Pages

Monday, April 24, 2017

Handog ng Puso (Part 2)

By: Centimo

Mabuting gawin ko na lang siguro ito at hayaan ang nangyayari, ngunit patuloy sa isip ko kung ano ang kahihinatnan matapos ang mangyayari. Napalunok nalang ako at handa siyang salubungin ng aking mga.

 *Boom*

Isang malakas na suntok ang pinakawalan ko sa kanya. Hindi ko sinadya na mapalakas ito, marahil nadala lang ako at ito kaagad ang naisip ko para matigil ang tangka niyang halikan ako sa labi.

"Aray ko" walang emosyong pagkakasabi ni Ryan habang nakahawak sa kanyang kaliwang panga at iginagalaw galaw upang maibsan ang pananakit.

Titig lang ang naisagot ko sa daing niya. Titig na nagsasabing 'patawad sa ginawa ko'. Titig na nagpapahayag ng pag-aalala ko.

Tumayo ako at ipinakitang walang pakialam sa nangyari. Agad kong tinungo ang pintuan upang makalabas na at hindi na mapag-usapan pa ang nangyari.

Pagliko ko sa nakalansan na bookshelf ay agad na bumukas ang pinto. May dalawang tao mula sa labas.

Binuksan ang ilaw na siyang sumilaw sa mga mata namin dahil sa pagaadjust nito mula sa dilim.

"Cean? Anong ibig sabihin nito? Bakit nandito ka?" bungad sa akin ng isang babaeng pamilyar ang tinig ngunit hindi ko masyadong maaninag dahil sa silaw.

"Miss? bakit po kayo nandito? sagot ko sakanya.

"Ikaw ang tinatanong ko Cean, bakit nandito ka?" pag-uulit niya sa tanong niya. At tuluyang nakilala ang kaunting paos na boses ng aming House Adviser.

"Miss Reyes, ako? nagpapalamig lang nainitan kasi sa classroom e. wala nga akong makasama sana sa pag-iikot." deretso kong sagot na walang halong pag-aalinlangan.

"Library? Nagpapalamig? Aircondition ang bawat room?" gumalaw na ang kilay ni Miss Reyes na nagpapahiwatig ng pagtataka.
"Eto kasi yung bukas na room habang nagiikot" palusot ko habang naglalakad papalabas ng pintuan at siyang pagpatay sa ilaw upang hindi na mahuli pa ang aking mga kaibigan.

Puwesto ako sa likuran nila at sila namang pagharap sa akin. Tinitigan sina Misa Reyes at ang Guwardiya ng may pagtataka upang mabawasan ang paghihinala.

Nakita ko ang mabilisang paggalaw ng liwanag mula sa bintana sa likod na siyang kinatatayuan ng dalawa. Hindi man lang nila ito napansin.

"Alam mong bawal ang ginawa mo?" pagpapaalala sakin ng aking guro.

"Opo sasabihin ko nalang po sa House Leader ang ginawa ko at hihingi ng sorry" mabilis kong sagot na may pagkakampante dahil ako ang Junior Leader.

"50 points deduction for Charlie" matapang na turan sa akin.

Muli uling binuksan ng Guwardiya ang pinto ng library at nagtutok ng flashlight sa loob para bahagyang suriin. Nilock niya na ang pinto na siyang ikinapanatag ng loob ko.

-----

Lunes ng muling bumalik ang lahat ng estudyante sa pag-aaral. Katulad ng inaasahan kailangang gumawa ng reaction patungkol sa event ng nakaraang linggo. Ganito naman lagi sa tuwing may matatapos na event, holiday at pati bakasyon. Ginagawa kaming elementary.

Sabay-sabay kaming pumunta nila Rye, Ethan at Mel sa canteen.

"Tapang mo rin Cean at inako mo pa lahat ng kasalanan namin" akbay ni Ethan sakin habang naglalakad.

"Okay lang naman yun panalo naman kami e" at sinagot siya ng ngising mapang-asar.

Bumitaw sa pagkakakapit sa akin at derederetsong tumungo sa canteen.

"Hayaan mo na yun, nagdadaldal nga sakin yan dahil ang panget raw ng mga kagrupo niya lalo na daw yung leader" sabi sakin ni Mel ng magtaka ako sa inasal ng kaibigan namin.

Ibinaba ko ang bag ko sa upuan para makabili na ng pagkain. Itinuro kami ni Ethan na siyang may kagat-kagat na turon at tumungo na papalapit sa amin.

Hindi pala kami ang itinuro niya kundi si Ryan na nasalikuran namin.

"Ano na?" tanong ni Ryan sa amin.

Nilingon ko siya upang makita, tila masaya niyang sinimulan ang kanyang araw dahil bakas ang kanyang mga ngiti sa labi.

Inilipat naman niya ang tingin sa akin, agad naman ako umiwas at pumunta sa tindahan upang makabili na ng makakain.

Tinitingnan ko sila mula sa tindahan, tulad ng dati di nauubusan ng kwento itong si Ethan at siyang daldal sa tropa.

Si Ryan naman ay siya namang tuwang-tuwa sa kakulitan nitong si Ethan. Ang saya nilang pagmasdan. Walang halong problema. Tila wala lang ang nangyari noong nakaraang linggo.

"Hoy! Yung sukli mo daw!" pagputol ni Rye sa pagkakalunod ko sa pagtitig.

"Ay sorry po ate" paghingi ko ng paumanhin sa tindera na siyang kanina pa nag-aabot ng sukli ko.

"Gwapo sana kaso lutang" pabulong na turan niya.

"Po?" tugon ko ng may pagtataka. Tanging ngiti nalang ang ginanti niya sa akin.

Inantay ko na si Ryean sa kanyang pagbili para sabay na tumungo sa lamesa ng tropa.

"Iniisip mo yung sa library?" sabi niya sakin habang nagbabayad. Tiningnan ko lang siya ng patanong dahil naguluhan sa kanyang sinabi.

"Salamat po, tara na Cean" sagot niya lang sa akin at hindi na ibinalik ang pinag-uusapan namin.

Napaisip ako sa sinabi niya. Siguradong pagbalik ko sa lamesa ay hindi ako makakawala sa madaldal na bibig ni Ethan.

Kailangan ko munang umiwas hangga't hindi pa nila ito nakakalimutan.

"Shit. Kailangan ko pa palang tapusin yung project sa Science" bungad ko sa kanila at silang baling ng atensyon sa akin.

Wala naman talaga akong dapat tapusin.  Ito nalang ang naiisip kong palusot para makaiwas sa usapan.

"Sige na, una na ako" pagpapaalam ko sa kanila.

"Pakokopyahin mo ako huh!" sigaw ni Rye sa akin habang papalayo sa kanila.

-----

Magkasabay kaming umuwi ni Mel. Sa bahay ang uwi niya ngayon dahil nagyayang makipag-inuman ang mga pinsan ko.

Siya ang una kong naging close pag tungtong ng Highschool. Laging nasa galaan dahil wala namang maabutan sa kanilang bahay kundi ang mga pagod sa trabaho niyang magulang na minsan lamang umuwi.

Marami nag-iisip na pariwara siyang babae, pero hindi iyon totoo, ayon sa pagkakakilala namin. Totoong tao makisama si Mel, ayaw ng plastik. Ayaw niyang nakikipagplastikan sa iba, kaya para maiwasan ang problema ay lumalayo siya sa kababaihan.

Uso ito sa highschool level. Ang harap-harapang plastikan. Minsan nga maririnig mo pa ang kapwa grupo na nagsisiraan sa isa't - isa pero kapag harapan ay nag-iiba.

Nakasakay na kami ngayon sa tric patungong bahay. Binuksan ko ang Cellphone at ikinabit ang earphones na siyang pinaghatian namin ni Mel. Hindi kami magkausap tanging ang kanta lamang ang aming pinagtutuunan ng pansin. Nang magplay ang ika-apat na kanta, When We Were Young ni Adele.

Nagkatinginan kami ni Mel at sabay na ngumiti.

"Naaalala mo?" Tanong sa akin ni Mel. Tanging ngiti lamang ang isinagot ko.

Isa rin ito sa hindi ko malilimutang kanta. Dahil ito ang naging daan kung bakit may malanding ugnayan (Mutual Understanding pala) ang dalawa at syempre kung bakit rin kami ngayon ni Ryan ay magbestfriend.

Nagkaroon kami ng isang performance para sa programa tuwing pebrero. Ang araw ng mga puso.

Ikinaskas ko na ang gitara ko hudyat na magsisimula na ang kanta.

Everybody loves the things you do
From the way you talk to the way you move
Everybody here is watching you
'Cause you feel like home
You're like a dream come true

Pansin ko na ang paulit-ulit na tingin ni Mel sa isang lalaki sa gilid kasama ang mga manonood. Maputing lalaki na hindi katangkaran sapat sa height ng isang Highschool student.

Pinuntahan ko ang lalaking iyon upang imbitahin. Magbibigay ito ng aliw sa mga manonood, at panigiradong kikiligin.

But if by chance you're here alone
Can I have a moment before I go?
'Cause I've been by myself all night long
Hoping you're someone I used to know

"Alam mo yung kanta?" tanong ko sa kanya. At siya namang tango niya sakin bilang pagsang-ayon.

"Kantahin mo mga part ko at magduet kayo" sabay tingin kay Mel na siyang nakatingin rin sa akin ng dinadama ang kanta.

Nagulat ako dahil tumungo ito sa stage at agad na naghanda sa chorus. Tila alam na alam niya ang gagawin. Walang pag-aalinlangan siyang nagsimula.

You look like a movie
You sound like a song
My God, this reminds me
Of when we were young

Let me photograph you in this light
In case it is the last time
That we might be exactly like we were
Before we realized
We were sad of getting old
It made us restless
It was just like a movie
It was just like a song

Sabay sila sa pag kanta, at alam na alam ng lalaki kung paano ang magiging transition. Isa ito sa ipinagtataka ko, o di kaya alam niya talaga at totoong magaling siya.

Tanging sa kanilang dalawa nakatuon ang mga manonood, habang patuloy kaming tumutugtog.

I was so scared to face my fears
Nobody told me that you'd be here
And I swear you moved overseas
That's what you said, when you left me

You still look like a movie
You still sound like a song
My God, this reminds me
Of when we were young

Let me photograph you in this light
In case it is the last time
That we might be exactly like we were
Before we realized
We were sad of getting old
It made us restless
It was just like a movie
It was just like a song

When we were young
When we were young
When we were young
When we were young

Nakikita ko mula sa harap ko ang koneksyon ng dalawa. Tila nag-ensayo dahil hindi mapapansin ang bawat palya.

It's hard to admit that
Everything just takes me back
To when you were there
To when you were there
And a part of me keeps holding on
Just in case it hasn't gone
I guess I still care
Do you still care?

It was just like a movie
It was just like a song
My God, this reminds me
Of when we were young

When we were young
When we were young
When we were young
When we were young

Nagkaroon ako ng mahabang pagkakataon para pagmasdan sila. Ang mga mata niyang singkit na siyang nakakadala. Ang bawat pag-abot ng matatas na nota na siyang madadama. Bawat pag buka ng bibig ng kanyang pagkanta, na siyang nagpapagwapo sa kanya. At ang malalamig niyang tinig na kay sarap sa tenga.

Let me photograph you in this light
In case it is the last time
That we might be exactly like we were
Before we realized
We were sad of getting old
It made us restless
Oh I'm so mad I'm getting old
It makes me reckless
It was just like a movie
It was just like a song
When we were young

"Cean ano na?" pukaw sakin ni Mel habang ako'y  bumalik sa sarili sa pag-alaala ng mga masasayang bagay.

Iniabot ko na ang bayad. At tumungo sa bahay namin kung saan kami mag-iinuman.

Nagulat ako sa nadatnan ko. Nandoon si Ethan, Ryan, Ryean at pati si Jon na siyang absent kanina.

"Teka bakit kayo nandito?" tanong ko sa kanila.

"Mukha atang di tayo invited ah" pagtayo ni Jon na akmang aalis pero nakatingin pa rin sa akin.

"Oh nandiyan na pala kayo e" bati sakin ng pinsan ko na siyang nagyaya ng inuman. Dala niya ang alak na inihanda niya. At pinaupo na kami para magsimula na.

Hindi pa ako bihis kaya tutungo sana sa aking kwarto. Kaso pinigilan ako ng pinsan ko dahil ugali ko ang tumakas.

Buti nalamang ay nakakain na kami ni Mel. Tumagal ang inuman ng mga 3 oras. Katulad ng sa library puro kwentuhan, tawanan, asaran at hindi mawawala ang malulupit na punishments ni Ethan.

Todo asikaso rin si mama sa amin ng makauwi. Ipinaghanda pa kami ng pulutan dahil puro chichirya lamang ang aming binili. Dinagdagan ni papa ang alak at nagpaalam na hindi makakainom dahil pagod.

May mga tama na ang iba. Isa na rin ako, dahil kita ko kung paano dinadaya ng pinsan ko at ni Ethan ang ikot ng baso.

Naging touchy na si Ryean sakin kung saan siya ang katabi ko, samantala lasing na lasing na si Ryan na siyang nasa harap ko. Pinipigilan na siya ni Mel sa pag-iinom pero mapilit ang mokong at kaya pa daw lumaban.

Payakap-yakap na si Rye sakin ng sabihan ko si Ethan na itigil na ang inuman. Kaya pang umuwi ni Rye, kaya't sasamahan nalang siya ni Jon at Ethan pauwi.

Samantala sila Ryan at Mel ay dito na magpapalipas ng gabi. Si Mel ay makikitulog sa bahay ng pinsan kong babae na siya rin kasama sa inuman at syempre si Ryan ang sa kwarto ko.

Inihatid nila Ethan si Ryan sa kwarto ko at ibinilin na ako na ang bahala sa kanya.

Bago ako natulog ay nagligo muna upang mawala ng kaunti ang kalasingan. Nadatnan ko si Ryan sa kama ko na nakauniform pa rin at lasing. Kailangan ko siyang hugasan dahil ayoko namang tumabi sa kanya ng ganyan. Pwede ko naman sana ilatag ang isa pang kama sa sahig pero bestfriend ko ito at kapag dito siya nakikitulog ay lagi kaming magkatabi.

Naghanda ako ng maligamgam na tubig na may alcohol at towel para ipunas sa katawan niya.

Sinimulan ko ito sa pagtanggal ng kanyang mga sapatos at medyas. Mahalata ang pagigiging malinis sa katawan ni Ryan. Amoy pa ang footpowder na inilagay niya.

Iniayos ko na ng higa at sinumulang tanggalin ang kanyang mga damit. Tinanggal ko isa-isa ang kanyang mga butones.  Nakita ko ang kanyang malalapad na braso na ikinukubli ng kanyang puting tshirt.

Iniangat ko narin siya para maihubad ang damit. Hindi ko pinagtuunan ng maigi ang kanyang katawan at baka madala pa ako.

Sinimulan ko na ang pagpunas sa mukha niya. Malaya kong napagmamasdan ang kanyang maamong mukha.  Ang makinis niyang balat,  halos perpektong ilong at manipis na mga labi.  Napansin ko rin ang nunal sa ilalim ng kanyang kanang mata.

Napunta ako sa kanyang leeg at sarap nitong halikan. Lalo pa akong nanabik ng makita ko ang kanyang adam's apple na siyang ikinaiingit ko sa kanya. Ako kasi yung lalaking hindi halata ang adam's apple.

Bumaba na ako sa kanyang mga katawan. Hindi ito gaano kalakihan sapat sa kanyang maliit na pangangatawan. Nasasabi kong maliit dahil hanggang tenga ko lamang siya kahit na konti lang agwat ng tangkad namin.

Pinasadahan ko ang gumuguhit na kanyang mga abs. Hindi ito masasabing pandesal dahil hindi ito ganoon kalakihan. Mayroon lang na mga line division na siyang humuhulma rito. Twink kumbaga.

Kailangan ko rin palang punasan ang kanyang mga hita at singit. Binuksan ko ang butones ng kanyang pantalon. Naaaninag ko na ang kanyang mga puting brief. Napalunok nalamang ako at ipinagpatuloy ang paglilinis.

Habang siya ay nililinis ko naroon naman ang mga kadumihang pumapasok sa utak ko.

Inilapat ko ang kamay ko sa kanyang bakat sa suot na brief. Nanginginig ako,  hindi ko alam kung bakit basta tuloy-tuloy ang tibok ng puso ko at hinahabol ang hininga. Para akong nakaramdam ng kuryente sa paglapat ng mga kamay ko.

Itinaas ko ang pagkakahawak ko sa kanyang brief patungo sa kanyang katawan. Nagkaroon ng sariling mga buhay ang aking mga kamay at patuloy sa paghagod ng kangyang katawan. Tila kinakabisado ng kamay ko ang bawat detalye niya.

Napaungol siya ng mahina, tiningnan ko ang kanyang mga mukha. Hinaplos mula pisngi papuntang mga labi. Bahagyang bumuka ito.

Inilapit ko ang mukha ko sa kanya. Muling tinitingan ang mapang-akit niyang labi. Pangahas kong hinalikan siya. Idiniin ko at pumikit upang damhin ang sarap ng nararamdaman.

Gumanti siya sa akin. Ibinuka niyang mga labi niya at nilasap naman ang sa akin. Napadilat ako ngunit nakapikit pa rin siya. Muli ko siyang ginantihan.

Naging mapusok ang bawat halikan, tila kami ay naggagantihan. Sinubukan ko ng ipasok ang aking mga dila. Kanya itong sinalo. Dumilat at muli siyang tinitigan.

"Mel" salitang lumabas sa labi niya.

No comments:

Post a Comment

Read More Like This