Pages

Sunday, April 16, 2017

Not All Love Stories Have Endings (Part 2)

By: Raleigh

Shoutout to admin for posting the story STAT!! Nagulat ako and ang saya ko pwamish.. and salamat sa mga nagbasa. Mwahh

Here's the next part!

May mga moments talaga na you'll find yourself reminiscing the past at tatanungin mo sarili mo kung tama nga ang mga desisyon mo. Yes, I was married once, and to a man to boot. We had divorce after a year, saying na mas gusto nya ang magkaanak at bumuo ng sariling pamilya. I respected his decision. He never once heard anything na masama galing sa akin. I told my parents about it. Yes, they were furious; no, they never said anything to Sean. They accepted him as family, just as they accepted my whole being nung inamin kong kapwa ko ang gusto ko. They supported us all the way. Yung Tita ko ngang OB eh nag alok na kung gusto ba daw namin magkaanak, hahanapan nya kami ng surrogate mother. We were happy, that's what I thought. Nakuntento ako sa happiness, not knowing it was all an act for the grand finale.

Ang hirap mag desisyon para sa same-sex marriage, kasi hindi basta-basta yon. Dapat 200% commitment yun eh, tanggap mo yung wala sa inyo, at kelanman ay hindi kayo magkakaroon. I gave my all for that moment of happiness, gave my best - and it was never enough. Where's the good in 'goodbye'? Did I regret the marriage? If you ask me 6 months ago, I'm confident na NO ang isasagot ko. But knowing the real reason of the end? I dunno.

Akala ko yung pagiging bakla ko ang problema.. yung kawalan ko ng ovaries at uterus, matagal ko nang tanggap yon, at akala ko tanggap din nya. Akala ko, yun ang dahilan ng hiwalayan, but damn it all!!! MONEY. Why? Kasi businessman ang tatay nya, and to make their business more stable, kelangan makipag partnership sa isang established at world-renowned company. And I was there! The son (daughter) of the CEO of the family-owned world class electronics company. I was the perfect excuse to secure a contract with the company. I was the weak link sa chain. I was the key to the locked door of his goal. Niligawan nya ako; syempre matagal, kasi nga kaka-out ko lang nun, and I've heard na yung mga kadugo ko rarely find a man na makukuntentong 'IKAW' yung kasama hanggang sa hukay.

I thought we were fated to love each other. I believed it was MAGIC; sa dinami-dami ba naman ng tao sa mundo, si Sean yung nagpakita na mahal nya ako. Na against all odds kami. Yes, andami kong hesitation nung naging kami. Lahat ng trust issues nandon. Syempre gwapo sya, doctor, and very good sa field nya. Maraming ka-kumpitensya, kaagaw. But then he proved naman eh na totoo yung 'AKO + IKAW = TAYO'. I fell too far, was in way too deep. I let him get the better - no, the best - of me. I believed in a MAKE BELIEVE love story.

Kaya palang mag effort ng lalaki para makuha yung gusto nya, yung gagawin ang lahat mapasakanya lang. Which he did for the sake of his family. Ininda nya lahat ng negative para makuha ako, yung trust ko. Hindi ko nakita ang warning signs kasi bulag na ako. I saw love and grabbed it immediately. I was used, and when the maximum benefits came, I was discardes like a trash. At least recyclable.
_____

Nasa doctor's lounge ako nun, kagagaling lang from aneurysm coiling, which came out as a success. Buti na lang at maliit yung aneurysm. Supposedly Jirou-sama needed to stay for a day or two para sa monitoring ng post-coiling complications. Pero dahil na rin may ulterior motives ako, sinagawa ko na yung modus operandi ko. I told them to stay for three days.

Ngingiti-ngiti ako nun kahit last day na nila. Kasi pati nga yung mga bodyguards na nakabantay sa labas ng pinto eh nagba-bow na sa akin at halos sambahin nila ako. Kaloka ha, haba din ng hair ko. Syempre gusto ko yun. Pure testosterone yung nalalanghap ko pag pumupunta ako dun eh, saka I've always dreamt of being surrounded by 'bad boys' na type. Sean was never one. Sya yung gentledog na type.

"Ah, tuloy po Sensei." Nakangiti si Orio nang pagbuksan nya ako ng pinto, at gumanti din ako ng ngiti. Bakit hindi? Where Ryou goes, Orio follows. Parang water to salt itong si Orio kasi sya mismo ang PA ni Ryou. As evidenced by apron na suot-suot nya habang nagseserve ng green tea at maliliit na cakes sa mga bisita.

"Ah! Ohayo Sensei. Gwapo natin ngayon ah. Swerte ko talaga." Yun ang favorite line ng mokong, a.k.a Ryou. Kinilig na naman ang appendix ko, pero syempre blank face ako.

"Ohayo Bocchan." Tukso ko sa kanya, na ikinabusangot naman nya. I learned na Economy ang kurso ni Ryou, and believe it or not, he's smart. Nung una nagtaka din ako kasi di naman katalinuhan si Orio. Napag-alaman ko later na si Uchida ang nagtu-tutor sa kanya nung bata sya.

"Hahaha. Tuloy po Sensei." Malaki din ang ngisi ni Jirou-sama, na ngayon ay naglalakad na. Masaya ako dahil sinunod nya ang advice ko na early ambulation is necessary for fast recovery.

"Masaya ako Jirou-sama sa improvement mo." Sabi ko pagkatapos syang ievaluate. "I want you to stop your smoking, alcohol, and avoid stress and any strenuous activities. It doesn't mean na nag coil tayo ng aneurysm mo, hindi ka na magkaka aneurysm ulit."

"Sisiguraduhin ko po yan, Sensei." Nung una ay nagulat ako, pero kalaunan ay nasanay na ako na bigla na lang susulpot si Uchida. Parang hypertension sya eh, silent killer. Hindi mo malalaman na nanjan sya kung hindi sya iimik.

Honestly maganda ang features ni Uchida. Parang delicate sya tingnan, which is very ideal sa mga assassin (for me). Akala mo fragile, pero kaya ka nyang patayin with just his pinky finger (exag, I know)

Di napigilan mag grumble ni Jirou-sama nang marinig yon. Syempre, yakuza boss sya, at ayaw nya ipakitang mahina sya. Pero malakas ang grupo nila, at syempre naryan si Rin-sama na talaga namang masasabi mong 'angas is oozing out of his pores'.

"Sensei, may girlfriend ka?" Ikinabigla ko nang magtanong si Rin-sama. Since hindi halata na babae ang puso ko, akala nya ay lalaking buo ako.

"Ah, wala po sa isip ko ang magkaroon ng girlfriend ngayon, Waka. Mas focused po ako sa trabaho." Simple kong sagot.

"Hmmm.. papano kung si Ryou na lang?" Mas nagulat ako dun. Nanlaki ang mata ko. What the shit...kung alam mo lang Rin.

"Ahaha! Hindi papatol si Sensei sa mga undergrad." Nakangisi si Orio. Sinapak na naman sya ni Ryou.

"Tarantado ka Orio! Gagraduate na ako next year!!" Depensa nitong si Ryou, pero halatang hindi galit. Maluha-luha naman si Orio habang sapo ang pisngi nya.

"Haha. Palabiro ka talaga, Waka. Lalaki ako, lalako sya. I have a 'P' where he'd rather have a 'V'." Tawa naman sila nang malakas. Mabuti't hindi naooffend tong mga to. Malamang nakalutang na ako sa creek kinabukasan kung naoffend ko sila.

Hindi ko inakalang mabait ang grupo nina Jirou-sama. Katunayan, mayroon silang charity (syempre ibang company ang front nila para dito) na tumutulong sa mga NEET at OSY. Isa din sila sa unang rumisponde noong nagkaroon ng tsunami dito sa Japan. By using mga pumpboats at kung anu-ano pang emergency vehicles, naabot nila ang mga hindi mapasok na lugar ng mga awtoridad. Isa din sila sa pinakamaraming nasecure na construction para maibalik ang nasirang infrastructures after the tsunami. Syempre nakakalat yung mga contracts na yon sa iba't-ibang private 'legitimate' companies.

Napabilib din ako sa achievements ni Ryou. Isa syang 2-dan sa kendo at 3-dan sa Karate, at nagchampion din sya sa swimming. Lamang ay hindi nya na pinursue ang national swimming team ng Japan dahil he was set to inherit the group as it's 16th generation Kumicho.

Nagpaalam na ako sa kanila, at inihatid ako ni Ryou sa parking lot kung san naroon ang aking kotse. Madilim na noon, at syempre tago din ang kilig ko. 3 days pa lamang kaming magkakilala pero close na kami. Hindi namin alintana ang 8-year gap namin.

"Ahmm, Sensei." Nag-aalinlangan nyang sabi noong malapit na kami sa sasakyan ko. "Ano...kasi...uhhmmm.."

Nakakunot lang ang noo ko ng tumigil ako at humarap sa kanya. Ilang dipa lang ang layo namin sa kotse ko.

"Ahh.. since uuwi na si Lolo bukas, mayroong welcome home party sa bahay..."

"Ah, that's good! Mahal nyo talaga ang Kumicho ano?" Nag smile ako. Oyabun/Kumicho ang tawag nya kay Jirou-sama pag kaharap sila dahil na din sa respeto, pero Lolo pa din nya ito kapag wala sya. Iba talaga kapag connected kayo by blood kesa sa pag-inom ng sake sa iisang baso (which they do to pledge themselves as member of the yakuza family).

"Ah..mmm...pwede ka pumunta?" Nahihiya nyang tanong. I know na off day ko bukas at hindi din ako on-call, pero syempre pakipot effect din ang lola nyo.

"I'll check my schedule muna ha."

"Eh? Please?? Gusto ka i-meet ng mga brothers ko...para magpasalamat na daw." By brothers, he meant mga subordinates nila. Magkakapatid ang turingan nilang lahat eh.

"Naku... okay lang kasi trabaho ko yun, Ryou."

"Please, Sensei?? Sige na...ako, ako talaga yung gustong pumunta ka...please? Gusto ka din makita ni Lola..." ilaw lang mula sa poste yung nandun, pero nakita ko na namumula ang tenga nya. Ang cute. THADUMP... kumabog ng malakas ang puso ko.. ano yun??

'Haaayy.. di pa nga kita jowa, ipapakilala mo na ako sa future lola-in-law ko.' Sabi ko sa sarili ko. Syempre may pagka feelingera lang. "Hmmm... O sige, ayusin ko schedula ko mamaya para free ako bukas ng hapon." Wala naman talagang dapat ayusin eh, pero nirason ko na lang yon para di mahuli.

"Really?? Yaaay!!! Shit I'm glad!" Napayakap at napa-English si moking dahil sa tuwa. Nagulat ako; una, dahil straight ang accent ng English nya. Pangalawa, dahil ang sarap makulong sa matigas nyang mga braso. Pangatlo, dahil may nakita akong papalapit na tatlong naka black na tao, puro naka bonnet at mata lang ang nakikita. Yung isa parang oso sa laki. Yung isa matangkad pero payat. Yung isa tama lang ang laki, pero mas malaki at matangkad ako sa kanya.

Nag react ang katawan ko without my brain telling it what to do. Tinulak ko si Ryou, at nasaktan sya doon. Bakas sa mukha nya yon pero walang time mag explain eh. Sinugod ako nung pinakamaliit sa kanila, may hawak syang patalim. Nung mga oras na yon, nag litanya ako ng thank you sa Dad ko dahil pinagtrain nya ako ng karate at aikido nang namalagi kami dito.

Sinaksak nya ako with a forward angle, halatang bahugan, sa right side ko. Umiwas ako papuntang kaliwa, stepping in forward sa space nya at nag pivot ako para ma outbalance sya. Mas malaki at mas matangkad ako sa kanya, kaya na pindown ko sya effectively. Ilang beses ko kaya inulit ang ritmong ito hanggang maabsorb ng katawan ko kaya fluid ang movements ko. Sinakyan ko sa likod ang nagpupumiglas na mama sabay ng pag pihit sa kamay nya sa angle na alam kong masakit hanggang sa mabitawan nya ang patalim. Combat knife yun. May class ha.

"Ryou? Ayos ka lang?" Bahagya kong narinig ang mga kalabog at may konting 'crack' din akong narinig. For sure, wasak ang buto nun. Hindi ko naman mabaling ang pansin ko sa kanya kasi nga nagpupumiglas sya. Daig pa yung hito na inalis sa tubig. Tanging ang masakit na angulo ng kamay nya ang nagsisigurado na hindi sya gagalaw at babalikwas.

Nabigla ako nang lumuhod si Ryou sa harap ko at hinila pataas ang bonet nung lalaki saka hinawakan ang buhok nya pataas. Napangiwi ako. Nakaupo pa din ako sa likod nya, at sa lakas at laki ng katawan ni Ryou, pati balikat nung mama ay nakaangat na sa ere.

First time ko makita ang nakakatakot na expression ni Ryou. Ibang-iba dun sa usual nya na charming at palangiting mukha. Parang oni yung nakikita ko ngayon.

"Sino ang nagpadala sa inyo? Sino ang balak nyo?" Tanong ni Ryou. Tumawa lang ang lalaki, ngunit agad umiyak nang matanggal ang dalawang ngipin sa lakas ng pagkakasuntok ng bata.

"Sino ang nagpadala sa inyo at sino ang target nyo?" Mariing tanong ni Ryou. Iyak pa din ng iyak ang lalaki. "Sa susunod na suntok ko ay mababasag ang bungo mo. Sagot!"

Tumayo ang balahibo ko sa takot nang sumigaw si Ryou. Eto yung yakuza side nya. Yung feeling na dapat sundin mo ang sinasabi nya dahil alam mong isang maling galaw mo ay magiging kasaysayan ka na lang.

"Sorry..sorry! Kasi kailangan ko ipagamot ang kapatid ko... uhuuuhuuhuu.. sorry po!" Iyak ng lalaki. Umalis ako sa likod nya at kinuha ang gamit nyang kutsilyo. May nakatatak doon sa tigre, at initials na Y.K.G.

"Maawa po kayo... wag nyo po ako patayin. Napag-utusan lang po.." makaawa nya. Doon ko lang narinig ng klaro ang boses nya dahil nawala na rin ang malakas na kabog ng puso ko. Tiningnan ko ang mukha nya. Bata pa sya, masyadong bata. Nasa middle school or junior high pa siguro sya. Akmang susuntukin na sya ni Ryou.

"Sandali!" Pagpigil ko sa kanya. Ang hirap pigilan ng kamao niya, gabakal sa tigas. Kaya pala isang suntok lang eh tanggal ngipin ng bata. Naniniwala na din ako na kaya nyang basagin ang bungo nung bata.

"A...anong pangalan mo?" Tinanong ko ang bata matapos ko syang tulungan na umupo. Nasa kotse ko kami nuon, at kahit ayaw na ayaw kong inuupuan ang hood nito ay wala na din akong nagawa. Open space para madali kaming maka aksyon if ever pumalag sya, pero parang nawalan ito ng lakas. Binigyan ko sya ng bottled water (for emergency lang. I hate drinking water kasi walang lasa. Haha.. arte lang).

"Ahmm.. Sueno, Sueno Masaru." Tipid nyang sagot at nakatingin sa nakalupasay nyang kasama.

"Hindi patay yan. Tulog lang sila." Paniniguro ni Ryou. Nakapwesto ito sa gilid ng bata, habang nasa harap ako, kaya takot na takot pa din ang bata.

"Ah, Sueno-kun? Anong grupo mo?" Alam kong bagong recruit ito, dahil wala pang tattoo o marka na nagpapatunay na may grupo sya. At halatang novice pagdating sa away.

"Ma-maawa p-po k-kayo...please p-po?" Naiiyak na naman sya.

"Putang-ina mong maawa sa'yo." Bulong ni Ryou pero narinig pa din yon kaya nag-iiyak na nama ang bata.

"Ryou!" Sinaway ko sya at tiningnan ng matalim. Kahit yakuza sya ay hindi ko sya inurungan sa tinginan. Napabuntong hininga na lang sya at natahimik. "Sueno-kun? Kailangan kong malaman yun. Kasi gusto ko din malaman kung bakit ako sinugod. At bakit nagawa mo ito."

Therapeutic communication na naman ako. Parang basang pusa ang kinakausap ko. Malumanay din ang tinig ko para hindi sya matakot.

"Please? Doctor ako... pwede kitang tulungan sa kapatid mo..." paalala ko sa kanya. Namilog ang mata nya, at tumulo na naman ang luha nya. "Alam kong takot ka... iiyak mo lang yan. Sagutin mo na lang yung tanong ko kapag huminahon ka na..."

Tumagal ng limang minuto ang hikbi nung bata. Naiinis man ay walang nagawa si Ryou, kung kaya't inabot nya ang kamay ko at tiningnan, nagtatanong ang mga mata nya kung ayos lang ba ako. Pinisil ko ang kamay nya bilang sagot. Di ko ibinuka ang bibig ko. Mamaya eh mapasigaw ako sa kilig. Mahirap nang malaman nya na type ko sya. Hehe.. landi pa more..

"Sorry po talaga ulit..." garagal ang boses ng bata habang pinupunasan nya ang matang mugto na sa kaiiiyak. "Di ko po kasi alam ang gagawin. May sakit ang ate, tapos wala kaming pera. Kaya ko po yun nagawa kasi sabi nya (tinuro yung pinakamalaking lalaki na nakahandusay) kapag daw napahamak ang buhay nung target eh bibigyan ako ng ¥100,000."

"Pero maniwala po kayo sakin.. please?? Gipit lang po ako.. huhuuuhuu.. baka mamatay ang ate ko.. please... huuuhuuuu..." nataranta na naman ang bata nang makita nyang nanlilisik ang mata ni Ryou.

"Shhh... huminahon ka...shhh... hinga kang malalim.. di kita sasaktan, okay? Shhh..." at kinoach ko sya para mag inhale-exhale. Nang kumalma sya ay kinwento nya ang mga nangyari.

Limang araw nang mataas ang lagnat ng ate nya. Wala naman silang pera para ipacheck-up ang ate nya. Clerk sa conbini (convenience store) ang mama nya, patay na ang ama nya, at sya naman ay 2nd yr junior high. Maliit lang ang kita nya sa part time na paghahatid ng dyaryo sa madaling araw. Kaya't natataranta sila dahil masyadong mahina ang ate nya, maputla, mataas ang lagnat, at nagsusuka.

Sa sobrang lito nya ay hindi nya namalayang nakarating sya ng Shinjuku para maghanap ng trabaho. Lamang, doon sya napadpad sa area na maraming tambay nang hindi nya napapansin. May lumapit daw sa kanyang dalawang lalaki (kasama nya) at nag alok ng trabaho. Simple lang naman daw ang gagawin, at kikita agad sya ng 100,000 yen. At dahil desperado ay tinanggap nya. Hindi nya alam na may ipapahamak syang buhay. Aatras nga daw sana sya, kaso ay nakita na namin sila kung kaya't sinugod nya ako dahil mukha daw akong mahina. Yun lang daw ang alam nya.

"Papano ito?" Ipinakita ko sa kanya ang kutsilyong ginamit nya. Galing daw yun sa mga kasama nya, binigay sa kanya para daw mas madali ang trabaho nya. Ipinakita ko kay Ryou ang marka na naroon. Sunod sunod na mura ang lumabas sa bibig nya.

"Alam ko yung grupong ito. Hindi pa namin nakakaaway kaya bakit? Sino ba ang balak nila?" Mas kalmado ang tanong ni Ryou, halatang nagpipigil manuntok. Hindi ko alam kung bakit ako tinitingnan nang maige ni Sueno, pero bigla akong nanlamig at kinilabutan nang tinuro nya ako. Wala din syang ideya kung bakit.

Nang mga sandaling yon ay para akong nalulunod. Wala akong maisip kung bakit ako. Nirespeto ko ang mga kliyente ko, ni minsan ay hindi ko sinabi kahit kanino ang impormasyon ng mga yakuzang ginamot ko. Hindi ako makahinga. Nagpapalpitate ako at nag hyperventilate. Hindi ko namalayan na napaupo na ako sa matigas na semento. Mahigpit ang hawak ko sa dibdib ko, sa lalamunan ko. Nag blurred ang paningin ko dahil sa namuong luha. Shit, shit, shit na malagkit! Anong kasalanan ko?

"Shhh...sshhh.. sensei? Sensei, huminahon ka.. hinga kang malalim.. shhh.." naririnig ko yun, at naramdaman kong may yumayakap sa akin. Masikip ang lalamunan ko, at tumutulo na din ang luha ko.. gulong-gulo ako nun. Daig ko pa yung time na sinubukan kong magpakalasing pero waleeeyy, allergic pala ako sa alcohol. Na ER pa ako nun dahil halos mag close ang larynx ko. Buti hindi ako na intubate. Headline na naman sana: Doctor, dead due to alcohol allergy. Pathetic noh?? Buti kasama ko bespren ko nun. Kundi tigok agad ako.

"Shhh.. tahan na... okay ka na... safe ka.. andito ako.. sshhh.." naramdaman kong hinaplos nya ako sa likod, sa ulo, sa pisngi. Unti unti ay lumuwag ang dibdib ko at tumigil ang luha.

"Umm, kuya? Inhale-exhale ka po.. gayahin mo ako..." alok naman ni Sueno, na nakaupo na sa harap ko. Kahit nawawala ang dalawang ngipin nya ay nakuha nya pang mag alala sa akin. At tinuruan pa ako ng tinuro ko sa kanya!

Napatawa ako ng mahina at sinabi ko na okay na ako. Pero di pa din ako binitiwan ni Ryou. Maya-maya ay kinuha nya ang cellphone nya at may tinawagan sya. Nagsidatingan ang mga bodyguards nya at nakita kami sa parking lot. Halos isang oras kami dun. Kita sa mata ni Sueno ang takot, kaya naman ay hinawakan ko ang kamay nya.

"Okay lang po kuya. Tanggap ko naman po. Huuhuuu..." hikbi pa din nya. "Please po, sana tulungan nyo si ate. Mahal ko yun eh. Pakisabi na din po mahal ko sila ni mama at sorry dahil mauuna ako sa kanila." Nakangiti sya. Para namang piniga ang puso ko noon. Hinablot sya ng mga gwardya ni Ryou.

Tiningnan ko si Ryou. Nag-usap ang aming mata. Hinila nila palayo si Sueno nang magsalita si Ryou.

"Pakisamahan sa dentista yan, kailangan ng pustiso. Tanungin nyo na din ang mga shop natin, baka kelangan ng boy. Bigyan nyo ng trabaho yan." Nayayamot pero mariing tugon ni Ryou. Ngumiti naman ako.

"Po? Pero po..." nalilito naman ang bata.

"San ang bahay nyo?" Tanong ni Ryou.

"Ha?" Magkahalong lito at takot ang makikita sa mukha ng bata.

"Saan ang bahay nyo? Pupuntahan namin kapatid mo at ipapagamot." Marahang sabi ni Ryou.

Umiyak na naman si Sueno at sinulat sa papel ang address nila. Halos lumuhod sya at halikan ang paa ni Ryou habang nagpapasalamat.

"Okay na nga. Tayo na dyan para makapunta kang dentista." Halatang nahihiya si Ryou kaya dinaan nya na lang sa inis. "Alam ko brutal ako, pero nakikita ko na hindi ka masamang tao eh. Pero ipangako mo na hindi na ito mauuulit ha?"

Paalis na sana kami nang sumigaw si Sueno.

"Kuya, sandali! Wag yang kotse..." nagmamadali nyang tugon. "Ano... kasi.. yung malaking mama kanina parang may pinutol. Hindi ko alam kung ano pero sabi nya madedelikado daw kayo. Please maniwala po kayo."

At nakita ngang pinutol ang brakeline ng kotse ko. Kinabahan tuloy ako ulit. Napamura na naman si Ryou, pero ginulo din ang ulo ni Sueno at nagpasalamat sa kanya.

Lumipat kami sa sasakyan nya at pinuntahan ang bahay nina Sueno. Muntik himatayin ang ina nya nang malaman kung sino at bakit kami nandun. At totoo ngang may sakit ang ate ng bata.
_____

"Successful po ang operasyon, Oba-san. Pwede na pong pumasok sa kwarto nya." Nakangiti kong sabi. Imbes na umuwi ay sinugod namin sa ospital ang anak nya, at ako na din ang nag assist sa operasyon.

Appendicitis yun. Ilang araw na nyang iniinda ang sakit ng tyan at pagsusuka, kaya na dehydrate at nilagnat. Mababa na din ang BP nya. Buti nga wala syang kinakain at hindi nag rupture, kundi ay mauuwi sa septic shock yung bata. Since wala ngang pera ay sinagot ko ang bills nila, kaya di naman naiwasan ni Masaru ang maiyak.

Bugbog sarado ang katawan ko. Pagod na nga ako, di pa rin ako nakakatulog. Malapit nang hating gabi nun. Pina-tow ko na din ang sasakyan ko at tiyak nakatambay na dun sa garahe para marepair ang brakeline. Nakakainis. Sarap maligo saka matulog.

Iniwan ko na ang mag pamilya pagkatapos nilang humingi ng tawad at magpasalamat. Kulang na lang ay alayan nila ako ng bulaklak at sambahin bilang santo. Papunta na sana akong doctor' lounge para doon na lang matulog nang makita ko si Ryou na nakasandal sa pader. Para syang model na akala mo'y nagpopose para sa isang photoshoot. Masyadong hot. Ayoko lumapit baka masunog ako.

"Sensei..." mahina nyang sabi bago ako nilapitan. Kumabog na naman ang dibdib ko. Di ko maintindihan kung ano yun. Nabalisa ako at feeling ko parang natatae ako sa kaba. Cool ang expression ko, pero sa loob ay may nag-aaway na elepante sa sikmura ko. Siguro dahil na din sa propesyon ko kaya magaling akong mag poker face.

"Oh, Bocchan.. di kapa nakauwi?" Tanong ko nang makalapit na sya. Di sya sumagot, sa halip ay kinuha ang kamay ko at pinisil.

"Nag-aalala ako sa'yo eh. Hatid na kita."

"What? No! Magpahinga ka na kasi pagod ka." Pagtanggi ko. Sa totoo lang ay gusto ko pa syang makasama ng kahit isa pang minuto. Masarap syang kausap, palaging nakangiti at di boring. Sana lang din masarap sya. Lol.

"Okay lang ako. Ikaw, okay ka ba?" Iiling-iling syang parang bata. Yung toddler ba na nagta-tantrum? Ganun ang iling nya.

"Yup. Kelangan ko gampanan role ko bilang public servant."

"No, di yon ang ibig kong sabihin. Dun sa nangyari kanina..." puno ng concern ang mata nya. First time kong maranasan at makakita ng ganoong expression. Not once have I ever seen na nagkaganun si Sean, kasi puro ngiti at tawa ang ipinakita sakin. Kahit na in reality, diring-diri sya sakin. Kumirot na naman ang puso ko. Pusang iring naman eh. Kelan pa ba ako tuluyang makakapag move on?? Lintik na pag-ebeg ete..

"Nabigla lang ako sa mga nangyari. Pero okay na ako." Nginitian ko lang sya kahit na may takot pa din akong nadaraman. Hindi pa namin alam kung sino nga ang may pakana bagama't may nakuha na kaming lead kung anong grupo yun. Minor group, pero mapanganib pa din kasi nga notorious daw yun. For sure nasa torture chamber na yung dalawang kasama ni Masaru. Depende sa isasagot nila, baka may mabalitaang unidentified bodies bukas sa iba-ibang creek.

"Uwi na tayo? Hatid na kita para safe. Please??" Makaawa nya nang makita nyang iiling na naman ako. "Sama na natin si Orio."

Marunong din pala syang mag puppy-eyes. Nakita ko kung gaano sya ka concerned sakin. Yan tuloy, nasulat ko sya sa blank space ng mga crush ko. Hehehehe. At napilit nya nga ako na ihatid na lang sa bahay namin. Mejo may kalayuan din from the city yun eh. Tutal tinawagan ko naman sila Dad kaya hindi na din nag alala na iba ang sasakyan ko pauwi. Mangiyak-ngiyak naman si Orio nang makita nya akong ligtas at wala ni isang galos. Malaki at barako man sya, mataba naman ang puso nya. Kung gaano kadami yung peklat nya sa katawan, patunay lang yun nang ilang beses nyang pagbuwis ng buhay para mailigtas yung mga taong importante sa pamilya nya. Nahihiya na lang si Ryou sa inaasal ng PA nya na paiyak-iyak pero wala naman syang magawa. Patunay din yon na kahit yakuza ay marunong maawa at umiyak.

Pasado alas dose na nang makarating kami sa bahay. Pinapasok ko sila at pinag tsaa kahit na umaayaw sila, baka daw makaistorbo pa sila. Nagpasalamat naman sina Mum at Dad dahil sa paghatid sa akin. Alam nilang yakuza ang naghatid sakin, pero di nila alam na may banta sa buhay ko, at minabuti kong wag sabihin sa kanila. Napagkasunduan namin na hindi muna ako uuwi sa bahay at baka mapagdiskitahan pa pati ang pamilya ko. Tutal may kalayuan ang bahay namin, pinayagan ako ni Dad na duon tumira sa condo sa city. Actually, yun naman dapat ang plano sa umpisa kaya kinuhanan nila ako ng condo duon. Mapilit lang talaga ako na mag stay sa bahay kaya nag shatap na lang sila. Ipinaalam ko na din sa kuya ko na duon ako titira sa condo para kung tumawag man sya sa bahay at hanapin ako eh di magtataka na wala ako dun. Nag promise naman ako na dadalaw dun parati.

Lingid sa kaalaman ko ay may pinabantay sina Ryou sa bahay at sa condo. Kinabukasan din ay lumipat na ako sa condo at kung hindi pa pinakilala sa akin ay di ko malalaman na may nagbabantay sa akin dun. Nakitulong na din sya sa paghakot ng gamit ko na mostly mga damit, libro, at ready-made na pagkain for lunch.

"For safety mo yan, Sensei." Rason ng mag-amang Rin at Ryou nang tumanggi ako na pasubaybayan nila. "Kung pwede lang sana dun ka sa bahay para ako magbanta sa'yo eh..." mahinang dagdag ni Ryou, pero nadinig ko pa din. Abay, nag disco ang paru-paro sa tyan ko.

Alam ko hindi pa ako ready buksan yung puso ko kasi wasak pa yun eh. Gusto kong ayusin muna ang sarili ko at ang puso ko bago ako magmahal ulit. Alam kong OA, pero baka this time eh hindi na ako makabangon kapag nadapa ulit ako. Kumbaga kung icocompare sa movies, inaakyat ko pa yung balon na pinaghulugan kay Sadako at hindi pa tuluyang nakakawala sa heartaches ko. (Lalim din eh) No one knows about my history, except sa family ko. And kailan ko lang naman nakilala si Ryou pero palagay ang loob ko sa kanya. So crush crush lang muna. Kahit nasa 30's na ako, pusong teenager pa din ako. Maalaga sya, maginoo din, (pero sana mejo bastos, haha!), at higit sa lahat, magaling na judge ng character.

"Sensei? Maya ha.. sunduin kita." Tawag ni Ryou. Nasa kusina sya, habang nag-aayos ako ng gamit sa kwarto ko.

"Wag na. Ako na pupunta dun." Sigaw ko naman. Inihihilera ko ang mga libro ko sa bookshelf. Kung mayroong hindi ako maiwanan, yung mga books ko yun. Mas mahalaga pa yung mga yun kesa sa iniregalong Rolex Daytona "Albino" 6263 ni Lolo noong nag Magna ako sa med school. Iba kasi pag nagbabasa ka, parang nakikita mo yung mga kulay at nabubuhay ang imahinasyon mo kahit nasa black-and-white lang nakasulat yung mga kataga. Marami kang makikilala, at marami ka ding malalaman.

"Eh? Bakit, alam mo ba kung saan samin?" Natameme ako.. oo nga pala noh? Tumawa naman sya ng malakas sa labas. "Shatap ka na lang kasi. Sige na ha.. 6pm mamaya, okay? Dun ka na din matulog."

Di ako makasagot. Kinabahan ako sa sinabi nya. Syempre halos isang taon na din ang nagdaan since last sexual contact ko, pent up na nga to masyado. Abstinence is life, ika nga. Pero iba pa dij yung may kasama ka kesa sa feels kapag kamay mo lang eh. Saka masyadong hot yung gago, boses pa lang tinitigasan na ako eh. Buti na lang malakas yung control ko sa libido ko.

"Uy? Napano ka na jan?" Sigaw nya ulit.

"Ah, sige. Ikaw bahala. Dala lang ako ng toiletries ko." Patay.. lumabas ang ugaling Pinoy ko - bahala na!
______

"Anesan, ito po si Aiden-Sensei. Sensei, si Anesan po, asawa ng Kumicho." Pakilala ni mokong kinagabihan sa party. Kahit chillax ang fez ko pero parang may concert ng Linkin' Park sa dibdib ko. Eto yung magiging future lola ko eh. Haha.

"Anong Anesan? Lola mo ako Ryou." Saway ng lola nya sabay kurot sa tagiliran nya. Dito siguro nagmana si Ryou ng pagkainis kapag tinatawag ng titulo nya.

"Lola naman eh..." hinimas naman nya ang tagiliran nya. Napatawa na lang ako kasi ang cute nya. Nag bow ako sa lola nya pero niyakap ako nito.

"Salamat, Sensei para sa ginawa mo sa asawa ko, at para dun kay Ryou." Alam nya na ang nangyari dun sa parking lot. Nahihiya man ay ngumiti ako at sinabing maswerte ako dahil nandun si Ryou. Ilang sandali din kami nag usap bago kami pumasok sa dining area, kung saan naisipan na sa sahig kami uupo just like in any traditional Japanese-style banquets. Masaya din kasi malalapit ang pwesto ninyo sa isa't isa, nakakapagkwentuhan ng malaya.

Masasaarap ang mga pagkain doon, halatang hindi uso ang diet. Alagang-alaga ako ng mga tao dun, lalung-lalo na ni Ryou na doon tumabi sa akin. Konting galaw ko lang ay tinatanong nya kung may kailangan ako. Ang dami ding nagdadala ng pagkain sa akin, lalu na si Orio na hindi papayag na hindi ko matikman lahat ng luto nila. Iba't-ibang sake din ang inilabas para sa celebration, syempre may nga wine at beer din. Nandoon din ang mga leader ng mga subgroups na under sa main group, mga branch family kumbaga. Ipinakilala ako sa lahat at halos mahimatay ako sa hiya nang lumuhod sila at magbow sa akin ng sabay-sabay, na ikinahalakhak naman ni Jirou at Rin. Mag-ama nga sila.

Nalaman ko rin kay Ryou na nung araw ding yon ay nag-umpisa nang magtrabaho sa bar na pagmamay-ari ng subgroup nila si Masaru. Malaki naman ang sweldo dito, at mabilis daw matuto ang bata, kaso mahiyain lang daw talaga. Nasa kusina lang daw muna ito at kapag magaling na yung pasa sa mukha (courtesy nitong engot sa tabi ko) eh gagawin daw syang waiter. Naimpress din daw ang may ari ng bar dahil talagang masipag yung bata. Natuwa naman ako kasi hindi nagkamali si Ryou na magtiwala dun sa bata.

Masaya kasama ang pamilya nila. Makikita mo na mahalaga sa kanila si Kumicho, mataas ang respeto hindi katulad ng ibang grupo na nagpapatayan para lang maging Kumicho. Tagasalba daw nila si Jirou-sama nung panahon na ngkakagulo sa grupo. Nabugbog sila ni Jirou noon, na syang waka-gashira pa lamang. Nag-alsa sila laban sa ama ni Jirou na Kumicho pa noon, dahil di nila matanggap ang mga pagbabago sa grupo. Ipinaalala sa kanila ang pagiging isang 'pamilya' ng yakuza, yung dapat na may respeto at pagkalinga, hindi yung inggitan. Ipinamukha sa kanila na dapat pairalin ang isip, hindi ang galit at kamao. Ang ama ni Jirou ang nagpasimuno na gawin silang lahat na 'businessman', at hindi mamamatay tao. Yung tipong pinagkakatiwalaan ng mga tao at nagpapatakbo ng legal na mga negosyo; yung kapag narinig ang pangalan ng grupo nila ay mapapanatag ang mga kliyente, hindi yung kinatatakutan. Yung may mga pinag-aralan, hindi yung basag-ulo lang ang alam. Sa umpisa mahirap, dahil walang sinuman ang gustong masangkot sa nga yakuza. Pero nagsikap sila, at hindi naglaon ay napakarami na ang nagtitiwala sa kanila. Kaya't proud silang sabihin sa mga anak nila na isa silang negosyante (dahil totoo naman), at hindi mamamatay-tao. Wala din silang kinalaman sa drugs. Bagkus ay sila ang nangunguna sa pagpapatest ng empleyado nila, at may mga surprise visit sa mga establishment nila.

Lumalalim na ang gabi at madami na ding nakahandusay na mga katawan. Nauna nang nagpahinga ang Kumicho dahil sinaway ko sya na bawal ang stress sa kanya. Maraming guest room sa bahay nila, pero ipinagpilitan ni Ryou na sa kwarto nya ako matutulog. Oh well, kanina yun, pero nalasing yung mokong at halos walang malay na nakasalampak sa mesa. Ang magaling nyang tatay ay tinawanan lang naman sya. Pinakiusapan da din ako na kung pwede ay dalhin na lang sa kwarto nya sa itaas dahil si Orio ang pinagdiskitahan nyang makainuman. Magpapaumaga daw silang dalawa dun. So no choice ako. Hindi naman mahirap hanapin yung kwarto nya dahil may nagturo naman na katulong sa akin. Pinasalamatan ko sya at binuksan ang pinto.

Pagkapasok pa lang sa kwarto ay ngsimula nang dumighay ang mokong. Dali-dali ko syang inakay papuntang banyo at dun nagsuka nang nagsuka. Gusto ko mang matawa dahil para syang basang sisiw ay hindi ko magawa. Hinaplos ko na lang ang likod nya at pinunasan ang mga nagkalat sa kamay nya. Nang matapos na ay tinulungan ko din syang maligo para mabawasan ng konti ang kalasingan nya.

Hoy, umayos kayo! Walang malisya to ha... pero parang pinilipit pa din ang internal organs ko nang naghubad sya, boxers na super fit (daig pa ang jeggings) na lang ang itinira nya. Nakatalikod sya nun sakin, kasi busy ako kaka toothbrush pa noon so syempre sa salamin ko lang nakita ang katawan nya pero halos malunok ko yung bula sa bunganga ko noh.

Malalaki ang muscles nya, parang 0% ang body fat mennn.. yung 8-packs? Ayun.. fresh from the oven na pandesal! Bubble butt din ang loko! Natatakam ako nun, gusto kong kagatin actually kasi mahina ako sa mga magaganda ang pwet, pero nagpipigil ako. Pagsamantalahan ba naman ang lasing? Di ako ganun ka cheap noh. Gusto ko pag kasex ko, yung nasa tamang katinuan para mag enjoy kami pareho.. LOL.

Kinalma ko muna sarili ko at tinapos ko ang pagtoothbrush. Inalalayan ko sya papuntang bathtub para hindi ako mabasa, at nasamyo ko yung natural na bango nya. Tang-ina, nag-init na naman ako dun. Lalaking-lalaki, nakakaadik. Aarrggghh!! Control...control... go me!! Pero promise, halos mahimatay ako nung nahiga sya sa bathtub paharap sakin. Malaki ang future nya... Since best in estimation ako (needed sa work), natantya ko nasa 5.5" yun, matambok din, two fingerbreadths ang kapal. Take note, behave pa yang Ryou Jr. nya. Papano na lang kung alive and kicking na?

Naglitanya na naman ako ng mga Bill of Rights sa utak ko. Lahat ng mahihirap na RA, EO at kung anu-ano pang batas eh pinagre-recall ko para lang makontrol ko ang sarili ko. Ulam na ulam eh, unli rice na lang yung kulang. Kahit araw-arawin ay hindi pagsasawaan. Nanginginig ang kamay ko nang inumpisahan ko na syang sabunan. Hindi ko na ginalaw yung alaga doon, baka matuklaw ako eh. Ako pa ba, an eye for an eye, a tooth for a tooth. Pag binato ka nang bato, batuhin mo ng molotov. Pag tinuklaw ka, tuklawin mo din. Hehe...

"Mmahhmmh.. ugghh.." puro yun na lang ang maririnig mo kay Ryou, na talaga namang nagpa cute sa kanya kahit walang kamuwang muwang. Kahit lasing eh hindi nababawasan ang pagka gwapo. Nang natapos na ako sa pag paligo sa kanya eh pinaalis ko na sya sa tub at inalalayan tumayo. Sinampal-sampal ko sya para magising ng konti, tas sinabihan na hubadin na yung boxers nya at nang maisama ko sa labahan. Ayaw pa yata nyang magising kaya sinampal ko ulit.

"Ryou? Dali na... antok na ako eh." Saka magkakaproblema tayo pag di ka nagbihis. Bakat na bakat yung Yamashita's treasure sa ibaba. Baka di ko mapigilan at matukso akong dakmain yon... dugtong ko sa isip ko.

Remember the butterflies in my stomach? Nag evolve sa vicious na vampire bats.. hindi ko inasahan yon. Hiniling pero hindi ko inasahan. Naghubad si Ryou sa harap ko, halatang wala sa sarili kasi lasing pa din. And MYGAAAWDD. Tama nga ang estimate ko sa size. Malaki din yung glans nya, parang shiitake mushroom, I kid you not. Halos mapa lunok ako ng laway nun. Parang ang sarap tikman.

"Like what you see?" Hindi ko napansin na nakabuklat ang mata nya at nakangisi sa akin. Napasimangot ako sa kanya, when in reality, halos magsisigaw ako ng 'take me right here, right now!!'.

"Yeah, right. Marami na akong nakita nyan Bocchan. Araw-araw akong nag-iinsert ng catheter. Sawang-sawa na ako jan." Depensa ko naman. Poker face mode on.

"Di naman kasing laki nito." Pagmamayabang nya.

"Yeah. Kasi mas malaki pa yung sa iba." Dinaan ko sa tawa yung libog ko. Feeling ko nasa sauna ako, o di kaya nago-onsen sa init. Buti na lang talaga naka untuck yung shirt ko at naka slacks ako. Kung hindi eh magkakaebidensya ang SOCO. Mahirap na ideny.

"Hmph." Nakasimangot na naman sya.

Tinawanan ko lang sya at sinabi na magbihis dahil lalabhan ko lang yung mga damit nya. Iba pag mayaman. May sarili syang washing machine sa banyo nya eh. Nahihiya sigurong magpalaba ng underwear nya. Lol.

Paglabas ko ng cr nya ay tanging ilaw sa bedside lamp na lang ang bukas. Syempre dahil nga ayoko malaman nyang may ulterior motives ako, dun ako sa sofa nya nahiga. Maya-maya pa ay naramdaman kong lumapit sya papunta sakin.

"Bat dito ka? Tabi ka na sakin..." mejo slurred pa ang speech nya pero klaro naman ang na gets ko din naman ang sinabi nya. Buti nga kumalma ng konti. Kanina kasing lasing eh ini-English ako, so syempre inglisan kami don. Abay bigla ba naman nag German? Luh... baka ako yung magka aneurysm. French at Spanish inaral ko, hindi German!

"Wag na. Matulog ka na dun. Okay lang ako dito." Pagtanggi ko. Isa pa, may hard on ako kaya tumigil ka!

"Ayaw! Bisita ka eh. Dun ka na sakin, malaki kama ko." Pagpipilit nya. Ilang beses kami nag palitan nang ganu. Aayaw pa sana ako pero dinaganan nya ako, na syang ikina collapse ng lungs ko. Para akong dinaganan ng elepante sa bigat.

"Shit.. aray, aray! Mabigat ka.. alis na!! Di ako makahinga!" Buti naka tagilid ako, so wa knows sya sa nangyayari sa lower half ko. Since madilim nga, hindi ko namalayan na naka boxers lang sya, at naka boxers lang din ako nun.

"Dito na din ako matutulog." Kakaiba ang init mula sa katawan nya. Lasap na lasap, damang-dama. Alagang johnson&johnsons ang balat. Nakadapa sya sa taas ko kaya naka sentro ang bibig nya sa tenga ko. Mainit din ang hininga nya na kinikiliti ang katawang lupa ko. Struggle is real, promise.

"Shit.. alis na kasi..please...ok na! ok na dun na ako!" Wala na akong magawa. Pipiliin ko nalang na sumakit ang puson ko later kesa mamatay sa suffocation.

"Great." Bulong nya na talaga namang nagpa goosebumps sakin. Bago pa ako makatayo ay binuhat nya ako. Muntik na akong mapasigaw dahil dun.

"Putang ina ginawa pa akong babae. Ano ako, ha?! Pilay? Imbalido? Galing ah!!" Pagpupumiglas ko. Hinampas ko ang matipuno nyang dibdib pero natawa lang sya. Nasa ganung ayos pa din kami nang inihiga nya kami sa kama. Nakatihaya ako, tapos naka tagilid sya. Nasa ilalim ng ulo ko yung kaliwang kamay nya, yung kanan naman ang naka yapos sakin. Yung kanang paa nakatanday sakin. Mabuti na lang at hindi nasagi si junjun. Battle mode pa naman yun.

"Hoy, wag ka dumikit. Ang init eh!" Reklamo ko kahit libog na libog na ako. Kelangan ko talaga lumayo, baka madiskubre yung tinatago ko.

"Hmmm.. yoko. Tulog nah." At dun pa din sa tenga ko sinabi yon. Kahit naiinis ako, nanaig pa din yung kaba at libog ko kaya hinayaan ko na lang sya. Sa halip ay tumalikod ako sa kanya kaya parang nagspooning kami.

"Anak ng... lagot." Yan na lang ang nasabi ko nang maramdaman kong may matigas na bagay na tumama sa pagitan ng pwet ko..

Thank you for taking the time to read! Hinabaan ko na kasi may practicum kami next week. Di ako makakapag 3rd yr pag bumagsak ako dun. Haha! Wish me luck po and stay tuned!! Mwahh!

TBC...

No comments:

Post a Comment

Read More Like This