Pages

Sunday, April 2, 2017

Living the Dead Life (Part 2)

By: CountVladz

Maraming salamat po sa mga tumangkilik ng kuwento ko. Narito na po ang ikalawang parte ng aking kuwento enjoy. At sa admin salamat po sa paglathala nito.

Nagdikit ang aming labi, kahit na bago sa akin ang pakiramdam na iyon ay gumanti ako. Para akong estranghero sa tagpong iyon. Dahil sa madalas din naman akong manood ng mga porn kaya may alam na din ako sa patutunguhan ng pangyayari.
Hanggang sa tuluyan na ngang pinagsaluhan namin ang init ng nararamdaman nang bawat isa.

Kinaumagahan, alas 9 ng umaga, nagising ako  dahil sa liwanag na nagmumula sa bintana. Naalala ko bigla ang nangyari sa amin EJ. Ramdam ko ang init ng katawan niya sa katawan ko, kapwa kami walang damit. Gumalaw siya,

"Good Morning," sambit niya na nakapikit pa din at nakangiti, " ngayon alam ko na masarap ka"

"Gago neto, ikaw lasang nilasing na hipon," sagot ko,

"Hindi ako hipon, hahaha Pogi to" nakapikit pa rin,

Inihulog ko siya sa kama, dahilan upang mahila ang kumot na nagtatakip sa kahubadan naming pareho. Napangiti siya, at lumapit sakin upang halikan ako.

"Toothbrush ka muna brad, baho eh," natatawang sambit ko.

Tumatawa siya at hinila ako, sabay kaming naligo, muli isang mainit na pagtatalik ang nangyari sa pagitan namin.

Walang kahit anong kompirmasyon sa kung anong meron sa aming dalawa, pero nanatiling ganun ang aming set-up tuwing umaga, kapag maliligo o kaya kapag nasa bahay lang at walang pasok. Hanggang dumating ang finals ng unang semester.

Clarisse: Hoy! I smell something fishy
Ako: May napkin dun sa tindahan baka may dalaw ka ngayon, malansa talaga yan.

Binatukan ako ni clarisse dahilan para malaglag ako sa upuan,

"Masakit yun ah," angal ko
"Pilosopo ka kasi madalas kaya deserved mo yun," sagot niya
"Anong isda ba kasi naamoy mong babae ka?, kahit kelan kayo tala......"
"What's with you and EJ?" Bigla niyang putol sa akin.
"I don't know, walang confirmation eh, it just happen," malungkot kong sagot.

At isang malakas na batok na naman ang inabot ko, sa maniwala kayo o sa hindi sa liit ng babaeng to bully yan, napakamot ako sa ulo ko.

"Nakakarami ka na Clarisse ah, mas masakit yun kesa nung una."
"Eh tanga ka kasi! Inaalog ko utak mo baka bumalik sa ayos, bakit di ka magtanong? Nung nakaraan nakita kong may biniling regalo sa EJ, di ko na lang pinansin."
Sa sinabi niyang iyon lalo akong nakaramdam ng lungkot at parang bumaba ang tingin ko sa sarili ko, dahil kahit saang anggulo mo tignan isa lamang kaming FuBu, wala na.

Dumating na ang buong tropa, nag kaayaang kumain at napag usapan ang 2 weeks na sem break.

"Uuwi ako sa amin, para ma-miss ko kayo," sambit ni Mark, na siya rin namang ginaya ng iba.

" Uuwi din ako pero after a week babalik ako ng dorm kasi may practice ako ng debate with my team" sagot ni Clarisse.

"Ganun?!," si EJ, " yayayain ko sana kayo sa probinsya kasi may malapit na dagat sa amin kaya masaya sana dun."

Jane: nakapagsabi na ko sa amin na uuwi ako kaya di ako makakasama, baka magtampo parents ko
Joseph: edi sa summer na lang para sure na tag init
Mark: oo tama para makapag ipon pa din.
Ej: ikaw Ibarra? Sama ka amin para makita mo lugar namin.

Nagulat ako sa tanong niyang iyon, habang sa iba parang casual lang na paanyaya si Clarisse nakatingin sakin tila tinatanya ang magiging sagot ko.

"Magpapaalam muna ko, balitaan kita mamaya pagmakausap ko mama ko."

"Confirmed" bulalas ni clarisse
"Ang ano?" Tanong ng lahat
"May period na ko, kaya amoy isda na ko" natatawang saad niya.

Nagkatawanan ang lahat at isang text message ang natanggap ko galing kay Clarisse.

"Hoy ikaw! Hindi ka naman natural na malandi, pero pag ikaw umiyak iyak sa akin dahil sa kalandian mo tandaan mo marahas pa sa batok aabutin mo saken!" Tumingin ako sa kanya sabay umang ng dalawang daliri niya sa mata niya patungo saken, na parang nagsasabing, "I'm watching you!"

Mabait na kaibigan si Clarisse, madalas na mi mis interpret siya dahil sa pagiging prangka niya, pero sabi niya wala siyang paki at sasabihin ang gusto niya. Para ko na siyang kapatid, na bodyguard hahaha.

Sila Mark, Joseph at Ej naman madalas sa basketball court at nakikipag pustahan at madalas ang napapanalunan nila pinangmemeryenda ng tropa, dahil na din sa hindi ako marunong mag basketball kaya silang tatlo lagi ang nagkaka ayaan. Samantalang si Jane dahil medyo boyish minsan sumasali sa 3 makipagpustahan at nananalo naman madalas.

Ako ang sport ko lang ay badminton, kaya kapag may tournament ako yung napalanalunan ko sa libre lang din napupunta kasi madalas yung mga basketball players nanglilibre hahaha.

Si Clarisse, nako, siya lang naman ang manager hahahaha, talent scout, at bugaw hahaha. Akalain mo ba namang na i set up kameng apat sa blind date dahil sa kanya, hahahaha, yun pala may lagay siya. Mga 3 beses ata nangyari yun o apat.

Natapos na ang araw na iyon, at kinabukasan ang huling araw exam, at may 3 araw pa para ayusin at kumuha ng grades. Wala namang nahirapan sa amin dahil lagi naman kumpleto ang mga hinihingi ng professors namin.

Semester Break:
Nag barkada date kame para naman daw hindi puro school works laman ng utak namen. Kaya nag amusement park kame at nag enjoy sa araw na iyon. Habang naglalakad kame ni EJ para bumili ng tubig nagtanong siya

"Sasama ka ba? Kasi bukas na sana tayo alis."

"Ay oo nga pala, pinayagan naman na ko na sumama pero, gusto ka makita ni mama para daw alam niya kung sino kasama ko," sagot ko

Ngumiti siya at parang ang liwanang ng aura.niya. hahahaha

Pagkatapos magsaya napagkasunduan namin na sa bahay na umuwi para makapagpaalam ng maayos si Ej at ako sa mama ko.

"Good evening po Tita," sambit ni EJ

"Good evening din, ikaw ba ang kasama ng anak ko sa probinsya?" Sagot ni mama

"Opo tita, personal sana ako magpaalam para di po kayo mag-alala."

"O sige, magpahinga na kayo at maya maya lang ay kakain na tayo, para makapagpahinga na kayo at maagang makaalis bukas. Hintayin lang natin ang papa niya para sabay sabay na tayo kumain." Tugon ni mama

"Salamat po Tita" si EJ

Sa hapag kainan, masaya kaming nag salo salo sa pagkain na inihanda ni mama, simpleng tinola lang naman iyon pero parang napakasarap para sa akin ng pagkaing iyon, at di ko din malilimutan ang ngiti na meron sa mukha ni EJ.

Sa puntong ito ng aking buhay nasiguro ko sarili ko na mahal ko na nga si EJ, pero sa isip ko ay bumabagabag na paano na lang kung ako lang ang nagmamahal.

Natapos ang aming gabihan at tulong tulong namin iniligpit ang pinagkainan.

Pagkatapos, naligo na ako at nag ayos ng mga gamit na dadalhin ko kinabukasan. Samantalang si EJ, nakatulog na, marahil ay sa sobrang pagod. Tinignan ko siya, maamo siyang matulog parang isang bata, naka baluktot, at nakaunan sa kanyang braso. Tumabi ako sa kanya, at bigla siyang yumakap sa akin at sinabi na.....

"Huwag mo kong iiwan at sisiguraduhin kong hinding-hindi din kita iiwan"

Nagulat ako at di makapaniwala

"Sana tanggapin mo ko bilang boyfriend mo, matagal tagal na tayong nagsasama, noong una bilang magka klase hanggang isang gabi nagtalik tayo at pag may pagkakataon ginagawa natin iyon. Gusto kong itama ang naumpisahan natin. Gusto kong maging tayo. Ikaw at ako." Dugtong ni EJ

Naluluha na akong nakatingin sakanya, tumatango-tango ako at isang ngiti ang binigay ko sakanya at sinabing....

"Oo." Sagot ko. Isang salita na sumagot sa lahat ng nais niya. Sapat na ang salitang iyon upang maunawaan niya na gusto ko din ang gusto niya.

"Una pa lang minahal na kita, sana ganun ka din sakin." Sabi ni Ej

"Mahal na din naman kita, isang umaga nagising ako at alam ko sa sarili ko na mahal na kita." Sagot ko.

Isang matamis na halik ang iginawad niya sa akin na siya namang tinugunan ko. Natulog kaming magkayakap. At puno ng pagmamahal sa isat isa.

Kinaumagahan, lumuwas na kame patungong Isabela. Halos 12 oras ang ibiniyahe namen dahil sa mga construction na ginagawa sa daan.

Pagdating sa kanilang bahay, isang mainit na pagtanggap ang sumalabong sa amin. Batid ko na may alam na sila sa namamagitan sa amin dahil sa narinig kong sinabi ng kanyang ama.

"Maganda sana lahi niyo, kung di lang sana," at isang ngiti ang iginawad niya sa akin, na siya namang paglapit ko sa kanya at nagmano bilang pag galang.

Nagpahinga kame at lumabas upang mamasyal sa dagat na sinasabi niya, at sa ilog na may lumalangoy na mga kalabaw.

Naging masaya ang maghapon kahit na pagod ay parang hindi ko ramdam, ganoon ata kapag talagang mahal mo ang kasama mo, hindi ka napapagod.

Nagtagal kami ng mahigit isang linggo sa kanila, sa aming huling gabi kinausap kaming dalawa ng magulang niya.

"Alam ko ang namamagitan sa inyong dalawa, lahit itanggi niyo ay alam kong tama ako," sabi ng ama niya, "ganyan ang itsura ko ng nililigawan ko ang nanay mo EJ, ganyan din naman ang itsura ng Tita mo ng sinagot niya ako," turo sa akin ng kanyang ama.

"Wala akong kahit anong pagtutol sa inyong relasyon, ang sa akin lamang sana ay hindi kayo kagaya ng nakikita ko sa kalsada, yung naririnig ko sa mga kuwento kwento, at hjndi din sana umikot ang relasyon niyo sa SEX."pagtatapos ng ama ni EJ.

"Pagdating niyo pa lang alam ko na ikaw si Ibarra, kapag tumatawag sa amin si Ej palagi ka niyang ikinukwento sa amin, kung papano mo lutuin ang mga gulay at pagkain na pinapadala namin. Kaya noon pa man kinutuban na ako na may higit pa sa magkaibigan ang meron sa inyo." Dugtong ng kanyang nanay, "pero wala akong pagtutol dahil sa magandang naidudulot nito sa kanya, nakita ko na maganda ang grades niya kumpara noong high school siya, kaya wala na kayong dapat ilihim, iwasan na lang natin ang ma chismis kayo, dahil iyon ang sisira sa ating lahat, hindi lahat ng tao tanggap ang ganyang klase ng relasyon, sana tandaan niyo iyan." Pagtatapos ng nanay ni Ej.

Tumayo ako at niyakap si Tita, at kinamayan si Tito at nagpasalamat sa kanilang pagtanggap. Pero si EJ tulala at naiiyak.

"Oh anak wala ka man lang sasabihin?" Ang tatay ni EJ.

"Ma, Pa, salamat, hindi ko alam na magiging maayos ang lahat dahil pinag iisipan ko kung paano ko sasabihin sa inyo ito, pero natatakot ako na baka hindi niyo kami matanggap."

"Anak ka namin, at walang tatanggap sa iyo kundi kami lang, hindi kami nagkulang sa iyo at desisyon mo yan, kaya ano man ang mangyari andito kami ng nanay mo, at ikaw din iho, welcome ka ditong bumalik," si tito.

Niyakap nila.kaming pareho at sabay sabay na kumain,hudyat ng pagtatapos ng aming bakasyon.

Sa pag uwi sa Maynila, napag pasyahan namin na ipaalam din sa magulang ko ang tungkol sa amin ni EJ, kagaya ng mga magulang ni EJ ay maluwag na tinanggal nila ang desisyon ko. At tinawag pa siyang anak. Naalala ko pa ang basag trip na sinabi ni mama at papa ng kami ay nagkaka iyakan dahil sa tuwa.

"Sayang gusto ko pa man din ma maging boksingero ka, kaya lang.." Si papa

"Pwede pa rin naman iyon, kaya lang boksingera na siya" putol ni mama kay papa.

At isang tawanan ang kumawala sa aming lahat.

Ilang araw na lang ay pasukan na naman para sa 2nd semester ng aming unang taon sa kolehiyo. Sabay kami nag enroll at parehong schedule ang kinuha namin. Sumali din kami ng club , ako sa glee club, at sa dancr troupe. Si EJ nag apply bilang varsity ng basketball team at natanggap naman siya, pareho din naman kaming sumali sa athletes association, siya sa basketball ako sa badminton at tennis.

Mabilis na lumipas ang panahon, tuwing ika 17 ng octubre ipinagdidiwang namin ang aming relasyon, nagplano na kami na mag-iipon upang magpakasal sa ibang bansa. Mag adopt ng bata. At kung ano ano pa na siyang bubuo sa aming pinapangaral na pamilya.

May mga pagkakataon na nag-aaway kami pero hindi namin pinapalipas ang isang gabi o matutulog ng may samaan ng loob. Kaya naging matatag ang relasyon namin.

Sa aming ika apat na taon sa kolehiyo, 2nd semester. Isang malaking pagbabago ang nangyari.

Nag-iba siya, nag-iba na ang taong minahal ko, at parang hindi ko na siya kilala.....

Itutuloy...

No comments:

Post a Comment

Read More Like This