Pages

Friday, April 14, 2017

Taste of A Sailor (Part 1)

By: JR the sailor

Hi! Ako nga pala si Jay R, 23 years old at kasalukuyang naglalayag sa gitna ng karagatan,  nakatira ako sa sa isang probinsya sa Timog Katagalugan kung saan kilala ang kapeng barako at balisong, 5’5 ang height ko, medium built at Pinoy na Pinoy ang itsura ko. Ako yung tipong hindi mo lilingunin kapag nagkasalubong tayo. Hehe
Hindi namn ako pangit at hindi namn ako kagwapuhan. May nagsasabing cute at pogi daw ako (bukod sa nanay ko at mga tindera sa palengke Hahahaha ) pero typical Filipino ang itsura at features ko.

 Hindi tulad ng ibang manunulat dito na beterano na, unang pagkakataon ko pa lang magpasa ng kwento. Kaya pagpasensyahan nyo na kung hindi maganda ang pagkakagawa. Sobra lang talaga ako na inspired sa mga author na bihasa at magaling sa pagsusulat ng kwento katulad nina Lord Iris, Josh, Ryan, DreamCatcher at marami pang iba. Sila ang naging inspirasyon ko upang gumawa rin ako ng aking storya . Pikit mata ko itong ginawa. Dahil hindi ko alam kung magugustuhan ba ito ng mambabasa sa KM. At sana maipost to ng admin this week. Hehehe.

Ang storyang ito ay hindi iikot sa buhay ko. Kathang isip lang po ang bawat pangyayari sa kwento mapa tao, lugar at oras man. . Pagpasensyahan nyo na kung hindi maayos at pulido ang pagkakagawa. Im willing to accept constructive criticisms. Don't hesitate to put your comments below hehe.Para maging maayos ang aking susunod na paglalahad ng kwento. Maraming salamat at enjoy! 

Sabi nga nila mararamdaman mo ang pag-ibig sa panahong kung kelan ka hindi  handa,sa sa mga lugar at oras na hindi mo inaasahan. Sa mga taong nakkasalamuha mo araw araw. Sa mga estranghero na iyong nakakadaupang palad. Wala itong pinipiling pagkakataon. Tag ulan man o tag-araw. Traydor ang pag-ibig. Bigla ka na lang bibiktimahin kung kelan ka hindi handa. Walang sintomas o palatandaan kang mararamdaman na inlove ka na pala. At hindi mo na napapansin na huli at wala nang gamot upang isalba ang iyong sarili sa bitag ng pag-ibig. Game Over.
Alas Otso ng gabi habang nakaupo ako  sa aming balkonahe ay biglang umihip ang malamig na hangin dahilan upang sumayaw ang bawat hibla ng aking buhok patungo sa aking mukha. Hindi ko namalayan na unti unti na rin pumapatak ang butil ng luha sa aking mata at patuloy na umaagos pababa sa aking mukha. Gamit ang palad ko ay malumanay kong pinunasan ang maalat na tubig na nanggagaling sa aking mata. Pakiwari ko ay naramdaman ata ng kalangitan ang aking paghihinagpis sapagkat nag uumpisa na rin bumuhos ang ulan.
    Malayo ang aking tingin sa kawalan at pilit akong naghahanap ng kasagutan sa mga bagay na nangyayari sa akin. Maraming tanong ang lumulunod sa aking pagod na isipan. Mali ba ang magmahal? Ano ang aking pagkakamali? Ano ang aking kasalanan? Bakit kailangan kong pag daanan ang mga bagay na ito? Ilan lang yan sa mga tanong na bumabagabag sa akin.

Kring. Kring. Krinnngggg.
Iminulat ko ang aking mata at agad pinatay ang alarm clock na kanina pa pala tumutunog.
Ika 5 na ng umaga, kailangan ko ng maghanda upang pumasok sa school. (First day ko pala bilang isang college student, excited na ako pero mas lamang ang kaba na aking nararamdaman dahil panibagong simula na naman ito para sa akin)

At nang masiguradong maayos na aking sarili ay agad akong nagpaalam at nagmano sa aking mga magulang at tinahak ang pinto palabas ng bahay.
Nasa kalagitnaan pa lamang ako ng paglalakad ay agad bumuhos ang mahinang ulan. Mabilis kong kinuha sa aking itim na bag ang isang folding umbrella at agad na binuksan upang hindi tuluyan mabasa ng ulan.  Mabilis rin namn ako naksakay ng Jeep patungong eskwelahan.
Pagkababa ko ng jeep ay laking pasalamat ko at tumahan na sa pag iyak ang kalangitan (Medyo malayo pa kasi ang aking lalakadin patungong main gate ng school) Habang binabaybay ko ang daanan patungo sa School ay hindi ko maiwasan makaramdam ng inggit sa mga estudyanteng aking nakakasalubong sakay ng sarili nilang mga Oto, ang iba namn ay hatid ng kanilang magulang. “Kung kasing yaman nila sana ako” bulong ko sa aking sarili….
Ngunit Mabilis kong iniling iling ang aking ulo at pilit binibigyan ng lakas ng loob ang sarili,

“Hoy Edward, Ano ka ba? Maswerte ka nga at ngaaral ka sa ganitong uri ng unibersidad, may mapagmahal na pamilya, walang sakit na nararamdaman,may maayos na tahanan na tinitirhan.Magpasalamat ka na lang sa mga bagay na meron ka!”
Yan ang tuwinang sinisigaw ko sa aking sarili tuwing nakkaramdam ako ng inggit at umaatake ang pagiging NEGATRON ko hahhaahaha

Nang biglangggg…….
(SPLASHHHHH) Tanging talamsik ng tubig at putik ang naramdaman kong dumampi sa aking balat. Isang katamtamang bilis ng sasakyan ang dumaan sa aking tagiliran dahilan upang mabasa ang aking uniporme ng putik at tubig mula sa kalsada.
Nagulat ako sa nangyari ngunit nanaig sa akin ang inis at pagka Badtrip.
Buti na lang at kulay itim ang aking suot at di gaanong halata ang dumi.

Napansin kong huminto ang kotse sa bandang unahan ko, siguroy hihingi  ng paumanhin ang driver sa mga nangyari. Bumaba ang salamin ng bintana.

Isang makisig na lalaki ang aking nasilayan, artistahin ang dating nito at halatang anak mayaman,matangos ang ilong, bilugan ang mga mata nitong kulay tsokolate, makinis at Maputi ang kutis nito, manipis at mapula ang kanyang labi (Kahawig nya si Ian Veneracion nung 20 yrs old pa lang sya) dahil nga bukas ang bintana nito ay naamoy ko rin ang kanyang pabango. (ang sarap amuyin,amoy malinis, hindi matapang bagay na bagay sa kanya)

(Oo isa akong bisexual at naattract ako sa kapwa ko lalaki ngunit pinili ko na lamang  itago ito upang hindi ko na mabigyan pa ng kahihiyan ang aking pamilya. Upang makaiwas na rin sa mapanghusgang mata ng lipunan. Tiyak kutya at masasakit na salita lamang ang aking sasapitin kung nagkataon. Ngunit pagdating sa  kilos at pananamit ay panglalaki pa rin aking gusto.) ok balik tayo sa kwento hahaha

Natagpuan ko ang sarili  nakatulala lang sa makisig na lalaki sa loob ng kanyang sports car na itim. Parang ayaw ko nang matapos ang tagpong iyun. Nang……  isang sigaw ang nagpabalik ng aking ulirat.

“Hoy Gago! Tumabi ka sa daanan ko kung ayaw mong sagasaan kita! Panira ka ng Umaga!
Damn you ! Get Lost! “

Biglang gumuhit ang kunot sa aking noo. At nagsalubong ang aking dalawang kilay. Akmang magsasalita sana ako ay bigla nyang pinaandar ang kanyang kotse patungo sa loob ng school. Napansin kong nakasuot rin sya ng School ID na kaparehas ng akin. Kaya alam kong studyante rin sya sa school na aking papasukan at mgkukrus pa ang landas namin.

Nasira na nga ang umaga ko dahil sa pangyayari. Ngunit pilit ko munang isinantabi ang mga iyon upang maging maganda ang impression ng First Day of school ko. Ika nga nila FIRST IMPRESSION LAST.

Agad kong hinanap ang aking Room sa una kong klase. Philosophy and Logic Room 214. Hindi naman ako nahirapan makita ito. Pagpasok ko ay iilan pa lang ang estudyante na nsa loob. Agad akong naupo sa isang upuan sa bandang likod. Dahil nga sa wala akong kakilala pa at hindi pa rin dumadating ang aming professor ay napagpasyahan ko munang mag laro ng games sa aking Cellphone.
Ngunit halos isang oras na ang lumipas ay wala pa rin dumating kaya napagpasyahan ko munang magtungo ng CR upang umihi at mag ayos ng sarili. Ngunit bago pa man ako makatayo ay may pumasok na grupo ng estudyante, 4 silang lahat.  3 ang lalaki at may isang babae.

Una kong napansin ang isang lalaking may katangkadan, napansin nya sguro na nakatitig  ako sa kanya kaya tumingin sya sa akin at matipid na ngumiti. Para akong nakuryente sa tagpong yun . Nakakatunaw at nakakapanghina ang mga ngiting iyun. At nang Bumalik ako sa aking katinuan ay ginantihan ko rin sya ng ngiti( nacurious ako kung bakit nya ako binigyan ng matamis na ngiti eh hindi namn kami mgkakilala pa.
Baka naman it's just mode of saying ‘’ Hey ‘’bilang kaklase nya) yan ang bagay na pumasok sa aking isipan.

Tantya ko ay may taas syang 6’1, Maputi at makinis ang balat, maganda ang pagkakaayon ng kanyang makapal na kilay, bagay na bagay sa kanya ang   kulay grey na mata (nakakatunaw syang tumingin grabeee) , pantay pantay na ngipin, matangos na ilong, ang linis rin nyang tingnan sa kanyang gupit na undercut. Bagay sa kanya ang suot na leather jacket. Tila isang perpektong nilalang ang nasa aking harapan.

Cute din namn ang isa nilang kasama. Chinito at maputi, siguroy 6’0 ang taas at mukhang nobya nya ang kanyang kasama dahil mgkahawak sila ng kamay nung dumating.

 At biglang natauhan ako at bumalik sa huwisyo dahil…

Naramdaman kong may dalawang pares ng mata na nakatingin sa akin. Mula ito sa isang pamilyar na mukha. Oo hindi ko malilimutan ang mukhang yun. Ang taong sumira ng umaga ko. Ang taong sinigawan ako kaninang umaga. Ang taong nakasakay sa kanyang sports car.  Bigla syang Nagsalita ng malakas

Look who's here!? The walking disaster!
Bulyaw nya sa akin.

Ginantihan ko sya ng matatalim na tingin at magkasalubong na kilay.(Hindi naman kasi ako pala away na tao kaya nanahimik na lang ako)
Malamang naalala nya ang nangyari kanina. Ngunit sa itsura nya ay mukhang wala syang pakialam. Nagtataka rin ang 3 nyang kasama sa tagpong yun, kung bakit kami nagtititigan ng masama. At anu ang ibig nyang sabihin sa mga katagang iyon.

Naputol ang tagpong iyun ng biglang bumukas muli ang pintuan at isang matandang babae ang pumasok, may Dalang bag at basang payong, ang aming Professor.. Kasabay nuon ay humingi sya ng Paumanhin

Prof: Sorry Class for being so late today, I just need to fixed some problems before heading to school. I am very sorry for that, wika ng aming Prof. 

Katulad ng FIRST DAY OF SCHOOL RITUALS you need to introduce yourself to the whole class. And let's t start with you, ani ni Maam sa kaharap nya.

Nagsimula na nga silang magpakilala bawat isa. Nakakamangha dahil halos lahat ay pare parehas sila ng estado sa buhay. Kung hindi business owners ang magulang ay may mataas na posisyon sa mga malalaking kumpanya. Kaya nakaramdam ako ng konting hiya dahil di tulad nila eh isa lang akong simpleng mag aaral mula sa payak na pamilya.

Ny name is
Stefano Nathaniel Montenegro, 20 yrs of age, We're the owner of Montenegro Group of Companies. My father is the CEO while my Lolo was the founder. We're one of the known business tycoons in the Philippines. I dont need to elaborate myself anymore because I think most of you ay kilala na ako. 

Napataas ako ng kilay sa huling sinabi nya.

Ako:I dont think so, hindi nga kita kilala eh, (hindi ko napansin na napalakas pala ang aking pagkakasabi nun kayat nagtinginan silang lahat sa akin)

Stefano: Am I talking to you?Do you want to say something Mr?  Sabay tingin sa akin.
Ako:Are you talking to me? (pang iinis ko sa kanya)

Nakita ko rin na napangiti yung 3 na kasama ni Stefano. At naguguluhan sa nangyayari.

Stefano : Well you must do some research. Just google us. Don't be surprised on what you may discover (pagmamayabang na sambit nya)
Dinedma ko na lang at nakinig na lang sa mga susunod na magpapakilala.

Nalaman kong Jacob pala ang pangalan nung lalaking ngumiti sa akin, si Slater namn yung Chinito at si Bella yung magandang gf nya. Katulad ni Stefano . May kaya din sila sa buhay.

Hindi ko napansin na halos natapos na pala lahat silang magpayabangan este magpakilala. At ako na lang ang hindi.
Taas noo akong tumayo at..

My name is Edward Rosales, 19 yrs of age, unlike most of you hindi ako mayaman, wala kaming family business, at hindi rin kami WELL KNOWN BUSINESS TYCOONS in Philippines .If you're not convinced you can do some research and Google us as well . (Pagdidiin ko at sabay tingin kay Stefano)
Nagtitinda ng gulay ang nanay ko sa palengke at ang tatay ko naman ay magsasaka. Proud ako sa kanila at marangal ang kanilang hanap-buhay.

Siguro ay nagtataka kayo kung bakit ako nakapasok sa ganitong kamahal na Unibersidad. Yes, I am scholar here.Umaasa akong magiging maayos ang pananatili ko sa school na ito. At sana ay magkaroon din ako ng kaibigan sa inyo. Salamat.
Finally natapos rin yung Introduced yourself thing na yun, para akong nabunutan ng tinik. Umalis na rin ang aming Prof pagkatapos kuhanin ang aming attendance. Bukas na lang daw nya itutuloy ang subject orientation.

Nagsimula na rin magtayuan ang iba naming kaklase dahil lunch break na rin ang kasunod. Kinuha ko na rin ang aking gamit at naghanda na rin para umalis nang….
-Malapit na ako sa pintuan nang may humila at humigit ng braso ko.. Si Stefano.

Stefano :Dude, akala mo ba palalampasin ko yung ginawa mo sa akin ha? Do you have any problem with me?
Ako: Huh? Ano ba ang pinagsasasabi mo?
Stefano: Gusto mo ba akong subukan? Wala ka talagang ideya kung sino ako no? Montenegro ang apleyido ko! (Pagdidiinin nya)
Ako: (Napuno na talaga ako at ramdam na ramdam ko na tumaas ang lahat ng dugo ko sa aking ulo) Tinaasan ko na rin sya ng boses

Ako: Wait, as far as I know ikaw yung may atraso sa akin, ako yung naagrabyado mo po! , Eh Simpleng SORRY o PAUMANHIN nga eh wala akong narinig mula sayo. Tapos ikaw pa itong sinigawan ako kanina? Parang ako pa sinisisi mo eh ikaw tong kaskaserong magpatakbo ng sasakyan! Ayos ka rin ano? Reverse psychology ganun?

Oo kilala na pala kita hindi ko na kailangan magRESEARCH or igoogle, ikaw si Stefano Montenegro na MAYABANG, AROGANTE, BASTOS AT DAKILANG SPOILED BRAT! Bulyaw ko sa kanya.

Biglang mas dumiin ang hawak nya sa aking braso at ang isang kamay nya ay nakatikom na para aamba ng suntok. Bago pa man lumapat ang kamao nya ss aking mukha ay inawat na sya ni Jacob.

Jacob: Ooooppsss Tol! Maghinay hinay ka. Masyado ka nang mainit. Just chill bro. Maliit na bagay lang yan at wag natin palakihin.
Slater: Yes Stef, calm yourself. First day of school pa namn eh baka mapapunta na agad tayo sa DEAN'S OFFICE.

Bella:Please Stefano, Just give him another chance. Mukha namn syang mabait eh. Sabay tingin sa akin

Nakakuha rin ako ng pagkakataon upang maalis ang kamay nya sa pagkakahawak sa akin.

Akmang magsasalita sana ako eh ay sinenyasan ako ni Jacob na wag muna sumali sa diskusyon siguroy para pahupain ang init ng ulo ni Stefano na mayabang.

Stefano :Gago Tol eh!  Wala pang nangbabastos sa akin ng ganito!
I just want to give him a lesson. A lesson he will never forget.

Jacob: I got your point Bro, But I need to talk to….?
Ako: Edward. Mahina at malungkot kong tugon.
Jacob :Yes si Edward nga.
kakausapin ko lang si Edward saglit..
At dinala nga ako ni Jacob sa bandang likod upang makausap nya ako ng walang nakakarinig.

Jacob: Edward ako na ang humihingi ng paumanhin sa inasta ng bestfriend ko. Since we were kids, he used to act like that. Napaka dominant lahat gusto nasusunod. Iilan kaming kaibigan nya ang nakkaintindi sa kanya.

 Unico Hijo sya ng pamilya kaya lahat ng naisin at gustuhin eh nasusunod. Kaya sana maintindihan mo.

Ako: (So kailangan kami pa ang mag aadjust lagi sa ugali nya?) bulong ko sa aking sarili.
 Tumango na lang ako upang sumangayon. Nakkahiya na rin kasi kay Jacob dahil labas sya away namin ni Stefano.

Ako: Sige kalimutan na lang natin ang nangyari. At sana sa susunod kontrolin na nya ang init ng kanyang ulo. Siguro ako na lang iiwas sa grupo nyo para matahimik na tayong lahat.

Jacob: ( bigla ang nagbago ang pinta ng kanyang mukha, mas naging malungkot) at Tumango na lang din

Ako: Jacob mauuna na ako ha. Maiwan ko na kayo.

Jacob: Mag iingat ka.
Isang malungkot na tingin lang ang ginanti ko sa kanya.

Bago pa man ako nakalabas ay nagsalita si Stefano.

Stefano : Hoy Duwag! Saan ka pupunta, hindi pa tayo tapos!
Nang biglang..
Jacob: ENOUGH STEFANO!!
(medyo malakas na pagkakasabi nya)

Bakit ba galit na galit ka kay Edward! Hindi ka ba naaawa sa kanya?

Stefano: So kinakampihan mo sya?
Ako ang bestfriend mo! Remember?

Jacob: Pero kawawa na yung tao! In the first place wala namn talaga syang kasalanan sayo eh.

Stefano: So ganun? Ako pa talaga ang may kasalanan!?

Jacob: Wala akong sinasabing ganyan. Ang sa akin lang tol, kalmahin mo muna sarili mo. Wag tayong padalos dalos.

Stefano: Hindi pa kami tapos! May araw. din sa akin yang Edward na yan! Mark my word.

Pagkatapos nun ay agad na akong umalis at pumunta sa canteen. Dahil ayaw ko nang marinig anuman ang sasabihin nya.

Dahil 3 hours pa bago magsimula ang klase sa next subject namin ay nanatili muna rin ako sa canteen. Baka kasi madatnan ko pa dun si Stefano at siguradong magkakagulo na naman.
----------
30 minutes na akong nakatambay sa canteen. Sa may gitnang lamesa ako pumuwesto dahil dun na lang ang bakante. Wala rin akong kasama sa table. Marami na rin kasing estudyante  ang kumakain ng kanilang tanghalian.

Bumili muna ako ng clubhouse sandwich at Juice dahil sa mura ito eh nawalan na rin ako gana kumain ng kanin dahil sa nangyari kanina. Ayaw ko namn na walang laman ang tyan ko dahil medyo gabi na matatapos ang susunod na subject.

Habang kinakain ko ang sandwich ay nagbabasa na rin ako ng libro nang biglang may malamig na bagay ang bumuhos sa akin….

Splaaasssshhhhhhhhh..

Ako: What the F#CK!!
(really?again? For the second time ngayong araw?? sa loob loob ko na lamang)

Pagtingin ko ay hindi ako ngkamali ng hinala, si Stefano, binuhusan ako ng malamig na malamig na orange Juice. Hindi nya kasama si Jacob at yung mag jowa.
At dahil nga nasa gitna ako ng canteen nakaupo ay kitang kita ng lahat ang nangyari. Sobrang napahiya ako ng oras na iyon. Gusto kong sumigaw at kainin na lamang ng lupa at hindi na magpakita pa kailanman

Napansin kong pinagkakaguluhan at pinag uusapan na ako ng tao. Ang iba naman ay kumukuha ng pictures at video.

Stefano : hahahhaha Now, You've learned your lesson! Next time kilalanin mo muna kung sino ang kakalabanin mo ha. Dyan ka na!

Kung sino man ang tutulong sa kanya Pati kayo madadamay! Malakas nyang sambit
Sabay talikod at lumakad palayo at mukhang masayang masaya sa nangyari.
Kahit isang tao ay walang lumapit at tumulong man lang sa akin. Sguro ay natatakot rin na madamay sa nangyari.

 Naiwan akong mag isa. Pinagtatawanan
Pinag uusapan.
Basang Sisiw.
Nakatungo lang ako that time at hindi pa rin makapaniwala sa nangyari

Dahil hindi ko na nga alam ang aking gagawin at sasabihin dahil sa kahihiyan
ay tumayo at tumakbo na lang ako palayo. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Ang alam ko lang gusto ko munang lumabas ng campus. Gusto ko nang umuwi ng bahay. Bahala nang absent ako sa aking last subject. Total first day pa lang naman. Hindi ko na alam ang tumatakbo sa isipan ko. Gusto kong umiyak. Ngunit tinibayan ko ang loob ko. Sumakay na ako ng jeep pauwi.

 Pagkauwi ng bahay ay agad sana akong didiretso sa CR upang maligo ngunit nadatnan ko ang aking tatay nanunuod ng TV at agad akong nagmano.

Tatay: Oh anak bakit ang aga mo ata? Di ba gabi pa ang tapos ng klase mo?

Ako: Ahhh ehhh, hindi ho dumating ang aming Professor kaya maaga ho kaming pinauwi

Tatay: Bakit basang basang ka ata anak? Mukhang malagkit yang nasa damit mo? Anung nangyari sayo?

Ako:Aksidente lang to Tay, may hawak kasi akong Juice eh biglang may nakabungguan ako. Kaya ayun tumapon sa akin lahat-( pagsisinungaling ko kay Tatay)

Tatay: Ahh ganun ga, Sya maligo ka agad para hindi ka magkasakit.

Agad akong tumungo sa CR at binuksan ang shower. Habang nililinis ko ang aking sarili ay hindi pa rin maalis sa isipan ko ang nangyari maghapon. Inisip ko ang mga kamalasang nangyari sa akin.
Una naputikan at nabasa ang aking damit kanina habang papuntang school, Pangalawa muntik na akong masapak sa classroom,
At ang Huli nabuhusan ng Juice sa harap ng Maraming tao at napahiya ng sobra. At isang tao lang ang may kagagawan ng lahat ng iyun. SI STEFANO NATHANIEL MONTENEGRO .
Kung sa tingin nya ay susuko na ako at matitinag dahil sa mga ginagawa nya puwes nagkakamali sya.!
My dreams are bigger than my Detractors! HE JUST FUELED THE FIRE INSIDE OF ME!

HE WANTS WAR?
I'LL GIVE HIM WAR!!

itutuloy……

No comments:

Post a Comment

Read More Like This