Pages

Friday, April 28, 2017

Ang Tangi kong Inaasam (Part 12)

By: Confused Teacher

“I love you with all of my heart, body and soul. You complete me. You make my life worth living. To have known you and to have loved you has been the most beautiful dream. I can only hope that I never wake up.”

Josh

    “Haist! Salamat, natapos ko na rin ang Cost Estimate na ito.” Balingko kay Shayne habang matiyagang naghihintay sa akin.
    “Dapat lamang, ilang araw mo ng ginagawa iyan, pag iyan lamang ni reject pa nila…” biting sagot niya.
    “O anong gagawin mo, kung sakali nga?”
    “Wala, sabi ko lamang ‘pag nireject pa nila.”
    “O siya, let’s go, alam ko namang iyon lamang hinihintay mong sabihin ko.”
    “Hayy, salamat, nakaramdam din.”
    “Oo na, sige, libre na kita, nakakahiya naman iyang ganda mong mong iyan, pinaghintay kita,”
    “Josh Patrick, ikaw ba talaga iyan, hindi ka ba naeengkanto?”
    “Huwag kang OA Shayne, baka magbago isip ko, magta taxi ka pauwi sa inyo.”
    “Eto naman hindi na mabiro, sana twing coding ang car ko, ganyan ka ka-sweet ha, kahit i-request ko sa MMDA na habang buhay na lang coding ang sasakyan ko.”
    “Nagretired na nga si Mommy sa pagiging OA ikaw naman ang pumalit.” Natatawa kong sagot sa kanya.
    “Pero Josh, pwera joke, bakit ang bait mo sa akin ngayon, pansin ko mga 3 days na hindi mo ako sinusungitan?
    “Ayaw mo?”
    “Gusto nga e, kaya lamang natatakot ako, parang malapit na ang end of the world pero hindi pa nagiging  tayo yung totoong tayo na nga. Nagbabago na yata lahat hindi lang alignment ng mga planets pati position ng mga brain cells mo?”
    “Ah ganon,” Inalis ko ang pagkakahawak niya sa braso ko saka binilisan ang paglalakad.
    “Kita mo na, sabi ko na sa iyo dati bipolar ka e,” habang tawa nang tawa na sumusunod sa akin.
    “Magbayad ka ng kakainin mo ha saka mag taxi ka pauwi sa inyo, may pupuntahan pa pala ako ngayon.” Sagot ko pero hindi ko siya tinitingnan.
    “Eto naman siyempre joke lang yun, ikaw kaya ang may pinaka stable na personality sa lahat ng lalakeng nakilala ko.” Natatawa pa rin siyang sabi habang nasa elevator na kami,
    “Mukha mo Miss Shayne Carillo.” Pero napapatawa ako kaya hindi ko siya tinitingnan.
    Kinabukasan, hindi ko alam kung ano ang pakiramdam, first time kong mag hahandle ng project na ako talaga ang nag simula,  Iyong mga naunang hinandle ko kasi ay nilipat lamang sa akin nang dumating ako.  Ito talaga yung mula sa pag draft ng proposal, presentation at pagpapa approve sa client ay ako gumawa, at last ay ang Cost estimate para sa Internal Budget pagkatapos nito ayus na ang lahat. Nakapagtanong-tanong na rin naman ako ano ang mga posibleng ibatong tanong sa akin ginamit ko ring basis yung mga CE’s ng previous projects.
    Pagpasok ko sa mini conference room sa office ni Kuya Paul, wala pang tao, sinamahan naman ako ni Krizia para magset up ng LCD at lahat ng mga gagamitin ko.  Maya-maya ay dumating na si Mr. Carlos, head ng Finance Department kasunod si Mr. Tolentino ang aming OM.  Kakaupo lamang nila nang pumasok si Kuya Paul.  Sobra ang lakas ng aking kaba, pero hindi ako nagpahalata.
    “Anything sir?” tanong ni Krizia. 
    “Wala na, okey na ako dito, thank you.”
    “Kung may kailangan ka sir, tawagin mo lamang ako, good luck nga pala sir!” ngumiti siya saka nag paaalam sa akin at pagkatapos magpaalam sa kanilang tatlo ay lumabas na rin.
    “Parang lumulutang ako habang nagsasalita, putek naman talo pa nito ang defense ng thesis. Lalo pa at titig na titig sa akin si Kuya Paul.
    “Engr. Villanueva, I think your headcount is too much, I suggest reduction at least by 10%.” Biglang comment ni Mr Carlos.
    “But sir, considering last project of the same size, I already trimmed it down to7%.
    “Pero ang taas pa rin niyan, yung last project natin ay tumama ng rainy season kaya naabala ang mga workers natin, ito naman ay summer kaya I believe hindi kailangan ang ganong pattern”
    “I think that headcount is fairly good,  I agree with you Mr Carlos that rain affected the performances of our workers, but in the field, mas marami ring pahinga ang mga tao kapag mainit.” Nagulat ako nang sumagot si Kuya Paul.
    “Come on, Engr. Rivera, what happened, previously ikaw ang nagsasabi  thatwe have to maximize our manpower.”
    “Yeah, its true, but in this case I am afraid that reducing this number would affect too much in the quality of  theirwork.”
    “Anong ibig mong sabihin Engr. Rivera?” tanong ni Mr. Tolentino.
    “Sir, kung hahayaan natin ang mga tao na gawin ang trabaho nila with avery  limited number, with our target, gagawin naman e kaya lang basta matapos nga lang kahit sub standard ang quality.”
    “That’s why we have supervisorsthere to manage and guide them.”
    “Precisely sir, remember our last project in Marilao? In the middle of the operation, we were forced to stopped because all budget were already consumed and it took 6 weeks before we got the approval for the additional budget from the board. According to them revision should be avoided.  Even our client complained because we didn’t hit our committed  date of completion. And the worstis when we already have the budget we were unable to resume the operation because we have to hire manpower again since majority of our people there resigned because we pressured them to work beyond their capacity just to hit the target.”
    “So what you are suggesting Engr. Rivera?” singit ni ni Mr Carlos.
    “If you would  allow me, I suggest increase the manpower by 10-15% but Iam sure  you will not allow it, so let us just  retain his number,  I believe Engr Villanueva has a very good reason and smart enough in putting that small figure.” Tumingin siya sa akin,hindi ko alam kung nagagalit siya o naawa sa sitwasyon ko.
    “You’re impossible Engr. Rivera!” malakas na sagot ni Mr Carlos.
    “I am just protecting the image of the company.”
    “Are you implying that I have no concern about this company?”
    “Guys, guys, let’s all be professional, hindi tayo nag-aaway dito. Lower your tone.  Ok Engr. Villanueva, move to the next item. Line 1 pa lamang tayobut  it took more than an hour na, baka abutin pa tayo ng gabi just for one Cost Estimate.
    Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman nang mga oras na iyon.  Bawat item ay binabato ako ni Mr. Carlos at ni Mr. Tolentino. Lagi namang nakadepensa si Kuya Paul.Napapailing si Mr. Tolentino.
    “Can you explain that miscellaneous expense, can you be  morespecific, what are those?” tanong ni Mr. Tolentino?
    “Sir, these are unexpected expenses not included in the above.”
    “Can you be more specific about these expenses?” si Mr Carlos
    “As Engr. Villanueva stated, these are unexpected expenses that usually occur during operation we can not tell what are those right now, otherwise he already  included them in above expenses and named them specifically  if he knew the details, besides all CE’s we reviewed have miscelaneous expense  and  according to our policy we are allowed to a maximum of 10% of the total budget  right? I don’t see any problem with this.”  mahabang paliwanag ni Kuya Paul.
    Natapos ang presentation ko na wala kaming napagkasunduan.  Sinabi ni Mr. Carlos na he will sign my CE because of its urgency but he won’t agree with it.  Wala namang comment si Mr. Tolentino, sinabi lang na ipadala sa office niya ang final draft. Nakalabas na ang dalawa at nag-aayos na rin ako ng mga ginamit ko pero napansin ko hindi pa rin tumatayo si Kuya Paul.
    “Please sit down.” Mahina niyang utos sa akin.
    “Bakit hindi mo pinakita sa akin ang CE mo bago ka pumasok dito?” tanong niya pagkaupo ko.
    “Sorry sir, nag tanong naman po ako sa ibang gumawa na saka binasa ko rin yung mga previous CE’swith the same project sizes lahat po iyon kinonsider ko” nakatungo kong sagot, naalala ko noong bata pa ako kapag pinapagalitan niya ako, hindi ko siya magawang kontrahin una dahil alam kong tama siya pangalawa alam kong mahal niya ako kaya niya iyon ginagawa. At pagkatapos ng nangyari kanina ramdam ko na ipinagtanggol niya ako kahit sa OM namin at kay Mr. Carlos.
    “Tinanong mo silang lahat, pero ako hinde, ako ang Department Head wala ka bang tiwala sa akin?” hindi ko alam kung pagalit ang tanong niya.
    “Sorry sir, hindi naman po sa ganon, nahihiya lamang akong lumapit sa inyo.”
    “Ano Patrick, nahihiya ka?” Alam kong nabigla din siya sa sinabi niya.
“I mean Engr. Villanueva, don’t take it personally, narito ako to guide all of you, alam ko naman ang ugali ng mga yon, gagawin talaga nila ang lahat para mapababa ang cost to create good image sa management kahit mag suffer ang operation. Tayo ang magkakampi dito, I hope you understand.”
Kuya Paul, tinawag mo akong Patrick.  Ang sarap pakinggan para akong maiiyak,  Hindi ko na naintindihan ang iba pa niyang sinabi.  Sobrang saya ko nang mga oras na iyon, kilala pa niya ako.  Oo Kuya Paul, ako pa rin si Patrick nakilala mo, maaring physically nagbago ako pero sa loob ko, ako pa rin ito.  Sana Kuya Paul hindi ka pa nagbabago. 
    Noong tanghali, sinundo ko si Shayne sa office nila.
    “Bakit ganyan kang makangiti?”
    “Wala, happy lang ako.”
    “Huwag mong sabihin na finally narealize mo na mahal mo pala talaga ako.” Saka ipinulupot ang braso sa akin.
    “Asa, isa kang malaking ASA!”
    “E bakit nga ang saya mo?”
    “Masama bang maging masaya?”
    “Kasi balita dito na ginisa ka raw mabuti ni Sir Carlos at ni OM ang ineexpect ko badtrip ka”
    “Iyon lang ba ang nabalita mo?”
    “Grabe kang mambitin Josh Patrick, ano nga kasi?”
    “Oo ginisa ako nong dalawa pero to the rescue si Kuya Paul, siya ang nakipagbanggaan para sa akin.”
    “Really, so nag-usap na kayo?”
    “Medyo, tas tinawag na niya akong Patrick. I think gusto kong i blow out ka Shayne, sobrang saya ko.”
    “Happy for you Josh, kahit nasasaktan pa rin ako.”
    “Naman, Shayne e, sinisira mo na naman ang mood ko pag ganyan ka.”
    “O siya hindi na, happy na lang ako sa yo.” At nginitian ako.

Paul

    Alam kong nagtataka silang dalawa kasi kahit noong hindi pa ako Department Head madalas na akong member ng team na nagrereview ng CE at madalas ako ang nagpapabawas ng budget.  Pero hindi ko talaga maintindihan itong si Patrick bakit nagpresent siya ng CE na ganon kababa ang budget.  Kilala ko kasi ang dalawang iyon, hahanap at hahanap ng pagkakataon ang mga iyon na matapyasan ang budget saka ipagmamalaki  sa Management kung magkano ang na save ng company dahil sa kanila.  Kaya iyong iba nilalakihan na ang budget para bawasan man ay ok lamang.  Pero ang budget ni Patrick, hindi  na pwede na i trim. Saka hindi ko naman papayagang ipahiya siya ng dalawang iyon ako ang makikipaglaban para sa kanya.
    Hindi ko makalimutan ang reaction niya nang tawagin ko siyang Patrick.  Yung pag-aliwalas ng mukha niya, noong una kita kopa ang takot sa kanya, akala siguro ay papagalitan ko siya talaga at iyon naman ang plano ko kagaya ng madalas kong ginagawa pag nagkakamali ang mga tauhan ko. Kailangan kasi nilang matandaan iyon para hindi na maulit.  Pero yung pag-aliwalas ng mukha niya, parang nagbalik sa akin ang lahat.  Nawala ang plano kong pagalitan siya. Siya pa rin si Baby Pat, na kailangan ang guidance ko. Siya pa rin ang bunso kong kapatid na dapat alalayan.  Namiss ko ang mga ngiti niyang iyon parang matutunaw ako habang pinagmamasdan ko ang dimples niya, ang labi niyang ang sarap i kiss. Naalala ko ang pakiramdam ng first kiss namin, yung parang wala kang pakialam sa paligid at parang kaming dalawa lamang ang tao sa mundo.  Haist Patrick, sana’y kaya pa nating ibalik ang nakaraan. Iyong maamo niyang mata, iyung- iyon pa rin ang matang kinababaliwan ko dati.  Mga matang pag tumingin ay parang laging naghihintay ng sagot.  Hindi ko alam gusto ko siyang titigan pero natatakot ako sa aking sarili na hindi ako makapagpigil at bigla ko siyang mayakap.  Marahil napansin niya ang pagtitig ko sa kanya.
    “Hayaan mo sir, sa susunod, pipilitin ko na sa iyo muna mag papa approve para pag kaharap ko na sila hindi na ako mabibigla.”
 Iyon ang mahina niyang sagot na nagbigay sa akin ng pag-asa na may pagkakataon pa para kami magkausap ng ganito. Hindi ko alam kung papaano siya sasagutin basta ang alam ko, hindi ko maipaliwanang ang saya ko na magkausap kami ni Pat sa loob ng isang room na kami lamang.  Kung pwede nga lamang na hanggang hapon na kami doon kung hindi lamang marami pa akong kailangang kausapin hindi ko siya hahayaang lumabas. Pero hindi bale ngayon may pagkakataon na ako para makausap siya ng matino.  Siguro nga kailangan lamang ay maging positibo ako na maayos pa rin namin kung anuman ang gusot sa pagitan naming dalawa.
    “Hoy, Mr. Rivera, ano bang nangyayari sa iyo, kanina ka pa tulala diyan.” Boses ni Kenzo ang bumasag sa pag-iisip ko.
    “Huh, ano ulit, anong sabi mo?”
    “Aminin mo sa kin, bro, nagda drugs ka ba?In the middle of the day, tulala ka?
    “Gago anong nag da drugs, halika na kain na tayo gutom ka lang.”
    “Ano bang nangyayari sa iyo, last week, bigla kang nag halfday tas pinatayan mo ako ng cellphone, akala ko nag suicide ka na only to find out na namiss mo lamang ang parents mo.  Ngayon naman biglang ang saya mo at iyang ngiti mo parang ngayon ko lamang iyan nakita mula nang makilala ka.”
    “Ah basta!”
    “Samahan kita sa psychiatrist bro.”
    “Sapak gusto mo.”
    “Hindi nga, anong nangyayari sa iyo.”
    “Ang kulit mo, wala nga maganda lang ang mood ko,”
    Hindi niya ako tinigilan ng kakukulit pero paano ko naman sasabihin sa kanya ang reason ng pagiging masaya ay iyong nagkausap lamang kami ni Patrick at nginitian niya ako. Ang corny naman.  Baka nga tuluyan na akong ihatid nito sa psychiatrist pag nagkataon. Pero kahit anong sabihin niya hindi niya masisira ang ganda ng araw ko.
    Nang mga sumunod na araw, dahil naapprove naman ang budget niya, naging busy sila. At dahil first project niya iyon hands on talaga siya at madalas nasa field.  Hindi na tuloy ako makapunta sa office nila. Dati kasi kahit pwede ko namang iutos kay Krizia ako ang pumupunta doon kapag may kailangan ako masaya na akong makita siya at mabati ng, “Hi Engr. Villanueva!” kahit madalas ay hindi naman siya nagrereact. O kung minsan ay parang napipilitan lamang na sumagot. Pero ngayon wala siya at nasa labas tinatamad akong pumunta doon.  Madalas ko ring makita si Miss Carillo na kasama ang ibang officemates niya. Gusto ko sanang makipag close sa kanya para kahit papaano ay mapalapit ako kay Patrick kaya lamang itong best friend ko na napakalaki ng gusto sa kanya ang inaalala ko.  Baka maging dahilan pa ng pag-aaway nila.  Ayoko naman na masira ang relasyon nila kahit nasasaktan ako, kahit papaano alam kong happy si Patrick sa kaniya. Nasa ganoon akong pag-iisip nang bumukas ang pinto.
    “Excuse me Sir, Miss Dianne is here.” Bati ni Krizia.  Hindi pa siya natatapos ng biglang pumasok si Dianne.
    “Hi Paul, kumusta na, busy ka ba? Pwede ba kitang kausapin?” sunud-sunod na tanong niya. 
    “Ayus lang, tungkol saan?”
    “Yayayain ko sana sina Patrick at Miss Shayne na mag swimming this weekend diba long weekend, sama ka, nakakailang naman mag partner sila tapos ako mag-isa?”
    “Huh, anong occasion?” iyon lamang ang naitanong ko kasi naisip ko close na sila?
    “Wala naman, friends na kasi kami ni Patrick at naisip ko tiyak naman isasama niya ang girlfriend niya kapag lumabas.”
    “Nako, hindi ko maisingit iyan sa schedule ko, sobrang busy ako these days.”
    “Nakausap ko na ang secretary mo at wala ka namang schedule this weekend, next Wednesday pa ang nearest appointment mo.”
    “May commitment kami ni Kenzo, may pupuntahan kami, kasal yata o pabinyag nong pinsan niya…” 
    “Ah basta, gawan mo ng paraan, minsan ka lamang magbakasyon.”
    “Next time na lamang.”
    “Ayoko nga, isama mo narin si Kenzo, hahanapan ko ng blind date yung suplado mong best friend.” Hindi pa ako nakakasagot nang biglang pumasok si Kenzo.
    “Speaking of the angel, Kenzo, may swimming tayo sa weekend, kasama ka and I won’t accept no for an  answer.” Baling niya kay Kenzo.
    “E di yes!” wala sa loob niyang sagot. Sinamaan ko naman siya ng tingin.
    “Sabi niya she won’t accept no, so I said yes, Dianne, pwede bang maybe?” pagbibiro niya.
    “Hindi pwede!,” madiin niyang sagot.  “ Nakasagot ka na. O ayan Paul, payag na si Kenzo, siguro naman you have no reason to reject my invitation.”
    Huminga ako ng malalim, bakit ba may ex akong baliw at ubod ng kulit at may best friend akong mahinang pumik ap.
    “Ok, ok, sige, lumabas na kayo pareho at marami akong gagawin.” Iyon na lamang ang nasabi ko.
    “Pati ako bro, kakarating ko lang.”
    “Oo pati ikaw, sige na alis na.”
    “Thank you Paul, see you!” Pero hindi umalis si Kenzo,
    “Ano bang problema mo at bad trip ka yatang masyado, kulang na lamang e umusok iyang ilong mo kahit nagpipigl ka ramdam na ramdam ko pa rin.” Hindi ako kumibo itinuloy ko ang ginagawa ko.
    “Ano ba hoy, nong ilang araw, sobrang saya mo lagi kang nakangiti, tapos ngayon balik ka na naman sa kasungitan mo.”
    “Bakit ka kasi pumayag, ang idinahilan ko may lakad tayo.”
    “Malay ko naman sa ex mo basta ang sabi may swimming tayo, hindi ko naman alam na  ayaw mo.”
    “Kaya nga e, alam mo namang ayokong kasama ang babaeng iyon, isa pa kasama raw sina Patrick at Shayne.”Biglang nanlaki ang mga mata niya.
    “Wow pare, pumayag ka na please, kasama pala si Shayne, pagkakataon ko na ito makita ko man lang naka 2-piece siya solve na solve na ang gabi ko.
    “Ang manyakis mo talaga.”
    “Pare naman! Tulungan mo ako.”
    “Ayoko!”
    “Please bro, I need your help!”
“Pinapaalala ko lamang sa iyo, girlfriend yun ng kapatid ko. At hindi ko papayagang sirain mo ang relasyon nila.”
    “Kapatid o ng ex mo?”
    “Huwag kang epal, tinatanggap ko na ngang  hanggang kapatid na lamang kami diba, at kahit iyon ay maibalik namin, masaya na ako, kaya hindi kita matutulungan.  Ang daming babae diyan, si Krizia, mukang crush ka non,”
    “Si Krizia, parang younger sister ko lang yun, ayoko hindi kami bagay napaka vulnerable niya para sa akin.”
    “Si Karla, yung receptionist natin.”
    “Nakow, lalong ayoko, mahal ang maintenance ng babaeng iyon.”
    “Si Janine yung taga advertising na magaling sumayaw”
    “Ayoko sa kaniya, lapitin ngmga lalake”
    “Lahat may dahilan ka, si Dianne kaya ang syotain mo baka tantananna ako kapag naging kayo.”
    “Seyoso ka bro, papaligawan mo ang ex mo sakin? Hello!iyong matapang mong ex na may lahi yatang tigre, wala akong balak, kahit habang buhay na lang akong single ok lang.” napatawa lamang ako sa sinabi niya.
“Try mo lang bro.”
    “Makalabas na nga lamang, wala akong mapapala sa iyo, sige na.” at walang lingun-lingon na lumabas ng pinto.
   
Shayne

    Hi, I’m Shayne, bestfriend/girlfriend ni Josh Patrick. Mahaba na ang panahon na pinagdaanan namin at more than friends na ang turingan namin.  It’s trueI’m  in love with him pero wala e, for almost 6 years na magkakilala kami iisang tao lamang talaga ang minahal niya.  Kaya lalo akong humanga sa kanya.  Napaka faithful niya.Sayang nga lamang at hindi para sa akin ang love na iyon.  Pero masaya pa rin ako na nakilala at nakasama ko siya, at kahit papapano ay nagka roon ako ng pag-asa ng may tao palang ganon magmahal.  Hindi gaya ng Daddy ko na madaling magbago ang isip. 
    Kakatapos lamang naming mag-usap ni Miss Dianne.  Yeah  you read it right! si Miss Dianne ang babaeng Chistmas Tree.  Nakakairita siya, pero hindi ko  siya masisi, nagmahal lamang din naman siya.  Ang problema lamang sa kanya ay wala sa vocabulary niya ang salitang acceptance lalo na ang move on.  Ipagsisiksikan pa rin ba ang sarili niya kahit alam niyang imposible na.  Hindi baling magmukha siyang cheap basta para sa love.  May mga tao ba talagang ganon, itatapon ang pride kapag nagmahal. Shocks! Bakit ko ba pinoproblema ang babaeng iyon. Well magkaiba kami kasi ako tanggap ko at willing akong maghintay kung sakaling hind maging sila, pero kung magiging sila in the end I am ready and happy for them.Hindi ito pagiging martir, nagpapakatotoo lamang ako.  Kahit naman hindi ko tanggapin kung iyon talaga ang mangyayari pahihirapan ko lamang ang sarili ko.  Kaya tanggapin na lamang at papangit lamang ako kung sasayangin ko ang buhay sa pagmumukmok.
    “Ayoko, hindi ako sasama kahit naisagot mo na ako,” naiinis na sagot ni Josh nang sabihin ko sa kanya ang plano ni Miss Dianne na swimming.
    “Hey Mr. Josh Patrick Vllanueva, ipinapaalala kolamang po sa iyo na ipinapasabi iyon  ni Miss Dianne dahil hindi ka niya maabutan dito at hindi mo raw ibinibigay sa kanya ang contact number mo kahit mag kaibigan na kayo. Hindi ako ang may gusto ng swimming na iyon”
    “E bakit hindi mo sinabing busy ako, may appointment ako, may lakad tayo, o kahit ano?”
    “Kelan mo pa ako na hire, na personal secretary mo?”
    “Ah basta, bahala ka, hindi ako sasama, ikaw na lamang.”
    “Pumayag na raw si Kuya Paul at si Kenzo.”
    “Talaga kasama si Kuya Paul?”
    “Haist, ang boyfriend kong taksil, basta si Kuya Paul, nagbabago ang mood.”
    “Huwag ka ng magtampo please, diba naiintindihan mo naman ako”
    “Oo na, oo na, saka kinukulit din ako ng Kenzo na yun, nakakainis, feeling close kami, mayat-maya tumatawag sa office.”
    “Ganon, kasama rin si Kenzo?”
    “Oo nga, isa ka pang makulit.”
    “Sa palagay mo ba, my relasyon sila ni Kuya Paul.”
    “Psychologist ako hindi imbestigador!”
    “Masungit!, sayang ang ganda mo kapag nakasimangot ka.”
    “Tara na kumain na lamang tayo, ilibre mo ako para makabawi ka.”
    “Sure yun lamang pala. E, kung gusto mo halfday tayo nood tayo ng sine.”
    “Sira, hahanapin ako ni Boss Angelo, kilala mo naman yun, ako na lamang yata ang kilala sa opisina?”
    “Kayo na ba?” pang-aasar nila sa akin.
    “Kadiri ka nga Josh Patrick, anong akala mo sa skin, kerida?” hanggang sa sasakyan ay nagkukulitan kami.   Masaya na talaga akong makita siyang masaya.
    Nasa office na ako at maraming ginagawa nang mag ring ang telepono.
    “Hi Miss Carillo, kumusta napapayag mo ba si Engr. Villanueva.” Boses ni Kenzo.
    “Hoy Mr. Kenzo Martinez, ikaw ba walang trabaho diyan ha?” mataray kong sagot sa kanya.
    “Tapos na po.”natatawang sagot niya.
    “Pwes, ako maraming ginagawa.”
    “Ayy sorry naman ma’am, diba break time naman ngayon, nagbakasakali nga lamang akong nariyan ka e.” nang tingnan ko relo ko oo nga naman 3:05 pm. Bakit kasi ang tagal ni Josh dumating.
    “Hindi ako nag memeryenda sa hapon saka about don sa tinatanong mo ayaw niyang pumayag” pagkukunwari ko.
    “How sad, akala ko pa naman na convince mo.  Sige hindi bale na lamang.”
    “Joke lang, oo pumayag na.”
    “Really, thank you very much Shayne!” nabigla naman ako sabigla niyang pagtawag sa akin ng Shayne normally kasi Miss Carillo ang tawag nya sa akin.  Magrereact pa sana ako pero nag paalam na siya at mukhang excited na excited.  Haist ang mga gwapo bakit ba ang hirap basahin ng gusto.

No comments:

Post a Comment

Read More Like This