Pages

Sunday, April 30, 2017

Kiltepan Peak

By: Raphael Lexton

After 5 years of being married ay maghihiwalay na kami ni Gerald. At the age of 27 ay separated na ako. Wala naman akong magawa, nakahanap na kasi sya ng totoong mamahalin nya.

2012 nang nagpakasal kami ni Gerald sa New York. 22 years old lang ako nun at sya naman ay 23 years old na. Matagal ko nang kaibigan si Gerald. Magkaklase kami noon sa UST hanggang sa mapetisyon sya ng magulang nya sa US. Naging malapit kaming magkaibigan noon kahit na may girlfriend sya. Ang usapan hihintayin lang makagraduate ang girlfriend nya sa College at kukunin sya ni Gerald. Napakaswerte nya sabi ko sa sarili ko.

Si Gerald yung masasabi ko na kaibigan kong malapit. Sya yung lalaki na tipong headturner, moreno at may semi-kalbong buhok. Stand out din sya dahil sa katangkaran nya.

Hindi na nakapaghintay ang girlfriend ni Gerald at sumama ito sa isang tomboy at nagpunta sila ng New Zealand. Sobrang devastated si Gerald nung mga oras na yun. Pinayuhan na lang sya ng mga kaibigan namin na magmove on at humanap na lang ng iba.

2010 nang grumaduate ako sa kursong Nursing. Sakto namang umuwi si Gerald, nagbabakasakali na makita nyang muli ang girlfriend nya.

Hindi sya naging matagumpay sa pagbalik nya sa Pilipinas. Ako ang palaging kasama ni Gerald nung mga oras na yun. Ako ang kasama nya madalas sa pagbabakasakali na bumalik ang girlfriend nya. Hanggang sa umabot ng anim na buwan ang pananatili nya sa Pilipinas pero bigo syang makausap ang ex-girlfriend nya. Sinabi ng magulang ng nito na masaya na daw itong naninirahan sa New Zealand. Walang magawa si Gerald kundi umiyak dahil sa sinapit nya.

Pagkatapos noon ay umalis na si Gerald pabalik sa US. Pero hindi naputol ang communication naming dalawa. Sobrang hirap makahanap noon ng trabaho bilang Nurse kaya kung anu-anong trabaho ang pinasok ko. Hanggang sa bumalik si Gerald nung 2012 at sinabing tutulungan nya ako makapunta sa US para makapagtrabaho.

“Papakasalan kita dun, palalabasin natin na matagal na tayo mag-on” ang sabi ni Gerald sa akin.

Nagulat ako sa sinabi nya. Hindi ko alam kung anong pumasok sa kanya. Hindi biro ang kasal lalo na hindi naman sya in-love sa akin. Halos tawanan ko ang sinabi nya pero seryoso sya. Paano na ang kagaya ko na walang halos nagmahal sa akin ay sa isang iglap ay ikakasal?
Magulo ang isip ko nung mga oras na yun. Hindi ko mawari kung saan nangagaling ang mga salitang binitiwan nya, pero may isang parte sa akin na gusto ko din. Matagal ko na kasing pinipigilan ang nararamdaman ko kay Gerald. Alam ni Gerald ang pagkatao ko at wala syang problema doon. Ang hindi nya lang alam ay ang lihim ko na pagtingin sa kanya.

Ilang buwan ko pinag-isipan ang bagay na yun. Kahit hindi ako nakaranas na magkaroon ng partner ay hindi ko din naman pinangarap na ikasal agad. Pakiramdam ko kasi pagkatao na lang ang meron sa akin. Yung bang pride na kahit mag-isa lang ako eh maitataguyod ko ang sarili ko, pero naisip ko na hindi naman ibang tao yung gustong tumulong sa akin at alam ko na kung sa ako lang ay imposible akong makakarating sa US nang dahil lang sa sarili kong sikap.

Buo na ang loob ko na magpakasal kay Gerald. Tinawagan ko sya tungkol dito. Tutal madami-dami naman kaming pictures nung teenager pa kami na magkasama ay pwede na itong proof na matagal na kaming magkakilala. Kumonsulta ng Immigration Lawyer si Gerald at matapos ang halos siyam na buwan ay nakarating na ako ng New York.

Pangarap ko ang makapunta doon. Dati kasi sa mga litrato ko lang nakikita ang mga lugar doon pero sa isang iglap ay naroon na ako. Maayos ang aming kasal at sya ang aking first kiss. Pagkatapos noon ay ininterview kami sa USCIS at inusisa kung kami ba talaga ay in-love sa isa’t isa. Dahil sa matagal na namin itong napagplanuhan ay maayos naming nalagpasan ito. Sa wakas ay nagkaroon ako ng green card.

Dahil hindi naman kami in-love ni Gerald ay hindi kami nagkaroon ng honeymoon. Magpapanggap kaming mag-asawa hanggang sa umabot kami sa ilang taon na kung saan ay pwede na kami magdivorce. Hindi din kami nagtatabi ni Gerald sa kama kahit na sa iisang bahay lang kami nakatira.

Ilang linggo matapos ang kasal namin ay tinanong ko sya.

“Bakit ako Ge? Bakit ako ang tinulungan mo?”

“Gio, kaibigan kita. Nakita ko kung gaano kahirap ang sitwasyon mo sa Pilipinas kaya kita tinulungan. Isa pa, ikaw yung palaging nandyan nung mga panahong hindi ako ok. Matatagalan pa bago ako makamove on. So gagamitin ko itong mga panahong to para tulungan ka, ayoko naman na ipakasal ka lang kung kaninong Amerikano, at baka gawin ka pang sex slave” ang sagot ni Gerald at nagkatawanan kami.

Naging maayos na ang buhay ko simula noon. Nagkaroon ako ng trabaho sa isang ospital doon. Naging asawa ako ni Gerald sa papel, pero ginampanan ko ang papel kong yun ng buong puso. Walang katulad ang pagsisilbi ko sa kanya. Gusto ko kasi ipakita sa kanya kung gaano ako ka-grateful sa kanya. Ang ipinagdadasal ko lang ay sana balang araw ay matutunan din nya akong mahalin.

Dumaan sa isang taon ang pagsasama namin. Hanggang sa umabot ito sa ika-lima namin. Alam ko sa sarili ko na hindi kailanman nagkaroon ng pagtingin sa akin si Gerald. Doon ko din sya sinimulang udyukan na makipagdate nang patago sa iba. In two years kasi magdidivorce na kami. Ayoko naman na habambuhay syang maging single dahil sa isang hindi magandang pangyayari sa buhay nya.

Hanggang sa makilala nya si Deena. Isa itong Fil-Am. Alam nya ang sitwasyon namin ni Gerald at wala syang pagtutol dito. Inamin nya sa akin na may gusto din sya kay Gerald at ramdam ko ang closeness nila. Nakita ko din na masaya si Gerald sa kanya.

Nalungkot ako, kasi ngayon alam ko na hindi na magkakatotoo ang palagi kong ipinagdadasal na magkaroon ng pagtingin sa akin si Gerald. Nakaramdam din ako ng selos dahil alam ko sa sarili ko na mahal ko si Gerald. Pero wala naman akong magawa kung hindi tanggapin na gusto na ulit magsimula ni Gerald at dahil sa lalaki din ako ay hindi ko maibibigay ang mga bagay na makukuha lang nya sa isang babae.

Hinayaan ko silang magdate pero kasama ako. Malakas kasi maghinala ang mga officials dito lalo na kung alam na kasal ka na. Para hindi sila mahuli ay madalas kasama nila ako. Wala naman akong pagtutol dahil tinutulungan ko lang si Gerald at bilang ganti na din sa mga ginawa nya para sa akin.

Hanggang sa maging officially mag-on na sila. Kitang kita ko sa mata ni Gerald ang saya na nararamdaman nya na sana ako yung nagbigay sa kanya, pero ako feeling unloved nung mga oras na yun. Parang bumalik sa akin yung pakiramdam nung mga taong nan-reject sa akin noon.

Hanggang sa sabihin sa akin ni Gerald na balak nyang pakasalan si Deena sa mga susunod na taon.

“Bakit ang aga? Paano ako?” ang tanging naisagot ko kay Gerald.

“I’m sorry. Mahal na mahal ko si Deena” ang sabi ni Gerald sa akin. Wala akong ibang naging reaksyon kung hindi ang umiyak. Niyakap nya ako sabay hingi ng tawad sa akin.

Kinonsulta ni Gerald ang Immigration Lawyer namin noon. Sinabi nito na mapapauwi ako kung sakaling ituloy ni Gerald ang divorce, dahil wala nang iba pang paraan ay napagpasayahan namin na ituloy ang divorce. Gusto din kasi ipakita ni Gerald kay Deena na willing syang pakasalan ni Gerald. Ayoko din naman kasing humadlang sa kagustuhan ni Gerald at lalo pa wala naman akong karapatan na magbigay ng mga demands sa kanya. Sabay kaming nagfile ni Gerald ng divorce para mas mapadali ang process nito. Malungkot ako nung mga oras na yun dahil sa alam ko na babalik na ako sa amin sa Bulacan pag natapos na ang hearing.

Hindi din kakayanin kung gagawing sponsor ko ang ospital na pinagtatrabahuhan ko. Dahil sa matagal ang proseso ng working visa at sa kamahalan nito ay tiyak hindi sila magdadalawang isip na humanap ng bago kong kapalit.

Nagfile na ako ng resignation sa ospital para makuha ko din ang separation pay habang nandoon pa ako. Madami-dami naman na akong naipon nung panahong yun. Sapat na para bumalik ako sa Pilipinas. Napgkasunduan din namin na lilipat na ako sa ibabang unit dahil may balak na silang maglive in ni Deena.

Habang nag-eempake ako ng mga gamit ay nakita ko ang picture namin ni Gerald nung bagong kasal pa lang kami. Naiyak ako habang hawak ito. Marahil ito na yung pinakamagandang nangyari sa buhay ko, ang maikasal sa kanya. Pakiramdam ko nung araw ng kasal namin ay may kaisa-isahang lalaking nagmahal sa akin. Naging isang magandang panaginip ang buhay ko kasama si Gerald. Para sa akin ito ang perpektong buhay na pinapangarap ko, kahit na hindi ako minahal ni Gerald nang kagaya ng pagmamahal ko sa kanya ay masaya pa din ako dahil sa loob ng limang taon ay napagsilbihan ko sya ng buong puso. Sa loob ng limang taon madami kaming pinagsaluhan ni Gerald, at sa lahat ng yun ay palagi kong sinisigurado na palagi akong nariyan para sa kanya.

Bigla syang dumating at nagpunas ako ng luha.

“I’m really sorry, hindi ko na kayang i-fake ang nararamdaman ko para kay Deena” ang sabi sa akin ni Gerald at niyakap nya ako. Hindi na ako nakasagot sa kanya at sa halip ay yumakap na lang ako sa kanya ng mahigpit.

Tinulungan nya akong magbaba ng mga gamit ko. Kita ko din na may lungkot na nararamdaman si Gerald. Marahil dahil sa limang taon na pagsasama namin ay mamimiss din nya ako, panigurado ay mamimiss nya ang mga luto ko, ang panonood namin ng mga pelikula at ang paghahanap ng beer sa madaling araw. Sigurado ako, na kahit na hindi nya ako nakita bilang mahal nya ay kahit na papaano ay tumatak din ako sa kanya.

Nang matapos akong mag-ayos sa bago kong apartment ay naisip ko kung naging ano ba talaga ako kay Gerald. Ang alam ko ay naging totoong asawa ako sa kanya. Ginampanan ko ang role na ito na walang katulad. Ako ang palaging nagluluto sa kanya, ako ang naglalaba at namamalantsa, ako din ang dumadamay sa kanya sa tuwing naaalala nya ang naudlot na pag-iibigan nila ng dati nyang girlfriend. Ako din ang nag-aalaga sa kanya sa tuwing nagkakasakit sya at ako lang yung nandoon sa tuwing kailangan nya ako. Umasa kasi ako na baka mapansin din ako ni Gerald na baka matutuhan nya akong mahalin, pero wala. Napahagulgol na lang ako nung mga oras na yun at naisip ko na game over na talaga para sa amin.

Kinabukasan ay nagluto ako ng sinigang na baboy. Naisip ko na baka hindi pa kumakain si Gerald ng hapunan ay dinalhan ko sya nito. Natuwa naman sya dahil wala pa daw syang ulam. Habang kumakain sya ay inayos ko ang mga natitira kong damit sa cabinet para maibaba ko na. Sakto namang pagkatapos nyang kumain ay aalis na ako pero pinigilan nya ako.

“Inom tayo? Just like the old times” ang sabi nya sa akin. Gusto ko sanang tumanggi pero wala na din akong nagawa.

Puro kwentuhan nang mga pangyayari dati ang naging usapan namin. Sa isang iglap ay napatawa nya akong muli. Nakalimutan ko na maghihiwalay na pala kami, pero sa puso ko ay sya pa din ang unang asawa ko. Habang lumalalim na ang gabi ay naging mas seryoso na ang usapan namin. Humingi sya ng tawad sa akin dahil sa nakompromiso ang buhay ko nang dahil sa divorce namin. Sinabi ko sa kanya na karapatan nya yun at wala akong pagtutol. Sinabi ko din na malungkot ako kasi hindi ko na sya makakasama pa kahit kelan.

“Sa limang taon na nagsama tayo, minahal mo ba ko Gio?” ang tangi nyang tanong sa akin.

Hindi na ako nakakibo agad at tumulo ang luha ko. Niyakap nya ako at biglang hinalikan.

Sobrang sarap ng halik nya. Hanggang sa bumaba ang halik nya sa leeg ko. Nagtanggal sya ng T-shirt at niyakap nya ako. Ramdam ko ang katawan nyang dumidiin sa akin hanggang sa nakapatong na sya sa akin.

Walang tigil ang halikan namin at sya ay tumayo at binuhat ako papuntang kwarto. Dito ay hinubaran nya ako at pumatong syang muli sa akin. Sobrang higpit ng yakap ko sa kanya na tila ba ayaw ko nang bumitaw. Hanggang sa pasukin nya ako at nakuha ang pagkabirhen ko. Puro ungol lang ang maririnig sa amin at kadalasan ay naghahalikan kami. Hanggang sa marating namin ang rurok.

Nakatulog kaming dalawa at nakayakap sya sa akin. Matagal na dapat itong nangyari ang sabi ko sa sarili ko. Habang pinagmamasdan ko ang mukha nya ay hinawakan ko ito. Tila tinatandaan ng mga daliri ko ang mukha nya at isang halik sa labi ang binigay ko sa kanya at umalis na ako. 

Ito ang naging closure sa aming dalawa ni Gerald. Masaya ako at kahit sa huling sandali ay sa kanya ko pa din ibinigay ang virginity ko. Masaya ako na nangyari sa amin yun. Marahil isa yun sa pinakamasayang sandali na kasama ko sya.

Umusad na ang divorce namin ni Gerald. Sa hearing ay naiyak ako sa sinapit naming dalawa hanggang sa naging final na ito.

Isang buong araw akong nagkulong sa kwarto kakaiyak. Sinisi ko din ang sarili ko dahil sa kasalanan ko din ito. Kung hindi lang ako pumayag na magpakasal kami noon ay malamang hindi ko pagdadaanan ito, pero naisip ko din na hindi ko mararanasan yung pakiramdam na maging asawa ni Gerald, yung tumayong asawa nya kahit sa papel lang.

Iniyak ko ang lahat at subukan na magmove on. May apat na buwan na lang kasi ako bago bumalik ng Pilipinas. Dapat i-enjoy na ang natitira kong panahon sa New York.

Simula noon ay nagpunta ako sa mga lugar na hindi ko pa napupuntahan. Nagpunta ako sa isang sikat na night club doon kasama ang mga kaibigan ko mula sa ospital. Ipinakilala nila ako kay Alfred, isang Fil-Am na bisexual. Matapos noon ay nagsimula kaming magdate ni Alfred.

Palaging nauuwi sa sex ang date namin ni Alfred. Nafulfill nya yung isa kong pangangailangan. Madalas ay magkasama kaming dalawa. Minsan ay nakita kami ni Gerald at ipinakilala ko sya dito. Iba ang tingin nya kay Alfred pero hindi ko na ito pinansin.

Simula noon ay naging walwal na ako. Gusto kong sulitin ang nalalabi ko pang mga araw. Pakiramdam ko kasi ay parang mamamatay na ako. Hindi ko alam na matagal na palang nagmamasid si Gerald sa mga kilos ko. Madalas ay umuuwi ako na lasing at si Gerald ang halos tumutulong sa akin dahil sa hindi na ako makapasok ng apartment ko sa kalasingan. Madadaanan kasi ang apartment ko bago ang kay Gerald sa itaas kaya madalas nya akong makitang lasing.

Minsang pauwi ako galing club ay hinatid ako ni Alfred. Dahil sa kalasingan ay medyo in the mood kaming dalawa. Nang magpark si Alfred sa tapat ng apartment building namin ay nagsimula kaming maghalikan. Dahil madaling araw na yun ay wala na kaming pakialam kung may makakita sa amin. Hanggang sa may kumatok sa window sa side ko at malakas ang katok nito. Nakita ko si Gerald na galit na binubuksan ang pinto.

Nakipagtalo sya kay Alfred nung mga oras na yun. Dahil sa ayoko na ng gulo ay pinaalis ko na si Alfred. Hanggang sa ihatid ako ni Gerald sa apartment ko at sinabi nya na

“Sobrang desperado mo! Ganyan ka na ba kadesperado para sa green card mo?!” ang singhal sa akin ni Gerald.

“Hindi ka mamahalin nun! Mas gago pa yun sa gago e! Ewan ko ba kung bakit bigla mo na lang tinapon ang katawan mo sa gagong yun!” galit na galit si Gerald nung mga oras na yun.

Nawala ang lasing ko at naiyak na lang sa mga narinig ko. Totoong sobrang naging desperado na ako na makahanap ng totoong pagmamahal ay hindi ko na nakita na sinisira ko ang sarili ko dito. Siguro ang pagtanggap na lang sa kapalaran ko ang tangi kong magagawa. Naisip ko na baka may mas magandang buhay ang naghihintay sa akin sa Pilipinas. Kahit na masakit ay kailangan ko nang umalis. Sa loob kasi ng limang taon ay nabuhay ako sa isang perpektong panaginip pero kailangan ko nang gumising sa katotohanan.

Siguro nga hindi ko na kailangan pang pumasok sa isang relasyon para mahalin ako ng iba. Yung mahalin ko ang sarili ko ay sapat na, para naman maibigay ko ulit ang sarili ko kung sakaling may makapansin, at magmahal sa isang kagaya ko.

Hindi nawala si Gerald sa akin habang nasa New York pa ako. Naging magkaibigan pa din kami sa kabila ng nangyari sa amin. Sobrang mabuting tao si Gerald at wala na akong mahihiling pa kung hindi ang makita syang masaya.

Hinatid nya ako sa airport pabalik ng Pilipinas. Hindi na ako naiyak sa puntong yun. Natanggap ko na kasi ang kinahinatnan ko. Uuwi ako ng masaya dala ang mga masasaya naming sandali ni Gerald. Bago ako tumalikod sa kanya ay isang ngiti ang ibinigay ko sa kanya at sinabi kong

“Thank you Ge” at tuluyan na akong umalis.

Nagpatayo ako ng ilang pinto ng apartment pagkauwi ko sa amin sa Bulacan. Medyo malaki din kasi ang naipon ko. Nagkaroon din kami ng water refilling station pero hindi ako tumigil sa paghahanap ng mapapasukang bagong trabaho. Gusto ko kasi kahit papaano ay may pagkukunan ng pera ang magulang ko kahit hindi ako magbigay sa kanila. Sakto namang natanggap ako sa UK bilang may experience ako sa US bilang isang nurse. Makalipas ang ilang buwan ay ibinalita sa akin ni Gerald sa Facebook na hindi natuloy ang kasal nila ni Deena at nahanap na daw nya yung totoong papakasalan nya. Nakaramdam ako ng saya para sa kanya nung mga oras na yun.

“I wish you well” ang tanging naging sagot ko sa kanya.

Bago ang aking 28th birthday ay napagpasyahan kong pumunta sa Sagada mag-isa. Napanood kasi namin ni Gerald yung “That Thing Called Tadhana” at sinabi namin na pupuntahan namin itong dalawa, pero dahil sa mga nangyari ay mag-isa na lang akong pupunta doon sa Kiltepan Peak.

Nang makarating ako doon ay madami nang tao. Puro couples sila at masayang masaya sila habang hinihintay nila ang sunrise. Naisip ko na masaya naman ako bilang single, at siguro kailangan kong pagdaanan ang mga bagay na yun para malaman ko na hindi lang puro pagkakaroon ng kasama sa buhay ang dapat inaatupag sa buhay. Siguro kailangan din natin minsan na mag-isa para makita ang self-worth natin bilang isang tao. Para in return, makita yun ng ibang tao at mamahalin tayo ng buong-buo. Minsan kasi nakakalimutan na nating magtira ng pagmamahal sa sarili natin.

Tumulo ang luha ko sa tagpong sumikat na ang araw. Tila sinasabi nito na magsimula akong muli, na ayos lang na nadapa ako, na ayos lang na minsan akong nabigo. Dala ng pagsikat nya ang mga pag-asa ko sa buhay, na makasal ulit sa taong mahal talaga ako at mahal ko din.

Kung nakikita lang ni Gerald ang nakikita ko, malamang matutuwa yun.

Nang papaalis na ako ay may isang batang lumapit sa akin at ibinigay sa akin ang wedding ring ko noon. Nagulat ako sa ibinigay nya sa akin dahil iniwan ko ito kay Gerald nung naghiwalay kami.

Hanggang makita ko ang isang lalaki na nakangiti sa harap ko at may dalang isang banner na nagsasabing,

“WILL YOU MARRY ME AGAIN?”

WAKAS

No comments:

Post a Comment

Read More Like This