Pages

Friday, April 28, 2017

Sigaw ng Pugad Lawin (Part 23)

By: Bobbylove

“#Mr.WillPower”

(Love is… Thinking you’re BEAUTIFUL doing the simplest things!)

Sometimes it’s hard to determine what a guy is thinking inside his complicated mind, and how he really feels about you. Sabi nga diba? A guy is simply not expressive and/or showy to his emotion. He may be thinking about something but when it comes to voicing it out, he may be too shy to let other people know it. Minsan nga kahit I love you diba? Kinahihiya pa’ng sabihin.

But I believe that there are obvious ways that a guy is using to say you are beautiful or he likes you. If a guy is really attracted to you, he will not hesitate to initiate affection. A guy who likes you won’t be able to keep his hands off of you. Kahit na nasa mahaba kayong pila sa terminal o nasa isang romantic date, he will always reach out first to hold your hand.

A guy that is completely attracted to you, will not be able to hide his emotions. Although he is trying so hard to keep it cool inside, he knows that the huge smile on his face is definitely blowing his cover. This is his way of showing you that he likes you… and he definitely likes what he sees.

If there is one thing a guy can’t fake, it is a genuine smile. When he flashes his pearly white by just starring at you; just know that he is genuinely happy being with you.

Another way is by just simply starring at you. Imagine a romantic date and you were enjoying a nice dinner, and you look up from your plate to see that his eyes are all on you; just know that he really likes you. A guy who likes you won’t be able to take his eyes off of you. Even if he’s driving his car, he will take his eyes off of the road just to stare at your face for a moment.

When his eyes connect with yours, it makes him feel giddy inside. He feels like every moment that he is looking at you is magical and a blessing.

It is very romantic how a guy could let you feel that you are perfectly loved even when you’re in your crazy mode. That he can genuinely show his affection (in whatever way) and still find positive stuffs in your worsts days.

P.S. there are various ways of expressing love! There are various ways of receiving love!
#JustBelieve!
“Bbboooossssss!!!!!” rinig na rinig ko ang masayang boses ni kumag mula sa likuran ng bahay kung saan ako nag lalaba. Naririnig ko rin ang masasayang kulitan nila ng papa ko at ni den-den. Nakikipagtaasan kasi ng ihi sa tatay at kasama namin sa bahay tungkol sa basketball; eh.., obvious nama’ng mas mataas ang probability niya’ng makapag buslo ng bola dahil mas matangkad siya sa dalawa at maging sa mga kapit bahay namin; isa pa, mababa lang rin ang ring na gamit nila na kayang-kaya lang niya’ng abutin kahit na hindi lumulundag.

Habang nag lalaba ako’y abala naman si kumag na makipaglaro ng basketball sa mga trabahante ng malapit na water refilling station. Hindi na nga dapat yun kasama sa mga kailangan niyang makasundo dahil hindi ko naman talaga laging nakakausap ang mga iyon dahil sa dalang ko’ng paglabas ng bahay; pero ginawa niya pa rin. Sabi niya, ‘gagawin niya ang lahat para mailapit ang mundo namin. Pag-iisahin niya ang mundo namin’.

Sa utak ko “Sobrang yabang ni kumag!” pero hindi ko pa rin maitago ang nararamdaman ko’ng tuwa dahil sa effort na pinapakita at ginagawa niya upang makapalagayan ng loob ang mga taong nakapalibot sa akin.

Muli ko’ng narinig ang sigaw niya, bakas sa boses niya yung saya’ng nararamdaman niya at mukhang hindi na siya makapaghintay na ibahagi sa akin ang saya niya.

Saglit akong tumayo at inilapit ang bibig sa screen door upang marinig niya ang alingaw-ngaw ng boses ko sa loob bahay, “Chard!!! Dito sa likod!”

Maya-maya’y natunton na rin ako ni kumag. Magiliw niya’ng ipinuwesto ang isang lata ng gatas sa gilid ko saka umupo rito. Marahan niya akong sinisiko-siko, pilit kinukuha ang atensiyon ko na hindi ko naman ibinigay sa kanya.

“Boss… tulungan kita!” saka mabilis na inabot ang damit na binabanlawan ko. Siguro ay naiinis na naman siya na hindi nasunod ang kanyang nais.

“Hindi na. Matatapos na ako, maghintay ka nalang diyan!” diretso ko’ng tugon na hindi man lang siya tinitingnan.

“I insist! I will help you boss!”

“Help me?! Eh hindi ka naman marunong nito!”

“Who told you? I washed my own clothes!” nanlaki ang mga mata niya; paraan niya iyon upang ipagtanggol ang kanyang sarili laban sa mga salita ko. Gusto niya’ng ipabatid na kayang-kaya niya’ng gawin iyon… na mali ako…

“Utot mo! Dun ka na! Mas mabilis ko’ng matatapos ‘to kung hindi ka mangungulit!” pinisikan ko siya ng tubig saka inalis uli ang tingin sa kanya.

Tumawa siya saka lumipat sa bandang harapan ko. Hinawi niya ang medyo basa ko’ng buhok na tumatakip sa mukha ko. Noon, ay nagawa ko siya’ng tingnan uli… mas matagal… naroroon ang maganda niya’ng ngiti pero malayo’ng malayo ang itsura niya sa Richard na nakilala ko sa Manila. Pawis na pawis si kumag at halata’ng pinagpiyestahan na ng alikabok sa labas ng bahay. Sobrang pula rin ng mukha at leeg niya! Kung hindi nga lang angat ang istura niya sa mga tambay ko’ng kapit bahay ay pagkakamalan ko’ng tropa nila si kumag.

“Anong nangyari sa iyo?! Bakit ganyan ang itsura mo?!”

Ngumiti lang siya.

“Chard! Mapapagalitan ako ng Mommy mo niyan!”

“Hindi yan…” ngiti’ng-ngiti lang pa rin si kumag habang magiliw na pinagmamasdan ang itsura ko.

“Hoy! Baka isipin ng mga magulang mo pinababayaan ka namin dito.”

“Bakit? Mukha ba akong napabayaan?”

“Oo! Wala ka pang 24 hours dito sa bahay ganyan na ang mukha mo!”

“Ano ba ang mukha ko?”

“Mukha ka’ng kamatis! Ang pula ng mukha mo! Baka magka sunburn ka!”

Muli siyang tumawa. “Baka hindi naman… baka nag ba-blush lang ako! Kaharap kasi kita…” isang malaking ngiti uli ang pinakawalan niya kasabay ng isang kindat.

Hindi ko malaman noon kung maiinis ba ako sa pangangatwiran niya o kikiligin ba ako na malaman ang epekto ng pagdapo ng pangingin niya sa akin. Kaya hindi ko na lamang pinagtuunan ng pansin ang sinabi niya sa halip ay itinuloy ko na lamang ang aking paglalaba. Gayun man, hindi ko maiwasan na mapangiti iba’ng saya at kiliti ang dala ng matamis na salita galing sa mapagkatwirang kumag. Oo, grabe kung mangatwiran si kumag… yun yung isang pagkakapareho nila ni Jude… matatalinong pelosopo!

“Boss!!!! Anong nangyayari sa iyo?!” tunog kinabahan ang boses na siyang nagbigay kilabot sa akin. Medyo nabigla rin kasi ako sa inaarte niya.

“Ano!!???” takot ko’ng bulalas.

“Ang pula ng mukha mo!!!!” plain lang pa rin ang expression niya at dilat na dilat ang mga singkit na mata. “Nag ba-blush ka rin!!!!” hiyaw niya sabay tawa.

“Tumigil ka nga diyan!”

“Totoo naman boss eh. Kinikilig ka! Ayaw mo pa’ng aminin!”

“Sira ulo ka! Baka gusto mo’ng isama kita dito sa nilalabhan ko?!”

Nag giggle siya. “Hindi! Naligo na ako kanina!”

“Talaga?”

“Oo! Maaga nagsimula ang araw ko boss. Nakapag walis na ako, nagdilig ng halaman, nag jogging kasama ng Papa mo sabay na rin naming tinakbo yung mga aso niyo, natulungan ko na rin yung mama mo magluto, naka bonding ko na rin yung mga kapit bahay niyo!”

“Sipag naman… pinangangatawanan talaga ang pagiging superman?”

“Ganoon talaga boss… pag…. In love….”

Tahimik

“Tangek!”

“In love ka rin naman diba?” muli niyang panunukso.

“Hindi. Wala naman ako masyadoong ginawa eh, hindi gaya mo.” sarkastiko ko’ng sagot.

“Edi mas mahal kita? Pero mahal mo rin ako.” Katwiran niya.

Tiningnan ko lang siya ng puno ng pagtataka, hindi ko gets ang sinabi niya.

“Oo!” hinaplos niya ang mukha ko. “Nag laba ka eh! Ibig sabihin mahal mo rin ako… pero mas marami akong ginawa, kaya mas mahal kita…”

“Ano yun?! Abnormal ka! Sana naman mas naiintindihan kita…”

“Maiintindihan mo kung sasagutin mo na ako!”

“Asa ka pa….”

“Ano!? Boss… Ano pa ba ang dapat ko’ng gawin?”

“Ngayong araw, ano pa ba ang hindi mo nagagawa?”

Saglit siyang natahimik – nag-iisip.

Wala naman akong inaasahang magiging sagot niya. Sinabi ko lang yun dahil yun lang ang naisip ko… ang totoo kasi’y hindi ko lang talaga alam ang isasagot o kung right time na ba iyon para sagutin siya.

“Ano?”

“Ahmm… Boss… wala akong maisip eh… pero kahapon pa ako hindi nag to-toothbrush…” seryoso niyang sagot.

Bumulwak ang malulutong na tawa mula sa akin. Wala akong ini-expect na sagot pero hindi ko rin inaasahan na iyon ang magiging sagot niya. Ang babaw pero napasaya niya uli ako.

“Nakipaglaro ka ng basketball kay Papa at sa mga kapitbahay ng hindi ka nag toothbrush?”

“Boss… wala dito yung mga gamit ko… nahihiya naman akong magsabi kagabi…” halos pabulong niyang sabi, mukhang nahihiya na may makarinig sa dark secret niya.

“Kadiri ka! Ano kayang iniisip ng mga kapitbahay ngayon?” panunukso ko habang tawa pa rin ng tawa.

“Pogi daw ako!” ngumuso siya.

“Sinong may sabi?!”

“Sila! Pogi daw ako! Sabi rin ng papa mo pogi daw ako! Sinasabi nga niyang anak niya ako eh!” mayabang niyang tugon.

“Kahit na! Mabaho pa rin ang hininga mo!’

“Hindi naman nila pansin ah… Pogi lang naman ang sinabi nila…”

“Pinaplastik ka nila…”

“Okay lang… basta pogi ako sabi nila…” muli niyang hinawi ang buhok sa mukha ko. “Bagay tayo! Kasi maganda ka!”

“Tangek ka! Maganda maganda… mangbobola…”

“Totoo nga! Ikaw ang pinaka maganda para sa akin…” ngiting-ngiti si kumag… nakakahiya pero aaminin ko na naniniwala ako sa kanya noon. Mahirap na hindi eh! Sa tingin niya sa akin? Sa ngiti niya? Alam na alam ko’ng totoong yun yung nararamdaman niya.

“Bolero! Tumigil ka na nga… dun ka na kina papa para matapos ko na ito at makuha na natin yung mga gamit mo sa hotel! Kailangan mo ng mag toothbrush…”

Tawanan…

*************

Sa hotel ay unang bumungad sa akin si Bev (Beverly) working student na nakilala ko sa isang event sa city na related sa course namin. Maganda kahit na medyo maliit at medyo mag kabaliktad ang personality namin; kung gaano kasi ako ka mahiyain ay ganoon nalang ka confident yung babaing yun.

Nahiya pa ako’ng mamansin nung una, hindi naman kasi kami ganoon ka close since mag kaiba yung pinapasukan naming school pero siya na yung unang kumuha ng attention ko kaya wala na akong nagawa kundi ang lapitan siya at makipag-usap. Sinabihan ko si kumag na siya nalang ang kumuha sa mga gamit niya pero ayaw pumayag.

Since wala naman kaming mapaguusapan ni Bev maliban sa kamustahan ay tinanong ko na lang kung pwede i-refund yung pang isang araw na bayad ni kumag. Bayad na niya kasi yung 2 days and one night stay niya at since mag che-check out na siya ng sabado feeling ko tama lang na ibalik yung bayad. Ayaw pa ni kumag nung una pero pinagpilitan ko pa rin; at since wala pa’ng 12 pm nung pumunta kami ay ibinalik naman nila ang bayad.

Habang hinihintay naming maibalik yung pera ay pansin ko ang malagkit na tingin ni Bev kay Richard. Wala ako sa posisyon para mag selos, kahit kasi malinaw naman na nanliligaw si kumag ay hindi ko pa naman siya sinasagot (kasalanan ko) pero hindi ko mapigilan yung feeling na para’ng gusto ko siya itakbo palayo sa babaing nasa harapan namin. Ilang sandali pa ay may mga paunti-uniting tanong na si Bev kay kumag… mga basic questions ng isang taong may gustong kilalanin, na sinasagot naman ni kumag ng diretso at eksakto.

Noong matanggap ko ang bayad ay mabilis akong nagpaalam sa kakilala saka inaya si kumag sa kwarto niya. Sa elevator ay hindi ko na kinikibo si kumag, inabot ko lang sa kanya ang pera niya saka pumwesto ng may distansya sa kanya.

“Ang kuripot mo talaga Boss…” natatawa niyang hirit.

“Kuripot ba tawag dun?!” tiningnan ko siya ng masama.

“Eh ano yun?!”

“Ha? Pera mo yun kinuha ko lang kasi sobra yung bayad mo! Ang swerte naman nila kung hindi ko kukunin yan! Dapat nga binalik din nila yung bayad mo kahapon hindi mo naman nagamit yung kwarto nila!” pagmamaldita ko. Wala naman akong dapat ikagalit, pero ewan ko ba? pag tungkol kay kumag laging naaapektuhan ang emosyon ko.

“Pero may rules Boss…”       

“Yun nga rules! Kaya nga yung pang isang araw na bayad nalang kinuha ko….”

Nag kamot siya ng ulo. Marahil nagugulat rin sa reaction ko.., sa pagsigaw ko.

“Kung ayaw mo sa pera na yan ibigay mo sa mas nangangailangan. This hotel doesn’t need your donation chard!”

“Teka? Boss… ayos tayo ha…” lumapit siya sa akin saka hinimas himas ang magkabila ko’ng braso.

“Boss… hindi mo naman kailangan magalit… okay na tayo ha?”

“Hindi ako galit! Nagpapaliwanag lang!” medyo mabigat pa rin yung pag bitaw ko ng mga salita, hindi dahil tinawag niya akong kuripot kundi dahil sa selos. I know I’m being unfair, kasi wala naman siyang ginawang mali… nakipagusap lang naman siya pero ewan ko ba… nag seselos ako eh… hindi ko mapigilan.

“Okay. Gets ko na… nandito na yung pera…” niyakap niya ako. “Gets kita, sorry na… mali ako… wag ka na magalit ha…” tapos ay hinalikan niya ako sa kaliwang sentido.

“Okay! Alis na!”

“Boss… sorry na…”

Ilang malalambing na paghingi ng tawad pa ang sinabi niya bago kumawala sa pagkakayap dahil sa pagbukas ng pinto. Noon ay mas nauna uli akong naglakad pero tumigil rin noong ma realize na hindi ko alam kung saan yung kwarto niya.

===============

(Hindi ko talaga kinu-consider ang sarili ko na kuripot. Alam ko lang siguro talaga yung value ng pera. Hindi naman kami super hirap, maganda naman pareho ang trabaho ng mga magulang ko at kayang kaya naman nilang ibigay lahat ng needs ko, pero hindi ako lumaki na pala asa eh. Would you believe na hindi ako humihingi ng pera sa magulang ko since high school? Mula sa baon ko hanggang sa mga pa project lahat yun pinaghihirapan ko. nag bebenta ako ng kung anu-ano sa school (mahiyain pa ako niyan ha), nag gagarage sale ako almost every month (old stuffs at yung mga pinapabili ko sa mga kamaganak ko sa japan) noong college, nag start ako mag cosplay in which I also earn, nananahi ako, nag paparent ng costumes, nag ma-make up service sa mga cosplay events, may former performing group din ako (dun galing yung Jun Bob medyo iniba ko lang) at kumikita rin ako dun, gumagawa rin ako ng project ng iba’ng classmates etc. hindi rin ako super waldas, I only buy stuffs pag super need na, at kung pwede ko pagkakitaan. Minsan pag may nakita akong bagay na gusto ko it would take months for me to decide whether to buy it or not mabilis kasi akong maguilty at mahirap matulog pag ganoon. (Guilty kapag narealize ko na hindi ko super kailangan yung item at wala na akong magawa kasi gumastos na ako).

NOTE: I am saying this not to brag about how good I am (if matatawag yun na goodness) this is somehow connected to the future events ng story namin ni chard. You’ll know really soon…)

===============

Mabilis siyang lumapit sa akin, umakbay saka inakay ako papunta sa isang silid doon. Pagkapasok ay agad siyang nagpaalam na mag totootbruh at magpapalit ng damit, ang suot kasi niya noon ay ang suot rin niya noong pumunta siya sa school namin.

Habang nasa banyo siya’y umidlip naman ako sa kama. Pagod kasi ako sa paglalaba at medyo hindi pa ako nakatulog ng maayos noong nakaraang gabi. Moment din yun para ipahinga ang pagod ko’ng utak.

Hindi ko alam kung gaano siya katagal sa banyo, basta naramdaman ko nalang na tumabi siya sa akin at nagising ako ng mga pagbuga niya ng hangin sa mukha ko.

“Damak!” bulalas ko noong imulat ko ang aking mga mata.

Ngumiti siya, hindi naman niya kasi naiintindihan ang sinabi ko. “Mabango na boss…” bulong niya.

“Tapos?”

“Wala lang… mabango lang…” ngumiti ulit.

Nakatitig lang siya sa mukha ko. Sobrang lapit ng mukha namin na nakakaduling na sa tuwing tinitingnan ko siya sa mata. Amoy ko rin ang hininga niyang amoy toothpaste at alam ko’ng ganoon rin ang nararamdaman niya.

“I love you…” bulong niya uli.

Nakatitig ako sa mga labi niya kaya alam ko kung paano ang transition nun mula sa nakangiti hanggang sa pagiging seryoso. Habang mas nagiging uneasy ang mga labi niya’y bigla namang hinipo-hipo ng hinlalaki niya ang mga labi ko. Pabalik-balik lang ang daliri niya dito na parang gusto itong burahin.

Matagal din kaming nasa ganoong ayos ng bigla siyang bumalikwas at umupo sa kama. Hinila niya ang kanang kamay ko, nilapit sa mukha niya saka huminga ng malalim na parang gusto’ng ubusin ang amoy nito.  “Tara na! Baka hindi ko mapigilan boss…” narinig ko’ng sabi niya.

“Hindi mapigilan ang alin?” tanong ko.

“Wala…” nginitian niya uli ako pagkatapos ay hinawi ang buhok ko. “Ang ganda mo Boss…. Ang ganda mo….”

“Sinungaling! For sure iba sasabihin mo kung nasa harap tayo ng maganda dun sa baba!”

“Maganda dun sa baba?” medyo gulat niyang bulalas.

“Mag sinungaling ka pa uli!”

“Boss… alam mo’ng hindi ako sinungaling ha… sinong maganda dun sa baba?”

“Asus!” inismiran ko siya.

“Sino nga? Yung kaibigan mo ba?”

“Sino pa ba?!”

“Boss….” Tumawa siya. “Hindi ko nga kilala yun eh!”

“Hindi kilala? E kinausap mo na.”

“Hindi ko nga alam ang pangalan nun. Hindi mo naman ako pinakilala dun ah…”

“Ahhhh… sorry akala ko kasi tinanong mo na…. Beverly pangalan nun. Ipapakilala kita mamaya!”

“Boss… hindi ko tinanong ang pangalan niya, kasi Im not interested!”

“Huwag ako ang lokohin mo Richard!”

“Boss…” narinig ko muli ang halakhak niya saka pabagsak na humiga sa tabi ko. Kinabig niya ang katawan ko paharap sa kanya saka uli hinimas ang mga labi ko. “Nakakakilig na nagkakaganyan ka boss…”

Tatalikod sana uli ako pero mabilis lang niya akong napigilan. “I love you boss ko…” hirit niya. Kinakalabit niya ng paulit-ulit ang lowers lip ko. “Mahal kita. Kaya huwag ka na mag selos kasi ikaw lang… ikaw lang talaga boss, wala ng iba. Bulagin mo ako kung sakaling titingnan ko ang iba tulad ng tingin ko sa iyo.” Hamon niya.

Tinitigan ko lang siya. Naiiyak na naman ako.

“Boss… wag mo naman pagdudahan ang nararamdaman ko. Ang dami ko ng kasalanan sa iyo, sa tingin mo ba..? Dadagdagan ko pa iyon? Sasaktan pa ba kita uli? Nanliligaw ako kasi ikaw ang gusto ko! Ikaw lang!”

“Hindi pa naman tayo eh… may time ka pa umayaw!”

“Anong umayaw?! I will never do that!” tugon niya’ng parang na offend sa sinabi ko.

“Baka may gus…”

“No! No boss! Ikaw lang! Mahal kita! Mahal talaga kita!” pinutol niya ang sasabihin ko.

Tahimik

“You know what! If my friends will see me like this? Pagtatawanan nila ako for sure! Hindi ako ganito boss eh, kahit kay Kaye! Hindi ako cheezy!”

“At…?”

“Opps… do not get me wrong… Mahal kita! At If I needed to be cheezy just to say how much you mean to me gagawin ko araw-araw boss!”

“Talaga?” medyo garalgal ang boses ko, pinipigilan ang emosyong nararamdaman ko.

“Oo! At ready ako sabihin sa lahat ng pagseselosan mo na Somebody owns me na! Hindi na ako available…”

“Hindi ka pa naman committed ah. You can still do whatever you want to do! Free ka pa rin makipag flirt sa lahat ng gusto mo…”

“Really?” nag grin siya tapos ay bigla niya akong niyakap at hinila dikit sa katawan niya. “So.., I can flirt with you?!”

“Chard!” pag kontra ko.

“Eh sayo ko gusto eh…” tumawa siya.

“Boss.., yun ba ang gusto mo? Do you really want me to flirt with girls?”

Hindi ako nakasagot. Siyempre ayaw ko… hindi ko kaya… pero hindi ko naman pwede sabihin! Nakakahiya! Ako na nga yung pabebe ako pa yung mananakal?! Hindi ko siya pag-aari, wala akong karapatan… masakit pero wala akong karapatan.

“See? Pareho nating ayaw dahil pareho nating gusto ang isa’t-isa…” hirit niya.

“Anong gusto?”

“Boss… its okay! That doesn’t mean na were rushing things… I believe that we’ll get there, and Im enjoying every moment with you! Im liking my journey to your ‘YES’!”

“Chard…”

“Boss… its fine! Just do not get jealous… nakakakilig..., pero nahihirapan ka. Tandaan mo lang na ikaw lang! At kahit na hindi ka pa sa akin, Ako sayo lang ako… Im yours, boss!”

 Niyakap ko rin si kumag. Na touch ako! Naramdaman ko nalang na umurong siya ng higa pataas pagkatapos ay kinabig ang ulo dikit sa dibdib niya. “Boss… pakinggan mo yan!” hirit niya patungkol sa tibok ng puso niya. “tinatawag ka niya…” hindi ko mapigilan ang pagsibol ng ngiti sa mga labi ko noong marinig yun, hindi ko naman narinig na tinawag ako ng puso niya pero alam ko… batid ko… mahal niya ako… nagsasabi siya ng totoo.

“Chard… sorry…” ngumawa na naman ang guilt ko.

“Hindi… ako dapat ang mag sorry…”

“Hindi.., sorry… nagagalit ako ng walang dahilan!”

“Ako nga dapat… Sorry kasi naging insensitive ako, I should have know n it… dapat iniwasan ko na sumama ang loob mo.”

“Hindi mo naman malalaman kasi hindi ko sinasabi…”

“Pero dapat nararamdaman ko…”

“Ay basta! Ako dapat yung mag sorry!”

Tumawa siya. “Oo na! Galit ka na naman eh…” kinamot niya ang likuran ng ulo ko. “I love you boss ko…”

Tahimik

May isang minuto din siguro kaming magkayakap sa ibabaw ng kama. Parang dinadama lang namin ang hinga ng bawat isa… ako ay halos hindi na humihinga sa sarap na nararamdaman ko samantalang si kumag ay ang bilis ng bawat paglanghap ng hangin sa di ko malamang dahilan.

“Chard? Dito muna tayo ha?” pag basag ko sa katahimikan.

“Kinuha mo na yung bayad eh… mag che-check out na tayo…”

“Sige na… dito muna tayo…” sinisksik ko ang mukha ko sa leeg niya.

“Boss!” naramdaman ko ang haplos ng labi niya sa noo ko. “Hindi! Tara na boss…” bulong niya na parang natataranta.

“5 minutes! Wala pa namang 12 ah sulitin na natin yung aircon Chard!”

“Hindi nga!” tumayo siya saka pumunta sa mesa kung saan nakalapag ang bag niya. makailang ulit ko siya nakitang ni ra-rub ang mukha niya at kinakagat-kagat ang labi niya.

“Sayang yung bayad mo dito!”

“Kulit mo rin eh… Hindi nga! Baka hindi ako makapagpigil boss!” puno ng pag-aalala ang mukha niya at batid ko ring kinakabahan siya.

Nung time na ito, hindi ko talaga alam ang ibig sabihin niya. Pero this is one of the many reasons kung bakit ramdam na ramdam ko’ng totoong mahal niya ako! After all the wrong things na nangyari sa manila? Hindi na niya iyon inulit pa! Lagi niya’ng iniisip yung right time at ramdam ko’ng hindi lang niya ako mahal sa kama.

Bitbit niya sa isang kamay ang isang malaking bag na naglalaman ng mga gamit niya. Kamot pa rin kamot ng ulo sa tuwing nagrereklamo ako… nag pupumilit na mag stay kami doon until 12 noon. Ilang beses rin siguro kaming nagsagutan, ako in a very primitive and child like way siya naman yung very diplomatic.

Noong hindi na siya makatiis sa pagiging stubborn ko ay bigla na lamang niya ako hinalikan sa labi. Smack lang pero sobrang diin. Matagal bago ako nakapag react hindi ko inaasahan na mangyayari yun.

“O? Gusto mo mag stay pa tayo diyan? Mas Malala pa diyan yung pwede ko’ng gawin if you still insist to stay…”

“Ba-bakit mo gagawin?” medyo utal at walang sense ko’ng sagot.

“Kasi mahal kita!” tugon niya saka ako inakay papunta sa elevator.

*********

Siya ang nagbalik ng susi sa front desk, naroroon pa rin si Bev pati ang malagkit na tingin niya kay kumag. Marami pa rin siyang tanong na inasahan ko naman mula sa kanya, ang kinabigla ko lang ay ang sinabi ni kumag bago lisanin ang counter. “Beverly right?” nginitian niya ang babae. “Ahmmm… boyfriend niya ako!” malakas niyang ibinulalas sabay turo sa akin. Nginitian niya uli ito saka magalang na nagpaalam.

“Boyfriend?! Yuck Richard feeling!” panunukso ko noong makalabas na kami. Pero ang totoo’y sobra akong natuwa sa ginawa niya, hindi dahil napahiya ang babae kundi dahil feeling ko proud siya sa akin… hindi niya ako kinahihiya.

“Dun din naman tayo papunta ah!” mayabang niyang tugon.

Tinawanan ko lang siya. “Siguro iniisip ni Bev ngayon, ang feeling mo! Baka hindi ka naman talaga niya type. Baka nag fefeeling lang tayo…”

“Ikaw eh! Ang seloso mo!” inakbayan niya ako uli habang nag hihintay kami ng masasakyang tricycle.

Tawanan…

“Patay tayo chard!”

“Bahala na siya! Basta nasabi ko na sa kanya’ng exclusive ako kay Jun Bob Aragon!” ngumisi siya.   

“Ganoon?”

“Oo… mahal kita eh!” ngumiti siya saka pahapyaw na idinampi ang labi sa ulo ko.

*********************

Nahirapan kaming kumuha ng masasakyang tricycle noon, may nakita’ng kainan ang matakaw na si kumag sa harap ng hotel at nagyayang kumain muna since tanghali na. Lechon manok ang specialty ng restaurant na iyon na hindi ko trip kaya nag aya ako sa ibang pwedeng makainan.

May walking distance na jolibee at doon ko siya inaya kaya sumunod nalang siya.

Pagdating namin sa fast food ay naghanap agad siya ng bakanteng upuan. Tanghaling tapat noon at marami ang nanananghalian kaya medyo punuan ang mga kainan, buti na lang at may paalis ng customer na naka pwesto malapit sa pinto kaya nakahanap din kami ng spot namin. Pumwesto ako patalikod sa pinto habang siya ay inilapag ang malaking bag sa kaharap ko’ng upuan, kinuha niya ang kanyang wallet pero bago pa man tumungo sa counter para umorder ay kinalikot muna niya ang kanyang cellphone, kumuha rin siya ng earphone at kinabit dito.

“Boss oh!” nilagay niya ang earphone sa magkabila ko’ng tenga. “Oorder lang ako, relax ka lang diyan ha…” ngumiti siya. Noong time na yun hindi ko pa gets kung para saan ang earphones, wala naman kasing tumutugtog o kahit anong naririnig doon.

“Anong gusto mo’ng kainin boss?” malambing na tanong ni kumag.

“Burger lang ako chard! Bayaran kita mamaya ha… baka maagaw ang upuan natin eh….”

“Hindi! Ako yung lalake kaya ako ang magbabayad.” ngumisi siya.   

“Ikaw ang lalake? So ano ako?” biro ko.

“Ano ba ang gusto mo’ng itawag ko sayo?”
“Ewan… so ano nga ako?”

“Ahhhhmmm…. Mahal ko?” nag smirk si kumag. “Tama! Ikaw ang mahal ko…”

“Sira ulo!” Tatanggalin ko na sana ang earphone kasi nagmumukha lang akong tanga dahil wala naman akong pinakikinggan pero pinigilan niya ako.

“Diyan lang yan boss… mag relax ka lang. familiar ka ba sa ________?” (Nalimutan ko yung term na gamit niya, sorry…. Tunog asana o cassava yun eh… if you know it paki comment po! Yung term for virtual chuchu which uses your brain as the listening point.)

Umiling lang ako. Hindi ako techie ako eh, I don’t know much about the latest in gadget at super bago sa pandinig ko yung sinabi niya. (Hindi ko nga matandaan yung term eh)

“You haven’t tried virtual barbershop boss?”

“Hindi pa nga!”

“Good!” ngumisi siya uli. “Close your eyes!”

Tiningnan ko lang siya ng masama.

“Sige na boss. Please…. Ma i-enjoy mo ito promise!”

Honestly, medyo kinakabahan ako noon, hindi ko kasi alam kung ano ang ii-expect ko sa gagawin niya.

“Oorder lang ako. Mataas ang pila kaya relax ka lang dito!” muli niyang panghihikayat.

Pinikit ko ang mata ko, then he started playing the virtual barber shop. Naramdaman ko nalang na inipit niya ang phone niya sa kamay ko tapos ay hinalikan niya uli ako sa aking sentido. Sobrang nakakarelax yun, at medyo naa-amaze ako how the sound can make me feel like im having a haircut. Medyo nakakakiliti ang vibration kaya hindi ko alam kung ano itsura ko habang pinakikinggan iyon.

Natapos na ang virtual barbershop pero hindi pa rin siya tapos sa pag order. Matiyaga siya’ng nakatayo at naghihintay sa pagkakataong makabili ng makakain. Tinake ko yung moment na yun para pagmasdan siya… ang gwapo… sobrang gwapo… at overwhelming yung atensiyon na binibigay niya sa akin. Hinihiling ko lang iyon dati eh! Oo! Kahit noong panahong hindi ko maamin at hindi ko lubusang naiintindihan ang nararamdaman ko, hiniling ko na yung ganoong atensiyon mula sa kanya. Ang bait ni Lord for granting it, hindi ko nga alam kung ano ba’ng maganda o mabuti ang nagawa ko para ibigay niya iyon.

Naka sukbit pa rin ang earphone ni kumag sa tenga ko, tumutugtog doon ang isang awit na hindi ko na matandaan, ang totoo baka nga hindi ko na rin naintindihan ang kanta’ng iyon dahil sa busy ako sa pag masid sa lalaking mahal ko. Noon nabuo na rin ang plano ko’ng sagutin na siya… siyempre ayaw ko na rin namang pahirapan ang sarili ko! Gusto ko na yung panahon na pwede ko na siyang yakapin at halikan ano mang oras… gusto ko yung karapatang mag selos at responsibilidad na alagaaan siya. Pero kailangan ko muna ipalam yun sa kuya ko at kay Jude na siya namang ipinangako. Sa utak ko, habang minamasdan ang seryoso niyang mukha ay paulit-ulit ko’ng binibigkas na “konte’ng sandali pa! Tiis lang chard!”

Hindi ko inaasahan na mauuwi sa ganoon ang lahat ng pinagdaanan ko sa manila, huling kontes ko na iyon… hindi kami nanalo, pero nasa akin na ang jackpot ngayon! Kaya kahit gaano pa man kasakit ang pinagdaanan ko sa kanya? sa lahat ng magandang nangyayari ngayon? Pipiliin ko pa kayang magreklamo? Diba nga dapat ipinagpapasalamat ko lahat ng iyon? At ipangakong susulitin at pahahalagahan lahat ng oras kasama siya.

Ilang saglit pa’y tapos na siya’ng bimili ng pagkain, dalawang large fries, dalawang champ at dalawang malalaking baso ng coke. Isa-isa niya iyong inilapag sa mesa saka nag paalam na kukuha ng ketchup sa counter. Sakto nung umalis siya may batang kumatok sa salamin na dingding ng fast food, sumenyas siyang humihingi ng pagkain kaya mabilis akong lumabas para iabot ang isang burger. Pagbalik ni kumag agad niyang hinanap ang burger niya, ngiti lang ang naging sagot ko kaya inakala niyang itinago ko ito at nakikipagbiruan ako.

“Boss? San na?” masaya niyang tanong.

“hindi ko alam.”

“Boss… gutom na ako boss…” ngumuso-nguso na naman siya. Nagpapacute.

Effective yung pacute niyang iyon kaya sinabi ko na ang totoo. Tinuro ko sa kanya ang batang masayang lumalantak ng burger sa labas. Doon ko napansin ang pag-iba ang itsura niya, na offend o na disappoint ata.

“Chard? Okay ka lang?”

“Gutom na kasi ako boss eh… ang haba pa ng pila...”

“Hiningi niya eh. Naawa naman ako, sigurado gutom yang bata…”

“Gutom din naman ako eh…” malumanay pero malungkot niyang sabi.

“Sorry…”

“Ayos lang! Bibili na lang ako uli…”

Akma siyang tatayo pero pinigilan ko siya. Pipila na naman kasi siya ng matagal at alam ko’ng nag rerebulosyon na ang mga bulate niya sa tiyan.

“Chard! Mas masarap yung burger kung hati tayo…” sabi ko na siyang nagpatigil sa kanya. “Saka, isang kagat lang naman ako eh! Sobrang laki niyan, hindi ko kaya’ng ubusin.”

Binuksan ko ang kahon na lalagyan at kinuha ang burger sinubo ko sa kanya na agad din naman niyang kinagatan.

“Diba mas masarap?” tanong ko.

Tumango siya. “Mas masarap pag ikaw yung nagsususbo!” sabi niyang mahirap intindihin dahil sa sinabay sa pagnguya ng pagkain.

“Chard! Tingnan mo yung bata…” halos sabay naming tiningnan ang bata sa labas. “Sa tingin mo? Pang-ilang burger na kaya yan na natikman niya sa buong buhay niya?”

“Hindi ko alam boss… baka pangalawa o baka first time…”

“See? Nabibilang lang yun. Tayo kaya nating araw-arawin ang pagkain ng burger. Baka nga mas mahal pa sa burger na iyan ang natikman mo eh… you’re buirger gives a new experience to that kid chard! Experience na hindi niya makakalimutan!”

Natahimik siya. Nilingon ko siya at doon bumungad sa akin ang Richard na mas seryoso. Nakatitig lang uli siya sa akin at sobrang plain ng expression niya.

“Bakit?” tanong ko.

Umiling siya. “Alam mo boss, the first time I saw you… alam ko agad na ganito ka!”

“Anong ganito? Namimigay ng burger na hindi akin?” patawa ko’ng tanong.

“You’re more than that! I know how big your heart is, it shows in your smile… in your frown… kaya nga siguro mahal kita eh! Kasi ang bait mo! At kahit nag mamaldita ka sa akin most of the time at kahit sobrang seloso mo kahit wala namang dapat pagselosan! Alam ko mabuti ka’ng tao!”

“You like me, just because mabait ako?”

“No and yes!” ngumiti siya.

Puzzled ako uli.

“Yes! Kasi mabait ka… pero theres more… kasi matiyaga ka… maldita ka… loving ka… understanding ka… sexy ka… madami… madami talaga…” nag giggle siya.

“Ano yung No?”

“No kasi…. I don’t like you… Love kita boss…” tapos ay kinuha niya ang burger na hawak ko saka sinubo sa akin.

Siyempre kinilig ako, pero pinipigilan ko’ng ilabas kung gaano ka extreme ang nararamdaman ko sa loob-loob ko. Hinugot ko ang phone niya sa bulsa ko (pinasok ko kasi yun dun nung lumabas ako para ibigay ang burger sa bata) saka binalik sa kanya.

“Na enjoy mo ang virtual barbershop boss?” simula niya uli.

Tumango ako.

“Good! Chineck mo ang phone ko nu?” panunukso niya.

“Hindi ah! May password eh! May tinatago ka yata…” Hindi ko talaga alam na may password nga, hula lang yun. Hindi ko nga rin sinubukang buksan ang phone niya.

“Wala! Duda ka na naman nu?” binuksan niya ng phone niya. “Ayan oh! Gumawa ka lang ng letter ‘M’!” gumawa siya ng pattern na “M” saka nabuksana ng phone niya. “Check mo pa yan! LOYAL ako boss! Kung gusto mo diyan na sa iyo yang phone na yan eh!” he handed me his phone para ipa check, pero binalik ko lang ito. Naniniwala ako sa kanya kaya kahit hindi ko pa makita ang laman nun ang salita niya pa lang sapat na para mabatid ko’ng nagsasabi siya ng totoo. (Letter “M” ang first letter ng real name ko.)

“Ang cute mo!” sobrang cute kasi niya’ng ipagtanggol ang sarili, parang batang pinagpipilitang wala siyang ginawang kasalanan.

Nag blush siya. Oo nag blush siya at hindi yun dahil sa init ng araw talagang namula siya sa sinabi ko. Yumuko siya, mukhang nahihiya na makita ko’ng kinikilig siya saka parang batang nginat-ngat ang burger na hawak.

**************

Dumaan kami sa mall bago umuwi, bibili daw siya ng pasalubong sa papa ko. When this story happened ay wala pa yung mga premier malls sa gensan. Veranza opened a year after this story happened and SM Gensan opened a week after Richard’s first time in Gensan or few weeks after the national finals. Kaya sa KCC mall ko na siya dinala at ‘di pa ganoon ka wide ang range ng products na pwede niya’ng pagpipilian as pasalubong. I can’t remember what he bought, basta food yun.

Pag-uwi namin sa bahay, ay siyang paalam naman ng papa ko na dadalhin si Richard sa ‘SITE’. That’s how my papa call his small farm sa Gensan. I told you na business man ang papa ko, nag su-supply actually siya ng mga raw materials sa iba’t ibang company (hindi ko na sasabihin specifically). He manages his farm in Gensan and in Saranggani the reason kung bakit marunong din kami ng kuya ko ng mga gawaing bukid (I grew up in a bukid by the way!).

Sinunggaban naman iyon agad ni kumag, taking every chances lang drama niya eh!

**************

Kinagabihan…

Magkatabi pa rin kaming natulog sa aking maliit na kama. Kahit na batid ko’ng hindi siya komportable sa aking tulugan at maging ako ma’y nakakaramdam na rin ng pagka uneasy sa pagtulog ay hindi ko naman mapigilang hindi kiligin dahil sa kabila ng discomfort ay pinili pa rin niya’ng tumabi sa akin. Ang sarap lang sa pakiramdam na iturin na espesyal ng isang tao lalo kung ganoon rin ang turin mo dito.

Pareho kaming nakatagilid. Siya paharap sa akin ako namay nakatalikod sa kanya. “Boss? Tulog ka na?” muli ko na namang naramdaman ang maiinit na hininga niya sa aking batok.

“Matulog ka na! Maaga ka pa bukas!” tugon ko, hindi ako makatulog dahil sa discomfort at hindi pagreply ni Jude sa text ko.

The whole time na nasa bahay namin si Kumag ay never namang na stop ang communication namin ni Jude. Alam din niya’ng nasa amin si kumag at mukhang okay lang naman iyon sa kanya. Paminsan ay tumatawag pa rin siya lalo sa gabi na batid ko’ng kinaiinis ni Richard, kaya kapag tumatawag na si loko ay siyang parinig naman ni kumag; naroon yung aayain niya ako’ng matulog na at kung anu-ano pa at sinasadya niya talagang lambingan ang boses niya.

nung nasa jolibee kami ni kumag ay tinext ko si Jude ipinaalam ko na sasagutin ko na si kumag kapag nakilala na siya ng kuya ko at since then ay hindi na siya nag reply pa. pinipilit ko na namang i-set sa utak ko na baka busy lang siya o ‘di naman kaya’y wala siya’ng load pero hindi ganoon si Jude eh, simula nung umuwi kami sa kanya-kanya’ng probinsya never pa dumating sa point na hindi siya nag reply. Minsan kahit nga nasa klase kami pareho ay nag papalitan pa rin kami ng text. Kaya hindi ko talaga alam kung ano na ang nangyari sa kanya… kinakabahan ako…

Narinig ko ang maharot na tawa ni kumag, na parang kinikiliti.

“Matulog ka na.” simula ko.

“Ano ba’ng problema boss?” umurong siya padikit sa akin.

“Wala… tulog ka na…”

Tahimik…

“Chard, si Jude kasi eh…” hindi ko na napigilang sabihin sa kanya. nababagabag talaga ako, hindi ko naman masyado iniisip nung una kaso habang tumatagal na hindi siya nag rereply at umabot na sa oras na matutulog na kami ay hindi na maganda sa pakiramdam.

“Ano si Jude?!”

“Hindi nagrereply… nag-aalala ako…”

Wala akong narinig na kahit anong komento o reaksyon mula sa kanya kaya inisip ko na baka nagseselos na naman kaya binilinan ko na lang siya uli na matulog na.

Ilang saglit pa ay may mga salita ng lumabas sa bibig niya pero hindi para sa akin. Rinig ko’ng may kausap siya sa cellphone niya… “Bro? Did I disturb you?... ahmmm bro… pasensya na ha pero may…” sinilip niya ang mukha ko saka sinabing “May nakakamiss sa iyo dito!” sabay nilapat ang cellphone sa tenga ko.

Noon narinig ko si Jude. Ilang beses pa siyang nag hello bago ako sumagot. Inis na inis ako sa kanya pero natutuwa rin akong makusap siya, natutuwa din ako sa ginawa ni kumag. Noon hindi ko napigilan itanong sa kanya kung ano ang problema.., kung ano ang nangyari sa kanya..., kung bakit hindi siya nag reply. Pero sinagot lang niya ako ng kasinungalingan. Sabi niya nag papractice daw siya, pero lunch break nung tinext ko siya at nagpalitan na kami ng schedule (he requested it) at alam ko’ng morning lang ang practice niya ng sabado. Pero hindi ko na siya inoppose, ang mahalaga ay maayos siya at kilala ko si Jude sasabihin niya yung totoo niyang rason sa tamang panahon. Hindi kasi yun sinungaling kaya kapag may sinabi siyang hindi totoo? Siguradong hindi pa right time para malaman mo iyon. Tinanong ko siya kung okay lang na yung sinabi ko sa text (na sasagutin ko na si kumag) na sinagot lang niya ng (exact words)  “Okay kaayo yabs! If paminaw nimo angay na na mahimong kamo, sugta na! Maayo na kay para happy naka pirmi, pero pangayo jud ug maayong tambag kay kuya Xy. ‘di naman mi mupalag kay imuha man ng gusto, ‘di man me kaabuot diba? Pero kung magkinaunsa man, ayaw kalimot ug duol sa amoa ha?”
(Okay yabs! If you think panahon na para sagutin mo siya, go na! Okay yan para happy ka na lagi, pero humingi ka ng payo kay kuya xy ha. Di naman kami papalag kasi gusto mo yan, di naman kami pwedeng makialam diba? Pero kung ano man ang mangayari, huwag mo kalimutan lumapit sa amin ha?)

“Salamat beb! Unya kamusta man mo ni Kat?”

“Okay lang” tapos ay natahimik siya saglit. “Basta Yabs… miskang kamo na, Baby gihapon ko nimo ha? Yabs gihapon teka!”
(Basta Yabs… kahit kayo na, baby mo pa rin ako ha? At yabs pa irn kita!)

At sinundan yun ng pagpapaalam na matutulog na siya at isang goodnight.

Noong maputol na ang tawag ay tiningnan ko si kumag. Payapa siyang nakahiga, nakapikit ang mga mata habang ang isang kamay ay nakapatong sa kanyang noo. Naiidlip siya pero alam ko’ng hindi pa siya tulog dahil gumagalaw-galaw pa rin ang kanyang mga mata. Alam ko nakikinig siya pero hindi niya naiintindihan lahat ng pinag-uusapan namin. Alam ko naiinis siya! Ang totoo halatang naiinis siya, sapagkat bagamat nakapikit na ay magkasalubong pa rin ang mga kilay niya.

Nahiga ako sa tabi niya saka siya niyakap. Lubos ang tuwa ko dahil sa ginawa niya. Hindi naman kasi pumasok sa utak ko na kaya niyang gawin yun. Sa manila pa lang alam ko na kasi kung gaano siya ka possessive, at aminado naman siya doon! Kaya hindi ko alam kung anong nakain niya at ginawa niya yun, lalo na at si Jude yung lalaking involve.

“Chard? Thank you!” sabi ko’ng puno ng lambing.

“Tapos na ba?” maang-maangan mode pa rin si kumag.

“Oo… salamat ha!”

“Anong sabi niya?” seryoso pa rin ang mukha.

“Wala naman.” Nag kibit balikat pa ako. “Kami na! Sinagot ko na!” nginitian ko siya. Ang sarap asarin ni mokong.

Mabilis siyang lumayo upang magawang humarap sa akin. “Teka? Diba sabi mo ‘di naman nanliligaw yun?!”

“Kaya mo ba siya tinawagan kasi alam mo’ng hindi siya nanliligaw?”

“Boss! Teka! Pinaglalaruan mo ako eh! Ano muna yung totoo?!”

“Anong totoo?” sabay tawa ng malakas.

Bigla lang bumangon, nakabusangot siyang umupo paharap sa akin. “Boss naman eh! Ano nga?!”

Hinaplos ko ang mukha niya saka pinaliwanag na biro lang, tapos ay himinga siya ng malalim saka uli nahiga sa tabi ko.

“Boss… ginawa ko yun kasi nasasaktan ka! Matitiis ko ba yun?” sabay pa cute ni kumag.

“Asus tigilan mo ako sa mga pautot mo Richard! Alam ko hindi bukal sa loob mo yun!”

“Anong hindi?” tumigil siya, nag-isip. “Okay! Of course I don’t like it! I don’t like you thinking about him, talking to him… it hurts Boss! Pero mas ayaw ko naman makita na malungkot ka!”

“Talaga ba?”

“Oo naman! Mahal kita boss ko!”

“Nagpapalakas lang si Richard eh!”

“Hindi ah! Mabait lang talaga ako!” pagpupumilit niya.

“Sige na nga! Babawi na lang ako sa kabaitan mo! Ano ba’ng gusto ng isang Richard Oquendo?”

“IKAW!” mabilis niyang sagot.

“Maliban dun!”

“Wala. Mahihirapan ka lang eh….”

“Ano nga? Kahit ano.”

“Wala nga. Higa ka lang diyan sa tabi ko. Ayos na ako dun!”

Kaya yun yung ginawa ko. Niyakap ko pa siya bilang bonus!

Maya-maya’y ginalaw ko ang paa ko upang idantay sana sa kanya, pero hindi ko sinasadyang matamaan ang talampakan niya. Umalingaw-ngaw ang ungol ni kumag dahil sa sakit, nung i-check ko kung anong nangyari sa paa niya’y nakita ko’ng marami itong blisters.

“Anong nangyari diyan?”

“Ewan ko boss. Pero kanina pa yan masakit pagkatapos naming mag basketball.”

Doon ko na conclude na marahil ay dahil yun sa init ng semento na pinaglaruan nila. Maliit kasi ang tsinelas ni papa na gamit niya noon at sobrang lampas ang paa niya dito. Agad ko namang ginamot iyon.

Habang abala ako sa pag gamot ng mga paltos sa paa niya’y nagsimula na siyang mag kwento ng ginawa at pinag-usapan nila ng papa ko. Dinala daw siya sa bakahan, alam ko gusto subukin ng papa ko kung maarte ba si kumag mabaho kasi doon, tinatambak din kasi doon ang dumi ng mga baka na binibenta rin namin bilang pataba; kaya siguradong nasubok nga ang tatag ng sikmura ni kumag. Tinuruan din daw siyang manguha ng sweet corn at papaya at pinakita sa kanya ang mga drum ng tubig na ginawang pond ng mga hito. Sa kwento niya, bakas ang pagod na dinanas niya pero nakatutuwa na sobra siyang nag enjoy kasama ang papa ko. Full of enthusiasm niyang kinuwento kung paano siya ipakilala ng papa ko bilang anak sa mga nag tatrabaho sa amin. Kung masaya siya sa pagtanggap ng magulang ko? Ano nalang kaya yung sayang nararamdaman ko? It was like me having a house full of costumes, wigs and make-up! Ganoon!

“Chard! Hindi naman lahat kailangan mo’ng gawin, okay lang umayaw kung ayaw mo!” pag sermon ko. Unang beses yun na may nanligaw sa akin kaya hindi ko alam kung dapat nga ba ginagawa yung mga ginawa niya. Nanligaw na naman ako dati, pero hindi kasing extreme ng pangliligaw ni kumag.

“Boss ayos lang!”

“Hindi ayos chard! Tingnan mo yang nangyari sa paa mo!”

“Ayos nga lang. nandiyan ka naman para gamutin eh!” nakangisi niyang tugon.

Diniin ko ang bulak na may gamot sa isang paltos na inalisan ko na ng tubig sa loob na siyang nag pa aray sa kanya. “Kita mo? Hindi okay Richard!” hirit ko noong makita ang mukha niyang hindi maipinta sa sakit.

“Boss! Okay lang. ginawa ko naman yun kasi gusto ko eh…”

“Gusto-gusto…” panunudyo ko.

“Gusto nga! Gusto ko makilala lahat ng tao na malapit sayo! Saka gusto kita!”

Matapos linisin ang sugat niya’y nilagyan ko yun ng band aid. “Chard! Hindi lahat ng kakilala ko kailangan mo’ng pakisamahan. Sapat na nag effort ka sa family ko.”

“Kailangan nga!” diin niya.

“Sabihin mo nga kung bakit.”

“Kasi takot ka! Kaya hindi mo pa ako sinasagot kasi takot ka! Alam ko na kayang mahal mo ako, pero alam ko rin natatakot ka boss!”

“Ano?”

“Ayos lang! Alam ko namang kakaiba itong pinapasok natin eh! First time mo, first time ko rin… pero kung hihintayin ko pa yung second time, eh… baka wala na… baka maunahan ako…”

Medyo natulala ako sa lalim nun. (its not the exact words, feeling ko nga mas malalim pa yung paliwanang niya nun eh.) “Ikaw Chard? Hindi ka ba natatakot?”

“Honestly Boss. Hindi ko rin alam ang gagawin ko eh. Natatakot rin ako! Pero sabi ni Mommy, kung magpapadala ako sa takot ko, sinong mag mamaneho ng Love na nararamdaman natin? Kaya, kung kailangan ko kilalanin lahat ng kilala mo? kahit yung mga schoolmates mo gagawin ko… in that way they will know na genuine yung love natin at wala tayong ginagawang masama kaya they’ll understand why my heart beats this way and yours that way!” ngumiti siya.

Napangiti nalang ako sa aking narinig. Hindi na ako nag comment pa! That is the best thing I ever heard from kumag… more than his I love you! Masarap na handa siyang panindigan yung love nararamdaman namin at handa siya sa mga challenges pa na darating.

Nilinis ko ang mga ginamit ko sa paggamot sa sugat niya saka uli humiga sa tabi niya. “Chard? Tandaan mo ha, hindi mo kayang i-please lahat ng tao sa paligid! At wala tayong dapat patunayan sa kanila. Hindi mo kailangan masugatan para maintindihan nila tayo, kung mababaw sila mag isip, problema na nila yun! Hayaan mo sila!”

“Okay Boss ko.” at isang halik ang pinakawalan niya sa noo ko.

Tahimik…

“Boss? Bukas uuwi na ako… sino ng katabi mo’ng matulog?” simula niya uli.

“Wala! Mas okay nga yun eh! Solo ko na uli itong kama, maluwag na uli!”

“Ay! Hindi pwede yun Boss! Yung stuff toy na bigay ko?”

“Nasa baba!” nilagay ko kasi sa isang cabinet yung lahat ng bigay niya sa akin pati na rin yung mga bigay ni Jude.

“Yun yung yakapin mo boss pag nakauwi na ako! Kunin ko!” akma siyang tatayo.

“Hindi na! Mas okay itong kayakap ko ngayon eh!” pagpigil ko’ng naglalambing.

Nag giggle siya. “Boss? Does it mean na tayo na?” medyo tense niyang tanong.

“Ha? Wala naman akong sinabing tayo na ah!”

“Pero ganoon na rin eh! Parang sinabi mo na ring mahal mo ako. Saka sabi mo, okay ako kayakap?!”

“Nagmamadali ka ba?”

“Hindi ah.”

“Hindi… naiinip ka na ata eh…” panunukso ko.

“Hindi… baka lang kasi ano…”

“Ano?”

“Wala…”

Tahimik…

“Chard? Paano kung ayaw ko? Paano ko’ng hindi kita sinagot? Magagalit ka sa akin?” wala naman akong intensiyong masama sa tanong ko, I just wanted to know kung ano ang mararamdaman niya. Kung ano ang point of view niya. (Wala akong plano mag paasa, mahal ko siya! mahal ko siya sobra! Kaya lang may promise ako sa kuya ko na kailangan ko i-consider.)

“Boss naman!” tunog naiiyak.

“Ano nga?”

“Ayaw ko ng ganyan Boss! Matulog na tayo!”

“Chard! Tanong lang naman yun, sagutin mo na!”

“Ayaw ko nga ng mga ganyang tanong! Huwag mo nalang muna ako sagutin boss! Take your time, wala namang nagmamadali dito eh… handa akong maghintay…”

“Chard naman eh!”

“Boss naman eh! Maghihintay nga ako eh! Pero huwag naman ganyan!” tapos ay tumalikod ng higa.

Ilang saglit din kaming walang imikan, hanggang sa naisip ko’ng kunin ang isang malaking pink penguin na stuff toy na bigay niya.

Pagbalik ko sa taas, occupied na most ng space ng kama ko at mukhang mahimbing na ang tulog ni kumag. Tinapik ko siya para gisingin pero hindi na talaga na gising sa halip umurong siya ng konting-konte saka sinabing “tulog na ako boss… pagod talaga ako eh… I love you!”

Marahan akong lumapit sa mukha niya. Naaliw at kinikilig ako sa cute niyang pagkakasabi ng I love you, ginuri-guri ko ang mga daliri ko sa labi niya saka iyon hinalikan.

At dahil hindi na ako makapwesto sa kama ko ay naglatag na lamang ako ng rubber mats sa tabi ng kotson at doon natulog, yakap-yakap ang penguin na bigay ng superman ko.

************

Kinaumagahan, nagising ako ng mga mahihinang kalabit sa lower lip ko. Nung buksan ko ang mga mata ko ay bumungad sa akin si kumag, nakangiti habang pinaglalaruan itsura ko.

“Good morning boss ko! Mahal kita! Bakit diyan ka natulog?” masaya niyang bati.

“Ang sikip na sa kama ko eh! May mataba kasing natutulog kagabi!” nginitian ko rin siya.

“Pogi ba yung mataba boss?”

“Hindi naman! Ang pangit nga eh… saka ang baho…. Sobra….” Biro ko.

Kinurot niya ako sa ilong. “Pero mahal mo naman diba?”

“Sinong may sabi?”

“Hinalikan mo nga kagabi eh… pasalamat ka pagod yun! kundi…”

“Kundi ano?” mabilis ko’ng pagsabat.

“Wala… kundi mamahalin ka nun lalo!”

Tahimik lang kaming nag ngingitian at nagtititigan. Kita ko sa mga titig niya na ako lang ang mahal niya at nararamdaman ko’ng ako lang ang magandang nakikita at nauunawaan niya.

“I’ll be missing you Boss…” tinap niya ang labi ko gamit ang hintuturo niya. “Ikaw? Mamimiss mo ba ako?”

Tumango ako.

“It wouldn’t take so long boss. I’ll be back sa weekends…”

“Chard? Gagasto ka na naman eh… anniversary ng parents ko sa 26 pero since biyernes pa darating si kuya sabado na kami mag ce-celebrate… mag be-beach kami chard! Sama ka kasi darating si kuya xy!”

(24th wedding anniversary kasi ng parents ko noon. Pero tumama na Thursday at hindi kakayanin ng kuya ko na umuwi dahil sa trabaho kaya matagal na naming napagdesisyunan na sabado nalang icecelebrate. Sa beach kasi kami madalas pumunta kapag anniversary nila since beach wedding talaga ang dream ng mama ko pero hindi natupad dahil walang budget.)

“Hindi pwede boss, nag promise ako sa Papa mo na mag go-golf kami sa sabado.

“Okay lang yun! Sasabihin ko na lang na busy ka o mahal ang pamasahe. Maiintindihan ni papa yun!”

“Pero gusto ko boss!”

“Ikaw bahala…”

“Don’t worry… pupunta ako sa anniversary ng parents mo. ipapaalam na kita kay kuya Xy mo!” ngumiti siya saka pilit inabot ang pisnge ko para gawaran ng halik.

To be continued…

No comments:

Post a Comment

Read More Like This