Pages

Friday, April 28, 2017

Brad Mahal Kita, Matagal Na (Part 2)

 By: GuessWho

Hindi ko maintindihan kung bakit masiyadong mabigat sa akin ang nararamdaman ko. Hindi ako basta-bastang umiiyak. Pero dahil kay Luke, para akong bata na hindi matigil kakaiyak.

Nakokonsensya talaga ako sa nagawa ko sa kanya. Hindi naman ako basta-bastang nakokonsensya sa mga kalokohang ginagawa ko, marahil na rin siguro dahil special friend ang turing ko sa kanya, kaya masiyado akong affected ngayon.

Likas na sa akin ang pagiging babaero at basagulero. Ang pamilyang kinagisnan ko kasi ay puro maton. Ang daddy ko ay kilala sa larangan ng arm forces (Hindi ko na po babanggitin ang detalye). Ang mom ko naman ay mabagsik na president ng isang kilalang university sa aming probinsiya. Lima kaming magkakapatid na puro lalake.

Dahil na din siguro sa katungkulan ng daddy ko kaya malakas ang loob ko na maghanap ng gulo. Plus, since elementary at highschool, kung anu-ano ang pinae-engage samin ni Daddy na martial arts. Kaya ikinadagdag ng paglaki ng ulo ko yun. Advantage ko yun sa mga nakakaaway ko.

Kaya hindi na din maiwasang mapabarkada ako sa mga sira ulong mga tropa ko ngayon. Katulad ko ay mahilig din sila sa babae. Kaya nabansagan kaming “Tropang Malilibog”.

Pinagmamasdan ko lang siya na tahimik at maingat na pinupunasan ang katawan ko at ang mga dugo na nakakalat sa mukha ko. Habang ang mga luha ko naman ay walang humpay sa pag-agos.

Pinilit kong pigilan ang mga luha ko, kanina ko pa kasi nararamdamang humahapdi ang mga sugat ko sa ilalim ng mata dahil dumadampi dito ang aking mga luha.

Nang matapos na siya sa ginagawa niya ay bumalik siya sa CR para ibalik ang planggana at bimpo. Pinagmasdan ko lang siya hanggang sa nakabalik na siya sa kinaroroonan ko.

Kinuha niya ang puting T-shirt na inihagis niya kanina at akmang bibihisan na ako ay umiwas ako at kinuha ko ang damit sa kanya.

“Ako na Luke.” Mahinang sambit ko.

Sobra-sobra na kasi kung pati ang pagbihis ko ay gagawin niya pa.

Hirap man ako pero naisuot ko na din ang damit na pinahiram niya. Mediyo hapit lang ito sa katawan ko dahil mas malaki ang bulto ko kaysa kay Luke.

“Dito ka na muna matulog.. Bukas mo na hanapin ang susi mo.” Walang kabuhay-buhay niyang sabi.

Sinipat niya ang tingin sa ibabaw ng double deck. At dahan-dahang iniligpit ang mga nakakalat na gamit niya doon. Baka doon siya matutulog. Dati-rati ako ang pumupwesto doon sa tuwing inaabot kami ni Luke ng madaling araw sa kakainom ng alak. Mahigpit na ipinagbabawal ang alak sa dormitory namin. Pero iba ako, madiskarte ako at nagagawa ko ang mga bagay na gugustuhin ko. Maging ang mga girlfriends nga ng mga tropa ko ay nakuha ko din. Ganoon ako kasamang kaibigan.

Noon ay parang normal lang sa akin ang mga gawain na ‘yon. Pero nang ma-realized ko kung gaanong nasaktan si Luke, naisip ko kung gaano ako kasamang kaibigan. Hindi ko man lang naisip na paano kung dumating ang panahon na ako naman ang magmahal at agawin nila sa akin. Ano na lang ang mararamdaman ko?

Dahil sa kalasingan ay tuluyan na akong nahiga at nakatulog. Hindi ko na alam kung ano pa ang ginawa ni Luke o kung anong oras na siya natulog.

Kinaumagahan, dahil linggo nga at walang pasok ay late na ako nagising. Sinipat ko ang oras sa phone ko. Alas diyes kinse na pala. Pinakiramdaman ko kung may Luke bang natutulog sa ibabaw ng deck. Wala naman akong marinig na humihilik. Bumangon ako at sinilip ko si Luke. Wala siya at maayos na nakatupi ang kumot na ginamit niya kagabi.

Nasaan kaya siya?

Umupo muna ako sa bed at hinimas ang nananakit kong ulo dahil sa hangover. Ang bigat din ng mukha ko na pakiramdam ko ay kinagat ng maraming bubuyog. Lumapit ako sa salamin na nakakabit sa cabinet ni Luke.

Tiningnan ko ang replika ko sa salamin.

Nainis ako dahil bahagyang namaga ang kanang mata ko at may pasa sa gilid nito. May sugat din ako sa ilong at sa gilid ng labi. Nagalit ako. Naisip ko kaagad si Robin.

Lintek lang ang walang ganti.

Pag makahanap ako ng tyempo dudurugin ko din ang mukha niya na kagaya ng ginawa niya sa akin.

‘TANG-INA!! Hindi pa ako kilala ng Robin na ‘yon. Makikilala niya kung sino ako.’ sigaw ng isip ko.

Habang patuloy kong pinagmamasdan ang itsura ko sa salamin ay bumukas ang pinto at iniluwa nito ang seryosong si Luke na may dala-dalang dalawang supot. Sumulyap siya sa akin sandali at iniwas din at patuloy sa pagpasok. Inihagis niya ang isang supot sa lower bed na hinigaan ko.

“Binili kita ng band-aid, bulak at betadine. Siguro naman kaya mo nang gamutin ang sarili mo.” Matabang na sabi niya at dumirecho sa maliit na dining table at inilapag ang isa pang supot na sa tingin ko ay may lamang pagkain.

Hindi ako kumibo. Wala kasi akong lakas na loob na magsalita. Kung kagabi nagawa kong magsalita dahil lasing ako, hindi na ngayon dahil parang may bigat na pumipigil sa bibig ko upang magsalita.

Naninibago ako sa inaasta ni Luke. Hindi ako sanay na ganoon ang turingan namin. Napakalamig niya at ang dating nang pakikitungo niya ay parang nagsasabing ‘Umalis ka na, nakalimutan ko na ang pagkakaibigan natin’.

Nalungkot na naman ako. Hindi ko alam kung paano ako magsisimulang humingi ng tawad.

“Ipinagdala kita ng pagkain, kung gusto mong kumain ikaw na bahala. Kumain na ako kaya hindi kita masasabayan.” Matabang pa din ang pagkakasabi niya.

Na lalong ikinalungkot ko at ikinakunsensiya. Sa kabila ng nagawa kong kasalanan sa kanya ay concern pa din siya sa akin.

Nilinis ang sugat ko, ibinili ako ng gamot at ipinagdala ng pagkain. Sobrang nahihiya na ako kay Luke.

“O-ok lang brad. Uuwi na lang siguro ako.” Hindi ko kasi kaya ang konsensiya ko.

Tumango lang siya.

Sa isang iglap lang ay nawala na ang dating Luke. Isang kasalanan lang ay nawala na ang dati naming pinagsamahan.

Kasalanan ko ang lahat ng ito.

Tuluyan na akong nakalabas ng pinto. Nakatayo lang ako sa labas nun. Nag-iisip.

Binalikan ko ang lugar kung saan binugbog ako nila Robin. Mabuti at nakita ko ang susi ng kwarto ko.

Natulog lang ako magdamag at gabi na nang nagising. Hindi na tuloy ako makakuha ng tulog. Maaga pa ang pasok ko kinabukasan. Pero nang muli kong tingnan ang itsura ko sa salamin, naisipan kong huwag na lang muna pumasok.

Ginamot ko nalang muna ang mga sugat sa mukha ko at nilapatan ng yelo ang black eye. Mediyo humuhupa na ang pamamaga at pangingitim ng gilid ng mata ko. Sa susunod na araw siguro ay pwede na akong pumasok.

Kinuha ko ang nakaimbak na alak sa cabinet ko. Tutal hindi naman ako papasok bukas maglalasing nalang ulit ako.

Nagpatugtog ako ng malakas, hindi naman gaanong kadinig sa labas kaya sa tingin ko ay ayos lang. Humarap ako sa laptop ko at naglaro ng paborito kong online game habang lumalaklak ng alak.

Ganito lang ako. Sabi nga nila patapon na ang buhay ko. Wala naman akong pakialam kung ano ang sasabihin nila. Hindi ko din naman alam kung ano ang magiging direksyon ng buhay ko. Bahala na sila kung ano ang sasabihin nila.

Ang kurso nga na Business Management ay hindi ko talaga gusto. Pinilit lang ako ng  mga magulang ko para daw may mag manage ng rice mill namin sa probinsiya. Wala talaga akong balak na mag-aral at mas gusto kong maging tambay na lang.

Ako ang pinakabunso sa magkakapatid at ako lang ang hindi pa nakakatapos. May kanya-kanya na silang pamilya at negosyo. Ako lang ata ang maiiba sa kanila. Matalino naman ako pero hindi ko makuhang mag seryoso sa buhay.

Sinipat ko ang relo ko, alas tres na ng madaling araw. Patuloy lang ako sa ginagawa kong paglalaro at paglaklak ng alak.

Maya-maya ay may kumatok sa pinto ko. Sobrang lakas ng pagkakakatok at napikon ako. Madali akong lumapit sa pinto at ano mang oras ay babanatan ko ang putang-inang kumatok sa pinto ko. Patuloy pa din ito sa pagkatok.

Galit na galit kong binuksan ang pinto.

“PUTANG-I….” Natigilan ako nang makita kong si Luke ang kumakatok.

Seryoso ang mukha at dire-direchong pumasok sa kwarto ko at tinungo ang stereo na malakas na tumutugtog. Naiwan lang ako sa pinto dahil sa pagkabigla.

Binunot niya sa saksakan ang stereo dahilan para matigil ito sa pag-alingawngaw.

“Baka nakakalimutan mo magkatabi lang ang kwarto natin.” Matabang na salita pero mararamdaman mo ang inis sa tono niya.

Hindi ko masalubong ang tingin niya. Sa muling pagkakataon ay nahihiya na naman ako kahit na may konting tama na ang alak na iniinom ko.

”Kung ayaw mong matulog, magpatulog ka naman!” Mediyo tumataas na ang tono niya.

Kung sigurong nagkataon na wala akong kasalanan kay Luke baka binatok-batukan ko na siya. Ilang beses ko na kasing ginagawa ang magpatugtog ng malakas pero ngayon lang siya umangal.

“Sorry..” tipid kong sagot.

Hindi ko ugali ang magsorry kapag may kasalanan ako. Pero sa pagkakataong ito, parang obligado akong humingi ng paumanhin kay Luke. Gusto ko kasing magkaayos na ulit kami.

Agad na siyang lumabas at bumalik sa kwarto niya.

“Putang-ina brad! Anong nagyari sa mukha mo? Parang galit na galit ang gumawa niyan sayo at gustong-gustong sirain ang mukha mo.” Pang-aasar ni Rey na isa din sa myembro ng tropa.

Nasa classroom na kami noon. Pumasok akong may konting black eye at may band-aid sa ilong.

Hindi nila alam ang nangyari sa akin. Hindi rin yata nakwento ni Luke. Wala din naman akong balak na sabihin sa kanila dahil kayang-kaya ko ang Robin na ‘yon. Dudurugin ko talaga ang mukha nun, kahit magsama pa siya ng tropa niya.

“Gusto mo durugin ko yang mukha mo nang matahimik kang gago ka?” Paasik kong sabi kay Rey.

“Aba! May regla brad!” tumatawang pagtawag niya ng pansin kay JC na noon ay bising-bisi sa kaka review para sa quiz mamayang last subject.

Tumayo ako, binuhat ng bahagya ang upuan at pabagsak kong inilapag ito. Nakuha ko ang atensiyon ng iba pang kaklase namin. Kinuha ko ang bag at dire-direchong lumabas ng room.

Wala ako sa mood makipag-alaskahan. Alam ko nanibago sila sa inaasta ko. Pero wala na akong pakialam. Kung iiwan nila ako, bahal na sila. Kaya kong mag-isa.

Tumungo ako sa tambayan namin. Muli akong umupo sa bench na lagi kong tinatambayan. Doon na ako nag review para sa quiz namin mamaya.

Kinuha ko ang earphone at isinaksak sa ipod ko at nagpatugtog. Mas nakakatulong kasi sa akin yun para mas tumatak an nirereview ko sa utak ko.

Sa di kalayuan, nakita ko ang grupo nila Robin. Sa tingin ko ako ang pinagtatawanan nila. Uminit ang ulo ko pero hindi ako nagpahalata na nakikita ko sila sa sulok ng mga mata ko.

Nakabuo na ako ng diskarte para mabugbog ko siya mamaya. Aabangan ko siya sa madalas niyang dinadaanan. Naisip kong wala masiyadong tao ang lagi niyang dinadaanan kaya magandang tyempo yun.

Natapos na naman ang isang araw ng walang kakwenta-kwentang pag-aaral.

Alas sais na ng hapon. Nagtungo na ako sa pwesto ng paghihintayan ko kay Robin. Bahagyang nakatago  ako kaya hindi niya ako mapapansin.

Maya-maya ay nakarinig ako ng dalawang taong nagkukwentuhan. Boses ni Robin yun isa at ang isa naman ay yung kasama niyang tumulong na bumugbog sa akin.

‘Maganda to, dalawang ibon ata ang matatamaan ko ng iisang bato.’ Sa isip ko.

Nang marinig kong malapit na sila ay dinampot ko ang bato na nakita ko sa paanan ko. Bigla akong lumabas sa pinagtataguan ko at inihampas ng malakas sa ulo ng kasama ni Robin. Na outbalanced ito at natumba. Nakita ko ang itsura ni Robin na nabigla na may halong pagkataranta.

Ngumisi ako na parang demonyo na lalong ikinaatras niya. Hindi ko malaman kong aatras ba siya at tatakbo o makikipagbakbakan sa akin.

Mabilis siyang lumapit sa akin at inambahan ako ng suntok. Mabilis ko namang nasalo ng palad ko ang suntok na yun at pinilipit ang kamay niya kasabay ng napakalakas na suntok na binitawan ko sa sikmura niya. Napaungol siya sa sakit. Sinundan ko pa nang sinundan ang suntok na yun. Wala siyang laban dahil pinilit ng isang kamay ko ang kanang kamay niya.

Nang magsawa ako sa kakasuntok ng sikmura niya ay hinablot ko ang buhok niya at inihampas ang mukha niya sa nakaabang kong tuhod. Malakas ang pagkakahampas ko na yun dahil nakaramdam din ako ng sakit sa ginawa ko na yun. Dalawang beses kong tinuhod-tuhod ang mukha niya at tinulak siya. Naging sanhi ng pagkatihaya niya sa sahig. Mabilis akong pumaimbabaw sa kanya at pinuntirya ng dalawang kamao ko ang mukha niya.

Para akong demonyo na gustong-gusto kong durugin ang mukha niya. Nakikita kong duguan na ito pero hindi pa din ako natigil.

Maya-maya ay may matigas na bagay na malakas na pumukol sa gilid ng ulo ko. Pakiramdam ko nasugatan ang ulo ko.

Nakabawi na pala ang tropa ni Robin at siya ang humampas ng bato sa ulo ko.

Nakaramdam ako ng pagkahilo pero kailangan kong bumawi sa PUTANG-INA na to.

Hindi na makagalaw si Robin sa panghihina kaya hinarap ko naman ang tropa niya. Hawak-hawak pa din ang bato sa kanang kamay. Duguan na din ang mukha niya dahil sa pagkakahampas ko sa kanya kanina. Ubod ng bilis niyang ibinato sa akin ang hawak niya pero mabilis din akong nakailag. Lumapit siya sa akin para suntukin ako sa mukha pero nakailag ulit ako. Sinalubong ko siya ng napakalas na sipa na sanhi ng pagkakaatras niya. Lumapit akong muli sa kanya at ubod na lakas kong sinipa ang panga niya. Tuluyan na siya natumba at tulad nang kay Robin pumaimbabaw ako sa kanya at pinagsusuntok ang mukha hanggang sa magdugo na ito.

Nang mahimasmasan ay tinigil ko na ang pagpapadugo ng mukha niya. Na relieved ako, wala naman palang kalatuy-latoy ang mga to. Hindi man lang ako pinahirapang bugbugin ko sila.

“MGA PUTANG-INA NIYO!!!. NGAYON KILALA NIYO NA AKO. MGA LAMPA, MGA PUTANG INA!!”.

Malakas kong sigaw sa dalawang nakahilata sa daan na duguan ang mga mukha. Dinuraan ko pa ang mukha ni Robin saka ako umalis nang nakangisi at inaayos ang uniform na suot.

Kinapa ko ang ulo kong hinampas ng bato kanina. Nakapa kong may dugo at sugat ang bahaging malapit sa sentido ko. Napailing na lang ako. Hindi ko na ininda ang sakit nun. Sanay na din ako sa ganyang sugat. Ang mahalaga ngayon, nakaganti na ako kay Robin.

Patuloy akong naglakad at inilagay ang earphone sa tenga ko at nagpatugtog ng rock music. Feel na feel ko ang paglalakad ko na pakiramdam ko ako ang totoong ‘Hari Ng Tondo’.

Pumasok ako kinabukasan na may dagdag na bandage sa ulo ko. Daig ko pa ang gangster. Sinita ako ng guard at pinapunta sa office ng Dean namin. Nagdahilan lang ako na nahulugan ng falling debris sa ginagawang building na dinadaanan ko. Alam ko hindi siya naniwala sa mga sinabi ko pero, binigyan niya ako ng chance. Pinalagpas niya ang pagkakataon na ito.

Nakita ko si Luke na puno ng katanungan ang mukha niya. Pero hindi niya ako nakuhang kausapin.

Dumistansiya na din muna ako sa tropa at lumipat ng upuan. Gusto ko lang mapag-isa.

May isang oras na vacant kami, kaya nagtungo muli ako sa tinatambayan namin. Napansin kong may nakaupo doon sa bench na paborito kong upuan. Noong una ay hindi ko nakilala dahil nakatalikod, kaya binaling ko sa ibang bench ang tingin ko. Pero noong ibinalik ko ang tingin ko sa nakaupo. Nakilala ko ang taong nakaupo roon.

Si Luke…

Hindi ko alam kung lalapit ba ako o maghahanap ng ibang mauupuan. Parang ayoko pa kasing kausapin siya dahil nahihiya pa din ako.

Bigla siyang lumingon sa kinaroroonan ko at nagtama ang pangin namin. Binawi ko din kaagad at ganun din siya. Nanatili lang siyang nakaupo habang nakatalikod sa akin.

Naisip kong lapitan nalang siya, tutal nakita niya na ako.

Parang napakabigat ng mga paa kong nagtungo sa bench na kinaroroonan niya. Tumayo muna ako sa gilid nito habang siya ay sumulyap sa akin saglit at muling ibinalik ang tingin sa malayo. Pareho kaming nakatingin sa malayo. Nagpapakiramdaman kung sino ang unang magsasalita.

Wala akong mahagilap na salita para magsimula ng pakikipag-usap. Nakakailang at nakakapanibago talaga, dahil noon hinding-hindi kami nawawalan ng kalokohang pinag-uusapan. Pero ngayon, ibang-iba na. Magkalapit lang kami pero parang ang layo namin sa isa’t-isa.

Nakakalungkot lang. Ibang-iba ang lungkot na naramdaman ko. Para bang nasa kawalan ako na nag-iisa nalang at walang makitang ibang tao na pwedeng makausap at gugugulin ko ang buong buhay ko sa kawalan na yon hanggang mamatay akong malungkot.

Tumikhim siya na nagpabalik sa akin sa ulirat.

“Sayo ata ‘to.” Matabang niyang sabi habang may inaabot na ballpen sa akin.

Napansin kong iyon ang ballpen na ibinigay niya sa akin noong nakaraan na may pangalan niya pang nakasulat at nakasiksik sa loob. Akala ko nawala na yun dahil naiwan ko ito sa bench na inuupuan ni Luke ngayon.

Kinuha ko ang ballpen na inabot niya. Akala ko talaga nawala na ito.

“Salamat.” Tipid kong sagot.

Gusto kong itanong sa kanya kung paano niya ito nakita pero nahihiya ako.

“Nakita ko yan dito, noong tumambay tayong kasama ang tropa. Itinago ko lang” Nakatingin pa din siya sa malayo.

Tumango-tango lang ako. Mukhang naramdaman niyang gusto kong itanong yun.

“Upo ka.” Pag-aaya niya.

Dahan-dahan naman akong umupo. Parang gusto kong umalis dahil sa pagkakailang ko. Pero may bahagi ng utak kong nagsasabi na manatili ako doon at makinig lang sa sasabihin ni Luke.

“Pakiramdam ko magkatulad kami ng ballpen para sayo.” Malungkot niyang sabi at yumuko.

“B-bakit Luke?” Nag-aalangan kong tanong. Hindi ko kasi nakuha ang sinabi niya.

“Hindi mo kayang pahalagahan at hinayaan mo lang na mawala. Pareho kaming walang kwenta para sayo.” Nakayuko lang siya habang sinasabi ang mga salita na yun.

Napatingin ako sa kanya at nakaramdam ng lungkot. Muli akong nakonsensya.

Kagaya ni Luke hindi ko din nabigyang halaga ang ballpen na ibinigay niya, hinayaan ko lang itong mawala at hindi na hinanap pang muli. Katulad din ng ballpen, muli itong bumalik sa akin nang hindi ko naman hinanap. Parang si Luke, kinakausap niya na ako ngayon na kung tutuusin ako ang dapat ang gumagawa ng paraan para makapag-usap kami at makahingi ako ng tawad.

“Sorry brad.” Simpleng tugon ko.

Marami akong ibig sabihin sa ‘sorry’ na binitawan ko. Sorry dahil ginago ko siya. Sorry kung hindi ko siya napahalagahan at sorry dahil nasaktan ko siya.

Lumingon siya sa akin kaya napalingon na din ako sa kanya. Matamlay ang mga mata niya.

Muli niyang ibinalik ang tingin sa malayo. Tiningnan ko lang siya.

“Nagsisisi na ako brad.. Hindi ko na aasahang mapatawad mo ako… Pero gusto ko lang malaman mo… na… nagsisisi na ako. Kaya lumalayo na ako sa tropa dahil alam kong wala akong kwentang kaibigan. Masasaktan ko lang kayo, lalo na ikaw. Ayoko na ulit saktan ka” Mahaba kong sabi sa kanya.

Yumuko na lang ulit ako.

Alam kong lumingon siya sa akin pero nanatili lang akong nakayuko. Hindi ko nakita ang reaksyon niya sa sinabi ko.

“Ano na naman ang nagyari sa ulo mo?” Pagpansin niya sa bandage na nasa ulo ko.

“Ah wala ito.. wag mo nang pansinin.” Pilit akong ngumiti.

Hindi na siya sumagot.

Nakuha ko nang maglihim sa kanya. Samantalang dati rati ay wala akong lihim na itinatago sa kanya. Lahat ng kalokohan ko ay alam niya.

Tumayo siya at nagsalita.

“Mauna na ako.” Pagpapaalam niya at tuluyang naglakad. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip niya.

Naiwan lang ako na nag-iisip. Pagkakataon ko na sanang kausapin siya at patuloy na humingi ng tawad nang sa ganun ay maging okay na ulit kami.

Pumunta ako sa tambayan na ito para mag review, hindi ko nagawa yun dahil okupado ni Luke ang isipan ko.

Kinabukasan ay napansin kong wala si Luke sa upuan niya.

“Brad! S-si Luke?” Tanong ko kay Marco.

“Hindi mo ba alam?” makahulugan ang tingin niya sa akin.

Ginantihan ko din siya ng makahulugang tingin habang nakakunot ang kilay ko. Kinabahan ako.

“Binugbog siya kagabi brad ng grupo nila Robin. Hindi namin alam kung ano ang dahilan. Pero napag-usapan na namin na rumesbak.”

Una, nalungkot ako dahil hindi na talaga ako kasapi ng tropa nila. Nagplano sila na rumesbak pero hindi ako kasama sa usapan nila. Pangalawa, ako lang ata ang walang alam sa nangyari kay Luke. Pangatlo, galit na galit ako dahil alam kong ako ang dahilan kung bakit nila binugbog ang walang kalaban-labang si Luke. Nahinuha ko na gumanti sila sa akin pero kay Luke nila ginawa yun. Alam kasi nilang hindi mahilig sa gulo si Luke.

Galit na galit ako. Naisip ko ang grupo nila Robin. Galit na galit ako bakit nila ginawa kay Luke yun. Hindi nalang sila gumanti sa akin, natatakot ba sila sa akin? Pero bakit si Luke pa?

Sa muling pagkakataon ay nakonsenya ako lalo. Nadadamay na si Luke sa mga kagaguhan ko. Hindi ko mapatawad sarili ko. Galit na galit ako at gumawa ng plano.

Mamayang gabi pupunta ako sa bilyaran na tinatambayan ng grupo nila Robin. Hindi ko kailangan ng backup, ang galit ko ay sapat na para durugin ang mga putang-ina. Uunahan kong rumesbak ang mga tropa ko. Ako ang mag-aayos ng gulong sinimulan ko. Wala na dapat nadadamay pa.

Nadedemonyo na naman ang utak ko. Wala silang kadala-dala.

Nagtext muna ako kay Luke bago ko isinagawa ang plano ko.

‘Brad! Nabalitaan ko ang nangyari sayo. Kasalanan ko ito. Hayaan mo ako ang magtatapos nito. Sorry uli.’ Saka ko isinend kay Luke.

Kinagabihan, pinuntahan ko ang tambayan nila. Hindi ako nabigo dahil nakita ko silang tatlo na nagbibilyar.

Kinuha ko ang isang stick at malakas na inihampas sa likod ni Robin. Nagsimula na ang bakbakan. Galit na galit ako na kahit nahahampas din nila ako ng stick ay hindi ko iniinda. Pinuntirya ko talaga si Robin.

Nagkagulo sa lugar na yun pero wala silang magawa dahil sa galit ko.

Natapos ang sagupaan na umatras sila at nagsitakbuhan. Hindi nila kaya ang bagsik ko.

Habang ako naman ay duguan, mas marami ang dugo ko kesa sa kanila pero alam ko na natalo ko sila. Pinagbantaan ko muna sila bago nagsitakbuhan at sa tingin ko ay mananahimik na sila.

Saka ko naramdaman ang sakit ng bawat suntok, sipa at palo na ginawa nila sa akin. Nagkulay pula ang paningin ko na tumatakbo palabas ng bilyaran na yun, hinabol kasi ako ng mga tao. Malamang baka may-ari ng bilyaran. Dumirecho ako sa eskinita. Nang maramdaman ko na wala ng sumusunod sa akin ay naglakad na lang ako. Paika-ika.

Tulad ng dati gulat na gulat si manong guard sa itsura ko. Pero nasanay na siya. Kinakaibigan ko na lang din siya para hindi ako isumbong sa may-ari ng dormitory at baka mapaalis ako ng wala sa oras.

Dumirecho ako sa pinto ni Luke. Gusto ko siyang makita at magsorry dahil nadamay siya sa kagaguhan ko.

Marahan akong kumatok. Maya-maya ay bumukas ito.

Nagtataka at nag-aalalang mukha ni Luke ang nasilayan ko. May black eye din siya at may sugat sa ilong at noo. Kung tutuusin mas nakakaawa ang itsura ko ng mga panahon na yun, pero mas naawa ako kay Luke. Ayokong nakikita siya sa ganoong itsura, ayokong nasasaktan siya.

Kaagad akong lumapit sa kanya. Kahit na puro dugo ang damit ko ay mabilis akong yumakap sa kanya. Mahigpit na mahigpit.

Miss na miss ko siya.

Hindi siya pumapalag pero hindi din naman siya gumaganti ng yakap. Para lang siyang manikin na walang buhay na dinadama ang yakap ko.

Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya.

Nagkatitigan kami, mediyo matagal. Nangungusap ang mga mata niya.

Napunta ang tingin ko sa mga labi niya. Parang nag-aanyayang halikan ko ito.

Napalunok ako.

May hindi maipaliwanag akong naramdaman parang gusto ko siyang halikan.

Tila may magnet ang mga labi niya na onti-onting hinahatak ang mga labi ko at binigyan siya ng mariin na halik. Hindi ko maintindihan, parang hindi ko kontrolado ang lahat. Parang ang katawan ko lang ang may gustong gawin yun, ang utak ko naman ay tumatanggi pero walang nagawa.

Hindi ko maipaliwanag ang kakaibang pakiramdam na dala ng halik na yun. Para akong sinisilaban at nagnanais pa ng higit pa roon.

Nanatiling nakadikit ang labi ko sa labi niya.

Nanlaki ang mata ko nang mapagtanto ko kung ano ang ginawa ko.

Agad kong ihiniwalay ang labi ko sa mga labi niya. Nakita ko siyang nanlaki din ang mata na nabigla at naguguluhan sa ginawa ko. Binawi ko din kaagad ang tingin ko sa kanya dahil hindi ko kayang titigan siya ng matagal. Nahihiya ako sa ginawa ko.

Kahit ako hindi ko maipaliwanag bakit ko nagawa yun.

Parang may bahagi ng pagkatao ko ang nagising dahil sa halik na iyon. Nagustuhan ko ang halik na yun pero panay ang tanggi ng utak ko.

Hindi maaari. Hindi ako bakla. Bakit ko nagawa yun?

Mabilis akong tumalikod sa kanya at naglakad patungo sa silid ko.

Labis ang kabog ng dibdib ko.

Naghalo-halo ang emosyon na naramdaman ko.

Parang sasabog na ako….

Ang masama pa at lalong ikinabahala ko ay tinigasan ako sa simpleng halik na yun.

Patay na!!!!

Itutuloy…

AN:Gusto ko lang po bigyan ng description ang itsura namin ni Luke.

Si Luke ay kasing tangkad ko na nasa 5’11” ang height. Maganda ang hubog ng katawan pero hindi siya nag ji-gym na tulad ko. Seryosong tao siya pero pag dating sa tropa kwela din ito at mahilig mang-asar. Sa lahat ng magtotropa si Luke lang ang kayang sumeryoso ng babae. Nagkaroon na din siya ng maraming girlfriend pero hindi niya ginagawang sabay-sabay. Maputi si Luke at kutis mayaman. Kung sa paningin ng mga babae isa siyang dream boy na pinapangarap ng karamihan na maging boyfriend.

Ako naman ay sakto lang. Mas maganda at malaki lang ng bahagya ang katawan ko kaysa kay Luke dahil may sariling gym kami sa bahay. Laging bilin ni Daddy na mag gym daw kami para gumanda ang hubog ng katawan naming magkakapatid. Strikto ang daddy namin kaya kahit sa ayaw at sa hindi napipilitan kaming mag workout. Hindi naman kami nagsisisi na sinunod ang bilin niya dahil nakikita ko naman sa katawan ko ngayon ang resulta.

Bastos akong makipag-usap sa mga hindi ko feel na kausap.

Sabi nila, maganda daw ang mata ko. Mapupungay daw ito na parang laging inaantok. May katangusan din ang ilong ko dahil si Daddy ay half Spanish at namana naming magkakapatid yun. Maputi din ako pero may mangilan-ngilan na pekas sa mukha dahil na nga din sa dugong Spanish. Pero hindi naman ako na ko-conscious sa mga pekas na yun. May peklat din ako sa gilid ng kilay, sa ilong at sa ilalim ng baba at lahat ng yon ay dahil sa gulong pinapasok ko. Ewan ko ba pero attractive daw ang peklat ko na yun sabi nila. Minsan nga kahit maliit lang na tigyawat ay nilalagyan ko ng band-aid para lang makahatak ng chicks hehehe.

Madami pa din naman kasi nagkakagusto sa akin na babae. Sabi nga nila ako daw yung tipong masarap mahalin dahil kaya ko silang ipagtanggol dahil sa reputasyon kong basagulero. Lalakeng-lalake daw. Hindi ko sila maintindihan kung bakit ganoon nalang ang pagtingin nila sa akin. Kung matinong babae lang ay hindi ako papasa dahil sa ugali ko.

Iyan muna sa ngayon.

I would like to take this opportunity to thank all those who support this story.  Your comments really gave me more power and inspired me a lot to continue this story. I will mention your names in the next chapter.

Please continue posting your comments, nakakatuwa kasing basahin. Naiintindihan ko na ngayon ang ibang Author na laging nagsasabi na napapangiti sila sa tuwing may nag ko-comment sa story nila. =)

Hi pala kay RYAN. Sana mabasa mo ito =)

God Bless you all.

No comments:

Post a Comment

Read More Like This