Pages

Thursday, April 13, 2017

My Innocent Lover (Part 2)

By: Lord Iris

Hi again readers! I'm so happy because of my last update. Salamat po sa suporta niyo sa akin. Salamat po ulit at sana ay hindi kayo magsawang sumuporta.

Eros POV

Habang nakahiga sa kama ay bigla ko na lang narinig ang phone ko na nag-ring kaya tiningnan ko ito at natuwa naman ako ng malaman ko kung sino ang tumatawag sa akin kaya sinagot ko na ang phone ko...

"Hi babe! I miss you na!". Malakas nitong sabi sa akin.

"Kamusta ka na?". Mahinahon kong tanong ko sa kanya.

"Ok naman ako! Hang out tayo mamaya sa bar". Pag-aya nito sa akin.

Tiningnan ko muna ang orasan at six pa lang naman ng hapon kaya sasama na ako sa kanya...

"Anong oras ba mamaya?". Tanong ko sa kanya.

"Oh my God! Sasama ka?". Di maka-paniwalang tanong niya sa akin.

"Oo! Anong oras ba?". Tanong ko ulit.

"Mamayang 10:00 pm doon sa favorite kong bar". Sabi niya.

"Sige... pupunta ako mamayang 10:00 kaya hintayin mo na lang ako". Sabi ko sa kanya.

"Sige bye na! I love you babe...". Malambing niyang sabi sa akin.

"Same to you...". Sagot ko.

"Ano bayan! Walang I love you too!". Naiinis niyang sabi sa akin.

"Sige na! Bye na!". Sabi ko sabay baba ng phone para putulin ang usapan naming dalawa.

Siya si Shane ang baliw kong girlfriend at friend ko siya simula pagkabata kaya kilala na niya ako...

Wala talaga akong nararamdaman na special para sa kanya pero nung araw na inamin niyang mahal niya ako ay nakaramdam ako ng awa sa kanya dahil siya lang ang kaibigan ko at wala naman akong mahal na iba kaya pinagbigyan ko siya na magkaroon kami ng relasyon kahit kaibigan lang ang turing ko sa kanya at alam niya yun pero masaya pa rin siya...

Sinasakyan ko na lang ang mga kabaliwan niya at masaya namang kasama si Shane dahil jolly siya pero sobrang obsessed siya sa akin at minsan nasasakal na ako pero pinagbibigyan ko na lang...

Naghanap muna ako ng babagay sa aking damit at nakalimutan ko na mothsary pala ulit namin ngayon at baka umiyak na naman siya kapag di ko siya binati...

Bumaba na ako ng kwarto at pupunta na ako sa sports car ko na gift sa akin ng mabait kong step dad...

"Anak... saan ka pupunta?". Tanong sa akin ng step dad ko.

"I'm going to hang out with Shane". Seryoso kong sagot sa kanya.

"Well if that's the case... enjoy!". Nakangiti niyang sabi sa akin.

"Thanks!!!". Sagot ko at sumakay na ako ng kotse.

Mabait ang step dad ko at nagpe-pretend siya na totoong parent para sa akin but I always feel that I'm incomplete and I don't know the reason. Yung para bang may hole or empty space ka sa heart mo na hinahanap mo ang nawawalang part...

Mga 20 minutes din akong nagda-drive hanggang sa makarating ako dito sa bar na pinag-usapan namin ni Shane at hinanap ko na siya kaagad pagkapasok ko sa loob...

Nakita ko siyang mag-isa sa isang table at naka-suot siya ng fitted crimson red na sexy dress at inaamin kong maganda talaga si Shane at half Korean siya kaya makinis ang kutis niya at lumapit na ako sa kanya...

"Hi Eros! I miss you so much!". Sabi sa akin ni Shane at niyakap niya ako sabay nakaw ng halik sa pisngi ko...

"Happy Monthsary Shane...". Seryoso kong sabi sa kanya.

"Wow! I thought nakalimutan mo na naman kaya ready na akong magdrama...". Nakangiti niyang sagot sa akin.

"Baliw ka talaga! But I miss you too". Mahinahon kong sabi kay Shane.

"Happy Monthsary!!! I love you Eros". Nakangiting sabi sa akin ni Shane sabay abot ng isang gift.

"Oh? Ano naman toh?". Nagtataka kong tanong sa kanya.

"Edi gift! Monthsary natin ngayon eh kaya binilhan kita". Malambing niyang sabi sa akin.

"Hindi naman kailangan eh". Sagot ko

"Ok lang kahit wala kang gift sa akin ang mahalaga ay girlfriend mo ako". Seryosong sabi ni Shane.

"Umaandar na naman yang pagka-possessive mo sa akin". Sagot ko.

"I don't care basta akin ka lang". Sagot niya sa akin.

"Anong gusto mong drink?". Tanong ko kay Shane.

"Vodka na lang... pero wait lang at pupunta lang ako sa CR.". Sagot niya

Umalis muna si Shane at nagmamasid ako sa paligid ng bar habang hinihintay ang order naming dalawa at napansin ko na parang kilala ko yung isang waiter na maputi at hindi ako pwedeng magkamali sa nakita ko ngayon...

Tama! Siya si Cyril pero bakit siya nagtatrabaho dito? hindi ko alam na sa ganito pang klaseng lugar magtatrabaho ang inosenteng kagaya niya at hindi siya bagay dito...

Nag-serve siya sa ibang customer dito sa bar at habang nilalagay niya yung glass ay tinapik ng isang customer na lalaki yung pwet niya...

"Pwede ka bang i-table?". Narinig kong sabi nung lalake kay Cyril.

"Sorry sir... hindi po ako babae at waiter lang po ako dito...". Mahinahong sagot ni Cyril doon sa lalake.

"Mas maganda pa nga ang kutis mo kesa sa babae... I will offer you 10,000 pesos in cash or kung gusto mo name your price na lang kung sasama ka sa akin this night...". Sabi nung lalake sabay ngiti ng nakakaloko.

"Sorry sir... hindi po ako ganun". Natatakot sa sagot ni Cyril.

"Ok... I know that you're still innocent pero sayang naman...". Nang-aakit na sabi nung lalake kay Cyril.

"Sige po... magse-serve na po ako sa ibang customers". Sabi ni Cyril at nagmamadali na siyang umalis.

Bakit siya nagtatrabaho dito? Gabi-gabi ba siyang nababastos ng ganun at hinahayaan niya lang yung mga ganung klaseng customers?

Paano niya nasisikmura ang environment sa ganitong klaseng lugar? At alam kong napipilitan lang siyang magtrabaho dito...

"Oh Eros! I'm sorry at medyo natagalan ako sa CR". Sabi sa akin ni Shane.

"Let's have a drink...". Sagot ko sa kanya at nagsimula na kaming uminom.

Lumalalim na ang gabi at madaling araw na pala pero ayaw pang umalis ni Shane dito at magpapasundo na lang daw siya sa daddy niya...

Lasing na talaga si Shane pero ako parang hindi lang naka-inom kasi matibay talaga ako sa inuman at hindi pa ako nalalasing ng sobra kahit marami na akong nainom...

"Shane? Hanggang anong oras mo ba gustong manatili dito sa bar?". Seryoso kong tanong sa kanya.

"FOREVER!!!". Malakas niyang sagot sabay tawa at alam ko ng lasing na talaga siya.

"Tinawagan ko na yung daddy mo". Sabi ko sa kanya.

"Masaya ako na kasama ka at ayoko pa na umalis ka sa tabi ko...". Malungkot na sabi ni Shane.

"Lasing ka na talaga". Sagot ko at bigla na lang nakatulog si Shane.

"Eros! I will take home my daughter". Sabi ng Daddy ni Shane sa likod namin kaya nabigla ako.

"Oh sorry for this Tito but...". Hindi pa ako tapos magsalita pero inunahan na ako ng Daddy ni Shane.

"It's Ok Eros at alam ko naman na wala kang balak na masama kay Shane but I'm sorry sa ugali ng anak ko at alam kong nahihirapan ka". Seryosong sabi ng Daddy niya.

"It's no big deal tito... and I'm glad na ako ang kasama niya dito". Sagot ko.

Umalis na si Tito kasama si Shane na sobrang lasing na dahil hindi na kaya ng katawan niya pero nagpa-iwan muna ako at inubos ang drink ko...

Pagkatapos kong uminom ay medyo na-bored na ako kaya uuwi na ako at wala naman akong kasama dito...

Sasakay na sana ako ng car ko pero napansin kong lumabas na din ng bar si Cyril. Hindi ko alam kung bakit pero gusto ko siyang kausapin at tanungin pero siguro out of curiosity ko lang ang dahilan...

Lumapit ako sa kanya at nabigla siya kasi alam kong hindi niya inaasahang makita ako ngayon dito...

"Ano pong ginagawa niyo dito?". Nagtatakang tanong sa akin ni Cyril.

"Nag-eenjoy lang ako... eh ikaw bakit nandito ka ngayon?". Tanong ko naman kay Cyril.

"Dito po ako nagtatrabaho...". Malungkot niyang sagot sa akin.

"Bakit? Eh hindi maganda ang environment dito para sayo". Nagtataka kong tanong sa kanya.

"Medyo malaki po kasi ang sweldo kumpara sa iba... at kailangan ko po talaga ng pera lalo pa at may utang ako sa iyo...". Seryoso niyang sagot sa akin.

"Wala bang nagbibigay ng allowance sa iyo?". Tanong ko sa kanya.

Umiling-iling lang siya tanda ng pagsagot niya ng wala...

"Nawalan ka ng malay kahapon kasi pagod at puyat ka diba?". Tanong ko ulit sa kanya pero di siya sumagot.

"Diba meron kang asthma? So ibig sabihin bawal kang makalanghap ng smoke lalo na kung galing sa cigarette". Sabi ko ulit.

"Opo... pero kailangan ko po talaga ng trabahong ito...". Sagot ni Cyril.

"Kanina nakita kitang binabastos ng isang customer tapos ok lang sayo". Naiinis kong sabi sa kanya.

"Hindi po ako pwedeng sumagot ng masama sa customer kaya pinag-papasensyahan ko na lang po". Malungkot niyang sabi sa akin.

"Araw-araw bang nababastos dito?". Tanong ko pa kay Cyril pero tumango na lang siya sa akin tanda ng pagsagot ng oo.

"Paano mo nasisikmura ang ganitong klaseng situation? Wala ka na bang pride sa sarili mo?". Naiinis kong tanong sa kanya.

"Hindi niyo po ako naiintindihan... nangangailangan po ako at hindi po ako makakapag-aral kung hindi po ako magtatrabaho...". Malungkot na sabi ni Cyril at nakaramdam ako ng kirot sa puso ko.

Pero may naisip akong paraan para malayo na siya sa ganitong klaseng lugar at sabi naman ni Era matalino daw itong taong toh...

"Dodoblehin ko ang sweldo mo! Mag-apply kang PA sa akin...". Seryoso kong sabi sa kanya.

Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko at parang hindi siya makapaniwala...

"Talaga po? Seryoso?" Nagtatakang tanong sa akin ni Cyril.

"Oo! Kaya mag-resign ka na at magsimula ka na bukas...". Seryoso kong sabi kay Cyril.

Bigla niya akong niyakap kaya nagulat ako pero naramdaman ko ang sincerity niya kaya parang gumaan ang pakiramdam ko...

Pero parang natauhan siya at kumalas sa pagkakayakap tapos namula siya bigla na parang kamatis...

"Sir sorry po... hindi ko po sinasadyang yakapin ka dahil sobrang natuwa lang po ako". Nahihiyang sabi sa akin ni Cyril.

"Sige ok lang pero wag ka ng uulit... Nangyayakap ka pala kapag natutuwa ka at wag mo na intindihin yung phone na sinira mo". Natatawa kong sagot sa kanya.

"Talaga po? Thank you!". Naluluhang sabi sa akin ni Cyril.

"Oh wait! Baka yakapin mo ako ulit". Sabi ko sa kanya.

"Thank you po talaga!". Naiiyak niyang sabi sa akin.

"Eto yung address namin at pumunta ka dito pagkatapos ng school mo..." Sabi ko sa kanya sabay abot ng card.

"Opo! Gagawin ko po ang gusto niyo". Nakangiti niyang sabi sa akin.

"Sige na! Umuwi ka na at umaga na...". Sabi ko kay Cyril.

"Good night po ay good morning pala Sir Eros!". Nakangiti niyang sabi at umalis na siya.

Bakit nga pala hindi ko siya naisipang ihatid sa bahay niya? Pero parang sobra-sobra na ang naitulong ko sa kanya at makakaya niya kaya ang kasungitan ko? Pero parang komportable ako sa kanya...

Cyril POV

Napaka-swerte ko talaga dahil may bago na akong trabaho, ayoko din kasing magtrabaho doon sa bar, kahit na waiter lang ako doon eh gabi-gabi akong nababastos pero di naman pwedeng magreklamo eh kaso di ako natanggap sa call center na una kong ina-plyan kaya nagtitiis ako doon dahil wala namang nagbibigay sa akin ng allowance...

Ano kayang magiging buhay ko kapag nagtrabaho na ako kay Sir Eros?

Naka-titig lang ako dito sa calling card na ibinigay sa akin ni Sir Eros dahil nakalagay dito ang address niya at pagkatapos ko daw sa school ay pumunta na ako sa bahay nila...

Ano kayang gagawin niya sa akin?

Mabait kaya siya?

Pero ok na din kahit suplado siya, ang mahalaga makaka-alis na ako doon sa bar na yun kasi masama sa akin ang mausok kasi may asthma ako...

Nandito na ako ngayon sa tapat ng mansion nila at talagang napakalaki nito at parang pwede maglaro ng golf doon sa garden...

"Ano pong kailangan niyo?". Tanong sa akin ng guard.

"Ako po yung bagong PA ni Sir Eros". Magalang kong sagot sa guard.

"Sige... pasok ka na". Sabi na guard sabay bukas ng gate.

Naglakad na ako papunta sa mansion at napakalaki talaga nito kaya nakakapagod lakarin pero ok lang naman sa akin...

Pumasok na ako doon sa pintuan nila at may nakita akong lalaking nakatayo sa tapat nito na nakasuot ng suit and tie at mukhang siya ang papa ni Sir Eros...

"Hello po Sir...". Magalang kong bati sa kanya at ngumiti naman siya sa akin.

"Hello din... anong kailangan mo?". Nagtataka niyang tanong sa akin.

"Pinapunta po ako dito ni Sir Eros". Sagot ko sa kanya.

"Talaga? Ikaw lang ang unang pinapunta niya dito na ibang tao". Di makapaniwalang sagot niya sa akin.

"Kinuha niya po akong PA". Sagot ko.

"Oh? I see... sana tumagal ka". Nakangiti niyang sabi sa akin.

"Ako nga po pala si Cyril...". Pagpapakilala ko at inabot ko ang kamay ko sa kanya.

"I'm his step dad...". Sabi niya at nag-shake hands kaming dalawa.

"Kuya Cyril!!!!"....

Lumingon ako at nakita ko si Era na tumatakbo palapit sa akin at bigla niya akong niyakap ng mahigpit...

"Kamusta ka na Era?". Nakangiti kong tanong sa kanya.

"Ok lang po... thank you po sa pagbisita niyo". Natutuwang sabi sa akin ni Era.

"Magkakilala kayong dalawa?". Sabi ng papa ni Eros.

"Si Kuya Cyril po yung nagbantay sa akin doon sa park". Sabi ni Era.

"Oh... nice! Magkamukha pala kayong dalawa". Natatawang sabi ng papa nila.

Napatitig ako kay Era at napansin ko na pareho kami na may amber colored eyes at dark brown hair pero mas maputi ako kay Era...

"Oo nga noh!". Sabay naming sabi ni Era at nagtawanan kami.

"Era... si Kuya Cyril na ang bagong PA ni Kuya Eros mo". Sabi ko sa kanya.

"Talaga po? Ang saya naman! Sana po pagtiisan niyo si kuya". Nakangiting sabi sa akin ni Era.

"Nasaan ba ang kuya mo?". Tanong ko kay Era.

"Nandoon lang po siya sa kwarto niya at minsan lang po siya lumabas". Sagot ni Era sa akin.

"Sige na... pupuntahan ko na ang kuya mo". Sabi ko kaya Era at naglakad na ako papunta sa kwarto ni Eros.

"Mag-ingat ka Cyril... nananakmal yang si Eros". Natatawang sabi ng papa nila.

"Opo sir!". Nakangiti kong sagot.

Nandito na ako sa pintuan ng kwarto ni Sir Eros at kinatok ko muna pero walang sumasagot kaya binuksan ko ang pinto at hindi naman ito naka-lock kaya pumasok na ako...

Malawak ang kwarto ni Sir Eros at napakaraming kalat, may mga gadgets din siya at mini ref. kaya siguro di na niya kailangang lumabas ng kwarto...

Naglibot ako at may naririnig akong umuungol....

Ngayon lang ako nakarinig ng ganung tunog ng tao kaya sinundan ko ang mga ungol na iyon...

May nakita akong isang sofa na nakatalikod sa akin at naka-upo doon si Sir Eros pero di ko siya makita...

"Oh shit!....  aaaahhhh FUCK!!!". Sabi ni Sir Eros at may kasama pang mga ungol pero di ko makita ang ginagawa niya..

Ano kayang ginagawa niya?

Bakit parang nasasarapan siya?

At talagang napapamura pa siya pero di ko siya makita at di ko alam kung anong ginagawa niya kaya naisip kong magsalita na lang...

"Good afternoon po Sir!". Sabi ko.

"AY PUTANG INA!!!". Sigaw ni Sir Eros na parang gulat na gulat at nahulog pa siya sa sofa.

"Sir! Ok lang po ba kayo?". Nag-aalala kong sabi at lumapit na ako sa kanya para tulungan siya pero...

"Tangina mo! Wag kang lalapit!". Galit niyang sabi kaya napa-atras ako.

"Wag niyo naman po akong murahin, masama po yun...". Nalulungkot kong sabi sa kanya.

"Bakit ba hindi ka kumatok bago ka manlang pumasok dito?". Naiinis niyang tanong sa akin.

"Kumatok po ako kaso wala pong sumasagot at bukas po yung pinto kaya pumasok na ako... pasensya na po kayo". Nahihiya kong sagot.

Tumayo na si Sir Eros at naka-robe lang siya habang hinihigpitan niya yung pagkakatali nun, napansin ko na parang may bukol sa harapan niya...

Napansin ko rin na parang basa...

"Sir? Ano po ba ang ginagawa niyo kanina?". Nagtataka kong tanong sa kanya.

"Huh? Di mo alam???". Di maka-paniwalang tanong sa akin ni Sir kaya umiling-iling lang ako.

Napasampal lang siya mukha niya at huminga siya ng malalim bago siya nagsalita...

"Mabuti tapos na ako at hindi ako nabitin". Seryoso niyang sabi.

"Bakit po? Ano po ba kasi yun?". Nagtataka kong tanong sa kanya.

"Wag mo ng isipin yung nangyari at kalimutan mo na yung mga narinig mo...". Mahinahon niyang sabi sa akin.

"Sige po! Kayo po ang bahala...". Nakangiti kong sagot sa kanya.

"Kanina ka pa ba dito?". Seryoso niyang tanong sa akin.

"Hindi naman po! Ano pong ipapagawa niyo sa akin?". Masaya kong tanong sa kanya.

"Linisin mo muna itong kwarto ko". Sabi niya at pumunta na siya sa kama niya tapos humiga na siya.

Nagsimula ko ng linisin ang napaka-daming kalat dito sa kwarto niya at ng malapit na akong matapos ay may nakita akong box na bukas at may naka-sulat na frenzy...

Kinuha ko ito at sinilip ang laman kaso bigla na lang...

"Bitiwan mo yan!". Sigaw ni Sir kaya nagulat ako at nahulog ko yung hawak ko.

Nakita ko na yung mga laman at nanlaki ang mga mata ko dahil ngayon lang ako nakakita ng ganun sa personal kasi lesson lang namin yun sa science at isang uri yun ng contraceptive at lalaki lang ang gumagamit nun...

"Wag mong pakilaman yung mga condoms ko!". Sabi ni Sir Eros at lumapit na siya sa akin at pinulot niya yun isa-isa...

Bakit may ganun siya?

Ginagamit ba niya yun?

Di ko alam ang iisipin ko at di ako makapaniwala sa mga nakita ko...

"Yuck!!! Sir Eros bakit may ganyan ka? Saan mo ginagamit yang mga con....". Hindi pa ako tapos magsalita pero bigla niyang tinakpan ang bibig ko at tumitig siya ng masama sa akin.

"Pag di ka tumahimik! Isusuot ko sayo itong condom na to!". Seryoso niyang sabi habang nakatitig sa mga mata ko.

Natakot ako sa kanya kaya nanginig bigla yung katawan ko. Alam ko na pwede niyang gawin yun kaya natatakot ako pero di na ako makahinga dahil sobrang higpit ng pagkakatakip ng isang kamay niya sa bibig ko...

"Kuya? Nag-aaway po ba kayo?". Tanong ni Era kaya napatingin kaming dalawa sa kanya.

Nagulat si Eros at tinanggal niya ang pagkakatakip ng kamay niya sa bibig ko kaya naghahabol na ako ng hininga...

"Ano pong ginagawa niyo kay Kuya Cyril at bakit namumula po siya?". Tanong ni Era kay Eros.

"Wala! Dun ka muna sa labas...". Mahinahon na sabi ni Eros sa kapatid niya kaya lumabas na ito.

Nakatitig lang ako kay Eros at di ko alam kung ano ng iisipin ko kaya naghahanap na lang ako ng sasabihin sa kanya...

"Ta..pos na po.. a..kong mag..li..nis.". Nauutal kong sabi sa kanya.

"Gawin mo na yung mga assignments ko ngayon". Seryoso niyang sabi.

"Si.. si..ge.. po..". Sabi ko at kinuha ko na yung mga bag at libro niya.

Nakaupo na ako sa sofa habang sinasagutan ang mga assignments niya at natutulog lang si Sir. Madali lang naman yung mga assignments na ito at siguro tinatamad lang siya...

Gabi na pala... kailangan ko ng umuwi at natapos ko na lahat ng mga assignments ni Sir...

Lumapit ako kay Sir at natutulog lang siya at nakasuot lang siya ng robe.

Tinitigan ko ng mabuti si Sir Eros at mukhang ang bait bait niya habang natutulog siya. Kaya pala andaming babae ang nagkakagusto sa kanya, ngayon ko lang napansin na gwapo pala talaga si Sir Eros, lalaking lalaki siyang tingnan at puro muscles na ang katawan niya...

Ano ba itong iniisip ko? Ang sarap tingnan ni Sir Eros kaya lang baka magalit siya sa akin kaya mabuti pa aalis na lang ako kasi ayoko ding gisingin siya...

"Kuya Cyril... dinner na po tayo sa baba at  na po natin si kuya". Sabi ni Era sa pinto at umalis na siya.

Umupo ako sa tabi ng kama ni Sir Eros para gisingin siya...

"Sir... gising na po... kakain na po kayo ng dinner". Sabi ko sa kanya at bigla niya akong niyakap kaya napahiga ako sa kama katabi niya habang nakapikit pa din ang mga mata niya.

"Wait lang Era... pagod pa si kuya...". Sabi ni Eros sa akin at napagkamalan niya akong kapatid niya.

Habang nakayakap siya sa akin ay parang bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko at ngayon ko lang naramdaman to kaya hindi ko maintindihan...

Ang init ng yakap niya sa akin at hindi ako makapagsalita dahil parang komportable ako sa kanya...

Inamoy niya ang leeg ko kaya nakiliti na ako bigla pero nakapikit pa din siya kaya di niya alam ang nangyayari...

"Ang bango mo naman ngayon Era...". Malambing na sabi ni Sir Eros sa akin.

"uhhmm... Sir... hindi po ako si Era". Nahihiya kong sabi sa kanya.

Biglang bumukas ang mga mata niya at tinulak niya ako kaya nalaglag ako sa kama at ang sakit ng likod ko...

"Aray!!!... ang sakit". Malakas kong sabi habang nakahawak sa likod ko at hindi ako makatayo.

"Bakit hinayaan mong yakapin kita?". Naiinis na sabi sa akin ni Sir Eros.

"Sir... tulungan niyo po ako...". Sabi ko dahil sobrang sakit ng likod ko.

"Bahala ka diyan!". Galit niyang sabi at iniwanan na niya ako.

Grabe... wala siyang pakialam sa akin, kung sabagay wala namang nagpapahalaga sa akin eh kaya ayos lang naman...

Humawak ako sa kama at pinilit tumayo at nagtagumpay naman ako kaya lang tumunog ang buto ko sa likod kaya ang sakit talaga...

Bumaba na ako at hindi ako makalakad ng maayos...

Nakita ko sila na kumakain sa dining table kaya lumapit na ako para magpaalam sa kanila...

"Oh! Cyril join us here...". Sabi ng papa nila sa akin.

"Naku Sir.. hindi na po". Sagot ko.

"Tabi ka na sa akin kuya Cyril". Sabi sa akin ni Era.

"Uhhmm Sir Eros... tapos na po lahat... pwede na po ba akong umuwi?". Tanong ko sa kanya.

"Bumalik ka na lang bukas ng hapon". Suplado niyang sabi sa akin.

"Sige po...". Sagot ko sa kanya.

"Kumain ka muna...". Sabi ng papa nila sa akin.

"Next time na lang po... busy po ako ngayon eh". Sagot ko sa kanya.

"Aalis ka na Kuya Cyril?". Nalulungkot na tanong sa akin ni Era.

"Babalik naman ako bukas". Sagot ko

"Dito ka na lang matulog". Sabi ng papa nila.

"Naku hindi po pwede... sige po aalis na po ako". Sagot ko

"Sige bye....". Sabi ng papa nila at ni Era sa akin.

Umalis na ako ng mansion nila at naglakad na lang ako pauwi... sweet pala si Sir Eros sa kapatid niya pero sa akin at sa iba ay sobrang maldito siya...

Eros POV

Umaga na naman at mabuti na lang ay sabado ngayon kaya hindi ko na kailangang pumasok sa school...

5:00 pa lang pala at nagbihis muna ako kasi balak kong mag-jogging dito sa village namin...

Lumabas na ako ng gate at pagkatapos ay nag-jogging na ako habang nakikinig ng music... napadaan ako sa park at medyo nalungkot ako...

Naalala ko dati nung bata ako ay lagi akong dinadala ng mama namin ni Era sa park at na-miss ko yung times na yun kaya lang malaki na ako at hindi ko na pwedeng gawin yun...

Habang nagja-jogging ay naalala ko na may mga projects pa pala ako... buti na lang ay may PA na ulit ako at sana makaya niya ang ugali ko. Mabait naman siya kaya lang nakaka-inis at napaka-inosente niya kagaya kagabi condom lang di pa alam at pati yung ginagawa ko di rin niya alam. Ewan ko ba! Siguro isip bata yun...

Tiningnan ko ang number niya sa bago kong phone at naisip kong tawagan siya para ipagawa yung mga projects ko pero baka naman maka-istorbo ako kasi ang aga pa. Baka mamaya tulog pa yun...

Ti-next ko na lang siya... sabi ko ay pumunta na siya sa bahay kapag gising na siya para gawin ang mga projects ko...

Pagkatapos nun ay nag-jogging na ako ulit pero...

Maya-maya ay bigla na lang tumunog yung phone ko kaya nagulat ako...

Tiningnan ko ang phone ko and I saw a message from Cyril. Gising na siya? Ang bilis naman niya mag-reply... binasa ko na ang message niya at...

...........

From: Cyril

Good Morning po Sir Eros! maliligo lang po ako at pupunta na po ako diyan kaagad para magawa ko na po ang mga projects mo.

..........

Ang aga-aga pa tapos may text na kaagad siya sa akin... naisip kong tawagan na lang siya tutal gising naman na siya eh...

Di-nial ko na ang number niya at hindi pa yata umaabot ng isang segundo ang ring ay nasagot na niya kaagad ang tawag ko...

"Good Morning po Sir Eros!". Masaya niyang bati sa akin.

"Kaka-gising mo lang ba?". Tanong ko.

"Hindi po... bakit po sir?". Tanong naman niya sa akin.

"Wala! Anong ginagawa mo ng ganito kaaga?". Tanong ko ulit sa kanya.

"Nag-rereview po ako...". Mahina niyang sagot sa akin.

"Ang sipag mo naman... anong oras ka ba nagising kanina?". Seryoso kong tanong sa kanya.

"Di po ako natulog...". Mahina niya uling sagot.

Nabigla tuloy ako sa sinabi niya sa akin... di pa siya natutulog? Pero nakaka-pagod yung pinaglinis ko siya kagabi at pinaggawa ng assignments tapos nag-rereview pa siya?

"Ano? Eh paano kung magkasakit ka? Sino ng gagawa ng mga school works ko ngayon?". Galit kong tanong.

"Wag po kayong mag-alala... ok lang po ako". Malambing niyang sabi.

"Hindi ako nag-aalala sayo! Sige na at magja-jogging pa ako". Sabi ko at binaba ko na ang usapan namin.

Napaka-sipag naman ng taong yun... kaya di na ako nagtataka kung bakit bigla na lang siyang hinihimatay kung saan-saan... pero paano kung kasalanan ko kapag nagkasakit siya ulit dahil pinagod ko siya?

Hay naku! Why do I think about it? Hindi ko naman kailangang kamustahin kung ok lang siya...

Nagpatuloy na ako sa pagtakbo at ng napagod ako ay umuwi na ako sa bahay namin at isang oras na pala akong nag-exercise...

Papasok na sana ako ng gate pero...

"Sir kanina ko pa po kayo hinihintay".

Lumingon ako at nakita ko si Cyril na nakangiti sa akin...

"What the heck! Bakit di ka pumasok sa loob?". Tanong ko sa kanya.

"Tulog pa po yung guard eh... at ayoko naman pong mag-tresspassing". Nakangiti niyang sabi sa akin.

"Eh bakit di ka nag-text?". Naiinis kong tanong sa kanya.

"Wala po akong load eh...". Nakangiti niyang sabi at napa-kamot na lang siya sa ulo niya.

"Anyway... pumasok na nga tayo". Seryoso kong sabi at pumasok na kaming dalawa.

Pumunta na kami sa kwarto ko at hinubad ko ang damit ko at napansin ko na biglang tumalikod sa akin si Cyril kaya nagtaka ako...

"Uhhmmm... sir... nag-breakfast na po ba kayo?". Tanong niya at nakatalikod siya sa akin.

"Hindi pa... magluluto naman yung maids mamaya". Sagot ko.

"Sige po... ipagluluto ko na lang po kayo sa baba". Sabi ni Cyril at bumaba na siya.

Ang weird... bakit parang may malisya ako sa kanya?

Ewan ko... pumasok na lang ako sa rest room at nag-shower ako tapos ay nag-robe na lang ako kasi yun lang ang sinusuot ko kapag nasa kwarto lang ako...

May kumatok sa pinto at alam kong si Cyril na yun...

"Pasok!...". Sigaw ko.

Pumasok si Cyril at may dala siyang breakfast table na may lamang gatas, water melons, sausages, egg at fried rice tapos nilapag niya sa kama ko...

"Kain na po kayo sir...". Nakangiti niyang sabi sa akin.

"Marunong kang magluto? Andami naman niyan". Sabi ko.

"Kakagising lang po ng maids eh kaya ako na lang po ang nagluto para sa inyo". Nakangiti niyang sagot.

Tinikman ko ang luto niya at masarap naman kasi madaming garlic ang fried rice na favorite ko at napatingin ako sa gatas kaya natawa na lang ako bigla...

"Hhahahahhahh....".

"Sir... bakit po kayo tumatawa?". Nagtatakang tanong ni Cyril.

"Bakit gatas ang dinala mo?". Natatawa kong tanong sa kanya.

"Eh kasi... hindi po ako umiinom ng coffee kaya yan po ang natimpla ko... sorry po... papalitan ko na lang". Sabi niya at kukunin niya sana ang baso.

Pinigilan ko siyang kunin ang baso...

"Wag na... inumin mo na lang". Natatawa kong sabi sa kanya.

Tumahimik na lang siya at tumititig lang siya sa akin kaya parang naasiwa ako kasi kumakain ako eh...

"Nag-gagatas ka pa din ba hanggang ngayon ha?". Tanong ko sa kanya.

Tumango lang siya kaya lalo akong natawa sa kanya...

Ang laki na niya ay hindi pala, ang tanda na niya tapos gatas pa din ang iniinom niya...

Tumitig ako sa kanya habang tumatawa at para siyang bata na walang kaalam-alam sa mundo...

"Sir... ang pogi niyo po kapag tumatawa kayo". Nakangiti niyang sabi sa akin.

Parang napa-hinto ako sa sinabi niya..

Ngayon na nga lang pala ulit ako tumawa at hindi ko matandaan ang huli kung kelan...

"Sana po lagi na lang kayong tumatawa at ngumingiti...". Sabi pa niya sa akin.

"Malabo ng ngumiti ako...". Seryoso kong sabi sa kanya habang sumusubo ng sausage.

"Huh? Bakit naman po?". Nagtataka niyang tanong sa akin.

"Wala! Gawin mo na yung projects". Seryoso kong sabi.

Kinuha niya yung bag ko at ginawa na niya sa laptop ko yung mga projects ko kasi tinatamad akong mag-type...

Kanina pa ako kumakain pero...

Hala! Mukhang di pa yata siya kumakain tapos ako...

"Kumain ka na ba?". Tanong ko sa kanya.

"Hindi po ako kumakain sa umaga". Seryoso niyang sabi habang nagta-type sa laptop.

"Jusko! Kaya ang payat mo eh... ayaw mo bang magpa-muscle kagaya ko?". Tanong ko sa kanya.

"Wala po akong time para dun". Seryoso niyang sagot.

"Inumin mo na lang yung gatas ko". Sabi ko sa kanya.

Kinuha niya yung baso ng gatas at ininom na niya yun pagkatapos maubos ay may natira pang gatas sa labi niya...

"Uuhmmm... may gatas ka sa labi". Sabi ko sa kanya.

Pinunasan niya yung labi niya pero may natira pa din...

Lumapit ako sa kanya para punasan ang gilid ng labi niya at pagkatapos ay parang namula siya at di siya maka-tingin sa akin...

Nakakatuwa naman itong taong ito... inosenteng-inosente hahah naisip ko tuloy na pag-tripan siya...

"Masarap ba yung gatas ko?". Tanong ko sa kanya.

Tumango lang siya habang busy siya sa laptop at para siyang bata... sobrang puti niya na parang hindi man lang naarawan at makinis yung balat niya na daig pa ang babae...

Natawa na lang ako sa kanya...

Tumingin siya sa akin at parang nagtataka siya...

"Sir? Bakit po kayo tumatawa?". Nagtataka niyang tanong sa akin.

"Napaka-inosente mo kasi...". Sagot ko at parang ngumiti lang siya.

Lumipas ang ilang oras at natapos na ni Cyril ang projects ko kaya ok na ang lahat at parang napagod yata ako sa jogging kanina kasi nakalimutan ko ang mag-stretching...

Parang sumakit ang katawan ko...

"Cyril diba tapos ka na?". Tanong ko.

"Opo... ano pong ipapagawa niyo?". Tanong niya sa akin.

"Masakit ang katawan ko... masahiin mo naman ako". Sabi ko sa kanya.

"Si..ge po...". Nauutal niyang sagot.

Hinubad ko ang robe ko at naka-brief lang ako ngayon kaso ng tignan ko si Cyril ay parang namula na naman yung buo niyang mukha...

"Bakit namumula ka?". Nagtataka kong tanong sa kanya.

"Hindi lang po ako sanay makakita ng ibang tao na walang damit". Namumula niyang sabi sa akin.

"Ang arte mo naman.... sige na masahiin mo na ako at sana mag-enjoy ka sa katawan ko". Sabi ko at dumapa na ako sa kama.

Lumapit sa akin si Cyril at ang lambot ng mga kamay niya habang minamasahe ako at sobrang sarap sa pakiramdam... at namalayan ko na lang na nakatulog na pala ako...




Cyril POV

Pagkatapos kong masahiin si Sir Eros ay parang nakatulog na yata siya... sanay ako magmasahe kasi lagi ko yung ginagawa kay mama bago siya mamatay...

Lumabas muna ako ng kwarto ni Sir kasi wala naman siyang inuutos sa akin at mukhang ang sarap ng tulog niya at mahirap gisingin...

Pagbaba ko ng hagdanan ay nakita ko si Era na nakabihis kasama ang papa niya at mukhang may lakad sila...

"Hi Era! Saan kayo pupunta?". Nakangiti kong tanong sa kanya.

"Sa mall po... papasyal po kaming dalawa ni papa". Masaya niyang sabi sa akin.

"Enjoy... ingat po kayo". Nakangiti kong sabi sa kanila ng papa niya.

"Kamusta ka naman kay Eros?". Tanong ng papa nila at mukhang nag-aalala siya.

"Ok lang po... mabait naman po". Nakangiti kong sagot.

Parang napa-nganga si Era at yung papa niya ng sabay at nakatitig silang dalawa sa akin...

"Mabait?". Sabay nilang tanong na parang nagdududa.

"Opo... medyo masungit po pero mabait naman po siya". Sagot ko.

"Sige... alis na kami". Sabi ng papa nila

"Kuya Cyril... sana po ay magtagal kayo kay Kuya Eros". Nakangiting sabi ni Era.

Umalis na silang dalawa at mukhang masaya talaga sila... masaya ako na makitang nakangiti si Era at hindi ko alam kung bakit malapit siya sa akin...

Bumalik na ako sa taas para puntahan si Sir Eros pero natutulog pa din siya...

Tinitignan ko lang siya at mukhang sobrang bait niya kapag tulog siya pero naniniwala akong mabait talaga si Sir Eros kaya naiintindihan ko...

Lumapit ako sa kanya para ayusin ang kumot niya at bigla akong napatid sa naka-charge niyang phone...

Tumama ang mukha ko sa kanya...

Naglapat ang mga labi namin! Pero parang hindi ako makagalaw at gusto ko yung nangyayari...

Bigla akong gumalaw dahil naalala ko na baka magalit sa akin si Sir...

Paano kung malaman niya?

Kinakabahan ako dahil baka bugbugin niya ako o di kaya naman ay tanggalin sa trabaho...

Tulog lang siya... pero hindi ko kayang magsinungaling sa isang tao pero aksidente yun... baka pandirihan niya ako at hindi ko yun sinasadya...

Tinakpan ko na lang ang mukha ko at parang namumula na ako sa sobrang kahihiyan na nagawa ko...

Lord! Patawarin niyo po ako! Di ko po yun sinasadya at di ko po yun gusto... teka parang mali... parang nagustuhan ko kasi aaarrgghhh!!!!

Nandidiri na ako sa sarili ko kasi first kiss ko yun at sa lalake pa!

"Sorry Sir Eros...". Bigla kong nasabi.

"Hhhmmm... bakit?". Sabi niya sabay bukas ng mga mata.

Napatalon ako sa sobrang gulat! At kinakabahan na ako...

"Sir... may i..uu.tos po ba ka..yo". Nauutal kong tanong sa kanya.

"Wala naman... umuwi ka na kung gusto mo". Sabi niya at kinukusot niya ang mga mata niya.

Tumalikod na ako sa kanya pero...

"Bakit napansin ko yatang namumula ka diyan?". Pahabol niyang tanong.

Parang bigla akong naging bato at hindi ko alam ang isasagot ko sa tanong niya...

"Wa... wa..la po...". Nauutal kong sagot.

"Sige na! Umuwi ka muna!". Sabi niya.

Umalis na ako ng bahay nila at para bang naka-hinga na ako ng maluwag...

Paano kung gising pala siya?

Hay naku! Napa-praning na ako tuwing naalala ko yung ha...li 
ay ewan! Ayoko ng isipin! Pero maalala ko lang ang pangalan niya ay naalala ko din yung nangyari...

Itutuloy...........

No comments:

Post a Comment

Read More Like This