Pages

Sunday, April 2, 2017

A Beautiful Artifice (Part 4)

By: Joshua Anthony

Labis-labis ang aking pasasalamant kay Zeke at sa kanyang pamilya dahil pinatuloy nila ako sa kanilang tahanan pansamantala. Halos dalawang linggo na lang naman at Christmas vacation na, uuwi na rin ako
muna sa Cavite.

Si Maddie ay madalas din na pumupunta sa bahay nila Zeke. Ika nila ay mas mabuti na lang daw na doon sila mag-date kunwari upang masamahan din ako.

Isa sa mga una kong ginawa simula nang manirahan muna ako sa tahanan nila Zeke ay ang magpalit ng sim card. Nag-deactivate na rin muna ako ng mga social media accounts ko. Ayaw ko kasi na malapitan ako ni Seb kahit na sa mga bagay na ‘yon.

Sa kabila ng lahat ng iyon ay patuloy ang pagpipilit ni Sebastian na makapag-usap kami. Palagi niya akong inaabangan sa tuwing patapos na ang aking klase at paghingi ng tawad ang lagi panimula. Ang ilan sa aming mga kaibigan ay patuloy din naman ang pag-aalalay sa amin. Madalas ay sina Marky at Zeke ang sumasabay sa akin pauwi upang hindi ako malapitan ni Sebastian. Katulad ng madalas, si Jerry at Brett naman ang laging umaalalay kay Seb.

Kahit na may inis at galit kay Seb, pinipilit din naman ako ni Zeke paminsan-minsan na muli siyang kausapin. Hindi ko alam kung kailan, ngunit iniisip ko na baka maisipan ko rin na kausapin siya. Siguro nga ay masakit pa rin sa akin ang lahat ng mga nangyari kaya’t hindi ko na muna siya gustong makausap.

Si Cha ang pinakagusto kong makausap muna. Ngunit sa ilang beses na pagtatangka ko ay palagi siyang umiiwas. Hindi ko alam kung nag-away din ba sila ni Seb, ngunit gusto ko siyang tanungin kung may alam ba siya sa problema ng kanyang nobyo. Hindi ko na rin siya nakikita sa school nitong mga nagdaang araw. May bali-balita na baka huminto na raw muna siya sa pag-aaral o kaya naman ay lumipat sa ibang unibersidad.
Hindi ko alam kung bakit, ngunit nang malaman kong lumayo na ng tuluyan si Cha ay naisip ko rin ang pinagdadaanan marahil ni Seb. Palagi rin kasi akong tinatawagan nila Jerry at sinasabi na hindi na raw nila maawat si Seb sa palagiang pag-iinom. Hindi na rin daw siya madalas pumapasok sa kanyang mga klase at kung papasok man ay lagi namang puyat o kaya ay medyo lasing.

Isang gabi ay nakatanggap ako ng mensahe kay Mama at kinakamusta si Seb. Hindi ko siya masagot ng maayos dahil hindi ko naman din nabanggit pa sa kanya na hindi na ako sa condo nanunuluyan. Sinabi niya na nag-aalala lang din daw sina Tita Liza dahil hindi nila kami ma-contact.

Halos alas-sais na ng gabi nang matapos ang huli kong klase. Huling araw na rin ngayon na kami ay may pasok at simula bukas ay bakasyon na namin. Sa susunod na taon na muli kami papasok.

Dahil nga kaklase ko si Zeke ay kasabay ko siyang lumabas ng aming building upang puntahan si Maddie sa parking area na nauna na raw doon. Patuloy lang kami sa paglalakad nang biglang nilapitan ako ng isa sa mga propesor namin.

“Mr Dela Rosa!” sigaw niya habang papalapit sa amin.

“Sir Raffy!” tugon ko naman.

“Can I have a word with you?” tanong niya. “Okay lang, Zeke, kahit di ka na umalis. This isn’t that private naman.” dagdag niya.

“Ano po ang atin, sir?” tanong ko naman.

“Do you have any idea where in world Mr Collins is?” pauna niyang sabi. “He needs to go to the Dean’s office and have a talk with our dean there regarding his studies. He hasn’t been around that much, neither does he submit the requirements needed in order to pass his subjects.”

Napapatingin-tingin lamang ako kay Zeke na umiiling-iling din dahil sa mga naririnig.

“The good thing is, the dean knows his dad. Actually, sila nga dahilan why we have some scholars here. And if my memory serves me right, you’re one of them, ‘di ba?”

Nagulat ako sa sinabi niyang ‘yon. Walang nabanggit si Seb sa akin na kahit ano tungkol doon. Ang alam ko lang ay nag-take ako ng entrance exam at nagpasa ng requirements upang maging iskolar.

“Anyway, if ever you know where he is, tell him that he has until next week to report so we can figure out how to fix this.” sabi niya. “Yeah?”

Tinanguan ko na lamang si Sir Raffy. “Yes, sir.”

“Alright. Thank you! Ingat kayo pauwi and enjoy the holidays!” huli niyang sambit bago naglakad na palayo.

Nagpatuloy na kami sa paglalakad ni Zeke papunta sa parking area. Agad ko namang kinuha ang aking cellphone upang tawagan sana si Seb, ngunit naalala ko na wala na pala akong number niya.

“Zeke, can you ring Seb’s number?” tanong ko kay Zeke.

“Yeah, sure.” bigla niyang tugon bago kinuha ang kanyang cellphone at tinawagan si Seb.

Ilang sandali pa ay umiiling-iling siya. “Tol, ayaw eh. Hindi sumasagot.”

Hinanap ko naman ang numero ni Jerry sa aking phone at saka tinawagan siya.

“Hello, Jerry? San ka?” una kong tanong.

“Dito pa sa labas, pauwi pa lang. Why?” tugon niya.

“Do you know where Seb is? Right now?” naiilang kong tanong.

“No eh. Baka nasa condo lang?”

Pagdating sa parking area ay sinabi ko kina Maddie at Zeke na ihatid na lang muna ako sa condo at ako na ang bahalang umuwi sa bahay nina Zeke pagkatapos kong kausapin si Seb. Naintindihan naman nila at inihatid ako.

Hindi ko alam kung saan kukuha ng lakas ng loob upang katukin ang pintuan ng condo unit na ‘yon. Siguro ay ilang minuto rin muna akong nagpaikot-ikot na muna bago tuluyan kumatok.

“S-seb?” pagtawag ko habang kumakatok. “Seb, si Chard ‘to. I just need to talk to you about school stuff.”

Ilang beses rin akong kumatok pa ngunit walang sumasagot. Nang hawakan ko ang door knob ay nalaman ko na bukas pala iyon. Marahan ko iyong binuksan at saka pumasok habang tinatawag-tawag si Seb.

“Seb, pumasok na ‘ko. Nasaan ka ba?” tanong ko.

Inilibot ko ang mata sa dating tinutuluyan. Halos tatlong linggo na rin akong hindi namalagi roon at kitang-kita ko ang kaibahan, ang kalungkutan. Makalat din. May mga balat ng kinainan na nakahandusay sa mesa at mga bote ng alak na nagkalat sa sahig.

Pumasok ako sa kwarto ngunit walang tao roon. Maging ang kabilang kwarto ay tanging malamig na hangin lamang ang kasama.

Agad ko namang naisip na magmadaling pumanhik sa rooftop dahil baka naroroon sa penthouse si Seb. Dali-dali akong lumabas at nagtungo sa elevator paakyat sa tuktok ng building.

Pagkarating ay naroon nga si Sebastian. Ganoon pa rin ang kanyang itsura. Patalikod sa aking kinaroroonan ay nakaupo siya sa isa sa mga benches doon at nakatingala sa langit. May ilang mga bote na rin na nakalapag sa paligid. Nagpasya akong lapitan siya dahil hindi niya marahil alam na naroroon na ako.

“Wag mong sabihin na uubusin mo ang oras mo sa mga alak na ‘yan.” mahinanon kong sabi kay Sebastian habang dahan-dahang pinupulot ang mga bote ng alak sa paligid.

Parang wala lang siyang naririnig at nakatingala pa rin sa langit. Pinagmamasdan marahil ang ganda ng mga bituin sa maaliwalas na kalangitan.

“Tara na, Seb. Baba na tayo.” matapos kunin ang ikaapat na bote ay lumapit ako sa kinaroroonan niya upang kunin naman ang huling bote na hawak niya. “Akina, ako na rin ang magbibitbit niyan.”

Iniiwas niya ang bote nang akmang kukunin ko na. Iniling-iling ang kanyang ulo upang matanggal marahil ang ngalay ng kanyang leeg mula sa pagkakatingala.

Tinitigan ko siya. Habang yakap-yakap sa magkabilang mga braso ang mga bote ng alak, tinitigan ko ang aking kaibigan. Ang kulot niyang buhok na nilalaro ng malamig na hangin ng Disyembre. Ang kanyang makakapal na mga kilay na bahagyang nakakunot at salubong. Ang maputi at maamo niyang mukha na may mapupulang pisngi dahil na rin sa bahagyang pagkakalasing.

Pinagmasdan ko rin ang matitingkad niyang mga mata na animo’y namamangha sa ganda ng kalangitan. Iniisip na habang siya ay nakatingala sa langit, ako naman ay nakayuko at pinagmamasdan ang isang anghel.

“Hayaan mo na muna ako rito.” mahina niyang sambit nang hindi man lang iniaalis ang kanyang tingin sa mga bituin.

Natuon ang aking atensiyon sa kanyang mga labi. Mapula, manipis.

“Lasing ka na yata, Seb. Tara na, pahinga ka na.” pang-aamo ko sa kanya; umaasang sa ganoong pakikipag-usap ay makikinig siya.

Bahagya siyang pumikit. Hindi ko mawari kung dahil lang ba iyon sa antok niya na marahil ay epekto na ng alak o dahil humapdi lamang ang kanyang mga mata mula sa pagkakatitig sa mga bituin sa kalangitan. Magsasalita na sana akong muli nang bigla kong napansin ang pamumula ng kanyang ilong. Sumisinghot din siya ng marahan na parang pinipigilan ang sarili sa kung ano mang bagay na ayaw niyang gawin. Maya-maya pa’y nakita ko ang pagtulo ng mga luha mula sa kanyang nakapikit na mga mata.

Ang aking anghel, ang taong pinakamalapit at mahalaga sa akin, nilulunod ang sarili sa alak dahil sa pag-iwas na malunod sa sariling luha.

“S-seb…” wala na akong sunod pa na nasabi dahil hindi ko rin naman alam kung ano ba ang dapat sabihin.

Iminulat niya ang kanyang mga mata at nagmadaling tumayo patungo sa akin. Walang anu-ano ay bigla siyang nagpatirapa payakap sa akin at ibinuhos sa pag-iyak ang sakit na nadarama. Nabitawan ko naman lahat ng hawak kong bote upang saluhin siya. Hindi ko maiwasan na maiyak din dahil sa lakas ng kanyang hagulgol, ngunit ginagawa ko ang lahat upang pigilan ang pag-agos din ng aking luha.

“D-duwag kasi a-ako, Chard, eh. D-duwag ak-o!” sambit niya na animo’y umiiyak at nagpapaliwanag sa ina dahil sa isang kasalanan na nagawa. “W-wala ak-ong k-kwentang kai-bi-gan, Ch-chard. L-lahat ng pinag-sama-han n-natin, s-sina-yang ko l-lang. Bina-le-wala k-ko!”

Habang inaalalayan siya sa kanyang mahigpit na pagkakayakap ay ako naman ang tumingala at tumitig sa langit. Kasabay ng ingay ng mga sasakyan sa kalsada sa ibaba ay ang ingay ng mga bagay na tumatakbo sa aking isipan.

“Shhh…” pagpapatahan ko sa kanya habang hinahaplos ang kanyang likod. Inakay ko rin siya pabalik sa upuan at doon kami naupo.

Kahit na nakaupo na kami ay patuloy pa rin sa pag-iiyak si Seb at nakasubsob pa rin saking dibdib ang kanyang mukha.

“Baba na tayo?” mahinahon kong paanyaya sa kanya. “Doon tayo sa loob mag-usap?” pinipilit kong gawing maamo ang tono ng aking pananalita. Nais kong ipabatid sa kanya na sa mga oras na ‘yon ay hindi pakikipagsagutan o away ang nais kong mangyari.

Bahagya siyang kumilos at umupo ng maayos upang tunguan ako. Hinila rin niya ang kanyang damit upang punasan ang mukha dahil sa mga luha. Pagtayo niya ay pinulot niya ang mga bote na hindi nabasag at iniwan na lamang ang mga basag na bahagi ng ilang bote.

Tumayo rin ako kaagad mula sa pagkakaupo at nauna na sa kanya papunta sa elevator. Habang hinihintay ang pag-akyat ng elevator ay agad naman na nakapunta rin doon si Seb at inakbayan ako habang sumisinghot-singhot pa. Sa loob ng elevator ay nakaakbay pa rin sa akin si Seb, hinahalik-halikan ang aking ulo at panay ang titig sa akin. Nginingitian ko lamang siya at nakatahimik.

Pagkapasok namin ay agad na sinara ni Seb ang pinto at saka ini-lock.

“Iniwan mong bukas ‘yan kanina. Buti maayos ang seguridad dito.” mahina kong sabi bago tumalikod at naglakad patungo sa couch.

“Ang kalat dito, Seb. Bukas linisin na muna natin tapos—” hindi ko na natapos ang aking sasabihn dahil agad niya akong hinila paharap sa kanya at saka mariin na hinalikan sa labi.

Nanlaki ang aking mga mata dahil sa kanyang ginawa. Ramdam ko ang dampi ng nag-iinit niyang mga labi at kitang-kita ko rin ang gigil sa kanyang mga mata kahit na nakapikit.

Halos hindi ako makakilos dahil doon. Hindi rin naman ako marunong sa halikan at bukod pa roon ay punong-punong ng tanong ang aking isipan.

Bakit ito nangyayari?
Ano ang ibig sabihin nito para kay Seb?
Dahil lang bas a sobrang kalungkutan kaya niya ito ginagawa sa akin?

Halos magabot-abot ang hininga niya dahil sa tindi ng kanyang paglamutak sa aking mga labi. Hawak-hawak rin niya ako sa batok at mariin na idinidiin ang aming mga mukha sa isa’t-isa. Maya-maya pa’y itinulak niya ako sa couch at pumaibabaw na siya sa akin habang patuloy pa rin akong hinahalikan. Ipinapasok-pasok niya ang kanyang dila sa aking bibig at mula doon ay nagtungo naman siya sa aking leeg pabalik sa aking mukha at mga labi.

Patuloy pa rin sa paninigas ang aking katawan at hindi pa rin alam kung pipigilan ko ba siya o hahayaan na lamang. Bigla niyang inabot ang isa kong kamay at inihahaplos niya sa kanyang mukha habang walang-tigil pa rin siya sa kanyang paghalik. Nagsimula na rin siyang idiin ang kanyang sandata sa aking harapan. Ramdam ko ang tigas ng kanyang ari na kumikiskis sa aking tiyan at sariling sandata na nagsisimula na rin manigas.

“S-seb…” mahina kong ungol.

Parang isang panaginip ang nangyayari, ngunit ang init ng kanyang mga halik at haplos ang siyang nagsasabi sa akin na ako ay gising at totoo ang lahat ng iyon. Ang pinakamamahal kong si Sebastian ay nagpaparamdam din sa akin ng pagnanasa’t pagmamahal.

Bigla kong naisip na hindi tama ang mga nangyayari. Nais kong malinawan sa kung ano nga ba para sa kanya ang mga ginagawa niya. Agad ko siyang itinulak upang kumawala mula sa kanyang halik.

“Seb, tama na.” mabilis kong sabi sa kanya.

Ngunit imbes na tuluyang kumawala ay bigla niya akong mahigpit na niyakap muli. Mariin niyang sinisinghot ang aking leeg at hinalik-halikan ito maging ang aking pisngi.

“Wala na kami ni Cha.” bigla niyang sabi sa akin. “Ikaw, Chard. Ikaw ang gusto ko. Ikaw ang mahal ko!”

Napatulala lamang ako sa sinabi niyang iyon. Hindi ko rin alam kung ano ang dapat sabihin o kung kinakailangan ko na bang magsalita na.

“It’s taken so much time for me to realise this, but I love you! I love you, Chard!” hinawakan niya ang aking mukha at tinitigan ako sa mata. “I was so scared and I couldn’t accept it noong una, kaya mas pinili ko na iwasan ka. Pilit kong nilabanan pero hindi ko talaga mapigilan.”

Pilit ko siyang inilayo sa akin at agad akong bumangon at naupo sa carpet sa sahig. Litong-lito pa rin sa mga sinasabi niya. Siya naman ay naupo rin sa harap ko at hinawakan ako sa mukha.

“Iniiwasan mo ako?” tanong ko sa kanya.

“Yes, yes. I admit na I tried to distance a little dahil siguro nalilito pa rin ako sa kung ano ang nararamdaman ko sa’yo. I distracted myself by focusing my attention to Cha and my social life, but now I know that I was just fooling myself all along.” sagot niya.

“Paano si Cha? What happened to her?”

“I told her… Alam niya, Chard.” mahinahon niyang sabi. “I talked to her. Inamin ko sa kanya ang lahat-lahat, pati na ang nararamdaman ko para sa’yo. Naintindihan niya, Chard! Siya pa ang nagprisinta na lumayo na lang.” dagdag pa niya.

Pinipilit ko pa rin intindihin lahat ng sinasabi niya. Sa kabilang banda ay natutuwa rin naman ako sa aking mga naririnig. Akala ko noo’y wala talagang pag-asa na magustuhan niya ako ng higit pa sa isang matalik na kaibigan. Matagal ko ring pinangarap na marinig ang lahat ng ito mula sa kanya.

“Jerry knows all this, too.” sabi pa niya. “Sa kanya ko lang din palaging nasasabi ang lahat ng ito. Ilang beses na rin niya akong pinilit na umamin sa’yo kahit noong nandito ka pa kasama ko, ngunit ako itong duwag eh. Ako itong mas pinairal ang takot… Patawarin mo ako, Chard! I promise I won’t hurt you ever again! Please, don’t leave.”

Bigla niya ako muling niyakap at hinalikan. Sa pagkakataong ‘yon ay hindi ko na rin napigilan ang aking sarili at gumanti na rin sa kanyang mga halik. Dahan-dahan niya akong ihiniga sa carpet na iyon kami patuloy na naghalikan, mula sa aking mga labi ay pabalik-balik siya sa aking leeg at mga pisngi.

Maya-maya pa ay inilibot niya ang kanyang mga kamay sa aking katawan. Itinaas ang aking damit at pinaglaruan ang aking mga utong habang patuloy ang kanyang mga labi at dila na lamutakin ang aking mukha.

“M-mahal na mahal kita…” mahina niyang bulong.

Nararamdaman ko ang pagiging agresibo niya. Agad siyang bumangon nang bahagya at mabilisang hinubad ang kanyang suot na t-shirt. Ibinaba na rin niya kanyang shorts at brief bago bumaling sa akin at ako naman ang hinubaran ng aking pang-itaas. Pagkahubad ay agad niyang sinipsip at dinila-dilaan ang aking magkabilang utong, pababa sa aking tiyan at pabalik sa aking mga labi.

Ramdam ko ang matigas niyang ari na kanya ring ikinikiskis sa aking harapan. Hinawakan rin niya ang aking isang kamay at ipinahawak iyon sa kanyang sandata. Agad ko rin naman iyong nilaro-laro. Taas-baba na siyang nagpapaungol sa kanya.

Marahan niyang inilapit muli ang kanyang bibig sa aking tainga.

“Pwede ba, Chard? Kahit ngayon lang…” mahina niya sabi bago ipinasok ang isang kamay sa loob ng aking pantalon. Hinawakan niya ang galit na galit ko ring sandata at saka pinisil-pisil.

“Matagal na akong nagnanasa sa’yo, Chard…” sa lamig ng kanyang boses at pagroromansa ay hindi ko namamalayan na napapaungol na rin pala ako.

Hinubad niya ang aking pantalon at hinila ito pababa kasabay ng aking suot na boxers. Matapos mahubad ay pumatong siyang muli sa akin at ikinikiskis sa isa’t-isa ang aming mga ari. Hindi ko malaman kung ano ang gagawin dahil sa sensasyong nararamdaman.

Maya-maya pa’y nagtungo ang isa niyang kamay sa aking mga itlog pailalim sa aking butas. Iniikot-ikot ang kanyang daliri sa bukana ng butas kong ‘yon na siyang mas nagpapaingay sa akin. Dahan-dahan niyang nilalabas-masok ang isang daliri sa aking butas habang patuloy pa rin sa maiinit niyang mga halik. Isa, dalawa, umabot sa tatlong daliri ang kanyang idinidiin sa aking butas. May sakit akong nararamdaman, ngunit mas nananaig sa akin sarap ng kanyang pagroromansa.

Bigla siyang bumangon mula sa pagkakapatong sa akin at ibinuka ang aking mga hita. Mula sa aking pwesto na pagkakahiga ay kitang-kita ko ang laki ng kanyang ari. Malinis, mamula-mula iyon at siguro’y nasa walong pulgada. Maninipis din ang kanyang mga buhok sa paligid niyon kaya’t kung titignan sa ganoong layo ay halos hindi mo maaninag kung may mga buhok nga ba.

Dumura siya sa kanyang palad at ibinalot iyon sa kanyang alaga, muli siyang dumura at ipinahid naman sa aking butas. Kinakabahan man dahil ito ang unang beses na ako’y makararanas ng ganito ay hindi ko rin mainda ang init na nararamdaman.

“Pasukin na kita, Chard…” mahina niyang sabi. “Dadahan-dahanin ko lang.”

Tumango ako at siya naman ay ipinatong sa kanyang mga balikat ang aking mga paa. Bago ipinasok ay binasa niya muli ng kanyang laway ang kanyang galit na galit na ari.

Ulo pa lamang ang kanyang sinusubukang ipasok ay nasasaktan na kaagad ako. Pagpikit ng madiin na lamang ang aking nagagawa habang nilalaro ang sariling mga utong. Napaigtad ako nang bigla niyang isinagad ang ulo niyon. Sa sakit ay bigla akong napamura.

Ilang sandali muna niyang hinayaan na ganoon muna ang nakapasok sa aking butas. Maya-maya pa’y dahan-dahan niyang idinidiin ang sandata papasok sa aking butas. Tanging mahihinang ungol at malalalim na paghinga ang bumabalot sa salas.

Nang tuluyan nang makapasok ay ramdam ko ang tigas at init niyon sa aking tiyan. Nagsimula na siyang itaas-baba ang sarili upang maglabas-masok ang alaga sa akin. Hindi naglaon at napalitan ng sarap ang kirot na aking nararamdaman. Inilapit niyang muli ang kanyang mukha sa akin at binigyan na naman ako ng mga maiinit na halik.

“Ohhh… Sebastian….” ang aking tanging nasasambit.

Mas bumilis ang kanyang paglabas-masok habang nilalaro rin ang aking galit na ari. Hindi ko na malaman kung saan pa lilingon dahil nararamdaman ko na ako ay lalabasan na rin.

“Malapit na ako, Seb…” sabi ko sa kanya habang sinasabunutan ang kanyang malagong buhok. “Lalabas na! Lalabasan na ako, Seb.”

Hindi ko na napigilan ang sarili at isinabog ko na ang aking katas. Nagkalat iyon sa aking katawan at ang ilan ay tumalsik rin kay Seb.

“I’m cumming, too! I’ll cum inside you, Chard…” gigil niyang sabi habang mas binibilisan ang paglabas-masok sa akin.

Mas lumalakas din ang kanyang ungol at bigla nalamang dumagan sa akin habang idinidiin ang kanyang ari sa aking butas. Ramdam ko ang pagpapakawala niya ng mainit na gatas sa aking loob. Hingal na hingal siyang yakap-yakap ako habang naghahalo sa aming katawan ang aming mga pawis at aking dagta.

“I love you, Chard.” sabi niya.

“Mahal din kita, Seb.” sagot ko naman bago muli siyang hinalikan.

Matapos niyon ay sabay din kaming naligo sa shower. Panay lang kami tawanan at harutan maging sa pagbibihis. Dahil wala nga akong damit ay pinahiram muna niya ako ng mga damit niya, pati na rin brief.

Pinilian niya ako ng mga damit na gagamitin. Sabi niya na mga paborito raw niyang damit ang dapat na suotin ko. Natatawa na lamang ako dahil alam ko na lasing pa rin siya. Siya rin ang nagbihis sa akin dahil paulit-ulit niyang hinahalik-halikan ang aking katawan bago pa man ako tuluyang mabihisan.

Magkayakap kaming nakahiga sa bottom bunk at patuloy na naglalambingan.

Halik dito, halik doon. Kilitian at kulitan.

Hindi namin alintana ang oras, ang nais lang naman ay magsaya sa piling ng isa’t-isa.

Kinabukasan ay halos tanghali na kami gumising. Agad kaming naligo at naghanda dahil napag-desisyunan namin na kumain sa labas o kaya ay mad-drive thru na lamang at sa daan na kumain.

Nag-impake rin siya ng ilang mga gamit dahil napag-usapan din namin na dumaan kina Zeke upang kunin ang aking mga gamit at saka umuwi ng Cavite dahil bakasyon naman na. Sinabi ko rin sa kanya na sasamahan ko siya next week upang kausapin ang aming dean patungkol sa kanyang mga kulang na requirements.

Halos segu-segundo niya akong halikan kahit na sa aming paglalakad papuntang parking area. Sa loob naman ng sasakyan ay hinahawak-hawakan din niya ang aking kamay at saka ito hahalik-halikan.

“Masaya ka ba, Chard?” tanong niya habang patingin-tingin sa akin at sa daan dahil nagmamaneho siya.

“Sobra!” nakangiti kong sambit sa kanya.

“Magsisimula tayo ulit ha?” sabi niya. “Lahat ng bad memories natin in the past, papalitan natin ng mas exciting and more meaningful, happier moments. I promise.”

Lumapit ako sa kanya at hinalikan siya sa pisngi bago ipinatong ang ulo sa kanyang balikat. Hinahalik-halikan naman niya ang aking ulo.

“Kailan natin sasabihin kina Mama? Pati kina Tita Liza?” seryoso kong tanong.

“Ngayon!” bigla niyang sabi.

“Nge! Kelan nga…” natatawa ko namang sabi habang ipinupulupot ang aking kaliwang kamay sa kanyang matikas na braso.

“Ngayon nga. Kaya nga tayo uuwi diba?” sagot niya. “Hindi ka pa ba ready? Kasi ako, okay lang sa akin kahit kailan mo gusto.”

“Ready naman. Alam ko naman na matatanggap nila tayo eh.” tugon ko.

“Oh, ‘yun naman pala eh.” natatawa niyang sabi. “Tapos tonight, Skype naman tayo kina Mommy and Daddy. What do you think?”

“Okay.” bigla kong sagot.

“Okay!” sabi niya na ginagaya ang aking tono. “Okay! Okay! Okay!” pang-aasar niya habang itinataas-taas pa ang mga balikat.

Natatawa ako at tumingala ng bahagya upang pagmasdan ang kanyang mukha.

“Ang gwapo talaga ng boyfriend ko oh.” sabi ko sa kanya. “Swerte-swerte ko naman!”

Bigla niya akong tinignan sandali at saka ibinalik ang tingin sa daan. “Hala… Mas swerte kaya ako sa’yo.” sagot niya. “Ang bait-bait mo tapos sobrang maalaga pa. Gwapo rin!”

Hinalik-halikan ko siya ulit sa pisngi na parang matandang nangigigil sa apo. “Gwapo-gwapo! Bait-bait din ng bebe ko!”

“Bebe?” natatawa niyang sabi. “Yoko nun!”

“Huh? Eh anong tawag ko sa’yo?” simangot ko sa kanya.

“Uhm… Let me think.” nakangiti niyang sabi.

“Sebby Boy!” bigla kong sagot at saka tumawa ng malakas.

Natawa naman din siya at kiniliti-kiliti ako. “Sebby Boy pala ha? Yari ka sa’kin ngayon.” pagbabanta niya habang patuloy akong kinikiliti.

“Stop!” natatawa kong pagpipigil.

Umayos ako ng upo at lumapit sa tabing bintana habang patuloy siyang tinititigan. Maamong mukha, nakangiting mga labi, matitingkad na mga mata.

“Sebby Boy! Sebby Boy!” patuloy kong pang-aasar.

Muli niya akong kiniliti. “Ang kulit mo ah.” natatawa pa rin niyang sabi at saka tumitig din sa akin.

“Bakit ganyan ka makatitig?” tanong niya.

Sasagot na sana ako ngunit napansin ko ang pangkunot ng kanyang noo nang ibinalik ang tingin sa daan. Nagtaka ako kaya’t ibinaling ko rin doon ang aking paningin.

“Holy fuck!” bigla niyang sigaw.

“S-seb?” tugon ko.

Hindi ko alam kung ano ang nangyayari. Nakaramdam na lamang ako ng takot at nakikita na umiikot ang aking paligid. Napapapikit ako habang nararamdaman ang pagkakahawak sa akin ni Seb ng mahigpit.

Umaalog-alog ang paligid at hindi malinaw sa akin kung saan papunta ang aming sasakyan. Tumingin ako kay Seb na humahalik-halik sa aking kamay. Kitang-kita ko ang pangungusap ng kanyang mga mata.

“Sebastian! Anong—”

Agad ko na lang naramdaman ang malakas na pagtama ng aming sasakyan sa isang malaking bagay at saka nawalan ng malay.

Ramdam ko ang sakit ng aking ulo at katawan habang dahan-dahang iminumulat ang aking mga mata. Dahil sa tindi ng liwanag ay hindi ko maaninag kung nasaan ako at sino ang tao sa aking paligid. Naririnig ko rin ang malakas na tunog ng aircon at ilan pang mga kagamitan sa paligid.

Maya-maya pa ay naramdaman ko ang kamay ng isang tao na hinahaplos ang aking ulo.

“Anak… Anak?” isang pamilyar na boses. “Anak, si Mama ito.”

Ilang sandali ko pang pilit na ini-adjust ang paningin sa paligid bago tuluyang pinagmasdan ang mukha ng aking ina.

“N-nasan…” panimula ko. “…tayo…”

“Nasa ospital tayo, anak.” mahinahon na sagot ni Mama sa akin. “Si Papa mo ay may binalikan lamang sa sasakyan sa baba.”

Nang tuluyan nang malinaw ang aking paningin ay inilibot ko ang aking mata sa paligid. Maliwanag na kwarto, maaliwalas. Ngintian ko si Mama ngunit may kung anong sinasabi ang aking isipan na pinipilit akong bumangon.

Bahagya akong kumilos at pinilit na maupo kahit papaano. Hindi man nagawang makaupo ay naiangat ko naman ang aking ulo at saka isinandal iyon sa headboard ng aking hinihigaan.

“Anak, hindi mo pa yata kaya?” pag-iingat ni Mama.

Nakita ko naman sina Zeke at Jerry na nagising mula sa couch sa tapat ng aking higaan at saka tahimik na lumapit sa akin. Nginitian ko sila at saka sinilip kung sino pa ang isang natutulog sa couch.

“Uh, si Maddie.” sabi ni Zeke na parang nalaman agad ang tanong sa aking isipan. “Medyo napuyat eh.” nangingiti pa niyang dagdag.

Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Papa kasama sina Brett at Marky.

“Chard!” biglang sigaw ni Brett nang makapasok. “Mabuti naman at gising ka na!”

Nginitian ko rin sila ni Marky. Lumapit naman sa akin si Papa at hinalikan ako sa noo.

“Kaya mo na ba? Higa ka na lang muna, anak.” sabi ni Papa na nginitian ko lang din.

Sinisilip-silip ko pa rin ang pinto kung may iba pa bang papasok. Hindi ko alam kung sino ba ang hinihintay ko dahil sa totoo lang, hindi pa rin malinaw sa akin ang mga nangyayari. Inikot ko ang aking paningin sa kanilang lahat. Para naman silang natutulala at nagtitinginan na waring hindi alam kung ano ang dapat na gawin.

“Ma?” lingon ko kay Mama. “May kulang ba?”

Hindi naman makatingin sa akin si Mama. Nalilito rin ako dahil hindi ko maalala kung sino baa ng hinahanap ko. Napapikit ako at nakita sa isipan ang mukha na may matitingkad na mga mata. Agad akong dumiilat at napaupo.

“Seb?” bigla kong sambit. “Si Sebastian, Ma? Nasaan si Sebastian, Ma?”

Nakita ko si Maddie na bumangon na rin at napapatingin sa paligid.

“Ma, Pa?” napapansin ko ang paglakas ng aking boses. “Zeke, huy! Nasaan ba si Seb? Jerry, Brett!”

Tuluyan na akong bumangon at akmang tatayo na, ngunit pinigilan ako nina Papa at Zeke.

“Pa, bakit?” takang-taka pa rin ako. “Marky! Maddie! Si Seb?”

Lahat sila ay halos hindi ako matingnan ng maayos sa mga mata. Nagyuyukuan din sila at nagtitinginan sa isa’t-isa.

“Anak, kasi…” sambit ni Papa na nilingon naman si Mama na umiiyak na.

“Bakit? Pa, ano?” naiinis na ako dahil sa hindi nila pagsasalita.

“Chard, kasi…” nanginginig na tugon ni Papa. “H-hindi siya n-nakaligtas, anak.”

Agad akong niyakap ni Mama. Maging sina Zeke at iba pa ay nagsimula nang lumuha. Si Jerry ay tumalikod upang lumapit sa pader at doon isandal ang katawan.

“Ilang oras din siyang unconscious, pero hindi na talaga kinaya ng katawan niya.” dagdag ni Papa.

Para akong binuhusan ng malaming na tubig at saka nanghina. Bumibilis din ang aking paghinga kasabay ng pag-agos ng luha sa aking mukha. Hindi ko alam kung ano ang gagawin o sasabihin, nagsimula na lamang akong magsisigaw.

Pinapakalma nila ako, ngunit hindi ko sila pinapansin at patuloy lang ako sa pagsigaw. Tumayo rin ako at biglang hinila ang karayom na nakakabit sa aking kamay. Nagpagtirapa sa sahig at nagwala.

Kasabay ng pagbuhos ng emosyon ang pagbuhos ng mga alaala na mayroon ako kasama si Sebastian. Mga masasayang alaala na ngayon ay lungkot at sakit ang idinudulot sa akin.

“Hindi pwede, Ma!” naglulupasay ako sa sahig at pilit naman na inaalalayan nina Papa at Zeke. “Hindi totoo ‘yan!”

“Anak…” pagsusumamo ni Mama.

“Sabihin niyo na hindi ‘yan totoo, Ma, Pa!” patuloy kong pag-iiyak.

Ibinaling ko ang aking paningin kay Zeke. “Zeke, hindi ‘yun totoo ‘di ba? Tol, sabihin mo naman na hindi ‘yun totoo!” pagmamaka-awa ko. “Seb! Seeeeb!”

Hindi ko mawaglit sa aking isipan ang kanyang mga ngiti. Ang ningning ng kanyang mga mata. Ang aliwalas ng kanyang maamong mukha.

“Ma, Pa! Si Seeeeb!” para akong nagsusumbong sa kanila. “Maddie! Please, sabihin niyo na hindi ‘yan totoo… Jerry, Brett!”

Hindi ko alam kung papaano mawawala ang sakit dahil gusto kong magalaho na rin lang. Halos mapaos ang aking boses dahil sa kakasigaw at kakaiyak. Kasabay noon ay ang pagbabalik-tanaw ko sa kanyang mga pangako. Bumuhos ang lahat ng iyon, kasabay ng kanyang mga ngiti, na parang ulan.

“Nakikita mo ‘yan? Walang hindi kaya ‘yan.”
“Tabi lang tayo lagi. Magkasama.”
“Magsisismula tayo ulit ha?”
“Mas exciting and more meaningful, happier moments.”
“I promise.”

“Mahal na mahal kita, Chard.”

Siguro ay nasa isang oras na rin akong naghihintay dito sa tapat ng isang boutique. Ang tagal kasi ng mga hinihintay ko. Pero ayos lang naman, nakalilibang din naman pagmasdan ang mga taong naglalakad sa paligid.

Halos apat na taon na rin nang iwan ako ni Sebastian. Oo, masakit at halos hindi ko kayanin. Ngunit kinaya ko. Para sa aming dalawa, kinaya ko.

Nagtapos ako ng pag-aaral at isa na ngayong guro. Hindi nga lang nangyari na sa isang pampublikong paaralan ako sa Pilipinas nagturo. Dito kasi ako sa isang primary school sa London agad nakahanap ng trabaho.

Sa awa naman ng Diyos ay nakapasa sa mga kailangan at dahil na rin siguro sa pagtitiyaga ay natanggap din. Mas mabuti na rin kung tutuusin dahil mas malaki ang sahod. Mas malaki ang maipapadala ko kina Mama at Papa sa Pilipinas. Pinahinto ko na rin kasi sa pagtuturo si Mama para sa bahay na lang sila ni Papa.

Tinulungan ako nina Tito Lance at Tita Liza na makapagturo dito. Sa kanila rin ako nakitira noong mga unang buwan ko rito. Nang makapag-ipon ay nakahanap na rin ako ng isang maliit na apartment upang matirhan.

“Dada!” sigaw sa akin ni Basty habang tumatakbo papalapit sa akin. Agad ko naman siyang nilapitan at saka kinarga.

“Hay nako, pasensiya na at late kami. Kailangan daw kasi niyan mag-poopoo, so we had to go to a fastfood to use their toilet.” natatawang pagpapaliwanag ni Cha sa akin.

“No, don’t worry about it.” sabi ko sa kanya at saka hinalikan naman sa pisngi si Basty. “You went into a store to poopoo?”

Natawa lamang si Basty at saka niyakap-yakap ako.

“You’re gonna go to school na tomorrow?” tanong ko sa kanya.

“Ayaw!” makulit niyang tugon.

“Manang-mana talaga sa tatay niya! Always says, ‘Ayaw! Ayaw!’ all the time!” natatawang sambit ni Cha habang pailing-iling matapos akong halikan sa pisngi.

Nagbunga ang relasyon nina Seb at Cha.

Isang gabi habang ipinagluluksa namin ang bangkay ni Seb ay nagpakita sa akin si Cha at sinabi na siya nga raw ay buntis. Iyon daw ang kanyang dahilan kaya siya lumayo sa amin. Hindi ko magawang magalit noon sa kanya dahil alam kong biktima lang din siya ng sitwasyon namin kaya nagsumikap akong tulungan siyang sabihin iyon sa aming pamilya.

Wala namang pag-aatubiling tinanggap nina Tita Liza at Tito Lance si Cha bilang parte na rin ng kanilang pamilya. Isang taon matapos manganak ay tinulungan pa nila ito na makapag-aral muli at makapagtapos din. Matapos noon ay sumunod sila ni Basty dito London at nanirahan na rin dito.

Ako ang tumayong pangalawang ama ni Basty at masaya naman ako dahil napamahal na rin ako kaagad sa bata. Si Cha naman ay nagsisimula na ring maghanap ng panibagong pag-ibig.

“You ready to go?” tanong ko kay Cha na tinanguan lang ako at saka humawak sa aking braso.

“Where do you wanna eat, buddy?” pangungulit ko kay Basty na tumatawa-tawa lang din.

“There’s this guy in my office who’s really good-looking!” sabi ni Cha sa akin. “I gave him your number! Hahaha!”

“Wait. You, what?” natatawa kong tugon sa kanya.

Siguro nga ay nag-iiba ang ating mga pangarap. Maaaring dahil sa mga taong ating pinahahalagahan at kung minsan naman ay depende na lang din sa kung saan tayo dalhin sa agos ng buhay. Ngunit ano man ang dahilan ng pagbabago ng landas, ang pinakamahalaga ay ang gawin iyon dahil iyon ang iyong nais.

Alam kong ito ang pangarap ni Seb at ako ang tumupad. Hindi ko ipinagpalit ang sarili kong pangarap dahil dito. Ito kasi ang pangarap ko.

Si Sebastian ang pangarap ko.

Author's Note:
Thanks, you guys, for reading! I hope you liked my story. I put a lot of effort to finish this and boy, was it really challenging.

Like what I said in one of my old commentaries, Seb is a real person. Except he's not here with me in the Philippines and I doubt that he'd get to come across this blog because he doesn't understand Tagalog (since most of the stories here are in pure Tagalog). Those are some of the reasons I decided to include even his real name here.

Some of you have asked if this was my story. Well, I can't say that it is really. However, I admit that some bits of it are taken from what Seb and I had when we were still together, and that's all I can say about its connection to my life.

Life here in the Philippines has been great, so far. It still amazes me how friendly and very appreciative almost everybody is. I'll be graduating college next year and I don't know yet if going back to the UK is the best idea.

Will try to write some more, guys, and I hope you'd stay tuned!

Cheers!

Wakas

No comments:

Post a Comment

Read More Like This