Pages

Wednesday, April 19, 2017

Living the Dead Life (Part 5)

By: CountVladz

"EJJJJJJJ"

Sigaw na lang ang tanging naitugon ko, kasabay noon ay ang pagbalik ng isang ala-ala.

3rd year, 2nd semester.

Nag e enroll kameng dalawa ni EJ, gaya ng dati kasama din siyempre ang buong tropa. Pag kulang na ang slot lilipat kame ng ibang sched para magkakasama pa rin kaming lahat. Kahit na ang first subject ay 7am at ang next ay 4pm pa.

Habang nakapila kame. Narinig ko nagbubulungan sila sila.

"Sinabi mo na?" Si Clarisse
"Sabihin mo na dito para agaw eksena kayo," si Jane
"Noooo," sabay na sinabi nila Mark at Joseph.
"Wag dito, nakakahiya eh mga impakto mga tao dito eh, maya na lang,nagpa reserve na ko ng ktv room sa quezkn ave dun na lang." Sabi ni Ej, naririnig ko man ay di ako sumabat kasi wala ako sa mood ng araw na iyon dahil sa migraine ko.

Tinapik ako ni Ej, pag harap ako, para pa rin siyang nahihiya sa akin. Kahit na mag dadalawang taon na kameng magkasama at magka relasyon hindi pa din siya nagbabago, para pa rin siyang nanliligaw.

"Sama ka maya ah, after natin dito sa school, ktv tayo," Sabi ni EJ.

Tumango lang ako, at talagang ayaw ko magsalita. Sa init, sakit ng ulo at pawis na din iritable ako.

"Hayaan niyo muna yan may period yan ngayon," pang aalaska ni Clarisse.

"Hahaha bilhan natin ng whisper pre yung may finger para di na mainit ulo," si Joseph

Tumawa sila, natigilan sila ng humarap ako.

"Pasensiya na talaga wala talaga ako sa mood, pero sasama ako mamaya dont worry." Sabi ko sakanila.

Inakbayan ako ni EJ, at pinaypayan, doon kinilig ako sakanya, wala siyang kupas sa lahat ng bagay, kasi pati personal na interes niya pinagpapaliban niya para sa akin. Sa isip ko, " papaanong hindi kita mamahalin sa lahat ng bagay na ginagawa mo pinapakilig mo ko," at nangiti ako, hindi nakaligtas yun mata ng mga kaibigan namin.

"Yon naman pala akbay lang ang gamot sa masungit na panahon." Si Jane

"Pare natakot ata sa whisper with finger" si Mark
"Oo nga, singlaki kasi ng daliri ni kokey yun eh." Si Joseph
"Trip niyo talaga si boi ko ngayon ah." Si Ej.

At tapos nun ay nagtawanan kami, na siyang naging dahilan para mapagalitan kame ng nasa cashier.

Pagkatpos ng maghapong pag aasikaso ng enrollment, nagpahinga kami sa lagoon at tsaka lumakad sa KTV na pinareserve ni Ej.
Ang pinagtataka ko lang noon bakit sila Mark at Joseph lang ang kasama kong pumunta.

Nasa ktv na kame at hanggang 12 mn yun naka reserve sa amin. Pagpasok namin may mga pagkain ng nakahain, yun pala pinagplanuhan na nila yun, sabi ko pa nga, "may birthday ba? Pero alam ko malalayo pa mga bday niyo." Sabi ko

"Wala naman, napagtripan lang namin nila ej at Joseph na maghanda kasi malaki yung napanalunan nmin sa basketball.

Kumain muna kaming tatlo at nag karaoke, tapos umorder ng beer para sa panimula.

Nawala yung sakit na nararamdaman ko. Kaya naman nag enjoy na ko,maya maya bumukas ang pinto at halos mapa halakhak ako sa nakita ko. Si Jane naka pang abay na damit.

" hahahaha, hahaha, anong trip mo? Narealize mo ba na magiging babae ka na? Hahaha, ha ha haaaaaa?" Bigla kong putol sa tawa ko kasi nakita ko pati clarisse naka ganun din, mas lalo akong natulala ng makita ko si Ej. Naka puting long sleeves siya, at formal na formal ang pormahan. Guwapo si Ej pero hindi gaya ng iba na mapapa dalawang tingin ka, (o para sa akin guwapo siya mahal ko eh), pero para siyang iba ngayon, napaka kisig niyang tignan. Tapos maya maya pa ay may tumugtog na tunog pang kasal sa videoke. Pinatugtog pala nila Mark at Joseph.

Tsaka lumapit sila clarisse at jane at naghahagis ng bulaklak. Natatawa man ako pero wala akong masabi kasi nakangiti lang ako at naguguluhan. Hahaha at nakita ko na lang na unti unting lumalapit si EJ sa akin. Lumuhod siya sa harap ko, alam ko ang eksenang ito, nahihiya man ako hindi ko mapigilang hindi mangiti na parang pakiramdam ko kasing laki na ng labi ni Mc Donalds ang ngiti ko. Tska nagsalita si Ej, "maaga pa para sa ganitong bagay para sa atin pero, gusto kong malaman mo na noon pa man nagsisimula pa lang tayo at nagkakakilala nag desisyon na ako na tatanggapin ka ano pa man ang di ko alam sayo, " garalgal siya, natameme ako, nakita ko siyang naluluha pero masaya ang mata niya, " matagal ko ding pinagplanuhan to, kasi hindi ko na maimagine ang sarili ko na may makarelasyong iba bukod sayo, sana pumayag ka na magpakasal saken, hindi man dito sa pinas hahanap tayo ng lugar kung saan magiging legal ang pagsasama natin bilang mag asawa. Boi, MARRY ME!" sabay labas ng relo.

"Yes,Ej,YES!" naluluha ako sa tuwa pero sobrang saya ko. Tapos ay tumayo na siya at isinuot saken ang relong tanda mg kanyang pagmamahal sa akin. Ganun kasi ang kasunduan namin, kung sakaling darating kami sa punto na gusto na naming magpakasal relo ang magigi g simbolo naman dahil hindi din naman traditional amg relasyon namin.

Nagpalakpakan sila at naghihiyawan. Narinig ko pa nga na sinabi nila Mark at Joseph na, "kinikilig ako sheettt," "kuya anakan mo ko"

At doon natapos ang aking balik-tanaw ng makita kong may pumasok para dalhin sa morgue ang katawan ni EJ, tinatakpan na siya ng kumot, pinigilan ko iyon, nakikipaglaban ako,kasi sa isip ko baka magka himala mabuhay siya pero, lumipas ang 1,2,3 minuto hanggang umabot ang 5minuto. May dumating na lalaki, ang kuya ni Ej na sa video chat ko lang nakilala. Niyakap niya amg katawan ng kapatid niya. Umiiyak din siya, hagulgol, at tsaka tinungo ang kanyang magulang at kapatid. Hawak ko pa din ang kumot na ipang tataklob kay EJ, akmang kukunin na ng mga tao yung kumot pero hindi ko ibinigay, " antay pa tayo pls, please po antay pa tayo baka po kasi nagbibiro lang siya, loko.loko po kasi yan, eh, baka binibiro lang ako, Ej, tama na joke kasi pramis hindi ako magagalit ngayon, bangon ka na pls, please, sige...." Naputol ako ng yakapin ako ng kuya niya, napatingin ako sa dalawang taong nandun nakita kong naluluha na din sila sa sitwasyon.

"Let Him Go boi." Sabi ng Kuya ni Ej.
"Kuya, kuya baka nagbibiro lang siya,baka...." Sagot ko pero pinutol niya ko.
"Let him go, masakit din sa amin ito kasi kapatid ko siya, anak ng magulang ko, kaya sana hayaan mo na siyang magpahinga." Si kuya.

Sa narinig ko lalo akong nasaktan, tuloy tuloy na kong umiyak, lumapit ako kay EJ at isang halik ang binigay ko sa labi niya. Huling halik na iyon, huling pagkakataon na magagawa ko iyon, niyakap ko din siya, kahit nanghihina ako ginawa ko iyon kasi huling pagkakataon na iyon. Nakapalakas ng iyak ko noon pero ako na din ang nagtaklob kay EJ at nagtulak sa kanya papunta sa morgue, sinamahan ako ng Tatay ni Ej, kasi ang mama nila nanikip ang dibdib at kailangan bantayan. Sa pinto ng morgue doon na ang huling beses na makikita ko siya. Doon na ko bumigay, nawalan na ko ng malay doon.

Pag gising ko, wala akong nakitang tao o kasama ko, nasa ospital pa din ako dahil sa dextrose na nakakabit sa akin. Naalala ko na naman yung nangyari kay EJ, wala na talaga siya tapos ay naiyak na naman ako. Bumukas ang banyo at nakita ko si Mark. Tapos dumating sila Joseph at Clarisse kasama ang mama ko.

Niyakap ako ng mama ko, sapat na iyon para muli kong ilabas ang sakit na nararamdaman ko.

Tulala ako ng mahigit isang oras, at hindi tumutugon sa mga tanong nila saken. Tumayo ako at nagsabing pupunta ng morgue, tutol man sila ay wala silang nagawa. Pinigilan ko silang sumama sa akin dahil gusto kong mapag isa. Tumayo ako at tinulak ang pinagkakabitan ng dextrose. Pag dating ko sa morgue nakita ko ang kuya ni Ej sa pinto.

"Tara," umpisa niya, "magpapaalam ako ng maayos sa kanya at ikaw din."

"Oo kuya" sagot ko

Pagpasok ko sa loob bumalik muli ang ala-ala naming dalawa, yung mga panahon na sobrang saya namin, yung panahon na unang beses siyang nagselos, yung panahon na nangungulit siya at yung panahon na lagi siyang ngingiti saken kapag nakaka shoot ng bola sa basketball. Pati yung mga pagkakataon na nag aaway kami, pero maya maya lang magbabati na kame. Yung nakakatulog siya sa sala kapag inaantay akong umuwi sa gabi, yung unang beses na nalasing ako ng sobra sobra dahil sa trip naming magpaka lunod sa alak. Lahat ng iyon ay hanggang doon na lang. Hindi na madadagdagan.

Nagsalita ang kuya niya.

"Bro, nalulungkot ako kasi hindi man lang tayo nakapag bonding gaya ng mga bata pa tayo, pero tandaan mo nasaan ka man ikaw pa din ang baby bro ko." At doon nakita ko din ang kuya niyang umiiyak.

" Ej, alam mo itong relong ito ang naging simbolo natin. Sabi mo kasi noon endless time tayo, may matatapos na oras pero mauulit yun kaya sobrang sakit talaga nito, masakit dito, dito at dito," habang tinuturo ko ang dibdib ulo at mata ko. "Pero nangako din ako sayo, na walang sinuman ang hahadlang sa plano natin, pero eto pala ang ang hindi ko napaghandaan. Wag ka mag-alala pipilitin kong maging matatag kasi yun ang sabi mo sakin diba,....." Doon ay pinutol ko na ang sinasabi ko, hindi ko na kaya ituloy dahil sa sakit na nararamdaman ko. Tinapik ko ang kuya niya at lumabas na ako.

Natulala ako. Blangko ang isip ko ko noong mga panahon na iyon.

 Bigla tinaggal ko ang dextrose sa kamay ko, at lumabas ng hospital. Naglakad ako, naglakad ng naglakad hindi ko alam saan ako pupunta noon. Umabot ako sa EDSA, doon natauhan ako. Naalala ko na naman si Ej. Umiyak lang ako sa gilid ng kalsada. Yung pagod ko sa paglalakad naramdam ko na mas lalong nagdagdag sa nararamdaman ko.

Hanggang sa isang kotse ang huminto sa harap ko, sila Joseph, Mark, Jane at Clarisse.  Inakay nila ko pasakay, at siya na namang iyak ko.

Napag pasyahan ng magulang ni EJ na dito siya ibuburol ng 3 araw sa bahay ng ate niya at yung 4 na araw sa Isabela. Nalulungkot man, ay di ako tumutol dahil karapatan nila iyon. Sa biyahe pa Isabela, kung nasaan ang ataul ni Ej andun ako.

Pagdating sa kanila, sa kuwarto ni EJ ako pinatuloy ng magulang niya. Doon ay sinariwa ko ang lahat ng ala-ala na meron kame. Nag-ayos ako ng sarili ko at nahiga, dahil gabi na kame nakarating, pinagpahinga muna nila ako doon. Habang nakahiga ako at nakatingin sa larawan sa maliit na lamesa di ko maiwasan mapa isip kung bakit? Bakit? Bakit?

Bumangon ako at umupo, lumingon ako sa bintana at nabanaag ko ang imahe ni EJ sa likod ng kurtina ng bintana ng kanyang kuwarto. Naiyak ako at sinabi sa kanya, "bumalik ka na, kung hindi ka babalik isama mo na lang ako, ang sakit sakit na kasi, please bumalik ka na please" at isang mahinang hikbi ang lumabas sa akin, napayuko ako. Kasabay noon ay isang mainit na hangin ang dumampi sa akin na para bang niyayakap ako, aaminin kong natakot ako pero nangibabaw ang hinagpis ko at lalong lumamlam ang nararamdaman kong pighati.

"Boi, gising na tara na doon sa burol," gising sa akin ng kuya niya, "binabangunot ka ata kagabi, nakita kitang umiiyak diyan sa sahig pero tulog ka. Ginigising kita pero di ka matinag kaya hinayaan na lang kita." Tapos niya.

Bumangon ako at muling hinarap ang natitirang araw niya dito sa ibabaw ng lupa.

Hanggang dumating ang araw ng kanyang libing. Nagsalita ang lahat ng kanyang kapatid, maging mga magulang ni EJ ay nagsalita. Huli ay ang kuya ni EJ akala ko ay doon na matatapos yun pala isinama nila ako sa mga magsasalita

"Bago ang lahat nais kong tawagin si Boi, upang magsalita sa kanilang pinagsamahan ng aking bunsong kapatid." Si kuya.

Nagulat ako, pero tinapik ako ng tatay niya at sinabihan na, " malaya kang sabihin ng lahat ng nais mo, wag mong isipin ang iba, ang mahalaga mailabas mo yang nararamdaman mo." Yan ang sinabi niya sa akin kaya tumayo na ako at naglakad patungo sa mikropono. Bago iyon ay muli kong sinilayan ang labi ni EJ, at nagsalita.

Itutuloy........

No comments:

Post a Comment

Read More Like This