canada. Nagbakasyon naman ang mga kasambahay namin."

"Huh? Kelan pa? Bakit hindi ko alam?" Nagtataka 'kong tanong.

"Biglaan kasi... May inaayos lang sila mama sa Canada," sabi niya.

Ngumiti na lang ako sa kanya. Hanggang ngayon ay nagagwapuhan pa rin ako kay Dylan kahit matagal na kaming may relasyon.

"Bakit ka nga pala nandito?" Tanong niya.

Nabigla ako sa tanong niya... Monthsary namin ngayon. Dapat alam niya kung bakit ako nandito eh.

"Hmm... Gusto sana kitang yayain na pumasyal muna," sabi ko na lang.

"Style... Pasensya na pero..." Putol niyang sabi.

Tumingin ako sa mga mata niya. Alanganin ang mga tingin niya sa akin. Huminga na lang siya ng malalim.

"Balak ko kasi sana na makipag-bonding sa mga kagroup ko sa thesis. Celebration namin mamaya," sabi niya.

Monthsary namin ngayon eh... I'm sure hindi niya naman makakalimutan...

"Style siguro next time na lang tayo pumasyal. Ok lang ba?"

Tumango na lang ako sa kanya. Ngumiti naman siya sa akin.

"Hmm... Sige uuwi na lang muna ako," sabi ko na lang.

Inaamin ko sa sarili ko... Nasaktan ako. Nagdesisyon ako na umuwi na lang.

Ang totoo ay may celebration din kami para sa thesis namin pero sinabi ko na hindi ako makakapunta kasi monthsary namin ngayon ni Dylan.

Bakit? Hindi ba parehas ang nararamdaman namin para sa isa't-isa? Bakit parang mas mahal ko siya kesa mahal niya ako?

Huminga na lang ako ng malalim at namumuo ang luha sa mga mata ko. Naisip ko na pwede pa pala akong humabol sa mga kagroup ko sa thesis kasi may celebration talaga kami.

Pumunta kaagad ako sa bahay ng kagroup ko sa thesis.

"Oh Style... Akala ko hindi ka makakarating," sabi ni Shiela.

"Ay nagbago kasi ang isip ko eh," nakangiti 'kong sabi.

Napansin ko na wala pa yata ang iba naming naging kagroup sa thesis.

"Nasaan na 'yung iba Shiela?"

"Ay masyado ka kasing maaga hahahah mamaya pa kasing gabi ang party natin," natatawa niyang sabi.

Ngumiti na lang ako. Sayang... Gusto ko sana talaga na ilaan ang araw na ito para lang kay Dylan.

I guess kailangan ko siyang bigyan ng time para sa mga friends niya.

"Hmmm... Style I want to ask you something. Nakita ko kasi kayo na magkasama ni Dylan. 'Yung pogi sa school. Magkakilala ba kayo?" Tanong niya.

"Oo... We're close..." Sabi ko naman.

"Nakita ko kasi kayo na nag-uusap last time eh. Hindi kayo masyadong magkasama sa school. Hindi ko alam na close pala kayo," sabi niya.

"Ay pareho kasi kaming busy sa thesis. Nakapasa rin nga sila eh. Sabi ni Dylan may celebration din daw sila ngayon ng mga kagroup niya sa thesis," sabi ko.

"Huh? Kahapon ang celebration nila," sabi ni Shiela.

Nagtaka ako sa sinabi niya. Kanina lang ay naka-usap ko si Dylan at sabi niya ngayon daw ang celebration nila.

"Paano mo naman nalaman na kahapon ang celebration nila?" Nagtataka 'kong tanong.

"Ay kapatid ko kasi 'yung isang kagroup ni Dylan sa thesis," sabi ni Shiela.

"Sino?" Seryoso 'kong tanong.

"Si Diann... Ang haba nga ng hair ni Diann eh. Swerte siya na naging boyfriend niya si Dylan. Actually inimbita siya ni Dylan sa bahay nila ngayon kaya wala siya sa amin."

Natulala ako sa sinabi ni Shiela. Alam ko na namumuo na ang luha sa mga mata ko.

"Uy Style ok ka lang ba? Parang natulala ka ah."

"Gaano na sila katagal ni Dylan?" Seryoso 'kong tanong.

"Hmm... Niligawan kasi siya ni Dylan eh. Sabi niya nagkagustuhan daw sila bago pa 'yung gawaan ng thesis. Ang alam ko ay 3 months na yata sila."

Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng mga luha ko. Ramdam ko ang maliliit na mga karayom na parang tumutusok sa dibdib ko.

"Style, why are you crying?" Nagtatakang tanong ni Shiela.

"Don't mind me... I'm ok," malamig 'kong sabi.

Naglakad na ako palabas at pinigilan naman ako ni Shiela.

"Uy saan ka pupunta?" Tanong niya.

"May aasikasuhin lang ako," sabi ko.

Nagmamadali akong bumalik sa bahay nila Dylan. Sumisikip ang dibdib ko. Gusto 'kong mapatunayan kung niloloko nga niya ako.

Medyo malayo ang biyahe. Kinuha ko ang phone ko para tawagan si Dylan. Nagulat ako at sinagot naman niya kaagad.

"Oh Style... Mamaya ka na tumawag. Nagkakasiyahan pa kami," sabi niya.

 Seryoso 'kong sabi.

"Hmmm... Sige na mamaya ka na tumawag," sabi niya.

"Ok... Enjoy."

Nanginginig ang kamay ko nang patayin ko ang tawag niya. Kailangan 'kong mapatunayan kung niloloko ba niya ako o hindi.

Nang makarating ako sa bahay nila ay nakasara ang pinto pero bukas naman ang gate.

Mabuti na lang at binigyan ako ni tita ng duplicate na susi para sa bahay nila.

Pumasok ako sa bahay at nakita ko na may dinner table sa loob at may mga kandila pa na nakasindi. Ubos na ang mga pagkain kaya mukha ngang nag-date silang dalawa.

Lalong nadudurog ang puso ko sa nakita ko... Napatulo na lang ang mga luha ko.

Pumunta ako sa tapat ng kwarto ni Dylan. Rinig ko ang mga malalakas na ungol. Pakiramdam ko ay unti-unting nadudurog ang buo 'kong pagkatao.

Kahit nanginginig ang kamay ko ay binuksan ko ang pinto. Tumambad silang dalawa sa akin. Nakahubad sila at naglalampungan.

Kitang-kita ko na hayok na hayok silang dalawa sa tawag ng laman nila.

Nanlalabo na ang mga mata ko dahil sa dami ng luha na naiipon. Hindi ko alam na ganito kasakit. Ito ang pinakamasakit sa lahat ng ginawa ni Dylan sa akin.

Pakiramdam ko ay dumudugo ang dibdib ko sa sobrang sakit. Pakiramdam ko ay unti-unti akong pinipilas sa nakikita ko.

Aalis na dapat ako pero nadanggi ko ang picture frame sa gilid kaya napatingin sila sa akin.

Kita ko na ang gulat sa mga mata ni Dylan pati ni Diann.

"Sorry... Naistorbo ko yata kayo. Aalis na talaga ako. Pasensya sa abala. Ituloy niyo lang ang ginagawa niyo," sabi ko at basag na ang boses ko.

Sinara ko ang pintuan at naglakad na ako palayo sa kanilang dalawa.

Nanghihina ang mga tuhod ko at hindi pa ako nakakalabas sa bahay ay natumba na ako.

Bakit? Minahal ko siya ng buong-buo! Binigay ko lahat ng gusto niya. Pinilit ko namang makipagsex sa kanya pero bakit? Hindi pa rin ba sapat?

Ang sakit! Sobrang sakit! Pakiramdam ko ay dumidilim ang buong paligid dahil sa nakita ko.

Kahit durog na durog ako sa nakita ko, pinilit 'kong tumayo. Pinilit 'kong umuwi sa bahay.

Kulang ba ang binigay 'kong pagmamahal? Kulang pa ba? Kulang ba ang lahat? Bakit? Binigay ko naman ang lahat ng kailangan niya!

Pinatawad ko naman siya! Kinalimutan ko naman lahat ng ginawa niya! Paano niya nagwa sa akin 'to? Paano niya ako nagawang gaguhin? Bakit niya ako pinag-mukhang tanga?

Pagka-uwi ko sa bahay ay halatang nagulat si mama dahil iyak ako ng iyak.

"Style anak... What happened?"

Hindi ko pinansin si mama. Dumeretso ako sa kwarto. Kinuha ko lahat ng mga pictures namin ni Dylan. Kinuha ko lahat ng album. Kinuha ko lahat ng mga binigay niya.

Inipon ko lahat at nilabas ko 'yun sa kwarto ko.

"Anak ano ang gagawin mo diyan?" Tanong ni mama.

Lumabas ako at nilagay ko lahat ng mga dala ko sa bakal na drum. Binuhusan ko ng gasolina.

"Anak ano ba ang nangyayari?" Nag-aalalang tanong ni mama.

Sobrang sakit... Ramdam ko ang mga kutsilyo na parang tumatagos sa dibdib ko. Sobrang sakit ng pakiramdam ko.

Kahit nanginginig ang kamay ko ay sinindihan ko ang posporo. Nilaglag ko iyon at sumilab ang mga larawan namin.

"Anak bakit sinunog mo ang mga pictures niyo ni Dylan?"

Tuloy-tuloy lang ang pagtulo ng luha sa mga mata ko.

"Simula ngayon... Wala na akong kilalang Dylan. Ayoko nang marinig ang pangalan niya. 'Wag na 'wag niyo siyang papasukin dito sa loob ng bahay. Ayoko na siyang makita," humahagulgol 'kong sabi.

Niyakap na lang ako ni mama. Sobra na ang pagtitiis ko kay Dylan. Sobra na niya akong sinasaktan.

Hindi ako makatulog... Nakatulala lang ako at paulit-ulit 'kong nakikita 'yung ginawa nila. Tinignan ko ang phone ko at marami na siyang missed calls. Tinanggal ko naman ang sim at tinapon ko agad.

Ayoko na siyang makita. Isang sumpa na minahal ko siya! Puro sakit lang ang pinaranas niya sa akin!

Pakiramdam ko ay napapaso ang balat ko sa tuwing naaalala ko ang kahayupang ginawa nila.

Kinabukasan ay hindi na ako lumabas ng bahay. Nagkukulong lang ako sa loob. Wala akong gana sa kahit na anong bagay.

"Anak nasa labas siya. Mukhang lasing siya. Gusto ka raw niyang maka-usap. Sumisigaw siya... Nakakahiya sa mga kapit-bahay," sabi ni mama.

"Paalisin mo siya mama. Tumawag ka ng pulis kung kailangan," matigas 'kong sabi.

Maya-maya ay mukhang napaalis nga ni mama si Dylan. Tahimik lang ako palagi. Bawat araw ay ramdam na ramdam ko pa rin ang sakit sa sobrang dibdib ko.

"Anak... Ano na ang plano mo? Ano ba talaga ang nangyari? Ganun ba talaga kalaki ang kasalanan niya para itaboy mo siya?" Tanong ni mama.

"Sino? Hindi ko siya kilala. Bangungot ang mga panahon na nakasama ko siya," mariin 'kong sabi.

Naisip 'kong sabihin kay mama ang lahat. Naintindihan niya ako. Simula pa lang naman kasi puro pasakit lang ang binibigay sa akin ni Dylan.

Simula pa lang, binibigay ko lahat ng kailangan niya kahit sinasaktan niya lang ako.

Siguro nga wala lang ako sa kanya. Siguro nga hindi niya naman talaga ako kayang mahalin. Siguro guilty lang siya sa mga kasalanan niya kaya naisip niya na patulan na lang ako para mapatawad ko siya.

Tinuloy ko lang ang buhay ko. Tinanggap ko na wala na akong dapat asahan kay Dylan. Dapat ay kalimutan ko na ang lahat ng mga alaala ko sa kanya.

Lumipas ang mga araw. Wala na akong balita kay Dylan. Mas mabuti na rin 'yun. Ayoko na siyang makita kahit kelan.

Kaso mukhang sinadya yata talaga na magkita kami. Pumunta kasi ako sa school para kumuha ng yearbook.

Inaabangan niya ako sa department namin. Sinundan niya kaagad ako. Binilisan ko lang ang lakad ko.

"Style please! Let's talk."

Hindi ko siya pinansin. Alam ko na sinusundan niya lang ako.

Bigla niya akong hinatak papunta sa room na walang tao. Nagpupumiglas ako pero malakas si Dylan kaya napilitan akong sumama.

"Style please... Kausapin mo naman ako," sabi niya.

"Bakit? Para saan pa?"

"Style 'wag ka namang ganyan. Let me talk. Gusto 'kong ayusin 'yung relasyon natin," sabi niya.

"Bakit? Tayo pa ba? Naging tayo ba talaga ha? Minahal mo ba ako?" Seryoso 'kong tanong.

"Style..." Naluluha niyang sabi.

"It's over! Hayaan mo na ako! Pinapakawalan na kita! Sumama ka na kay Diann. Pagod na ako sa'yo!"

"Style... Please stay with me. 'Wag mo akong iwan parang awa mo na!" Humahagulgol na sigaw ni Dylan.

Nakatingin lang ako sa malayo habang siya ay umiiyak at pinipiga niya ang kamay ko. Ayaw niya akong paalisin.

"Style, nakiki-usap ako sa'yo. Please don't leave me. Ayokong iwan mo ako! Diba mahal mo naman ako Style?" Tanong niya at namamaos na siya.

Hindi ako makasagot. Ayokong magkamali sa desisyon ko.

Sobra na akong nasaktan. Dapat ba magpakatanga na naman ako? Ilang beses na akong nasaktan ni Dylan.

Should I believe his promises again?

"Magsalita ka naman Style!" Humahagulgol niyang sigaw.

"Why should I? Ayokong magkamali ng desisyon Dylan. Sobra mo na akong sinira. Hindi ko alam kung kaya ko pa kapag sinaktan mo ulit ako," sabi ko.

Naramdaman ko na lang ang pagtulo ng mainit na tubig sa mga mata ko.

Ayokong tignan si Dylan. Baka mamaya maawa lang ako. Baka mamaya manghina ako. Ilang beses na niya akong sinaktan.

"But I love you Style. Promise! Hindi na kita sasaktan ulit," mahina niyang sabi.

Hindi ko alam na hahabulin niya ako. Hindi ko inakala na mapapaiyak ko rin siya. Kulang pa nga 'yan kumpara sa balde-baldeng luha na binuhos ko.

"Hindi na ako magiging masaya kapag wala ka sa akin Style. You brought colors to my life. Hindi ko kaya kapag wala ka," umiiyak niyang sabi.

"Inisip mo man lang ba kung anong mararamdaman ko bago mo ako niloko? Ang selfish mo Dylan! All this time ikaw lang ang iniisip ko! Kapakanan mo ang mahalaga sa akin! Hindi mo man lang ako inisip! Hinanap ko yung mga nawawalang parte ng puso mo para lang mapasaya kita! Kulang pa ba? Kulang ba lahat ng binigay ko? Hindi ko na inisip yung sarili ko sa sobrang pagmamahal ko sa'yo. Then what? Ito lang ang mapapala ko? Lolokohin mo lang ako? Tapos magmamakaawa ka sa akin na 'wag kitang iwan? Sobra na Dylan! I don't know if I can stay with you again. Sinira mo na 'to," sabi ko at itinuro ko ang dibdib ko.

"I know that this is not enough Style but I'm really sorry. I can't live without you," umiiyak niyang sabi.

"Kasi kapag kasama mo ako, hindi mo ako pinahahalagahan. Gusto ko lang naman maramdaman na mahalaga ako sa'yo! Kasi kapag nandiyan ako sa tabi mo, sinasayang mo ako," sabi ko at napatulo na naman ang nga luha ko.

Sobra na lahat ng sakripisyo ko para sa kanya. Nakalimutan ko na ang sarili ko dahil sa kanya.

Hindi ko alam kung ano pa ang kulang sa akin. Hindi ko alam kung ano ba ang wala ako na hinanap niya sa iba. Sobra niya akong dinurog.

"Please... Give me another chance Style," sabi niya sa basag na boses.

"Another chance? Do you know how many chances that I gave to you Dylan? Lahat ng chances na 'yun, lahat ng binigay ko, sinayang mo."

"Alam kong ginago kita. Alam kong nadurog ko na yung puso mo. Please let me fix you. Babawi ako sa'yo Style! Mamahalin na kita ng sobra 'wag mo lang akong iwan."

"I don't even know if I need your love. Hindi ko nga alam kung minahal mo ba talaga ako o kailangan mo lang ako," malamig kong sabi.

Hinalikan niya ang kamay ko. Hindi pa rin ako makatingin sa kanya. Baka mamaya magpakatanga na naman ako.

"I love you Style, I really do! Please give me a last chance. Please parang awa mo na," sabi niya.

Ramdam ko ang mga luha niya sa kamay ko. Huminga ako ng malalim.

Kailangan kong maging matapang. Tumingin ako sa kanya. Hindi siya ang Dylan na kilala ko. Bakit ganito? Ngayon lang siya nagmakaawa sa akin.

Madalas ay binabasura lang ako ng taong kaharap ko pero iba ang nakikita ko ngayon.

"Gusto mo bang malaman kung ano ang mga pinaranas mo sa akin? Gusto mo bang malaman kung ano ang mga sinakripisyo ko para sa'yo? Gusto mo bang malaman kung gaano karami ang mga kutsilyo na sinaksak mo sa dibdib ko ha?"

Tumango lang siya sa akin. Ipapaalala ko sa kanya ang lahat. Kung gaano ko siya minamahal.

Hindi ko na alam kung kaya ko pa. Baka mamaya ay masaktan na naman niya ako ng sobra. Gusto ko na siyang bitawan. Gusto ko nang sumuko.

May isang hibla pa rin sa katawan ko ang nagsasabing bigyan ko pa siya ng isang chance at 'wag ko siyang iwan.

There is a one big question in my mind that I can't answer. A question that is so hard to answer.

Shall I stay?

"Hindi mo na ba ako mahal Style? Diba sabi mo mahal na mahal mo ako? Parang awa mo na... 'Wag mo akong iiwan," humahagulgol niyang sabi.

"Oo mahal na mahal kita pero hindi ako ganun katanga para ipilit ko ang sarili ko sa'yo! Bakit? Ano ba ako sa'yo? Kinakahiya mo ako! Niloko mo ako! Tapos sasabihin mo na 'wag kitang iwan? Para ano? Para durugin mo ako lalo? I'm dying inside because of you! Sana inisip mo man lang ang mararamdaman ko! Siguro hindi mo naman talaga ako iniisip! Binigay ko naman lahat! Kahit may trauma ako nung na-rape ako ay pumayag akong makipagsex sa'yo para lang hindi ka mawala sa akin! Lahat ginawa ko para sa'yo! Pero ako... Hindi mo man lang inisip yung Style na mahal na mahal ka. Hindi mo man lang inisip 'yung Style na gagawin ang lahat para sa'yo. Tama na... Masyado mo na akong sinaktan. Mamamatay na ako sa sasusunod na saktan mo pa ako kaya tama na," umiiyak 'kong sigaw.

Naramdaman ko na binitiwan na niya ang kamay ko. Rinig ko ang malakas na pag-iyak niya.

Naglakad na ako palabas ng room. Pagod na pagod na ako sa kanya. Nakalimutan ko na ang sarili ko dahil sa kanya.

Kailangan ko na siyang iwan. Kailangan ko nang kalimutan ang lahat. Sobra na... Pagod na ako.

Masakit sa akin ang iwan siya but it's the only way to save my life. Binuhos ko lahat ng pagmamahal ko sa kanya. Siguro dapat ay sarili ko naman ang isipin ko ngayon.

Lumipas ang mga araw at wala nang paramdam sa akin si Dylan. Hindi na rin siya pumupunta sa bahay kaya napanatag na ang buhay ko.

Graduation namin ngayon. Masaya ako at tapos na ang pag-aaral ko. Iba ang pakiramdam nang isuot ko ang itim na toga. Pagdating ko sa event place ay nilibot ko ang tingin ko.

"Anak sinong hinahanap mo?" Tanong ni mama.

"Wala po..." Mahina 'kong sabi.

Tinitigan na lang ako ni mama. Nagtataka lang ako... Tumingin ako sa department ni Dylan pero hindi ko pa siya nakikita.

Natapos ang graduation at wala akong nakita na Dylan. Nagtataka ako... Bakit kaya hindi siya pumunta?

Pagkatapos ng graduation ay pumunta na kami ni mama sa resto at kumain lang. Pagkatapos kumain ay nagdesisyon kami ni mama na umuwi na sa bahay.

Nagulat kami ni mama dahil nasa labas ng bahay si tita. Umiiyak siya at mukhang inaabangan ni kami ni mama.

"Oh tita? Akala ko po nasa Canada kayo ni tito?"

Lumapit si tita sa akin at niyakap niya ako ng mahigpit.

"I know kung gaano kasakit ang ginawa ni Dylan sa'yo. Style please... Kailangan ka niya ngayon," umiiyak na sabi ni tita.

"He never needed me. Diba may Diann na siya?"

"No... Please don't judge so fast Style. Pakiusap, sumama ka sa akin Style! Kailangan ka ni Dylan. Please..." Umiiyak na sabi ni tita.

Parang naging mama ko na rin si tita. Niyakap ko na lang siya.

Pumayag ako sa gusto ni tita at sumama ako sa kanya. Nabigla ako at sa hospital kami huminto ni tita.

Hindi ako nagsasalita. Sumunod lang ako kay tita at kinakabahan ako. Huminto kami sa isang room.

Nakita ko si Dylan at nakahiga siya sa kama. May oxygen na nakakabit sa bibig niya. Napatakip na lang ako sa bibig ko at nagpipigil akong umiyak.

"Gusto ka niyang makita..." Umiiyak na sabi ni tita.

Napatulo na lang ang mga luha ko. Oo ayoko nang mag-stay sa tabi niya pero iba 'to. Mas masakit... Mas mahapdi sa akin na makita siyang ganyan.

Nanghihina ako... Hindi ko alam na ganito pala ang pakiramdam. Malaki ang kasalanan niya sa akin pero alam ko na ngayon niya ako pinaka kailangan.

Maya-maya ay dumilat na rin ang mga mata ni Dylan. Nakatingin siya sa akin at ngumiti siya. Tinanggal niya ang oxygen sa bibig niya.

"Dumating ka..." Mahina niyang sabi.

Ngumiti siya sa akin at napatulo ang mga luha niya. Hindi ko alam na mas madudurog pala ako na makita siyang ganito sa harapan ko.

"Ibang usapan 'to... Ngayon mo ako kailangan," seryoso 'kong sabi.

"Maiwan ko muna kayo," sabi ni tita.

"Nasaan si Diann? Diba dapat inaalagaan ka niya?" Malamig 'kong tanong.

Nakita ko ang lungkot sa mga mata ni Dylan. Hindi niya maitatago sa akin ang emosyon niya.

"Iniwan na niya ako. I can't blame her. Ayaw niyang mag-alaga ng tulad ko. Alam ko rin naman na magiging pabigat ako sa kanya," sabi niya at namumuo ang luha sa mga mata niya.

I guess hindi makakatulong sa kanya kung susumbatan ko lang siya. Kailangan niya ng mag-aalaga sa kanya.

"Kumain ka na ba?"

Umiling-iling lang siya sa akin.

"Magbabalat ako ng prutas."

Aalis na sana ako pero hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko. Tumingin na lang ako sa kanya. Namumuo ang luha sa mga mata niya.

"I'm so sorry Style. I'm such a coward. I'm such a stupid person," naluluha niyang sabi.

"It's not the right time to open that kind of issue. Hindi makakatulong na gumaling ka kung pag-uusapan natin 'yan ngayon. Kalimutan mo muna ang lahat hanggang sa gumaling ka," malamig 'kong sabi.

Lumabas muna ako saglit sa kwarto. Napatulo na naman ang mga luha ko.

Bakit ba ganito ka Dylan? Bakit ba ganito ka sa akin? Hanggang ngayon hindi pa rin kita magawang tiisin.

Lumipas ang mga araw at lagi akong nasa hospital. Ewan ko kung anong kaartehan ang meron si Dylan pero gusto niya na ako lang ang magpapakain sa kanya.

Lagi niya akong hinahanap kahit mawala lang ako ng saglit.

Meron namang improvement ang lagay ni Dylan. May cancer kasi siya pero buti at nakita kaagad kaya naagapan.

Akala siguro ni Diann ay mamamatay na si Dylan kaya iniwan na siya. Tingnan mo nga naman... Ako pa rin pala ang mag-aalaga sa kanya. Ako lang pala ang nagmamahal ng totoo.

Umuwi muna ako ngayon sa bahay para kumuha ng mga damit ko.

"Anak tumawag 'yung kaibigan ko sa France. Tignan mo raw 'yung email mo sabi niya."

Binuksan ko kaagad 'yung laptop ko. Tinignan ko ang email ng kaibigan ni mama sa France.

May job offer para sa akin...

Huminga ako ng malalim. Oo gusto 'kong magtrabaho sa France pero kilala ko naman ang sarili ko. Hindi ko pwedeng iwan si Dylan sa ganung sitwasyon.

"Anak tatanggapin mo ba ang job offer sa'yo?" Tanong ni mama.

"Kailangan ko pong pag-isipan."

"Sige... Alam ko naman na mahirap 'yan para sa'yo. Mahirap dahil hindi mo pwedeng iwan si Dylan ngayon."

Pinag-isipan ko ng mabuti ang offer sa akin. Bumalik na kaagad ako sa hospital at pinapakain ko ng sopas si Dylan.

"Mukha yatang malalim ang iniisip mo Style..."

Napatingin na lang ako kay Dylan at lampas na pala sa plato 'yung kinukutsara ko.

"Don't mind me," tipid 'kong sabi.

Kahit na inaalagaan ko siya ay malamig pa rin ang trato ko sa kanya. Hindi naman niya ako masisi. Ayoko naman na lokohin ang sarili ko sa totoo 'kong nararamdaman.

"Kamusta 'yung pakiramdam mo?" Tanong ko.

"Medyo ok naman... Ok kasi magaling 'yung nag-aalaga sa akin," nakangiti niyang sabi.

Tinitigan ko lang siya ng seryoso.

"Mabuti naman kung ganun."

Tinitigan niya rin ako at nawala 'yung ngiti sa mga labi niya. Umiwas na siya ng tingin. Ramdam niya yata ang lamig ko sa kanya.

"Ga...galit ka pa rin ba?" Mahina niyang tanong.

"Wag mong itanong ang bagay na alam mo naman ang sagot," seryoso 'kong sabi.

"I'm sorry..." Mahina niyang sabi.

Nakita ko na napatulo na ang luha sa mga mata niya. Pinunasan naman niya kaagad.

Lumipas ang mga linggo. Nakausap ko ang Doctor at sabi niya sa amin ni tita ay next week daw pwede nang lumabas sa hospital si Dylan.

Buti at naagapan kaagad ang cancer niya. Pagkatapos daw ng huling tests sa kanya ay ok na siya kung maganda ang result.

Nakahinga na ako ng maluwag. Kapag gumaling na siya ay hindi na niya ako kailangan. Malaya na siyang sumama sa kahit na sinong gusto niya. Pwede na siyang makipagbalikan kay Diann kung gusto niya.

Nang malaman namin ang resulta ay napakalaki ng pagpapasalamat ko sa Diyos dahil magaling na si Dylan. Siguro ay hindi na niya ako kailangan.

Sanay naman ako na nakikita niya lang ang halaga ko kapag kailangan niya ako. Tinanggap ko na rin ang offer ng kaibigan ni mama sa France.

Simula nung nakalabas si Dylan sa hospital ay wala na kaming communication. I guess tama ako... Hindi na niya ako kailangan.

Inayos ko na ang mga papers ko para makapunta na ako sa France. Excited na rin ako na makapunta sa ibang bansa.

Medyo may guilt... Medyo may regrets ako. Hindi ko na lang pinansin. Para 'to sa akin. Kailangan 'kong umalis para sa kinabukasan ko tapos 'pag naka-ipon ako, isasama ko na lang si mama sa France.

Inaayos ko na ang mga gamit ko. Nakabili na rin ako ng ticket at bukas na ako aalis.

"Anak sure ka na ba talaga na aalis ka?" Tanong ni mama.

"May dahilan po ba para hindi ako tumuloy?"

"Alam mo kung ano ang ibig 'kong sabihin anak," seryosong sabi ni mama.

"Pangarap ko po ang makapagtrabaho sa ibang bansa. Pangarap ko na makapunta sa Europe," nakangiti 'kong sabi.

"Eh si Dylan? Diba pangarap mo na makasama siya?"

Nabigla ako sa tanong ni mama. Nakaramdam ako ng lungkot.

"Opo mama pangarap ko 'yun. Pangarap ko 'yun dati pero ngayon, panaginip na lang 'yun," sabi ko at ngumiti ako ng mapait.

"What if..." Putol na sabi ni mama.

"Ano po 'yun?"

"What if pigilan ka niya na umalis?" Seryosong tanong ni mama.

"Hmmm... Hindi na nga po siya nagparamdam simula nung nakalabas siya sa hospital. Hindi na niya ako kailangan," sabi ko.

"Hindi ka man lang ba magpapaalam sa kanya?" Tanong ni mama.

Napaisip ako... Kailangan ko pa bang magpaalam sa kanya? I think he don't care naman kung aalis ako.

"Kay tita mo dapat magpaalam ka rin," sabi ni mama.

"Ikaw na lang po ang magsabi mama. Kailangan ko na magpahinga ngayong araw at bukas na ang flight ko," sabi ko na lang.

"Maaga pa naman anak... Pwede pa magbago ang isip mo."

"Mama naman... Wala po akong dahilan para hindi ituloy ang flight ko. Lagi naman po akong tatawag sa'yo."

Niyakap ko na lang si mama. Alam ko naman na mamimiss niya ako. Kapag nakaipon talaga ako ay sa France na kami titira ni mama.

Nabigla kami at may kumatok sa gate ng bahay namin. Lumabas kami ni mama at nakita ko si Dylan. Nakasuot siya ng red na longsleeves. Ang gwapo niyang tignan.

"Good evening Style..." Nakangiti niyang bati.

Mukha nang ok na ok na siya. Wala nang bakas na galing siya sa sakit.

"Tita... Pwede ko po bang hiramin muna si Style kahit saglit lang?" Magalang na tanong niya kay mama.

"Ay syempre naman..." Sabi ni mama.

Hindi ko alam kung anong ginagawa ni Dylan. Pumasok na lang ako sa kotse niya at nagmaneho na siya.

Binalot kami ng katahimikan sa kotse. Ramdam ko na may gusto siyang sabihin pero hindi siya nagsasalita.

Maya-maya ay huminto na ang kotse. Bumaba kami ni Dylan sa isang garden. Maraming bulaklak at maganda ang paligid.

Napangiti na lang ako nang ilibot ko ang tingin ko. Punong-puno ng makukulay na mga bulaklak ang buong paligid.

Maganda rin ang fountain sa gitna ng garden at may mga nakatayong sculpture na angels.

"Maganda ba dito Style?"

Tumango na lang ako sa kanya at ngumiti ako.

"Pasensya na... Hindi ako nagparamdam nitong mga nakaraang linggo. I think hindi pa kasi 'yun ang right time para humingi ako ng apology sa'yo. May mga inayos rin ako para sa future natin," nakangiti niyang sabi.

"Huh? Future natin?" Nagtataka 'kong tanong.

Nagtaka ako sa sinabi sa akin ni Dylan. Kahit minsan ay hindi namin pinag-usapan ang future naming dalawa kasi wala naman talaga siyang plano noon.

Hinawakan niya ang mga kamay ko. Kita ko sa singkit na mga mata niya ang namumuong mga luha.

"I know that I hurt you so much Style. I know that I broke your heart or should I say that I pulvorized it. I know that I'm so stupid. I'm a coward. I'm a fool. I have no balls. Yes... Naging tayo noon pero tumingin pa rin ako sa iba. Nabulag ako sa pag-aakala na may magmamahal sa akin na iba ng higit sa'yo pero hindi... Maling-mali ako! You are more than what I need. Wala nang hihigit pa sa'yo Style," sabi niya at napatulo na ang mga luha niya.

Hindi ko alam kung bakit pero nadadala na ako sa mga salitang binibitawan niya.

"I really can't imagine my life kung wala ka sa buhay ko. I want you to be with me forever. I'm all yours now Style. Gusto ko na ayusin 'yung nasirang tayo. Gagawin ko ang lahat ng gusto mo para maging karapat-dapat ako para sa'yo," umiiyak niyang sabi.

Namumuo na ang luha sa mga mata ko. Bakit ginagawa mo sa akin 'to Dylan?

"Mababaliw ako kung mawawala ka sa akin. Hindi ko kaya kung tuluyan kang mawawala so please give me one last chance."

Tumulo na ang mga luha ko. Lalo akong naguguluhan sa ginagawa ni Dylan sa akin.

"Inayos ko na ang lahat. Inayos ko na ang tickets natin papuntang Canada."

Lumuhod siya sa harapan ko. Nilabas niya sa bulsa niya ang maliit na pulang kahon. Binuksan niya at tumambad sa akin ang magandang sing-sing.

"Please... I'm begging you Style. Give me one last chance. Marry me..." Umiiyak niyang sabi.

Napatakip na lang ako sa bibig ko. Nanlalabo na ang mga mata ko dahil sa mga luha.

"I... I can't..." Nauutal 'kong sabi.

Kita ko ang pagkabigla sa mukha niya. Alam ko na puro tanong ang nasa isip niya ngayon.

Huminga ako ng malalim. Hindi ko alam na masakit pala itong sabihin.

"I have a flight tomorrow. I will work in France," umiiyak 'kong sabi.

Bigla niyang nabitawan ang pulang box na naglalaman ng engagement ring.

"Style no! Please stay with me! I'm begging you! Parang awa mo na! 'Wag mo akong iiwan... Mamamatay ako kapag nawala ka sa akin. Please! Give me one last chance! Parang awa mo na Style! Kahit last chance... Please..." Sigaw niya habang umiiyak at basag na ang boses niya.

Napatakip na ako sa mukha ko. Napakahirap... Hindi ko alam kung bakit pero nasasaktan pa rin ako.

Hindi siya 'yung typical na Dylan. Nakaluhod siya... Nagmamakaawa siya sa harapan ko. Ayokong makita siyang ganun.

Tumalikod ako sa kanya... Kahit mahirap ay sinubukan 'kong humakbang.

"Style please! Please I'm begging you! Please stay with me... I love you."

Rinig ko ang hagulgol sa boses niya. Ramdam ko rin na nadudurog lalo ang puso ko sa ginagawa niya.

Kailangan 'kong umalis. Nagawa ko na ang lahat ng dapat 'kong gawin.

Sinubukan 'kong maglakad papalayo sa kanya. Kahit medyo malayo ay rinig ko pa rin ang pag-iyak niya.

Napahinto ako... Ramdam na ramdam ko na lalo akong nadudurog habang naririnig ko siyang umiiyak. Hindi ko kaya na maging ganun siya.

Nagbago na ang isip ko... Hindi ko rin kayang iwan siya.

Lumingon ako sa kanya at nakayuko lang siya sa damuhan habang umiiyak. Tumakbo ako pabalik sa kanya.

Lumuhod din ako sa harapan niya at niyakap ko siya ng mahigpit.

"I hate you Dylan! I really hate you! Hanggang ngayon hindi pa rin kita kayang tiisin!" Humahagulgol 'kong sigaw.

Niyakap niya rin ako. Humihigpit ang mga yakap niya sa akin.

"Please Style... Don't leave me."

Hinigpitan ko rin ang yakap ko sa kanya. Siguro ay hindi naman masama kung bigyan ko siya ng last chance.

"Yes... I will stay with you forever," sabi ko sa kanya.

"Really? 'Wag kang mag-alala Style, I will never hurt you again. Pakakasalan na kita. Hindi na ako mahihiya na ipagsigawang mahal kita!"

Kinuha niya sa damuhan ang sing-sing na nalaglag at nanginginig ang mga kamay niya nang isuot niya 'yun sa akin.

Ngumiti na lang ako... Naramdaman ko na hinalikan ako bigla ni Dylan sa mga labi ko.

Napakarami naming natutunan ni Dylan sa isa't-isa. Hindi na ako tumuloy sa France. Inaayos na namin ang mga papeles namin para ikasal kami sa Canada.

Oo maraming beses akong nasaktan. Maraming beses akong nasugatan. Durog na durog ang buo 'kong pagkatao. Dylan is starting to fix my heart again.

Sa buhay... Hindi naman pala masama kung magbigay ka ng last chance.

Napakahalaga ng last chance na binigay ko kay Dylan. Masaya naman kami at mas naging malambing na siya sa akin. Lagi na niyang tinatanong kung ano ang mga gusto ko.

We are planning na mag-ampon ng bata after ng kasal namin.

Maraming beses akong nalugmok sa paghihirap at pighati ng buhay. Hindi naman pala sayang ang lahat ng paghihirap ko para kay Dylan.

Hindi naman nasayang lahat. Diba ganun naman talaga ang pagmamahal? You should know not how much you give but how much you can sacrifice.

Hindi naman kasi puro pagbibigay lang ang pagmamahal. Dapat ay magsakripisyo ka para sa taong mahal mo. Inintindi ko na lang si Dylan.

Natuto naman siya sa mga pagkakamali na ginawa niya. Hindi naman nasayang 'yung last chance.

Lahat naman tayo ay dadaan sa matinding sakit at paghihirap. Kung talagang mahal mo ang tao ay paulit-ulit kang tatanggap ng sakit para sa kanya.

Ganun naman talaga eh... Kailangan mong tumanggap ng sakit na galing sa taong mahal mo.

Isa lang naman ang dapat nating tandaan... Hindi natin dapat sukuan ang taong mahal natin. Everything is worth it for the ones we love.

Sa ngayon ay masaya na ako. Minsan may tampuhan pero isang kiss lang, ok na kami ulit.

Ang pag-ibig parang prutas 'yan. Matamis at masarap pero kapag napabayaan at hindi pinansin, unti-unting nabubulok.

I thought that we are already prisoned in our tainted love but I was wrong. There is always hope for change and chances.

Hanggang dito na lang siguro...

The End...

No comments:

Post a Comment

Read More Like This