Pages

Saturday, April 8, 2017

Ang Tangi kong Inaasam (Part 9)

By: Confused Teacher

“Letting you go was easy. Its missing you that hurts. Trying to forget you is heartbreaking. I guess I thought you would chase me. i still love you..”

Josh
Isang tanghali habang hinihintay ko si Shayne sa lobby para magtanghalian. Napansin ko ang mga tao parang masayang-masaya at may pinagbubulungan. Iyong iba nga ay hindi na bulong halatang excited.
"Anong meron bakit parang ang we-weirdo ng mga babaeng iyan, may artista ba? Sarkastiko kong tanong nang lumapit siya sa akin.
"Haist, ang boyfriend kong masungit, umiral na naman ang pagkasuplado." At inihilig ang ulo sa balikat ko.
"Tumigil ka nga, wala ako sa mood sa kalokohan mo, tara na at kanina pa ako nagugutom, ang tagal mo kaya." Hindi naman niya ako pinansin. Saka nagsalita
"Ok Mr Arogant, darating na raw si Sir PJ, yung Head ng Engineering Department, ng department ninyo, galing iyun sa 6 months training sa Germany." Sagot naman niya.
"Basta talaga mga tsismis, hindi ka pahuhuli ano?" sarkastiko kong biro.
"Kasi po taga HR ako, malamang alam ko dapat ang nangyayari sa mga tao sa buong kumpanya."
"Saka tsismosa ka talaga, kaya alam mo. E paano na si Sir Gerard?" balik tanong ko.
"Hmp, tsismoso ka rin naman bakit ka nagtatanong?" Saka ako inirapan.
"Department Head namin iyon curious lang ako anong mangyayari sa kanya pag dumating na yung Sir PJ."
"Whatever!"
"Ano nga dami pang arte."
"Di ba nga OIC lang yung designation niya, alam naman daw niya iyon at napagkasunduan na rin nila na pagbalik ni Sir Pj may bagong assignment si Sir Gerard sa probinsiya yata nila." Mahaba niyang paliwanag.
Tumango lamang ako pero sa isip ko sana kasing bait ni Sir Gerard iyong Sir PJ kasi malaki talaga ang naitulong sa akin ni Sir Gerard, napakasupportive niya sa grupo. Nakakapanghinayang din.
Si Sir Gerard ang dahilan kaya hindi naging ganoon kabigat para sa akin ng adjustment. Lagi siyang nakaalalay. Hindi ka mahihiyang lumapit sa kanya dahil napaka down to earth niya at laging nakangiti. Kaya pala madalas kong nadidinig sa iba kong kasamahan yung parang laging nag te thank you. Siguro ako lamang ang hindi nakakaalam na aalis na siya. Madalas kasi ako sa field nitong mga nakaraang linggo kaya hindi ako updated sa mga nangyayari.
Paul
Finally, balik opisina na naman ako. This is my first day as Department Head. Medyo kinakabahan ako, alam kong malaki ang expectations hindi lamang ng Management sa akin kundi pati na rin ng buong departamento. Naging magaling ang dati naming boss na si Sir Joseph maging  si Sir Gerard. At alam ko hindi maiiwasang ikumpara ako sa kanila. Sana naman ay hindi ko man sila mahigitan mapantayan ko man lamang siya nang ma maintain ang magandang image ng aming department.
Nagulat ako sa malaking streamer na agad tumambad sa akin pagpasok sa opisina. Nakita ko rin na napalitan na ang pangalan ni Sir Joseph. Gaya ng dati naroon pa rin ang mga babaeng nagpapacute. Haist, bakit ba sa dinami-dami ng magaganda sa opisinang iyon ay wala akong magustuhan. Una kong napansin si Mr. Angelo ang HR Manager.
"Okey guys, let's all welcome our new department head. Mr Paul Jacob Rivera, fresh from Germany." Palakpakan naman ang lahat.
Isang napakaganda at napakasexy na babae ang lumapit sa akin at may dalang cake.
"Congratulations sir!" napatingin ako sa kanya saka inabot ang cake. Noon ko lamang siya nakita. Pero aaminin ko ang ganda niya at ang lakas ng dating.
"By the way sir, I think Sir Angelo would not introduce me to you, so please allow me to introduce myself. I am Shayne Carillo from Davao Branch and now the newest member of HR Department" Tawanan naman ang mga nakarinig sa kanya, lalo na si Mr Angelo.
"Oh, I'm very sorry Shayne, nalimutan ko lamang hindi ko sinasadya na excite lamang ako." Ngumiti naman si Shayne sa kanya.
"So kasama ka don sa mga nirequest naming tao?" Tumango naman siya.
Masaya ang naging pag welcome nila sa akin ang daming pakulo ng aming department bagamat magkakakilala na naman kami ay na surprise pa rin ako sa mga inihanda nila. Ang dami rin ng pagkain. Breakfast at snack kasi ang nakahain. Pero muli kong nilapitan si Shayne nang makita ko siyang umiinom siya ng Ice Tea.
"Miss Carillo, right?" bati ko sa kanya.
"Yeah sir, pero Shayne na lang po, napaka pormal naman ng Miss Carillo parang nasa school tayo." Pagpapatawa niya, napaka interesting talaga ng babaeng ito parang hindi nalolobat.
"I guess we requested five personnel, where are the others, saan sila napa assign?" tanong ko kasi gusto kong malaman kung nasaan si Patrick. As far as I know ECE siya at dapat lamang na sa Department ko siya mapunta. More than that alam naman nilang lahat na ako ang nagrequest sa kanya, alam pati ng Management na may bakante dito sa amin dahil ilang request na namin ng tao sa HR noon.
"Ah sir, the first one is Jonathan, he is in Finance Department, the other one, Mr. Eduard now in Purchasing Department, the other girl si Miss Leah ay nasa Admin, and the last one my boyfriend is in your department sir, but sadly he is out now nasa field siya ngayon.
"You mean boyfriend mo si Josh Patrick?" nabigla kong tanong napalakas yata ang boses ko kaya napatitig siya sa akin,
"Nakakagulat ka naman sir, you know Josh?" Kita ko talaga sa kanya ang pagkagulat. Tumango ako.
"Para namang napaka imposible na magka boyfriend ako ng gwapo. Sir, 4 years na po kami dahil second year college pa lang nang maging kami"
Pinilit ko namang ngumiti pero parang sibat ang dating ng mga sinabi niya. So iyon ang dahilan kaya hindi niya ako pinagkaabalahang puntahan dahil napalitan na niya ako agad.
"Yes! I mean no, kasi nirequest namin sila o kayu ibig kong sabihin I should know their names. Hindi naman imposible, sa ganda mo ba namang iyan hindi na nakakapagtaka kung gwapo nga ang boyfriend mo." Biglang bawi ko sa kanya hindi ko alam kung paano lilinawin ang ibig kong sabihin. Natataranta ako kasi kung nirequest namin sila bakit hindi ko siya kilala.
"I mean ECE kasi siya kaya nirequest namin kasi may vacant dito sa Department." Tumango naman siya.
"Don't worry sir, pagdating niya I will personally introduce him to you, dahil sinabihan na rin ako ni Sir Angelo to do that."
"Okey asahan ko iyan at nang mapatunayan ko ngang hindi ka lamang maganda, may taste ka rin sa pagpili ng boyfriend," pagpapatawa ko pero sa loob ko ang sakit naman, at ang girlfriend pa niya ang magpapakilala sa kanya. Ano ba namang parusa sa akin ni Kupido. Habang buhay na ba niya akong pahihirapan dahil lamang sa isang pagkakamali.
"Sige sir, i will accept your challenge."
Ngumiti lamang ako sa kanya, pero sa isip ko kahit hindi na Shayne, kilalang kilala ko siya, kung 4 years mo siyang kilala ako more than 15 years na at hindi ko lamang siya kilala. Minahal ko pa siya at hanggang ngayon mahal na mahal ko pa rin siya.
Hanggang makaalis sila ay iyon pa rin ang nasa isip ko. Tama nga siguro iyong hiningi kong sign dati na kung pagbalik niya ay wala na tatanggapin ko na lamang. Mukha namang happy sa kanya ang girlfriend niya. Ayoko ng guluhin pa siya at ayoko na ring mag expect. Siguro nga ay hanggang doon na lamang kami, pinatagal ko lamang dahil sa pag-asang magiging kami pa rin sa bandang huli. Tinawagan ko agad si Kenzo,
"Bro, kumusta ang first day as department head?" masayang bati niya.
"Sabay tayong mag lunch mamaya ha." Iyon lamang ang naging sagot ko sa kanya.
"Bakit mukhang hindi ka okey, may problema ba agad? Something happened, ano bang nangyari." Naguguluhan niyang tanong. Gusto kong umiyak, gusto kong sabihin sa kanya ang lahat ng nalaman ko pero nagpigil ako.
"Usap na lamang tayo mamaya, bro" putol ko sa pagtatanong niya.
"Gusto mo bang puntahan kita diyan, sure ka bang okey ka lang, maaga pa naman gusto mo labas muna tayo?"
"Wag na mamaya na lamang, sige na marami pa akong gagawin, alam mo na ang daming dapat habulin, sige na bro salamat sa concern." At ibinaba ko na ang phone. Ang sama talaga ng pakiramdam ko.
"Nang magkita kami ni Kenzo, sinabi ko sa kanya ang lahat. Malungkot lamang siyang nakatingin sa akin. Bago siya nagsalita.
"Anong plano mo ngayon?"
"Hindi ko alam, nasira lahat ng mga balak ko, iyong pagkausap sa kanya, pag-a apologize, pakikipag-ayos hindi ko na alam anong gagawin ko." Pagtatapat ko sa kanya.
"Why don't you try, malay mo.."
"For what, para masaktan? may girlfriend na nga siya, at almost 4 years na raw sila, ano pang aasahan ko? Malinaw na sa akin, kaya mabilis niya akong nalimutan, kaya hindi niya ako tinawagan kahit minsan dahil noon pa man pagdating sa Davao, pinalitan na niya ako agad. Ang sakit lamang dahil naghintay pala ako sa wala. Now naiintindihan ko na si Ninang bakit tinigilan niya ang pagbabalita sa aking ng tungkol sa kanya. Ayaw niya akong masaktan. Ayaw na niya akong umasa."
"At kasama rin niya dito ang girlfriend nya?" Tumango lamang ako.
"Ang sakit pala bro, akala ko dati madali lang tanggapin dahil limang taon na naman, pero ngayong narito na at nalaman ko na ang totoo, sobrang sakit, parang iyong buong limang taon, ibinagsak lahat ng biglaan sa akin ngayon. Hindi ko na alam bro kung ano ang gagawin ko. Kung hindi ko lamang iniisip sina Mama at Papa, baka kung ano na ang ginawa ko."
"Bro wag kang magsalita ng ganyan, narito pa ako, may karamay ka pa, huwag mong kakalimutan, parehas lamang tayo ng sitwasyon, ang kaibahan lamang ay tinanggap ko na ang nangyari sa amin dahil wala na akong magagawa. Ikaw umasa kang meron pang karugtong iyong sa inyo kaya ka nasasaktan, pero kung tatanggapin mo ang totoo, marerealize mo kaya mo rin naman palang malampasan. Huwag kang mag-alala iinom lamang natin iyan mamaya, at sa mga susunod pang araw hanggang hindi mo na iyan maalala" Nanatili lamang akong nakatungo, pero pinag-isipan o ang sinabi niya, maari ngang kung tatanggapin kong wala na talagang pag-asa ay baka mas madali sa aking kayanin ang lahat.
"Alam mo bro, baka nga panahon na para ibaling mo na ang atensyon mo sa iba. Grabe ang daming magaganda sa opisina, kahit ba isa walang makapukaw sa pansin mo. Ikaw na binansagang most eligible bachelor in town," muli niyang pagpapatawa pero nang mapansin niyang hindi ako napapatawa ay tumahimik din. Pagkatapos naming kumain ay sabay kaming pumasok pero dahil nasa first floor lamang ang accounting, naghiwalay din kami.
Josh
Tatlong araw ako ulit sa field dahil maraming issues sa aming project na hindi masagot ng mga tao namin don. Monday pagbalik ko nakita ko si Shayne papasok sa office namin.
"Ano na naman kaya ang ginagawa ng babaeng ito at napaka aga ay wala sa table niya." Paglingon niya ay nakita niya ako.
"Hi Josh, nariyan ka pa pala, akala ko nasa loob ka na, bago ka tumuloy sa opisina ninyo sumama ka muna sa akin at ipakilala kita kay Sir PJ. Dumating siya nong Friday kaso nasa field ka at ako ang nautusan ni Sir Angelo na magpakilala ng formal sa mga hindi naka attend sa welcome party niya." Agad na bati niya saka ako hinawakan sa braso. Sumunod lamang ako sa kanya.
"Kumusta naman siya, mabait ba?" hindi ko alam bakit iyon ang naitanong ko habang naglalakd kami.
"Hay, nako Josh, kung hindi lamang boyfriend kita, baka nagkasala na ako. Grabe, ang gwapo pala niya, kaya naman pala nagkakagulo sila no'ng mabalitang pabalik na siya."
"Nako, umiral na naman pagka malandi mo." Wala sa loob kong sagot. Hindi niya ako pinansin diretso sa pagsasalita.
"Saka alam mo ba super bait, ngayon ko lamang naconfirm na pwede rin palang maging mabait ang isang ubod ng gwapo at super hot na tao, akala ko dati nang makilala kita kapag sobrang gwapo, mayabang iyon at suplado, mali pala ang aking theory, now I believe na pwedeng mangyari ang kanta ni Daniel Padilla. "Nasa 'yo na ang lahat...." At kumakanta habang naglalakad kami. Napapailing lamang ako sa pinagagawa ng babaeng ito.
"But don't worry Babe, hindi pa rin kita ipagpapalit sa kanya, kahit na masama ang ugali mo, masungit at ubod ka ng suplado, nag-iisa ka parin sa puso ko at sinisiguro ko sa iyo tayo pa rin 'till the end."
"Asa ka!" iyon lamang ang isinagot ko ayokong patulan ang lukang-luka ito dahil napakaaga pa isa pa ang dami naming nakakasalubong na nakatingin sa amin. Kung bakit kasi napaka eskandalosa ng babaeng ito, pati ang paglalakad kapansin-pansin lalo na sa mga kalalakihan.
Pagdating namin doon binati niya agad ang secretary. "Hi Krizia, nariyan na ba si Sir PJ? I will formally introduce Engr Josh Villanueva to him." Kilala ko naman si Krizia at nakangiti itong sumagot.
"Hi Sir Josh! Yeah, kakarating lang, sige sabay na ako sa inyo dalhin ko lang itong gift sa kanya saka ko lamang napansin na may bouquet of red roses pala at 2 boxes of chocolates sa table niya na agad niyang dinampot saka tumayo. Diretso kami sa pinto ng aming department head. Kumatok si Krizia, saka diretsong binuksan ang pinto. Sabay-sabay kaming pumasok
"Morning Boss! Magiliw niyang bati. Pagtunghay ni Sir PJ. Hindi ko alam kung sino sa amin ang nagulat. Parang bigla akong natulala, hindi ko alam kung gusto kong tumakbo, palapit sa kanya o palabas. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko. Parang napako sa sahig ang mga paa ko.
"Si Kuya Paul!" bulong ko sa sarili ko. Ang tanga-tanga ko talaga, bakit hindi ko naisip na ang sinasabi nilang PJ ay Paul Jacob. Nakita ko rin yung initial niya dati sa ilang contract PJR, Hindi man lamang pumasok sa isip ko na Paul Jacob Rivera.
"Hi Sir PJ, please meet Engr. Josh Patrick Villanueva" narinig kong pag introduce ni Shayne sa akin. Tumingin si Kuya Paul sa akin.
"So siya pala iyong sinasabi mong boyfriend mo, hmmm, I can say may taste ka nga gaya ng sinabi mo. Congratulations and Good Luck." Nakangiti niyang sagot kay Shayne na kita ko namang biglang namula ang pisngi ng luka. Tumingin ulit sa akin si Kuya Paul. Close agad sila ni Shayne? Iyon lang ang naisip ko. Parang wala pa rin ako sa sarili. Parang mabagal pa ring pina process ng utak ko ang mga nangyayari.
"Hi Engr. Villanueva, finally nameet din kita. I've heard many good things about your team, congratulations." Saka lamang ako natauhan nang makita kong inilahad niya ang kamay niya.
"Welcome back sir and thank you!" hindi ko alam parang ang hirap ibukas ng aking bibig, parang may kung ilang boltahe ng kuryente ang pumasok sa aking katawan sa paglapat ng mga kamay ko sa kanya. Ngumiti lamang siya. Tinawag niya akong Engr. Villanueva, hindi kaya niya ako natatandaan, pero imposible alam na alam niya ang name ko. Saka ganon na ba kalaki ang naging pagbabago sa itsura ko? Galit pa siguro siya sa akin.
"Ah sir, may nagpapabigay nga pala sa inyo, iniakyat lamang ng guard kanina." Si Krizia sabay lapag sa table ng flowers at chocolates.
"Kanino raw galing?" nagtatakang tanong ni Kuya Paul. "Hindi raw pinasabi basta ipinapabigay sa inyo, don't worry sir na ipa check na namin iyan at wala namang bomba ang natatawang dagdag ni Krizia.
"Sige sa iyo na lamang iyang flowers, aanhin ko ba iyan?" Nakangiting sagot ni Kuya Paul.
"Iyong chocolates sir, hindi ba kasama? Ang pangungulit ni Krizia halatang close talaga sila.
"Abuso ka, akin to, alam mo namang paborito ko ito, minsan na nga lamang may magbigay sa akin ng ganito aagawin mo pa" hinatak niya palapit sa kanya ang mga kahon, saka tumingin sa akin. Haist, nakakalungkot naalala niya ang chocolates na paborito niya pero ako hindi na, pero kita ko rin ang paglungkot ng mukha niya parang may inaalala siya. Kung gaya ng dati tiyak tig-isa kami doon. Bibigyan pa niya ako pag nauna kong naubos yung sa akin, Hayy! Kuya Paul, I missed you so much. Baka pwede kang mayakap"
"Saka may pagbibigyan ako nito." Dagdag pa niya. Kita ko naman na lalong kinilig ang dalawang babae.
"Sige sir, labas na rin kami at tiyak nakakaabala na kami sa inyo." Tumango lamang siya. Nakasalubong namin ang isang lalake siguro ay mga kasing edad din lamang niya na papasok naman sa kanyang opisina.
"O Kenzo, ang aga mo?" narinig kong bati ni Kuya Paul sa kanya. Hindi ko narinig ang sagot nong lalake dahil sa dalawang napakalandi kong kasabay.
"Girl ano ba namang opisina ito, factory ba ng mga gwapo, bakit ang dami nila?" Kinikilig na sabi ni Krizia.
"Sinabi mo pa, pero pinakagwapo pa rin ang boyfriend ko saka ipinulupot ang braso sa akin.
"Tapos si Sir Angelo, haist ang hot, ngayon naman yung dalawang nariyan sa loob." Kinikilig pa rin ang luka-luka habang nagsasalita hindi pansin na halos umiyak na ako sa nangyari.
"Nakita mo na ba yung tinatawag nilang F4, yung apat na gwapong taga marketing, nako girl, hihimatayin ka sa apat na iyon, parang pag dumating sila iisipin mong end of the world na ba kasi nagbababaan na ang mga anghel."
Kinikilig na kwento ni Krizia. Kilala ko ang tinutukoy niyang F4, well mga gwapo nga sila at ang lilinis tingnan magkakabarkada raw sila noong college at same university swerteng sama-sama ring natanggap sa iisang department pa, pero pinaka gwapo pa rin sa lahat si Kuya Paul.
Paul
Parang tulala pa rin ako sa bilis ng mga pangyayari. Si Patrick nga talaga iyon. Ano bang gagawin ko, gusto ko siyang yakapin, gusto ko siyang kumustahin. Gusto kong umiyak at humingi ng tawad sa kanya. Pero kasama niya si Shayne, Ramdam ko nagtataka siya sa napaka pormal na pagbati ko sa kanya, pero ano bang magagawa ko. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang lungkot lalo na nang makita niya ang chocolates. Alam kong naalala niya kung paano kami kumain ng chocolates. Ang sakit, wala na bang katapusan ang paghihirap kong ito. Ito ba ang kapalit ng paghihintay ko na makasama siya kahit sa iisang kumpanya man lamang. Ganito ba lagi ang mangyayari sa twing makikita ko silang magkasama.
Pagkatalikod nila nakita ko namang pumasok si Kenzo.
"O Kenzo, ang aga mo?" wala sa loob kong bati sa kanya. Mabuti na lamang at dumating siya kahit papaano ay maihihinga ko itong nararamdaman ko dahil para akong sasabog.
"Sino siya bro?" nakangiti niyang tanong
"Si Patrick diba nakita mo na siya dati, remember?" nagtataka kong tanong.
"I mean, yung girl, yung super hot na chicks" alam kong hindi si Krizia ang tinutukoy niya dahil kabiruan niya si Krizia.
"Ahh siya, si Shayne Carillo." Malungkot kong sagot sa kanya.
"You mean, siya yun... Bro siya yung pinagkakaguluhan lagi sa baba, ang bagong HR Officer. Siya at si Patrick?" tumango lamang ako sa kanya.
"Brother favor naman please, at humarap sa akin at pinagdikit ang mga kamay."
"OA ka, ano namang drama iyan?" naiinis kong tanong sa kanya, ngayon ko lamang nakita ang ganong arte niya.
"Please pare, makipagbalikan ka kay Patrick, kung kailangang ipagdasal ko kayo, gagawin ko, magkabalikan lamang kayo. Kung kailangan mo ang tulong ko magsabi ka lamang basta makipagbalikan ka sa kanya pare." Hindi ko alam kung ano pinagsasabi ng lokong ito at kung seryoso ba.
"Kakasabi mo lamang sa akin last week na acceptance ang kailangan ko para maka move on. Nag week end lamang iba naman ang sinasabi mo."
"Pare iyon lamang ang paraan para maging single si Shayne, wow bro, na love at first sight yata ako sa kanya. Grabe, ang mga mata niya, ang lips, ang hot niya all over. Hindi naman pala nakakatakakang ma inlove sa kanya ang ex mo."
"Seryoso ka, sa tagal nating magkakilala ngayon lamang lumabas ang pagka manyakis mo, akala ko pa naman dati napaka conservative mo." Pagbibiro ko.
"Pare this is not just lust, i know this is love, at bro bihira talaga akong mainlove. Mula ng iwan ako ni Jaanah ngayon ko lamang ulit ito naramdaman. Akala ko dati si Jaanah na ang pinakamagandang hayop sa balat ng lupa, hindi pala meron palang mas maganda pa sa kanya. Ang lakas talaga ng dating ng babaeng iyon."
Naisip ko totoo naman ang sinabi niya, maganda si Shayne at mukhang smart. Parang ang lambing din niya kay Patrick, laging nakakapit sa kanyang braso. Hindi nga siguro imposibleng mahulog sa kanya si Patrick lalo pa at malungkot siya sa lugar na iyon. Kahit nga ako iyon agad ang una kong napansin sa kanya.
Nakaalis na si Kenzo pero hindi pa rin mawala sa isip ko, paano nga kaya kung maging si Shayne at si Kenzo, balikan kaya ako ni Patrick? Sigurado na ako na kaya madali nya akong nakalimutan dahil dumating sa buhay niya si Shayne. Pero paano naman namin iyon gagawin. Una ay hindi naman kami close, pangalawa ay mahal pa kaya talaga ako ni Patrick. Haist, parang lalo akong nalito ngayon. Handa na sana akong tanggapin na hindi na talaga kami pwede dahil ayokong manira ng relasyon ng may relasyon bakit kasi pumasok pa sa eksena itong bestfriend ko. Hindi ko na naman alam ngayon ang gagawin ko.
Josh Patrick
Nakalabas na kami at nakapasok na ako sa aming opisina pero mukha pa rin ni Kuya Paul ang nasa isip ko. Lalo siyang gumwapo, ang kinis lalo ng balat niya at ang ganda ng katawan niya. Pero bakit ganon wala ba talaga siyang naalala tungkol sa akin. Ang sakit naman, limang taon kong hinintay ang pagkakataong iyon para makaharap siya tapos ganito pala. Limang taon na inisip ko kung ano kaya ang reaction niya pag nakita ako, pero hindi ko kailanman naisip na magiging ganon siya kalamig. Siguro nga ay kinalimutan niya ako, o baka hanggang ngayon ay galit pa rin siya sa akin.
Pero ngayon ko nakumpirma sa aking sarili, mahal ko pa talaga siya, yung pakiramdam kanina nang magtama ang aming paningin, parang bumalik ang lahat ng alala ko sa kanya. Mga alalang pilit kong inaalis sa isip ko. Tama nga siguro si Mommy panahon na para harapin ko ang lahat. Hindi pwedeng takasan ang reyalidad. Hindi ko na pwedeng takbuhan ang sitwasyon namin. Pero hindi ko kayang makita siyang ganon sa akin. Masakit. Gustuhin ko man ang iwasan siya tiyak darating at darating ang pagkakataon na magkakabangga kami. Pero paano ko siya haharapin, ngayong nakita ko na siya nang harapan parang hindi ko kayang gawin ang anumang pakikipagharap na pinaghandaan ko, Hindi ko siya kayang tanungin kung mahal pa niya ako dahil nakakatakot ang magiging sagot niya. Hindi pala ako handa sa posibilidad na nalimutan na nga niya ako. Haist Kuya Paul, hanggang ngayon pinahihirapan mo pa rin ako.
Natapos ang hanggang tanghali na wala akong matinong nagawa. Naubos ang oras ko sa pag-iisip kung ano ba ang pwede kong gawin pero sa katapusan wala rin naman akong nabuong desisyon. Noon ko naramdaman ang kahinaan ko, hindi ako kasing tapang ng iniisip ko. Maaring nakagawa ako ng mga plano noon dahil hindi ko pa siya nakakaharap pero ngayong narito na siya, iba pala, mas mahirap ang gumawa ng plano.
"What! Pakibatukan nga ako, Si Sir PJ ay si Kuya Paul? Josh, hindi ba ako nananaginip, siya ba talaga?" ang iskandalosang tanong ni Shayne habang kumakain kami.
"Iyang bibig mo, pwede bang hinaan mo ang volume?" Patatlong paulit mo na sa akin ng sinabi ko at pag ipinaulit mo pa, iiwanan na talaga kita dito, hindi ako nagbibiro, nakakainis ka na." banta ko sa kanya
"Nalilito pa rin kasi ako."
"Kung gusto mo check mo ang record niya Paul Jacob Rivera, Hindi ko alam bakit naging PJ ang nickname niya buong buhay ko naman kilala ko siya bilang Paul." Hindi siya kumibo. Maya-maya.
"Hindi pa rin nagsi sink in sa utak ko Josh na ang lalaking nagpatibok sa puso mo at iniyakan mo ng limang taon at ang lalaking hadlang sa pagmamahalan natin ay dito rin pala natin makikita at kawork pa natin. OMG bakit siya pa, ang dami namang iba, bakit siya pa, aaminin ko Josh, mahal ko na rin yata siya..."
"Huwag kang OA, hindi tayo nagmamahalan, saka pwede ba Shayne, huwag mong gawing joke ang lahat, hindi ako nakikipagbiruan."
"Eto naman, pinapagaan ko lamang naman ang sitwasyon kasi nakakabigla talaga" may pag-aalala niyang sagot. Kilala ko naman ang babaeng ito hindi siya makasarili kaya alam kong concerned pa rin siya sa akin.
"Kaya nga e, ano bang gagawin ko Shayne, magreresign na ba ako? hanggang tanghali na akong hindi makapagtrabaho ng maayos sa kakaisip ng dapat kong gawin."
"Magtigil ka nga, bakit ka magreresign?" pagalit niyang tanong.
"Anong gagawin ko alangan naman na tiisin ko na lamang ang ganoong klaseng pagtrato niya sa akin. Masakit Shayne, dahil umasa ako na sa muli naming pagkikita, maibabalik ang lahat, umasa ako na gaya ko excited rin siya na makita akong muli. Umasa ako na mahal pa rin niya ako gaya ng dati. Umasa ako sa pangako niya na kahit ano ang mangyari ako pa rin ang baby niya. Ang hirap Shayne, sana hindi ko na lamang siya nakita, kaya pala hindi ko gustong tanggapin ang paglipat dito. Kung hindi ako pumayag, sana sa isip ko, mahal pa rin ako ni Kuya Paul. At mananatili pa rin sa isip ko ang dating Kuya Paul na kilala ko. Ang Kuya Paul na mataas ang pagpapahalaga sa akin."
Hindi ko na rin napigilan ang pagpatak ng mga luha ko. Hindi siya sumagot pero nakita kong itinulak niya papalapit sa akin ang box ng  tissue. Palihim akong nagpunas ng luha at pinilit na kumain. Hindi na rin siya nagsalita.
Minsan habang kumakain kami ni Mommy. "Ma, sa palagay mo ba minahal talaga ako ni Kuya Paul?" bigla kong naitanong sa kanya.
"Oo naman, bata ka pa, naramdaman ko na mahal ka talaga ng Kuya Paul mo, akala ko no'n bilang kapatid lamang dahil nga nagsosolo lamang siya, hanggang sa ipinagtapat nya sa akin yung totoong nararamdaman niya, bakit mo naman naitanong."
"Wala Ma, iniisip ko lamang kung hindi kaya siya umalis o kung nakinig lamang ako sa kanya. O kaya naman kung hindi ako umalis kami pa rin kaya? Kasi Ma, pakiramdam ko ngayon ang layu-layo na niya sa akin. Oo nga at madalas kaming magkita pero ibang-iba na siya. Parang hindi na siya yung Kuya Paul na nakilala ko noon."
"Alam mo Josh, ikaw lamang ang makakasagot sa mga tanong mo, sa palagay mo ba ikaw hindi nagbago? Baka parehas lamang kayung naninibago kasi ilan taon kayung hindi nagkita."
"Pero 'Ma, ang lamig na ng pakikitungo niya sa akin, noong una kaming magkita, binati niya ako bilang Engr Villanueva, hindi na ba niya ako kilala? Ang sakit Ma, kung alam ko lamang na ganito pala ang magiging pagkikita namin, sana hindi na lamang ako pumayag na magpalipat o kaya naman Ma, parang gusto ko ng magresign, maghahanap na lamang ako ng ibang mapagta trabahuhan." Nakatingin lamag siya sa akin parang tinatantiya kung totoo ang mga sinasabi ko.
"Naalala mo ba yung movie na Pan?' biglang pag-iiba niya ng tanong.
"Yes, si Peter Pan. Ma naman e, niloloko mo naman ako niyan." naiinis kong sagot sa kanya. Pero hindi niya ako pinansin.
"Diba tuwang-tuwa ka don, paulit-ulit ninyong pinapanood ng Kuya Paul mo? At sa twing papanoorin ninyo hindi pwedeng hindi mo ikukwento sa akin" ang nakangiti niyang tanong sa akin.
"Oo nga alam ko yun, pero bakit ba napasok siya sa usapang ito?" hindi ko pa rin magets ang gusto niyang sabihin.
"Ano nga ulit ang nagustuhan mo don sa story na iyon, bakit gusto mong inuulit-ulit?"
"Kasi Ma. Diba lahat sila nagsasabi na iniwan siya ng Mama niya kasi hindi siya mahal, kahit si Mother Barnabas, ibinenta siya sa mga pirates kasi nga wala namang nagmamahal sa kanya. Kahit si Blackbeard, pati nga diba si James Hook iyon din ang paniniwala noong una, lahat sila nagsasabi na inabandona siya ng Mama niya, pero hindi siya naniniwala kasi alam niya sa sarili niya, buhay pa ang Mama niya at mahal siya dahil iyon ang nabasa niya sa sulat sa kaniya ang kailangan lamang ay magkita sila. Pero no'ng malaman niyang patay na pala ang Mama niya nagalit siya kasi nagsinungaling si Tiger Lily at nawalan na ng pag-asa pero hindi nawala ang pagmamahal niya lalo nang malaman niya na bayani pala ang nanay niya, lalo pa niya siyang minahal at itinuloy ang laban. Dahil din sa pagmamahal niya sa kaibigang nasa panganib nawala ang takot niya at tuluyan ng nakalipad. At kahit pa nasa kabilang buhay na ang Mama niya nangakong mananatili siyang kasama ni Peter, mananatili siya sa pagmamahal ni Peter at laging nasa puso niya. Dahil sa nangyari hindi lamang pagmamahal ng Mama niya ang napatunayan niya, nakatagpo din siya ng pagmamahal kay Captain Hook at kay Tiger Lily isa pa naging bayani pa siya dahil natalo niya ang matagal ng kalaban ng mga fairies at ng village people. Na rescue pa niya si Nibs at ang ilang orphans at naging magkakaibigan sila. Diba Ma ang ganda naman talaga ng story na yun."
"Precisely Josh, hanapin mo sa puso mo ang sagot sa mga tanong mo, kung naniniwala ka na mahal ka ng Kuya Paul mo, hindi ka titigil, ikaw mismo ang magpapatunay non. Si Peter napakabata pa niya pero nakaya niyang lampasan ang lahat ng pagsubok ng buhay dahil naniniwala siya pag nakita niya ang Mama niya at nakausap niya balewala ang anumang pinagdadaanan niya. Huwag mong tingnan ang pangit na kahapon at ang mahirap na ngayon ang tingnan mo ay ano ang naghihintay in the future. Hindi pinakinggan ni Peter ang lahat ng naririnig niya dahil mas naniniwala siya sa sinasabi ng puso niya na mahal siya ng Mama niya at gumawa siya nang paraan para mapatunayan hindi lamang sa sa sarili niya na tama ang pinapaniwalaan niya kung hindi sa lahat ng nagsasabing hindi siya mahal ng Mama niya. Hindi siya kahit kailan nagkaroon ng pag-aalinlangan sa puso niya dahil nangingibabaw sa kanya ang pagmamahal sa nanay niya. Hindi mo ba kaya ang ganon anak. Hindi mo ba kayang ikaw mismo ang magpatunay na tama ang pinapaniwalaan mo? Alam kong mahal mo ang Kuya Paul mo pero punum-puno ka ng pag-aalinlangan at takot. Kahit minsan anak naniwala ka ba mahal ka ng Kuya Paul mo na hindi ka nag dududa?" Nanatili lamang akong tahimik na nakikinig sa kanya.
"Naalala mo ba yung lagi mong sinasabi sa akin pagkatapos mong panoorin si Peter Pan?" Napangiti naman ako. Ang talas pa ng memory ng Mommy ko kahit matanda na.
"Just think of happy thoughts and you'll fly" nakangiti ko namang sagot sa kanya.
"Tama yan anak, isipin mo ang lahat ng magagandang memories ninyo ni Paul, isipin mo kung gaano kayo kasaya noong magkasama pa kayo, Anak you can do things you thought you were not able to. Maiintindihan mo yung mga bagay at pangyayari na hindi mo naintindihan dati. Buksan mo lamang ang pang-unawa mo at marami kang matutuklasan"
Hindi ako makasagot sa kanya, dahil tama siya. Natatakpan ang pagmamahal ko kay Kuya Paul ng nararamdaman kong pag-aalinlangan at takot. Hindi ko alam kung tama o mali ang pinapaniwalaan ko pero tinatalo nito kung anuman ang nararamdaman ko. Napansin ko na lamang na tumutulo na naman ang luha ko dahil sa panghihinayang sa mahabang panahon na nasayang dahil hindi ko ginawa ang dapat. Tama nga pala na ang tama pag hindi mo ginawa ay kasalanan din. Dapat noon ko pa hinarap si Kuya Paul, at inalam kung ano ang totoo.
"Ma may magagawa pa ba ako para itama ang lahat, may pagkakaton pa ba para ayusin ko ito?
"Josh, ikaw lamang ang makakasagot nyan, pag-isipan mo kung ano ang pwede mong gawin. Sabi ko sa iyo malaki ka na at alam kong kaya mo iyan. Sana lang anak hindi pa huli ang lahat bago ka kumilos dahil mahirap magsisi sa bandang huli.

No comments:

Post a Comment

Read More Like This