Pages

Wednesday, April 19, 2017

My Innocent Lover (Part 4)

By: Lord Iris

Masaya naman ako sa feedbacks nung nakaraang parts ng story but some are saying na "hindi na possible sa totoong buhay ang story na ito". And so what?  Inuulit ko, I am very hesitant na i-send ang story na ito dito because I know that there are lots of people who can't appreciate my work here.

Yes it's fiction! But everything is possible in this world. I wrote this one for so many reasons. This story came from my heart. Sana lang ma-appreciate niyo. I made this to give inspiration to other people and yet, I can't inspire myself. Kung alam niyo lang ang pinagdadaanan ko...

Cyril POV

Maganda ang araw ngayon at nakuha ko kay Sir Eros ang pinaka-una kong sweldo at medyo malaki ito kasi doble sa sweldo ko nung waiter ako sa bar...

Grabe! Ang sarap pala sa pakiramdam na hindi ako nagagahol sa pera at maganda na ang takbo ng allowance ko kaya masaya talaga ako...

Kaso may isang tao ako na namimiss...

Nasaan na kaya si Luther? Bakit kaya hindi na siya nagpapakita sa akin? Gusto ko siyang makita pero wala na siyang text at tawag sa akin...

Galit kaya siya kasi nagka-initan silang dalawa ni Sir Eros?

Alam ko na! At dahil may load na ako ay tatawagan ko na lang si Luther...

Di-nial ko ang number niya pero hindi na active sabi ng operator...

Nalungkot na lang ako bigla...

Nagpalit na yata ng number si Luther at hindi ko naman siya mahanap sa loob ng campus kasi masyadong malaki at wala naman akong oras...

Sana maka-usap ko ulit siya... miss ko na talaga si Luther kasi siya ang una kong naging kaibigan...

Nandito ako ngayon sa mansion at sinsagutan ko pa ang mga school works ni Sir Eros at mabuti na lang kasi madadali lang naman at hindi ako nahihirapan sa trabaho ko...

"Sir... tapos na po akong magsagot!". Nakangiti kong sabi sa kanya.

"Iligpit mo na lang at bahala ka kung anong gusto mong gawin". Seryoso niyang sabi at parang paos siya.

"Uuhhmm... Sir masama po ba ang pakiramdam niyo ngayon?". Nag-aalala kong tanong sa kanya.
"Ok lang ako... medyo masakit lang ang muscles ko dahil sa gym". Seryoso niyang sagot.

Umupo na lang ako sa upuan na malapit sa kama ni Sir Eros at tinititigan ko lang siya...

Napatitig naman siya sa akin kaya umiwas ako ng tingin...

"Cyril... i-massage mo ako ulit". Mahina niyang sabi sa akin.

Bigla na lang akong namula na parang kamatis at hindi ko alam kung bakit...

Naalala ko na naman bigla yung halik at ayoko ng maulit yun kaya dapat tumanggi ako sa kanya...

"Hoy! Bakit namumula ka?". Malakas niyang tanong kaya nagulat ako.

Hindi ako makasagot sa kanya kasi ayokong magsinungaling at nahihiya ako sa sarili ko...

Eros POV

Natahimik na lang at namumula ngayon si Cyril sa harapan ko at mukha talaga siyang inosente at para siyang bata kasi sobrang sweet siya sa kapatid ko...

"Sige na... i-massage mo na ako at alam ko naman na nag-eenjoy kang mahawakan ang katawan ko". Seryoso kong sabi sa kanya.

"Hala hindi po!!! Ayoko na lang po na i-massage kayo at baka mamaya masama na yung iniisip niyo". Sagot niya at mukha siyang bata na inagawan ng kendi.

Parang matatawa na lang ako sa kanya kasi kahit alam kong naiinis siya eh mukha pa rin siyang mabait tingnan dahil sa pagka-inosente niya...

Kahit siguro lamok tatawanan lang siya kasi ang bait niyang tingnan...

"Edi wag... di naman kita pinipilit". Seryoso kong sabi sa kanya.

Di ko akalain na tumagal din pala sa akin si Cyril at siya na ang may record ng pinaka-matagal kong naging PA...

Hindi ko magawang magalit sa kanya at baka mamaya anytime umiyak siya pero natutuwa naman ako kasi hindi siya marunong magreklamo...

"Nagkikita pa ba kayo ni Luther?". Seryoso kong tanong sa kanya.

Yumuko na lang siya bigla at parang nalungkot siya...

"Hindi na po siya nagpaparamdam sa akin at miss ko na po siya...". Sabi niya na parang batang nalukungkot.

"Gusto mo ba siya?". Seryoso kong tanong kay Cyril.

"Hindi po! Kaibigan ko lang po siya". Sagot niya na parang defensive.

Para talaga siyang bata at mukhang manika si Cyril na pwedeng i-display sa mall dahil sa hitsura niya...

Siguro sweet din siya kay Luther...

Ano kaya kung kaibiganin ko na lang din si Cyril kasi mabait naman siya at alam ko na mauunawaan niya ang nararamdaman ko...

Natatakot lang kasi ako na mag-open sa ibang tao kasi baka mamaya makitaan ako ng kahinaan at ayoko ng ganun pero hindi naman ako ganito dati...

Pagkatapos kong kumain ng dinner ay hindi pa umuuwi si Cyril kasi nakikipag-laro pa siya kay Era at wala siyang pasok bukas... mukha silang magkapatid at parang mas close pa sila ni Era kesa sa akin...

Nababawasan na din ang pagka-bad mood ko araw-araw kasi nakaka-good vibes tingnan si Cyril na nakangiti lang sa akin palagi...

Pumasok ako sa kwarto ko at naglaro ako ng video games tapos nung nagsawa ako ay humiga na lang ako sa kama ko kasi nabo-bored ako sa paulit-ulit na routine ko araw-araw...

Mas masarap pa talaga matulog...

Ano ba yan! Hindi ako makatulog! Namimiss ko yung time na kinakantahan pa ako ni mama nung bata ako at hindi ko na maririnig ang boses niya kahit kelan...

Ginugulo ko na lang ang buhok ko kasi naiinis ako at hindi ako makatulog ngayon...

"Sir... ano pong nangyayari sa inyo?".

Nagulat ako at nakikita niya pala ang ginagawa ko...

"Ano bayan! Nangugulat ka!". Naiinis kong sabi sa kanya.

"Sorry po... ano po bang ginagawa niyo at naiinis po kayo?". Nagtataka niyang tanong sa akin.

"Hindi ako makatulog...". Seryoso kong sabi sa kanya.

Umupo na lang siya ulit sa may upuan malapit sa kama ko at tumitig na naman siya sa akin...

"Tulog na po si Era...". Nakangiti niyang sabi sa akin.

"Bakit hindi ka pa umuuwi?". Seryoso kong tanong sa kanya.

"Day off ko po bukas at wala po akong pasok kaya wala rin po akong gagawin sa bahay. Maya-maya na po ako uuwi". Nakangiti niyang sabi.

"Pwede mo ba akong kantahan?". Mahina kong tanong sa kanya.

Hala! Bakit ko yun natanong sa kanya?

"Ok lang po pero nakakahiya naman po at hindi maganda ang boses ko". Nakangiti niyang sabi sa akin.

"Wala akong pake! Kumanta ka na lang para makatulog ako". Seryoso kong sabi sa kanya.

"Sige po...". Nakangiti niyang sagot.

Umubo muna siya ng konti at...

Twinkle, twinkle, little star,
How I wonder what you are!
Up above the world so high,
Like a diamond in the sky...

Di ko na siya pinatapos kumanta at binato ko na lang siya ng unan kaya nagulat siya...

Para siyang bata na kumakanta...

"Ano ba? Bakit pambata yung kanta?". Naiinis kong tanong sa kanya.

"Sorry po... yun po kasi yung kinanta ko kay Era kanina at ano po ba ang gusto niyo na kantahin ko?". Tanong niya sa akin.

"Kahit ano basta wag pambata!". Naiinis kong sabi sa kanya.

Napatingin siya sa gitara na naka-display doon sa tabi at...

"Sir... pwede ko po bang hiramin?". Nakangiti niyang tanong.

"Sige... bahala ka". Seryoso kong sagot sa kanya.

Kinuha niya ang gitara at umupo na ulit siya sa upuan malapit sa kama ko tapos nagsimula na siyang laruin ang mga kwerdas...

Hindi ko alam na marunong pala siyang mag-gitara tapos sumabay na ang boses niya...

I thought that I'd been hurt before
But no one's ever left me quite this sore
Your words cut deeper than a knife
Now I need someone to breathe me back to life

Got a feeling that I'm going under
But I know that I'll make it out alive
If I quit calling you my lover
Move on

You watch me bleed until I can't breathe
Shaking, falling onto my knees
And now that I'm without your kisses
I'll be needing stitches
Tripping over myself
Aching, begging you to come help
And now that I'm without your kisses
I'll be needing stitches

Just like a moth drawn to a flame
Oh, you lured me in, I couldn't sense the pain
Your bitter heart cold to the touch
Now I'm gonna reap what I sow
I'm left seeing red on my own

Got a feeling that I'm going under
But I know that I'll make it out alive
If I quit calling you my lover
Move on

You watch me bleed until I can't breathe
Shaking, falling onto my knees
And now that I'm without your kisses
I'll be needing stitches
Tripping over myself,
Aching, begging you to come help
And now that I'm without your kisses
I'll be needing stitches

Needle and the thread,
Gotta get you out of my head
Needle and the thread,
Gonna wind up dead

Needle and the thread,
Gotta get you out of my head, get you out of my head

You watch me bleed until I can't breathe
Shaking, falling onto my knees
And now that I'm without your kisses
I'll be needing stitches
Tripping over myself,
Aching, begging you to come help
And now that I'm without your kisses
I'll be needing stitches

(And now that)
I'm without your kisses
I'll be needing stitches
(And now that)
I'm without your kisses
I'll be needing stitches

Ang ganda pala ng boses ni Cyril at ang galing niya mag-gitara. Unti-unti ko na lang namamalayan na nakakatulog na pala ako...

Naalimpungatan ako ng makaramdam ako ng parang mabigat sa tiyan ko...

Pagdilat ko ng mga mata ko ay si Cyril pala na nakatulog din...

"Hhmm... Sir tapos na po yung assignments niyo". Mahinang sabi ni Cyril habang nakapikit.

Hhmm... nag-sleep talk pala si Cyril at kahit sa panaginip dinadala niya yung trabaho niya sa akin... nakakatuwa naman itong taong toh at ang bait niya talagang tingnan...

Ang cute pala niyang tingnan kapag natutulog siya at lalo siyang nagmumukhang inosente... tinapik ko muna ang pisngi niya at...

"Cyril... gising muna...". Mahina kong sabi sa kanya.

Kinusot niya ang mga mata niya at mukhang naalimpungatan siya tapos humarap siya sa akin kahit nakapikit ang mga mata niya...

"Sorry sir... uuwi na po ako". Mahina niyang sabi sa akin.

"Sira ka ba? Hating-gabi na!". Naiinis ko na namang sabi sa kanya.

"Ok lang po...". Sabi niya at tatayo na sana siya.

Hintak ko ang kamay niya kaya napa-upo na lang siya ulit...

"Hindi na safe ng ganitong oras kaya matulog ka na lang dito". Seryoso kong sabi sa kanya.

"Sige po...". Sabi niya at tumayo na naman siya.

"Saan ka pupunta?". Nagtataka kong tanong sa kanya.

"Sa sofa na lang po ako matutulog...". Inaantok niyang sabi.

"Wag na! Walang kumot diyan kaya tumabi ka na lang sa akin". Seryoso kong sabi sa kanya.

Humiga na lang siya bigla doon sa may sofa... pasaway talaga itong taong ito at napaka-mahiyain...

Tumayo ako at binuhat ko siya papunta sa kama ko...

"Sir... ibaba niyo po ako". Pumapalag niyang sabi sa akin.

Binaba ko siya sa kama ko at humiga na din ako kaya magkatabi kaming dalawa ngayon na matulog...

"Ang ganda ng boses mo kanina...". Mahina kong sabi sa kanya.

"Dati po akong choir". Sagot niya.

Magkatitigan na lang kaming dalawa at parang naiilang si Cyril na magkatabi kaming dalawa...

"Good night po sir...". Nakangiti niyang sabi.

"Good night din...". Seryoso kong sagot.

Natulog na lang kaming magkatabi at parang mas komportable ako na may katabi na akong matulog...

Cyril POV

Na-alimpungatan ako dahil parang may mabigat na naka-dagan sa akin kaya unti-unti kong dinilat ang mga mata ko at...

Hala! Bakit magkatabi kami ni Sir?

Nakaharap ako sa mukha niya na parang one inch na lang ang pagitan kaya naamoy ko ang hininga niya tapos hindi ako makagalaw dahil nakayakap siya ng mahigpit sa akin...

Habang nakatitig lang ako kay Sir Eros ay parang bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko... ang gwapo talaga niya kaya maraming nagkakandarapa sa kanyang mga babae sa school at sikat na sikat siya...

Napatingin ako sa pinkish na lips ni Sir at naalala ko na naman ang aksindenteng halik na nangyari dahil sa katangahan ko... nag-init na naman ang mukha ko at pakiramdam ko ay namumula na ako na parang kamatis...

Bakit ganito ang nararamdaman ko?

Nagkakagusto na rin ba ako sa kanya?

Nababakla na ba ako dahil sa kanya?

Baka murahin at bugbugin ako ni Sir kapag tuluyan akong nahulog sa kanya... ano ng gagawin ko?

Pakiramdam ko habang tumatagal na magkasama kami araw-araw ay parang napapalapit na ang loob ko sa kanya kaya natatakot ako... mahal ko na ba si Sir Eros?

Siguro nga mahal ko na talaga siya kasi ngayon lang ako nakaramdam ng ganito pero hinding-hindi ko sasabihin sa kanya itong nararamdaman ko at siguradong gulo lang ang mangyayari...

Nagulat ako ng biglang dumilat ang mga mata ni Sir Eros at nakatitig siya sa akin kaya napalunok na lang ako at hindi pa din makagalaw dahil sa pagkakayakap niya sa akin...

"Good morning po sir...". Mahina kong sabi sa kanya at nakatitig lang siya sa akin.

"Hhmmm... Cyril? Kanina ka pa ba gising?". Seryoso niyang tanong.

"Opo... hindi na po kita ginising kasi baka maistorbo po kayo". Kinakabahan kong sagot sa kanya.

"Akala ko hahalikan mo ulit ako". Seryosong sabi ni Sir Eros.

Hala! Ano uling sinabi niya?

Biglang nanlaki ang mga mata ko at parang bigla na lang ako naging bato dahil sa narinig ko... alam niya na nahalikan ko siya dati?

Nakakahiya! Pakiramdam ko ay maiiyak na ako sa kahihiyan kaya hindi na ako makapagsalita... bakit ba kasi ang tanga ko nun? Baka magalit na sa akin si Sir...

"Hoy Cyril! Bakit di ka umiimik diyan at namumula ka pa?". Biglang sigaw ni sir kaya nagulat ako.

"A..lam niyo.. po na...". Nauutal kong sabi kaya inunahan ako ni Sir Eros.

"Oo! Alam ko na nahalikan mo ako at wag kang mag-alala dahil alam ko naman na aksidente yun kaya wag mo ng isipin". Seryoso niyang sabi.

Parang nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi ni Sir Eros... Grabe! Akala ko magagalit na siya sa akin pero marunong naman pala siyang umintindi...

Biglang natawa si Sir Eros at hindi ko alam ang dahilan kaya nagtataka ako sa kanya...

"Bakit po kayo natatawa?". Nagtataka kong tanong sa kanya.

"Nakakatuwa ka kasi. Pinagpawisan ka at halatang kinabahan ka doon sa sinabi ko sayo". Natatawa niyang sabi.

Napahawak ako na mukha ko at pinagpapawisan nga ako...

"Akala ko po kasi galit kayo... bakit ngayon mo lang po sinabi sa akin?". Tanong ko kay Sir.

"Wala naman kasi sa akin yun... napansin ko this past few days eh parang naiilang ka sakin kaya naisip ko na baka yun ang dahilan". Seryosong sabi niya sa akin.

"Sorry po sir...". Mahina kong sagot.

"Wag mo na lang isipin yun ah". Sabi sa akin ni Sir.

Tumango na lang ako sa kanya bilang pagsagot ng oo kasi medyo nahihiya na naman ako...

Biglang nilapit ni Sir Eros ang mukha niya sa akin kaya lalo akong kinakabahan kasi hindi ko alam ang gagawin niya at...

"Gusto mo ako naman ang humalik sayo ngayon?". Seryoso niyang sabi.

Lalo akong kinabahan sa sinabi niya at seryoso pa naman ang mukha niya kaya hindi ko alam ang gagawin ko... hindi na ako makasagot dahil hindi ko naman alam ang isasagot ko...

Bigla na naman tumawa si sir kaya lalo akong nagtataka sa kanya... bumangon na siya sa kama at umupo katabi ko tapos...

"You know what Cyril? Your so cute because of your childish personality and innocence". Natatawang sabi sa akin ni Sir Eros.

Hindi na ako makasagot sa sinabi niya at tumayo na siya tapos naglakad siya palapit sa pintuan ng banyo niya dito sa kwarto...

Bago niya buksan ang pintuan ay lumingon muna siya sa akin at...

"Cyril? Am I your first kiss?". Seryosong tanong sa akin ni sir.

Parang dumoble ang hiya ko sa kanya kaya tumango na lang ako dahil yun naman talaga ang totoo...

Parang biglang ngumiti ng slight si sir sa sagot ko... ngumiti ba talaga siya?

Hindi ko alam kung namalikmata lang ba ako pero parang nakita ko na ngumiti si Sir Eros dahil sa sagot ko bago siya pumasok ng banyo...

Bakit naman siya matutuwa na siya ang first kiss ko? Siguro nga namalikmata lang talaga ako pero kasi parang nakita ko talaga na ngumiti siya for the fist time...

Hay naku! Kung ano-ano na lang ang iniisip ko pero lalong pumogi ni sir nung nakita ko na parang ngumiti siya kaya natutuwa ako...

Gagawin ko ang lahat para mapangiti ko ulit si Sir Eros...

Gagawin ko ang lahat para lang makita ko ulit na ngumiti siya ng totoo at hindi na siya maging suplado...

Bumangon na ako at inayos ko na ang higaan ni Sir Eros at pagkatapos ay lumabas na ako ng kwarto niya dahil baka mamaya ay makita ko na naman siya na nakatapis lang ng tuwalya...

Naghintay ako sa baba at mukhang tulog pa ang mga tao... day-off ko pala dapat ngayon kaya magpapaalam na lang ako kay Sir Eros dahil uuwi na ako sa bahay...

Bumaba na din si sir galing sa kwarto niya at naka-robe lang siya...

"Sir... uwi na po ako". Nakangiti kong sabi sa kanya.

"Mag-breakfast muna tayo". Seryosong sabi sa akin ni sir.

"Naku! Thank you na lang po pero hindi po ako kumakain sa umaga". Magalang kong sagot sa kanya.

"Ewan ko sayo! Kaya ang payat mo eh kasi di ka nag-aalmusal". Sabi ni sir habang bumababa ng hagdan.

Bigla niya akong hinawakan sa kamay at hinatak niya ako papunta sa dining area ng mansion nila...

"Samahan mo akong kumain... wag kang aangal at utos ko yun". Sabi ni sir at umupo na siya.

Umupo na lang di ako sa tapat niya...

Nilagay na ng mga maids ang breakfast ni sir at mukhang tulog pa ang papa niya pati si Era kaya kaming dalawa lang ang nandito...

"Manang... may gatas po ba kayo?". Tanong ko sa katulong nila.

"Ay wait lang po at magtitimpla ako". Nakangiting sabi nung maid at pumunta na siya sa kusina.

"Alam mo ba Cyril na breakfast is the most important meal of the day?". Seryosong sabi ni sir at kumagat siya ng hotdog.

"Opo... pero nasanay lang po siguro ako kasi wala naman akong kasabay kumain ng breakfast". Sagot ko.

"Kung sabagay nakakatamad nga kumain kapag wala kang kasama". Sabi naman ni sir sa akin.

"Bakit? Wala ka bang kasama sa bahay mo?". Pahabol na tanong sa akin ni sir.

Yumuko na lang ako at...

"Ito na po yung gatas niyo...". Sabi sa akin nung maid at nilapag niya na yung gatas sa tabi ko.

"Thank you po manang...". Nakangiti kong sabi sa kanya.

Ngumiti lang din siya sa akin at pumunta na siya ng kusina...

"Hoy Cyril! Wag mo sabihing gatas lang ang iinumin mo". Seryosong sabi sa akin ni Sir Eros.

"Pero kasi...".

"Wala ng pero pero at kapag di ka kumain diyan... gatas ko ang ipapainum ko sayo!". Seryoso niyang sabi sa akin.

Napaisip ako sa sinabi ni Sir Eros...

May gatas ba si Sir Eros?

"May gatas ka ba sir?". Nagtataka kong tanong sa kanya.

Bilang ngumanga si Sir Eros dahil sa tanong ko at...

"Di mo pa alam?". Gulat niyang tanong sa akin.

"Ang alin po?". Nagtataka kong tanong sa kanya.

"Jusko Cyril! College ka na hindi ka pa nag-gaganun?". Nagdududa niyang sabi sa akin.

Napatitig na lang ako kay sir at hindi ko talaga alam kung ano ang ibig niyang sabihin kaya lalo akong nagtataka...

"Hay naku! Never mind...". Dismayado niyang sabi sa akin.

Kumuha na lang ako ng fresh na papaya na naka-slice at yun na lang ang kinain ko...

"Jusko... napaka-inosente mo talaga". Sabi sa akin ni sir at umiiling-iling pa siya habang sinasabi yun.

Pagkatapos kumain ay umuwi na ako sa bahay at parang nakaka-lungkot kasi mag-isa lang ako doon...

Day-off ko ngayon at wala naman akong balak gumala kasi wala naman akong kasama... nagawa ko na din ang mga school works kaya nakatunganga lang ako sa study table...

Umaga pa naman... wala akong magawa at naalala ko yung drawing materials na niregalo sa akin ni Luther...

Bigla na lang sumagi sa isip ko si Luther... nakakalungkot naman kasi simula ng nagtalo sila ni Sir Eros ay hindi na nagpaparamdam sa akin si Luther kaya miss ko na siya...

Alam ko na! Ido-drawing ko na lang sila ni Sir Eros kasi may materials na ako para naman may mapag-kaabalahan ako ngayon...

Kinuha ko ang materials at inuna ko munang i-drawing si Sir Eros gamit ang graphite pencil sa vellum board... kinopya ko ang picture ni Sir Eros sa phone at na-drawing ko na siya...

Drawing lang ang talent ko bukod sa pagkanta na hindi ko natutukan at photo realistic ang mga drawings ko kaya hindi naman ako mapapahiya kung iregalo ko ito... sa katunayan ay na-drawing ko na din ang mama ko bago siya mapunta sa langit...

Pagkatapos kong i-drawing si Sir Eros ay kumuha ako ulit ng isang vellum board para ma-drawing ko naman si Luther...

Hala! Wala akong picture niya... buti na lang ay meron akong photographic memory kaya susubukan kong i-drawing si Luther... yung mukha ni Luther ay parang Jake Ejercito na may halong Shawn Mendes at may pagka-tsinito si Luther kaya ang pogi din niya tapos pwede siyang i-level sa kagwapuhan ni Sir Eros...

Habang dina-drawing ko silang dalawa ay napansin ko na sobrang gwapo pala talaga nila...

Maputi si Luther na mukhang koreano... si Sir Eros naman ay parang naarawan lang ng sapat ang balat niya at mas matangkad siya ng konti kay Luther tapos sobrang gwapo talaga ni Sir Eros...

Tinago ko muna ang drawing ko kay Sir Eros sa cabinet kasi hindi ko pa sure kung kelan ko yun ibibigay sa kanya... siguro sa birthday na lang niya at sana ngumiti ulit siya kapag binigay ko yun...

Natapos ko ng i-drawing si Luther at nilagay ko yun sa frame... siguradong matutuwa si Luther kapag binigay ko ito sa kanya...

Nilagay ko muna yun sa standee na pang painting at tinakpan ko ng tela para hindi madumihan ang frame...

Nasaan kaya si Luther?

Miss na miss ko na siya kaya sana ay makita ko na siya o di kaya ay tumawag siya sa akin...

Kinuha ko ang phone ng bigla na lang lumabas ang number ni Sir Eros sa screen kasi tumatawag siya sa akin kaya sinagot ko na lang...

"Hello po Sir Eros...". Bati ko sa kanya.

"Uuhhmm... Cyril busy ka ba?". Tanong sa akin ni sir sa kabilang linya.

"Hindi naman po... wala nga po akong magawa eh". Sagot ko.

"Pwede ka bang pumunta dito? Ayokong istorbohin ka kasi day-off mo pero gusto kasi ni Era na makipaglaro sayo". Sabi ni sir.

"Sige po... pupunta na po ako diyan". Sagot ko sa kanya.

"Sige bye...". Sabi ni sir at pinutol na niya ang tawag.

Mamayang gabi ko na lang tatawagan si Luther at pupunta muna ako ulit kila sir para makipaglaro kay Era...

Parang kapatid na rin ang turing ko kay Era kaya masaya ako kapag nakikipaglaro ako sa kanya kasi gusto ko talaga magkaroon ng kapatid kaso imposible na yun...

Eros POV

Nakaka-inis naman itong kapatid ko na si Era at nangungulit makipaglaro doon sa PA ko pero pinag-papasensyahan ko na lang kasi mahal na mahal ko ang kapatid ko...

Nakakahiya naman kay Cyril at day-off niya ngayon but it's Era's request hindi naman ako kaya ok lang...

Grabe talaga yung si Cyril... napaka-inosente at parang bata na walang kamuwang-muwang sa kamunduhan kaya delikado siya sa ibang tao na may motibo sa kanya...

Kaninang umaga nung nag-open ako sa kanya tungkol doon sa aksidenteng halik niya sa akin ay hindi ko alam pero ang saya ko ng malaman ko na ako pala ang first kiss niya... hindi ko alam pero nung nahalikan niya ako dati ay parang nagustuhan ko kaya hindi ako gumising kaagad nun para hindi awkward sa kanya...

Bakit parang napapalapit na ako kay Cyril na yun?

"Kuya... nandiyan na po si Kuya Cyril. Maglalaro na po kami". Biglang sabi sa akin ni Era.

"Sige... matutulog lang ako". Sagot ko kay Era.

Natutulog talaga ako kapag tanghali lalo na kapag bored ako kasi nakakasawa ang video games at ayoko naman sa social media dahil maraming mga makakating higad doon na puro message sa akin kaya nag-deactivate ako...

Medyo bad mood ako palagi pagkatapos ko matulog pero ok lang...

Unti-unti kong pinikit ang mga mata ko at bigla na lang...

May narinig akong nabasag sa baba kaya tumayo ako para tingnan yun at nakita kong nakatayo si Era at Cyril habang nakayuko at parang kinakabahan sila...

Tumingin ako sa sahig at nanlaki ang mga mata ko ng makita ko na basag ang nag-iisang picture frame ng mama namin ni Era...

Parang uminit ang mga tenga ko sa galit dahil napaka-importante sa akin ng picture na yun tapos nabasag lang!

"Bakit nabasag yan?!". Galit kong tanong sa kanilang dalawa.

Hindi sila sumagot at parang takot sila pareho dahil nagulat sila sa lakas ng boses ko...

"Bakit nabasag yan?!!!". Sigaw ko at nanginig sila pareho sa takot.

"Sir... sorry kasi... di po sinasadya...". Sabi ni Cyril pero di ko na siya pinatapos.

"Puro kayo laro!!! Isip bata ka kasi!!! Alam mo ba na mas importante pa sa buhay mo ang picture na binasag mong hayop ka!!!". Galit na galit kong sigaw kay Cyril.

Yumuko lang siya kaya di ko na makita ang mukha niya. Bwisit na bwisit ako sa kanya!

"YOU'RE FIRED!!!". Sigaw ko sa kanya.

Hindi ko alam kung bakit pero yun na lang ang nasabi ko sa sobrang galit... tumalikod na ako sa kanya at bigla na lang niya hinawakan yung kamay ko...

"Sir sorry po... please po sana makinig kayo sa paliwanag ko". Naiiyak ang boses niya ng sabihin niya sa akin.

Nilingon ko siya at tinapik ko ang kamay niya na nakahawak sa akin...

"Ano pa bang gusto mo? Ayoko ng makita yang pagmumukha mo!!!". Sigaw ko sa kanya.

"Sir please... makinig po kayo". Naiiyak niyang sabi.

Hahawakan dapat niya ulit ang kamay ko at bigla ko na lang siyang naitulak sa sobrang galit ko...

Napatumba siya sa sahig at...

"Kuya Cyril!!!". Sigaw ni Era palapit kay Cyril.

"Kuya Cyril... tulungan na po kita". Sabi ni Era habang inaalalayan tumayo si Cyril.

Nakita ko ang pagpatak ng mga luha ni Cyril at nanlaki ang mga mata ko ng bigla na lang may tumulong dugo sa kamay niya...

"Kuya Cyril... may sugat ka!". Nag-aalalang sigaw ni Era.

Mukhang nasugat ng mga bubog ang kamay niya dahil sa akin...

Bigla na lang tumakbo palayo si Cyril habang lumuluha...

"Kuya Cyril wag ka pong umalis! May sugat ka po!". Naiiyak na sigaw ni Era.

Hindi nakinig si Cyril at naka-alis na siya sa mansion...

Bigla na lang umiyak si Era at tumitig siya ng masama sa akin...

"Ang sama-sama mo Kuya Eros!!!". Umiiyak na sigaw ni Era sa akin.

Parang nadurog ang puso ko kasi ngayon lang nagalit sa akin si Era at sinigawan niya pa ako...

"Hindi naman kasalanan ni Kuya Cyril kung bakit nabasag ang picture ni mama!". Umiiyak na sigaw ni Era.

Nanlaki ang mga mata ako pero nakinig lang ako kay Era...

"Pumatong ako sa hagdan para kunin ang laruan ko sa ibabaw ng cabinet at muntik na ako mahulog kaya niligtas ako ni Kuya Cyril tapos nasanggi ko ang picture ni mama kaya nabasag". Humahagulgol na sigaw ni Era.

Bigla na lang tumakbo si Era papasok sa kwarto niya...

Para akong binuhusan ng malamig na tubig at naiwan akong nakatayo... Hindi ko kasi ma-control ang galit ko at nakagawa ako ng isang malaking pagkakamali...

Kasalanan ko ito... parang tinutusok ng maliliit na karayom ang puso ko dahil sa konsensya... sobra sama ng nagawa ko kay Cyril...

Cyril POV

Grabe talaga si Sir Eros!

Hindi manlang niya ako pinakinggan tapos tinanggal niya ako kaagad sa trabaho ko...

Ok na sana... naiintindihan ko naman ang ugali niya at alam ko kung gaano ka-importante sa kanya yung picture ng mama niya pero sana manlang hinayaan niya akong mag-explain...

Naramdaman ko na lang ang pagpatak ng mga luha ko... kung kelan napapalapit na ako sa kanya at nagkakagusto ako sa kanya tsaka nangyari ito...

Itinulak pa niya ako... may mga nakabaon pang bubog sa kamay ko kaya tinitiis ko ang hapdi habang naglalakad pauwi at umiiyak ako...

Habang naglalakad ay bigla na lang may humarang na mga lalake sa akin... kaya natakot ako...

Dumaan ako sa gilid pero may isa ring lalake ang humarang sa akin kaya hindi na ako makadaan...

"Uuuhhmmm... uuwi na po ako". Natatakot kong sabi sa lalaking nakaharang.

"Wow! Nag-po siya sa akin pre! Mukhang jackpot tayo dito!". Nakangising sabi ng isa.

"Oo nga! At tingnan mo... mukha siyang manika!". Sabi naman nung isang lalake.

Lalo akong kinabahan... gusto ko ng umuwi sa bahay...

"Please po... uuwi na po ako". Naiiyak kong sabi sa sobrang takot.

"Mamaya na... laro muna tayo!". Sabi naman nung isa at ngumiti siya ng nakakaloko.

Tatakbo sana ako ng bigla na lang hawakan ng isang lalake ang kamay ko na walang sugat...

Pagkahawak niya ng mahigpit sa kamay ko ay parang namangha siya at ngumiti na parang may masama siyang balak...

"Hanep! yung balat niya... ang kinis at parang gatas!". Namamanghang sabi nung nakahawak sa akin.

Natatakot na ako... wala akong laban sa kanila...

"Tingnan ko nga...". Sabi naman nung isang lalake.

Lumapit siya at ipinasok niya ang kamay niya sa damit ko kaya nahawakan niya ang likod ko...

"Oo nga! Sobrang kinis! Mas makinis pa ang balat niya sa gf ko!". Tuwang-tuwa na sabi nung isa.

Naiiyak na ako... natatakot ako sa kanila at hindi ako makagalaw dahil sa mga higpit ng hawak nila...

Inamoy nung lalake ang batok ko at...

"Wow! Ang sarap ng amoy mo...". Sabi niya na parang nadedemonyohan.

Tumulo na lang ang mga luha ko at hindi ko na alam ang gagawin ko...

"Bitawan niyo siya!". Galit na sabi ng isang boses.

Tumingin ako pati yung mga lalake sa gilid at parang nagliwanag ang mga mata ko ng makita ko si Luther...

"Wag kang makialam!!!". Sabay-sabay na sabi nung mga lalake.

Biglang may dinukot sa bulsa si Luther at nanlaki ang mga mata ko ng makita ko na baril ang kinuha niya...

Itinutok niya ang baril doon sa tatlo kaya napabitaw sila sa akin...

"Tatakbo kayo o pasasabugin ko ang mga ulo niyo?". Galit na tanong ni Luther.

Nagtakbuhan naman ang mga lalake at naiwan kaming dalawa ni Luther...

Naiiyak ako ng lumapit ako kay Luther at bigla ko na lang siyang niyakap sa sobrang takot at miss na miss ko na din siya...

"Ssshhh... tahan na Cyril... nandito lang ako". Sabi ni Luther habang hinihimas ang batok ko.

"Thank you Luther...". Naiiyak kong sabi habang nakayakap.

Kumalas si Luther sa pagkakayakap ko sa kanya at hinawakan niya ang mga pisngi ko...

"Diba nga ako ang superhero mo?". Malambing niyang tanong na may halong pag-aalala.

Tumango lang ako at pinunasan ni Luther ang mga luha ko gamit ang mga kamay niya...

"Ihahatid na kita pauwi...". Nakangiti niyang sabi sa akin.

Naglakad kami at parang safe ang pakiramdam ko na kasama ko ngayon si Luther...

"Uuhhmmm... Luther bakit may baril kang dala?". Tanong ko.

Bigla siyang tumawa at...

"Stun gun lang to...". Tumatawa niyang sabi at pinindot niya ang baril.

May lumabas nga na kuryente doon... parang nakakamatay pa rin yun...

"Ano nga palang ginagawa mo dito ng ganitong oras?". Tanong ko sa kanya.

"Nag-swing ako sa playground kasi bored ako... Ikaw anong ginagawa mo eh gabi na?". Nakangiti niyang tanong.

"Galing ako kila Sir Eros". Sagot ko.

Parang bigla na lang nawala ang mga ngiti ni Luther sa sinabi ko at...

"I see...". Seryoso niyang sabi.

"Ano nga palang gagawin sa akin nung mga lalake kanina?". Tanong ko sa kanya.

Napa-nganga si Luther bigla at...

"Malamang gagahasahin ka!". Malakas niyang sabi sa akin.

"Huh? Eh pero hindi naman ako babae eh". Sagot ko.

"Pwede rin naman yun... gusto mo sex tayo para malaman mo". Nakangiti niyang sabi sa akin.

Napatitig na lang ako sa kanya at...

"Uy joke lang! Ang cute kasi ng pagka-inosente mo". Nakangiti niyang sabi.

Napangiti na lang din ako...

Nakarating kami ni Luther ng ligtas sa bahay...

"Hhhmmm... bakit mag-isa ka lang dito sa bahay?". Nagtatakang tanong ni Luther.

"Wala na si mama eh... siya lang naman ang nagpalaki sa akin". Sagot ko sa kanya.

"Sorry...". Sincere na sabi niya.

"Ok lang yun". Nakangiti kong sagot.

Napatitig na lang bigla si Luther sa kamay ko at nanlaki ang mga mata niya nung nakita niya ang sugat ko...

Kanina pa pala tumutulo ang dugo pero hindi ko napansin...

"Hala! May sugat ka pala!". Natataranta niyang sabi at kumuha siya ng tela at panglinis sa sugat doon sa medical box.

Umupo kami sa sofa at dahan-dahan niyang inalis ang mga bubog habang nililinis ang sugat ko... binalutan niya din ng tela kaya ok na...

"Masakit pa ba?". Tanong ni Luther tumango lang ako kasi mahapdi talaga ang sugat ko.

Dahan-dahan niyang nilapit ang mga labi niya at hinalikan niya ang sugat ko na nakabalot sa tela...

Parang namula ako bigla sa ginawa niya pero parang nabawasan din ang hapdi sa sugat ko...

"Ano masakit pa ba?". Nag-aalala niyang tanong.

"Hi..hindi na..". Nauutal kong sagot.

"Sabihin mo pag masakit pa kasi hahalikan ko ulit". Nakangiti niyang sabi sa akin.

Parang nag-iinit bigla ang buo kong mukha dahil sa ginagawa ni Luther...

"Bakit nga pala may sugat ka?". Nag-aalala niyang tanong sa akin.

Sinabi ko sa kanya ang lahat... pati yung ginawa ni Sir Eros...

"Grabe talaga yang si Eros!". Nang-gigigil niyang sabi.

"Hayaan mo na...". Malungkot kong sabi sa kanya.

"May gusto ka ba kay Eros?". Seryoso niyang tanong sa akin.

Hindi ako maka-sagot... hindi ko alam kung ano ba ang isasagot ko sa kanya kaya natahimik ako...

"Silence means yes...". Malungkot niyang sabi.

"Magkakagusto ka din sa akin". Bulong ni Luther.

"Huh? Ano yun?". Tanong ko.

"Wala... wala yun". Sagot niya.

"Bakit nga pala lumalayo ka sa akin? Bakit nagpalit ka ng number?". Nagtataka kong tanong sa kanya.

"Akala ko kasi magbabago ang tingin mo sa akin kapag sinabi sayo ni Eros na ano...". Di matapos niyang sabi.

"Na bisexual ka daw at may gusto ka daw sa akin?". Tanong ko.

Tumango lang siya at napangiti ako...

"Miss na miss na kita Luther". Nakangiti kong sabi sa kanya.

"Tanggap mo ako?". Tanong niya.

"Syempre! Ikaw ang una kong kaibigan at alam kong mabait ka kaya hindi ako lalayo sayo". Sabi ko.

Bigla akong niyakap ni Luther at...

"Thank you Cyril...". Sabi niya.

"Wag ka na uling lalayo ha?". Tanong ko sa kanya.

"Oo... lagi lang akong nandito kapag kailangan mo ako". Nakangiti niyang sabi sa akin.

Napatingin na lang bigla si Luther doon sa frame na tinakpan ko ng tela at lumapit siya doon...

"Ano ito? Pwede ko bang tingan?". Nagtataka niyang tanong.

Tumango lang ako at hinila na niya ang tela... nanlaki ang mga mata niya ng makita niya ang drawing ko...

"Bakit may picture ako dito? Crush mo ba ako?". Nakangiti niyang tanong sa akin.

"Drawing ko lang yan...". Sagot ko.

Napa-nganga siya bigla at parang hindi siya makapaniwala tapos...

"Grabe parang picture ko lang...". Sabi niya na parang wala sa sarili.

"Regalo ko yan sayo eh... kasi ginamit ko yung gift mo sa akin na materials". Nakangiti kong sabi.

"Thank you so much Cyril...". Nakangiti niyang sabi.

Ngumiti na lang din ako sa kanya at...

"Wala yun...". Sabi ko at parang nag-blush si Luther.

"Uuhhmmm... bibili ako ng ice cream". Sabi ni Luther.

Bigla siyang lumabas at parang nagmamadali siya...

Gabi na... gusto niya pa ng ice cream?

Pagbalik ni Luther ay may dala siyang ice cream na choco fudge ang flavor... kinain namin ang ice cream at mukhang naglalambing siya...

"Cyril say aahhh...". Malambing niyang sabi at bigla niyang isinubo sa akin ang kutsara na may ice cream.

Natatawa na lang ako sa kakulitan ni Luther sa akin...

"Uuhhmm Cyril pwede bang...". Alanganin niyang tanong.

"Ituloy mo na...". Sabi ko.

Huminga ng malalim si Luther at...

"Pwede mo ba akong subuan din ng Ice cream?". Tanong siya.

"Sure...". Nakangiti kong sabi.

Kumuha ako ng ice cream at dahan-dahan kong nilapit yun sa bibig niya para maisubo niya...

Parang napansin ko na nag-blush ng konti si Luther...

"Thank you Cyril...". Nahihiya niyang sabi sa akin.

"Wala yun...". Nakangiti kong sagot.

"Para tayong mag-syota". Bulong niya.

"Anong sabi mo?". Tanong ko.

"Wala... sabi ko nganga ka ulit". Sabi ni Luther at inilapit na naman niya sa bibig ko ang kutsara.

Isusubo ko dapat ang kutsara na may ice cream ng bigla niya yung hatakin at nilapit niya ang mukha niya kaya nagkadikit ng biglaan ang mga labi naming dalawa...

I've felt this before...

Parang kagaya nung nahalikan ko si Sir Eros...

Ang lambot ng mga labi ni Luther...

Pagkatapos ng biglaang halik na yun ay nagkatitigan na lang kaming dalawa... pakiramdam ko ay namumula na ang buo kong mukha dahil sa ginawa niya...

Parang nahihiya din si Luther kasi hindi siya makatingin sa akin...

"Uuhhhmmm... sorry Cyril". Sabi niya at nakikita ko na puno ng sincerity ang mga mata niya.

"Ok.. lang...". Nahihiya kong sabi.

Parang natahimik kaming dalawa dahil sa nangyari... naiilang ako pero ayos lang sa akin yung ginawa niya...

"Cyril... sorry talaga pero may hihingiin sana akong favor...". Mahina niyang sabi sa akin.

"A..ano. yun?". Nauutal kong tanong.

"Pwede bang?... pwede ba akong manligaw sayo?". Tanong niya at parang namumula siya.

Nabigla ako... napaisip na lang ako bigla dahil sa tanong niya... lalake ako pero sa panahon ngayon ay hindi ko naman kailangan maging choosy...

Gwapo si Luther sobra... pero ano kaya ang nagustuhan niya sa akin?

Mabait naman siya so pwede naman siguro kung payagan ko siya na ligawan ako...

Huminga ako ng malalim at...

"Ikaw ang bahala...". Seryoso kong sagot sa kanya.

Biglang natuwa si Luther at nagtatatalon pa siya kaya natatawa ako sa ginagawa niya...

Bigla siyang naging seryoso at hinawakan niya ang kamay ko na walang sugat at hinalikan niya ng mariin tapos...

"Thank you talaga Cyril...". Naiiyak niyang sabi sa akin.

Mahal siguro talaga niya ako kaya ganun na lang siya kasaya nung pumayag akong manligaw siya... naiiyak pa siyang nagpasalamat...

Tingin ko ay hindi naman mahirap mahalin si Luther dahil mabait talaga siya sa akin...

Napatingin ako sa orasan at 12:45 na pala ng gabi!

"Luther gabi na... baka hinahanap ka na sa inyo". Sabi ko.

"May sariling apartment ako". Nakangiti niyang sagot sa akin.

Huminga ng malalim si Luther at...

"Pwede bang dito na lang ako matulog sa tabi mo?". Nakangiti niyang tanong.

"Pwede naman... pero may pasok na bukas kaya wala kang uniform". Sabi ko sa kanya.

Parang nadismaya ang mukha niya...

"Sayang... next time na lang". Malungkot niyang sabi.

"Ok lang yan!". Nakangiti kong sabi sa kanya.

"Lagi na kitang sasamahan sa university para hindi na ako malayo sa iyo". Nakangiti niyang sabi.

Ewan ko ba! pero parang kinilig ako...

Binigay ko na sa kanya ang portrait na ginawa ko at pagkatapos ay hinatid ko na siya sa may pintuan...

"Thank you ulit Luther ha... kung wala ka kanina baka kung napaano na ako...". Nakangiti kong sabi.

"Ako nga kasi ang superhero mo... thank you din sa lahat". Nakangiti niyang sabi sa akin.

"Oh siya... ingat ka ha?". Sabi ko.

"Ingat ka din...". Sagot niya.

Aalis na sana siya pero bigla siyang lumingon pabalik at nilapit niya ang mukha niya sa akin...

"I love you Cyril...". Sincere niyang sabi sa akin.

Parang bigla na lang akong hihimatayin sa ginagawa niya at paniguradong namumula na naman ako ngayon...

"Thank you...". Nahihiya kong sagot.

"Pwede bang humingi ng...". Naiilang na sabi ni Luther.

"Ng alin?". Tanong ko.

Huminga ulit siya ng malalim at...

"Pwede bang makahingi sayo ng goodnight kiss?". Nahihiya niyang tanong sa akin.

Napatitig na lang ako sa kanya at...

"Sa cheeks lang please...". Sabi niya at nagpapa-cute pa siya.

"Si..sige". Nauutal kong sabi.

Nilapit ko ang labi ko sa pisngi niya ng bigla niyang iharap sa akin ang mukha niya kaya bigla na naman kaming nagkahalikan...

Hindi ko na alam ang mararamdaman ko pero hiyang-hiya na ako...

"Sige Cyril ingat ka... alis na ako!". Nagmamadali niyang sabi.

Bigla na siyang umalis at naiwan akong nakatulala sa pintuan...

Nahalikan na naman niya ako?

Ano yun Kiss and run?

Nahihiya ako pero hindi ko alam pero unti-unti na lang akong napangiti at napahawak ako sa labi kong nahalikan ni Luther...

Note: Uunahan ko na po kayo... para po ito sa mga nagbabasa ng isa ko pang book. Si Luther Velasco po ay pinsan ni James at Raypaul Velasco ng You Light My Fire and to spoil you... may possibility na mag-cross ang landas nila Cyril sa characters ng YLMF sa future...

Itutuloy.............

No comments:

Post a Comment

Read More Like This