Pages

Friday, April 14, 2017

My Innocent Lover (Part 3)

By: Lord Iris

Cyril POV

Day-off ko ngayon kaya di ako pumunta kila Sir Eros at masaya naman ang trabaho ko sa kanya kaso naalala ko pa din yung nagawa ko sa kanya kahapon aaaarrgghh!!!

Mabuti pa... wag ko na lang yun isipin at natapos ko naman na lahat ng mga kailangan sa school... ay hindi pala! Kailangan kong bumili ng columnar notebook!

Nagbihis ako ng maayos na damit at gusto ko palagi ang kulay puti kasi pag nag-suot ako ng black ay lumilitaw ang kulay ko na parang walang dugo at baka magmukha akong multo...

Pumunta ako sa pinaka-malapit na mall at pumasok ako sa isang book store para makabili na ako ng columnar notebook... may napansin akong isang libro na matagal ko ng gustong bilhin...

Tinititigan ko na lang ang libro na iyon na sinulat ng isang kilalang author... tungkol yun sa love at pag-sasakripisyo. Bibilhin ko kasi may pera pa naman ako at birthday ko kasi ngayon pero di na ako nag-celebrate...

Pagkatapos kong bumili sa bookstore ay pumunta ako sa may bench ng mall at umupo muna ako doon para basahin ang binili kong libro...

Mga ilang oras na din akong naka-upo doon kasi medyo makapal ang libro na binabasa ko... napatingin na lang ako sa paligid at maraming tao ngayon sa mall...

May lalaking umupo sa kaharap kong bench...

Maputi siya... malaki ang pagkaka-hawig niya kay Jake Ejercito na may halong Shawn Mendes at matangkad siya kagaya ni Sir Eros. Nagbabasa lang ako ng libro pero napapansin kong tingin siya ng tingin sa akin...

Tumingin ako sa kanya at ngumiti naman siya sa akin kaya parang naiilang ako... tumitig na lang ako sa binabasa kong libro at napansin kong tumayo yung lalake at papalapit na siya sa akin...

Tama nga ang hinala ko...

Kinakabahan ako dahil tumabi na siya sa akin...

Tumayo ako at naglakad ng mabilis at sa sobrang dami ng tao ay hindi na yata ako napansin nung lalake...

Uuwi na sana ako pero...

"Hi....". Boses ng isang lalake.

Lumingon ako at nakita ko siya kaya nagtataka ako at kinakabahan kasi di ako mahilig makipagkilala sa mga ibang tao...

Ngumiti siya sa akin at...

"Naiwan mo...". Sabi niya at nakita kong hawak niya ang columnar notebook.

Ang careless ko! Sa kakabasa ko ng libro ay naiwan ko ang importanteng bagay na sadya ko sa mall...

"Thank you...". Sabi ko sabay kuha ng columnar notebook sa kanya.

Inaabot niya ang kamay niya sa akin at mukhang gusto niyang makipag-kilala ako sa kanya tapos ngumiti pa siya sa akin...

"I'm Luther Velasco...". Sabi niya sabay abot ng kamay niya.

Nakipag-shake hands ako tapos ay...

"I'm Cyril Cortez...". Sabi ko at parang nabigla siya ng sabihin ko sa kanya ang pangalan ko.

Ngumiti siya sa akin at parang meron siyang iniisip kaya nagtataka ako...

Bigla niyang nilapit ang mukha niya sa akin at inamoy-amoy niya ako na parang aso...

"Anong ginagawa mo?". Nagtataka kong tanong.

Di siya sumagot at inaamoy niya lang ako na parang aso kaya lalo akong na-wirduhan sa kanya...

"Ang bango mo! Ikaw nga...". Nakangiti niyang sabi sa akin.

"Ano??? Anong ako nga???". Nagtataka at naguguluhan kong tanong sa kanya pero nakangiti lang siya sa akin.

Tumawa lang siya ng malakas at...

"Di mo ba ako naalala?". Tanong niya sabay ngiti ng nakakaloko.

Lalo akong naguluhan...

Sino ba talaga siya?

Ngayon lang naman kami nagkita at wala naman akong masyadong kilala na ibang tao eh...

"Si..ge alis.. na ako". Sabi ko at naglakad na ako palayo.

"Uy! Wait lang Cyril!". Sigaw niya at mukhang sumusunod siya sa akin.

Hinawakan niya ang kamay ko at napaharap ako sa kanya...

"Wag mo akong sundan...". Kinakabahan kong sabi sa kanya.

"Sorry... Wag kang matakot... gusto ko lang naman na makipagkilala sayo". Nakangiti niyang sabi.

"Eh diba kilala mo na ako?".

"Hindi yun... ang ibig kong sabihin ay gusto ko na maalala mo ako". Nalulungkot niyang sabi sa akin.

Nag-isip ako ng mabuti... pero kahit saang banda ay hindi ko talaga maalala kung sino siya kasi nga ngayon lang kami nagkakilala...

"Grabe ka! Kinalimutan mo na kaagad ang taong nagligtas sayo eh ako nga ang superhero mo!". Sabi niya na parang batang nagmamaktol at wala pa din akong maalala.

Superhero daw?

Niligtas niya daw ako?

Pero saan at kelan naman?

"Sino ka ba talaga?". Tanong ko.

Ngumiti na naman siya ng nakakaloko at nagdududa na ako dahil ngayon lang ako nakipag-usap ng matagal sa stranger...

"Gusto mo ba talaga na maalala ako?". Tanong niya habang nakangiti.

"Sige... bahala ka". Naguguluhan kong sagot sa kanya.

Lumapit siya at hinalikan niya ako bigla sa pisngi kaya nabigla ako at nag-init ang mukha ko tapos parang namumula ako...

Andaming tao! Nakakahiya pero di ako makapag-salita at parang naramdaman ko na ito dati...

Tama! Naalala ko na!

Siya yung lalake na nagligtas sa akin nung kinulong ako ng mga may gusto kay Eros sa isang room...

"Naalala na kita!". Nakangiti kong sabi sa kanya.

Tumawa lang siya at...

"Grabe kinalimutan mo na ako kaagad". Natatawa niyang sagot.

"Eh hindi ko naman nakita ang mukha mo eh kasi madilim". Sagot ko.

Ngumiti lang siya sa akin at...

"Di ko inaasahan na makikita ulit kita at hindi ko inaasahan na iisang tao lang pala kayo". Sabi niya.

"Huh? Anong ibig mong sabihin?". Naguguluhan kong tanong.

"Wala! Ang mahalaga ay friends na tayo ngayon". Nakangiti niyang sabi.

"Paano nga pala ako makakapag-pasalamat sayo?". Tanong ko.

"Wala na yun... wag mo ng isipin". Seryoso niyang sabi sa akin.

Ngumiti lang ako dahil mabait naman pala siya... akala ko kasi may gagawin siyang masama sa akin...

"May gagawin ka ba ngayon?". Tanong niya sa akin.

"Hhmm... wala naman". Sagot ko.

"Talaga? Date naman tayo!". Malakas niyang sabi.

"Huh? Date? Pero...". Di pa ako tapos pero sumingit na siya.

"Oo! Tayong dalawa at libre ko kasi friends na tayo". Nakangiti niyang sabi sa akin.

Mukha naman siyang mabait... papayag ba ako? Sige na nga! May utang na loob naman ako sa kanya...

"Sige... bahala ka". Mahina kong sabi.

"Halika na!". Sabi niya at hinawakan niya ang kaliwa kong kamay.

Dinala niya ako sa arcade at naglaro kami doon... masaya siyang kasama at ang galing niya mag-shoot ng bola...

Naglaro din kami ng iba pang mga games at andami na naming ticket...

"Halika! Ipapalit na natin itong tickets". Sabi niya at pumunta kami sa ticketbooth.

Pinapalit niya ang tickets sa isang cute na stuff toy at inaabot niya yun para sa akin...

"Para sayo ito...". Nahihiya niyang sabi sa akin.

"Talaga? Para sa akin?". Tanong ko at tumango lang siya sa akin.

Inabot ko ang cute na stuff toy at...

"Salamat...". Nakangiti kong sabi.

Hanggang sa napagod kami at may nakita si Luther na isang karaoke machine sa arcade.

"Cyril... punta tayo dun". Pag-aaya niya sa akin.

"Huh? Maraming tao... nakakahiya". Mahina kong sagot.

"Edi... ako na lang ang kakanta at panoorin mo ako". Nakangiti niyang sabi sa akin.

"Bahala ka...". Sagot ko at bigla na niya akong hinatak papunta doon sa machine.

Naghulog na siya ng token at pumili siya ng kakantahin niya... marunong naman ako kumanta pero madami ang tao kaya nahihiya ako...

Nagsalita muna si Luther bago siya nagsimulang kumanta...

"I will dedicate this song for my new friend". Sabi niya tapos ay kumindat siya sa akin  at nagsimula na siyang kumanta...

I'm only one call away
I'll be there to save the day
Superman got nothing on me
I'm only one call away

Call me, baby, if you need a friend
I just wanna give you love
C'mon, c'mon, c'mon
Reaching out to you, so take a chance

No matter where you go
You know you're not alone

I'm only one call away
I'll be there to save the day
Superman got nothing on me
I'm only one call away

Come along with me and don't be scared
I just wanna set you free
C'mon, c'mon, c'mon
You and me can make it anywhere
For now, we can stay here for a while
'Cause you know, I just wanna see you smile

No matter where you go
You know you're not alone

I'm only one call away
I'll be there to save the day
Superman got nothing on me
I'm only one call away

And when you're weak I'll be strong
I'm gonna keep holding on
Now don't you worry, it won't be long
Darling, and when you feel like hope is gone
Just run into my arms

I'm only one call away
I'll be there to save the day
Superman got nothing on me
I'm only one, I'm only one call away
I'll be there to save the day
Superman got nothing on me
I'm only one call away

I'm only one call away

Ang ganda ng boses niya at ang cool pakinggan pero naririnig kong nagtitilian ang mga babae malapit sa kanya...

Pogi siya at magaling kumanta kaya marami ang mga lumalapit na tao at kinukuhaan siya ng video...

Pagkatapos niyang kumanta ay lumapit siya sa akin...

"Ang galing ko ba?". Tanong niya.

Tumango lang ako at ngumiti...

"Bakit naman na-dedicate mo yung kanta sa akin?". Tanong ko naman.

"Eh kasi love kita...". Mahina niyang sagot pero narinig ko.

"Huh? Anong love?". Malakas kong tanong sa kanya.

"Love kita kasi friends tayo...". Sagot niya sabay ngiti ng nakakaloko.

Napatitig na lang ako sa kanya...

"Nagugutom ka na ba?". Tanong niya.

Tumango lang ako sa kanya at...

"Halika! Kain na tayo!". Sabi niya at hinatak na naman niya ako.

Dinala niya ako sa isang restaurant dito sa mall na mamahalin...

"Hhmm... Luther mahal dito ah... wala akong pera". Nahihiya kong sabi.

"Diba nga libre kita ngayon!". Sabi niya sa akin na parang confident.

At ayun nga... nilibre niya ako at napaka-mahal ng mga dishes dito pero masarap naman kaya lalo akong nahihiya kay Luther...

Tumititig lang siya sa akin habang kumakain kaya naiilang ako...

Pagkatapos namin kumain ay...

"Cyril punta naman tayo sa seaside". Pag-aaya niya sa akin at hinatak na naman niya ako papunta sa seaside.

Umupo kami sa seaside at hapon na pala... palubog na ang araw kaya malakas ang hangin at presko...

Umubo ng konti si Luther at mukhang may sasabihin siya sa akin...

"Ehem... Cyril may sasabihin ako". Sabi niya at parang seryoso siya.

"Huh? Ano naman yun?". Nagtataka kong tanong.

"Matagal ko na kasing gusto na makilala ka kaso...". Naputol niyang sabi sa akin at parang nahihiya siya.

"Bakit? Ituloy mo...". Sabi ko.

"Nahihiya ako na makipag-kaibigan sa iyo at ano...". Naputol na naman niyang sabi sa akin.

"Ano?... ituloy mo". Nakangiti kong sabi sa kanya.

"Hhmmm... next time ko na lang sasabihin sayo". Sagot niya.

Ngumiti ako sa kanya at napansin ko na tumitig lang siya sa akin tapos parang natulala siya sa akin at parang nag-blush siya...

"Napaka-cute mong tingnan". Sabi niya at parang wala siya sa sarili.

"Huh?". Nagtataka kong tanong.

"Ay wala! Wag mo na lang isipin". Nahihiya niyang sabi sa akin.

"Uuwi na ako... hapon na". Mahina kong sabi sa kanya.

Hindi siya sumagot at parang nalungkot siya bigla...

"Bye na Luther...". Sabi ko at tumayo na ako.

Bigla niyang hinawakan ang kamay ko at parang malungkot siya...

"Magkikita tayo ulit diba?". Nalulungkot niyang tanong.

"Syempre naman! Sobrang saya ko na kasama kita ngayon". Nakangiti kong sabi sa kanya.

Ngumiti siya sa akin kaya natutuwa ako at hindi na siya malungkot...

"Thank you Luther... birthday ko kasi ngayon". Mahina kong sabi.

Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko at parang nabigla siya ng sobra...

"Talaga? Birthday mo? Eh bakit mag-isa ka lang?". Sunod-sunod niyang tanong sa akin.

"Kasi wala na akong pamilya... pero ito ang pinaka-masaya kong birthday dahil sa iyo kaya salamat". Sabi ko at ngumiti siya sa akin.

Niyakap niya ako bigla at...

"Sobrang-saya ko din ngayon...". Bulong niya sa akin.

"Salamat Luther...". Bulong ko naman habang magka-yakap kami.

Kumalas na kami sa pagkaka-yakap at tumitig siya sa akin habang hinahawakan ang mga kamay ko...

"Sana maulit natin to...". Seryoso niyang sabi sa akin.

Tumango lang ako... kinuha niya ang number ko at naglakad na ako papunta sa bahay ko...

Ang saya-saya ko na nakilala ko ngayon si Luther... magaan ang loob ko sa kanya at sobrang bait niya...

Sana lagi ko na lang siyang kasama dahil masaya talaga ako ngayon at may bago na akong kaibigan tapos feeling ko special ako sa kanya...

Napaka-cute ng stuff toy na binigay niya sa akin kaya napapangiti ako tuwing nakikita ko yun...

Lunes na naman... papasok na naman ako sa school, pupunta kila Sir Eros at nahihiya ako sa kanya dahil sa aksidenteng halik na nagawa ko...

Naglalakad ako ngayon sa hallway papunta sa unang room na papasukan ko at hindi ko naman nakikita sa school si Sir Eros kasi masyadong malaki ang school at magkaiba pa kaming dalawa ng course...

Naalala ko tuloy si Luther... sabi niya sa akin dito din daw siya nag-aaral pero di ko naman siya makita at lagi siyang may text sa akin...

Parang na-miss ko tuloy si Luther kasi masaya talaga siyang kasama at siya ang una kong naging kaibigan...

Pumasok na ako sa una kong room at hinihintay ko na lang ang prof namin ngayon kaya nagbabasa na lang ako ng libro namin...

Dumating na yung prof namin at may dala siyang box na mukhang regalo at ang ganda ng pagkakabalot kasi may design na parang japanese...

Lumapit sa akin yung prof namin kaya nagtataka ako at inaabot niya sa akin yung regalo...

"Ehem! Mr. Cortez...". Sabi ni ma'am sa akin habang hawak ang box.

"Bakit po ma'am?". Magalang kong tanong sa kanya.

"May nagpapabigay sa iyo". Seryosong sabi sa akin ni ma'am.

"Huh? Sino naman po?". Nagtataka kong tanong sa kanya.

"Basta tanggapin mo na lang". Seryoso niyang sabi sa akin.

Sino kaya ang magbibigay ng regalo sa akin ngayon?

Wala namang nakakakilala sa akin na iba kaya sinong magbibigay?

Kinuha ko yung box ng gift at may nakalagay doon na dedication card kaya kinuha ko at binuksan ko para malaman ko yung nagbigay...

At talagang hugis heart pa yung dedication card kaya lalo akong nagtataka kung sino ang nagpadala tapos ginamit pa yung prof namin...

Binuklat ko na yung card at...

............

                     Nakakahiyang lumapit sa iyo kaya pinabigay ko na lang itong belated gift ko at sana magustuhan mo. HAPPY HAPPY BIRTHDAY TO YOU!!! ❤

                                             -Luther
............

Napangiti na lang ako sa nabasa ko at ang sweet talaga na kaibigan ni Luther kahit bago pa lang kami na magkaibigan kaya natutuwa ako...

Binuksan ko na ang box at sayang naman ang gift wrap kasi sobrang ganda pero kailangan punitin...

Pagbukas ko ng box ay parang hindi ako maka-paniwala sa nakikita ko...

Drawing papers, colored pencils na mamahalin, graphite pencils, charcoal pencils at mga drafting pencils ang laman na kailangan ko sa course ko...

Parang naiiyak na ako sa sobrang saya kasi naman sobrang mahal ng mga gamit na ito tapos niregalo lang sa akin ng isang kaibigan na bago ko pa lang nakilala...

Naluluha na talaga ako at gusto kong makita si Luther para magpasalamat ng personal pero nasaan kaya siya?

Nakinig na lang ako sa prof namin hanggang sa matapos ang discussion tapos pumunta na ako sa library...

Habang naglalakad ay may narinig akong tumawag sa akin at...

"Cyril!!!!". Malakas niyang sabi.

Lumingon ako at nakita ko si Luther na nakatayo sa may likuran ko kaya tumakbo ako palapit sa kanya...

"Luther... thank you! Hindi mo alam kung gaano ako natuwa sa ginawa mo". Sabi ko sa kanya at parang maiiyak na naman ako.

"Oh! Wag kang umiyak... diba ako na ang bestfriend mo?". Sabi ni Luther at pinunasan niya ang mga mata ko.

"Masaya lang talaga ako ngayon...". Sabi ko at ngumiti na ako sa kanya.

"Yakapin mo naman ako...". Malambing na sabi ni Luther sa akin.

Ngumiti ako at niyakap ko siya ng mahigpit kasi sobrang saya ko talaga. Hindi naman dahil natuwa ako sa regalo niya kundi masaya ako kasi ngayon lang ako naka-tanggap ng regalo galing sa ibang tao...

Bigla na lang may humatak sa akin kaya napakalas ang pagkakayakap ko kay Luther at...

"Bitawan mo siya!". Malakas na sabi ng lalake na parang galit.

Lumingon ako at nabigla ako nung makita ko kung sino siya...

"Sir... E..ros...". Nauutal kong sabi.

Ang higpit ng hawak ni Sir Eros sa kamay ko at parang galit siya kaya natatakot ako...

"How dare you touch him!". Sabi ni Luther at parang galit na din siya.

"He is mine! You should not touch a property which is not yours!". Sagot naman ni Sir Eros at parang nanggi-gigil ang boses niya.

Magkakilala ba sila? Siguro... kilala naman kasi talaga si Sir Eros sa buong school kasi sikat siya...

"A property? He is not a property and as far as I know... you can't buy a person". Sagot naman ni Luther.

"He is my personal assistant so keep yourself away from him!". Sigaw ni Sir Eros at parang humihigpit yung hawak niya sa akin.

"He is my bestfriend at pwede naman siyang mag-apply na PA ko". Sagot naman ni Luther.

Hindi ko na alam ang nangyayari...

Lalong humihigpit ang hawak ni Sir Eros sa akin kaya nasasaktan na ako at dapat na akong mag-react...

"Uuhhmm... Sir Eros... masakit po". Mahina kong sabi sa kanya.

Napatingin siya sa kamay niya na nakahawak sa akin at binitawan na niya ito tapos parang nagulat siya...

Nagtitigan sila ng masama at parang anytime ay lalapa na sila ng tao kaya natatakot ako at hindi ko alam ang gagawin ko ngayon...

"Cyril... wag kang lalapit sa kanya kasi hindi mo siya kilala". Seryosong sabi sa akin ni Sir Eros.

"Huh? Bakit naman po?". Tanong ko.

"Eh sino kaya ang masamang tao? Sino ba ang nang-aagaw?". Naiinis na tanong ni Luther kay Sir Eros.

Parang natahimik bigla si Eros at lalo lang naging masama ang mga tinginan nilang dalawa kaya kinakabahan na ako at baka mag-sapakan sila tapos ma-suspend pa ako dito sa school...

"Ehem! Sir Eros... mabait po si Luther". Seryoso kong sabi.

"Exactly!!! Di mo alam ang habol niya sayo kaya lumayo ka". Seryosong sabi sa akin ni Sir Eros.

"Watch your words Eros!". Galit na sabi ni Luther.

Lalo lang akong naguguluhan sa mga nangyayari kaya hindi ko na alam ang iisipin ko...

"Halika na!". Sigaw ni Sir Eros sa akin at bigla niyang hinatak ang kamay ko.

"Saan niyo po ako dadalhin?". Natatakot kong tanong sa kanya.

"Sa mansion tayo mag-usap!". Galit niyang sabi habang hinahatak ako.

Lumingon ako at nakita ko si Luther na parang malungkot kaya naiinis na din ako sa ginagawa ni Sir Eros pero siyempre hindi ako pwedeng magpakita ng inis sa kanya at baka magalit siya lalo sa akin...

Nakaka-awa naman si Luther pero wala akong magagawa kundi sumunod kay Sir Eros...

Sinakay niya ako sa kotse niya at hindi siya nagsasalita hanggang sa makarating kaming dalawa sa mansion nila...

Pumasok kami sa kwarto niya at ni-lock niya ang pintuan kaya mas lalo akong kinakabahan sa kanya...

"Sir... galit po ba kayo sa akin?". Kinakabahan kong tanong.

"Hindi! Pero gusto ko sana na sundin mo ang sasabihin ko". Seryoso niyang sabi sa akin.

Tumango na lang ako sa kanya at nagsalita na siya...

"Wag ka nang lalapit sa lalakeng yun". Seryoso niyang sabi.

"Huh? Hindi po pwede kasi magkaibigan po kami". Naguguluhan kong sagot sa kanya.

"Cyril!!! Hindi mo siya kilala kaya sundin mo ang utos ko". Naiinis na sabi sa akin ni Sir.

"Pero mabait po siya... at siya po ang una kong naging kaibigan". Malungkot kong sabi sa kanya.

"Tsk tsk tsk pagsasamantalahan niya lang yung ka-inosentehan mo!". Galit niyang sabi sa akin.

"Huh? Bakit naman po? Mabait po si Luther at...". Di pa ako tapos magsalita pero inunahan na niya ako.

"Hindi mo pa siya kilala! Lumayo ka na lang sa kanya!". Sigaw niya sa akin.

"Bakit naman po?". Nagtataka kong tanong sa kanya.

"Basta makinig ka na lang!". Sigaw niya ulit kaya nabibingi na ako.

"Hindi po ako lalayo sa kanya kapag di niyo sinabi ang dahilan". Mahina kong sabi kay Sir Eros.

Huminga ng malalim si Sir Eros at parang lalamon na siya ng tao kaya lalo akong natatakot...

"Bakla ka ba?". Seryoso niyang tanong sa akin.

Umiling-iling ako bilang pagtanggi sa tanong niya...

"Yun naman pala eh! Kung hindi ka bakla lumayo ka sa kanya". Seryoso niyang sabi sa akin.

"Huh? Bakit po?". Naguguluhan kong tanong sa kanya.

Parang tumalim ang tingin niya sa akin at lalo na akong kinakabahan.

"Bisexual si Luther at sigurado akong may gusto yun sayo kaya lapit siya ng lapit". Seryoso niyang sabi sa akin.

"Ano naman pong masama dun?". Mahina kong tanong sa kanya.

Parang nagulat siya sa tanong ko at napa-nganga na lang siya bigla...

"Hindi ka ba natatakot na baka mamaya manyakin ka nung homo na yun o kaya naman di ka ba nandidiri na lumapit sa kanya?". Nagtataka niyang tanong sa akin.

Umiling-iling lang ako sa kanya at...

"Kilala ko po siya at hindi niya po yun gagawin sa akin... at wala naman pong masama sa pagiging bisexual niya kasi mabait po siya". Nakangiti kong sagot sa kanya.

Napakamot na lang si Sir Eros dahil sa sagot ko sa kanya...

"Bahala ka! Basta sinabihan na kita". Naiinis niyang sabi sa akin.

Naghubad siya bigla ng pang-taas niya kaya nagulat ako at humiga siya sa kama niya...

"Gawin mo na yung assignments ko". Sabi niya habang naka-pikit.

"Opo sir...". Sagot ko at kinuha ko na ang bag niya.

Habang sinasagutan ko ang mga assigments ni Sir ay napatingin ako sa kanya at tulog na siya...

Naalala ko bigla yung nahalikan ko siya kaya nag-init ang mukha ko...

Kelan kaya yun mabubura sa utak ko?

Tinapos ko na lang ang assignments ni Sir Eros at napangiti ako kasi dala ko ang regalo sa akin ni Luther at buti na lang di yun napansin ni Sir kasi baka mamaya itapon niya...

Kinuha ko ang phone ko at walang text sa akin si Luther at hindi naman ako makapag-reply sa kanya kasi wala naman akong load...

Nasaan kaya si Luther?

Galit kaya siya sa nangyari kanina?

Gusto kong kausapin si Luther at gusto kong humingi ng pasensya sa ginawa ni Sir Eros sa kanya...

Nandito lang ako ngayon sa loob ng kwarto ni Sir Eros at ang pogi talaga niyang tingnan kapag tulog siya...

Naalala ko na naman yung halik...

Anu bayan! Lagi ko na lang naalala yun at di ko naman sinasadya pero kapag sumasagi yun sa isip ko ay namumula na lang ako bigla...

Pwede na kaya akong umuwi? Natapos ko na kasi lahat ng mga pinapagawa niya sa akin eh...

Baka mainis si Sir Eros kapag di ako nag-paalam pero ayoko kasi nitong pakiramdam na ano...

Natutuwa kasi ako kapag tinititigan ko siya habang natutulog...

Bigla na lang may kumatok sa pinto kaya lumapit ako para mabuksan...

"Kuya Eros! May bisita ka...". Sabi ng bata at alam kong si Era yun.

Pagbukas ko ng pintuan ay nakita ko nga si Era na nakangiti...

"Nasaan po si Kuya Eros?". Nakangiting tanong sa akin ni Era.

"Tulog pa siya eh... pagod siguro". Nakangiti kong sagot kay Era.

"Ako na lang po ang gigising sa kanya". Natatawang sabi ni Era.

Pumasok siya sa loob ng kwato at niyuyugyog niya ang kama ni Eros kaya mukhang naalimpungatan na yung kuya niya...

"Kuya! Gising na...". Sabi ni Era habang niyuyugyog ang kama.

"Wait lang Era... inaantok pa si kuya". Malambing na sabi ni Eros habang nakapikit.

Mabait talaga at malambing si Eros sa kapatid niya at lalo akong nagtataka kung bakit salbahe siya sa ibang tao kagaya ko...

"Kuya may bisita ka...". Malambing na sabi ni Era sa kanya.

"Hhmm... sino naman?". Tanong ni Eros at bigla niyang kiniliti sa giliran si Era.

Ang cute nilang tingnan habang naghaharutan at sana may kapatid din ako kaso wala...

Hindi na tuloy makapag-pagsalita si Era dahil kinikiliti siya ng kuya niya a at ngayon ko lang nakita si Eros na masaya kaya napapangiti ako...

Bigla akong napadaan ng tingin ni Eros at huminto na siya sa kaharutan niya kay Era...

Parang nagulat siya at mukhang nakalimutan niya na nandito ako. Tumitig siya sa akin ng masama pero ngumiti na lang ako sa kanya...

"Kuya... nandiyan si Ate Shane". Biglang sabi ni Era.

Parang nataranta si Eros sa sinabi ni Era at nagmamadali na siyang magbihis ng damit...

Sino kaya yung Shane?

"Bakit ngayon mo lang sinabi?". Tanong ni Eros kay Era pero hindi siya mukhang naiinis.

Tumawa lang si Era at...

"Ikaw kasi kuya... kinikiliti mo ako kaya di ako makapag-salita". Tumatawang sabi ni Era.

Pagkatapos magbihis ni Eros ay lumabas na siya ng kwarto at bumaba na siya ng hagdanan...

Naiwan na lang ako at si Era dito...

"Hhmm... Era sino yung Shane?". Nagtataka kong tanong sa kanya.

"Girlfriend po siya ni kuya...". Nakangiting sabi sa akin ni Era.

Parang nabigla ako sa sinabi niya...

May girlfriend pala si Eros?

Marami pa akong hindi alam sa kanya pero gusto ko talaga siyang makilala at sana maging magkaibigan kami ni Eros kaso mukhang malabo...

"Kuya Cyril... baba tayo". Nakangiting sabi sa akin ni Era.

Bumaba kami ng hagdanan at nakita ko ang magandang babae na mukhang koreana na nakapulupot sa braso ni Eros...

Parang bumigat ang pakiramdam ko...

Bakit parang nalungkot ako? Parang disappointed ako nung nakita ko na may girlfriend na pala si Sir Eros...

"Hhmmm... Eros sino siya?". Tanong nung babae kay Eros.

Tumingin sila sa akin at ngumiti na lang ako sa kanila...

"He's my new PA". Matipid na sagot ni Sir Eros.

Lumapit sa akin yung babae at bigla niyang pinisil ang mga pisngi ko kaya nagulat ako...

"Oh my gosh! He is so cute... and so adorable...". Sabi nung babae habang pinipisil ang mga pisngi ko.

"Hoy! Wag mo siyang pag-tripan". Biglang sabi ni sir sa kanya.

Tumigil na yung babae sa kakapisil sa mga pisngi ko at tumitig siya sa akin tapos ngumiti...

"My gosh! You look like a real life doll! Your so cute at grabe yung kutis mo sobrang kinis tapos parang wala kang dugo". Namamangha na sabi sa akin nung babae.

Ngumiti na lang ako sa kanya at...

"I'm Shane and I'm Eros' girlfriend". Sabi niya at nakangiti siya sa akin.

Nakipag-shake hands ako at...

"I'm Cyril... masaya po akong makilala kayo". Nakangiti kong sabi sa kanya.

"Wow! Para kang bata... gumagamit ka pa ng po at opo hahah. You look so innocent and shy". Natatawa niyang sabi sa akin.

"Buti nasisikmura mo yung ugali nitong si Eros hahah. Ako kasi na-immune na!". Tumatawa niyang sabi at bumalik na siya sa pagkakapulupot sa braso ni Sir Eros.

Naglakad na sila ni Eros papunta sa may pool nila at mukhang may date sila doon...

"Grabe yung PA mo! Mas maganda pa yun sa akin kung naging babae yun". Sabi niya kay Eros habang naglalakad sila palayo.

Umupo sila sa pool side at parang ang sweet ni Shane kay Eros pero parang nalulungkot ako nung nakita ko sila na magkasama...

Bakit ko nararamdaman ito?

Dapat hindi na ako nag-iisip ng ganito kasi PA lang naman ako ni Sir Eros. Hindi kami magkaibigan...

Wala nga akong alam sa kanya...

Dapat kong tanggapin na trabaho ko lang ito and in short... tagagawa lang niya ako ng assignments, projects, school works at utusan lang ang tingin niya sa akin...

Ang mahalaga... may sweldo ako at nakakapag-aral ako ngayon pero nakakalungkot isipin na wala siyang pakialam sa akin...

Gusto ko na maging kaibigan si Sir Eros pero mukhang hindi na mangyayari yun kasi malinaw naman na kailangan niya lang ako dahil sa trabaho ko...

Parang naluluha ako dahil sa mga iniisip ko pero yun naman talaga ang katotohanan...

"Kuya Cyril! Bakit malungkot ka?". Nagtatakang tanong ni Era.

Nagulat ako kasi nakatitig lang ako kila Eros at baka mamaya napapansin na yun ni Era...

"Ok lang ako...". Mahina kong sabi.

"Alam ko na! Laro na lang tayo para hindi ka naman po malungkot". Nakangiting sabi ni Era.

Napangiti na lang din ako kasi ang bait talaga ni Era at sana ganun din ang kuya niya...

Kinuha ni Era ang mga laruan niya at mga lego yata ang tawag doon...

Nilaro na lang namin yun at bumubuo kami ng malaking bahay at marunong ako mag-isip ng magandang design...

"Kuya Cyril! Ang galing mo naman po mag-buo ng lego". Namamangha na sabi ni Era sa akin.

"Dapat lang... Architecture kasi ang course ko eh". Nakangiti kong sabi sa kanya.

"Ang galing naman po! Sana lagi niyo na lang po akong kalaro". Nakangiti na sabi sa akin ni Era.

"Pwede naman... basta natapos ko na ang mga pinapagawa ni kuya mo". Sagot ko sa kanya habang nagbubuo ng mga lego.

"Sige! Laro po tayo ulit bukas...". Masaya niyang sabi sa akin.

"Sure! Masaya naman ako kasi parang kapatid na kita". Nakangiti kong sabi sa kanya.

Nagbubuo na lang kami ng lego at malapit na kaming matapos pero nakaka-enjoy naman pala na laruin ang mga ito at parang bumabalik ako sa pagkabata...

"Hindi ba kayo naglalaro ni kuya mo?". Tanong ko kay Era.

"Hindi po... pero malambing naman po siya sa akin at binibigay niya po ang mga gusto ko tapos minsan pumapasyal po kaming dalawa". Nakangiting sabi ni Era sa akin.

"Yung kuya mo... ganun ba talaga ang ugali niya?". Hindi ko alam pero yun na lang ang natanong ko.

"Hindi naman po! Mabait po talaga dati si Kuya pero naging masama po ang ugali niya nung namatay si mama". Malungkot na sabi ni Era.

"Ay... sorry Era! Hindi ko naman alam na wala na pala yung mama niyo". Nag-aalala kong sabi sa kanya.

"Ok lang po... matagal na po yun pero miss na miss ko na si mama". Sabi ni Era at parang naiiyak na siya.

Niyakap ko na lang siya para hindi na siya umiyak at ang gaan ng loob ko kay Era tapos parang kapatid ko siya...

"Ako din... miss ko na ang mama ko". Malungkot kong sabi sa kanya habang nakayakap.

Kumalas sa pagkakayakap si Era at tumingin siya sa akin...

"Wala ka na pong mama?". Nag-aalala na tanong sa akin ni Era.

Umiling-iling na lang ako sa kanya at nalulungkot ako...

"Nasaan po ang papa niyo?". Tanong ulit sa akin ni Era.

"Hindi ko siya kilala kasi iniwan niya kami ni mama...". Malungkot kong sabi sa kanya.

"Sino po ang kasama niyo sa bahay?". Nalulungkot niyang tanong sa akin.

"Wala... mag-isa lang ako palagi". Malungkot kong sabi sa kanya.

Niyakap na lang ako ni Era at natutuwa ako kasi ang sweet talaga ng batang ito...

"Ang sweet niyo naman... mas mukha pa kayong magkapatid".

Napatingin kami ni Era ng marinig namin yun at nakita namin ang papa ni Era na nakangiti...

Ngumiti na lang din ako at napatingin ako sa orasan ko at malapit na palang dumilim kaya uuwi na ako...

"Uuhhmm... uuwi na po sana ako". Nakangiti kong sabi sa papa niya.

"Sige... magpa-alam ka muna doon kay Eros". Sabi sa akin ng papa niya.

"Busy po sila ng girlfriend niya at baka maka-istorbo po ako pero natapos ko naman na po lahat ng pipapagawa ni Sir Eros". Mahina kong sabi sa kanya.

"Aalis ka na kuya Cyril?". Nalulungkot na tanong sa akin ni Era.

Tumango na lang ako sa kanya at ngumiti din ako...

"Paki-sabi na lang sa kuya mo na umuwi na ako...". Sabi ko sa kanya.

"Sige po... bye...". Sabi ni Era.

Umalis na ako at naglakad na ako pauwi sa bahay ko... mabait daw pala si Eros dati. Namatayan din ako ng mama pero hindi naman nagbago ang ugali ko...

Ano na kaya ang gagawin ko ngayon?

Sana kung mabait siya dati ay bumalik yung dating ugali niya...

Itutuloy...........

No comments:

Post a Comment

Read More Like This