Pages

Friday, April 28, 2017

Ang Pinsan kong Inosente (Part 9)

By: Ryan

Bago niyo basahin. Gusto ko lang humingi ng paumanhin dahil natagalan ang UD na ito. Sobrang busy ko nitong mga nakaraan. Sinisingit ko lang sa schedule ko ang pagsusulat nito. Ang ikli tuloy ng kinalabasan.

Sorry guys, nahihiya tuloy ako.

Eto na. Simulan na natin.

‘Yon na nga ang pinakamasayang bakasyon na nangyari sa buhay ko. Wala na akong mahihiling pa. Makasama ko lang si Jake ay sapat na. Hindi pala sapat, lubos-lubos na kasiyahan.

Hinding-hindi ko makakalimutan ang mga araw na ‘yon. Masaya kong babaunin sa isipan ko ang mga ito kapag nasa ibang bansa na ako. May bahaging nalulungkot ako dahil muli ko na namang iiwan si Jake. Pero hindi na ito kasing lungkot ng una kong pag-alis. Dahil alam kong may Jake na maghihintay sa akin. May Jake na sasalubungin ako ng matatamis na ngiti at maiinit na yakap kapag umuwi akong muli. May Jake akong babalikan na umaasam ng pagmamahal ko.

Alam kong maganda ang naging resulta ng pagbakasyon namin sa probinsiya. Marami kaming nalaman sa isa’t isa patungkol sa mga nararamdaman namin at alam kong panghahawakan ng bawat-isa sa amin ang pagmamahalan na ‘yon. Kung masaya kami noon, mas triple ang sayang nararamdaman namin ngayon. Hindi lang talaga maiwasan na nagkakailangan minsan, nakakapanibago kasi ang status namin ngayon.

Hindi ko na nararamdamang magbibisyo pa ulit si Jake at ipinangako niya din sa akin na hindi na siya muling gagawa nun. May tiwala ako sa mga sinasabi niya, kahit kalian kasi hindi ako nagawang pagsinungalingan ni Jake. Kung magsisinungaling man siya ay ‘yong mga maliliit na bagay lang o biro lang. Pero sa mga seryosong bagay, kalian ma’y hindi nagsinungaling si Jake. Ikinapanatag ng loob ko ‘yon. Tanging masasayang alaala na lang talaga ang babaunin ko sa pag-alis ko at hindi puro pag-alala.

Minsan ay nagigising pa din siya na parang laging may kaaway. Pero minimal na lang, hindi na kagaya ng dati na parang lagi siyang binabangungot. Nakatulong din siguro ang pagyakap ko sa kanya sa tuwing ginigising ko siya. Ramdam ko kasing napapanatag ang loob niya pag nalalaman niyang nasa tabi niya lang akong nakayakap sa kanya at handang protektahan siya sa kahit kanino man.

‘Yong Joyce na ipinakilala niya noon sa may bar. Wala na din sila nun. Hindi niya naman daw mahal yun. Predicted ko na ‘yon dahil kilala ko nga si Jake sa pagiging babaero. Hindi pala predict, expected pala, para lang kasi itong life cycle na alam ko na ang kahahantungan.

Naalala ko nga noon na sa tuwing may ipapakilala siyang GF niya (kuno) ay sinasabihan ko siya nang paulit-ulit.

“Kung may ipapakilala kang GF mo sa akin, siguraduhin mong yun na ang mapapangasawa mo”.

Nasanay na akong parang nagpapalit lang siya ng damit kung magpalit ng girlfriends. Hindi ko naman siya mapagsabihan na masama ‘yong ginagawa niyang ganun dahil naging ugali ko din yan noon, mas malala nga lang siya. Lol

Ilang araw na lang ay flight ko na. Kaya lahat ng oras, gusto kong makasama si Jake o makakwentuhan. Gumigising nga kami ng madaling araw para lang mag jogging at magkwentuhan. Sinusulit talaga namin ang bawat oras na magkasama kami.

“Malapit na akong umalis…… huwag kang malulungkot.” May kasamang hingal na sambit ko.

Nagja-jogging kasi kami nun sa may park sa lugar namin.

“Malulungkot siyempre.. Pero okay lang sa akin, kailangan mo din kasi yan. ..” hingal din siya. “Basta, hihintayin kita kuya.” Nakangiti niyang sagot sa akin.

Nalulungkot man ay napangiti na din ako dahil sa sinabi niya. Naisip ko tuloy na sana mabilis na lumipas ang panahon habang hindi kami magkasama, para dumating kaagad ang araw ng muli naming pagkikita. Hindi pa man ay namimiss ko na siya kaagad.

“Huwag mo akong ipagpapalit! Yayariin kita.” Banta ko sa kanya.

“Hindi kuya ah! Hindi naman ako nagkakagusto sa ibang lalake… Sa iyo lang kaya ako... Ikaw lang kasi ang laman nito eh.” Sinabayan ng ngiting maiinis ka dahil hindi mo kayang hindi kiligin habang nakalagay ang kamao sa dibdib niya.

Ngumiti ako pero iniwas ko ang mukha ko sa dereksyong hindi niya makikita. Ayokong makita niyang kinikilig ako. Dapat hindi ako umaastang parang babae sa harap niya dahil ako pa din ang KUYA .

“Kahit itago mo yang ngiti mo, nakikita pa rin kita.” Pang-aasar niyang sinabayan ng pagbungisngis.

“Anong ngiti? Hindi ah!” Hindi ko maitago ang kilig sa tono ko.

Hindi pa din ako lumilingon at halos mapulupot na yata ang leeg ko kakalingon sa ibang dereksyon, maitago ko lang ang mukha kong ngiting-ngiti.

“Sige ka, mababangga ka niyan.” Natatawa na siya.

Inalis ko muna ang ngiti at kunwari seryoso ang mukha ko pero halata parin namang kinikilig dahil namumula na ang magkabilaang pisngi ko, ramdam ko kasi ang init nito. Saka tumingin nang derecho sa daan.

“B-bakit ka kasi ganyan!” Magkahalong ngiti at asar na tugon ko sa kanya.

Hindi pa din kasi ako nasanay na ganun na ang turingan namin. Kaya hindi ko pa din maiwasan na kiligin at ma-ilang.

“Ganyan?” nakangiti siya pero alam kong alam niya ang tinutukoy ko.

Hindi na ako sumagot pa. Nakita ko na lang siyang napapailing habang nakangiti na pasulyap-sulyap sa akin.

‘Hayss! Jake, hindi mo alam kung gaano ka kagwapo sa paningin ko at sinasabayan mo pa ng pagpapakilig mo. Aatakihin ako sa puso sa pagaganyan mo’ Sa isip ko.

May nakita kaming magtataho at bumili si Jake ng dalawa. Libre niya daw sa akin ‘yon. Mahilig kasi siya sa taho. Saka nagtungo kami sa pinakamalapit na bench na nalililiman ng puno at umupo upang magpahinga at kumain.

“Mag-aaral ka pa ba?” tanong ko sa kanya habang nilalantakan ang taho.

“Hindi ko pa alam kuya, parang wala na kasing tiwala sila mama…. Gusto ko pa naman sana mag marine..” May himig ng pagsisisi ang boses niya at nakatingin lang siya sa baso ng taho.

‘Yon talaga ang gusto niyang kunin na kurso. Ang kaso, doon siya nag-aral sa school ko at wala namang marine course sa school  namin kaya Marketing ang kinuha niya para pareho daw kaming Business Administration. Ako sa Business Management, siya naman sa Marketing at nasa iisang floor at building lang kami kaya madalas kaming nagkakakitaan. Ang dahilan niya kasi, gusto niya lang daw akong makasama araw-araw kahit sa school. Naalala ko pa kung paano ako kinilig nun ng palihim ng sinabi niya sa akin ‘yon. Ang kaso nga lang hindi niya na natapos ang course at napariwa na siya sa buhay at ako ang dahilan ng lahat ng yun.

“Gusto mo ba talagang mag-aral?”

Tumango lang siya.

Tumahimik muna kami saglit at pinapatuloy ang pangkain ng taho. Saka ako muling nagsalita.

“Sige, kakausapin ko ang mama mo o kahit si tito... Susubukan kong kulitin sila. Sasabihin ko na nagbago ka na at gagabayan parin kita kahit magkalayo tayo… Basta ba ipangako mo, na aayusin mo na ang pag-aaral.”

Nakita kong lumiwanag ang mukha niya. Alam niya kasing kaya kong kumbinsihin sila tita. Ganoon kasi kalaki ang tiwala nila sa akin. At sigurado akong papayag yung mga yun dahil nakikita din nilang nagpapakatino na ulit si Jake.

“Talaga?” Nanlalaki pa din ang mga chinito niyang mata dahil sa excitement.

“OO! Susubukan ko.” Paninigurado ko sa kanya. Ibinaling ko ang mata ko sa baso ng taho. Natutuwa kasi ako sa reaction niya. Napapangiti na naman tuloy ako.

Napalatak pa siya at inilapag sa bench ang baso ng taho. Akmang yayakapin niya ako dahil sa tuwa ay nagsalita ako.

“Jake, ‘wag dito, madaming tao.” Mahina pero madiin kong sambit. Kinabahan kasi ako dahil gagawin niya talaga ang kahit anong gusto niyang gawin.

Hindi siya nagpapigil pinulupot niya ang kamay niya sa baywang ko. Inilapag ko din ang taho at pinilit na pinapakalas siya sa pagkakayakap sa akin. Pero mas lalong humihigpit ‘yon.

“Jake! Pinagtitinginan na tayo oh!” Pabulong pero madiin ko pa ding pagkakasambit.

Kinakabahan ako baka anong isipin sa amin ng mga taong kasalukuyang nagja-jogging din. Iyong iba pa naman ay familiar ang mukha sa akin. Natataranta na ako. Kaya umarte akong parang nag-aasaran lang kami at sinuntok-suntok ng mahina ang likod niya. Nahihiya talaga kasi ako, nakakagulat naman kasi. Pero may kasamang kilig ang naramdaman ko dahil sa tuwa. Hindi kasi mapigilan ni Jake ipakita kung ano talaga ang nararamdaman niya. Naiinggit ako dahil kaya niyang gawin ‘yon kahit sa harap ng maraming tao. Pero nangibabaw pa din ang hiya ko, kaya nagtagumpay akong pakalasin siya sa pagkakayakap sa akin.

“Sabi nang may mga tao!” May halong inis ang boses ko. Ano na lang ang iisipin nila sa amin.

“Sorry.. Hindi ko mapigilan.” Ngumiti siya ng tipid at pilit. Nakita niya kasing napikon na ako.

‘M-mamaya na lang kasi.’ usal ng isip ko.

Gusto ko naman yung ginawa niya dahil hindi niya ako ikinakahiya. Ang kaso, iba eh. Parang awkward lang na nakikita kami ng mga tao. Hindi ko na tuloy matukoy ang nararamdaman ko, natutuwa, kinikilig, naiinis o nahihiya.

Tahimik lang ako na seryoso ang mukha habang nakatingin sa mga damo. Para akong binatilyong napahiya dahil hinalikan ng nanay sa pisngi sa harap ng mga kakaklase niya.

“Oi… Kuya… Sorry na.” Alanganin niyang paghingi ng paumanhin.

Hindi pa din ako kumibo.

“Oi.. Kuya..” Sinabayan niya ng pagsundot sa tagiliran ko.

Napaiktad ako dahil sa kiliti. Pero hindi pa din ako nagsalita.

Maya-maya ay may kung ano na pumasok sa isip ko. Tutal napahiya na din naman na ako, susulitin ko na. Mabilis akong tumayo at humarap sa kanya. Tinitigan ko siya ng masama. Nakita kong nag-aalala siya dahil sa pagtitig ko.

Saka ubod ng lakas ko siyang kiniliti. Hindi niya kayang pumalag dahil sa lakas ko. Tawang-tawa siya at napapapadyak pa dahil sa pagkikiliti ko.

“Eto ang gusto mo ha. Pwes!”

Tuloy-tuloy lang ako sa pangingiliti sa kanya at siya naman ay tawa ng tawa habang pinagtitinginan siya ng mga tao.

Saka ako tumigil at tumakbo palayo sa kanya. Tumatawa na din ako. Nakita kong sumunod siyang patakbo din. Mabilis akong tumakbo pero naaabutan niya pa din ako. Natatawa ako sa itsura namin na parang mga batang nag-aasaran. Sa tuwing naaabutan niya ako at nahahawakan ang balikat ko ay humaharap ako sa kanya at inaambahan ko ng suntok at sipa na may kasamang pagbabanta. Saka muling tatakbo na tawa ng tawa. Hanggang sa makarating na kami ng bahay na ganun ang itsura namin.

Nawiwirduhan na ako sa mga inaasal ko kapag kasama si Jake. Para akong bata, ewan ko ba naman kasi.

(Kung napapansin niyo, lagi kong kinikiliti si Jake. Yan kasi ang isa sa gustong-gusto kong gawin sa kanya. Nakakatuwa kasi itsura niya sa tuwing kinikiliti at gustong-gusto ko ding naririnig ang malulutong niyang tawa habang nagmamakaawa na tigilan ko na ang pangingiliti. Tsaka minsan yun ang way ko para makatakas sa awkwardness. Kapag wala akong maisip na idahilan or isagot sa pagpapakilig niya.)

Magkasama kami na kinausap si tita para piliting mag-aral na muli si Jake. At tulad ng naisip ko, nagtagumpay nga kami at sinabihan si Jake na mangako siya kay tita na mag-aaral ng mabuti. Tuwang-tuwa si Jake dahil sa pagsang-ayon ni tita. Hindi ko din mapigilang ngumiti dahil nakikita ko siyang masaya

Sana nga ayusin niya na ang pag-aaral sa pagkakataong ito. Ipinangako ko naman sa sarili ko na gagabayan siya kahit magkalayo kami. Bibigyan ko din siya ng allowance kapag may sobra sa perang sasahurin ko.

Panatag na ang loob ko na muling umalis ng bansa. Naayos ko na muli si Jake at umaasang tuloy-tuloy na ang pagbabago niya.

Binilinan ko siya na bawas-bawasan ang pagiging babaero dahil makakaapekto ito sa pag-aaral niya. Hindi ko na din naman maramdamang magselos, kahit na posibleng mambabae pa siya. Noon, nagagawa ko pang magselos. Pero ngayong nagkaaminan na kami at ramdam na ramdam ko na ako ang mahal niya ay hindi ko na makuhang magselos ng tuluyan. Sapat na sa akin ang malamang mahal niya ako. Marahil, sanay na rin ako sa ganoong set-up namin, maging ako man ay hindi ko pa din maiwasang maghanap ng babae. Kaya talagang naiintindihan ko siya.

Araw na nang pag-alis ko. Nagpaalam muna ako sa mga kamag-anakan saka tuluyang tumungo sa airport. Si Jake lang ang kasama ko. Hindi kasi makasama si Paul, Don at Enzo dahil may mga pasok sila. Hindi rin ako maihatid ni mama dahil may pasok din siya. Pero okay lang, si Jake naman ang kasama ko eh at yun ang pinakamahalaga.

Anim na oras bago ang flight ko ay nasa airport na kami. Ayoko kasing malate dahil siguradong matrapik na naman sa EDSA. Naisipan kong kumain muna kami ni Jake sa pinakamalapit na Jollibee.

(Ooops! Hindi po ako endorser ng Jollibee, batang Jollibee lang talaga ako. Mamimiss ko na naman kasing kainin ‘yon. Sabi nila meron naman daw sa Qatar pero hindi daw ito kasing sarap ng Jollibee na nasa pinas. Pag kayo naging OFW lalo sa middle east part, maiintindihan niyo kami. Pag sinabi kasing Jollibee, kinasasabikan ng mga OFW na tulad namin, tatak pinoy kasi.)

Habang kumakain ay nagkwentuhan muna kami ng kung anu-ano. Tulad ng dati, mas madaldal at mas maraming sinasabi itong si Jake. Madaming bilin at paalala na daig niya pa si mama kung magbilin.

“Mag-iingat ka doon kuya… Huwag kang magpapagutom... Kapag nalulungkot ka message mo lang ako. Aabangan ko ang message mo ha.” Bilin niya.

“Opo sir.” Pang-aasar ko habang iniikot ko ang stands ng spaghetti sa tinidor na hawak ko.

“Nag research ako, malamig daw doon ngayon. Huwag mong kalimutang mag jacket. Wala pa naman ako doon para painitin ka.” Makahulugan ang dating ng sinabi niya.

(Ber month kasi akong nagtungo ng Qatar, kaya malamig talaga pag ganung buwan. Sayang nga hindi ko man lang siya makakasama sa pasko.)

Hindi man ako nakatingin sa kanya pero sa sulok ng mata ko nakita kong ngumiti siya na parang naglalandi. Kaya napahinto ako sa ginagawa kong paglalaro ng spaghetti. Hindi ko naiwasang ngumiti dahil sa kilig at malungkot dahil tama naman siya, wala ng Jake na yayakap sa akin doon pag nilalamig ako.

“Nang-aasar ka lang ata eh. Parang ayoko na tuloy umalis.” Biro ko. Naisip ko talaga kasi ‘yong wala ng Jake na yayakap sa akin.

“Talaga?!!” Excited niyang tanong.

“Siyempre joke lang. Alam mo naman na hindi ako basta-bastang umaatras.”

Kunwa’y nalungkot siya, pero maya-maya ay sumigla ulit. Nakatingin lang ako sa kanya.

“Pag nakatapos ako at nakasakay ng barko, iinggitin din kita. Akala mo diyan. HUH!” para siyang batang nagyayabang. Sabay kagat ng malaki sa hawak-hawak niyang burger at ngumuya.

“Mag-aral ka muna hoy! At matagal pa ‘yon baka nakailang balik na ako ng pinas nun.” Dinuro ko sa kanya ang tinidor na may nakapulupot na spaghetti.

Mabilis niya itong sinubo habang matawa-tawa siya. Napuno lalo ang bibig niya. Natigilan tuloy ako. Kung ang ibang tao ang makakakita sa amin iisipin nila na mag jowa kami at sweet ako dahil sinusubuan ko si Jake.

Napatingin tuloy ako sa paligid baka may nakakita. At oo, may nakakita nga, apat na kababaihan na halatang kami ang pinagbubulungan nila. Parang gusto ko nang mawala dahil sa kahihiyan.

“Isa pa!” Request niya kahit punong-puno na ang bibig niya kakanguya. Wala talagang pakialam ‘tong kupal na ito kahit na nakikita kami ng mga tao.

“Eto gusto mo?” Pinandilatan ko siya ng mata habang nakataas ang kamao ko.

Tumawa lang siya kahit puno ang bibig. Natawa na lang din ako sa itsura niya kahit na mediyo nahihiya pa ako dahil may nakakita sa amin. Tutal hindi naman nila kami kilala.

“Jake, huwag ka ngang masanay sa PDA.” Seryoso kong sabi sa kanya. “Nakakahiya kasi..”

“Sorry kuya.” Tugon niya.

Tumahimik muna kami ng ilang minuto upang ituloy ang pagkain. Saka ako nagsalita.

“Mamimiss kita…. Sobra.” Sambit ko habang nakatingin sa kinakain.

Napahinto siya sa ginagawa at saka ako tumingin sa kanya.

“Alam ko ‘yon, kahit hindi mo na sabihin..” Ngumiti lang siya at tumitig sa mga mata ko.

“Mamimiss din kita.” Dugtong niya.

Nang magche-check-in na ako ay para bang ambigat-bigat ng mga kilos kong gawin ‘yon. Lagi ko siyang nililingon na nakatayo at nagmamasid sa akin. Kahit hindi ko masiyado maaninag ang mata niya dahil mediyo malayo siya sa kinaroroonan ko. Bakas na bakas sa mukha niya ang lungkot. Napapayuko siya minsan o ibinabaling sa ibang direksyon ang tingin sa tuwing napapansin niyang nakatingin ako sa kanya. Minsan naman pilit siyang ngumingiti parang pinapaabot niya sa akin ang mensahe na ‘okay lang’ siya. Lagi niya man sabihing okay lang sa kanya ang pag-alis ko. Ramdam ko pa rin na nalulungkot siya. Ako man ay ganun din.

Matapos akong magcheck-in, pinuntahan ko muna si Jake sa kinatatayuan niya bago ako pumasok sa may immigration.

“Oh, paano Jake…… Aalis na si kuya.”

Parang biglang sumobra ang bigat ng pakiramdam ko nang sabihin ko ‘yon. Lalo na nang makita ko ang reaction niya. May nangingilid na tubig sa mga mata at para pigilin ang pagtulo nun ay ginawa niyang paikutin ang tingin sa kisame at sa paligid, ampatang pagpikit ng mga mata habang parang ngumunguya ang bibig niya kahit wala naman siyang kinakain.

Parang gusto niya ring sabihin ang salitang ‘paalam’ pero hindi niya magawa dahil kapag nabanggit niya ang salitang ‘yon sigurado akong sasabay na bubuhos ang mga luha niya.

Hindi ko kayang tingnan siya ng ganun.

Mabilis akong lumapit sa kanya at yumapos ng mahigpit sa kanya. Wala akong pakialam kung makikita kami ng iba. Tsaka may mangilan-ngilan din naman akong nakita kanina na nagyayakapan kahit parehong lalake. Siguro normal lang ang ganung scenario sa airport. Ang pinagkaiba lang ng pagkakayakap namin ay mediyo matagal.

Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso niya kaya mas hinigpitan ko pa ang pagyakap. Gumanti din naman siya ng mas mahigpit na yakap.

Ayokong umalis ako na ganung mukha niya ang makikita ko. Sinilip ko ang relo ko at sa tingin ko may oras pa naman ako. Saka ako kumalas sa kanya dahil may naisip akong paraan para mawala ang lungkot niya.

Bumulong ako sa kanya.

“Sumunod ka sa akin.”

Sumunod naman siya at hindi nagtanong kung saan kami pupunta. Nakabuntot lang siya sa likuran ko habang tinutunton ko ang CR.

Nang makapasok na kami ay may nakita akong isang tao na umiihi sa urinal. Sumulyap ako sa mga pinto ng mga cubicle. Nakabukas lang ang mga ito, ibig sabihin bakante. Ibig sabihin nag-iisa lang ang tao na ito. Kaya dumirecho muna ako sa may salamin at nag hilamos. Ganun din siya.

Naghintay lang kami na makalabas ang taong umiihi na yun. Nang makalabas ito ay sinipat ko si Jake sa salamin. Nagkatitigan kami, kahit na hindi ko sinabi sa kanya ang plano ko ay parang naintindihan niya na ‘yon.

Pumasok siya sa pinakadulong cubicle. Kinakabahan man ay sumunod din kaagad ako dahil baka may makakita pa sa aming dalawa. Mabilis din naman akong nakapasok. Hindi naman ganoon kaliit ang cubicle kaya hindi kami nasikipan.

Pagkasara ng pinto ay kaagad kong hinarap si Jake, hinawakan ko ang batok niya at mabilis na kinabig palapit sa mukha ko. Siniil ko siya ng halik. Sabik na sabik akong halikan siya, kanina ko pa gustong gawin.

Iniiwasan naming lumikha ng ingay dahil baka may makarinig.

Buong pagmamahal at malaya siyang tumugon sa halik ko. Nakayakap ako sa kanya habang ang kaliwang kamay niya ay nakahawak sa likuran ko at pilit na kinakabig ang katawan ko padikit sa kanya. Ang kanang kamay niya naman ay hawak-hawak ang matigas na si ‘junjun’ ko. Nag-aalab ang mga katawan namin at patuloy sa paghahalikan na punong-puno ng pagmamahal. Binaba ko ang kamay ko para tuluyang tanggalin ang pantalon ko at tuluyan niya nang nahawakan ang alaga ko. Ang sarap lalo sa pakiramdam na hawak ng mainit niyang palad ang alaga ko habang dahandahan itong sinasalsal. Hinubad ko din ang pantalon niya at tuluyang nahawakan ang galit na galit niya ring alaga. Nilaro ko rin ito. Iginapang ko ang mga labi ko sa tenga niya pababa sa leeg niya at sa dibdib niya. Patuloy pa din ako sa pagsalsal ng alaga niya.

Maya-maya siya naman ang nagpaggapang ng halik hanggang sa dibdib ko. Inangat ko ang ulo niya at muling nilasap ang mga labi niya. Naghahalikan lang kami habang nilalaro ang alaga ng bawat isa.

Nang malapit na ako sa sukdulan ay ako na ang sumalsal sa sarili kong alaga habang nakatingin sa mapagnasa niyang mata. Habang ang kabilang kamay ko naman ay sinasalsal din ang alaga niya. Inilagay naman niya ang isang daliri niya sa bibig ko at sinipsip ko ‘yon habang nakatingin pa din sa kanya. Napapakagat labi siya. Binilisan ko ang pagsasalsal at nang maramdaman kong malapit na akong labasan ay sinalo ito ng palad ko. Malayang lumabas ang katas ko. Pinagpatuloy niya ang pagsalsal sa ari niya at maya-maya ay narating niya na din ang sukdulan.

Nagkangitian lang kami. Contentment ang nakita ko sa mga mata niya.

Mabuti na lang ay may tissue kaya ginamit namin ‘yon pang punas at itinapon sa bowl sabay flush. Inayos muna namin ang sarili namin at nakiramdam kung wala bang tao saka lumabas. Mabuti na lang ay nakatalikod na umiihi ang dalawang tao sa urinal kaya hindi nila napansing magkasabay kaming lumabas sa iisang cubicle. Nagkangitian kami ni Jake at sabay na nanalamin. Napansin kong parehong pulang-pula ang labi namin kaya napatawa ako ng mahina. Muli akong naghilamos at sabay na kaming lumabas sa toilet na ‘yon.

Sa totoo lang, ang balak ko lang ay halikan si Jake. Hindi ko naisip na may magaganap na mainit na tagpo sa CR nayon. Ewan ko ba naman kasi, hindi ko mapigilan ang sinasabi ng katawan ko kapag nakadikit ako kay Jake.

Bumalik na kami para makapasok na ako sa immigration. Wala na ang labis na lungkot na kanina ay nababanaag ko sa mukha ni Jake. Nakuha niya na ring ngumiti at yumakap sa akin nang ako’y magpaalam na.

“Salamat sa pabaon kuya.” Mahinang sabi niya habang nakayakap sa akin.

Napangiti lang ako na nakayakap din sa kanya dahil sa sinabi niya. Ang pabaon na tinutukoy niya ay ‘yong nangyari sa amin sa CR. Kinutusan ko siya ng mahina sa ulo.

“Loko.” Mangiti-ngiti kong sambit.

Di ko man nakikita ang mukha niya pero pakiramdam ko nakangiti din siya.

Hindi ko napansin na mediyo matagal na pala kaming magkayakap. Para kasing ayaw na akong bitawan ni Jake. Ganun din ako, parang gusto kong sulitin ang huling pagyayakap namin. Napansin kong nakatingin na ‘yong guard at mangilan-ngilang tao sa amin. Kaya bumitiw na ako sa pagkakayakap sa kanya. Habang siya ay kapit na kapit pa din.

Tumikhim muna ako.

“Jake, pinagtitinginan na tayo.” Bulong ko sa kanya.

Hinigpitan pa lalo ang yakap na nagpangiti lalo sa akin. Saka siya bumitiw. Tumingin muna siya sa paligid saka binalik ang tingin sa akin.

“Mag-iingat ka kuya.”

Tumango lang ako na nakangiti. Tsaka tumalikod. Dalawang hakbang ko palang ay muli akong humarap sa kanya. Nakatayo pa din siya na pinagmamasdan ako. Luminga-linga muna ako at muling tumingin sa kanya.

“I love you.” Walang boses na sabi ko sa kanya. Baka kasi marinig ng iba. Nahihiya ako.

“Ano?” Nakangiti niyang tanong sa akin. Alam kong alam niya kung ano ang sinabi ko.

“Sabi ko….” Pinutol ko muna ang sinabi ko saka tumingin sa paligid, nang makita kong wala namang nakatingin at mediyo malayo naman ang mga tao. “I love you.” Halos pabulong ko na sabi sa kanya.

“Ano? Ang hina naman.” Nang-aasar na ata siya. Gusto niya atang lakasan ko ang sinabi ko.

Napakamot ako ng ulo at muling luminga-linga sa paligid.

“I love you! Sabi ko!” Mediyo napalakas kong pagkakasabi na sa tingin ko ay narinig ng guard.

Nakita kong ang laki ng pagkakangiti niya, hindi man lang siya nahiya na narinig ng guard ang sinabi ko. Mabilis ako na tumalikod at humakbang palayo. Nahihiya ako dahil may nakarinig.

Mga limang hakbang na ang ginawa ko saka niya ako tinawag.

“KUYA!” malakas na sambit niya.

Muli akong napalingon at tinugunan ko ng nagtatanong na tingin.

“I LOVE YOU TOO!” Malakas ang pagkakasabi niya at naging sanhi yun upang pagtinginan kami ng mga tao.

Dahil sa kahihiyan ay tinaasan ko siya ng kamao na may pagbabantang tingin. Saka sumenyas ako na parang tinataboy siya.

Ako talaga ang tipo ng tao na laging ma prinsipyo at laging seryoso na mag react sa lahat ng sitwasyon. Kayang-kaya i-handle ang mga hindi inaasahang sitwasyon. Pero pag dating sa kanya nawawala na ang prinsipyo ko. Natataranta ako at hindi alam ang mga gagawin. Gusto ko kapag kikiligin ako ay ako lang ang nakakakita o nakakaramdam na kinilig ako. Ayoko ipakita sa ibang tao ang soft side ko. Lalo na kay Jake.

Nakangiti lang ang kupal habang ako naman ay palinga-linga sa paligid dahil sa kahihiyan. Tumalikod na siya at tuloy-tuloy na naglakad palabas.

Nakasunod lang ako ng tingin sa kanya. Pinagmamasdan ko ang likuran niya at muli siyang humarap sa akin at kumaway. Yung kaway niya na parang yun na ang huling kaway na gagawin niya dahil sa dalawang kamay ang gamit niya at masigasig na iwinawagayway yun sa ere. Kumaway na lang din ako. Saka muli siyang naglakad palayo hanggang sa naglaho na siya.

Nakangiti lang ako pero maya-maya ay biglang nakaramdam ng lungkot. Gusto ko siyang takbuhin at yakapin ulit sa HULING pagkakataon. Pero mas minabuti ko na lang na pumasok ng tuluyan at baka maubusan pa ako ng oras.

Sa eroplano ay si Jake lang ang laman ng isipan ko. Ang masasaya naming alaala. May kasama ding lungkot dahil ilang taon bago pa ulit kami magkita. Pilit ko nalang pinapakalma ang sarili ko, dapat maging matatag ako. Magkikita pa naman kami ulit ni Jake.

Nang marating ko na ang bansang destinasyon ko at naayos ang lahat ng gamit sa kwartong tutuluyan ko ay saka ako nagbukas ng messenger.

Napangiti ako nang mabasa ang sunod-sunod na messages ni Jake. Miss na daw niya ako. Nakahiga lang daw siya buong magdamag at iniisip niya lang ako. Sana daw mabilis na umikot ang mundo para magkita na ulit kami. Nagtanong siya kung kamusta ang biyahe ko at kung nakatulog ba daw ako sa eroplano.

Nagreply na lang din ako na miss na miss ko na din siya.

May ilan-ilan pang nag message sa akin, isa na doon si Enzo. Nagsorry dahil hindi niya daw ako maihatid at nagbilin na mag-ingat daw ako.

Pero may isa pang message akong natanggap na bahagyang kumurot sa puso ko.

Isang mensahe na galing kay Jona….

“Tanggap ko na kung ano ako sa buhay mo. Hanggang dito na lang siguro ako. Hindi na ako aasa na mamahalin mo ako na kagaya ng pagmamahal ko sayo. Pinagdadasal ko noon na sana ay makita mo din ang halaga ko at sana ikaw ang taong haharap na kasama ko sa altar. Pero hanggang dito nalang talaga. Tanggap ko nang hindi ikaw ang nakatadhana sa akin.

Sa susunod na linggo ay flight ko na pa UAE. Sana may magandang buhay na naghihintay sa akin doon.

Hangad ko ang kaligayahan mo at sana makita mo na ang babaeng magpapatibok ng puso mo at aalayan mo ng buong buhay mo. Mahal na mahal pa din kita pero hanggang dito na lang.

Goodbye Rye.”

Nawala ang mga ngiti ko. Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon na lang ang bigat ng emosyon ang naramdaman ko.

Hindi ko napansin na masiyado na pala akong naging makasarili. Hindi ko nabigyan ng halaga si Jona. Lagi siyang nandiyan para sa akin kahit na ba nagiging second option ko lang siya. Sa totoo lang espesyal siya sa akin. Hindi ko lang talaga siya makuhang mahalin ng buong-buo. Lalo na nang maging okay na kami ni Jake. Ni hindi na siya sumagi sa isip ko ang alam ko lang ay masaya kami ni Jake.

Hindi ko man lang naisip na maaaring mapagod at sumuko si Jona. Na hindi habang panahon ay kaya niyang magtiis at maghintay ng pagmamahal na malabong maranasan niya ng buong-buo.

Matindi ang lungkot na lumukob sa pagkatao ko. Dapat maging masaya na lang ako para sa kanya. Pero may malaking bahagi sa pagkatao ko na ayoko din siyang mawala. Hindi ko masasabing mahal ko siya, pero espesyal kasi siya para sa akin.

Naisip ko nga noon, na kung may babaeng papakasalan ko at magiging nanay ng mga anak ko, si Jona ‘yon.

Ipinalagay ko nalang ang isip ko at ipinagdasal na sana nga ay mahanap niya na ang taong magpapaligaya at magmamahal sa kanya ng buong puso. Pero hindi ko pa din maiwasang malungkot dahil gusto ko sana na ako ang taong yon. Pero huli na at ayoko din namang maging kami pero iba ang laman ng puso ko.

Gulong-gulo ako at nanghihinayang. May malaking bahagi sa pagkatao ko na nasasaktan dahil sa pamamaalam niya.

Naging madali lang naman para sa akin ang trabaho ko. Nag adjust nga lang ako dahil ang mga taong nasasakupan ko ay hindi masiyadong nakakapagsalita ng English or Arabic (Marunong akong mag Arabic). Iba-iba ang bansa na pinanggalingan nila. Pero kalaunan ay nakapag-adjust na din. Mabait din naman ang boss namin kaya palagay ako sa company na yon.

Magtatatlong buwan na pala.

Patuloy pa din kami ni Jake sa pagpalitan ng mensahe at madalas na skype. Madalas akong kiligin sa mga banat niya at napapangiti sa mga kwento niya. Pakiramdam ko magkasama pa din kami hindi nga lang pisikal.

Minsan natanong niya ako habang nag s-skype kami, paano daw kung mamatay siya. Ano daw ang gagawin ko?

Pinagmumura ko siya ng hindi oras at sinabi kong huwag na huwag siyang magbibiro nang ganoon. Hindi ako handa sa ganoong sitwasyon at hinding-hindi ko naisip yon.

Pero sa isip ko, paano kung dumating nga ang time na siya ang unang kunin ni Lord. Hindi ko yata kakayanin yun. Di baleng huwag na kaming mag-usap pa ni Jake or huwag niya na akong pansinin basta huwag lang siyang mauunang mamatay sa akin. Kukwestyunin ko talaga ang langit.

“Hindi ko kasi kakayanin ‘yon.” Pambawi ko sa pagmumura ko sa kanya.

Napangiti siya sa tugon ko.

Naisipan kong sakyan din ang trip niya. Biglang gusto ko din na malaman kung ano ang gagawin niya kung sakaling ako ang maunang mawala.

“Paano kung may cancer ako? Tapos isang buwan na lang ang itatagal ng buhay ko. Ano ang gagawin mo?” Balik tanong ko sa kanya.

Mediyo natagalan ang sagot niya.

Nag-iisip….

“Hmmmm… nasaan ka ng mga panahon na yan?” Balik tanong niya.

“Kunwari nakaratay ako sa hospital.” Tugon ko.

“Hmmmm… Sasamahan kita at hinding-hindi iiwan. Hindi ako mawawala sa paningin mo. Gugustuhin kong ako lang ang makikita mo sa tuwing imumulat mo ang mga mata mo…” Pinutol niya muna at yumuko siya. “Pero ipagdadasal ko na sana gumaling ka… Dahil hindi ko din kakayanin… na… na mawala ka…. Hindi ko maimagine kung gaano kalungkot ‘yon.” Saka muling humarap sa camera. Naramdaman ko din ang lungkot na sinasabi niya.

“Pero kung mawawala ka talaga… Aalagaan kita, papalitan kita ng brief o diaper dahil alam ko naman na gusto mo ako lang ang hahawak kay ‘junjun’…” Napatawa siya ng mahina at napangiti naman ako. Hanggang sa huling sandali ba naman ng buhay ko ay concern pa din siya kay junjun.

“Pasasayahin kita hanggang sa huling hininga mo. Gusto kong pabaunan ka ng masasayang alaala…. Gusto ko na mamamatay kang nakangiti… at ako ang dahilan ng mga ngiti na ‘yon.”

Kahit kunwari lang yun ay napansin ko sa mga mata niya na malulungkot talaga siya kung sakali mang mangyari ‘yon.

“Pero sana… hindi mangyari yun kuya.”

Hindi ko maipaliwanag ang saya dahil sa narinig ko. Mahal na mahal niya nga ako. Ramdam ko ang sinsiridad ng kanyang mga sinabi. Napaka swerte ko talaga sa kanya. Sobrang sweet ni Jake. Hindi ko man pwedeng ipagsigawan sa mundo na nagmamahalan kami, pero hindi ako nagsisisi na nagtapat ako sa kanya. Dahil sunod-sunod ang kaligayahang nararamdaman ko dahil sa atensiyon na ibinibigay niya sa akin.

“Huwag kang mag-alala, mauuna pa ako sayong mamamatay.” Nakangisi kong biro.

“Ganyan ka naman, mapang-iwan.” Kunwari nalungkot siya.

Binigyan ko lang siya ng middle finger sign. At pareho kaming nagkatawanan.

Akala ko, tuloy-tuloy na ang magagandang bagay na nangyayari sa amin.

Hanggang isang araw….

Araw ng pahinga ko noon at hinihintay si Jake na mag online para mag skype kami. Yung araw na yun, parang hindi ako mapalagay. Lalo lamang akong naging discomfort nang hindi pa din nag o-online si Jake. Ano kaya ang nangyari? Wala naman siyang sinabing may lakad siya, inilaan namin ang araw na ito para makapag-usap kami.

Nag-popped up ang message ni Jessica.

“Kuya! Si Kuya Jake.” Sabi niya sa chat.

Kinabahan ako.

“Bakit? Asan ba si Jake?”

“Nasa hospital siya.”

Parang tumigil ang mundo ko nang mabasa ang message ni Jessica. Labis na takot, pagkabahala at pag-alala. Punong-puno ng katanungan ang utak ko. Ano ang nangyari kay Jake? Bakit siya nasa ospital? Okay lang ba siya?

Sinabi ni Jessica ang lahat sa chat. Nabigla ako. Hindi ko alam kung maluluha ako o magagalit sa nalaman. Para akong baliw kakaisip. Hindi maaari to. Hindi..

Pumasok bigla sa isip ko ang wirdong usapan namin ni Jake noong magkausap kami sa Skype.

Tuluyan na akong naiyak.

Sa mga oras na yon galit na galit ako sa kung sino man ang gumawa nun kay Jake. Gusto ko silang makita upang pahirapan at pagpapatayin. Pero puno pa din ng katanungan kung bakit nangyari sa kanya ‘yon. Naisip ko din na hindi kaya ay lihim na nagbibisyo ulit si Jake? Pero sa tingin ko hindi eh, dahil madalas naman kami magkausap ni Jake at hindi ko nararamdaman na gumagamit ulit siya. Hindi kayang magsinungaling sa akin ni Jake.

Pumasok ako kinabukasan na lutang na lutang ang diwa ko. Napansin din ni boss yun at ng ibang kaopisina ko.

Gustong-gusto kong umuwi para makita ko siya. Kaya naglakas loob akong magpaalam sa boss ko na uuwi muna ako dahil emergency. Mabuti na lang ay pumayag si boss. Noong una madaming tanong at nagdadalawang isip na payagan ako dahil bago lang naman daw ako. Pero nang makita niya kung gaano ako ka-sincere at kung gaano ako ka-affected sa nangyari ay pumayag na din. Pero dalawampong araw lang ang ibinigay sa akin. Nagrequest ako at pumayag naman siya na siya muna ang magbabayad ng air fare ko. Ibabawas na lang daw niya sa sahod ko sa pagbalik ko.

Kinabukasan ng alas onse ng gabi ang flight ko.

Parang gusto kong madaliin ang eroplano kaya nang makalapag na kami ay nagmadali ako para makalabas ng airport.

Tinawagan ko si Jessica. Dadalhin na daw si Jake sa bahay nila.

Agad akong pumara ng taxi upang dumirecho sa bahay nila.

Hindi pa ako handa sa makikita kong Jake.

Hindi ko pa rin mapigilang umiyak ng palihim..

Itutuloy…

AN:Sorry guys, ngayon lang ako nakapag update. Sobrang busy lang. Nahihiya ako dahil naghintay kayo ng matagal para sa UD nato, pero pasensiya na kayo dahil ito lang ang maiibahagi ko sa inyo sa ngayon. Patawarin niyo po sana ako. Hindi ko matumbasan sa ngayon ang ibang chapters na nauna nang naipublished. Pero sa ayaw niyo at sa hindi, ibabahagi ko sa inyo ang chapter na ito dahil isa ito sa mga chapters na bubuo ng story namin ni Jake.

Nagdadalawang isip din ako na ibahaging muli ang love scene namin, hangga’t maari sana iniiwasan ko ang madalas na pagbanggit ng sex. Kaso, kailangan ko din i-share yun, dahil yun ang ginawa ko para hindi ko makitang malungkot si Jake sa pag-alis ko.

Alam ko, puno ng agam-agam ang utak niyo kung ano ang nangyari kay Jake. Isa lang ang masasabi ko. Nasaktan at nagalit man ako sa nangyari sa kanya, pero ang alam ko ngayon, tanggap ko na at masaya na ako ngayon. Ibabahagi ko din sa inyo ang saya na yun para makabawi sa inis niyo sa nangyari kay Jake.

Sabi nga diba? Ang saya ay laging may kalakip na lungkot at sakit. Kaya dapat laging handa.

Hindi ko po hawak ang lahat ng pangyayari. Isinulat ko lang kung ano ang tunay na naganap sa amin ni Jake. Huwag po kayong mag-alala dahil bibigyan ko pa din kayo ng happy ending.

SA LAHAT ng mambabasa, pasensiya na kayo kung hindi ko kayo maisa-isang banggitin sa pagkakataong ito dahil minamadali ko lang na maisulat ang chapter na ito. By next week hindi na ako busy kaya mapagtutuunan ko na ng pansin at effort ang pagsusulat.

Maraming salamat ulit sa inyong walang sawang pagsuporta.

PS:Please leave a comment. Positive or negative ay malugod kong tatanggapin. Alam ko madaming reaksiyon at katanungan ang matatanggap ng chapter na ito.

1 comment:

Read More Like This