Pages

Sunday, April 2, 2017

Tales of a Confused Teacher (Part 20)

By: Irvin

Saturday afternoon, nahiga ako pagkatapos maglinis ng aking kwarto.  Nakaalis na rin ang mag-ina pagkatapos maglaba ni Ate Annie samantalang si Jasper ay nag trim ng halaman sa harapan.  Tinulungan namin siya dahil may dala siyang ilang cuttings ng sabi niya ay namumulaklak raw na mga halaman pagpatak ng ulan.   Nakasanayan na rin namin na naroon sila kapag Sabado. Pinipigilan ko nga para sa amin na maghapunan pero sabi ni Ate Annie na sa labas sila kakaing mag-ina. Naaala ko pa ang usapan namin nang magpaalam sila.

“Hayaan mo na po sir, bihirang magyaya si Nanay, baka pag hindi natuloy ngayon ay tuluyan ng hindi matuloy kahit kailan.” Pagbibiro ni Jasper.

“Anak alam mo namang pinaghahandaan ko ang pag ka College mo para kahit papaano ay hindi na tayo mahirapan kung sakali man” ang nahihiyang sagot ni Ate Annie.

    “Ang Inay talaga, syempre alam ko yun, nagbibiro lamang naman ako.”

    “Sigurado kasi akong iyon ang gusto mo, mahalaga sa iyo ang pag-aaral, nakikita ko ang pagppursige mo at ito lamang ang magagawa natin para matupad  ang mga pangarap mo.”

    “Pangarap ko po iyon para sa ating dalawa.”
   
    “O siya, sige na tumuloy na kayo baka magkaiyakan pa kayo, at mag-enjoy na lamang kayo ha, hindi na namin kayo sasamahan moment nyo iyang dalawa.” Sagot ko na lamang.

    “Sir tayo ba, hindi ba tayo lalabas ngayon?” biglang singit naman ng makulit na bata na hindi ko alam ay nasa likod ko pala.

    “O, diba ikaw ang may sabi kaninang umaga na may gagawin kang project paano tayo lalabas?”

    “Baka sakali lamang makalusot sir,” napapakamot na naman siya ng ulo niya. Napatawa naman ang dalawa at pagkatapos kumaway ay tuluy-tuloy nang lumabas. Binalingan ko naman si Kenn na nakatingin sa phone niya.
    “Hoy Bata, magpapahinga lamang ako, tapusin mo na iyan project na iyan, tigilan mo muna iyang kaka cellphone mamaya kung kailan gabi saka ka magsisimula.”

    “Opo masusunod kamahalan!”  at bahagya pang tumungo.

    Binatukan ko siya ng mahina. “Kamahalan ka diyan”

    “Aray naman sir, bakit ka nambabatok?”

    “Wala ang cute mo kasi” Kumunot naman ang noo niya pero nakangiti. “Magpapahinga lamang ako pero kapag maaga kang natapos, labas tayo don na tayo maghapunan tinatamad din akong magluto.”

    “Ayus! iyan ang sir ko, hindi lang gwapo mabait pa. kaya mahal na mahal ko talaga.” Ang nakangiti niyang sagot.

    “Oo na sige na kaya umpisahan mo na iyang gagawin mo” didiretso na ako ako sa kwarto ko para magpalipas ng antok nang bigla siyang magsalita.

    “I Love You kamahalang sir!” sabay takbo akala ay babatukan ko ulit.  Napangiti na lamang ako pero napapailing. Hindi pa rin talaga nauubusan ng paraan ang batang ito para pasayahin ako. Hanggang ngayon tuwang-tuwa pa rin ako sa mga paraan niya para iparamdam sa akin na mahal niya ako.

    “Paano ko pagsisihan na minahal kita Kenn Lloyd, kung ang bawat ginagawa mo ay siyang nagiging dahilan ng saya ko sa araw-araw? Paano ko iisiping mali ang ating relasyon kung sa iyo ako kumukuha ng inspirasyon.  At paano ko babalaking tapusin ito kung ang buong pagkatao ko na  yata ikaw ang laging hinahanap?” 

    Hindi ko alam kung gaano na ako katagal na nakakatulog nang maalimpungatan ako parang may kausap si Kenn sa salas. Hindi ako bumangon baka may kausap sa cell phone. Pinakinggan ko kasi ramdam ko sa boses niya ang tila naiinis saka ko lamang narinig na may nagsalitang babae.

    “Iyon lamang naman ang pakiusap ko pirmahan mo na ito at ako na ang kakausap sa Tito mo.” Boses iyon ni Mrs Nazareno.

    “Tita sa totoo lamang wala naman po akong interes don sa mana-mana na iyon pero hindi ko po talaga alam kung ano iyan,” si Kenn.  Gusto kong malaman kung ano ang pinag-uusapan nila kaya sumilip ako sa pinto, hindi ko naman iyon inilapat ng sara nang pumasok ako dahil alam ko namang kami lamang dalawa ang tao sa bahay.

“Kaya nga, ako na ang nakikiusap sa iyo anak.”  Nakita kong may iniaabot na papel sa kanya ang Tita niya.

“Pero Tita, ang sabi po ni Mommy, huwag akong pipirma sa kahit anong papel na papipirmahan ninyo. Hintayin ko raw po siya at uuwi siya, hindi ko po alam kung ano ang sinasabi niyang kailangan niyang ayusin dito. Inaasikaso lamang niya ang mga papel ng kapatid ko doon. Pede po bang hintayin na natin siya?”

“Anak matatagalan pa iyon”

“Hindi ko po talaga naiintindihan ang mga paliwanag ninyo, pero kahit naman po bata pa ako alam ko na hindi ninyo pwedeng isanla ang lupa at bahay na iyon dahil sa amin po ni Mommy iyon iniwan ng mga parents ninyo at dahil nga wala dito si Mommy kaya sa pangalan ko inilagay iyon.”

“Oo alam namin iyon, pero gipit lamang naman kami ng mga Tito mo may negosyo nga kasi siyang uumpisahan at nangangailangan ng malaking capital, kapag nakabawi naman kami ay tutubusin din namin kaagad. Pangako iyan”

“Tita, nagbilin din po si Mommy na kung kakausapin ninyo ako tungkol sa mga bagay na iyan ay ipaalam ko muna kay Daddy. Siya na lamang po kaya ang kausapin ninyo kung hindi ninyo mahihintay ang pag-uwi ni Mommy.”

“At bakit kailangang makialam dito ang iyong ama? Wala siyang kinalaman dito labas siya sa uasaping ito dahil property ito ng pamilya namin” tumaas ang boses ng Tita niya.

“Pero Tita,,,”

“Kenn Lloyd nong patirahin ninyo ang mga kaibigan mo sa inyong bahay hindi ako tumutol kahit nakakainsulto ang ginawa ninyo dahil ang iyong ama ang bumili noon kaya wala naman akong magagawa. Hindi ko naman pwedeng kausapin ang iyong ama tungkol don. Nang tinawagan ko naman ang Mommy mo para tanungin hindi naman niya sinasagot. Hindi ko alam kung galit ba siya sa akin.”

“Siya naman po ang nagsabi na humanap ako ng caretaker kasi mahirap daw sa bahay ang walang nakatira, Mas mabuti nga iyon hindi na kami magbabayad ng tagalinis at tagabantay doon.”

“Naroon na ako, at naiintindihan ko kaya nga nagsawalang kibo na lamang ako at hindi ko na rin ipinaalam sa Tito mo ang tungkol doon dahil alam kong kagagalitan ka niya.  Nagdesisyon ka na hindi mo man lamang kami naabisuhan.”

“Bakit po magagalit si Tito?”

“Kenn Lloyd hindi mo ba naiintindihan, anak ka ng kapatid namin, kami lamang ang mga kamag-anak mo dito at kung may magmamasakit sa iyo kami iyon dahil kami lamang ang kadugo mo.” Napapailing lamang ako sa kakapalan ng mukha ng babaeng ito.  Gusto ko sanang harapin siya at ipamukha sa kanya ang ginawa nila noon na naging dahilan ng aksidente ni Kenn Llyod.  Pero minabuti ko na lamang ang tumahimik dahil sabi nga niya usaping pampamilya iyon,  Pero nanggigigil na talaga ako. Lalo na at sinasabi niyang sila nagmamalasakit kay Kenn.

“Pasensiya na po Tita, pero hindi po ba talaga pwedeng hintayin na muna natin si Mommy, kasi hindi ko po talaga naiintidihan kung ano nga at para saan iyang mga papel na iyan.”

“Paulit-ulit naman tayo, kanina ko pa sinasabi sa iyo na Power of Attorney lamang ito, na pinapayagan mo ang Tito mo na siya munang mamahala don sa mga ipinamana sa inyo. Kung tutuusuin nga hindi na kailangang hingin pa ang pahintulot mo dahil sa mga magulang namin iyon kaya lamang ay bilang respeto na rin dahil sa inyong mag-ina iniwan ang lupa at bahay na iyon kaya lamang namin gustong ipag alam kayo tungkol dito.”

“Oo nga po Tita kaya lang sobrang urgent po ba iyan, sabi naman ni Mommy, hindi naman matagal yung pag-aayos ng papel nila kasi doon naman ipinanganak ang kapatid ko at kumpleto ang papers niya.  Saka hindi po baka mas maganda na kayu-kayo na lamang ang mag-usap?”

“Hindi iyon ganon kadali Anak.”

“Ano po kaya kung ipadala nyo na lamang iyan sa kanya pwede naman sa DHL diba, tas siya na lamang ang pumirma, baka po mas madali iyon. Diba sabi ninyo alin man sa amin ni Mommy pwedeng pumirma?”

“Delikado ang ganon, paano kung mawala? Mahihirapan tayong kumuha ng bago at lalong matatagalan”

“E Tita kung ipabasa ko muna kaya iyan kay sir, baka maipaliwanag niya sa akin kung ano iyan.  Iwan nyo na lamang dito kasi natutulog pa siya tapos tatanungin ko siya pag okay naman at walang problema pipirmahan ko tapos ako na ang magdadala sa inyo kahit bukas tutal wala namang pasok, bibistahin ko na rin po ang mga pinsan ko”

“Walang pakialam dito ang sir mo!” halos pasigaw na ang Tita niya.

“Tita naman, wag kayong sumigaw baka magising si sir, nakakahiya.”

“Alin ba ang mas nakakahiya yung magising siya o ang ginagawa ninyo?”

“Tita, ano pong ginagawa ang tinutukoy ninyo?”

“Akala mo ba hindi ko alam ang relasyon ninyo ng sir mo?”

“Ano pong ibig ninyong sabihin?”

“Alam ko Kenn Lloyd bakla ang sir mo, nakakahiya kayo kunwari sir, sir ang tawag mo pero may relasyon kayo.”

“Hindi mo po naiintindihan, wala pong kasalanan si sir ako ang pumilit sa kanya,”

“At sinamantala naman niya dahil bata ka?”

“Alam ko na po ang ginagawa ko at hindi niya ako pinilit saka hindi na po ako bata.”

“O sige, sa iyo na rin nanggaling na hindi ka na bata. alam mo rin ba na kaya kong ipatanggal ang sir mo sa pagtuturo dahil sa immoral ang ginagawa niya.”

“Tita hindi mo po maaring gawin iyan.”

“Subukan mo ako Kenn Lloyd para mapatunayan mo kung ano ang kaya kong gawin. Sobra na ang pagtitiimpi ko sa iyo.”

“Tita please nakikiusap po ako sa inyo...”

“Kung ganon ay pirmahan mo ito at makakaasa kang walang makakaalam ng tungkol sa inyo.

“Pero Tita…”

“Madali akong kausap Kenn Lloyd pero napipikon na ako sa katigasan niyang ulo mo, mula nang makilala mo iyang sir mo, hindi ka na marunong makinig.  Parang ibang tao na ako sa iyo.”

“Hindi po totoo iyan Tita”

“Anong hindi totoo, hindi ka naman dating ganyan ah. Dati madali kang kausap ngayon kahit anong sabihin ko sa iyo hindi mo na sinusunod. Nagdedesison ka ng mag-isa. Masama talagang impluwensiya sa iyo ang pagtira mo dito. Nako kung hindi lamang dahil don sa letseng aksidente na iyon, hindi ka talaga namin hahayaang manatili pa dito.”

“Malaki nga po ang ipinagbago ko pero para naman po iyon sa kabutihan ko.  Kahit nga si Daddy natutuwa sa pagbabago ko.  Tita ayaw mo po ba akong maging masaya? Di ba buong buhay ko naman lagi akong nag-iisa ngayon ko lamang po naranasan ang ganito.”

“Kenn Lloyd huwag mo nga akong dramahan ng ganyan, kung kailan ka lumaki saka ka naging maarte, talo mo paang  mga pinsan mong babae, nahawa ka na rin sa kabaklaan ng sir mo.”

“Tita wala po kayong karapatang pagsalitaan ng ganyan si sir, hindi mo po siya kilala.”

“Wala na rin naman akong interes na makilala pa siya. Hala sige na pirmahan mo na iyan at nang makaalis na rin ako dito. Ayoko dito sa bahay ninyo, naalibadbaran ang pakiramdam ko. Kaya sige na pirmahan mo na at gusto ko nang umalis.”

“Pero Tita …”

“Mamili ka Kenn Lloyd pipirmahan mo ba iyan o pupunta ako sa school at sasabihin ko ang relasyon ninyo ng sir mo?” pagbabanta niya sabay hagis ng papel na hawak niya sa bakanteng upuan sa tabi ni Kenn.

Nakita kong tumungo si  Kenn at dinampot  ang papel, nang siya ay tumunghay nakita ko ang pagpatak ng mga luha mula sa mga mata niya.  Huminga siya ng malalim at muling tumingin sa Tita niya na parang nagmamakaawa. Hindi ko na rin napigil ang pagtulo ng mga luha ko.  Una sa awa kay Kenn pangalawa sa galit sa kanyang Tita.

“Ano ba, pipirmahan mo lamang ang dami mo pang arte” nakita ko ang pagbibigay niya ng ballpen.  Inabot ni Kenn Lloyd ang ballpen.  Hindi na ako nakatiis

“Kenn huwag! Huwag mong pirmahan iyan,” sabay agaw sa kanya ng ball pen.

“Sir!” iyon lamang ang narinig ko sa kanya.  Marahil dala ng pagkabigla ay hindi alam kung ano ang sasabihin.

“Aba ang magaling na teacher, sinabi ko na nga ba at masamang impluwensiya ka talaga sa pamangkin ko.”

“Masama na kung masama Mrs. Nazareno, pero this time sinisiguro ko na hindi nyo na maaapi ang batang ito?”

“At anong karapatan mo sa kanya baklang teacher?” baka nakakalimutan mo hindi mo kaanu-ano ang batang iyan. Kami ang may karapatan sa kanya. Kami ang kamag-anak niya at hindi ikaw”

“Oo nga kayo ang kamag-anak na dapat ay nagmamalasakit sa kanya pero ano ba ang ginagawa ninyo, lalong baka nakakalimutan ninyong alam ko ang lahat.  Lahat-lahat ng ginawa ninyo kung kaya muntik ng ikamatay ng pamangkin ninyo ang sinasabi ninyong pagmamalasakit.” Kita ko naman ang pagkabigla niya.

“Sir, ano pong ibig ninyong sabihin?” umiiyak na tanong ni Kenn Lloyd.

“Kenn, pumasok ka muna sa kwarto mo, o mas mabuti siguro  lumabas ka na lang kaya, mag-uusap lamang kami.” Ayoko munang madinig niya ang sasabihin ko baka lalo lamang magpadagdag sa dinadala niyang sama ng loob at maging dahilan na naman ng hindi maganda.  Tumayo naman siya at pagkatapos magpunas ng luha ay nakita kong tumakbo sa labas.  Hinayaan ko lamang siya alam ko namang hindi siya gagawa ng ikapapahamak niya. Nakita kong sinundan siya ng tingin ng Tita niya.

“Ngayon Mrs. Nazareno, gusto ba ninyong ipaalam ko sa kanya, na kaya muntik na siyang mamatay ay dahil sa paghahangad ninyong makuha kung anuman ang ipinamana sa kanilang mag-ina ng mga magulang ninyo.  At pati ang perang ipinadadala ng Mommy niya ay hindi nakararating sa kanya.  Saan ninyo gustong umpisahan doon sa sa hindi ninyo ibinibigay ang perang padala ng kanyang ama noong bata pa siya, kung kaya pumapasok siya na luma ang kanyang uniform at madalas ay hindi kumakain?  Mabuti na lamang noong marunong na siyang gumamit ng ATM ay doon na idinideposit ng Daddy niya ang pera pero humihingi pa rin kayo sa kanya at madalas ninyong sabihin ay pambili ng pagkain pero hindi ba lagi naman kayong wala kaya hindi rin naman siya nakaka kain sa inyo.  O doon sa panghanda sana noong Graduation niya niya na hindi ninyo ibinigay  kung kaya pagkatapos ng graduation ay hindi kumain si Kenn at nakatulog na kumakalam ang sikmura.  O don sa ilang beses kayong humingi ng pera sa nanay niya dahil sabi ninyo may sakit ang bata pero nong minsang nagkasakit siya iniwan ninyong lahat kahit hindi ninyo alam kung sa pagbalik ninyo ay buhay pa kaya siya.” Nakita ko ang pamumutla niya.  Hindi siya nakapagsalita. Alam kong nagtataka siya kung paano ko alam ang lahat.

“Ilan pa lamang iyan Mrs. Nazareno, marami pa gusto ba ninyong isa-isahin kong lahat?” Napabuntunghininga lamang siya at tumingin sa labas, pero saglit lamang kita ko ang galit sa mukha niya pero hindi niya kayang makipagtitigan sa akin.

Ang totoo ay hindi ko naman alam ang detalye ng mga iyon.  Napagdugtung-dugtong ko lamang iyon base sa kwento ng Mommy niya na naging sakitin si Kenn noong mag high school kung kaya kahit patago sa asawa niya ay nagpapadala siya ng extrang pera para sa kanya.  Ganon din ang kwento ng Papa niya na awang- awa siya kapag nakikita niya noon na luma ang mga sinusuot ni Kenn samantalang ang mga anak niya halos hindi na kayang isuot ang mga damit. Kaya nag open siya ng ATM account sa pangalan ni Kenn at dinagdagan ang perang ipinapadala. Naalala ko rin ang kwento ng Mommy niya na noong Graduation balak sana niyang sorpresahin si Kenn kaso nagka problema naman sa bahay nila kaya nagpadala na lamang siya ng pera para kahit papaano ay makapag celebrate siya. 

Pero nang makabawi ay mataray na sumagot.

“Wala kayong alam sa pinagdaanan namin kaya wala kayong karapatan na husgahan ako.”

“At wala rin kayong dahilan para lokohin at saktan si Kenn dahil kadugo ninyo siya.  Kung may taong dapat nagmamalasakit at nagpapakita ng pagmamahal sa kanya, kayo iyon, kayong mga tunay niyang kamag-anak.”  Nakita ko ang pagpatak ng luha niya. Kaya sinamantala ko ang pagkakataon.

“Pero anong ginagawa ninyo, gusto pa ninyong kamkamin kung anoman ang iniwan ng magulang ninyo sa kanya.  Hindi ba pantay-pantay naman kayo, lahat naman kayo may natanggap na mana.  Bakit hindi hindi ninyo mapayagan na may mamanahin din ang bunso ninyong kapatid. Ganyan ba ang pagpapahalaga ninyo sa pera na kahit mismong kapatid ninyo kakatalunin ninyo? Anong klaseng pamilya meron kayu? Hindi man lamang ba kayo naawa sa kanya, alam naman ninyo kung ano ang pinagdaanan niya mula pa sa pagkabata, o mula pa nang ipagbuntis siya ng kanyang ina? Hindi pa ba sapat na pinalayas ng mga magulang ninyo ang nanay niya at siya naman ay itinatago ng kanyang ama? Anong klaseng mga tao ba kayo?” Pinipigil kong huwag maging emosyonal sa harapan niya para kahit papaano ay malinaw kong maiparating sa kanya at maipamukha kung gaano sila kasamang magkakapatid.

“Hindi mo naiintindihan ang sinasabi mo, may pera na si Susan, mayaman ang ama ni Kenn, maliit na halaga lamang ang bahay at lupa  na iyon para sa kanya pero sa amin mahalaking bagay iyon. ”

“Pero hindi pa rin dahilan iyon para gawin ninyo iyan, sa inyong magkakapatid kayo ang higit na nakinabang sa buhay ng mag-inang iyan.  Kung may dapat na magtanggol sa kanya, kayo dapat iyon.”

“Masakit kayong magsalita sir.  Parang napakalinis ng pagkatao ninyo, Baka nalilimutan ninyo may itinatago rin kayong baho.”

“Iyon ba ang ipinapanakot ninyo? Maari ngang may inililihim ako o kami, pero hindi iyon kasing sama ng itinatago ninyo.  Sinabi ninyong immoral ako, sa inyong magkakapatid ano ang maitatawag ninyo? Higit bang masama ang ginagawa namin ng pamangkin ninyo kesa panlolokong ginawa ninyo sa kanya? Alin ang mas immoral at nakakahiya iyong inaruga ko siya at pinagmalasakitan sa kabila ng hindi ko siya kaanu-ano o iyong pagnakawan siya at kuhanin kahit mismong mga magulang ninyo ang nagbigay?”

“Pero hindi pa rin tama na magkaroon kayo ng relasyon, alam mo iyan sir”

“Oo naron na tayo, nagkamali ako,  sa palagay ninyo dahil don hahayaan kong gamitin ninyo iyon para makuha  kay Kenn ang gusto ninyo.  Go ahead, ipamalita ninyo na bakla ako. Ipagkalat ninyo na pumatol ang pamangkin ninyo sa teacher nya.  Karapatan ninyo iyan.  Pero ito lamang ang tandaan ninyo pwede ninyong sirain ang reputasyon ko pero ang katotohanang ginawa ninyo iyon dahil sa paghahangad na makuha ang hindi naman sa inyo at ang masakit ay sa sarili pa ninyong kapatid at pamangkin. Ginawa ninyo iyon para ipam-black mail dahil sa makasarili ninyong dahilan. Mas kahiya-hiya yata iyon sa makakaalam. Hindi kaya mas dapat kayong matakot? May mga anak din kayo sana lamang ay hindi nila pagdaanan ang hirap at sakit na dinaranas ni Kenn ngayon.”

“Huwag mong idamay ang mga anak ko wala silang kinalaman dito.”

“Damay na sila Mrs. Nazareno, dahil kayo ang nanay nila kaya mag-isip kayo kung anuman ang pinaplano pa ninyong gawin isipin ninyo kung ano ang mararamdaman ng inyong mga anak kapag nalaman nila na ang pera at pagkaing ibinibigay ninyo sa kanila ay galing sa ganyang paraan.” Kita ko ang galit sa kanyang mukha.  Ramdam ko na gusto niya akong samplain pero hindi lamang niya magawa. Tiningnan niya ako ng masama saka tumalikod.

“Hindi pa tayo tapos, at sinisiguro ko sa iyo sir. Makakaganti rin ako.” Alam kong may binabalak pa siya, pero nang mga sandaling iyon, hindi na ako natatakot.  Gaya ng ipinangako ko kay Kenn pu proteksyunan ko siya sa abot ng aking makakaya.  Hindi ko na hahayaang may mang api pa sa kanya.  Kaya kong magsakripisyo para sa kanya.

Pagkaalis ni Mrs. Nazareno, saka ko lamang napansin na naiwan niya ang papel na pinapapirmahan niya kay Kenn.  Binasa ko ito.

“Shit! deed of sales ito sabi niya power of attoney lamang.  Napaka walang hiya talaga ng magkakapatid na iyon.” Kinuha ko ang papel at itinago. Nang maalala ko si Kenn.  Agad kong kinuha ang cellphone ko. Isang ring pa lamang ay sinagot na niya.

“Nasaan ka?”

“Narito po sa 7/11 sir, nariyan pa po ba si Tita.”

“Wala na halika na umuwi ka na dito.”

“Opo sir.”

Pagpasok pa lamang niya niyakap ko na siya.  Hindi siya nagsalita pero ramdam na ramdam ko ang pinagdaraanan niyang sakit.

“Sorry po sir, pati kayu nadadamay sa problema namin.”

“Ssshh, tama na iyan.  Basta mula ngayon hindi na ako papayag na saktan ka pa nila.”

“Sir natatakot po ako sa pwedeng gawin ni Tita.”

“Hayaan mo siyang gawin kung ano man ang gusto niya paghahandaan natin iyon, basta ang mahalaga hindi nila maaagaw kung ano man ang para sa iyo,”

“Ayus lamang po sa akin na kunin nila ang gusto nilang kunin, pero sir ayoko pong paghiwalayin nila tayo”

“Tama na hindi mangyayari iyon, hindi natin hahayaang mangyari ang gusto niya.”

“Sir huwag mo po akong iiwan ha, hindi ko alam ang gagawin ko kapag wala ka. Mangako ka sir, anuman po ang mangyari magkasama pa rin tayo ha.” Tumango ako pero hindi ko rin alam kung ano nga ba ang pwede naming gawin o anu ba ang pwede naming paghandaan.  Basta isa lamang ang sigurado ako hindi ko hahayaang maagrabyado ang batang ito.

“Tapos ka na ba sa ginagawa mo?” pag-iiba ko ng usapan.

“Hindi pa po sir, dumating kasi si Tita kaya napatigil ako ”

“Bukas mo na iyan ituloy, labas muna tayo, gusto ko munang kalimutan ang lahat ng nangyari.”

“Pero sir…”

“Don’t worry bukas pagtutulungan natin iyan.  Sa ngayon gusto ko talagang lumabas tayo.  Sige na magpalit ka na ng damit maghihilamos lang ako sandali.” Tumango naman siya at tumuloy na rin sa room niya.

Totoong gusto kong kalimutan ang nangyari pero hindi naman iyon pwede.  Paano ko tatakasan ang reyalidad na ito na nakaabang sa amin.  Alam ko simula pa lamang ito ng mas mabibigat na pagsubok na susuungun naming dalawa. Parang nadidinig ko pa ang sinabi ni Mama na mabigat ang sitwasyong pinasok namin akala ko noon ay iyon na yung mga pinagdaanan namin. Mabigat nga pala.   Pero sapat na nga bang mahal namin ang isat-isa para harapin ang lahat ng ito. Kaya nga ba naming malampasan ang mga pagsubok na ito? Pagkatapos ng lahat ng ito, ganito pa rin kaya ang nararamdaaman namin. Hindi ko alam kung gaano na kami kahanda at gaano na katatag ang relasyon namin para hindi mayanig sa mga pangyayaring ito.

Nang gabing iyon hindi ako masyadong makatulog.  Sinabi ko kay Kenn na lumabas kami para makalimutan ang mga nangyari pero hindi pala pwede.  Noong nasa mall kami pansamantalang nalimutan ko ang problema namin pero pagbalik ng bahay naroon ulit.  Ang mahirap kahit paulit-ulit ko siyang isipin hindi ko mahanapan ng solusyon.  Hindi ko talaga alam ang gagawin ko.

Pero alam kong kailangan akong may gawin.  Hindi pwedemg ganito lamang at hintayin kung ano ang magaganap sa hinaharap,  pero paano nga ba saan ako magsisimula,  Ano ang gagawin ko?

Pinakiramdaman ko sa loob ng school wala namang nagbago.  Walang kakaiba, ibig sabihin hindi pa pumupunta doon si Mrs, Nazareno, pero hanggang kailan hanggang kailan niya gagawing panakot sa amin ang aming relasyon para lamang pumayag si Kenn sa gusto nila.  Ang hirap pala ng ganon parang lagi na lamang akong nag-aabang ng panganib.  Pinilit kong gawing normal ang lahat.  Hindi na namin pinag-usapan ni Kenn ang mga bagay na iyon pero alam ko malaki ang epekto non sa kanya. Madalas ko siyang makitang tahimik at parang nag-iisip ng malalim. O kung hindi man ay madalas ko siyang mahuli nakatitig sa akin.  Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya.  Gusto ba niyang magpaalam sa akin para tuluyan ng matapos ang problema o kausapin ako na pagbigyan na namin ang Tita niya para tumahimik.  Pero ayoko siyang tanungin, naiintindihan kong mas mahirap para sa kanya ang sitwasyon namin dahil nagi guilty pa siya dahil Tita niya ang ugat ng aming pinagdadaanan,

Piniit kong gawing abala ang aking sarili.  Tutal maraming projects akong kailangang bigyan ng grades.  May mga notebooks na iche-check, sari-saring requirements na sina submit nila para mapirmahan ang kanilang mga  clearances.  Kasabay pa nito ang pagko compute ng grades at paggawa ng Final Exams.  Ibinaling ko muna dito ang aking atensyon upang kahit papaano ay mapahinga ang isip ko. Ginawa kong normal pa rin ang kilos ko bagamat madalas akong kinakabahan. Ganon pa man alam kong hindi solusyon ang mga iyon kailangan ko pa rin mag-isip at gumawa ng paraan paano maayos ang problema namin.

Isang hapon tinawag ako ng secretary ng aming principal.  Expected ko na iyon kaya tumango lamang ako at inayos ang mga gamit ko sa table.  Medyo malayo ang office ng principal sa faculty room at nakasalubong ko si Kenn galing sa CR may kasamang dalawang kaklase.

“Good afternnon sir!” halos bati nilang lahat.

“Good afternoon,” sagot ko.  “Kenn baka gabihin ako ng uwi huwag mo na akong hintayin ha.”  Tumango lamang siya at dumiretso na sila ako naman ay tumuloy na sa Admin Buliding.

Pagkapasok ko ay kita ko agad ang nagtatakang tingin sa akin ng aming principal. Hindi na niya ako hinintay na makaupo.

“Mr. Santos what is the meaning of this?” Kahit hindi ko tingnan ang hawak niya sigurado akong resignation letter ko iyon. Nang magsubmit ako ng test questions  for checking noong isang araw isiningit ko iyon para tiyak na mababasa niya. Hindi ko alam kung tama ang desisyon ko pero ilang gabi ko na rin iyong pinag-isipan,  Naniniwala akong iyon lamang ang paraan para tigilan ni Mrs. Nazareno ang pananakot niya upang gipitin si Kenn at mapilitang pirmahan ang gusto niya.

“Ma’am,  I’m very sorry, pero maliwanag naman po ang nakasulat diyan diba?” mahina kong sagot sa kanya.  Hindi ko na rin nagawang mag greet sa kanya.

“I know Irvin,  but please, hindi ko ito madalas ginagawa, I know you have the right to do this at wala akong karapatan na pigilan kayo specially if there is better opportunity.  But I want you to know that you’re an asset of this institution, malaking kawalan ka sa akin lalo na sa school pag umalis ka. Isa ka sa magagaling na teachers dito, sino ang  maghahandle ng scouting isa pa mahirap maglagay ng bagong teacher sa higher subjects lalo pa at Science alam mo iyan.”

“I’m sorry mam pero nakapagpasya na po ako.”

“Aaminin ko Irvin, gusto talaga kitang kausapin, I know this is personal but since narito na rin naman tayo I think it’s the right time.”

“Ano pong ibig ninyong sabihin mam?” naguluhan ako sa sagot niya pero sa halip na sagutin ang tanong ko tinawagan niya ang secretary niya

“Gela, please come in.” maya-maya ay pumasok naman yung secretary niya.  Nakatingin lamang ako sa kanila.

“Please, huwag ka munang magpapasok dito ha, may pag-uusapan lamang kami ni Mr. Santos.”

“Yes mam” at lumabas na rin siya.  Pagkasara ng pinto ay tumingin ulit siya sa akin.

“Galing sa amin noong isang araw ang Tita ni Kenn Lloyd Suarez.”  Parang nanlamig ako sa narinig ko.  Parang biglang may bumara sa lalamunan ko.  Nakatingin ako sa kanya pero parang biglang nanlabo ang paningin ko.  Nagpatuloy siya nang maramdamang hindi ako nagsasalita.

“Inaakusahan kayo ni Kenn Lloyd na may relasyon, sinabihan ko siya na mabigat ang sinasabi niya lalo pa at teacher ka, isa pa ang alam ko ay umuupa lamang naman sa iyo ang pamangkin niya. Hiningian ko siya ng ebidensiya pero wala naman siyang maibigay puro hearsay ang sinasabi niya.”

“Ganito po kasi yon mam..” pero pigilan niya ako

“Ikinunsulta ko ito sa Admin, at ang sabii ay mag imbestiga ako. Palihim kong  ginawa iyon, tinanong ko ang ilang estudiyante pero wala naman silang alam at walang napapansin sa inyong kakaiba, wala silang nakikitang problema dahil parehas ang pakikisama mo sa kanila,  kahit mga co-teachers mo ay hindi nagdududa sa samahan ninyo dahil alam nila ang laki ng ipinagbago ng bata mula ng tumira sa iyo.  Kaya nagdecision na ako na tapusin na itong usapin na ito dahil wala naman akong nakikitang masama, isa  pa ilang araw lamang naman ay graduate na si Kenn Lloyd at wala naman kaming magagawa kung ano ang gagawin niya kung wala na siya dito.  Iyon din naman ang recommendation ng Admin.”

“Mam hindi ninyo po kasi naiitindihan…”

“Irvin, bawal sa teacher ang makipagrelasyon sa estudiyante, straight relationships o yun mang ganon pero ayokong alamin kung totoo man iyong tsismis o hinde dahil personal ninyong mga buhay iyan.  Kung matagal pang magiging estudiyante si Kenn Lloyd dito ibang usapan iyon malaking problema iyon kahit tsismis lamang, pero in less than 3 weeks graduation na.  Magagawa na niya kung ano man ang gusto niya sa buhay niya, hindi na natin saklaw ang mga bagay na iyon.”

“Kaya nga po ako nagpapaalam dahil ayoko ng lumaki pa ang issue ayokong masangkot ang school sa problemang ito,”

“Hindi ko pinanghihimasukan  ang personal mong decision pero ang sa akin lamang ay pag-isipan mo muna.  Huwag kang magpadalus-dalos sa pagpapasiya. Hindi pwedeng emotion ang gagamitin mo dito, huwag mong isakripisyo ang propesyon mo dahil alam kong pangarap mo ito at mahal mo ang trabaho mo.   Tutal ay malapit na ang bakasyon.  Magpahinga ka muna.  Magkita tayo sa May, in the meantime hindi ko tatanggapin ito.” At ibinalik niya sa akin ang papel.

Nakahinga ako ng maluwag paglabas kong opisina niya.  Pero lalong lumaki ang galit ko kay Mrs. Nazareno.

“Pambihirang babae ka, hindi ka talaga titigil hanggang hindi mo nakukuha ang gusto mo.”

Kinuha ko ng cellphone ko at nag dial.

“Hello Mr. Suarez, are you free pwede ba tayong mag-usap?”

No comments:

Post a Comment

Read More Like This